Hello guys! Hehe ito na naman ang walang kwentang author niyo! Hahaha. Gusto ko lang sanang magbigay ng mensahe sa inyong lahat. Pagbigyan niyo na ako. Hayaan niyong sayangin ko ang ilang minuto ng buhay niyo sa pagbabasa ng message ko. XD
Ako po ay taos pusong nagpapasalamat po sa inyo. Sa lahat ng sumuporta at nagbasa ng istoryang ito. Sa mga bumoto at nagkomento. Sa mga nagpadala ng mga mensahe sa akin through dm's, sa wall, sa comment section. Sa mga naging kaibigan ko po dito. Sa mga nandyan pa rin hanggang ngayon at nanatili. Sa mga FLAMERS na mga avid readers ko (Yan daw kasi gusto nila tawag sa kanila. Yan yung mga kulto ko. Orayt!) Sa mga kapwa authors na tumulong sa akin at naging kaibigan ko na rin.
Maraming salamat po sa inyong lahat! Maraming salamat po talaga.
Nagpapasalamat po talaga ako sa inyo dahil nakayanan ko itong tapusin dahil sa mga encouragement niyo at sa undying support na inyong binigay. Medyo masakit man ng nabura ito noon dati. Flex ko lang. 1.6 million reads na 'to noon at 53k votes. (Flex ko lang kasi achievement talaga siya sa akin eh. Hayaan niyo na ako. Para maalala ko yung sakit nung nabura. Hehe) Binura ni watty kasi nauto ng mga reporter. HAHAHA ಠ╭╮ಠ
Sobrang proud lang talaga ako sa sarili ko kasi nakagawa ako ng istorya. Napaka-ironic nga eh. Kasi tamad po talaga akong magsulat. Ewan ko ba talaga. Naaalala ko pa nga noong college pa ako. Isang paragraph lang sinusulat ko talaga kapag sa mga bweset na essay na yan. Minsan nga dalawang sentence lang kasi ang tamad ko talaga magsulat. Gusto ko kasing multiple choice lang. Yung A B C D test lang. (Tsaka andaling mangopya! Hehe)
Salamat sa tropa ko kasi ikaw dahilan kaya sinulat ko 'to! Kampai bok! Hehe.
(☞゚ヮ゚)☞ ☜(゚ヮ゚☜)
Sana makapagsulat pa po ako ng ibang libro at sana tangkilikin niyo pa rin. Isang napakalaking bagay po kasi ang support ninyo sa aming mga nagsusulat. Parang fulfillment na rin sa amin kumbaga.
Talagang natapos na ang libro.
Tuluyan na pong nagsara ang kurtina ng entablado. Ang huling pahina ng libro ay tuluyan ng natapos. Pero sana kahit nagsara man at natapos ay sana napasaya ko kayo sa aking kwentong naisulat. Sana may na inspire ako at sana may na inspire ako para magsulat.
Mamimiss kayo nila Kurt, Solomon, Henry, Oliver, Roland at Bernard. Of course ang tropa nating si Nathan mamimiss din kayo! Syempre, 'wag nating kalimutan. Sobrang mamimiss kayo ng favorite niyo na si Lester! WAHAHAHA ^_^v
Higit sa lahat. Hindi kayo makakalimutan nila Pang William at ni Ga Jessie.
Nawa ay sumaya kayo sa kanilang istorya. Sana ang istoryang ito ay magbukas din ng mga pintuan sa mga panibagong istorya na inyong kagigiliwan.
Ito ang inyong aspiring writer. Amari Flames po!
Hanggang sa muli. Orayt! \ (•◡•) /
❤❤❤
Thank you so much po talaga rito, AF! Cheers for more! <3
ReplyDelete