Thursday, July 1, 2021

BSL - KABANATA 48

 


KABANATA 48 Hamon


Sobrang linis na ng bahay sa loob at labas. Kumikintab ang sahig at ang bango ng buong kabahayan, ramdam mo ang kalinisan. Ang mga kurtina ay napalitan na. Mga palamuti at mga labada ay nalabhan na rin. Lahat ng gawaing bahay ay natapos ko na sa araw na ito.

Abalang-abala ako ngayon sa pagluluto dahil gusto kong surpresahin si papa sa pag-uwi niya. Araw na ng pagtatapos ng seminar ng aking ama. Ngayon na siya uuwi kaya minabuti ko na maghanda para sa kanyang pagbabalik sa aming tahanan.

Napapangiti pa ako kapag naaalala ko ang nangyari noong pinuntahan ko siya sa seminar niya sa Ilocos, nang ma miss niya ako. May mga pangako siyang binitawan sa akin na pinanghahawakan ko.

Hindi kami sabay na nakauwi kasi nauna akong bumalik. Hindi pa kasi natatapos ang seminar niya. Binisita ko lang talaga siya dahil hindi ko siya matiis sa pagksabik niya sa akin, maging ako rin naman. Hindi kasi niya tatapusin ang seminar niya at uuwi na dahil gusto na niya akong makasama.

Mabuti na lang at pinuntahan ko siya kaya napagpasyahan niyang tapusin na lang ito.

Ngayon na ang araw na magtatapos ang seminar niya. Uuwi na siya.

Malapit ng dumilim at tiyak darating na siya anumang oras. Ilang sandali na lang din ay malapit ng maluto ang hapunang inihanda ko para sa kanya. Sigurado akong gutom na gutom yun kapag nakauwi na.

Pangiti-ngiti pa ako habang naghahalo. Excited na ako sa pagdating ni papa. Dinamihan ko rin ang kanin dahil alam kong mapaparami siya ng kain ngayon. Kahit na medyo nahihilo ako at medyo masakit ang aking ulo ay ininda ko na lamang ito. Dahil siguro ito sa pagod ko at sa init ng panahon.

Kamakailan lang ay napapansin ko na palagi na lang sumasakit ang aking ulo. Ako naman kasi, hindi nagpapaawat sa paglilinis ng bahay at palaging may ginagawa kaya hindi ako napipirmi.

Naupo na lang ako sa hapag para makapagpahinga at para magbantay sa aking niluluto.

"Salamat at uuwi na rin si Papa. Sobrang miss ko na siya." hindi ko napigilan ang mapangiti.

*Ring... ring... ring... ring...*

Bigla na lang may tumawag sa akin. Si Nathan ito.

"Hello? Oh tol, bakit napatawag ka?" tanong ko.

"What's up Brotha? Musta na?"

"Ang O.A mo, magkasama nga lang tayo nung nakaraang araw eh. Ano bang pakay mo huh?"

"Ito naman, ang sungit-ungit!" dabog niya.

"Alam kong may kailangan ka... ano ba yun? Diretsahin mo na nga ako. Ang dami pang paligoy-ligoy eh."

"Tang ina... kilalang-kilala mo na talaga ako tol. Touched ako men." natatawa niyang wika.

"Ang drama mo, heh! So ano nga?"

"Tol, kulang kami bukas sa basketball team natin. Kailangan namin ng isang player. Tol, pwede sali ka? Para naman 'to sa department natin eh. University days na kaya bukas. 'Tsaka championship na 'to. Tapos na kasi ang elimination last week. Tol, kailangan ko ang tulong mo."

"Jusmiyo! Nasisiraan ka na ba? Baka ako pa ang dahilan para matalo ang team niyo sa basketball! Maghanap ka nga ng iba... ang dami namang mga bench warmer d'yan sa team niyo eh. 'Tsaka ako lang ang maliit dun. Ang tatangkad niyo kaya. Hanap ka na lang ng iba."

"Ang lalampa nila! 'Di hamak na mas magaling ka dun. Sige na... tol please?"

"Ayaw."

"Sige na tol... sige na." malambing niyang pakiusap.

"Hoy! Tigil-tigilan mo nga 'ko Nathan! 'Wag ka ngang magpa-cute tarantado! 'Di bagay sa'yo!"

"Tol naman, sumali ka na. Para sa department naman natin 'to. Para naman mag-overall champion tayo sa university."

"Lampa rin ako... matatalo lang tayo kapag sumali pa ako."

"Lampa? Eh natatalo mo pa nga ako kapag nagsho-shooting race tayo sa arcade sa mall at kapag naglalaro tayo sa court sa lansangan. Tol, alam ko ang kakayahan mo kaya ikaw ang naisip kong makakatulong sa akin. Kung alam mo lang... sa totoo lang ay magaling ka talaga. Pero sa dribbling, hmnn... medyo lampa ka nga."

"Pisti ka! Ang sakit mo magsalita ah!"

"Basta, sali ka bukas huh? Ipapalista kita. Basta, sumali ka na. May libreng varsity uniforms at may pocket money pa." pang-eengganyo niya.

"Hay, alam mo naman na hindi ako magaling. Medyo marunong lang akong maglaro pero hindi talaga ako magaling d'yan tol. Maghanap ka na lang talaga ng iba. Ang dami namang pwedeng mahanap na iba d'yan."

"Sige na tol... alam ko na ang galawan mo kapag naglalaro kaya swak tayo magkapares sa court. Basta, sali ka bukas huh? Hihintayin kita."

"Hindi nga ako sasali! Busy ako bukas ka—"

Bigla na lang niyang ibinaba ang phone kaya hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko.

"Bweset! Nakakainis din talaga 'tong unggoy na 'to!"

Mabilis ko siyang tinawagan subalit wala na pala akong load. Kahit pang text man lang ay wala din. Naiinis akong napabuntong-hininga. Dumagdag pa sa sakit ng ulo ko ang inis ko kay Nathan.

"Hindi na lang siguro ako magpapakita dun sa ugok na yun bukas." ang nasabi ko na lang.

Hindi ko man lang napansin na university days na pala bukas. Walang pasok pero busy pa rin ako sa school. Papasok pa rin ako bukas para mag-aral sa library. Dapat na mag-aral pa ako para makamit ko ang pagiging Summa Cum Laude na siya kong pangarap.

Kailangan kong bumawi dahil sa sem na lumiit ang mga grades ko. Noong mga panahon na nawala ang scholarship ko. Buti na lang at wala akong pabagsak na marka. Kaya, kaya ko pang makahabol.

Matunog ang pangalan ko sa department namin dahil lagi akong nangunguna sa dean's list. Kakayanin ko pa ito dahil ng ma-compute ko ang grades ko ay pang Magna Cum Laude ang total average nito.

Magsisikap ako para kay papa. Para sa kanya.

Gusto ko na maging proud si papa sa akin at sa kauna-unahang pagkakataon ay makakaakyat na rin siya ng entablado para sabitan ako ng medalya at maipagmamalaki niya na rin ako. Gagawin ko lahat, mag-aaral ako ng mabuti para matupad ang aking pinapangarap.

Lalabas na sana ako ng bahay para magpa-load, subalit ng buksan ko ang pintuan ay nagulat ako sa bubungad sa akin.

"Pa!" bulalas ko.

Napangiti siya

Mabilis akong yumakap sa kanya ng sobrang higpit dahil sa tuwa.

"Surprise! Nandito na ako." masaya niyang ani.

Binitawan niya ang dala-dalang mga bag at ako ay kanyang binuhat bigla na parang bata gamit lamang ang isa niyang braso. Kumapit naman ako sa kanyang balikat na sayang-saya dahil sa pagbabalik niya. Umupo siya sa sofa na buhat-buhat pa rin ako at kinandong sa kanyang hita.

"Miss na miss ko itong baby ko... miss na miss!" at paulit-ulit niya akong pinupog ng halik sa aking leeg at pisngi na parang nanggigigil sa isang sanggol.

Tuwang-tuwa naman ako at hinayaan ko lamang siya na ituring akong paslit. Talagang sobra ko rin siyang na miss. Tumigil lang siya sa pakikipagharutan nang mapansin niya ang aking niluluto.

"Ang bango-bango naman! Sinigang na sugpo ba yang naaamoy ko?"

"Opo! Nagluto po ako ng paborito ninyo!"

"Wow! Saktong-sakto at gutom na gutom na ako 'nak. Sige, kain na tayo!"

"Sige po!"

Mabilis kong inihanda ang hapag at kami ay kumain na. Hindi nga nagbibiro si papa at talagang gutom na gutom siya. Ilang beses din siyang nakadagdag ng kanin at ulam.

"Hinay-hinay lang po Pa. Marami pa po sa kawa." awat ko sa kanya na siya niyang ikinangiti.

"Sarap mo kasing magluto 'nak." at ginulo niya pa ang aking buhok.

Ngumiti lang ako.

Nang matapos kaming kumain ay agad akong naghugas ng mga pinagkainan at sumunod sa kanyang naupo sa sofa. Tumabi ako sa kanya at nahiga sa kanyang balikat.

"'Nak, nag-ayos ka ba ng bahay? Bago ang mga kurtina at sobrang linis ng bahay ah. Pwede na nga akong manalamin sa sahig dahil sa sobrang linis eh."

"Opo, naglinis po ako ng bahay at naglaba na rin po. Wala kasi akong magawa Pa eh. "

"Napaka-very good mo talaga 'nak." at humalik siya sa aking pisngi.

Ngumiti lang ako sa kanya at masaya kaming nanood ng palabas. Hanggang sa naisipan naming matulog na dahil lumalalim na ang gabi. Sabay kaming umakyat sa itaas.

Mabilis akong sumampa at humilata sa kama dahil sa pagod. Habang si papa naman ay naghuhubad pa ng kanyang mga damit.

Brief lang ang kanyang itinira dahil ito naman palagi ang kanyang suot kapag natutulog at saka ay tumabi na sa akin upang mahiga na rin. Pinahiga niya ako sa kanyang braso at marahang hinaplos ang aking buhok.

Lumipas ang ilang minuto at napansin ko na sobrang tahimik ni papa. Panay ang kanyang buntong-hininga at parang napakalalim ng kanyang iniisip.

"Pa, may problema ho ba?"

"Ah, ano... wala naman anak. Pagod lang si Papa. Napagod ako sa biyahe. Sige, tulog na tayo at maaga pa tayo bukas. Alam ko na pagod ka rin."

"Oo nga po, sobrang pagod na pagod nga po ako. Sige po Pa, good night!"

"Oh, asan na ang good night kiss ko?" malambing niyang tanong.

Napangiti na lang ako at humalik sa kanyang pisngi ng tatlong beses. Humalik naman siya sa aking noo ng tatlong beses bilang tugon. Yumakap lang ako sa kanya hanggang sa dalawin ako ng antok at nakatulog na.



PALINGA-LINGA at maingat akong naglalakad sa pasilyo ng aming unibersidad. Hindi na maaga pa at marami ng estudyante ang nasa unibersidad para maghanda sa kani-kanilang booth.

Maraming events ngayon sa paaralan at maraming mga outsider ang pwedeng pumasok dahil umpisa na ng university days. Gaganapin ito ng tatlong araw at walang klase ang lahat.

Nagtatago ako ngayon at umiiwas at baka makita ako ni Nathan. Sigurado ako na wala akong kawala kapag nahuli niya ako. Mapipilitan ako na sumali sa basketball match na mangyayari sa hapon. Kaya naman nagmamadali akong pumunta ng library para hindi niya ako makita.

Pero sa kasamaang palad ay sarado ang library ng dumating ako rito. Naisipan ko na pumunta na lang ng canteen para magpahangin dahil wala naman akong mapapagkaabalahan. Tumambay muna ako sandali pagkatapos ay naisipan ko na umakyat sa 4th floor para sumilip sa aking silid-aralan kung may tao.

Nang ako ay medyo malapit na ay nagulat ako. Ang daming tao sa loob ng classroom na pumapasok at lumalabas. Pagpasok ko sa loob ay ibang-iba ang nasaksikan ko. Biglang nagbago ang loob nito.

May mga magagarang lamesa at may mga taong kumakain sa loob ng aming classroom. Parang naging isang mini café ito. Nakakamangha nga at talagang nabago ito ng tuluyan. Hindi mo aakalain na classroom ito dahil sa ganda ng disenyo ng mga palamuti.

Sinadya ring tabunan ng makakapal na kurtina ang mga dingding at makakapal na telang nagbibigay kulay at impresyon na mamahalin at sosyal ang nasa loob ng silid. Pati ang bubong ay nabago. Ang mga upuan naman namin ay nawala at napalitan ito ng mga bagong upuan. Ang mga lamesa ay napapalamutian at ang lahat ng sulok ng buong silid ay nilagyan ng mga bulaklak.

Ang mga classmate kong lalaki ay nakauniporme na parang isang butler. Habang ang mga babae naman ay nakasuot ng uniporme na parang maid.

"Hoy Jessie! Anong tinatayo-tayo mo d'yan? Tulungan mo nga 'ko rito!" sita ng kamag-aral kong babae habang bitbit ang isang tray ng pagkain.

"S-sandali lang." taranta kong sagot.

Na-realize ko na ito pala ang napag-usapan namin ng mga classmate ko para sa university days. Ito ang tema na aming napagkasunduan para sa aming café na negosyo.

Katulad ito sa mga nauusong negosyo at pumapatok sa mga eskwelahan sa bansang Japan at Korea kaya ito ang aming naisipan, dahil nahuhumaling ang mga estudyante ngayon sa mga kainang ganito.

Sa sobrang okupado ko sa pag-iisip kung kailan makakauwi ang aking ama noong nakaraang linggo ay nakalimutan ko lahat ng obligasyon ko sa aking mga kamag-aral. Masyado kasi akong nag-alala at sobra kong na miss si papa. Tuloy, nakalimutan ko ang gagawin sa araw na ito.

Sobrang pumatok ang business na naisipan namin ng mga classmate ko. Patok na patok ang maid/butler café na negosyong napag-isipan namin. Madami ang customer kaya dapat mabilis ang aming kilos.

Nakapagbihis na rin ako ng aking costume sa cr na ibinigay sa akin at mabilis kong kinukuha ang mga order ng mga gustong kumain. Nasa baba lang ng buliding ang booth namin at dito niluluto ang lahat ng mga cakes, pastels, tinapay at kahit anu-ano pang mga dessert na nasa aming menu.

Mabuti na lang at magaling mag-bake ang dalawa kong classmate. Palibhasa kasi may-ari ng bakery.

Pati na rin mga shakes, tea, juice at ang mga klase-klaseng inumin ay doon ginagawa at kapag finish product na ay inaakyat namin ito sa aming silid aralan para ihain sa aming mga customers.

Habang abala ako sa pag-aasikaso at pagkuha ng mga order ay napansin ko na sa isang table, kung saan may mga babaeng nakaupo ay panay ang bulungan nila habang nakatingin sa akin.

Bigla tuloy akong nahiya at hindi nakapagsilbi ng maayos. Pansin ko rin na halos babae ang mga kumakain. Ang nakakaasiwa pa ay panay ang sulyap nila sa akin. Tuloy, medyo naging limitado ang aking kilos.

Nang kumonti na ang mga tao ay saka pa lang kami nakapagpahinga ng mga kasama ko. Bente kaming lahat sa isang silid-aralan na magkakaklase. Kaunti lang kami sa aming block section subalit siyam lang ang pumasok ngayon at halos puro babae pa.

Tatlo lang kaming lalaking pumasok kaya naman sobra kaming napagod. Mabuti na lang at nagsalitan kami sa pag-akyat baba para kunin lahat ng mga orders at sa pagsisilbi.

Saglit lang kaming nakapagpahinga. Nang magtanghalian na ay mabilis lang kaming kumain dahil dumami na naman ang mga customers. Talagang nabugbog kami sa pagsi-serve.

Mabuti na lang at sanay na ako rito dahil nakapagtrabaho ako noon ng part time job sa isang fast food chain kaya madali lang sa akin ang lahat. Hindi katulad ng mga kasama ko na mga anak mayaman kaya hindi nasanay.

Mabilis ang takbo ng oras. Hanggang sa sumapit na nga ang alas singko sa hapon at nagsara na kami.

"Hay... sobrang nakaka-drain. Nakakapagod! Buti na lang at dumating ka Jessie. Kulang na kulang tayo sa tao." ani ng classmate kong babae na nagngangalang Lily.

"Oo nga, buti na lang at dumating si Jessie. Kung hindi siya dumating baka kaunti lang ang customers natin." sabat naman ng isa na si Daphne.

"Huh? Anong ibig sabihin mo Daphne?" nagtataka kong tanong.

"Talaga ba Jessie? Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam na crush ka ng bayan dito sa university? Kung anong ikinatalino mo, yun din yung ikina-slow mo. Hay naku." saad ni Lily.

Natawa ako sa kanilang sinabi.

"Hindi naman ako gwapo noh. Sakto lang." sagot ko.

"Nagpa-humble ka pa bro. Kung ako may ganyang mukha. Siguro dose-dosena na ang syota ko ngayon." ani naman ng lalaki kong kaklase na si Ryle.

Nagtawanan na lang sila dahil sa sinabi ni Ryle at hindi ko naiwasang mahiya sa aking mga narinig mula sa kanila. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Hindi ko kasi aakalain na may itsura pala ako.

Nang mailigpit na namin ang lahat at nasaayos na ang classroom ay halos alas sais na. Binilang pa namin ang aming kita at itinabi na muna ito. Nagulat pa kami na halos Labin-walong libo ang kinita namin. Nagpalakpakan kaming lahat dahil sa aming nalikom na pera.

Madami pa ring tao sa school kahit na gumagabi na. Parang hindi kumukonti ang mga tao. Maraming pumapasok kaysa lumalabas. Parang may inaabangan yatang event ang mga tao. Pansin ko rin na atat na atat yata ang mga kasamahan ko na pumunta ng aming gymnasium. Hindi ko alam kung bakit.

Ninais ko na umuwi na para naman makapaghanda ako ng hapunan. Kaya ng makapagpaalam na ako ng maayos sa mga kasamahan ko ay umalis na kaagad ako.

Pauwi na sana ako ng hindi ko inaasahang makikita ako ni Nathan sa lobby ng eskwelahan. Natigilan na lang ako at hindi nakagalaw. Mabigat ang kanyang mga paang lumapit sa akin at talagang mapapansin mo ang inis sa kanyang mukha.

"Asan ka ba galing? Kanina pa ako tawag nang tawag sa'yo pero hindi mo naman sinasagot?" ani niyang galit.

"Eh kasi tol, busy ako sa café business ng classroom namin. Naging busy ako sa pagsi-serve ng pagkain eh. Oh kamusta na ang laro, panalo na ba kayo?" pang-iiba ko ng tapiko para maligaw ang usapan.

"Magsisimula pa lang ang match... kaya hali ka na!"

"ANO?!"



NANGANGATOG ang aking mga paa habang nakikinig sa coach ng aming basketball team sa aming department. Parang gusto kong himatayin sa dami ng taong nag-aabang. Punong-puno ang gymnasium dahil sa dami ng taong gustong manood. Sobrang lakas pa ng mga hiyawan ng mga tao.

Ngayon na ang huling match at championship na. Business Administration department laban sa Engineering department.

Hindi ko alam kung bakit ako napunta rito. Halos gusto ko ng mawalan ng malay at mag-evaporate na lang sa sobrang kaba at pressure.

Sus maryosep! Maghimatay-himatayan na lang kaya ako? Hindi ko carry 'to. I cannot! I can't even. Hindi ko kakayaning makipagdigma sa mga barakong 'to! Ang tatangkad nila! Baka kaunting bangga lang dudugo na 'tong ilong ko dito. Help! Help! Taranta kong sabi sa isip-isip ko.

Nang tumingin ako sa kabilang team na nasa kabilang dako ay masama ang tingin na ipinupukol nila sa amin. Ang tatangkad pa ng mga hinayupak. Parang mga higante. Pero hindi naman pahuhuli ang team namin, matatangkad din itong mga kasama ko. Kaso ako lang yata ang hindi matangkad dito sa amin. Nagmumukha akong duwende.

Pero ang mga bench warmer namin ay kasing tangkad ko lang din. Pero ako pa rin ang naisali. Gusto ko ng umalis na parang ninja dahil sa sobrang kaba.

Bakit ba kasi walang ibang sumali. Nadamay pa tuloy ako.

Juice colored! Kahit manawagan ako sa mga brilyante ay hindi uubra ang kinang ng pinagsama naming lakas dito. Ang liwanag ng apoy ni Pirena ay hindi tatalab sa mga taong ito. Tulong! Tulungan niyo ko! Alis na 'ko! Gusto ko ng umalis! Uwi na lang ako! Naghuhumiyaw kong sigaw sa aking isipan na hindi na alam ang gagawin.

"Tol? Okay ka lang ba?"

Nagising ako ng tapikin ni Nathan ang aking balikat.

"W-wala... wala tol." kinakabahan kong sagot.

"Basta, pasa mo lang sa akin ang bola tol. Mananalo tayo! Pero kung kaya mo namang i-shoot. Shoot mo lang!" kompiyansa niyang sagot.

"O-okay." napipilitan kong sagot.

Eh kung ikaw kaya ang i-shoot ko sa ring? Total mukhang bola naman yang ulo mo! Takte, I call upon the universe... tulungan niyo 'ko!

Nang pumito na ang referee ay nagsimula na ang tagisan. Magsisimula na rin ang hinihintay ng lahat. Pumwesto na kami sa gitna ng court at magsisimula na ang laro. Si Nathan ay ang naging center ng team dahil na injured ang isa naming kakampi. Kaya naman nandito ako ngayon dahil ako ang ginawang pamalit ng tukmol.

Isa... dalawa... tatlo... at nagsimula na ang jump ball.

Sabay na tumalon si Nathan at ang kalaban niya kung sino ang makakakuha ng bola.

Hiyawan ang mga tao ng makuha niya ito.

Mabilis na nag-dribble si Nathan at tumakbo papunta sa kabilang side ng court para makapuntos. Hinarangan kaagad siya subalit mabilis si Nathan kaya sa isang iglap ay nalagpasan niya ang kalaban at mabilis na nag-layup.

"WHOOOAAAAHHHH!!! HAAAAHHHH!!!" sigawan ang mga manonood.

Two points para sa team namin.

"Nice one bro!" at nag-fist bump sila ng isa naming kasamahan.

Nag-two thumbs up naman ako sa kanya. Ngumiti lang siya.

Sige, kaya mo yan Nathan! Okay lang sa akin na maging flower-flower dito.

Sobrang ingay ng buong gymnasium. May kanya-kayang manok ang lahat, may kanya-kanyang isinisigaw at sinusuportahan para manalo. Mabilis na tumakbo ang mga minuto at ang bawat sandali ay nakakakaba at nakakapanabik. Halos naghahabulan lamang ang mga puntos at walang balak magpatalo ang bawat koponan.

Nagpasiklab ng galing si Nathan. Talagang siya ang star player ng unibersidad. Halos lahat ng puntos ng aming team ay dahil sa kanya. Kapag nakakapuntos siya ay kaagad naghihiyawan ang mga tao. Lalo na ang department namin at mga babaeng mga tagahanga niya.

May fans club pa nga siya at may dala pa itong mga poppers at balloons na letrang binubuo ang kanyang pangalan. Pati mga karatola.

"Nathan! Anakan mo ako pleaasseee!!!" sigaw ng isang tagahanga.

"Nathan I love you!"

"Go Nathan! Go Nathan! Go Nathan!"

Ang sigaw ng kanyang mga tagasuporta.

Halos kanyang pangalan ang nangingibabaw sa buong gymnasium. Talagang sikat siya. Ngumingiti naman ang kumag at nagpa-flying kiss pa kaya mas lalong sumigaw at natunaw ang mga tagahanga niya.

Layups, pass, rebound, dunk at free throws ang nagparami ng kanyang mga puntos. Kaya naman hindi kami basta-bastang matatalo sa lagay na ito. Hindi na rin ako kinakabahan at naging kalmado na. Lalo pa at natambakan na amin ang kalaban.

Combo kaming dalawa, kung nakukuha ko ang bola ay pinapasa ko kaagad ito sa kanya para i-shoot niya. Sa pagiging kalmado ko ay nakapaglaro ako ng maayos. Nakakapuntos din naman ako at sa tuwing nagagawa ko ito ay halos kargahin ako ni Nathan sa sobrang tuwa.

Kaya sa katagalan na paulit-ulit kong ipinapasa ang bola sa kanya ay napansin na nila ang aming taktika. Sa tuwing nakukuha ko ang bola ay kaagad akong binabantayan at hinaharangan ng dalawa kaya nahirapan ako na maipasa sa kanya ang bola.

Pinag-aagawan nila ako! Char.

Hanggang sa magtagal pa ang laro at nasa 3rd quarter na kami ay bigla na lang akong siniko sa aking tagiliran ng kalabang player. Na talaga namang sinasadya ng makuha ko ang bola kaya bumulagta kaagad ako sa sahig.

Mabilis na pumito ang referee at sumenyas.

"Foul!" sigaw nito.

Mabilis na tumakbo si Nathan sa akin at inalalayan ako kaagad upang itayo ako.

"Tol, okay ka lang ba?"

"Oo tol, okay lang ako." sagot ko na napahawak pa sa aking tagiliran dahil sa sakit.

"Gago ka ah! Tang ina ka! Alam ko na sinadya mo yun!" singhal niya sa lalaking sinadya akong sikuhin at patumbahin.

Kinwelyuhan pa niya ito kaya mabilis na nagtakbuhan ang aming mga kasamahan para pigilan siya. Pati na rin sa kabila.

"Tol tama na. Baka ma technical foul ka. Tama na tol. Hindi naman ako napano eh. Tama na." awat ko sa kanya.

Pumagitna na ang referee para awatin sila at hinila namin siya ng mga kasamahan namin upang mailayo sa lalaking nanggagalaiti siya. Talagang nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit. Nakakatakot ang kanyang mukha. Parang anumang segundo ay papatay siya ng tao.

"Tang ina! Gago ka! Ano suntukan na lang? Tang ina ka! Putang ina kang gago ka! Ang lakas ng loob mong saktan ang kaibigan ko porket maliit 'to. Ako ang harapin mo! Gago ka!" sigaw niya habang hinihila namin siya palayo.

Nagsisigawan na rin ang mga tao. Kaya nag-time out na muna kami sandali.

"Boo... boo... boo... boo... boo..." sigaw ng mga manonood.

"Tol, tama na sabi eh."

Ngunit patuloy pa rin siyang hindi nagpapaawat kaya hinila namin siya pabalik sa bench. Pati ang coach namin ay pinakalma siya.

"Tang ina! Dapat i-technical foul yun! Ano coach? Hindi pupwede ang ganyang attitude sa court coach!" pangangatwiran niya.

Wow huh? Coming from you pa talaga to?! Natigil nga sandali ang game dahil sa'yo eh. Sa kaka-wild mo d'yan.

Sa isip-isip kong sabi na mataray.

Hindi pa rin siya nagpaawat at sige pa rin siya sa kakadakdak sa sobrang galit. Kaya ng hindi nagtagal ay napuno na rin ako. Hindi ko napigilan ang aking sarili at bigla ko na lang siyang nabatukan.

Natigilan ang lahat pati siya dahil sa aking ginawa.

"Ano? Tumahimik ka? 'Ra ulo! Ang ingay-ingay mo. Eh, ako nga itong na agrabyado eh hindi naman ako tumalak. Get in your senses!" sigaw ko sa kanya.

Nagkatinginan na lang ang mga kasamahan namin sa pagkagulat at hindi nakapagsalita.

"Sorry tol." at napakamot siya sa kanyang ulo.

Naging kalmado na rin siya.

"Oh ano? Ano pang hinihintay natin? Let's go! Fight! Fight!" sigaw ko.

"Let's go fight! Fight!" sagot naman nila na parang tumaas ang morale.

Naghiyawan ang mga manonood ng makita ang pagbabalik namin sa court. Habang inakbayan naman ako ni Nathan.

"Tol, salamat at binasag mo ang kababawan ko. Sorry tol."

"Wala yun." sagot ko na lang na natatawa.

"Umayos ka! Bigwasan kita d'yan eh." pagpapatuloy ko pa.

Natawa siya sa aking sinabi.

Nawala na ang kaba ko sa aking sarili. Desidido ako na ibigay todo ang lahat para manalo ang koponan namin. Bumalik na kami at pumwesto uli at nagsimula na naman ang laro.

Maligalig ang bawat isa at ganadong maglaro. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang nagka-injury si Nathan ng matipalo ang paa nito ng matapos itong mag-rebound.

"Aaaahhh!" hiyaw niya at saka ay natumba.

Napahawak siya sa kanyang paa at halata ang sakit sa kanyang mukha. Nagtatakbo akong lumapit sa kanya at alalang-alala siyang inalalayan. Sandali na namang natigil ang laro dahil sa nangyari. Kaagad na inalalayan namin si Nathan para makabalik sa bench habang namimilipt siya sa sakit.

"Tol, okay ka lang ba? Sobrang sakit ba ng paa mo?" halos taranta kong ani dahil sa kanyang kalagayan.

"Tol, ang sakit. Shit, bakit ngayon pa kasi ako nagka-injury. Tang ina naman!"

Sobrang frustrated niya. Wala kaming magagawa kundi ang pagpahingahin siya. Mabilis na umagapay ang medic at ginamot ang kanyang paa. Babantayan ko sana siya pero kailangan ko ng bumalik sa court. Kailangang magsimula na ang laro kahit na wala siya.

May pumalit naman sa kanya subalit talagang lalampa-lampa. Akala ko ay ako ang magiging pabigat noong nag-aalangan pa akong sumali. Ngayon ko na na-realize na ako lang pala ang bubuhay sa aming team ng nawala si Nathan dahil ako lang ang nakakapuntos.

Subalit mabilis na tumakbo ang mga minuto. Hindi namin inaasahan na mabilis na mahahabol ng aming kalaban ang aming lamang sa kanila. Lalo pa at nasa kanilang team din naman ang kasamahan ni Nathan sa university team namin sa basketball na talagang magaling din.

Magaling ang nagngangalang Roland na ace player nila. Ilang three points, jump shots, fade away at alley oop. Samahan mo pa ng bank shot at mabilis nilang nahabol ang aming lamang.

Pagod at hinihingal na ang aking mga kasama. Nawalan na sila ng lakas ng loob at hindi na sila naglalaro ng maayos. Hanggang sa mas lalong tumatagal pa ay mas lalo silang nanghihina dahil sa pagkawala ng center power forward namin.

"Time out!"

Ginamit na ng coach namin ang time out na natitira. 12 seconds na lang ang natitira at matatapos na ang laro. 85-87, lamang ang kalaban.

Galit na galit na nagsisigaw at pinagalitan kami ng coach sa labas ng court. Wala na kasi sa ritmo at nagkalat kaming lahat. Wala na kami sa tamang focus. Habang maingay na nagsasalita ang aming coach ay napansin ko si Nathan sa gilid ng bench na nakaupo. Malungkot na nakatingin sa sahig at talagang nananamlay.

Tahimik akong umalis at siya ay nilapitan para hindi mapansin ng coach namin.

"Tol, okay ka lang ba? Sobrang sakit pa ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na masyadong masakit tol. Ang mas masakit ay kung matatalo tayo ngayon dahil sa akin. Ang tanga ko talaga, hindi ako nag-iingat."

"Tol, hindi mo ito kasalanan. Walang may kasalanan. Laro lang 'to tol. May nananalo at may natatalo. Pero ang mahalaga ay mangibabaw ang paglalaro na may sportsmanship para sa pagkakaisa. Yun ang mahalaga."

"Tol, alam mo naman na dito lang ako magaling 'di ba? Alam mo naman na bobo ako sa school. Ito na lang ang maipagmamalaki ko. Tapos ngayon ako pa ang magiging dahilan kaya matatalo tayo. Tol, laro lang ito. Oo, alam ko na laro lang 'to. Pero malaking bagay 'to para sa akin para mapansin ako sa larangan ng basketball. Gusto kong ipakita na may ibubuga ako."

"May nakamasid pa naman ngayon mula sa professional league kaya naman gusto ko na magpakitang gilas sa kanila. Eh na injured ako. Baka hindi na nila pansinin ang skills ko sa paglalaro dahil lalampa-lampa ako." malungkot niyang pagpapatuloy.

Natahimik ako. Pagdating talaga sa basketball ay seryoso siya. Pangarap niya kasing makasali sa professional league at makapaglaro sa ibang bansa. Sobrang lungkot ni Nathan ngayon. Masakit para sa kanya ang matalo. Lalo na at sobrang napaka-competitive niya sa larong ito. Hindi lang laro ang basketball sa kanya. Buhay niya ito.

"'Wag kang mag-alala tol. Mananalo tayo, itaga mo yan sa bato." sagot ko sa kanya.

Nagulat siya sa aking sinabi.

Kaagad akong bumalik at nakinig sa istratehiya na aming gagawin upang manalo. Ipinaliwanag ng coach namin ang gagawin at masusing nakinig ang lahat sa amin.

"Jessie... ikaw ang magdadala ng bola. Fast break tayo. Pumuntos ka lang at sadyain mo na ma-foul ka nila para may free throw tayo. Team, siguraduhin niyong bantay sarado, man-to-man offense tayo."

"Yes coach!" sagot naman namin.

"Jessie, sa'yo nakasalalay ang larong ito. Mabilis kang gumalaw kaya alam ko na malulusutan mo yang si Roland. Kaya natin ito... kaya let's break a leg! Mananalo tayo!" kampanteng sagot ng aming coach.

"Okay team... fight! Fight!" sigaw naming lahat.

Nakabalik na kami ngayon sa court at kami ang may hawak ng bola. Tatlong segundo na lang at kailangan na naming maka-score ng dalawang puntos para mag-overtime o higit pa para manalo na.

Jessie kaya mo 'to. Para 'to sa kaibigan mo. Para kay Nathan!

Isang overhead pass at kaagad na naipasa sa akin ang bola. Diretso akong nag-opinsiba para makapasok sa kabilang court. Subalit parang may isang pader ang humaharang sa akin.

Sa laking tao ng kalaban kong si Roland ay hindi ako nakalampas sa kanya. Magaling siyang magbantay kaya kahit anong gawin kong pagpupumilit na makapasok ay nahaharangan niya ako.

Nakaramdam ako ng inis lalo pa at nakangiti siya sa akin na parang minamaliit at iniinsulto ako dahil sa aking limitadong kakayahan. Habang nagdri-dribble ako ay nakita ko si Nathan sa kabilang dako ng court. Nakatayo siya kahit na nahihirapan ay pinilit niyang tumayo. Nakatingin siya sa akin at isinisigaw ang kanyang suporta.

"Kaya mo yan tol! Kaya mo yan!"

Ilang segundo na lang ang natitira.

Kaya ko 'to... kaya ko"

Maliksi akong umikot at gumalaw para dumaan sa gilid ng kalaban. Sumunod naman siya para ako ay harangan. Yun ang naging pagkakamali niya. Sinadya kong magkunwari na nagpupumilit akong makalagpas sa kanya. Nag fake move ako at kinagat niya ito. Mabilis ako sa paggalaw at dumiretso akong tumakbo at siya ay aking nalagpasan.

Ilang segundo na lang at matatapos na ang orasan. Kaya napilitan ako na mag 3 point shot. Isang jump shot ang aking ginawa. Habang lumalayo ang bola sa akin at unti-unting bumabagsak ang aking paa sa sahig ay pakiramdam ko'y parang bumagal ang paggalaw ng oras.

Please ma-shoot ka! Please...

Tumama ang bola sa backboard at tumalbog ito sa ring. Pigil hininga ang lahat. Nang nagpaikot-ikot pa ito sa ring hanggang sa...

Nahulog na lang ang bola papasok at ito ay na-shoot na talaga.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!" dumagundong ng hiwayan ang lahat at halos magiba ang gymnasium sa tindi ng pagwawala ng mga manonood.

87-88, panalo kami.

Mabilis na tumakbo ang lahat ng mga kasamahan ko sa team at niyakap ako. Sa isang iglap ay niyakap nila ako na para bang sobrang tagal na naming magbabarkada. Okay na sana, kaso naiinis ako kasi ang lagkit ng pawis nila na dumidikit sa akin.

Ay, bahala na nga yang germs. Panalo naman! Gora! Yeey!

Nahagip ng aking mga mata ang pinakamatalik kong kaibigan at halos magtatalon siya sa tuwa. Sobrang saya niya. Habang nakapamaywang lang ang mga kalaban namin na tinanggap ang kanilang pagkatalo. Pansin ko na nakangiti at napakamot na lang ang kanilang ace player sa kanyang ulo na si Roland. Tanggap niya ang pagkatalo nila.

Binuhat ako ng aking mga kasamahan at nag-victory party kami sa court. Inihagis nila ako sa ere nang paulit-ulit. Habang naghihiyawan ang mga nanonood dahil sa aming pagkapanalo.

Sobrang saya ko. Hindi lang kami nanalo at natupad na rin ang lihim kong pangarap na nakikita ko lang sa telebisyon. Inihahagis nila ako sa tuwa.

Sa wakas, naging cheerleader na rin ako. T_T



MASAYA kaming palabas ni Nathan sa labas ng gate ng unibersidad kasama ang aming team. Napakaingay namin at talagang bilib na bilib sila sa akin.

"Ang galing mo talaga tol, sabi ko na. Sabi ko na nga ba! Alam ko na kaya mong ipanalo ang team natin." pagmamalaki ni Nathan sa akin habang naglalakad na parang pilay.

Hay naku... kung alam niyo lang sana na... na isang... Ay barbie sabi ko na. Sabi ko na barbie, itong tropa niyo.

"Pa'no ba yan? Champion tayo... inuman na!" sabat naman ng isang kasamahan namin.

Nagtawanan na lang kami.

Nang bigla na lang lumapit sa amin ang naging kalaban ko kanina. Si Roland.

"Congrats sa inyo. Ang galing ng team niyo." nakangiti niyang sagot.

"Oy, pre... ikaw pala." saad naman ni Nathan.

"Hihingi sana ako ng pasensya sa nagawa ng kasamahan ko kanina. Sorry dun sa ginawa niya. Lalo na sa'yo bro." baling niya sa akin.

"Wala yun... okay naman ako." sagot ko na lang.

"Mga pre, si Roland pala." pagpapakilala ni Nathan sa kanya.

Kasamahan ni Nathan si Roland sa aming basketball team at sa pagkakaalam ko ay barkada rin sila. Sadyang nahiwa-hiwalay silang magkaka-teammates dahil magkakaiba sila ng mga department. Kaya sa university days ay magkakalaban sila.

"Sige, mauna na muna ako sa inyo mga pre. Brad una na muna ako sa'yo at may gagawin pa 'ko. Sige." paalam nito kay Nathan. Tumango naman si Nathan sa kanya.

"Oh ano... inuman na?" sabat na naman ng isa naming kasama.

Napagplanuhan nilang mag-inuman subalit hindi na ako sumali pa. Naiintindihan naman nila dahil ipinaliwanag ko na kailangan ko na talagang umuwi maliban kay Nathan.

"Ikaw tol huh? Nakakatampo ka na... palagi ka na lang puma-pass." pagmamaktol niya.

"Biglaan kasi 'tong lakad natin tol eh. Hindi ako nakapagpaalam kay Papa. Sigurado kasi ako na papagalitan ako nun kapag hindi nakauwi. Baka nga pagalitan na ako nun pag-uwi dahil gabing-gabi na ako makakauwi nito."

"Ganun ba? Paano kaya kung ihatid na lang kita sa inyo tapos magpaalam tayo sa Papa mo?"

"Mas mabuti pa nga!" sabat naman ng isa naming kasamahan.

"Naku, imposible... siguradong babalatan kayo nun ng buhay!" natatawa kong sagot sa kanila.

"Paano yan? Magsi-celebrate kami sa inuman na wala ang dahilan kaya nanalo ang team?" sagot naman ni Nathan.

"Ano ba kayo, nanalo tayo hindi dahil sa akin. Kundi dahil sa ating lahat!
Collective effort yun!"

"Pasensya na talaga guys. Pero kailangan ko na talagang umuwi eh."

Wala na silang nagawa kaya naman pumayag na lang din sila sa huli. Basta raw sa susunod ay sasama na ako.

Nagpaalam kaagad ako sa kanila at umalis na subalit nagulat na lang ako ng biglang may umakbay sa akin. Natigilan ako, pagllingon ko ay si Nathan pala ito.

"Oh, bakit nandito ka?"

"Sama ka na lang sa akin at ihahatid na muna kita. Sinabihan ko na sila, susunod na lang ako mamaya kapag naihatid na kita sa inyo."

"'Wag na, matagalan ka pa. Ang traffic pa naman."

"Sige na! Hindi mo pa kaya ako sinasabihan sa bago niyong bahay. Para naman makapamasyal ako sa bahay mo."

Sa huli ay pumayag na lang din ako para naman maaga akong makakauwi. Battery empty na kasi ang aking cell phone at hindi ko alam kung tumawag ba si papa sa akin. Kalahating oras lang ay nakarating na kami sa subdivision.

"Ang ganda ng bahay ah... asensadong-asensado!" ani niya ng makahinto na kami sa harap ng bahay.

"Dahil yan sa'yo! Kung hindi mo ako pinilit na mag-fill up dati sa raffle ay hindi ko sana napanalunan itong bahay."

"Hindi dahil sa'kin yan. Sadyang swerte ka lang talaga tol. Nanalo nga tayo dahil sa'yo eh. Ang galing mo talaga."

"Bola-bola ka. Hali ka, pasok ka muna sa loob tol." paanyaya ko.

"Sa susunod na lang. Uuwi pa kasi ako saglit sa condo saka ako susunod sa kanila sa bar."

"Ganun ba? Sige, mag-iingat ka huh?"

"Sige tol." sagot naman niyang nakangiti.

Bumaba na ako sa sasakyan at aalis na sana papasok sa gate ng tinawag ako sandali ni Nathan kaya bumalik ako.

"Tol, sandali lang. Bago ko makalimutan. Pocket money mo." at inabot niya sa akin ang isang envelope sa bintana ng kanyang sasakyan.

"Huh, bakit may pera ako?"

"Sabi ko naman 'di ba? May pocket money talaga lalo at champion tayo. Tayong lahat nakatanggap kaya tanggapin mo rin yang para sa'yo."

"Talaga? Yeheey! Magkano laman nito?"

"5k yan." nakangiti niyang sagot.

"Ang laki!" sigaw ko.

"Sige, kitakits bukas!" at mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan.

Madilim pa ang buong kabahayan. Siguro ay hindi pa nakakauwi si papa. Pinailawan ko ang loob at labas ng bahay at saka ay inisaksak ang aking cell phone. Dito na tumunog ito at nakita ko ang message ni papa.

Nak, pasensya na. Bukas pa ako makakauwi. Natambak kasi ang lahat ng trabaho ko dahil sa seminar. Bukas ay uuwi rin ako. Mag-ingat ka d'yan palagi huh? Huwag kang magpapalipas ng oras sa pagkain. I love you.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi naman pala uuwi si papa ngayong gabi.



KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa school. Walang klase pero pumasok pa rin ako dahil sa mga school activities. Pagpasok ko sa loob ng silid aralan namin ay balik na ito sa dati. Naabutan ko pa ang mga iilan kong classmates na mga babae at parang may pinag-aawayan. Parang may pinag-uusapan sila.

"Anong meron dito?" tanong ko kaagad.

"Naku Jessie! Patay tayo nito. Ang contestant natin na si Leo ay hindi na makakasalali sa Mr. Pogay. Nagka-diarrhea daw kasi, siguradong lagot tayo sa department natin. Ito din kasing si Leo eh. Kahit anong pinagkakain kanina. Ang aga-aga uminom na ng mga shakes. Tuloy sumakit ang tiyan." naiinis na sabi ni Jona.

"Hoy Jessie! Ang galing mo kahapon ah! Sobra." at mabilis na lumingkis sa aking kamay ang classmate ko na si Daisy.

Nahihiya akong napatango-tango sa kanila. Bilib na bilib sila sa akin dahil ako daw ang nagpanalo sa department team namin.

"Kamusta naman si Nathan... okay na ba siya?" tanong ni Jona.

"Oo, okay na siya. Pero hindi pa siya maayos na nakakapaglakad kasi masakit yung isa niyang paa."

"Oy... Jona, nag-aalala siya sa crush niya." tukso ng mga kasama namin.

"Heh! Tumigil nga kayo! Nakakainis kayo. Hmmp." nahihiya niyang reaksyon.

"Nahiya pa ang gaga! Kung ako naging babae talagang ako ang lalandi d'yan kay Nathan. Aakitin ko talaga siya." sabat naman ng bagong dating na baklang si Facundo.

Facundo sa umaga, Farra sa gabi. Yan yung palagi niyang sinasabi.

Nagtawanan na lang kami.

"So pano 'to? Siguradong patay tayong lahat kapag wala tayong representative. Malalagot tayo sa president ng department natin. Dapat nating mapalitan si Leo." saad naman ni Daphne.

"Hoy Facundo! Ikaw na lang kaya?" si Jona.

"Gusto ko nga sana eh. Kaso disqualified si vakla. Bawal daw sumali ang mga churva. May qualifications daw kasi at dapat lalaki na straight talaga. Tapos kailangan ay yung gwapo. Yung mga crush ng bayan at tipong hihiyawan ng mga audience. Eh kung ako sumali dun baka batuhin pa ako ng mga kamatis at itlog. So walang keme, eliminated agad si bakla!"

Natawa na lang kami sa sobrang kwela ng kanyang sinabi.

"Paano to? Kailangan na nating palitan si Leo. Baka bawiin pa ni pres. ang funds natin dahil hindi nakasali si Leo." si Daisy.

"Straight, gwapo, crush ng bayan at hihiyawan ng mga audience?" ani naman ni Jona na nag-iisip.

Sandali siyang natigilan at saka ay ngumiti sa akin na parang may masamang binabalak. Nagulat na lang ako na nakatingin na silang lahat sa akin na nakangiti.

"Guys... a-anong gagawin niyo? Hindi na 'to nakakatawa huh. Guys baka pwede natin itong pag-usapan." kinakabahan kong wika.

Nakangiti lang silang lahat at napapalibutan na nila ako. Napalunok na lang ako ng laway.

"May solusyon na ang ating problema." nakangising saad ni Jona.



"SANDALI LANG! Lagyan niyo pa ng kaunting blush on. Sige, yan... yan."

Nakapikit lang ako at gusto ko ng umiyak. Ako ang pinangpalit nila sa aming kandidato para sa Mr. Pogay pageant kahit na labag ito sa aking kalooban. Hindi ako nakapalag ng makorner na nila ako. Kahit ang ibang kasamahan kong mga lalaki ay tuwang-tuwa akong pinagtatawanan dahil ako ang naging sakrispisyo at hindi sila.

Tapos na akong magbihis ng damit na pangbabae at may natitira pa silang gown at sports wear na nakahanda na susuotin ko.

Abalang-abala sila Facundo at Daisy sa pagmi-makeup sa aking mukha. Panay ang hikbi ko na parang maiiyak kaya mas lalo silang natatawa. Nakasuot na ako ng wig at nalagyan na rin ng lipstick ang aking mga labi. Pati mga mata ko ay nakabitan na ng mga pilik-mata.

Walang hiya... talaga ba Facundo? Hindi mo naaamoy ang kafederasyon mo? Sister din ako aching! Hindi naman pala gumagana yang gaydar mo. Isa din akong tagapangalaga ng brilyante. Isa din akong Sanggre! T_T

Paglipas ng ilang minuto ay natapos na rin ang pagmi-makeup nila sa akin. Medyo nagtaka ako at lahat ng mga kasama ko ay hindi nakagalaw. Lalo na ang mga lalaki namin na mga kamag-aral. Parang nasintas ang kanilang mga dila at natulala na lamang.

"Anong klaseng reaksyon yan? Patingin nga sa kalokohan niyo! Kayo hah? Inaapi niyo na lang ako. Basta libre niyo ako ng lunch sa buong linggo, hah?" naiinis kong sabi sa kanila.

Tumango-tango lang sila na tulala pa rin.

Nang makuha ko na ang salamin na inabot sa akin ay kaagad akong nanalamin at hindi ko inaasahan ang aking masisilayan. Halos lumuwa ang aking mga mata ng makita ko na ang aking sarili.

Babaeng-babae ang mukha ko!

"Perfection! Isa kang obra maestra Jessie. Wala na, uwian na! May nanalo na!" tuwang-tuwang sabi ni Facundo at nag-apir pa sila ni Daisy.

Dahan-dahan akong tumayo at mabilis na umalalay ang mga kasamahan kong lalaki sa akin. Nahihirapan kasi akong tumayo dahil pinagsuot na nila ako ng takong.

"Oh anong gagawin ko ngayon?" naaalibadbaran kong tanong sa kanila.

"Basta, wag kang mag-alala Jessie. Huling contestant ka kaya mag-observe ka lang sa gagawin nila. Kami ng bahala sa'yo dun. Siguradong panalo tayo nito. OMG! It's so freaking amazing!" excited na sigaw ni Daphne.

Binigyan nila ako ng papel na siyang sasabihin ko kapag magpapakilala na ako sa stage. Miss Philippines ang peg ko.

"Galingan mo Jessie. May prize pa naman ang event na 'to. Ang daming pera ng organizations ng mga department natin kaya malaki ang premyo.

"Magkano naman?" naiinis kong sagot.

"15k lang naman sa first prize. Ewan ko na lang sa mga runners up. Baka mas maliit pa dun." sagot ni Jona.

"Huh?! Shuta... 15k? Ang laki!" halos pasigaw kong sagot sa gulat.

"Kaya nga galingan mo! Kaya simulan mo ng magbakla-baklaan." sagot niya.

Hmnn... kering-keri ko 'to. Gora para sa ekonomiya at sa 15k!

Desidido kong sabi sa aking sarili ng palihim.

Pang bayad na rin sa mga bills ng bahay tulad ng kuryente at tubig. Panggasolina na rin ni papa ito. Groceries at marami pang iba. Dapat na talaga akong umawra.

"Mauna na kayo! Ihahanda na muna namin ang lahat ng gagamitin. Sige na, baka ma-late pa tayo!" si Daphne.

Sinamahan ako ni Daisy papunta sa auditorium dahil doon gaganapin ang event. Pinahiram na lang muna nila ako ng tsinelas para hindi ako mahirapang maglakad.

"Sandali lang Jessie... naiihi ako eh. Mauna ka na lang. Susunod ako agad."

"Okay, sige-sige."

Mag-isa akong naglakad papunta ng auditorium at nagmamadali ako dahil malapit ng magsimula ang contest. Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ng paliko na ako sa pasilyo at may nakabangga akong lalaki.

Sabay kaming natumba at napaupo sa sahig sa lakas ng banggaan namin.

"Tang ina! Hindi kasi nag-ii—" hindi na niya natapos ang sasabihin ng magtama ang aming mga mata.

Shuta! Si Nathan! Oh hindi!!! Sigaw ko sa aking isipan.

"M-miss okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"

Mabilis na nagbago ang kanyang tono at naging mahinahon siya.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa aking pagkakataranta. Kaya mabilis akong napatayo at nagpagpag sa aking damit na mini skirt at blouse. Nakatayo na rin siya at napatitig siya sa aking dibdib na halos lumuwa ang mata.

Napalunok ako ng laway, hiyang-hiya kong itinaas ang kwelyo ko at baka makita niya pa ang dibdib ko sa loob na nilagyan ng maliliit na pakwan ng mga sira ulo kong mga classmate.

Mabilis akong tumakbo palayo at hindi na nagsalita pa.

Pisti! Buti na lang at hindi ako nakilala ng kumag! Sigurado akong hindi ako titigilan ng kantyaw nun! Bahala na 'to. Basta para sa 15k!

"Miss sandali! Sandali lang... hintay!" sigaw niya.

Subalit hindi na ako lumingon pa. Nagdire-diretso lang ako sa pagtakbo.

Nang makaabot ako sa auditorium ay mabilis akong pumunta sa backstage at dito na dumaan. Kinakabahan ako lalo pa at hindi ko alam kung gaano karami ang manonood dahil hindi ko ito nakita. Mabuti na lang at kaagad na dumating ang mga kasama ko kaya hindi ako masyadong naghintay sa kanila.

Medyo sumasakit na naman ang ulo ko. Siguro dahil sa sobrang kaba ko ito.

"Hoy Jessie! Ayusin mo nga yang dibdib mo! Disoriented ang mga pakwan!" saway ni Facundo.

Nang yumuko ako ay kung saan-saan na napunta ang pakwan. Hindi ko napansin na sobra na pala itong nahiwalay. Tuloy parang nasa gilid ang artificial kong suso. Nagtawanan na lang kaming lahat.

Hanggang nagsimula na nga ang contest.

Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng backstage papunta sa entablado ng mga kapwa ko kandidato at naghiyawan kaagad ang lahat ng manonood. Maraming sumipol.

Nagtawanan at nagsigawan. Mabuti na lang at ako ang huling contestant kaya sunod lang ako nang sunod sa nauna sa akin at sumasabay sa dapat na gawin. Lahat kami ay naka-casual wear.

Parang miss universe lang din. Isa-isang lumalapit kami sa mic na nasa harap namin na nakahanda sabay pakilala ng aming dinadalang bansa.

"Tama ako... tama ka... tama tayong lahat! Pero siya? MALAYSIA!" sigaw ng unang kandidato na namumutok pa ang masel sa braso sa suot nitong blouse.

Naghalagpakan ng tawa ang lahat. Hanggang sa nagsunod-sunod na.

"One little two... little three... little... INDIA!"

"Ayoko ng kumain..."

"Bakit?" sagot naman ng mga manonood.

"Wala na kasi akong... GHANA!"

"Saan kayo pupunta? Teka lang, 'wag niyo naman akong iwan... KUWAIT!"

"King Kong, kangkong, korikong, donkey kong... HONGKONG!"

"Layuan mo siya! Akin lang siya! Akin lang! Ayoko ng may ka... HAITI!"

"Beep... beep... beep... ang sabi ng? EGYPT!"

"Mula sa bansang unang nagpauso ng Po, Opo at Mano Po... POLAND!"

"Ah, basta. Gutom ako palagi. HUNGARY!"

Maingay ang buong auditorium sa tawanan at punong-puno ng tao ito. Siksikan pa nga at ang iba ay sa hagdan na lang umupo dahil puno na ang lahat ng upuan at ang iba ay nagtayuan na lang. Ilan pa ang sumunod hanggang sa ako na nga ang sumalang. Kinakabahan subalit hindi ako nagpahalata na kinakabahan ako.

"Kulang ang bigas. Sangkatutak ang mandurugas! PILIPINAS!"

Hiyawan ang lahat.

Nang matapos na kaming lahat sa pagpapakilala ay ang sportswear naman ang aking isinuot. Nakasuot ako ng skirt na naman na sobrang ikli. Pati extra long cotton thigh stockings na pink pa ang kulay at blouse na talagang masikip. Sinadya nila ito para ma-emphasize ang laki ng pakwan sa loob ng aking bra.

Naglakad lang ako sa entablado ng normal at medyo pinalambot ang aking katawan sabay sandaling hihinto sa mga sulok ng stage at magpo-pose. Kumikindat pa ako at nag-flying kiss pa sa mga audience kaya naghiyawan ang mga tao lalo na ang mga kalalakihan.

Sa talent portion naman ay kumanta lang ako pero nakasuot pa rin ng pambabae. Buti na lang at may naihanda silang minus one dahil ito rin sana ang talent na itatanghal ng aking pinalitan. Kinanta ko ang kanta ni Ed Sheeran na "Perfect". Nakabihis babae at babaeng-babae ang anyo. Pero ang boses lalaki.

Hanggang sa umabot na kami sa Q & A. Mabilis lang ang tanggalan at puro kalokohan lang ang kanilang mga pinagtatanong sa amin na nakapasok sa top 10. Tapos tinanggal na naman ang lima kaya natira ay lima na lang din. Halos magtatalon ako sa saya ng pumasok ako sa top 5. Maging ang aking mga kasama ay sobrang saya rin.

Hindi na magkamayaw ang mga manonood sa kanilang mga hiyawan dahil na rin napipinto na ang pagtatapos ng contest. Nakasuot na kaming lahat ng gown at naghihintay sa aming mga kanya-kanyang katanungan. Pero ngayon, magiging seryoso na ang mga itatanong nila sa amin.

Hanggang sa ako na nga ang sumalang at ang kahuli-hulihang tinanong.

"If you were given a chance to talk to a famous dead person or any person that is no longer here. Who would that be and why?" tanong ng host sa akin.

"If I were given a chance to talk to a famous dead person or any person that is no longer here... I will simply choose my mother. I was never given a chance to meet her because she died when she was giving birth to me. So I'll take my chance to have the opportunity and simply tell her that I love her so much unconditionally, and I will thank her for giving me the chance by sacrificing herself unselfishly for me, to see the world that she already left behind. She may not be here... right now... physically... and I may not see her in the audience screaming my name, but I do know she has the best seat in the house because she's watching over me from heaven. Thank you."

Hiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. Dumagundong ang auditorium at medyo maluhaluha ang aking mga mata.

Mama, mahal na mahal po kita.

Ang tahimik kong sambit sa aking isipan

Isa-isang tinawag ang mga pangalan ng mga bansa ng mga kapwa ko kandidato sa kani-kanilang pwestong napanalunan at habang tumatagal ay mas lalong bumibigat ang aking puso sa kaba dahil hindi pa ako tinatawag. May mas tsansa ako na manalo.

Hanggang sa dalawa na nga lang kaming natira. Naghawak-kamay pa kami na parang mga contestant sa miss universe habang naghihintay na i-announce na ang mananalo sa aming dalawa. Nagtawanan na lang ang mga tao dahil sa panggagaya namin dito.

"And the winner is..."

Kanya-kanyang sigaw ang mga tao para sa kanilang manok. Parang magigiba ang auditorium sa sobrang lakas ng mga sigawan. Hanggang sa...

"Miss Philippines!!!"

Nanlaki ang aking mga mata at sa isang iglap ay napatalon na lang ako. Sobrang saya ko at ako ang itinanghal na panalo. Nasa akin ang korona!

Nag-fist bump na lang kami ng aking kalaban at saka ay giniya na siya ng escort para ako na lang ang maiwan sa entablado. Nagpalakpakan ang mga tao at kitang-kita ang pagsasaya ng aking mga kasama na nasa gilid ng backstage habang isinusuot sa akin ang sash at korona. Kumaway-kaway naman ako na parang tanga.

Sa wakas, panalo na... may pera pa!

Nang matapos na ang contest ay bumalik na kami sa classroom namin at hindi pa rin tumitigil sa kaka-celebrate ang mga kasama ko dahil sa aking pagkapanalo. Tuwang-tuwa naman ako sa aking napanalunan. Nanalo na ako sa basketball kahapon na labanan ng mga barako. Tapos ngayon naman sa pageant? Talagang iba ang husay ng tagapangalaga ng isang brilyante.

"Basta guys huh? Walang makakaalam na ako ang sumali sa contest huh? May usapan tayo."

"Makakaasa ka Jessie... our lips are sealed. 'di ba guys?" si Daphne.

"Oo, 'di kami mag-iingay. Haha." sagot naman ni Daisy.

Tumango-tango naman ang ibang kasama namin. Mabuti na lang at konti lang kami dito.

"Sige, magbibihis na ako. Asan na ba si Facundo? Nasa kanya mga damit ko eh."

"Umuwi siya kanina dahil nagka-emergency daw sa kanila eh. Hala! Nadala niya ang mga damit mo?" si Jona.

"Patay! Paano 'to?"



NAIIYAK ako habang nakasakay ng taxi. Papauwi na ako ngayon sa amin at nakadamit pa rin ako ng pambabae. Dahil wala akong maisusuot ay nagbihis na lang ako at hinubad ko ang gown na suot-suot ko kanina at ang casual wear na lang ang siya kong isinuot dahil ang pinaghubaran kong damit ay nadala ng classmate ko.

Patay ka talaga sa akin bukas Facundo! Bwesit kang bakla ka!

Hindi ko na lang tinanggal ang mga kolorete sa aking mukha. Kung tatanggalin ko kasi ito ay baka pagtawanan ako ng mga tao paglabas ko sa aming classroom. Lalaki na nakabihis pambabae? Sigurado akong pagtritripan ako ng lahat. Mabuti ng ganito dahil hindi naman nila alam na lalaki pala ako.

Sinagot na rin ng mga kasama ko ang pang-taxi ko. Naawa kasi sila sa akin kaya minabuti nilang sila na lang ang magbayad. Hindi ako pumayag noong una dahil may pera naman ako dahil sa aking napanalunan. Pero naging mapilit sila dahil malaking abala ang naidulot nila sa akin. Kaya pumayag na lang din ako sa huli.

Sila pa nga mismo ang nagturo sa driver kung saan ako ibababa at iuuwi dahil sinabihan ko sila sa address ng bahay namin. Nahihiya kasi akong magsalita dahil sa aking ayos.

"Uhm... miss, pwede humingi ng number?" nakangiting tanong ng binatilyong driver sa akin habang nagmamaneho.

Nakaalis na kami ng unibersidad at malayo na kami.

Inismidan ko na lang siya at hindi na pinansin pa.

Ang taray naman." sagot niyang natatawa at kinagat-kagat pa ang labi.

Ulol! Humanda ka mamaya pagbaba ko. Gugulatin kitang manyak ka!

Habang binabaybay namin ang daan ay panay ang tanong ng driver sa akin at talagang kahit anu-ano na lang ang kanyang itinatanong sa akin na wala namang kakwenta-kwenta para lang may mapag-usapan.

Hindi ako sumasagot sa kanya. Pero ang nakakainis lang ay parang natutuwa siya kapag nagsusuplado ako sa kanya.

Hanggang sa dumating na nga kami sa harap ng bahay namin.

"Para brad! Dito na lang ako."

Nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga ng magsalita na ako. Inabot ko ang bayad sa kanya at parang hindi siya nakagalaw.

"Akala mo na barbie noh?" pang-iinis ko sa kanya.

Tawang-tawa akong palabas ng sasakyan at naiwan siyang tulala. Sandali pa siyang napatigil hanggang sa umalis na nga siya.

Buti nga sa'yo! May pahingi-hingi ka pa ng number sa akin unggoy ka.

Nang makapasok na ko sa loob ng gate ay narinig ko na kaagad ang tunog ng tv sa loob ng bahay.

"Si Papa! Umuwi na siya."

Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at tama nga ako. Umuwi na nga si papa. Hinanap ko pa siya sandali dahil wala akong nadatnan sa sala at kusina. Nasa banyo pala siya.

Paglabas niya sa loob ay nagulat kaagad siya ng makita ako.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" maotoridad na tanong ni papa sa akin.

Saglit akong natigilan. Nakalimutan ko na naka-makeup pala ako at nakadamit pambabae kaya hindi niya ako nakilala. Medyo natawa ako, hindi ako nakilala ng aking ama.

"Pa! Ako 'to!"

"J-Jessie?" bulalas niya.

Tumango-tango ako na natatawa.

"Bakit ganyan ang suot mo 'nak?!" tanong niyang gulat na gulat.

Natawa na lang ako.

Ipinaliwanag ko kaagad kay papa ng maupo na kami sa sala ang lahat kung bakit ako nakadamit pambabae. Sinabi ko sa kanya ang lahat pati na rin ang pagkapanalo ko rito at sa basketball na sinalihan ko kahapon.

"Ang galing mo 'nak! Proud na proud si Papa sa'yo!" at niyakap niya ako.

"'Tsaka po pala. May prize money po ako Pa. May 20k po akong napanalunan. 5,000 po sa basketball at 15,000 naman po sa pageant."

"'Nak, pera mo yan. Ipunin mo yan para makabili ka ng mga bagay na gusto mong bilhin. Pera mo yan."

"Pero Pa, para po ito sa inyo. Panggastos na rin sa mga bills dito sa bahay."

"'Wag mo ng alalahanin ang mga bagay na yan. Ako ng bahala d'yan. Pera mo yan kaya itabi mo yan." at ibinalik niya ito sa aking kamay.

"Sige po Pa." masaya kong sagot.

"Alam mo 'nak... kamukhang-kamukha mo ang mama mo ngayon. Kung naging babae ka lang siguro parehas na parehas siguro kayo ngayon."

Napangiti na lang ako sa kanya.

Kinabig niya ako at pinupo sa kanyang kandungan. Sumunod naman ako, na-miss ko kaagad si papa. Talagang isa akong Papa's boy.

"Pa, sandali lang po, magbibihis lang po ako. Balik din ako kaagad."

Akmang tatayo na sana ako ng bigla na lang niya akong hinila pabalik upang mapaupo sa kanya.

Nagulat ako sa kanyang inasal. Dahan-dahan niyang hinalik-halikan ang aking batok at ang aking balikat. Natigilan ako.

"Ang bango naman ng baby ko. Amoy bulaklak, hmmnn..." ani niyang nagsisimula ng kapitan ng libog.

Hinaplos-haplos niya ang aking hita at hinayaan ko lang siya sa kanyang gusto. Nang sa hindi ko inaasahan ay bigla na lang sumakit ang aking ulo na hindi maipaliwanag. Sobrang sakit nito at parang tinutusok-tusok ang aking utak sa loob.

"Pa! Araaay! M-masakit... Paaa!"

Bigla siyang nagulat sa aking pagsigaw.

"'N-nak bakit? Anong nangyari?!"

"Pa, sobrang sakit po ng ulo ko. Masakit po!" at nagsimula na akong napaluha.

Mabilis akong binuhat ni papa at iniupo sa sofa. Natataranta niya akong hinarap at parang hindi alam ang gagawin.

"Teka lang, kuha ako ng gamot."

Kaagad siyang tumakbo sa taas at kumuha nito at diretso siyang pumunta ng kusina at kumuha ng isang basong tubig. Ipinainom niya sa akin ito at matapos nito ay dahan-dahan niya akong inihiga sa sofa.

"Pa, ang sakit po ng ulo ko. Masakit po."

Hinaplos-haplos niya ang aking pisngi na sobrang nag-aalala. Bakas sa kanyang mukha ang pangamba.

"Sandali lang 'nak. Hindi na yan masyadong masakit kapag umipekto na ang gamot."

Umiyak na lang ako nang umiyak. Pakiramdam ko ay parang nabibiyak ang aking ulo sa sobrang sakit. Tumabi na lang si papa sa akin at binantayan ako. Sa katagalan ay naramdaman ko na ang epekto ng gamot at saka ay nakaramdam ako ng pagka-antok hanggang sa nakatulog na.

Paggising ko ay gabi na at hindi na rin masakit ang aking ulo. Napansin ko na nasa kama na ako ng aking silid at kasama ko si papa na nakahiga sa kama.

"Baby boy masakit pa ba ang ulo mo?" nag-aalala niyang tanong sa akin ng mapansin niyang gising na ako.

"Hindi na po."

"Ganun ba? Mabuti naman, sige 'nak... kain na muna tayo para makapagpahinga ka ng maayos. Baka sa sobrang init yan ng panahon. Ang dami mo kasing ginawang activity sa school eh."

"Baka nga po."

"Sige, ihahanda ko na ang hapag. Magbihis ka na muna at kakain na tayo."

"Sige po Pa."

Lumabas na si papa sa silid at ako naman ay nagbihis na muna. Hindi pa pala ako nakakapagbihis ng damit at suot-suot ko pa rin ang skirt at blouse na suot ko kanina. Nang makababa na ako ay kaagad akong pumunta ng banyo at naghilamos. Tinanggal ko lahat sa aking mukha ang mga koloreteng nakalagay dito.

"'Nak, hali ka na. Kakain na tayo."

"Opo."

Nang matapos kumain ay nagpahinga na muna kami sa sala at pagkatapos ay maaga kaming natulog.

"'Nak, punta tayo sa ospital bukas huh? Magpapa-check up tayo."

Nakahiga na kami sa kama at nagpapahinga.

"'Wag na po Pa... a-absent lang po kayo. Okay na naman po ako. Baka sa init lang po yun ng panahon."

"Mabuti ng mapa-check up natin yan para hindi ako mag-alala. Basta, magpapa-check up tayo bukas."

"Sige po."



KINABUKASAN ay maaga kaming nagpunta ng ospital para nga ikonsulta kung bakit palaging sumasakit itong ulo ko. May mga katanungan ang doktor at sinasagot ko naman ito ng maayos.

Nang matapos niya akong tanungin sa kinakailangan niyang malaman ay napagpasyahan niya na mag-run ng iilang test. Nagpa-ct scan na rin ako dahil may hinala ang doktor na hindi lang migraine itong nararamdaman ko.

Matagal-tagal din kaming naghintay sa ospital ni papa bago lumabas ang resulta.

"I'm afraid na tama nga ang iniiisip ko na hindi lang ito simpling migraine. It is even worse than that." saad ng doktor.

"Bakit po Dok? Ano po bang problema?" tanong ni papa na nag-aalala.

"Sir, may tumor po ang anak ninyo sa kanyang ulo."

Hindi ako nakagalaw at nanginginig akong napahawak sa aking bibig. Sa isang iglap lang ay dumaloy na ang mga luha sa aking mga mata.






Itutuloy...






Feel free to comment! ^_^




2 comments:

  1. Oh my, Jess! Why? Then, I also feel na may malaking pasabog din and Papa mo!

    ReplyDelete
  2. OMG! Awwww tapos may ganap pa si tatay nako feel ko talaga yung uhaw na boss nya ang salarin.

    ReplyDelete