KABANATA 50 Salisi
Halos dalawang buwan ang nagdaan at naging normal ang takbo ng buhay namin ni papa. Kaagapay namin ang isa't isa at sabay kaming nagtutulungan sa pang-araw-araw namin. Habang tumatagal ay mas bumubuti ang aking kalagayan at mas lumalakas ang aking katawan.
Hindi ko nakakalimutan kung ano ang binilin ng doktor sa akin at naging masunurin din ako sa mga utos ni papa. Hindi ako nagpapagod at hindi ko sinusuway ang kanyang mga utos.
Pero nagpapasaway pa rin ako minsan, minsan lang naman.
Naging mabilis ang panunumbalik at pagbuti ng aking kalusugan. Sa kaunting panahon lamang ay kaagad akong gumaling.
"Pa, pwede na po ba akong maghanap ng trabaho?" tanong ko sa aking ama habang kumakain kami ng hapunan sa hapag.
"'Wag na muna baby boy... saka na yan."
"Pero Pa, gusto ko na pong makapagtrabaho eh. Para po makatulong na po ako sa inyo."
"Hindi pa pupwede sa ngayon. Magpahinga ka na muna. Makakapaghintay naman yang trabaho eh."
"Sige na po Pa, okay na po ako. Magaling na naman po ako eh."
"Next month ka na lang mag-apply. Payag na ako next month."
"Ang layo pa nun eh."
"Hintayin mo na lang. 'Wag matigas ang ulo 'nak." pangaral niya.
Napabuntong-hininga na lang ako at napatango-tango.
Sa loob ng halos dalawang buwan ay wala akong ginawa kundi ang kumain at matulog. Wala akong masyadong ginagawa kasi hindi ako pinapayagang magtrabaho ni papa. Ayaw niyang may ginagawa ako. Nakakapag-ehersisyo lang ako kapag bumabalik na kami sa ospital para sa aking physical therapy.
Pero ng tumagal ay hinayaan na niya akong gawin ang mga gawaing bahay na simple lang. Tulad ng paghuhugas ng mga plato at pagwawalis. Pero hanggang dito lamang dahil ayaw ni papa na napapagod ako.
Minsan nga, naaawa na ako sa kanya kasi siya pa mismo ang gumagawa ng mga ibang gawaing bahay. Kahit na pagod siya dahil sa kanyang trabaho. Gusto ko mang gawin na ito para sa kanya para hindi na na niya ito pagkaabalahan pa ay nagagalit naman siya, kapag ako ang gumagawa sa mga gawaing bahay. Lalo na yung medyo nakakapagod talaga.
Wala akong pagpipilian kundi sundin na lamang ang kanyang gusto. Alam ko kasi na nag-aalala lang siya sa akin. Ayaw ko ng dagdagan ang mga iniisip niya. Kaya tumutulong na lang ako sa paraang gusto niya.
Sa loob ng mga nagdaang buwan ay wala na ring nangyayari sa amin ni papa dahil hindi na niya ako ginagalaw. Gustuhin ko man na ipaubaya sa kanya ang aking katawan ay nahihiya ako.
Hindi siya nagbibigay ng motibo at talagang busy na siya sa kanyang trabaho. Palaging overtime at medyo late ng nakakauwi palagi. Doble kayod para mabayaran ang utang namin.
Maingat siya sa akin at talagang ayaw niya na mapano ako at mabinat ang aking katawan. Naiintindihan ko naman dahil para naman ito sa aking ikabubuti. Subalit sadyang nangungulila na ang aking katawan sa laman ng aking ama.
Sa tuwing nakikita ko ang kanyang napakamatipunong katawan ay nag-iinit ako. Kaya naman ay umiiwas na ako kaagad bago pa man niya ito mapansin ng tuluyan. Nahihiya akong gumawa ng unang hakbang. Baka kasi hindi niya magustuhan at baka pagalitan pa niya ako.
Kaya nakontento na lamang ako sa mga yakap at halik ni papa sa akin at kanyang mga paglalambing. Pero sa totoo lang talaga ay mas gusto ko na ganito na lang kami. Natatakot kasi ako na baka mas mahulog pa ang loob ko sa aking ama.
Kaya naman pilit kong winawaglit ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong mailang si papa sa akin kaya nilalabanan ko ang aking damdamin na para sa kanya. Natuto na ako, nangyari na sa akin ang masaktan dahil nahulog ako sa isang lalaki dati. Ayaw ko ng maulit pa itong muli.
Nasaktan lang ako at nawasak ang aking puso kaya natatakot na ako. Lalo pa at mag-ama kami. Walang patutunguhan ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit sa ano pang tradisyon o kultura. Mali ang mahulog sa sarili mong kadugo at kung saan ka nanggaling.
Isang napakalaking kamalian kahit saang anggulo mo pang titingnan.
Kahit saan ka pa mangatwiran. Ang mali ay mali at kailanman, ang mali ay hindi pwedeng maging tama.
Alam kong pinagbibigyan niya lang ako dahil sa gusto niyang bumawi. Lalaki siya at ang hahanapin niya pa rin ay babae. Alam ko naman yun kaya hangga't maaari ay gusto ko munang solohin si papa.
Gusto ko na lahat ng atensyon niya ay nasa akin. Dahil kapag nahanap na niya ang babaeng mamahalin niya ay magbibigay ako ng daan. Bibigyang laya ko siya para sumaya sa piling ng totoong magpapaligaya sa kanya.
Kahit na sinabi ni papa sa akin noon na walang papantay sa pagmamahal niya sa akin ay bukas pa rin ang aking isipan sa mga posibilidad at katotohanan.
Ang katotohanan na maghahanap pa rin siya ng iba pagdating ng panahon. Pero sana 'wag muna ngayon. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kung makikita ko siyang may kapiling na iba. Parang hindi ko ito matatanggap.
Gusto ko na sa ngayon ay ako muna... na kami na lang muna dalawa. Para naman mabawi namin ang lahat ng nawalang panahon na nawala sa amin.
Pero ano nga ba ang totoo? Gusto ko lang ba na kami na lang muna dalawa... o sadyang ayaw ko lang siyang lumigaya sa iba?
Mahal ko si papa... pagmamahal na higit pa sa ama. Pagmamahal na hindi tama at hindi mapapahintulutan ng lipunan. Pero kung mali man ang pagmamahal ko. Nangangatwiran ang aking puso na ayaw kong maging tama. Kung mali man ang mahalin ko siya ng ganito... ayaw kong maging tama.
Pero siya ang aking ama. Sa dugo at laman niya ako nanggaling.
Napabuntong-hininga ako.
"Oh, may problema ba?" tanong niya sa akin habang nakahiga na kami sa kama.
"Wala naman po."
"Talaga?"
"Opo, wala naman pong problema... natanong niyo po?"
"Tungkol ba 'to sa hindi ko pagpayag sa'yo, na hindi na muna magtrabaho? Kaya mukha kang malungkot d'yan?"
Tumango na lang ako. Kahit na hindi naman ito tungkol dito.
"Haaay... anak naman eh. Gusto mo bang mag-alala ako?"
"Sorry po Pa. Hindi na po ako mamimilit."
Sandali siyang natahimik.
"Oo na, sige na... payag na ako. Ano pang magagawa ko kung nagpapa-cute ka na sa'kin ng ganyan." natatawa niyang sagot at kinurot pa ang aking ilong.
"Talaga po? Payag na po kayo?" masigla kong sagot.
"Oo, payag na si Papa." ani niyang nakangiti.
Yumakap na lang ako sa kanya ng sobrang saya at hinalik-halikan siya sa pisngi.
"Thank you po Pa."
"Welcome baby boy. Pero 'nak, pansamantala na muna ang trabaho na hanapin mo. Yung hindi mabibigat at hindi masyadong nakakapagod. Okay ba?"
"Sige po!"
Napangiti na lang siya saka ay humalik sa aking pisngi at noo.
"Sige, tulog ka na 'nak. May tatapusin na muna ako sandali. Mauna ka ng matulog."
"Okay po. Pero dapat hindi po kayo magpuyat ngayon. Ilang araw na po kayong hindi nakakatulog ng maayos Pa. Tapos maaga pa po kayong papasok bukas."
"Sige-sige." at bumangon na siya sa kama at lumabas ng silid.
Pumunta si papa sa kanyang kwarto at doon ginawa ang mga dokomento na kailangan niyang tapusin. Alam ko na sobrang busy niya. Kaya mamaya pa siya matutulog.
Pero ilang minuto na ang dumaan hanggang sa mag-iisang oras na. Kanina pa akong nakahiga subalit hindi pa rin ako makatulog. Kaya bumaba na muna ako sa kusina at uminom ng gatas. Bumalik din naman ako sa taas kaagad at bago ako pumasok sa aking silid ay sumilip muna ako sa silid ni papa.
Talagang marami siyang ginagawa. Nakaupo at nakaharap siya sa kanyang computer at nagta-type. Nagbinat pa siya ng kanyang braso at hinagod-hagod ang batok. Pagod na siya.
Tahimik akong bumalik sa aking silid at pinilit na lamang matulog. Maaga rin akong babangon bukas para ipaghanda siya ng kanyang almusal.
Talagang naaawa na ako kay papa. Palagi na lang siyang pagod at sadyang napakarami ng kanyang trabaho. Kaya naman desidido ako na makapaghanap na ng trabaho para matulungan siya.
"Bukas na bukas maghahanap ako ng mapapag-aplayan."
Nang tumagal ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
Alas dos ng umaga ng magising ako at napansin ko na hindi pa rin natutulog si papa sa aking tabi. Kaya naman ay sumilip ako sa kanyang silid. Busy pa rin siya sa pagtratrabaho. Nakasuot siya ng sando at shorts na pangtulog.
"Pa, bakit hindi pa rin kayo natutulog?" tawag ko sa kanya at tuluyan ng pumasok sa kanyang silid.
"Matatapos ko na 'to. Malapit na 'nak. Tulog ka na at susunod na lang ako maya-maya."
"Papa, nagpupuyat na po kayo masyado. Hindi na po mabuti yan. Maaga pa naman kayo bukas."
"Mauna ka na lang 'nak. Sunod na lang ako."
"Ayaw."
"Sige na. Tulog ka na dun, susunod naman ako mamaya." pamimilit niya.
"Sabay na nga tayo, matutulog na po ako kung matutulog po kayo." at hinila ko ang kayang braso.
Napakamot na lang siya sa kanyang ulo.
"Susunod na lang ako baby boy. Sige na... matulog ka na. 'Wag matigas ang ulo."
Maotoridad niyang utos.
"Oh sige, matutulog na 'ko."
Lumapit ako sa kanya at kumandong paharap at yumakap ng hindi niya inaasahan.
"Dito na ako matutulog. Bahala ka." simangot ko sa kanya.
"Paano ako matatapos nito kung nang-iistorbo ka? Ang kulit mo talaga!" at kinurot niya ang aking pisngi.
Hindi na ako sumagot pa at humiga na lang sa kanyang balikat habang nakayakap sa kanya. Ilang araw na siyang kulang sa tulog kaya naman gusto ko na makapagpahinga naman siya ng maayos. Kitang-kita ko na sa kanyang mga mata ang kanyang mga eyebags. Puyat kasi siya parati.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka matutulog!" naiinis kong pagbabanta.
Pero imbes na mainis ay natawa lang siya sa aking turan.
"Ikaw bahala. Mas gusto ko nga ng ganito kasi hindi malamig. Parang niyayakap ako ng giant teddy bear." malambing lang niyang sagot.
Hinalik-halikan niya ako sa aking balikat nang nanggigigil at natawa na lang. Kaya hindi ko naiwasang mainis pang lalo.
"Papa! Ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi talaga ako aalis dito. Sige ka!"
Hinarap ko siya na talagang nagagalit na. Pero nakangiti lang siya sa akin at mas ininis pa akong lalo.
"Bahala ka nga! Hindi ako aalis dito. Mahihirapan ka talagang mag-type." at bumalik ako sa paghiga sa kanyang balikat.
Natawa na naman siya.
"Sus, kunwari ka pa. Gusto mo lang maglambing sa akin eh. Nahihiya ka lang magsabi." tukso niya.
"Hindi ako naglalambing sa'yo!"
Hindi ko naiwasang mahiya at siniksik ang aking mukha sa kanyang balikat. Natawa na naman siya ulit.
"Ang kulit-kulit mo talaga."
Hindi na ako sumagot at hindi ko na siya pinansin pa.
Totoo namang gusto ko lang magpapansin at maglambing talaga kay papa. Nahihiya lang akong sabihin ito sa kanya. Isa pa, talagang nag-aalala na ako sa kanyang kalusugan. Kaunti lang kasi ang kanyang tulog at halos wala na siyang pahinga sa trabaho.
Dahan-dahan niyang pinahilig ang rotating chair kaya medyo napahiga siya at mas lalong napahiga ang aking katawan sa kanya. Medyo inilapit din niya ng kanyang upuan sa desk ng computer.
"Yan, para hindi ka mahirapan. Dito ka na nga lang para naman may ka-cuddle ako. Ang lamig na kasi." at muli na naman niya akong hinalikan sa balikat at nagpatuloy sa pagtratrabaho.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!" padabog kong sagot sa kanya.
"Nagmana lang ako sa'yo baby boy!" natawa lang siya sa kanyang sinabi.
Habang tumatagal ay bumibigat ang aking mga mata. Pinilit kong hindi makatulog. Subalit ng tumagal ay hindi na nakikisama ang aking mga mata. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
"GISING NA! Rise and shine anak."
Pupungas-pungas akong bumangon sa kama. Pagdilat ko pa lang ay bumungad na sa akin ang matatamis na ngiti ni papa.
"Kain na tayo baby boy!"
Mabigat ang aking katawang bumababa at umupo sa hapag. Habang kabaliktaran naman si papa. Parang ang sigla-sigla niya at pasipol-sipol pa kahit na kaunti lang ang kanyang tulog.
"Pa, bakit hindi niyo ako ginising? Ako na sana ang naghanda ng agahan para sa'tin."
"Ang sarap-sarap ng tulog mo eh. Kaya ako na lang ang naghanda. Okay lang naman anak. Wala namang kaso sa akin 'to."
"Pero kahit na... ginising niyo man lang po ako para naman mahaba-haba ang pahinga niyo."
"Okay lang 'nak." at nilagyan niya ng kanin at ulam ang aking plato.
"Pa, pwede na po ba akong maghanap ng trabaho ngayon?"
Saglit siyang natigilan.
"Bukas na lang 'nak. Medyo mainit ang panahon ngayon. Baka sumakit ang ulo mo." at umupo na siya.
"Magdadala naman po ako ng payong eh."
Napabuntong-hininga siya.
"Hindi na ba kita mapipigilan... gusto mo na talagang maghanap ng trabaho?" medyo malungkot niyang sabi.
Tumayo ako at niyakap ko siya.
"Papa, gusto ko po talagang magtrabaho na. Kung dito lang kasi ako sa bahay at walang ginagawa ay parang magkakasakit na po ako."
Napabuntong-hininga na lang siya.
"Sige, pero ihahatid kita."
"'Wag na po. Mali-late lang po kayo. Magje-jeep na lang po ako."
"Oh sige-sige... pero sakay ka na lang sa akin at ibababa kita sa may highway."
"Thank you po." at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Kain na tayo. Baka ma-late na nga ako nito." at natawa na lang kaming dalawa.
Nang makaalis na kami sa bahay ay umangkas ako kay papa at ibinaba niya ako sa highway. Nakangiti pa siyang nagpaalam sa akin. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa maglaho na siya ng tuluyan. Buti na lang at may nasakyan kaagad akong jeep kaya hindi na ako naghintay ng matagal.
Nang makarating na ako sa sentro ng syudad ay kaagad akong nag-job hunting. Nag-print muna ako ng bio data, resume' at application letter para sigurado. Nagpasa rin ako online sa kahit anong bakanteng trabaho na nakita ko sa internet.
Nang matapos na ako rito ay kaagad akong naghanap ng mga bakanteng trabaho na nahanap ko rin sa online. Walk-in applicant ako.
Kahit ano ay aking inaplayan. Pumasok ako sa iba't ibang gusali at nagbakasakali sa kahit anumang posisyon ang pupwede. Interview doon... interview dito. Halos bumula ang bibig ko sa kaka-english dahil sa mga tanong. Buti na lang at balde-balde ang dala kong english kaya nasagot ko ng maayos ang lahat ng aking interview.
Tanghalian na ng matapos ako sa pag-aaply. Kaya naman ay nagpahinga na muna ako sandali at kumain. Matapos nito ay naghanap pa ako ng ibang pwedeng pag-aplayan.
Nang matapos na ako sa lahat at naipasa ko na lahat ng mga documents ko ay umuwi kaagad ako sa bahay.
Kinagabihan ay may kaagad na tumawag sa akin at tanggap na kaagad ako sa trabaho. Isa itong hotel na pinasahan ko online. Nagulat nga ako at pinansin nila ako. Eh hindi naman ako tumungo sa kanilang establisyemento.
Tinanggap nila ako dahil na rin daw sa job experience ko. Waiter ang trabaho na nakuha ko. Bagay sa aking job experience dahil nakapagtrabaho ako sa fast food chain dati. Kaya siguro ito rin talaga ang dahilan kaya ako nakuha.
May mga tumawag pa sa akin pero nag-decline na ako sa kanila. Mas pinili ko ang pagiging waiter. Lalo pa at pansamantala lang ang trabaho na gusto ni papa. Hindi ako mahihirapang umalis kung kailangan ko ng tumigil.
Isa pa, hindi ako mahihirapan dahil nasanay ako sa trabahong ito. Ang maganda rin dito ay walang kailangang dalhing trabaho sa pag-uwi.
Nang sinabihan ko si papa tungkol sa nakuha kong trabaho ay nag-atubili siya noong una. Pero ng tumagal ay pumayag din naman siya. Lalo pa at kinumbinsi ko talaga siya ng mabuti at hindi ko tinigilan.
Hindi naman mahirap ang trabaho para sa akin. Atsaka, hindi ko naman iniisip na magtatagal ako sa ganitong trabaho. Pansamantala muna, hanggang sa makahanap ako ng iba pa na mas malaki ang sahod.
Ang mahalaga ay makatulong ako kahit konti. Para naman mabawas-bawasan ko ang gastos sa bahay. Ang hirap kasi at hindi bumababa ang presyo ng bilihin at tumataas pa ito sa katagalan.
Wala na kasing mura sa panahon ngayon, lahat na lang ay mahal. Mahal ang presyo ng bigas. Pati gasolina ay palaging tumataas.
Kaya kinakailangan kong tumulong para naman hindi gaanong mahirapan si papa. Lalo na at baon pa kami sa utang sa ngayon.
Naghintay ako ng tatlong araw. Hanggang sa nagsimula na nga akong magtrabaho sa hotel na tumanggap sa akin. Nagulat pa ako noong una at hindi ko aakalain na isang 5 star hotel pala ang kumuha sa akin. Hindi ko na kasi inalam pa dahil hindi naman ako umasa at hindi ko na inusisa pa ang tumanggap sa akin.
Hindi ako makapaniwala noong nasa labas na ako ng gusali dahil hindi ito ang inaasahan ko. Ang ganda kasi at ang gara-gara talaga ng gusali. Mataas at napakalaki ng hotel. Halatang sosyal at pangmayaman.
Nang makapasok ako sa loob at nagpakilala na isa akong bagong hire na waiter ay mabilis akong sinamahan ng isang attendant sa kanilang manager.
Matandang babae na ito subalit maliksi pa rin. Higit sa lahat ay mabait at palangiti kaya naman ay hindi ako natakot at kinabahan sa aking interview. Pansin ko rin na kahit matanda na ang manager ay hindi ito halata sa kanyang edad.
Tinanong muna ako ng ilang katanungan at pagkatapos nito ay sinamahan na niya ako sa isang silid.
May training pa ako ng isang linggo. Pagkatapos nito ay magsisimula na ako sa pagtratrabaho. Ang maganda sa training ay may sweldo na at libreng pakain pa. Kaya naman ay talagang nagustuhan ko ang pansamantalang trabaho. Mas maganda pa ay malapit lang ito sa condominium ni Nathan. Pwede akong bumisita sa kanya kapag maaga akong natapos at nakauwi.
Madali lang ang training para sa akin kasi may karanasan na ako sa pagwi-waiter. Kaya naman bumilib kaagad ang manager sa akin. Sa mga pagsasaulo at kung ano dapat ang sasabihin at gagawin ang medyo nahirapan ako, kapag nakikitungo na sa kustomer.
Masyado kasing mabusisi at dapat nag-iingat ka talaga dahil nga mga mayayaman at malalaking tao ang haharapin mo. Pero madali pa rin naman akong natuto at hindi na nahirapan ang management sa akin.
Ang mga kasama ko sa trabaho ay halos lahat graduate ng kursong Hotel and Restaurant Management at kung hindi man. Ang kurso nila ay tungkol sa pagluluto at culinary.
Ang nakakagulat pa ay dito rin nagtratrabaho si Roland. Nagpa-part time siya rito bilang isa ring waiter. Kaya mas naging komportable ako sa trabaho. Lalo na at may kakilala na ako.
"Pre, gaano ka na katagal dito?" tanong ko kay Roland habang kumakain kami ng tanghalian.
"Mga isang buwan na rin." sagot naman niya habang ngumunguya.
"'Di ba engineer ka naman? Bakit ka nagwi-waiter dito?"
"Hindi pa ako nakakapasa ng board pre kaya hindi pa talaga ako engineer. Ikaw nga 'tong summa cum laude eh. Bakit nagwi-waiter ka dito?"
"Pansamantala lang 'to, maghahanap din ako ng ibang trabaho sa katagalan."
"Hmm, kamusta naman... okay ka na ba? Hindi ka na kalbo. Tumubo na ang mga buhok mo." natatawa niyang sagot.
"Mabuti naman ako." natawa na lang din ako sa kanya.
"Maganda dito pre... okay ang pasweldo at malaki ang mga tip ng mga kustomer. Ang saya nga eh. Kanina lang nakatanggap ako ng isang libo. Ano, shot tayo mamaya?" natatawa niyang paanyaya sa akin.
"Sira ulo ka. Hindi pa ako pwedeng uminom. Pinagbabawalan ako ni Papa."
"Kahit konti lang?"
"Ulol!" at nagtawanan na lang kami.
Matapos naming kumain ay bumalik na ako sa nagtuturo sa akin sa lahat ng kailangan kong gawin. Habang si Roland naman ay bumalik na sa kanyang trabaho.
Madali naman akong nagkaroon ng iba pang mga kaibigan at mababait naman silang lahat. Sa mga chef, staff at mga kasama ko sa trabaho. Lahat ay masisipag at walang tatamad-tamad. Kaya hindi ako naiilang kumilos at makipag-usap.
Nang matapos ko ang training ng isang linggo ay kaagad na akong sumabak sa aktwal na trabaho. Pero under probationary pa rin ako. Hindi pa ako regular na empleyado.
Hindi talaga ako nahirapan, mas mahirap pa ang naging trabaho ko sa fast food chain dati.
Doon kasi hindi lang pagwi-waiter ang trabaho ko. Nagiging cashier, tagalinis, tagaluto, at kung anu-ano pa. Pero ngayon ang pagwi-waiter lang talaga ang aking ginagawa. Kaya talang hindi ako pinagpapawisan.
Halatang mga mayayaman lang ang kumakain sa hotel kasi halos lahat ay foreigner. Kung hindi man ay mga negosyante at yung may mga ibubuga talaga. Minsan pa nga ay mga artista.
Hindi ko namalayan ang panahon. Hanggang sa umabot na pala ako ng dalawang linggo sa aking pagtratrabaho. Mabuti na lang at hindi talaga ako napapagod. Hindi naman kasi ganoon karami talaga ang kumakain dito na parang nagsisiksikan.
May mga panahon na marami at minsan naman hindi. Fine dining kasi ang restaurant kaya ang mga nakakaluwag-luwag lang ang nakakakain. Atsaka halos lahat ay reservation.
"Table 27!" sigaw ng chef sa kitchen.
"Coming!" sagot ko namang nagmamadali at kinuha ang platong may pagkain.
Dinala ko ito sa table kung saan may naghihintay na dalawang matandang babaeng foreigner.
"Thank you." saad ng isa.
"You're welcome ma'am... enjoy the food." nakangiti kong sagot sa kanila.
Medyo dumami na ang kumakain ng tanghali na. Kaya mabilis kami sa pagkilos. Hanggang sa paunti-unting kumaunti ang mga kumakain.
Hanggang sa gumabi na.
Kaunti lang ang kustomer ngayong gabi at hindi madami katulad kanina. Kaya hindi na masyadong abala ang lahat.
"Jessie, ikaw na muna ang mag-asikaso dun sa bagong dating sa table 9. Masakit kasi yung tiyan ko eh." pakiusap ng kasama kong babaeng waiter sa akin.
"Sige, ako ng bahala. Pahinga ka na lang muna. Magpaalam ka muna kang manager para maaga kang makauwi."
"Sige, salamat Jessie."
Mabilis ko siyang pinalitan at ako ang nagtungo sa table kung saan may lalaking nakaupong mag-isa. Lumapit kaagad ako rito hanggang nasa gilid na ako ng kanyang table.
Nakita kong nakayuko ang lalaki at nakapatong ang siko sa lamesa habang nakahawak siya sa kanyang noo. Nahaharangan ang kanyang mukha ng kanyang kamay kaya hindi ko makita ang kanyang itsura.
Tumikhim ako para matawag ang kanyang atensyon.
"Good evening Sir. Welcome to Grand L'Atelier, how—"
Bigla akong natigilan at hindi ako nakapagsalita ng humarap na siya sa akin.
Halos hindi ko mahagilap ang mga salita sa aking mga labi. Tila nanigas ako sa harapan ng lalaki. Hindi ko aakalain na makikita ko pa siyang muli. Ang lalaking unang nagpatibok ng aking puso.
Walang iba kundi si Kuya Bernard.
"K-kuya B-Bernard..." nauutal kong wika.
Gulat na gulat siyang nakatingin sa akin at kahit siya ay hindi nakapagsalita ng magtama ang aming mga mata. Natigilan kaming dalawa.
"K-kamusta ka na k-kuya?" garalgal kong ani.
Mabilis na nagbago ang kanyang mukha. Nawala ang gulat at napalitan ito ng hindi kanais-nais na mga tingin. Parang galit, parang hindi natutuwa na ako ay kanyang muling nasilayan.
"Is that how you treat your customers here? Tinatawag mo lang na kuya?" sarkastiko niyang sagot.
"Ano ba 'tong napasukan ko... akala ko ba 5 star hotel ito... parang hindi na. You are degrading a five star hotel! What a shame. Ano 'to, karinderya sa isang boarding house?" at natawa siyang tumingin sa akin na nang-iinsulto at nangmamaliit.
"Sorry po Sir. My apologies." at napayuko ako.
"Mamaya na ako o-order. Hinihintay ko pa yung kasama ko." malamlam niyang sagot at umiwas ng tingin sa akin.
"Understood Sir... but maybe can I offer you some drinks while waiting? Cocktail, glass champagne or something stronger? We have excellent mixed drinks gin and tonic. Perhaps, some Hendricks or Tanqueray?" nanginginig kong sagot sa kanya na maluhaluha pa ang mga mata habang nakayuko.
"Do you have Monkey 47?" sagot naman niya na wala lang.
Malamig ang kanyang pakikitungo.
"Y-yes Sir..."
"I'll have Monkey 47 instead."
"I'll be right back with the drink, Sir. Thank you."
Nang makaalis na ako ay dito na bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Sandali akong nagpahid sa mga luha na dumaloy at kinalma ang aking sarili sa cr. Nang may ibang pumasok ay kaagad akong naghilamos para hindi mapansin na ako ay umiiyak.
Siya na nga yung nakasakit at nang-iwan noon... tapos siya pa yung galit? Galit ba siya dahil sa ginawa ko sa kanya noong magkita kami sa mall? Kung tutuusin kulang pa nga yun sa lahat ng panloloko niya sa akin!
Inayos ko ang aking sarili at mabilis akong bumalik dala-dala na ang inumin. Isang malalim na hininga ang aking ginawa bago lumapit uli sa kanyang table.
"Thank you for patiently waiting, Sir. Here's your drink. If I may ask, would you like to take a look on the menu?" kalmado kong tanong sa kanya.
"Are you deaf or rather stupid? I said earlier, I'll order when my companion comes!" singhal niya dahilan para tumingin sa amin ang ibang kumakain.
"I do apologize Sir... my mistake." sabay yuko ko.
"Ang tanga naman ng mga waiter dito." pagpaparinig niya.
Isang nangungutyang ngiti ang ipinakita niya sa akin bago ako umalis at bumalik sa kitchen.
"Jessie, pre okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Roland.
Lumapit naman ang ibang mga kasama pa namin.
"Okay lang ako." at pinilit kong ngumiti para hindi nila makita na nasaktan ang aking damdamin.
"Bakit ka niya sinigawan? Parang wala naman akong maling nakita na ginawa mo kanina." sagot naman ng isa ko pang kasama.
"Ganun talaga yang mga foreigner na yan. Kala mo kung makaasta bansa nila 'to." sagot ni Roland.
"Okay lang, atsaka hindi naman yun foreigner. Pinoy din yun." kalmado ko pa ring sagot kahit na galit na galit ang aking kalooban sa pangpapahiya na aking natanggap.
"Ganun ba? Mukha kasing banyaga eh."
"Mas mabuti pa, puntahan ko muna yung lalaking yun. Jessie, stay put ka na muna dito. I'll talk to him." mahinahong saad ni manager.
Tumango-tango na lang ako.
Nang makabalik na si manager sa kitchen ay kinakabahan ako at natatakot. Baka kasi ay sisisantihin na nila ako.
"Sorry po manager. Sorry po kung nagalit po yung customer sa akin." halos naluluha ko ng panghihingi ng tawad.
"Jessie, okay lang ang ginawa mo. Wala ka namang maling ginawa. Sadyang swapang lang talaga yung lalaking yun." at matalim na tumingin si manager sa malaking butas ng pintuan na nalalagyan ng glass.
Sa direksyon ng nakaupong si Kuya Bernard siya tumingin ng naiinis.
"Okay lang yun. 'Wag kang mag-alala." at tinapik-tapik niya ang aking balikat na nakangiti.
"Salamat po manager."
Ngumiti lang siya.
"Roland, ikaw na muna ang umasikaso dun sa lalaki na yun. Saka muna puntahan kung dumating na ang kanyang kasama. Baka ikaw naman ang ipahiya ng ungas na yun." at nagtawanan ang lahat ng aming kasamahan dahil sa kanyang sinabi.
Kahit ang mga nagluluto ay nagsitawanan na rin.
"Okay, back to work people. Tama na ang tsismis at nagmumuk'a tayong mga palengkera." pumalakpak siya ng dalawang beses.
Nagsibalikan naman ang lahat sa pagtratrabaho na natatawa pa.
"Jessie, mamaya ka na lumabas kapag wala na yung taong yun. Dito ka na lang muna."
"Salamat po manager. Hindi po sa nagmamagaling po ako. Pero kailangan ko pong tumulong para hindi po masyadong mahirapan ang mga kasama ko."
"Wag kang mag-alala. Walang masyadong guest. Kaya na yan ng mga kasama mo. Dito ka na lang muna at magpahinga.
"Salamat po." at hindi ko napigilang mapangiti.
Ang bait-bait kasi ng manager namin. Kahit kailan ay hindi ko ito nakitang pinagalitan ang aking mga kasama. Kung itrato niya kami ay parang niya kaming mga anak. Siya naman ang aming nanay-nanayan.
Nang matapos na ako sa aking shift ay kaagad akong lumabas ng hotel.
"Pre, sandali!" sigaw ng isang lalaki.
Lumingon ako at si Roland pala ang tumawag sa akin.
Mabilis siyang lumapit sa akin na patakbo pa.
"Uuwi ka na pre?"
"Oo, uuwi na ako. Alas nuwebe na oh!" sabay pakita ko sa oras na nasa aking cell phone.
"Punta muna tayo kina Nathan. Malapit lang naman ang condo niya rito."
"Matagal ko ng alam kung saan ang condo niya. Nakitira pa nga ako doon ng isang linggo dati eh."
Biglang nag-ring ang aking cell phone at ng tingnan ko ang tumatawag ay si papa ito.
"Sandali lang pre. Sagutin ko muna 'to." tumango lang si Roland.
"Hello Pa... napatawag po kayo?"
"Hello 'nak, baka gabing-gabi na ako makakauwi o baka umaga na. Birthday kasi ni Bruce eh."
"Ganun po ba... may inuman ba d'yan Pa?"
"Meron 'nak, pero 'wag kang mag-alala. Hindi naman ako iinom ng marami. Konting shot lang naman."
"Oh sige po. Anong oras po kayo uuwi?"
"Tingin ko baka umaga na talaga ako makakauwi nito 'nak kasi wala kaming trabaho bukas. Hindi nila ako hinahayaang umalis eh. 'Wag mo na lang akong hintayin, matulog ka na lang ng maaga."
"Oh sige po." medyo malungkot kong sabi.
"Baby boy... text mo na lang si Nathan na samahan ka sa bahay para may kasama ka."
"Naku, huwag na po. Baka kasi busy yun ngayon atsaka masyadong nakakaabala na."
Sandali akong napaisip. Mas mabuti siguro kung sa kay Nathan na lang muna ako matulog. Total hindi naman uuwi si papa ngayong gabi.
"Pa, kay Nathan na lang po kaya ako makitulog? Hindi pa naman kasi ako nakakauwi sa trabaho eh. Malapit lang kasi condominium niya rito."
"Ganun ba 'nak? Sige, mas mabuti kung dun ka na lang muna para may makasama ka. Mas makakampante ako kung dun ka muna."
"Sige po Pa. Salamat po. Pero huwag maglalasing huh?"
"Opo, hindi po ako maglalasing." natatawa niyang sagot sa akin.
"Sige nak, ibababa ko na. Mag-ingat ka papunta kina Nathan huh? I love you!"
"I love—"
Sandali akong nagtigilan. Nasa gilid ko lang si Roland na nakikinig. Medyo nahiya ako baka kasi kantyawan ako ni Roland.
"Sige po. Likewise!" at binaba ko na ang cell phone.
"Oh ano pre? Sama ka kina Nathan?"
"Sige!"
Pumunta kami ng parking area at umangkas ako sa motor ni Roland. Halatang mamahalalin ang motor niya at fully customized pa.
"Pre, okay lang ba na umangkas ako na walang helmet? Baka mahuli tayo?"
"'Wag kang mag-alala. Gabi na at alam ko kung saan ang daan na walang mga parak na nanghaharang. Kaya chill lang." at pinaandar niya na ang kanyang motor.
Mabilis lang kaming nakarating sa condo ni Nathan. Marami kasing alam na shortcut na daan si Roland. Nang makaakyat na kami sa condo unit ni Nathan sakay ang elevator ay kaagad kaming nag-door bell.
Nagtago ako sa gilid ng pinto upang hindi ako makita ni Nathan. Gusto kong gulatin siya. Nang buksan na niya ang pinto ay hindi muna ako nagpakita.
"Oh pre nandito ka na pala. Pasok sa loob!" ani ni Nathan.
Nang bigla na lang akong tumalon sa kanyang harap.
"Bulaga!" sigaw ko at bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan.
Halos mapatalon pa siya sa gulat. Tawang-tawa ako na nasaksihan ang kanyang mukha sa pagkakagulat. Sobrang nakakatawa kasi ito. Pati si Roland ay tumatawa na rin.
"Putang ina ka tol!" napakamot na lang siya sa kanyang ulo.
"Gulat ka no?" natatawa ko pa ring sagot.
Natawa na lang siya at pinapasok kami sa loob.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi na darating ka pala tol?"
"Biglaan kasi. Hindi kasi uuwi si Papa kaya gusto niya na dito na lang muna ako matulog sa'yo. Okay lang ba?"
"Talaga?! Mas mabuti nga yun eh!" tuwang-tuwa niyang sabi.
"Oh, asan na yung titirahin natin? Asan na yung emperador at uhaw na uhaw na ako." sabat naman ni Roland.
"Mag-iinuman kayo?" tanong ko.
"Anong kayo? Tayo! Mag-iinuman tayo." masayang sagot ni Roland.
"Bawal sa kanya ang uminom Pre. Tayo na lang." si Nathan.
"Tama nga pala. Bawal ka pala pre. Sad." at naglungkot-lungkutan siya sa aking tumingin at ininggit ako.
"Heh! Hindi ako lasinggong tulad niyo! Mag-inuman kayo hanggang umaga! Bahala kayo." at natawa sila sa aking sinabi.
"Oy teka, kumain ka na ba tol?" tanong ko kay Nathan.
"Hindi pa eh." sagot naman niya.
"Ikaw pre, kumain ka ba kanina? Hindi kita nakitang naghapunan kanina." baling ko naman kay Roland.
"Hindi rin eh."
Parang nagpanting ang aking mga tenga sa aking narinig.
"Ang lakas niyong magsipang-inom mga unggoy kayo! Tapos hindi pa pala kayo kumakain? Walang iinom hangga't wala pang kain!" singhal ko na parang tatay sa kanyang mga anak.
"Mga tarantadong 'to. Walang iinom hangga't hindi pa naghahapunan!" matigas kong sabi sa kanila.
Para naman silang mga bata na hindi nakapagsalita at hindi nagawang sagutin ang pangaral ko sa kanila.
"Hoy, ikaw Nathan! Bakit hindi ka naghapunan?" tanong ko sa kanyang pinandilatan pa siya.
"Tinatamad k-kasi akong magluto tol eh." sagot niya na parang paslit na natatakot.
"Kailan ka naman natutong magluto aber? Eh puro dilata, pizza, burger at instant noodles yang pinagkakain mo! Kahit nagluto ka na lang ng dilata tinatamad ka pa rin? Anong klaseng pag-uugali yan?!"
Natahimik siya.
"Ikaw naman Roland? Ang lakas mong makapagyayang uminom tapos hindi ka pa pala kumakain? Ano, gusto niyong magka-ulcer?!" singhal ko sa kanila.
"Ito kasi... itong si Roland tol eh. Hindi naman ako iinom sana. Siya yung nagyaya sa akin." sumbong niya.
"Ah ganun pala... huh Roland?"
"Hala! Hindi yan totoo! Gago ka pre, ikaw nga yung tumawag kanina sa akin eh. Ikaw yung nagyaya na mag-inuman tayo. Hindi ako yung nagyaya Jessie. Siya yung nagyaya. Siya!" pangangatwiran naman niya sa akin sabay turo pa talaga kay Nathan.
"Tang ina ka! Ikaw yung nagyaya kahapon noh! Sabi mo mag-inuman tayo!" sagot naman ni Nathan.
"Eh yung nakaraang linggo? 'Di ba sabi mag-inuman tayo?" sagot naman nito.
Nagbangayan sila na parang mga bata. Napakalalaking bulas pero parang mga paslit kung mangatwiran.
"Tumahimik nga kayong dalawa!!!" sigaw ko.
Tumahimik naman ang mga tukmol.
"Magluluto ako! Asan yung mga delata?!"
"Nasa cabinet ng kusina tol."
Nakatingin ako ng matulis kay Nathan bago nagtungo sa kanyang kusina.
"Ikaw kasi! Tuloy napagalitan tayo." paninisi ni Nathan.
"Eh kung sinabi mo sana na kumain ka na ng hapunan hindi sana tayo napagalitan!" sagot naman ng isa.
Akala nila hindi ko narinig ang kanilang mga bulungan. Medyo napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ko. Para akong magulang na pinapagalitan ang kanyang mga anak. Natatawa akong isipin na parang mga bata din talaga 'tong mga kaibigan ko paminsan-minsan.
"Oh, may karne naman pala dito sa ref. Bakit hindi mo 'to niluto?" tawag ko kay Nathan.
"Ano kasi tol, nag-try akong magluto kaninang tanghali ng adobo. Sinundan ko naman yung tutorial sa pagluluto sa youtube. Pero palpak eh. Sobrang alat na sobrang asim na parang ewan. Kaya tinapon ko na lang."
"Ang sayang naman nun." sagot ko.
"Wala ka kasing alam sa kusina pre." kantyaw ni Roland.
"Tumahimik ka nga! Kahit pagprito nga ng itlog 'di ka marunong eh." sagot naman nito sa kanya.
Natahimik si Roland.
"Hay naku, tumahimik na nga kayo. Ano ang gusto niyong lutuin ko? Para na rin sa pulutan niyo?"
"Adobo tol! Gusto ko ng adobo!" parang batang sagot ni Nathan.
"Sige, adobo na lang! Ang sarap kumain ng adobo ngayon!" si Roland.
Mabilis na bumalik ang dalawa sa sala at maingay na nagtatawanan habang nanonood ng basketball. Habang abala naman ako sa paghahanda ng kanilang hapunan.
"Tol, mag-order kaya ako ng food, ano gusto mo?" tanong sa akin ni Nathan ng maupo siya sa hapag.
"Ang sarap mo ring sampalin eh no? Kung nag-order ka na lang kaya kanina para hindi na sana ako nagluluto ngayon? Tadtarin kita d'yan eh!"
"Nakalimutan ko na kasing umorder tol. Masyado akong nalibang sa paglalaro ng playstation eh. Hindi ko tuloy napansin kung anong oras na."
"Ingatan niyo nga ang mga kalusugan ninyo. Ang hirap magkasakit. Kayo talaga, bakit kayo naghahanap ng sakit sa katawan? Matuto nga kayong pahalagahan ang mga kalusugan ninyo."
Kaya galit na galit ako ngayon kasi hindi kasi nila iniingatan ang kanilang kalusugan. Simula ng nagkasakit ako dati ng brain tumor ay naging malaking bagay para sa akin ang kalusugan. Mahirap magkasakit, kaya dapat lang na ingatan nila ang kanilang nga katawan.
"Sorry tol." sagot naman niya.
"Sa susunod huh? 'Wag kayong iinom kung walang laman ang mga tiyan niyo."
"Opo!" sabay naman nilang sagot.
"Hahay... mga ungas talaga." natawa na lang sila sa aking sinabi.
HALOS naghahabulan silang kumain dalawa ng naluto na ang ulam at kanin. Ang lakas kumain ng dalawa. Parang hindi nakakain ng ilang araw.
"Ang sarap. Ang sarap mo talagang magluto tol!" saad ni Nathan.
"Oo nga, hindi ko alam na masarap ka pa lang magluto pre. Sana nag-culinary ka na lang." sabi naman ni Roland habang sumusubo ng pagkain.
"Sige, kain lang kayo. Marami naman akong niluto na ulam eh. Para may pangpulutan kayo mamaya."
Matapos kumain ay nagpahinga na muna ang dalawa. Maingay kaming nagtawanan tatlo habang nanonood ng palabas sa tv. Nang hindi na mabigat ang kanilang tiyan ay saka sila nagsimulang mag-inuman. Dahil hindi ako pupwedeng uminom ay binigyan na lang ako ni Nathan ng orange juice.
Habang umiinom sila ng alak ay nakikisabay naman akong uminom sa kanila. Orange juice nga lang. Maingay kaming nagtatawanang tatlo. Kahit anu-ano ang aming pinagkwentuhan. Hanggang sa maubos nila ang isang litrong alak.
Hindi pa sila nalalasing. Halatang malakas silang uminom dalawa. Subalit sa ikalawang bote ay sumipa na ang espiritu ng alak. Lalo pa at kumuha ng ibang inumin si Nathan at mas malakas ito kaysa sa nauna nilang ininom.
Hindi pa sila umaabot sa kalahati nito ay nagtatawanan na sila at hindi na medyo maiintindihan ang kanilang mga pinagsasasabi. Natawa na lang ako sa kanila. Ang iingay nilang dalawa.
Unang bumagsak si Nathan at nakatulog sa sofa. Habang si Roland ay hindi pa. Subalit lasing na lasing na siya. Kumakanta pa nga siya na wala sa tono at parang baliw na.
Hay naku, sarap pag-uuntugin tong mga ugok na 'to.
Naisip kong tawagan na lang si papa. Subalit makailang ulit na akong tumatawag sa kanya pero hindi niya naman ito sinasagot. Kaya nagpaulit-ulit ako sa pagtawag hanggang sa sinagot na niya ang aking tawag.
"Hello Pa? Kamusta na po kayo d'yan?"
Napakamaingay at naririnig ko ang tunog ng malakas na musika sa kabilang linya.
"Sandali lang... just a minute."
Nagulat ako sa sumagot. Hindi kasi ito si papa at alam ko na lalaki ang sumagot sa kanyang cell phone.
"Hello?" tawag nito at medyo hindi na masyadong maingay.
"Sino 'to? Bakit nasa sa'yo ang cell phone ng Papa ko?"
"Jessie... si Lester 'to! Sinagot ko na lang ang cell phone niya kasi sobrang lasing na ni kuya."
Sinabi ko ng 'wag maglasing eh! Ang tigas talaga ng ulo! Naiinis kong sabi sa aking isipan.
"Ganun ba?"
"Don't worry ipapahatid ko na lang siya mamaya sa inyo. Delikado kasi na mag-drive pa siya."
"Sige, salamat Lester huh?"
"No problem."
"Sige-sige ba-bye na. Ingat kayo d'yan." at ibinaba ko na ang cell phone.
Dismayado ako at naiinis na bumalik sa sala. Kumakanta pa rin si Roland na lasing na lasing at wala sa tono. Hanggang sa makatulog na ito sa sofa sa katagalan.
Iniwan ko na lang ang dalawang lalaking natutulog at pumunta ako sa may balkonahe at tinanaw ko ang liwanag at ilaw ng buong siyudad. Sa sobrang taas ng kinalalagyan ko ngayon ay parang nakikita ko ang kagandan ng Maynila.
Pero ang ganda nito ay hindi kayang pagaanin ang bigat ng aking damdamin ngayon. Napakalamig ng simoy ng hangin ng gabi tila minamanhid ang aking katawan sa aking pag-iisa.
Tahimik kong inalala ang nangyari kanina sa aking pinagtratrabahuan.
Hindi na siya ang dating Kuya Bernard na nakilala ko. Ibang-iba na siya. Ibang-iba na talaga.
Talagang nagbabago ang lahat.
Hindi na katulad ng dati ang kanyang pag-uugali. Ang kanyang mga tingin. Mga pananalita at kahit ang kanyang ngiti. Hindi na siya ang lalaking inibig ko noon. Hindi na siya ang lalaking una kong minahal.
Hindi mo na siya dapat isipin pa Jessie. Hindi ka naman talaga niya minahal.
Napabuntong-hininga ako.
Halos alas dos na ng madaling araw ng mapansin ko ang oras sa aking cell phone. Ang tagal ko na palang nakatayo sa balkonahe habang tinatanaw ang kawalan ng nag-iisa. Subalit hindi pa rin ako nakaramdam ng pagod. Hindi rin ako dinapuan ng antok dahil sa aking mga iniisip.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi sadyang naalala ang mga masasayang araw na kasama ko ang mga naging kaibigan ko dati. Sila Kurt at Oliver. Pati na rin si Kuya Bernard na minahal ko talaga ng lubos.
Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya nung dumating ka sa buhay ko Kuya Bernard. Binigay ko naman sa'yo lahat... pero tinapon mo na lang nang basta-basta ang lahat ng pinagsamahan natin.
Nang bumalik ako sa sala ay nakita kong nagising na si Roland at medyo hindi na siya ganun kalasing. Nagpakulo ako ng sabaw para pantanggal lasing at pinainom ko ito kay Roland para mahimasmasan siya.
Hindi na nila naubos pa ang ikalawang bote kaya itinabi ko na lang ito at nilagay sa ref. Mabuti na lang at ng tumagal ay unti-unting nawala ang sobrang kalasingan ni Roland.
Kahit na may tama pa siya ng konti ay nasa tamang katinuan na siya.
Dahil hindi na makatulog ulit si Roland ay nag-usap na lamang kami. Kahit anu-ano ang aming pinag-usapan. Sa mga buhay-buhay namin at mga karanasan. Hanggang sa mas naging seryoso na ito.
"Pre, may tanong ako sa'yo?"
"Ano yun pre?" sagot naman niya.
"May sinabi ka sa akin dati. Tungkol kay Lester? Bakit mo yun nasabi sa kanya?"
Natigilan siya at kitang-kita ko ang pagkagulat niya.
"Huh? M-may sinabi ba ako tungkol sa kanya? Wala akong natatandaan." hindi mapakali niyang sagot.
"Sinabi mo sa akin dati na mag-iingat ako sa kanya. Hindi ko nakalimutan yun. Mabait siya pre, hindi naman siya masamang tao eh."
"Hindi siya mabait. Masama siya." sagot niyang hindi nakatingin sa akin at nagtungo sa kusina.
Sinundan ko siya at patuloy na tinanong. Kinulit ko siya subalit pilit siyang umiiwas at iba ang sinasagot niya. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito. Hindi ako tumigil sa kakatanong ngunit taliwas naman ang mga sinasagot niya. Iniiba niya ang usapan.
"Bakit nga masama siyang tao? Ipaliwanag mo nga sa'kin pre. Ang bait niya... napakabait niya kaya paano mo nasasabing masa—"
"Masama siya! Napakasama niyang tao! Isa siyang nakakasuka at nakakadiring mapagbalatkayo. Mapagpanggap at demonyo siya!" tiim-bagang niyang sagot sa akin na talagang ikinagulat ko.
Bumallik siya sa sala at naupo. Sumunod ako sa kanya at hindi niya ako magawang tingnan.
"Matutulog na ako pre." sagot niya at tumungo sa isang silid.
Pero bago pa man siya makapasok ay napigilan ko na siya.
"Pre, sandali..."
Natigilan siya subalit hindi na niya ako pinansin pa at kaagad siyang pumasok sa loob at sumampa sa kama. Dumapa siya rito at hindi na ako nilingon pa. Lumapit ako sa kanya at nagsalita.
"Pre, pasensya na. Sorry kung masyado akong nanghihimasok. Sige, good night." at tumalikod na ako para lumabas.
Pero bigla na lang niya akong tinawag.
"Pre, teka lang..."
Paglingon ko sa kanya at nakaupo na siya sa gilid ng kama.
"Pre, may dapat kang malaman."
Natigilan ako... parang nakaramdam ako ng kakaibang kuryusidad.
"A-ano yun?" kinakabahan kong sagot.
"Isara mo ang pinto at may sasabihin ako sa'yo. Pero atin-atin lang 'to. Ipangako mo na hindi mo sasabihin kahit kanino." tumango-tango ako at mabilis na isinara ang pintuan at umupo sa kanyang tabi sa kama.
"Sa'yo ko lang sasabihin 'to. Ito ang lihim na pinakatago-tago ko."
Tumango-tango ako na kinakabahan.
"Pre, masama siyang tao dahil pinagsamantalahan niya ako dati. Ginawa niya akong alila at pinaglaruan niya ako. Ginawa niya akong alipin!" galit na galit na saad ni Roland at nanginginig na napatikom pa ang mga kamao.
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi at dito na niya ipinaliwanag ang lahat sa akin. Kung sino nga ba si Lester at kung ano ang ginawa nito sa kanya noon. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng kanyang sinabi ng mailahad niya ang lahat. Kinilabutan ako at natakot sa tunay na pagkatao ng akala ko ay isang maamong tupa.
Ikwenento niya lahat na labis kong ikinatakot at ikinagulat.
Dala ng kabataan ay nakagawa ng isang napakalaking pagkakamali si Roland noon. Nagawa niyang magloko at mag-masturbate sa web cam sa isang ka-chat na babae na nakilala niya lang sa internet. Kahit na may syota pa siya ay nagawa niyang maghanap ng ibang babae.
Naging regular niya itong kausap at sa katagalan ay nanligaw siya rito. Ilang beses siya nitong binasted subalit hindi siya sumuko. Kahit ang kanyang kasintahan ay hiniwalayan na rin niya dahil na rin gustong-gusto na niya ang babaeng nakilala. Subalit nagulat na lang siya ng isang araw ay gusto siya nitong makita sa personal. Kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip na makipagkita rito.
Iba raw ang kagandahan ng babae at nahulog siya rito ng tuluyan kaya naman kahit anong ipagawa nito sa kanya ay pumapayag siya. Lalo pa at may nararamdaman na siya rito.
Pero ng magkita na sila sa isang restaurant ay nagulat na lang siya at hindi inaasahan ang makikita. Isa pa lang lalaki ang kanyang ka-chat na labis niyang ikanalumo at ikinagalit.
Ito ay walang iba kundi si Lester.
Pero bago pa man siya nakapag-react at makapagwala ay binantaan na siya nito na ikakalat ang kanyang mga video kung hindi siya makikisama. Dahil sa takot ay wala siyang nagawa. Sumunod na lang siya sa gusto nito at sa mga gustong ipagawa sa kanya. Huwag lang ikalat ang kanyang mga video na siya niyang pinagsisisihan.
Lalo pa at may sakit ang kanyang ina sa puso. Natatakot siya sa mangyayari dito sa oras na malaman nito ang kanyang kalokohang nagawa.
Doon na nagsimula ang pang-aalipin sa kanya. Doon na nagsimula ang masalimuot niyang karanasan.
Ginawa siya nitong utusan noong una at lahat ng utos nito ay sinunod naman niya. Sa simula raw ay hindi naman mahihirap ang mga iniuutos nito. Pero ng tumagal na ay dito na siya pinanghinaan ng loob.
"Ano ang ginawa niya pre... ano ang ginawa niya?" nag-aalala kong tanong.
"Ginawa niya akong hayop pre... ginawa niya akong hayop!" at tuluyan ng napaluha si Roland.
"Inutusan niya akong gahasain ang aso niya noong una! Kinasta ko ang aso niya... ang aso niya pre!" nanginginig niyang sambit.
Nanlaki ang aking mga mata sa narinig.
"Gusto ko mang pumalag ay wala akong laban. Ikakalat niya kasi ang video ko kung hindi ako susunod. Kaya wala akong nagawa pre kundi sundin ang gusto niya. Wala akong nagawa... sumunod na lang ako sa lahat ng kanyang gusto kahit nakakasuka." tinakpan niya ang kanyang mga mata habang umiiyak.
Napahawak ako sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Roland.
"Pati kahit anong hayop na mapagtripan niya ay inutusan niya ako na gahasain ang mga ito. Habang kinukunan niya ako ng video." at nahihiya siyang tumingin sa akin.
Lumuluha at nakakaawa. Mahina at walang kalaban-laban.
"Akala ko pakakawalan na niya ako kung susunod ako sa lahat ng gusto niya. Pero nagkakamali ako pre. Habang tumatagal ay mas pinahirapan niya pa ako. Kapag nababagot siya ay itinatali niya ako sa dingding ng hubo't hubad habang nilalatigo. Baliw siya pre! Baliw siya! Mas masahol pa siya sa demonyo!"
Humagulgol na si Roland at hindi na niya napigilang ilabas lahat ng hinanakit niya.
"Tingnan mo 'to pre." saad niya.
Bigla na lang niyang hinubad ang kanyang t-shirt at ako ay napanganga sa aking nakita. May mga bakas ng marka ang kanyang dibdib at tiyan. Ang daming peklat sa kanyang katawan. Halatang sa latigo ito nanggaling noon.
"Kaya mag-iingat ka sa kanya. Mag-iingat ka pre at 'wag na 'wag kang magtitiwala sa kanya. Huwag mong hahayaan na makakita siya ng pagkakataon na ikaw naman ang maging isa sa mga biktima niya."
"A-ano... ang ibig mong sabihin... m-marami na kayong nabiktima niya?"
"Oo, marami na kami pre. Hindi ako ang una, marami pang mas nauna sa akin na nilapastangan niya at binaboy. Nalaman ko na lang ito ng ipinakita niya sa akin ang ibang video. Marami kaming mga minaltrato niya. Marami na kaming nagdudusa. Ginawa niya kaming mga hayop. Masama siya pre... masama siya!"
Parang paslit si Roland na humagulgol at kitang-kita ko ang takot sa kanya. Nanginginig siya dahil sa trauma na naranasan. Hindi ko napigilan ang aking sarili at niyakap ko siya. Umiyak lang siya nang umiyak at hinayaan ko siyang mailabas ang sakit na kanyang dinaranas. Kahit ako ay naiyak na rin.
Hanggang sa tuluyan na siyang kumalma.
"Bakit niya ito ginagawa sa'yo pre? Bakit niya ginagawa 'to?"
"Hindi ko alam. Wala akong alam kung bakit niya ito ginagawa. Wala naman akong kasalanan sa kanya. Ang alam ko lang ay napakatuso niya at isa siyang napakasamang tao. Natutuwa siya kapag nakikita niyang nakakasakit siya. Sadista siya at may sira sa ulo! Yan ang sigurado ako."
"Minsan nga ay ginagawa niya akong aso. Tinatalian niya ako sa leeg habang hubo't hubad at itinuturing ako na parang alaga. Pinapakain niya ako ng dog food at paulit-ulit niyang pinapagahasa ang aso niya sa'kin. Halos isang taon at kalahati niya akong ginawang alipin at paulit-ulit na minaltrato. May sira siya pre... may sira siya sa tuktok!"
Nanginginig ako sa mga nadiskubre ko. Isang Psychopath pala ang tunay na Lester na hindi ko man lang napagdudahan ni minsan.
"Paano natin mabubura ang mga video mo? Magsumbong na kaya tayo sa mga pulis? Humingi na tayo ng tulong sa kanila." suhestyon ko.
"'Wag! Hindi pwede pre! Masisira ang reputasyon ng pamilya namin. Baka mapano ang mama ko. Hindi pwede pre. Hindi pwede..." naluha na lang siya.
"Pero dapat may gawin tayo para matigil na 'tong mga kasamaang ginagawa niya. Dapat na siyang mapigilan bago pa mas dumami ang mga magiging biktima niya."
"Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko pre. Mahirap siyang kalabanin. Nagpapasalamat na nga lang ako ngayon at mag-iisang taon na niya akong pinabayaan. Hindi na niya ako ginagambala." humihikbi niyang sagot.
"Pre, saan niya itinatago ang mga video? Sa cell phone ba niya?"
"Hindi pre, maingat siya at tuso kaya hindi niya nilagay sa cell phone niya. Nahalukay ko na ang cell phone niya dati, pati at ang laptop pero wala akong nakita. Ang alam ko ay itinago niya ito sa kanyang computer na siya lang ang makakapagbukas. Pero alam ko ang password niya dahil nakita ko. Binuksan niya ang computer sa harap ko mismo ng dalhin niya ako sa kanyang kwarto at ipinakita sa akin ang iba pang mga naging biktima niya. Kaya mabilis ko itong isinaulo para kapag may pagkakataon ako ay mabubura ko ang mga video."
"Ang problema lang ay wala akong pagkakataon para mabuksan ang computer niya. Sigurado ako na nandoon lahat ang mga videos." at nagpahid na naman siya sa mga luhang dumaloy.
"Hindi ko alam na ganito pala si Lester. Ang sama-sama pala niya." galit na galit kong sagot.
"Gustuhin ko mang lumaban na ay wala akong magagawa pre. Hawak niya ako sa leeg pati ang mga iba pa. Kaya niyang paikutin ang batas sa mga kamay niya dahil na rin napakayaman nila at napakamaimpluwensiya. Mahirap siyang kalaban."
Nakinig ako sa lahat ng mga sinabi ni Roland. Ilang mga tanong ko pa ang sinagot niya at dahil dito ay nakabuo ako ng isang plano para makalaya siya sa mga kamay ni Lester.
"May naisip na akong gagawin. Sigurado akong hindi ka na niya mahahawakan pa sa leeg."
"Ano pre?"
"Hintayin mo na lang. Kung tuso si Lester... mas tuso tayo."
NANG tuluyan ng kumalma si Roland ay hinayaan ko siyang matulog na.
Dali-dali kong tinawagan si papa para mabalaan siya. Mabuti na lang at ng tumawag ako ay sinagot niya kaagad ang cell phone niya.
"Hello Pa... Nakauwi na po ba kayo? Uuwi na lang po ako d'yan ngayon sa bahay. May sasabihin po ako sa inyo."
Subalit nagulat ako sa sumagot.
"Hello Jessie? Si Lester 'to... papauwi na sila kuya sa inyo. Ipinahatid ko na lang siya. Medyo lasing na kasi kaya hindi ko na hinayaang mag-drive."
Natahimik ako.
"Hello Jessie? Nand'yan ka pa ba?"
"Oo, nandito pa a-ako." nauutal kong sagot.
"Sige, ibaba ko na. Nagdra-drive kasi ako eh. Good night and sweet dreams!" masigla niyang sagot.
"S-sayo rin... s-sige." at ibinaba ko na ang tawag.
Nakaramdam ako ng kaba. Subalit nagpanggap na lang ako.
Kailangan kong umuwi ngayon. Kailangan kong puntahan si Papa!
Mabilis akong lumabas sa condo ni Nathan at bumaba sa lobby ng gusali. Nagmamadali akong pumara ng taxi para makauwi. Mabuti na lang at hindi na traffic kaya mabilis naman akong nakarating sa bahay.
Nang bumaba na ako ay napansin ko na may nakaparadang sasakyan sa harap ng gate namin. Ito siguro ang naghatid kay papa. Nang pumasok na ako sa loob ng bahay ay hindi ko naman siya nakita.
"Baka nasa silid na siya."
Pumanhik kaagad ako sa itaas at binuksan ko ang pintuan ng aming silid. Madilim sa loob kaya naman binuksan ko ang ilaw.
Dito na ako halos hindi makagalaw at hindi makahinga sa aking nakita.
Bumungad sa akin ang isang eksena na dumurog sa akin nang buong-buo. Kitang-kita ng mga mata ko ang hubad na katawan ng aking ama. Kasama ang isang napakagandang babae. Nakapatong ito sa kanya habang nakahubo't hubad din at yakap-yakap pa niya ito.
Dumaloy ang luha sa aking mga mata. Hindi ako nakahinga. Nanikip ang aking dibdib at parang sinasaksak ako ng kutsilyo sa aking puso. Mabilis akong tumakbo palayo at lumabas ng bahay.
Takbo lang nang takbo at hindi alam kung saan tutungo. Habang walang tigil na bumubuhos ang mga luha sa aking mga mata.
Itutuloy...
1
2
3
GOOO!!!
K... magwala na kayo. Hahaha
Feel free to follow my Blog and Comment! ^_^/
Waaaaahhhh! Anong katarantaduhan 'to, William! Lagot ka sa'kin! Bwisit! At ikaw, Lester! I feel something wrong about you! Humanda ka rin sa'kin! Ibibilad kita sa arawan nang sugat-sugat at maraming asin! 😠😠😠
ReplyDeleteSi Lester ang may pakana nyan para magkasira silang mag ama, taenang Lester yan
ReplyDeleteMga pashneya!!!
ReplyDelete