KABANATA 57 Destinasyon
Ang hanging sariwa na malayang tumataghoy sa pag-ihip. Masarap damhin ang bawat bugso nito na dumadampi sa aking balat. Tirik ang araw subalit hindi mainit, lalo na at malakas ang pagbugso ng hangin na tila ba hindi tumitigil. Ganito nga talaga siguro sa bukid. Tahimik, matiwasay, hindi magulo. Walang istorbo at mabagal ang takbo ng panahon.
Malamig at hindi mainit dahil na rin malayo sa mausok at magulong syudad. Marami pa ang punong kahoy at may mga kagubatan pa na hindi naaangkin ng tao.
Nakaupo ako sa isang punong kahoy na matagal ng natumba at nagsilbi itong upuan ko. Habang nakatingin ako sa malapad at patag na palayan. Hanggang sa mga kakahuyan na nasa malayo. Tanaw ko rin ang maaliwalas na kalangitan.
Napangiti lang ako. Hindi ako magsasawang tanawin ang payapang lugar na ito.
Masaya kahit na kaming dalawa lang sa mumunti naming tahanan. Maliit lang ang aming bahay at mayroon lang na tatlong silid. Kompleto naman, may maliit kaming banyo at cr. May kusina at sala. Simple lang ang aming bahay na yari sa semento at kahoy. Pero sapat na ito sa akin, ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at masaya.
Ilang buwan na ang dumaan at talagang bawat araw na dumaan ay masaya. Hindi ko man alam kung anong mangyayari bukas at wala itong katiyakan. Subalit panatag ako at masaya, lalo pa at kasama ko ang pinakamamahal kong lalaki sa aking buhay.
May mga away na pakonti-konti lang at hindi naman talaga ito maiiwasan sa isang pagsasama. Pero mabilis namin itong naaayos at hindi namin hinahayaang hindi maayos ang gusot kapag lumulubog na ang araw. Natuto kaming magbigayan at magpakungbaba para madaling nasosolusyunan ang mga problema sa aming relasyon.
Kahit na ako naman talaga palagi ang nagsisimula ng bangayan dahil na rin kung minsan ay biglang gumagana ang aking sayad sa ulo at topak. Mabuti na lang at iniintindi niya pa rin ako. Minsan nga ay ako pa itong mali, pero sa huli ay siya ang nanghihingi ng tawad.
Sa ilang buwang dumaan ay talagang kinalimutan na namin ang masalimuot na nangyari. Binaon na namin ito para maipagpatuloy ang buhay na walang iniisip na sagabal.
Ngayon ay hindi na papa ang tawag ko sa kanya. Kundi "Pang" na, dahil may tawagan na kasi kami sa aming pagsasama bilang turingan na mag-asawa. Kahit na walang kasulatan, ang pagmamahal namin ay parang katulad lang din sa isang legal na mag-asawa. Habang hindi naman niya ako tinatawag na anak pa, kundi "Ga" na.
Ito ang aming tawagan na galing sa salitang ilonggo na "Palangga o Pangga" na ibig sabihin ay mahal. Ayaw na kasi niyang tawagin ko pa siyang papa dahil itinuturing na niya akong kabiyak. Kahit ako naman ay ganoon din ang naman sa kanya. Pero minsan naman pangga ang tawag namin sa isa't isa.
Habang mas tumagal pa ang pagsasama namin ay mas napatunayan ko na talagang mahal na mahal niya ako dahil hindi niya lang ipinapakita sa akin ito, kundi pinapadama niya rin kung gaano niya ako kamahal, lalo na ng isiwalat niya ang aming relasyon sa isa sa mga pinagkakatiwalaan niya na ikinagulat ko na lang ng malaman ko.
Sa mga buwang dumaan ay hindi na naging lihim ang relasyon namin ng dati kong ama. May nakakaalam na, at ito ay ang kaibigan ng aking kinakasama na si Uncle Solomon.
Sa katagalan kasi ay hindi na niya napigilan na sabihin sa matalik niyang kaibigan ang totoong relasyon namin.
Napilitan siyang isiwalat ito para na rin tumigil na ang kanyang kaibigan sa kakareto sa kanya sa iba't ibang babae. Nasasaktan kasi ako kapag nag-iinuman sila sa labas ng bahay at ang puro kwentuhan na lang nila ay tungkol sa mga babae.
Hindi ko man ito sinasabi ay nalaman ito ni pang kaya naman gusto niyang matuldukan na ang pangrereto ng kumpare niya sa kanya sa mga magagandang babae nitong kakilala.
Palaging nirereto kasi siya ni Uncle Solomon sa mga iba't ibang mga babae at talagang hindi ito mga basta-basta sa totoo lang. Magaganda ito at talagang hindi mga pipitsugin. Matagumpay sa mga trabaho at hindi maikakailang mga career woman talaga. Hindi katulad ko na nasa bahay lang na nakakulong.
Gusto kasi ni Uncle Solomon na magkasyota na naman ang kumpare niya. Para na rin daw may makasama ito sa buhay at para na rin daw magkaroon ako ng ina. Ang hindi niya alam noong una ay kami ang magkarelasyon ng kanyang kumpare at matalik na kaibigan.
Syempre nakaramdam ako ng pangliliit sa aking sarili. Kasi hindi naman ako babae at hindi ko rin kayang makipagsabayan sa kanila. Inaamin ko at alam ko na wala akong matris. Dito pa lang ay talong-talo na ako. Olats na olats talaga.
Pero hindi hinayaan ni pang na maramdaman ko ang pangliliit ko sa aking sarili. Ayaw niyang mabuway ako o maramdamang palagi ang ma-insecure. Dito ko napatunayan at napaalala sa aking sarili ang aming mga pinagdaanan dati. Dito ko naisip na mahal na mahal niya talaga ako.
Nagulat na lang ako ng isang araw na umuwi siya galing sa bayan na amoy alak habang kasama si Uncle Solomon. Bigla niya akong kinausap sa mismong harapan ng kanyang kaibigan na alam na nito ang tungkol sa aming dalawa.
Noong marinig ko ang kanyang mga sinabi ay natakot ako at nangamba. Nang sinabi niya sa akin na alam na ni Uncle Solomon ang namamagitan sa aming dalawa ay nablangko ako at hindi alam ang gagawin.
Natatakot ako na masira ang kanilang pagkakaibigan.
Pero nagulat na lang ako ng ngumiti si Uncle Solomon at sinabi na nand'yan lang ito para suportahan kami sa aming relasyon. Hindi ko napigilang maiyak noon sa sobrang saya. Kahit papaano ay may nakakaalam sa aming relasyon at suportado pa kami nito.
Dito na niya sinabi sa akin na napilitan siyang sabihin kay Uncle Solomon ang lahat. Na may relasyon kaming dalawa na higit pa sa mag-ama para na rin tumigil na ito sa pagdadala ng babae palagi kung mag-iinuman sila. Ipinagmalaki ni pang kung gaano niya ako kamahal sa kanyang kaibigan at sinabi ang lahat ng aming pinagdaanan dalawa.
Gulat na gulat man ang kanyang kaibigan noong una ay hindi ito naging dahilan para hindi niya ito suportahan. Kaya sa huli, naging matiwasay ang kanilang pag-uusap na magkaibigan.
Sa ngayon ay hindi ko na rin tinatawag na uncle si Uncle Solomon kundi ay kumpare na. Habang kumare naman ang tawag niya sa akin na talagang ikinapupula ko ng pisngi. Hindi kasi ako nasanay. Nakakahiya rin kasi atsaka sobrang awkward. -_-
Masaya ako at may nakakatanggap sa relasyon namin ng dati kong ama. Na ngayon ay kinakasama ko na.
Pero may lungkot pa rin sa aking puso dahil maraming taong mapanghusga at hindi pa rin tanggap sa lipunan na ating ginagalawan ang ganitong relasyon. Isa pa, hindi ko pa ito nasasabi sa pinakamatalik kong kaibigan na si Nathan.
Pinapanalangin ko na lang talaga na sana kapag naglakas-loob na akong sabihin sa kanya ang lahat ay sana matatanggap niya kami ni pang. Sana ay hindi niya kami ikahiya at sana ay hindi masira ang aming pagkakaibigan na siya ko talagang hinihiling.
Tahimik lang akong nakamasid sa kawalan hanggang sa marinig ko na ang tunog ng motor.
Nakauwi na si Pang!
Mabilis akong tumayo at dumaan sa pinto sa likod ng bahay at nagtungo loob. Hindi nga ako nagkamali at nakauwi na nga siya ng makita ko siyang paparating na sakay ang kanyang motor. Nakangiti akong nakatayo sa harap ng aming bahay sa may pintuan. Hanggang sa makaparada na nga siya.
"Ang aga mo yatang umuwi ngayon ah?"
"Maagang natapos ang trabaho eh. Kaya diretso na akong umuwi." masigla niyang ani sabay tanggal ng kanyang helmet.
Mabilis siyang lumapit sa akin at ako ay kaagad na hinalikan sa aking labi. Malugod ko naman itong tinanggap.
"May dala akong buko pie ga, nabili ko nung papauwi na."
"Naku, hindi ka na sana nag-abala pang bumili ng ganyan. Pwede naman kitang igawa ng ganyan kung gusto mo eh."
"Eh hindi naman 'to para sa akin. Para 'to sa'yo." natawa na lang ako sa kanyang sinabi.
"Thank you." sagot ko na lang at muli na naman niya akong hinalikan.
"Oh kamusta ang work? Hindi ka ba masyadong busy dahil napaaga ka yata?" tanong ko.
"Sobrang busy nga eh. Pero maaga ko kasing natapos lahat. Kaya napaaga, nakakapagod nga eh." at napabuntong-hininga siya.
"Ganun ba Pang? Sige, magbihis ka na muna at magluluto na ako ng hapunan para naman makakain ka agad."
"Mamaya na... hindi naman ako gutom eh." tumango-tango na lang ako.
Kaagad siyang nagtungo sa aming kwarto at paglabas niya ay naka-shorts na lang siya. Prente siyang nahiga sa sofa at sandaling ipinikit ang kanyang mga mata.
"Ga, hali ka nga rito. Masahiin mo naman ako." paglalambing niya.
Napangiti lang ako.
Umupo ako sa gilid ng sofa at siya ay papadapain ko sana para masahiin ang kanyang likod ng bigla na lang niya akong hinila sa kanya. Mabilis niya akong napaibabaw sa kanya na padapa at kaagad niyang niyakap.
"Paano kita mamasahiin ng ganito?" natatawa kong sambit.
"Nagbago ang isip ko. Gusto na lang kitang yakapin." nakangiti nitong sagot sa akin.
"Ewan ko sa'yo. Magpahinga ka na nga lang. Maghihiwalay pa ako ng bato sa bigas." akmang aalis na sana ako ng mariin niya akong pinigilan.
"Hindi mo na kailangan gawin yun. Nagawa ko na yun."
"Talaga? Kailan naman aber?" mataray kong tanong.
"Kahapon lang."
"Hmnn... eh bakit hindi kita nakita na nagpipili ng bigas?" pagtataray ko.
"Sa madaling araw ko ginawa. Nung tulog laway ka pa." panunukso nito.
Natigilan ako at nainis sa kanyang sinabi. Naalasan ako.
"Heh! Akala mo naman hindi siya naglalaway kung natutulog."
"Hindi ako naglalaway kapag natutulog noh. Alam mo naman kung kailan lang ako naglalaway 'di ba?" mapanukso niyang sagot sa akin na may ibig sabihin.
"Kung gusto mong gumanti. Serbisyuhan mo na lang si manoy kung gusto mo talaga akong makita na maglaway." nakangisi niyang pagpapatuloy.
"Tumigil ka nga. Huwebes pa ngayon." sagot ko naman.
"Sige na, ano naman kong huwebes? Sige na... pagbigyan mo naman ang mister mo." mapang-akit niyang ani na garalgal pa ang boses.
"May usapan tayo na weekends lang 'di ba?" Kaya no!" at kinurot ko ang kanyang ilong.
Nahiga uli ako sa kanyang dibdib at hindi na siya pinansin pa. Narinig ko pa ang kanyang pagmamaktol na ikinangiti ko na lang. Pero natigilan ako ng maramdaman ko ang kanyang mga kamay na gumagapang at mabilis na inabot ang aking pwet at nilamas ito.
"Ano sa tingin mo yang ginagawa mo William Mijares?"
"Ikaw na lang ang mamasahiin ko." maloko nitong sagot.
"Ayaw mo talagang tumigil huh? Baka gusto mo pati sa sabado at linggo hindi kita pagbigyan? 'Wag mo akong subukan." maotoridad kung pagbabanta.
Mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay at naiinis na nagsalita.
"Oo na! Ito talaga... nagmamagandang loob nga lang ako. Ikaw na nga itong mamasahiin, ikaw pa yung ayaw." busangot niya.
"Wow! Pwet ko talaga ang mamasahiin? Kutusan kaya kita? Dumada moves ka na naman d'yan! Akala mo huh."
"Oo na... titigil na. Panalo ka na!" at tumahimik na lang siya.
Wala na siyang nagawa at niyakap na lang niya ako ulit.
"Hmmp... ang taray mo talaga." pagpapatuloy pa niya.
Natawa na lang ako. Hanggang sa kaming dalawa na ang nagtawanan.
Nang gumabi na ay sabay kaming nanood ng palabas sa sala ng matapos kumain ng hapunan. Pero ilang minuto lang sa panonood ay nakatulog na siya sa sofa dahil sa pagod. Kaya ako na lang ang nanood mag-isa.
May nakita akong ad sa isang local na channel na palaging lumalabas, dahil sa ngayon ay naghahanap pa rin ito ng mga empleyado. Isa itong job opening sa isang hotel and resort.
Alam ko na ang pangalan ng hotel dahil matagal ko na talagang gustong magtrabaho rito. Nang makita ko ang numero na pwedeng matawagan ay mabilis ko itong inilista sa aking cell phone.
Nagbabasakali lang naman ako. Sa ilang buwan naming pagtira dito sa bago naming lugar ay hindi ako nakapagtrabaho. Sa bahay lang ako dahil ito ang gusto ni pang. Gustuhin ko mang magtrabaho na talaga ay hindi talaga pumapayag si pang.
Ito palagi ang nag-iisang pinagmumulan ng aming pinag-aawayan.
Ilang beses na kasi akong nakiusap sa kanya na gusto kong mag-apply sa hotel and resort na nasa pinakamalapit na bayan sa aming lugar. Palagi ko kasing nakikita ang ad sa tv. Ang ikinaganda kasi nito ay sakto ang posisyon sa job opening at related ito sa trabaho ko dati.
Tiwala ako na madali akong mapo-promote sa trabaho kung papasok ako rito dahil na rin sa mga skills ko. Pero nag-away lang kami ng sinabi ko ang kagustuhan kong magtrabaho.
Ayaw niyang magtrabaho pa ako dahil gusto niyang sa bahay lang ako. Sa bahay lang talaga. Ma-pride kasi siya masyado at gusto niya na siya lang ang magtrabaho para sa amin.
Kaya ang palaging nangyayari ay nahuhulog lang sa away ang lahat. Pero sa huli ay hihingi siya ng tawad at susuyuin ako. Ito namang si gaga pumapayag na lang din. Kaya walang pinatutunguhan ang usapan.
Nang tumagal ay hindi na lang ako nagpumilit at sinunod na lang ang kanyang gusto. Pero ngayong nakita ko na naman ang ad sa trabaho na naghahanap ng mga empleyado na alam ko na swak na swak at sakto sa mga working experience ko. Hindi na talaga ako nagdadalawang-isip at naging desidido na naman ako na pag-usapan na naman ang tungkol sa aking pagtratrabaho.
Nang matulog na kami ay binuksan ko ulit ang usapan patungkol na naman sa trabaho. Na gusto ko ng magtrabaho. Kaya naman muli na naman kaming nag-away. Bumangon siya sa kama at hindi na muna natulog para magpalamig sa kanyang ulo.
Nakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit naglakas-loob pa akong magtanong at magpumilit na naman sa kanya. Nag-away pa tuloy kami.
Sumunod akong bumangon sa kama at lumabas sa aming silid. Kaagad ko siyang nakita na naninigarilyo sa nakabukas na pintuan sa harap ng bahay. Nakatalikod siya at nakasandal sa gilid nito. Hindi niya ako napansin at dahan-dahan akong lumapit sa kanyang likod at niyakap siya.
"Naninigarilyo ka na naman. Sabi ko ng tumigil ka na sa paninigarilyo 'di ba?" ani ko.
"Eh ikaw nga, napag-usapan na natin yang tungkol sa trabaho-trabaho na palagi mong ipinipilit. Pero hindi ka pa rin tumitigil sa pagpupumilit na magtrabaho." padabog niyang sagot.
Napabuntong-hininga na lang ako. Tinanggal ko ang aking mga braso sa pagkakayakap sa kanya at hindi na nagsalita. Nagtungo na lang ako sa sala at naupo. Ilang sandali lang ay itinapon na niya ang sigarilyong hindi pa niya natatapos at ako ay sinundan. Naupo siya sa aking tabi pero hindi ko siya nilingon.
"Hindi pa ba sapat para sa'yo ang kinikita ko? Kahit hindi kalakihan ang kinikita ko, nakakabawi naman tayo sa kita natin sa pagsasaka 'di ba? Nakapag-ani na nga tayo nung nakaraang buwan at ang laki ng kinita natin. Hindi pa ba sapat yun?" mahinahon niyang sabi.
Hinarap ko siya at nagsalita.
"Hindi naman sa kita ang problema pang. Ang akin lang kasi, sayang naman yung pinag-aralan ko kung hindi ako magtratrabaho. Gusto ko kasi na magtulungan tayo. Eh ikaw gusto mo palagi na sinosolo ang lahat. Pati problema gusto mo na hayaan ko lang na ikaw ang humarap sa lahat." sagot ko naman.
"Ga, ayoko kasing mahirapan ka pa. Hindi man tayo mayaman ay gusto ko na magbuhay reyna ka sa akin. Ayokong nagtratrabaho ka pa kasi ayaw ko na mapagod ka. Dinodoble ko nga ang kayod ko sa trabaho para sa'yo eh. Lahat ng ginagawa ko ay para sa'yo." at masuyo niyang hinawakan ang aking kamay.
"Pang, hindi mo ako naiintindihan eh. Gusto kong magtrabaho dahil hindi naman para sa kagustuhan ko lang 'to. Para sa'yo rin naman 'to. Para sa atin. Sa isang taon dalawang beses lang tayong nakakapag-ani ng palay. Yun lang din ang panahon na nararamdaman ko na may kwenta ako. Pang naman, hayaan mo naman akong makapagtrabaho. Para rin naman sa atin 'to eh." pakiusap ko.
"Ayan ka na naman, insecure ka naman sa sarili mo. Ano ba yang paglilinis mo ng bahay, pagluluto, pag-aasikaso sa akin at pagbabantay sa palayan. Hindi ba yan trabaho? Malaking bagay na yung mga yun sa akin."
Talagang walang patutunguhan ang aming pag-uusap kaya tumalikod na lang ako at hindi na siya nilingon pa. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako sa likod at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.
"Sorry na... kasalanan ko na. Ako na yung may kasalanan. Sorry na..." paglalambing niya sa akin.
Ito na naman siya. Manghihingi ng tawad at magpapa-cute. Pero sa sobrang inis ko ay hindi tumalab ang mga ginagawa niya.
"Pang naman... bakit ba kasi ayaw mong magtrabaho ako? Gusto ko na talagang magtrabaho. Diretsahin mo nga ako... bakit ba ayaw mo?" malungkot kong sagot.
"Ah basta, dito ka lang sa bahay. Ayokong nagtratrabaho ka pa at pumupunta sa malayo."
Wala na akong nagawa. Natapos ang usapan na hindi na naman siya pumayag. Umalis ako na hindi siya iniimik at natulog na lang. Sa kabilang silid ako natulog at kinandado ko pa ang pinto para hindi siya makapasok.
Ilang sandali lang ay kumakatok na siya at tinatawag ako subalit hindi ko siya pinansin at sinagot. Hinayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita habang nagbinge-bingehan ako. Nakinig na lang ako ng music sa aking cell phone para hindi ko siya marinig.
KINAUMAGAHAN ay maaga akong naghanda ng kanyang makakain at bumalik kaagad sa silid. Kinatok pa niya ako para sabay kaming maligo pero hindi ko pa rin siya sinasagot.
"Ga, sige na oh. Pakihilod yung likod ko. Please..."
Pero nanatili akong tahimik. Hanggang sa nagsawa na siya sa pagpapa-cute at naligo na lang mag-isa. Bumalik ako sa pagtulog at sa katagalan ay naramdaman ko na lang na kumakatok na naman siya.
"Ga, aalis na ako. Papasok na ako sa trabaho. Yung kiss ko po."
Nanatili pa rin akong walang imik.
"Ga, mali-late na talaga ako nito. Yung kiss ko oy."
"Ga?"
"Ga, aalis na ako..."
"Ga?"
"Ga naman... hindi mo ba ako iki-kiss?"
"Ikiskis mo yang lips mo sa pinto!" bulyaw ko.
Napairap na lang ako.
"Mag-usap tayo mamaya pag-uwi ko. Sige, aalis na ako. I love you."
Nang marinig ko na ang pag-alis niya at papalayo na siya ay saka pa lang ako lumabas ng silid at kumain. Talagang buryong-buryo na ako. Araw-araw akong naglilinis ng bahay at nagwawalis sa labas. Paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa buong araw. Kaya naman naisipan ko na magsibak na lang ng kahoy para sa panggatong.
Hindi ako marunong magsibak ng kahoy kasi kahit pati rito ay hindi ako pinapayagan. Gusto niyang siya lang ang gumagawa ng trabahong ito. Pero sa inis ko ay sinuway ko ang kanyang utos.
Nahirapan ako dahil hindi ako sanay. Nagsisimula pa lang ako ay pinagpawisan na kaagad ako. Talagang hindi ako marunong. Akala ko kasi ay madali lang, ang hirap pala. Kapag kasi siya ang gumagawa ay parang ang dali-dali lang tignan. Ang bilis niya kasi at parang wala lang sa kanya.
Halos ilang minuto na ay hindi ko pa nabibiyak yung kahoy na malaki. Naliligo na ako sa pawis. Hinihingal na ako na hindi pa natatapos. Nang mas lumipas pa ay dito ko lang nabiyak ang malaking troso. Pero wala na akong enerhiya.
Mabilis akong napagod kaya nagpahinga na lang muna ako. Talagang naiinis ako ngayon dahil hindi pa rin siya pumapayag. Parang hindi na yata magbabago ang kanyang desisyon.
Para mawaglit sa aking isipan ang inis ay naisipan kong tapusin na lang ang garden na nasa likod-bahay na hindi pa niya natatapos. Matapos mananghalian ay sinimulan kong magbungkal at magtanim ng mga binhi ng gulay.
Buong maghapon akong nagpagod para malimutan ko ang away namin. Mainit ang panahon pero maraming matataas na puno ang nagsilbing lilim. Kaya hindi ako nainitan, bukod pa dito ay malakas ang ihip ng hangin kaya masarap magtrabaho.
Nakagawa ako ng apat na hilerang garden sa pagbubungkal ko sa buong maghapon at nataniman ko itong lahat. Nang makapagpahinga na ay saka ako nagsaing at nagluto ng aming uulamin.
Pero dumilim na at halos alas syete na ng gabi ay hindi pa rin siya umuuwi. Nakaramdam tuloy ako ng pag-aalala. Alas sais pa lang ay nakakauwi na siya ng bahay. Minsan ay mas maaga pa nga.
Naisipan kong tumawag sa kanyang cell phone subalit parang nakapatay ito.
"Humanda ka talaga pag-uwi mo. Humanda ka talagang lalaki ka pag-uwi!" naiinis kong saad.
Pero lahat ng inis ko ay nawala ng mag-alas nuwebe na ng gabi at hindi pa rin siya nakakauwi. Nag-aalala na ako ng labis.
Sa pag-aalala ay tinawagan ko na ang kanyang kaibigan na si Uncle Solomon. Pero pati ito ay hindi alam kung nasaan siya.
Doble-doble ang naramdaman ko na takot. Wala pa siya sa bahay at ako lang ang mag-isa rito. Nag-aalala ako at hindi mapigilang magpaikot-ikot sa sala. Sumisilip ako palagi sa bintana at pagkatapos ay paikot-ikot na namang maglalakad.
Hanggang sa narinig ko na lang ang pamilyar na tunog ng kanyang motor na papalapit na.
"Ngayon ka pa talaga umuwi na sobrang late na. Talagang makakatikim ka talaga sa akin kang tukmol ka." parang umuusok ang ilong ko sa sobrang pagkainis dahil sa sobrang late niyang pag-uwi.
Mabilis akong nagtungo sa pintuan at pahampas na binuksan ito. Humarang ako sa pinto na nakapamaywang pa.
"Bakit ngayon ka lang umuwi?! Ayusin mo yang dahilan mo at baka may matutulog ngayong gabi sa labas!" singhal ko.
Hinubad niya ang kanyang helmet at kaagad ay lumapit sa akin. Palapit pa lang siya ay hindi ko maintindihan kung bakit siya nakangiti sa akin. Walang sabi-sabi at bigla niya akong niyakap at hinalik-halikan sa labi.
Dito ko na naamoy ang nakakasulasok na baho ng alak.
"Oy... nag-alala siya sa akin. Nag-alala ka ba kasi sobrang tagal kong umuwi? Hehe." sagot nitong nakangiti na halatang lasing talaga.
Itinulak ko siya at dito na ako dumakdak at pinatutsadahan siya.
"Bweset kang lalaki ka! Alangan naman na hindi ako mag-alala. Kung ano-ano ang naiisip ko kanina sa sorang takot ko tapos ganyan lang ang sasabihin mo? Pinag-alala mo 'ko tapos hindi mo pa sinagot yung mga tawag ko. Tapos ito lang ang maririnig ko ngayon? Bweset ka! Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko! Napaka—" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng bigla niyang siniil ang aking labi ng halik.
Akala niya ay madadala niya ako sa mga paganun-ganun.
Never!
Mabilis ko siyang itinulak na naman at hinampas ang kanyang dibdib.
"D'yan ka matutulog sa labas! Hindi kita papapasukin dito sa loob!"
Pero imbes na matakot siya ay ngumiti lang ang mokong at bigla na lang akong binuhat at dinala sa sala. Hinampas-hampas ko pa siya pero hindi naman niya ito alintana. Hanggang sa umupo na siya sa sofa at ako ay nakakandong sa kanya.
Sa ilang buwan naming pagtira rito ay ngayon lang siya nalasing ulit dahil kabilin-bilinan ko kasi sa kanya na huwag malalasing. Pero ngayon, heto siya. Lasing na lasing.
"Sorry na ga. Hindi ko kasi na-charge kanina ang cp ko kaya na battery empty. Sorry na po." malambing niyang saad.
"Heh! Nagdahilan ka pa! Ang lakas pa ng loob mong umuwi na amoy alak." umalis ako sa kanyang kandungan sabay turo sa aming pintuan.
"Labas! Sa labas ka matutulog. Sa waiting shed ka matutulog tukmol ka!"
Pero ngumiti lang siya at ako ay hinila niya at pinupog ng mga halik.
"Sorry na nga eh. Ito naman... nagagalit kaagad."
"Labas! Sa labas ka matutulog!" maotoridad ko na utos.
Pero hindi naman siya tinatablan. Hindi katulad kapag hindi siya lasing ay kaagad na nababahag ang kanyang buntot kapag nagagalit na ako. Ngayon, pangiti-ngiti lang ang unggoy.
"Galit ka ba sa akin ga?" tanong niya na parang walang ideya.
"Sampalin kaya kita?! Oo! Galit na galit ako sa'yong tukmol ka! Kaya lumabas ka na ng bahay bago pa kita balatan ng buhay. Labas!" sabay turo ko sa pintuan.
"Ayaw." at umiling-iling lang siya na parang bata at ngumiti pa. Prenteng-prenteng naupo lang siya sa sofa
"Ah, gusto mo talagang hampasin kita ng walis para lumabas ka ng bahay? Oh sige, sinusubukan mo ko ah." ang nasabi ko na lang sa inis.
Aalis na sana ako para kumuha ng walis ng hilahin na naman niya ang aking kamay. Hindi ko inaasahan ang kanyang gagawin. Inamoy-amoy niya ito na para bang asong nasa panahon ng pag-iinit.
"Sorry na po master... hindi na po mauulit."
Medyo natigilan ako sa kanyang sinabi. Huling beses na tinawag niya akong ganito ay noong pinarusahan ko siya nang todo-todo. Sininghot-singhot niya ang aking kamay at masuyong hinalik-halikan. Natigilan ako at hinayaan ko lang siya habang nanigas akong nakatayo.
"Master... ang bango mooo..." garalgal niyang ani at muling sininghot-singhot ang aking kamay na wala ng hiya.
Hindi ako nakapagsalita lalo na at nakikita ko ang malibog na ekspresyon ng kanyang mukha. Ang matinding pangangailangan ay hindi maikakaila. Nagbabaga ang kanyang kasabikan na ipinapakita. Tumitingala pa siya at talagang libog na libog sa kanyang ginagawa.
Ilang sandali pa ay umumbok na ang kanyang harapan at nanikip ang kanyang pantalon. Nagwawala na ang halimaw sa ilalim ng kanyang suot.
Bigla na lang siyang tumigil sandali sa kakasinghot sa aking kamay at marahas niyang inabot ang aking isang binti na muntik ko pang ikalawa ng balanse. Hindi ko aasahan na kukunin niya pala ito para ipatong sa kanyang naghuhumindig na alaga.
Mahigpit niyang hinawakan ang aking isang binti gamit ang dalawa niyang kamay at sapilitan idinidiin ang aking talampakan sa buhay na buhay na niyang ari. Habang hinahalik-halikan pa ang aking tuhod.
"Master... parusahan mo ako. Parusahan mo ako kasi naging pasaway ako sa'yo." malibog niyang pakiusap.
Walang hiya siyang kumanyod-kanyod sa aking talampakan at parang isang aso na nagmamakaawang pagbigyan.
"Shet... master... sasambahin kita... ooohh..." garalgal niyang ungol.
Dahan-dahang nag-iba ang timpla ng aking mukha.
"Bitawan mo yang binti ko." utos ko sa kanya.
Pero parang hindi niya ito narinig.
"Sabing bitawan mo yang binti ko. Hindi kita paparusahan kung hindi ka susunod." maotoridad kong sabi.
Sa isang iglap lang ay binitawan niya ang aking binti pero nagpatuloy pa rin siya sa pagkanyod sa aking talampakan. Nakangisi siyang nakatingin sa akin na parang anumang sandali ay lalapain niya ako.
"'Wag kang gumalaw." utos ko na naman na siya niyang ikinatigil.
Nagmamakaawa siyang tumingin sa akin dahil sa pagpigil ko sa kanyang kapusukan. Pero ang totoo ay sinasabik ko lang siya. Nagkusa akong igalaw ang aking talampakan at minasahe ang kanyang ari.
Kaagad siyang napangisi ulit sa akin. Madiin kong tinapakan at minasahe ito nang gigil na gigil. Napapanguso pa siya na wala na talagang hiya. Pumupulso pa ang kanyang sandata sa loob na parang tuwang-tuwa.
"Manyak ka talaga. Manyakol ka!" pang-aalipusta ko sa kanya.
"Oo master... manyak ako dahil sa'yo. Manyakol ako." at yumuko siya para halik-halikan ang aking tuhod.
"Ano, horny na horny ka ngayong manyakis ka? Gusto mong parusahan kita?"
"Opo master! Parusahan niyo po ako." garalgal ang boses niyang sagot.
"Bakit naman kita paparusahan? Huh? Sabihin mo." malandi kong tanong at mas diniin pa ang pagtapak sa nagwawala niyang sawa.
Dahil dito ay hindi siya nakapagsalita ng maayos.
"K-kasi pasaway ako master. Pinag-alala kita... kaya dapat akong parusa—aahhh..." napaungol siya ng bigla kong mas diniinan pa.
"Ano? Anong sinabi mo?" pangungutya ko.
"Dapat akong p-parusahan master..."
Napangisi ako sa kanyang sinabi.
"Buksan mo yang butones ng pantalon mo. Dali!"
Mabilis niya naman itong ginawa.
"Baba mo yung zipper." nakangisi naman niyang sinunod ito.
Sandali kong inalis ang aking paa.
Nang maibaba na niya ang butones ng kanyang pantalon ay tumambad kaagad ang kanyang sawa na nagpupumilit makalabas sa boxers niyang may dagta ng idinura. Muli ko itong tinapakan at napahalinghing siya ginawa kong madiin na pagmasahe.
"Gusto mo ba akong kantutin, huh? Sagot!" singhal ko.
"Oo! Oo! Oo! Gusto kong kantutin ang bunganga at pepe mooo..."
Talagang sabik na sabik na siya. Bigla niyang hinawakan ang aking binti at marahas na kinantot uli ang aking talampakan. Nakipagtitigan pa siya sa akin na nilamon na ng ibayong kalibugan.
"Bitaw." utos ko at sumunod naman siya.
Binawi ko ang aking paa at tumayo ng maayos.
"Tayo." utos ko.
Tumayo naman siya sa at humarap sa akin na nakangisi.
"Hubarin mo yang leather jacket at t-shirt mo."
Walang sabi-sabi ay mabilis niyang pinaghuhubad ang mga ito na talagang atat na atat na. Tumambad kaagad sa akin ang katawan na hindi ko pagsasawaan. Ang prominente niyang niyang chest at ang walo niyang mga abs na kay titigas na nagmistulang pandesal. Isama mo pa ang maugat niyang mga braso at mga kamay na batak sa trabaho.
Sandali kong hinangaan ang kanyang katawan at pagkatapos ay hinaplos ko ito. Hinagod ko nang hinagod ang kanyang matitigas na dibdib hanggang sa dumausdos ito sa kanyang mga abs. Tumingala pa ako sa kanyang mukha na nakangisi.
"Hubarin mo yung pantalon mo."
Parang naghahabol at nagmadali siya sa pagkilos. Pero pati ang kanyang boxers ay kanyang isinali sa paghuhubad kaya na sermonan ko siya.
"Bakit mo hinuhubad ang boxers mo? May iniutos ba akong ganyan? Ang sabi ko pantalon."
Sunod-sunuran naman niyang ginawa ang aking utos. Hindi niya tuluyang inibaba ang kanyang boxers at ang pantalon na lang ang kanyang hinubad. Talagang namamangha ako sa kanya.
Dominante siya at nasanay siyang maghari-harian sa kama. Pero kapag taglibog siya ay ako ang nasusunod. Nagiging alipin ko siya at handang magpaalipin sa ngalan ng libog.
Sa isang salita ko lang ay daig pa niya ang isang asong kakawag-kawag ang buntot na sumunod. Mapagbigyan lang ang kanyang pangangailangan.
Nang mahubad na nga ang pantalon ay walang paalam at bigla na lang niya akong hinalikan sa labi ng malamyos at hayok na hayok. Habang hawak-hawak ang aking batok. Sinasadya niya pang ibundol sa aking tiyan ang mabagsik niyang sawa.
"Master, may hihilingin sana ako sa'yo... pagbigyan mo naman ako master. Sige na..." malibog niyang pakiusap.
"Ano ba yung pakiusap mo?"
Kaagad siyang napangisi at mabilis na nagtatatakbo. Nang dahil hindi niya nahubad ang kanyang pantalon ng tuluyan dahil nakasuot pa ito sa kanyang mga paa ay muntik pa siyang mapasubsob sa sahig sa pagmamadali.
Diretso siyang pumasok sa aming silid na hindi nag-aksaya ng panahon. Pagbalik niya ay siya kong ikinatigil. May dala siyang pares ng stockings at see through na kulay itim pa. May disenyo pa itong lace sa ibabaw nito. Mahaba ito at abot hanggang hita. Habang may dala rin siyang mesh sheer long full finger gloves na abot hanggang braso na katerno pa nito.
Nakangisi siyang papalapit sa akin at lantarang ipinakita sa akin ang kanyang mga dala-dala.
"Pwede bang suotin mo ang mga 'to habang pinaparusahan mo ang alipin mo master." labas ang dila niyang ngisi na ulol na ulol na.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinarayan. Pero desidido talaga siya. Biglang may dinukot siya sa likod ng kanyang boxers na inipit niya at talagang nanlaki ang aking mga mata. Nang ipinakita niya mismo sa harap ko ang isang panty na t back na talagang napakanipis at kulay pink pa.
"Suotin mo 'tong mga 'to master habang pinapahirapan ako."
Nababanaag ko sa kanyang mga mata ang libog at ang kasabikan na punan ko ang kanyang mga pantasya.
"Napaka-naughty mo yata ngayon... hindi ko alam na bumili ka pa ng mga ganyan." saad ko habang nakipagtitigan sa kanyang mga matang nag-aapoy na sa bakbakan.
Nakangisi lang siya.
"Sige, paparusahan kita... pero dapat mauna ka na muna sa silid."
Sa aking sinabi ay nanlaki ang kanyang mga mata. Magsasalita pa sana ako pero sing bilis na kumaripas ng takbo ang mokong papasok sa aming silid para hintayin ako doon.
Uminom na muna ako ng malamig na tubig sa kusina at kinalma ang aking sarili.
"Ga, I'm waiting... yohooo..." sabi niya sa loob ng silid na hindi na mapigilan ang kasabikan.
Gusto mong maparusahan huh? Eh di parusahan.
Tahimik akong naglakad pabalik pero imbes na pumasok sa aming silid ay sa kabila ako nagtungo. Ni-lock ko pa ang pinto para hindi siya makapasok at pasimpleng humiga sa malambot na kama para matulog na.
Sigurado akong narinig niya ang pagsara ko ng pinto kaya ilang sandali lang ay kinatok na niya ako ng walang humpay.
"Ga, bakit d'yan ka pumasok? Nandito ako sa kabila."
Tahimik akong natawa. Talagang desperado talaga siya. Wala siyang kamalay-malay na wala akong balak na pagbigyan ang kanyang gusto.
"Ga, buksan mo ang pinto. Naka-lock yata. Ako ang papasok d'yan." at pinilit niyang buksan ang pinto.
"Ang slow mo! Bahala ka d'yan! Parusa ang gusto mo? Ayan, magdusa ka d'yan! Hindi kita pagbibigyang unggoy ka. Matutulog na ako. Good night!"
"Putang ina naman oh! Bakit ka naman ganyan? Ga, naman eh. Buksan mo na yung pinto. Papasukin mo na ako." pakiusap niya.
"Bahala ka d'yan! Wala akong pakialam kung sumakit man yang pantog mong mahilig ka. Uuwi-uwi ka ng sobrang gabing-gabi na tapos nakainom pa? Magdusa ka d'yan!"
Sandali siyang umalis sa pintuan at alam ko na kukunin niya yung susi na nasa kabinet ng sala. Hindi nga ako nagkakamali kasi nabuksan niya ang door knob ng makabalik na siya. Pero may isang lock pa kasi kaya hindi niya rin nabuksan ang pinto.
"Ang sama mo naman ga. Hindi ka na naawa sa akin. Pangga naman eh. Buksan mo na yung pinto please..." pagpapaawa niya.
"In your dreams! Bahala ka d'yan!"
Buti nga sa'yo! Sabing wag umuwi ng lasing!
Sa huli ay talunan siyang bumalik sa kabilang silid at maingay na nagdadabog. Natawa na lang ako. Nang dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog.
"GA! Buksan mo yung pinto. Pangga naman. Buksan mo na!" sigaw na narinig ko sa labas ng aking pintuan.
Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko. Kumakalabog ang pintuan dahil sa walang tigil niyang pagkakalampag nito.
"Ano ba?! Kung ayaw mong matulog. Magpatulog ka ng tao!" sigaw ko sa inis.
"Alas dose na! Sabado na... schedule na natin ngayon!"
Ang tinutukoy niya ay ang lingguhan naming kanaan. Hindi kasi ako pumayag na maging araw-araw na lang at baka ma-spoil siya. Kaya naisipan ko na magtakda ng araw na magtatalik kaming dalawa. Ito ang araw ng Sabado at Linggo.
"Hoy! Buksan mo na ang pinto!" at patuloy niyang kinatok ang pinto.
"Hindi kita pagbibigyan! Magdusa ka d'yan! Ang lakas ng apog mong mag-request. Eh lasing ka pang umuwi! Bahala ka d'yan, salsalin mo yang manoy mong mag-isa!" singhal ko.
Halos kalahating oras din siyang kumatok para mapagbuksan. Pero nagmatigas talaga ako. Hanggang sumuko na nga lang siya at bumalik sa silid namin na hindi naitago ang pagkainis.
Buti nga! Akala mo madadala ako sa mga kalandian mong lalaki ka. Magtiis ka sa mga kamay mo! Hmmp...
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakatulog na naman ako uit.
Nang magising ako ay bukang liwayway na at naririnig ko na ang mga tilaok ng mga alaga naming mga manok. Maaga akong bumangon at naghanda ng aming agahan at pinakain na rin ang ilang mga manok namin na free range lang at hindi nakakulong.
Pero may maayos silang matutulugan. Katunayan may ginawang maliit na kubo si pang para sa kanila para masilungan nila kung may ulan at at para may tulugan na rin.
Nang makabalik na ako sa loob ng bahay ay nagising na rin siya.
"Good morning pang." bati ko.
Pero diretso lang itong pumasok sa banyo at hindi ako pinansin.
Aba, nagtatampururot yata ang bakulaw.
Nang makalabas siya ay dumiretso lang siya sa kusina at hindi ako kinausap. Pagkatapos ay nagtungo ito sa sala para makinig ng balita. Tumahimik na lang din ako. Alam ko naman kasi yung dahilan. Nagtimpla na lang ako ng kape at pagkatapos ay inilagay ito sa lamesita para kanyang inumin.
Tahimik naman niya itong sinimsim at hindi ako pinansin.
Nagtatampo nga.
Talagang pinanindigan niya ang pagtatampo niya. Kahit na nagtanghalian na lang ay hindi pa rin ako kinakausap ng kumag. Hindi rin ako pinapansin.
Ibinuhos na lang niya ang inis sa pagsisibak ng kahoy sa likod-bahay. Sa sobrang inis niya ay talagang mabilis siyang nakapagsibak at pagkatapos ay inayos niya ito at pinagpatong-patong para madaling matuyo.
Hindi pa siya nakontento at ang isa pang troso ang kanyang sinibak ng mabilisan. Pawis na pawis na siya at kumikinang ang kanyang pawis sa katawan habang nasisikatan ng araw. Hubad baro siya habang nakasuot lamang ng pantalon.
Naglinis na lang ako sa loob ng bahay at nagwalis, pagkatapos ay nagpunas ng sahig. Gusto kong kausapin na niya ako. Alam ko naman na may pagkakamali ako kagabi dahil pinaasa ko lang siya na pagbibigyan. Kaya naisipan kong bumawi.
Gumawa ako ng kanyang makakain at kumuha na rin ng tuwalya para punasan siya dahil basang-basa na siya ng pawis.
"Pang, magpahinga ka muna. Magmeryenda ka muna sa loob." tawag ko sa kanya.
Pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagsisibak ng kahoy. Napabuntong-hininga na lang ako at lumapit sa kanya.
Hay naku, gusto pa yatang maging best actor ang kumag sa kakadrama.
Hindi niya namamalayan na palapit na ako dahil nakatalikod siya sa akin. Natigilan na lang siya ng bigla kong punasan ang pawis niya sa likod pero hindi pa rin siya nagsasalita.
"Pawis na pawis ka na. Magpahinga ka na muna sandali." ani ko habang pinupunasan ang kanyang katawan.
Hinayaan niya lang ako pero hindi niya ako nililingon. Nanahimik na lamang ako at nagpatuloy sa pagpunas ng pawisan niyang katawan. Nang harapin ko siya ay sadya siyang umiiwas. Napasimangot na lang ako at pinagpatuloy ang pagpupunas sa kanyang dibdib at tiyan.
"Nagtimpla ako ng kalamansi sa loob pang. Inom ka na muna." nakangiti kong sabi sa kanya.
Akala ko ay magsasalita na siya at kakausapin ako pero dinaanan niya lang ako at kumuha pa ng isang malaking piraso ng kahoy na sisibakin.
Napayuko na lang ako at pumasok sa loob dahil hindi niya pa rin ako kinakausap. Malungkot akong bumalik sa loob ng bahay. Talagang nagtatatampo siya sa akin. Dahil wala naman siyang planong kumain, kaya napagpasyahan kong ilalagay na lang sana ang pitsel ng juice sa ref para mas lumamig. Nang sa hindi sinasadya ay naapakan ko ang basahan sa sahig na nakalimutan kong iligpit.
Nadulas ako at nawala sa balanse kaya sa isang iglap ay naitapon ko ang pitsel na yari sa glass at natumba ako sa sahig. Narinig ko pa na parang may lumagitik na buto sa aking katawan bago ako natumba.
Halagpak akong napaupo sa sahig at napasigaw na lang ako sa sobrang sakit.
Mabilis niya akong pinuntahan at naabutan niya akong nakaupo sa sahig na halatang may iniindang sakit.
"Anong nangyari?" taranta niyang tanong.
"Nadulas ako pang." sagot ko na maluha-luha pa habang hawak-hawak ang masakit kong balakang.
Kaagad niya akong binuhat at dinala sa sofa sa sala at iniupo.
"Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Yan tuloy, nadulas ka pa." pangaral niya.
"Nakalimutan ko kasing ligpitin eh. Kasi pinaghanda na muna kita ng meryenda." at tuluyan na akong naluha dahil sa sobrang sakit ng aking balakang.
Natahimik siya at nakita ko ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.
"Sorry... sorry ga."
Tumabi siya sa akin at niyakap ako.
"Sandali lang. Ililigpit ko muna yung nabasag pang. Yung mga bubog, baka matinik tayo dun." tatayo na sana ako pero kaagad niya akong napigilan.
"Ako na, ako na. Upo ka na lang d'yan." mahinahon niyang ani.
Sandali niya akong iniwan at niligpit ang kalat sa kusina. Nang matapos ay kaagad siyang bumalik at inalalayan ako.
"Sobrang sakit ba ga? Punta na lang tayo sa ospital, baka may bali ka." pag-aalala niya.
"Heh! Ngayon kakausapin mo ako kasi may iniinda akong sakit? Dapat pa pala akong magkaganito bago mo ako kausapin." pagtataray ko.
"Sorry na ga. Ikaw kasi eh. Tinulugan mo lang ako kagabi."
Tumahimik na lang ako sandali at hinaplos ang aking balakang hanggang sa magsalita.
"Kasalanan ko pa talaga? Ikaw itong umuwi ng lasing tapos sobrang late pa. Alangan naman matuwa ako? Gusto mong hambalusin kita ng panggatong? Nakakainis ka." sagot kong may iniinda sa katawan.
"Sorry na nga. Sorry na... kasalanan ko na." mahinahon niyang sagot sa akin.
Tinanggap ko naman ang kanyang sorry at humingi na rin ako ng tawad sa kanya kalaunan. Para na rin hindi na kami mag-away. Nagpresenta siyang masahiin ang aking balakang at napapairi ako sa sakit.
Sa sobrang pag-aalala niya ay napagdesisyunan niya kaagad na dalhin ako sa ospital. Pero matigas ko itong tinutulan. Gastos na naman kasi. Pinakiusapan ko na lang siya muna na kapag sobrang sakit pa rin hanggang bukas ay pupunta na kami ng ospital.
Nagpumilit pa rin siyang dalhin ako at hindi na ipagpabukas pa. Pero sa huli ay pumayag na rin siya dahil sa pagmamatigas ko.
Talagang masakit ang aking katawan. Sobrang nahihirapan ako sa paglalakad at hawak-hawak ko ang aking balakang kapag naglalakad ako. Pero to the rescue kaagad siya dahil binubuhat na lang niya ako. Pero sa totoo lang natutuwa naman ako at hindi niya ako pinapabayaan lang.
Parang walang away na naganap sa aming dalawa. Balik sa dati ang lahat. Nakalimutan na namin na nag-away pala kami.
Nang dahil may iniinda akong sakit ay siya na muna ang naghugas ng mga pinagkainan. Hinayaan lang niya akong magpahinga at manood ng palabas sa sala. Matapos makapaghugas ay tumabi siya sa akin.
"Ga, bakit mo pa ginawa yung garden sa likod? Hinayaan mo na lang sana akong gawin yun."
"Tinapos ko na lang. Hindi naman mahirap eh. Nagbungkal lang naman ako, tapos malambot naman ang lupa." sagot ko naman.
"Kahit na... ako na lang sana ang gumawa nun. Baka magkakalyo pa yang kamay mo eh. Patingin nga." sabay kuha niya sa aking kamay at hinaplos-haplos ang aking palad.
Napangiti siya.
"Bakit pangiti-ngiti ka d'yan?" tanong ko.
"Mabuti naman at hindi nagkakalyo ang palad mo."
"Okay lang naman may kalyo ang kamay. Ikaw nga napakakalyo ng mga palad mo. Kasi napaka-hardworking mo pang."
"Syempre naman. Kakayod ako nang kakayod sa trabaho para sa'yo. Para sa atin." at kinuha niya ang aking kamay at hinalikan.
"Atsaka, ayaw kong magkakalyo ang palad mo. Mas masarap kasi kapag hinahagod mo yung ano ko... gamit itong sobrang lambot mong palad." at kumindat siya sa akin.
"Manyak ka talaga." at hinampas ko siya sa mukha at nagtawanan kami.
Kakandungin niya sana ako kaya hinila niya ako pero napasigaw ako kaagad.
"ARRAAAAYYY!!!"
"Ay sorry sorry! Nakalimutan ko."
"Mag-ingat kasi. Masakit ang katawan ko pang."
"Sorry ga..." at humalik na lang siya sa aking noo at hinayaan akong mahiga sa kanyang balikat.
Habang nanonood kami ay biglaang umulan ng napakalakas. Nawala tuloy ang signal ng tv namin. Kaya naisipan na lang naming matulog ng maaga. Buhat-buhat niya akong dinala sa aming silid at maingat na inihiga sa kama para hindi ako masaktan.
Humiga na rin siya sa kama at nagsilbi kong unan ang kanyang braso.
"Pang, bakit ang ganda-ganda pa rin ng katawan mo? Hindi nawawala itong mga abs mo." tanong ko sa kanya habang kaswal na hinahaplos ang kanyang walong abs sa tiyan na talaga namang hulmang-hulma.
"Ganyan talaga basta mga macho. Hindi nawawala yung mga abs." hambog niyang sagot.
"Weh? Feelingero talaga nito." natawa lang siya sa aking sinabi.
Magaan lang ang aming usapan at puro nakakatuwa lang. Hanggang sa nadulas ako at naungkat na naman ang ugat ng aming pinag-awayan. Na tungkol sa aking kagustuhang magkaroon ng trabaho. Alam kong hindi siya natutuwa.
"Gusto mo na naman bang mag-aaway na naman tayo Jessie?" seryoso niyang wika.
Kapag tinatawag na niya ako sa aking pangalan ay alam ko na hindi na siya natutuwa. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Sorry pang." sagot kong hindi maitago ang lungkot.
Hindi na ako nagsalita pa at nanahimik na lang. Hanggang sa narinig ko na lang na magsalita siya na siya kong ikinagulat.
"Gusto mo ba talagang magtrabaho?"
Medyo napabangon ako sa kama at napatingin sa kanyang mukha.
"Oo pang. Gusto ko."
"Dahil ba maliit lang yung sweldo ko?"
"Pang naman! Hindi dahil d'yan. Sa tuwing sinasabi ko na gusto kong magtrabaho yan ang isasagot mo sa akin. Gusto kong magtrabaho pang dahil hinahanap ito ng katawan ko. Hindi ako sanay na maburyo lang sa bahay at hindi nakakatulong sa mga gastusin natin."
"Kaya nga, maliit ang sweldo ko kaya gusto mong tumulong." sagot naman niya.
Napailing na lang ako at napabuntong-hininga dahil sa sobrang frustration. Tumalikod na lang ako at hindi na lang nagsalita pa. Mag-aaway lang kami dahil dito. Niyakap niya ako at hinalikan ang aking ulo.
"Dito ka na lang sa bahay ga. Hindi mo na kailangang magtrabaho. Dinodoble ko naman ang kayod ko sa trabaho eh. Tapos may palayan pa tayo. Malaki naman kinikita natin d'yan sa tuwing nag-aani na. Bakit gusto mo pang magtrabaho? Eh nandito naman ako na handa tayong buhayin."
"Pang, hindi mo ako naiintindihan eh. Pero ikaw, palagi kitang iniintindi. Pang, babaan mo naman yang pride mo. Alam kong ayaw mo akong magtrabaho dahil gusto mong ikaw ang bumuhay sa ating dalawa. Pero sobrang unfair kasi eh." sagot ko na sobrang frustrated na talaga.
"Pang, sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mong magtrabaho ako? Ano bang mabigat mong dahilan?" sagot ko at hinarap na siya.
"Ga, hindi lang ito tungkol sa pride ko. Nag-aalala lang kasi ako na baka hinahanap tayo ni Lester ngayon. Baka may mga tauhan siya. Paano kung makita ka nila? Paano kung kidnapin ka nila at ilayo sa akin? Hindi ako makakapayag na magkaganun."
"Pang, habang buhay na lang ba tayong magtatago sa kanya? Habang buhay na lang ba tayong mabubuhay sa takot at hahayaang ganito na lang tayo palagi? Pang, kung ganito nga lang din ang buhay na mararanasan natin hanggang sa tumanda tayo. Hindi ito matatawag na buhay. Kundi sa simpleng 'wag lang mamatay. May kaibahan."
"Hindi natin magagawa ang mga gusto natin. Hindi natin mapapalaya ang ating mga sarili sa kanya kung mabubuhay tayo sa takot. Kung palagi na lang tayong natatakot. Kung natatakot ka nga talaga para sa atin. Bakit nagtratrabaho ka pa at lumalabas? Hindi mo rin ba naisip baka makita ka ng mga sinasabi mong mga tauhan niya? Pero nagtratrabaho ka pa rin dahil gusto mong buhayin tayo. Nagtratrabaho ka para sa atin dahil gusto mong maibigay ang lahat para sa atin. Pang, parang ginagamit mo lang si Lester na dahilan para ikulong ako sa bahay."
Napayuko ako at hindi ko napigilan mamuo ang butil ng luha sa sulok ng aking mga mata.
"Masyado ka na bang nasasakal sa akin? Masyado na ba kitang kinokontrol?" itinaas niya ang aking baba at iniharap ako sa kanya.
Napatango-tango ako.
Niyakap niya ako kaagad at ikinulong sa kanyang mga bisig.
"Alam mo namang mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sa'yo. Nangako ako na sasaya ka sa piling ko. Pero hindi ko napapansin na napapasobra na pala ako at hindi ko na naisip kung saan ka magiging masaya. Patawarin mo ako ga kung hindi ko napansin na sobrang selfish ko na pala."
"Natatakot lang din kasi ako eh. Bukod sa takot ko kay Lester ay natatakot din ako sa mga pwedeng mangyari. Alam kong gusto mong magtrabaho dun sa bagong hotel at resort dahil palagi mo na lang bukang bibig yun. Ayaw ko kasi na doon ka magtrabaho."
"Bakit naman pang? Kaya nga gusto kong mag-apply dun kasi five star hotel yun. Siguradong malaki ang sahod at bagay sa job experience ko. Pwede akong magsimula na waiter dun at kung papalarin baka mas tumaas pa ang posisyon ko sa katagalan. Gusto kong magtrabaho doon pang. Isipin mo na lang ang matatanggap kong mga tips sa mga foreigner. Dagdag kita rin pang."
"Kaya nga ayaw ko na nagtratrabaho ka dun kasi may mga foreigner! Paano kung i-harass ka dun? Paano kung ano... kung may humirit sa'yo dun?"
Nagtama ang aking mga kilay at kumunot ang aking noo sa aking narinig.
"Huh? Anong pinagsasabi mo d'yan pang?"
"Ilang beses na kayang ibinalita sa tv na may nangingidnap na mga foreigner na nagtsi-check in sa mga hotel and resort."
"Kailan naman ibinalita? Parang wala naman yata akong narinig na balita ah. Ako 'tong nasa bahay kakapanood ng tv. Wala akong narinig."
"Meron!"
"Kailan naman?"
Halatang nag-iisip siya sa isasagot kaya inunahan ko na siya.
"Pang, nagselelos ka ba?"
Para siyang nagulat sa aking sinabi.
"Huh? Hindi ako nagseselos sa mga foreigners na yun! Bakit naman ako magseselos?"
Napairap na lang ako.
Nagseselos nga... napaka-simpleton talaga ng lalaking ito.
"Wala akong sinabing foreigner. Ang sinabi ko lang kung nagseselos ka ba? So inaamin mong natatakot ka na magtrabaho ako dun dahil may mga foreigners? Na ano, kikidnapin ako? Ganun?"
"P-paano kung kidnapin ka? Anong ibabayad ko?"
"Pang, bakit naman nila ako kikidnapin? Anong mapapala nila sa akin? Ang sabihin mo... ayaw mo lang na magtrabaho ako dun kasi natatakot kang may foreigner akong makilala dun. Na pogi, na gwapo, tapos sexy. Yung mga ganun."
"Sige, sabihin na nating nagseselos ako. Pero paano kung may manligaw sa'yo dun? Paano kung may magkagusto sa'yo dun, tapos kidnapin kang bigla? Anong laban mo sa kanila?"
"Ah ganun, marami pala ang kikidnap sa akin? Wow, hindi ko alam na vip naman pala ako." sarkastiko kong sagot.
Napailing-iling na lang ako at napahawak sa aking ulo. Hindi ko aakalain na ito ang isa niyang ikinatatakot na magtrabaho ako sa hotel and resort. Talagang napakababaw. Hindi ako makapaniwala na naiisip niya pa ang mga ganitong bagay.
"Alam mo pang... ang sarap mong hambalusin ng tsinelas."
"Huh?"
"Hali ka nga."
Umupo ako sa gilid ng kama at tinawag siya. Tumabi naman siya sa akin. Umusog ako at pinatabi siya sa akin hanggang sa eksaktong tumapat sa kanya ang full body mirror namin sa kwarto.
"Tumayo ka pang at humarap ka sa salamin." utos ko sa kanya na siya niyang ipinagtaka. Pero sinunod niya pa rin at tumayo naman siya.
"Harap ka nga sa salamin at sabihin mo kung ano ang nakikita mo."
Nagtataka siyang humarap sa salamin. Nakikita niya ang sariling anyo na nakasuot lamang ng puting brief.
"Ang sarili ko?" sabay lingon niya sa akin.
"Ano pa?"
"Ano... yung dingding sa likod, ang kama, ang sahig, ikaw, ang buong kwarto?" sagot naman niya na nagtataka.
Napangiti ako.
Dahan-dahan akong tumayo at niyakap siya mula sa likod.
"Alam mo pang kung ano ang nakikita ko sa salamin? Nakikita ko sa salamin ang pinakagwapo, pinakamacho, pinaka-yummy, pinaka-hardworking, pinakamapagmahal, pinaka-caring, pinaka-sexy, pinaka-kissable ang lips, pinaka-good provider at pinakamamahal ko sa buong buhay ko. Yun ang nakikita ko sa salamin."
Hindi siya nakagalaw at natigilan lang siya sa aking sinabi. Pagsilip ko sa salamin ay hindi maitago ang kanyang napakatamis na ngiti. Natawa pa ako kasi namula yung pisngi niya. Na sa buong buhay ko ngayon ko lang nakita. Maliban na lang kung lasing siya.
"Oh, bakit ka nagba-blush d'yan" Kinikilig ka noh?" panunukso ko.
Natawa lang siya at napakamot sa kanyang kilay. Humarap siya sa akin at maingat akong binuhat.
"Talagang patay na patay ka sa akin noh?" nakangiti niyang tanong.
"Oo na, so masaya ka na?" sagot ko naman na talagang ikinatuwa niya.
Hinalikan niya ako sa labi ng masuyo at malambing.
"Kung hindi lang talaga masakit ang katawan mo. Kanina pa talaga kita pinagsamantalahan."
"Well, masakit ang katawan ko kaya pasensyahan ka na lang boy." sagot ko naman na ikinailing-iling niyang natatawa.
Humiga kami sa kamang dalawa at nakatihaya siyang nahiga habang nakayakap naman ako sa kanya.
"Ga, may nakalimutan kang sabihin sa banat mo kanina."
"Ano naman yun?"
"Nakalimutan mo yung best asset ko. Yung pinakamalaking titi."
Hinampas ko ang kanyang mukha sa tawa.
"Puro ka talaga kalokohan."
Natawa na lang kaming dalawa. Hanggang sa makatulog na.
KALAGITNAAN ng gabi ay nagising ako dahil sa sobrang lakas ng ulan. Sobrang lamig din ng panahon dahil dito. Pero dahil yakap ko si pang ay hindi masyadong nilalamig ang aking katawan. Maliban na lang sa aking kamay na parang nababad sa yelo dahil sa panlalamig.
Hinipan ko ito ng aking hininga para mainitan at inayos ko rin ang kumot naming dalawa para hindi siya malamigan. Sarap na sarap siya sa kanyang tulog at hindi man lang nagising. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at talagang mahimbing siyang natutulog. Nang bigla na lang siyang magsalita.
"Ga, patayin mo na yang tv at matutulog na tayo."
Medyo natawa ako sa narinig.
Nananaginip yata ang mokong.
Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang tiyan para mainitan. Pero sandali lang ito ng may naisip akong kalokohan. Himbing na himbing siyang natutulog at may naisipan akong gawin.
Tinitigasan siya kapag sobrang naaamoy niya ako. Tingnan ko nga kung eepekto kapag tulog siya.
Ipinatong ko ang isa kong kamay sa kanyang mukha at ipinaamoy sa kanya ang aking palad. Habang ang isa naman ay ipinatong ko sa natutulog niyang umbok. Kinapa ko ito at talagang napakalaki nitong alaga niya kahit na natutulog din.
Ilang minutong dumaan ay normal lang naman at wala namang pagbabago. Akala ko hindi eepekto. Pero akala ko lang yun. Pagdaan pa ng ilang minuto ay nagbago ang galaw ng kanyang paghinga. Para bang sinisinghot niya na ang aking palad.
Ilang sandali pa ay nararamdaman ko na ang unti-unting pagkabuhay ng kanyang sawa! Kumislot-kislot pa ito sa loob na para bang gusto nitong paamuhin. Namangha ako lalo na ng tumigas na talaga ito ng tuluyan at nagpupumilit na lumabas na sa kanyang brief.
Tinatablan na rin ako kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili at dinukot ko na ang napakalaking sawa sa ilalim ng ipasok ko ang aking kamay sa loob ng kanyang brief. Hinagod ko ito nang dahan-dahan lang para hindi siya magising.
Nagmamakaawa na ang kanyang alaga na palayain ko ito. Kaya nagkusa naman ako na pagbigyan ito at hinila ito palabas sa laylayan para naman makapuslit na. Hinawakan ko ito at nilaro-laro.
Iba talaga ang bagsik ng lalaking ito. Kahit tulog palaban pa rin.
Tirik na tirik ang kanyang ari at hindi ko mahawakan ito ng buo gamit lang ang isa kong kamay dahil na rin sa ibayo nitong katabaan.
Inalis ko ang aking kamay sa kanyang mukha at pinabayaan ko rin ang kanyang napakatigas na sandata at binitawan. Hinintay ko itong lumambot. Nang tuluyan na itong humupa pagkalipas ng ilang minuto ay inayos ko ito sa loob ng kanyang brief. Pero hindi ko tinanggal ang aking kamay sa loob habang hawak-hawak ang natutulog niyang alaga. Dinukot ko ito sa ilalim para hindi na ako lamigin.
"Grabe ka talaga pang." ang nasabi ko na lang na natatawa.
Hanggang sa makatulog na nga ako.
"PANG! Tanggap na ako sa trabaho!"
"Ganun ba? Congratulations ga!" masaya niyang sagot sa akin sa cell phone.
"Oo, ang dali lang. May experience na kasi ako sa pagwi-waiter eh."
"Mabuti naman kung ganun. Hintayin mo na lang ako mamaya d'yan at dadaanan kita pag-uwi. Malapit na rin naman akong matapos dito. Antayin mo na lang ako."
"Sige pang. I love you."
"I love you too pangga."
Masaya akong lumabas sa hotel at naglakad sa pinong buhangin habang naghihintay. Masayang naliligo ang mga turista habang ang iba naman ay nasa kanilang mga cottages. Ang iba naman ay naglalakad lang na katulad ko.
Napakaganda ng resort at talagang puting-puti ang buhangin sa dalampasigan. Exclusive ang lugar at hindi pahuhuli sa mga amenities. May mga rides din na pwedeng gamitin para mas lalong mag-enjoy ang mga naliligo sa dagat.
Kapansin-pansin lang na marami talagang mga turista, lalo na ang mga foreigners na siyang mga regular talaga rito. Napangiti ako. Kaya ayaw na ayaw niyang dito ako magtrabaho dahil pinagseselosan niya ang mga pagsisilbihan ko.
Sa totoo lang ay natutuwa ako sa pakiramdam na kahit ganun siya ay ramdam ko naman kung gaano niya ako kamahal.
Bukas na bukas ay magsisimula na ako sa bago kong trabaho. Pumayag na kasi siyang magtrabaho ako. Kahit sa sobrang tagal ng pilitan at pakiusapan ay sumuko rin siya sa huli. Nang tumawag siya ulit ay kaagad naman akong lumabas ng resort para salubungin siya.
Naghihintay na pala siya sa akin sa labas. Nakaupo siya sa kanyang motor na nakaparada at nakasuot ng regular niyang sinusuot na leather jacket habang bitbit ang kanyang helmet.
"Pang!" sigaw ko na ikinalingon niya at kaagad na ngumiti.
"Okay na ba? Kailan ka magsisimula?" nakangiti niyang sagot.
"Bukas na." masaya kong sagot sa kanya.
"Hali ka na, uwi na tayo." magiliw naman niyang sagot.
Lumapit siya sa akin at bigla niya na lang akong hinalikan sa labi na talagang ikinagulat ko. Mabilis akong nagpalinga-linga at baka may taong nakakita.
"Pang naman, baka may makakita sa atin."
"Sus, hayaan mo. Para mainggit. Haha."
"Ikaw talaga pang. Ang pilyo-pilyo mo. Hali ka na nga at uwi na tayo."
Nakiusap ako na ako na lang ang magmaneho at pumayag naman siya. Hinay-hinay lang at mabagal lang ang pagpapatakbo ko dahil baguhan pa lamang ako. Hindi naman ako nag-aalala dahil nakaagapay naman siya sa akin. Minsan nga lang ay nakakainis dahil habang nakayakap siya sa akin ay naglalambing siya.
Palagi niyang hinahalik-halikan ang aking balikat. Sinasaway ko naman siya pero hindi talaga nagpapaawat. Hanggang sa nakauwi na nga kami sa aming mumunting tahanan.
Kinabukasan ay nagsimula na ako kaagad sa pagtratrabaho sa hotel. May restaurant sila na nasa dalampasigan nakatayo. Native ang style nito at ibinagay nila ang tema ng restaurant sa ambiance ng paligid.
Kung titingin ka sa baba ay makikita mo ang mababaw na tubig dagat na talagang napakalinaw. Open din ang istilo nito at malaya mong napapagmasdan ang malawak na dagat at masasamyo ang preskong hangin na umiihip. Dito ako naka-assign para maging waiter.
Training pa lang ako pero parang regular na sa trabaho dahil na rin sa mga benipisyo at mga tips na natatanggap ko sa mga turista. Kaya naman todo ako sa ngiti para naman mas matuwa sila sa akin.
Sobrang nakatulong sa akin ang aking experience sa pagtratrabaho ko dati sa isang five star hotel. Madali kong nakukuha ang loob ng mga dayuhan dahil na rin sa pakikitungo ko at pakikipag-usap sa kanila.
Medyo busy na talaga kaya medyo natatagalan ako minsan sa pag-uwi kaya pinapauna ko na lang si pang. Pero kung mapaaga naman ay sabay kami kung umuwi dahil nadadaanan lang naman niya ako. Mabuti na lang talaga at naiintindihan ito ni pang at nagpapasalamat ako rito.
Lumipas ang tatlong araw sa aking pinagtratrabahuan at sobrang ganado ako na magtrabaho, lalo na at palagi akong nakakatanggap ng tip at malalaki pa. Buhat-buhat ko sa isa kong kamay ang isang tray na may nakapatong na lobster at iba pang order ng kostumer.
"Here's your order sir. Enjoy your—" natigilan ako.
Halos malaglag ang aking panga ng magharap kami ng kustomer at magtama ang aming mga mata. Gulat na gulat ako at pati rin siya. Sabay kaming natigilang dalawa.
"J-Jessie..."
Bernard!
"May o-order pa ho ba k-kayo sir?" nakayuko kong tanong na pautal-utal.
Hindi ako makapaniwala na magkikita pa kaming muli. Parang naglalaro ang tadhana. Nakita ko siyang muli noon habang nasa isang restaurant ako nagtratrabaho sa loob ng isang hotel. Ngayon naman ay nagkita na naman kami sa parehas na sitwasyon.
"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot at hindi ko aakalain na kakamustahin niya pa ako.
"Mabuti n-naman po." sagot ko sa kanya na nag-aalangan.
Sandali siyang napatahimik at parang nag-iisip kung ano pa ang kanyang sasabihin.
"Kung wala na po kayong oorderin. Aalis na po ako sir. Enjoy your food po." tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako.
"Jessie, sandali."
Magsasalita na sana ako ng bigla na lang may dumating at nagsalita na siya ko pang ikinagulat.
"Nandito ka lang pala bro! Akala ko wala ka pa dito." ani ng lalaki at humawak sa kanyang balikat.
Halos lumuwa ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa aking makikita.
Kambal... may kambal siya?!
Parehas na parehas sila ng mukha at kahit na postura ng kanilang katawan ay parehas na parehas. Para silang pinagbiyak na bunga. Nang mapadako ang aking mga mata sa lalaking kamukha ni Bernard ay nagulat na naman ako ng makita ko ang kasama nitong babae na nakalingkis sa braso nito.
Ito ang babaeng nakita ko dati sa mall. Na halos ipagwala ko ng makita kong kahalikan ito ni Bernard. Ito ang babaeng buntis na kahalikan niya. Para akong nagyelo at hindi ako nakagalaw. Pero ngayon, napapatanong ako sa aking sarili kung si Bernard nga ba ang lalaking yun dahil may kambal siya.
"Bryson, kanina ko pa kayo hinihintay dito. Ang tagal niyo." sagot naman ni Bernard.
"Sorry bro, hinintay na muna namin kasi yung yaya ni Samantha. Ayaw matulog kasi kapag wala yung yaya niya."
"Hindi ka naman naghintay ng matagal siguro Nard?" tanong naman ng babae.
"Hindi naman." sagot naman nito.
Nang bumaling ng tingin sa akin ang kakambal ni Bernard na nagngangalang Bryson ay kumunot ang noo nito.
"You look familiar." saad nito.
Hilaw akong napangiti na kinakabahan. Pinagkonekta-konekta ko ang lahat sa aking isipan. Ngayon ko lang napagtanto na ang lalaking tinuhod ko sa mall dati dahil sa sobrang galit ng makita kong may kasamang ibang babae ay hindi si Bernard kundi ang kakambal nitong nagngangalang Bryson.
"Ah, h-hindi ko po kayo k-kilala sir... sige po." mabilis akong tumalikod at bumalik sa likod kitchen.
Hindi si Bernard ang lalaking nakita ko sa mall! Kundi ang kambal niya! Ang kambal niya!
Nasa malalim akong pag-iisip at nalilito ako. Dahil kung hindi nga si Bernard ang lalaking tinuhod ko dahil akala ko ay pinagtataksilan ako. Bakit nagawa niyang bigkasin ang aking pangalan? Tandang-tanda ko pa ng sinabi niya sa akin noon.
Hindi ko malilimutan ang eksenang yun na tumatak sa aking isipan. Tandang-tanda ko pa ang nangyari.
Flashback
"Hayop ka! Magsama kayo ng babae mo! Manloloko!!!" sigaw ko.
"Ano bang problema mo!?" saglit siyang tumigil.
"Huh!? Ano bang problema mo Jessie!? Bakit mo ba—"
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng tuhurin ko ang kanyang harapan at napaluhod na lamang siya habang namimilipit sa sakit.
"Shiiitt! Shiitt!!!" napahawak siya sa kanyang harapan dahil sa aking ginawa.
Mabilis na akong nagtatatakbo habang lumalagaslas ang mga luha ng pait sa aking mga mata.
End of Flashback
Inalala ko nang inalala hanggang sa may nakita akong butas. Bago siya nagsalita ay yumuko muna siya at tiningnan ang aking ID. Dito na ako natauhan. Dito ko na napagkonekta ang lahat.
Kaya pala nalaman niya ang aking pangalan dahil nakita niya at nabasa ang aking ID.
Na bato-balani ako at hindi makapaniwala sa lahat ng aking nadiskubre.
"Hoy Jessie! Anyare sa'yo?"
Sandaling bumalik ako sa aking sarili dahil sa paggising ng aking kasamahan sa trabaho.
"Wala... w-wala naman. Napagod lang ako." at mabilis na niya akong iniwan para ihatid ang mga dala nitong order ng kustomer.
Nang bumalik ako sa labas para ihatid ang mga order ng mga kustomer ay napapansin ko pa siyang tumitingin-tingin sa akin. Sinasadya ko namang umiwas at minabuti ko na lamang na hindi ma-distract sa aking ginagawa.
Hanggang sa umalis na nga sila ng mga kasama niya at natapos na rin ang aking shift sa araw na ito.
"Guys, 'wag kayong uuwi bukas ng gabi. Magsti-stay kayo dito sa hotel dahil first anniversary ng resort kaya walwal kung walwal!" hiyawan at palakpakan ang aking mga kasama dahil sa sinabi ng aming manager.
Gusto kasi ng aming manager na mag-bonding kaming lahat ng mga empleyado. May malaking kasiyahan at selebrasyon na magaganap sa araw ng byernes. Gaganapin ito sa gabi.
Nang makauwi ako sa bahay ay nagpaalam ako kay pang na sa resort ako matutulog kinabukasan dahil pinilit kaming lahat ng aming boss. Syempre kailangan kong makisama para naman magkaroon ako ng magandang relasyon sa nakatataas sa akin kaya napagpasyahan kong mag-over night na lang din.
Mabuti na lang at nakumbinse ko siya. Tutol pa naman sana siya pero sa katagalan ay pumayag din naman ng hindi ko siya tinigilan.
Kinabukasan ng matapos kami sa aming trabaho ay alas nuwebe na ng gabi. Kaagad na nagsimula ang kasiyahan at talagang tuwang-tuwa ang lahat. May inuman at videoke pa. May nag-iihaw at may ibang abala sa pag-iinom at pagkain.
Masaya naman akong nakisalamuha sa lahat. Magaan sa pakiramdam dahil mababait ang mga katrabaho ko. Masaya kami sa selebrasyon namin na ginanap sa labas ng hotel.
Nasa mga cottages kami at hinayaan lang kami ng may-ari na magsaya rito. Habang ang iba naman ay nasa loob ng mismong hotel. Kasama ang ibang mga guests at mga ibang turista na nag-check in sa hotel.
Mabuti na lang at nakiusap ang aming manager na sa labas na lang kami. Mas masaya kasi dahil hindi kami nahihiyang gumalaw dahil kami-kami lang din na nagtratrabaho sa restaurant ang magkasama.
Nang mas lumalim pa ang gabi at mas tumagal ay halos lasing na ang lahat. Natutulog na ang karamihan sa cottage na sirado at may kulambo kaya hindi malamok. Habang ako naman ay naglalakad-lakad lang sa dalampasigan para magpahangin. Hindi ako makatulog ng maayos kaya naisipan kong magpahangin na lang.
Sobrang maaliwalas ang langit at napakaraming bituin sa kalangitan. Malakas din ang hangin na umiihip. Lakad lang ako nang lakad at hindi ko alam kung saan ako tutungo. Nang biglang nag-video call si pang.
Nangungumusta kung okay lang ba daw ako. Hindi ko napigilang mapangiti habang nag-uusap kami. Halos sampung minuto din kaming nag-usap. Habang naupo ako sa buhangin kaharap ang malawak na dagat.
Nang matapos kaming mag-usap ay saka ko lang napansin na ang layo ko na pala sa resort. Babalik na sana ako ng bigla akong nagulat ng may kung anong lumalangoy sa dagat na papalapit nang papalapit sa akin. Galing ito sa malalim na parte hanggang sa napunta na ito sa mababaw na bahagi ng dalampasigan.
Medyo nangangamba ako ng kaunti. Nakalimutan ko na matatakutin pala ako. Nang mas makalapit na ito at ng tumayo ito ng maayos ay nakita ko ang isang pigura ng lalaki. Naglalakad at papalapit sa akin.
Hay, salamat. Tao naman pala 'to. Akala ko shokoy. Jusmiyo.
Hindi ko kasi masyadong makita sa malayo. Pero ng sa mas malapit na ay tao naman pala. Tumayo ako at nagpagpag at aalis na. Hindi na kasi ako komportableng mag-moment-moment kasi may ibang tao akong kasama. Kaya naisipan ko na umalis na lang at bumalik na.
Naglakad ako palayo ng matigilan na lang ako ng bigla akong tinawag ng pamilyar na boses.
"Jessie!"
Alam ko na kung sino ito. Nagdadalawang-isip akong lumingon at hindi nga ako nagkamali sa aking hinala. Si Bernard ito. Humahangos dahil siguro sa kanyang paglangoy. Nakasuot lang siya ng shorts at magulo pa ang kanyang buhok.
Hindi ako nakapagsalita at natahimik na lang ako.
"Aalis ka na ba?" tanong niya.
"Oo, babalik na ako sa resort." tatalikod na sana ako ng pigilan niya akong bigla.
"Sandali! Pwede ba tayong mag-usap?"
Hindi ko namamalayang sa huli ay sabay kaming napaupo sa buhangin at nakaharap sa malawak na dagat at nag-uusap. Hindi ko alam kung bakit pumayag pa ako na mag-usap kami. Pero ito ang sinasabi ng aking isipan.
Kamustahan sa mga buhay-buhay. Kung ano ang nangyari sa isa't isa paglipas ng mga panahon. Kaswal kaming nag-usap na para bang magkakilala na hindi naman magkaibigan, hindi rin magkaaway. Para lang mga estranghero na may mga alaala.
Nalaman ko na nagbabakasyon lang pala sila rito sa hotel kasi ang may-ari nito ay kaibigan niya pala.
Hanggang sa mas lumalim pa ang aming usapan at mas naging personal na.
"Sabi mo dati na kinidnap ka 'di ba? Paano ka naman nakatakas? Sino naman ang kumidnap sa'yo at bakit?" sunod-sunod kong tanong.
"Yung kapatid ng dati kong asawa. Ipinakidnap niya ako dahil gusto niyang pagbayaran ko ang pagpatay ko sa kapatid niya. Dinala ako sa isang isla at doon nila ako pinahirapan at paulit-ulit na binugbog ng ilang buwan. Gusto kasi niyang aminin ko ang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Pero ng makapuslit ako sakay ng bangka. Doon na ako nakatakas."
Napatango-tango ako.
"Ikaw ba yung lalaking tinuhod ko sa mall o ang kambal mo?" diretsahan kong tanong.
"Huh? Anong tinuhod?"
Dito ko na napagtanto. Talagang hindi siya yung nakita ko sa mall kundi ang kambal niya.
"Hindi mo man lang sinabi namay kambal ka pala."
"Hindi ka naman kasi nagtanong. Pero sinabi ko na sa'yo na may mga kapatid ako at ako ang panganay. Ako kasi ang unang lumabas sa aming dalawa nung kambal ko na si Bryson."
Sandali akong nanahimik at tahimik na pinagmasdan ang banayad na alon. Pati siya ay tahimik rin at nakatingin sa malayo.
Hanggang sa nagsalita ako.
"Bakit hindi ka bumalik at iniwan na lang ako nang basta-basta? Bakit hindi mo man lang tinapos ng maayos ang relasyon natin dati?"
"Bumalik ako... pero hindi mo ako hinintay. Hinanap kita sa dati nating apartment pero lumipat na kayo. Tinawagan ko ang numero mo pero hindi na kita makontak. Hinanap ko ang fb mo pero hindi ko na makita. Pati yung sekretong fb account nating dalawa dini-activate mo na. Kaya naman pinuntahan kita sa eskwelahan mo."
"Hinanap kita dun hanggang sa makita na nga kita. Pero kasama mo pa rin yung basagulerong barkada mo. Ang masakit pa sa pagbabalik ko ay makikita pa kitang may kahalikan na iba. Yun pang lalaking paulit-ulit kong sinabi sa'yo na layuan mo na." seryoso niyang sagot.
"Anong ibig mong sabihin? Anong kahalikan ang pinagsasabi mo?!"
"Sinundan ko ang sasakyan ninyo ng barkada mo. Sandali ko kayong binuntutan hanggang sa nawala kayo sa paningin ko. Pero nahanap ko pa rin kayo. Nang lalapit na sana ako ay nakita ko kayong naghahalikan habang may kasama pa kayong isang babae. Kaya ikaw itong nang iwan sa ating dalawa dahil hindi mo man lang ako hinintay."
Natigilan ako.
Dito ko na naisip kung ano ang tinutukoy niya. Ito yung panahon na kung saan bigla na lang akong hinalikan ni Nathan para magkunwaring bakla siya sa harapan ng dati niyang kasintahan. Para tumigil na ito sa kakasunod at para makipaghiwalay na sa kanya. Hindi ko aakalain na ito pala ang madadatnan niya sa pagbalik niya.
"Nagkakamali ka. Hindi ko siya hinalikan. Siya yung humalik sa akin dahil gusto niyang magkunwari na bakla para tigilan na siya ng dating girlfriend niya. Wala kaming relasyon ni Nathan kundi ang pagiging matalik na magkaibigan. Nagkakamali ka sa iniisip mo."
Napalingon siya sa akin na nanlaki ang mga mata. Parang nagulat siya sa aking sinabi.
"Hindi mo siguro nakita ang lahat kaya hindi mo nalaman ang buong katotohanan."
Natahimik siya at parang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi.
"Hinanap mo ba ako nung nawala ako?" tanong niya.
"Oo, hinanap kita. Hinanap kita at umabot pa ako sa punto na pati pag-aaral ko ay napabayaan ko na. Kahit sinu-sino ang aking pinagtanungan. Kahit sinu-sino ang aking nilapitan. Pati ipon ko ay winaldas ko para lang may pambayad ako sa mga pulis para maimbestigahan ang paghahanap sa'yo. Pero walang nangyari."
"Pero hindi ako sumuko. Hindi kita sinukuan hanggang sa malaman ko na lang na nakabuntis ka na pala ng ibang babae."
"Huh? Anong pinagsasabi mo?"
"Akala ko kasi na ikaw yung lalaking nakita ko sa mall dati na may kasamang buntis. Akala ko talaga na ikaw yun. Kaya ayun, tinuhod ko at mabilis akong nagtatakbo paalis sa mall. Akala ko kasi na nawala ka na lang bigla dahil may kinakasama ka ng iba. Hindi naman pala ikaw yun kundi ang kambal mo."
Napatunganga siya sa aking mga sinabi parang hindi siya makapaniwala.
"Doon lang ako sumuko. Akala ko kasi itinapon mo na ang lahat dahil may minamahal ka ng iba." mahinahon kong ani.
Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig na bumakas sa kanyang mukha.
"Naging kayo ba nung basagulerong kalbo?"
Natawa ako sa kanyang sinabi.
"Hindi naging kami. Sabi ko naman sa'yo na best friend ko yun."
Katahimikan.
"Ikaw, kamusta naman ang relasyon mo sa kasintahan mo?" kaswal kong sabi.
Parang nag-aalangan siyang sumagot at hindi siya makatingin sa akin.
"Mabuti naman. Katunayan... ano..."
"Ano?"
"Ano... malapit na kaming ikasal. Engaged na kami."
Hindi na ako nagulat sa kanyang sinabi. Matagal ko na itong alam dahil na rin nakita ko ito sa tv dati. Kasama niya ang sikat niyang girlfriend at elitista pa. Pero wala akong nararamdaman na kung anong sakit. Parang normal lang ang lahat. Sa aking narinig ay parang mas sumaya pa nga ako.
"Ganun ba? Sa totoo lang ay alam ko na. Nakita ko kasi sa tv. I'm happpy for you. Masaya ako at nahanap mo na ang babaeng para sa'yo." nakangiti kong sagot na siya niyang ikinagulat.
Katahimikan.
"Ikaw, may boyfriend ka ba ngayon?" tanong niya.
"Umm, higit pa dun. May kinakasama na ako. Nagsasama na kaming dalawa." sagot ko naman.
Sa aking sinabi ay parang nalungkot ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung malungkot siya pero halata ang pagbabago dito.
"M-mahal mo ba?" tanong niya habang nakatingin sa mga alon ng dagat.
"Oo, mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal."
Natahimik siya at hindi na nagsalita pa. Hanggang sa tumahimik na lang kaming dalawa habang nakatingin lang sa sa kawalan. Ilang minutong dumaan ay saka pa lang siya nagsalita.
"Siguro hindi nga siguro tayo para sa isa't isa. Nagkasama tayo sa biyahe. Pero hindi natin destinasyon ang isa't isa."
"Oo, siguro nga ganun. Pero kahit hindi man ikaw ang destinasyon ko. Masaya ako na nakasama kita sa biyahe ng buhay ko. Minahal kita ng totoo Bernard. Minahal kita nang buong-buo. Pero nagbabago ang tao. Nagbabago tayo, kasama na doon ang pagmamahal natin. Pero kahit sa dami ng nangyari ay masaya akong nakilala kita at naging parte ka ng aking buhay." sagot ko sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita at tahimik lang siyang nakamasid sa kalangitan.
"Sige, mauna na muna ako sa'yo." paalam ko.
Tumayo ako at tumalikod at aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. Paglingon ko ay nakatayo na rin siya.
"Jessie... salamat sa lahat. Salamat sa lahat-lahat."
"Salamat din sa lahat Bernard. Salamat sa lahat."
Bigla niya akong niyakap at natigilan ako. Kalaunan ay napayakap na rin ako sa kanya. Parang may ibinulong siya pero hindi ko ito masyadong narinig. Ang narinig ko lang sa kanyang sinabi ay ang salitang "kita".
Nang bumitaw na kami sa pagyayakapan ay nakangiti akong humarap sa kanya. Magaan ang aking dibdib at parang nakalaya ako sa isang bagay na bumabagabag sa akin. Masaya ako at nagkaroon kami ng closure na dalawa.
"Sige, una na ako sa'yo. Ingat ka palagi." ani ko.
"Ikaw rin Jessie... ingat." at kumaway siya sa akin.
Naglakad ako palayo sa kanya hanggang sa makabalik na ako sa aming cottage.
Salamat sa lahat Bernard. Salamat sa lahat ng alaala at pagmamahal mo sa akin. Hindi kita makakalimutan.
MAAGA akong nakauwi sa bahay sakay ang jeep at hindi pa sumisikat ang araw. Nang may bumiyahe ng first trip ng jeep ay kaagad akong nag-abang para makauwi sa amin. Pagdating ko ay naabutan ko pa ang aking kinakasama na natutulog na nakatagilid at nakatalikod.
Pag-ikot ko sa kama ay nakita ko pa na hawak-hawak niya ang aking t-shirt na niyayakap pa. Hindi ko napigilang mapangiti. Naalala ko tuloy noong bata pa ako kapag matagal at hindi umuuwi si pang sa bahay ay kinukuha ko ang kanyang pinaghubarang damit para yakapin ito para makatulog ako ng maayos.
Hindi kasi ako matigil sa pag-iyak kapag ako lang mag-isa sa bahay at takot na takot. Pakiramdam ko kasi dati na kapag naaamoy ko ang damit niya ay kasama ko lang siya.
Inayos ko siya ng higa at kinuha ko ang aking t-shirt na yakap-yakap niya at inilagay sa basket na lalagyan ng mga maruruming damit. Tumihaya siya at humiga ako sa kanyang tabi.
Nang bigla na lang siyang magising.
"Ga! Kailan ka dumating?!" tuwang-tuwa niyang sabi.
"Kani-kanina lang. Ikaw huh? Bakit hawak-hawak mo yung t-shirt ko habang natutulog? May ginagawa ka na naman sigurong kababalaghan ano?" biro ko.
"Hindi ako makatulog ng maayos kagabi eh. Hindi ako sanay na hindi ka kasama."
"Ang aga-aga nambobola ka na."
Natawa na lang siya.
Humalik ako sa kanyang labi at yumakap ako sa kanya.
"Matulog na nga lang tayo. Hindi ako nakatulog dun ng maayos eh."
"Dahil ba na-miss mo ako dun?" paglalambing niya.
"Hindi noh! Asa ka pa. Hindi ako makatulog kasi ang lalakas maghilik ng mga kasama ko."
"Nakaka-bad trip naman 'to. Akala ko naman na-miss ako." simangot niya.
Natawa na ako sa kanyang sinabi.
"Hali ka nga rito. Sobrang kitang na miss."
Hinila niya ako at pinaibabaw sa kanya. Dumapa na lang din ako, alam ko na gusto niya lang maglambing.
"I love you! I love you! I love you!" gigil niyang sabi at mahigpit akong niyakap habang pinupog ng halik ang aking pisngi.
Napangiti ako at panatag akong nahiga sa piling ng lalaking alam kong mahal na mahal ako. Mahal na mahal ako... at mahal na mahal ko. Siya ang destinasyon ko at siya ang magiging kasama ko sa pagpapatuloy ng biyahe ng aking buhay.
Itutuloy...
Feel free to follow my Blog and Comment hoy! Hahaha
In our lives, there are people who come either to teach us a lesson or stay with us forever. I have learned a lot from Bernard and Jessie's story. Definitely, Jess is his TOTGA. I am just wishing them the happiness they all deserve. Bernard with his fiancee and Jess with Will. 😊
ReplyDeleteSana magkaron ng kahit isang special chapter about kay Bernard, yong pov nya sa present life na nya para magkaron din kaming mga readers ng closure sa kung ano yong iniisip nya o kung masaya ba sya o hindi pa talaga o kung nakamove on na rin ba sya, ganun otor. Kahit di sila ang nagkatuluyan, still, it kinda hurts knowing that Bernard really loved Jessie, kahit nga siguro engaged na sya. Ang sakiittt ewann. Haha. Please2, otorr. Haha
ReplyDeleteButi nalang may closure sila ni Bernard. Hayyyss
ReplyDeleteSana in different universe naging sila ni Bernard.
Pwede din kay Nathan. Hehehe
Or sana may POLY VERISION