KABANATA 60 Hanggang sa Huli (Final)
Medyo masakit ang ulo ni William ng magising siya.
Nilibot niya ang kanyang mga mata at nahinuha niyang nasa loob siya ng isang silid. Kapansin-pansin na maganda ang kwarto na ito at talagang malaki. Napalingon siya sa gilid at napansin niyang halos salamin ang dingding ng silid kung saan siya ngayon naroroon.
Moderno ang silid na kanyang nabungaran.
Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Wala siyang ibang nakikita kundi kabundukan at mga kakahuyan. Pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng kagubatan. Pero may napansin siya. May dagat sa kalayuan na natatanaw niya.
Pupungas-pungas at nagpumiglas siya kaagad ng maalala niya na ang nangyari sa kanya kanina habang papauwi na sana siya sa asawa. Pero hindi siya nakagalaw dahil nakaposas ang kanyang mga kamay sa likod ng upuan.
Napatingin siya ulit sa labas at nakita niyang papalubog na ang araw. Gumagabi na.
Hindi siya makasigaw at hindi makagalaw. Hindi lang ang kanyang buong katawan ang napipigilan. Pati ang kanyang bibig ay hindi makapagsalita dahil nakabusal ito.
Kinakabahan siya subalit kinalma niya ang kanyang sarili. Kailangan niyang makatakas. Pilit niyang iginalaw ang mga paa para mapalapit sa wall glass. Nagsikap siyang mapalapit dito at nagbabakasakali na mababasag niya ito kapag ibubunggo niya ang buong bigat dito.
Paunti-unti siyang nakalapit hanggang sa matigilan siya ng nasa mismong gilid na siya nito. Napansin niyang napakataas ng kanyang mahuhulugan. Kapag nabasag niya ang salamin ay malamang mamamatay din siya sa taas ng babagsakan. Kung hindi man ay may mababali ang kanyang mga buto.
Saan ba ako ngayon? Tang ina, nasaan ba ako?
Biglang bumukas ang pintuan at natigilan siya. Bumungad sa kanya ang tatlong lalaking may dalang baril sa kanilang mga tagiliran.
"Aba, gising na pala itong gago na 'to. May balak pang tumakas yata." saad ng lalaki na nasa pinto.
"Gago, hindi mo mababasag yan. Tanga! Kahit nga barilin ko pa yan. 'Di yan mababasag." ani naman ng isa sa kanyang tumatawa.
"Piringan niyo na yan para madala na natin yan kay bosing." utos ng panghuli.
Mabilis na lumapit ang dalawa at piniringan ang kanyang mga mata. Habang tinatanggal ang tali sa kanyang katawan. Sunud-sunuran siya sa utos ng mga lalaki. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa mga ito.
Namalayan na lang niya ang sarili na naglalakad na. Wala siyang nakikita kaya nakiramdam na lang siya. Alam niyang nakasakay siya sa isang elevator. Pagakalipas ng ilang segundo ay bumukas ito.
"Lakad!" sigaw ng isa sa kanya.
Hawak-hawak nila ang kanyang braso at halos pakaladkad nila siyang hinila. Kumakalabog ang dibdib ni William at wala siyang ideya kung bakit na lang may kumidnap sa kanya ng ganito. Wala naman silang mapapala sa kanya dahil wala naman siyang pera.
"Tigil." utos sa kanya na sinunod naman niya.
"Hmmmp!" ang nasabi na lang ni William ng biglang sipain ang likod ng kanyang tuhod.
Kaagad siyang napaluhod at tinanggal ang busal sa kanyang bibig.
"Tang ina kayo! Ano bang kailangan niyo sa akin?! Mga putang ina—" hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin ng may biglang sumuntok sa kanyang mukha kaya kaagad siyang natumba.
Narinig pa niya ang mga tawanan sa kanyang paligid.
"Iluhod niyo ng maayos."
Kaagad siyang hinila at pinaluhod.
Wala siyang alam sa gagawin sa kanya. Wala siyang ideya. Sobrang litong-lito siya ngayon. Naramdaman na lang niyang bigla na lang tinanggal ang piring sa kanyang mga mata.
Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha at halos malaglag ang kanyang panga. Kinilabutan siya sa nakitang lalaki na nakaupo sa isang silya. Nakahawak pa ito ng isang kopita at magiliw na pinapaikot ang wine na na laman nito.
"Did you missed me... daddy?"
"Lester?!" bulalas niya.
"Ako nga," sagot nitong nakangiti. "bakit parang nakakita ka yata ng multo? Do I look scary to you?" sarkastiko nitong tanong at malutong na tumawa.
"P-paano... p-pero... patay ka na! Namatay ka na sa sunog!"
"Hahaha, how stupid. Do you really think na mamamatay ako sa sunog na ako mismo ang nagplano? Silly... of course not!"
"Hayop ka Lester! Hayop kang puta ka! Tang ina—" isang malakas na sipa ang dumapo sa kanyang tiyan mula sa lalaking utusan ni Lester.
Napaubo na lang si William at nanghina sa natanggap na sipa. Muli pa sana siyang sisipain subalit maagap na sumenyas si Lester kaya natigilan na lamang ang lalaki.
"Kamusta na daddy? How's life?" nakangiti nitong wika.
"Tang ina mo ka! Gago, ulol. Demonyo ka!"
Tumawa lang si Lester sa mga sinabi ni William. Parang wala lang sa kanya ang mga sinabi nito na pagkagalit sa kanya.
"Kaya nga hindi ako basta-bastang mamamatay. I'm a demon, and demons don't die so easily."
Nagpupuyos sa sobrang galit si William. Akmang susugurin na sana niya ito ng matigilan siya. Dala-dala ang isang sanggol ay lumapiit kay Lester ang isang babae na nakauniporme pa. Para itong tagapangalaga ng sanggol.
Sandaling ipinahawak ni Lester ang kopita ng wine sa isang tauhan at nakangiting tinanggap nito ang sanggol at kinarga ito.
"Oh, gising na pala ang baby namin." masaya niyang saad habang karga pa ang sanggol sa kanyang mga braso.
Natigilan si William at hindi nakapagsalita.
"Say hi to your Daddy. Your Daddy William." at itinaas pa niya ang kamay ng sanggol na tila pinapakaway kay William.
"Hindi ko alam na nangingidnap ka na rin pala ng mga sanggol. Ano, ito ba ang bago mong negosyo? Matapos kang itakwil ng sarili mong pamilya?" nang-iinsultong sagot ni William sa kanya.
Natawa si Lester sa narinig.
"Hell no! Hindi child trafficking ang negosyo ko kundi drugs! Drugs, drugs and a lot of drugs!" nakangisi nitong sagot.
Nanggigigil na tinitigan ni William si Lester. Gusto niyang patayin ito.
"Hindi mo ba babatiin ang anak mo Daddy? Parang ang saya ni little William na nakita ka niya.
"Anong pinagsasabi mo?" nalilitong tanong ni William
"Ano ang pinagsasabi ko? What I'm saying is... say hello to your long lost son. Binuntis-buntis mo si Lara tapos iiwan mo ang anak niyong dalawa ng walang paalam? Hindi ka ba naaawa sa anak niyo? Goodness gracious!"
"Adik ka na talaga! Kung anu-ano ang pinagsasabi mo."
Natawa si Lester.
Ibinigay ulit ni Lester ang bata sa yaya nito at inutusan silang umakyat sa itaas.
"Hindi mo alam na anak mo ang batang yun? How convenient of you. Tipikal na sinasabi ng mga lalaki kapag nakabuntis na."
"Hindi ko anak ang sanggol na yun!"
"Oh! Nagdi-deny pa." natatawa nitong sagot.
"Gago ka! Sinong niloko mo? Sa tingin mo maniniwala ako sa kalokohan mong tang ina ka? Ulol!"
Natawa ang isang tauhan ni Lester sa sinabi ni William sa kanya.
Nakaramdam si Lester ng inis at mabilis na pinalapit ang isang tauhan na nasa tabi lang niya. Kaagad niyang hinablot ang baril na nasa tagiliran nito at sa isang iglap ay basta-basta na lang binaril ang isang tauhang napatawa.
Kaagad itong natumba at gumapang pa palayo. Subalit mabilis niyang binaril ang likod nito. Na siya nitong ikinamatay agad-agad. Natigilan ang lahat ng tauhan niya. Kahit si William ay natigilan sa sobrang gulat sa sobrang bilis ng mga pangyayari.
"Iligpit niyo nga yan. Kayo ng bahala kung itatapon niyo sa ilog o ilibing niyo. So annoying. Ugh!" sagot niyang napairap pa at naiirita.
"Y-yes boss."
Mabilis na binuhat ng mga lalaki ang bangkay ng kanilang kasamahan at nagtungo palabas.
"So where are we again?" tanong niya.
"Ay, tama! About the baby." agad din niyang sagot na nakangiti pa.
Napalunok na lang si William at hindi nakapagsalita. Parang wala lang kay Lester ang lahat. Hindi man lang ito nakaramdam ng katiting na takot at pagsisisi. Parang normal lang para sa kanya ang pumatay ng tao.
"Here's the thing. Anak mo kay Lara ang sanggol na yan. Believe it or not. Whether you like it or otherwise. Anak mo yang sanggol na yan sa stepsister ko. Binuntis-buntis mo tapos bigla mong kakalimutan ang responsibilidad mo sa anak mo? That's so irresponsible!" nakangiti nitong sagot.
"Hindi ko anak yung bata! Nasaan si Lara? Nasaan ang babaeng yun? Kung anu-ano ang pinagsasabi niya. Hindi ko anak yung batang yun!"
"Unfortunately hindi na siya makakapagsalita. Well, the bitch died so you can't talk to her now, duh."
Nagulat si William sa narinig.
"You see Daddy. When you ditched her she was really frustrated and depressed so badly. So ayun, after she gave birth. After a week or so... she committed suicide. Tumalon mula sa condo unit." nakangiti nitong sagot.
"Funny thing is hindi alam ng mga magulang namin na nabuntis ang gaga. Ang nakakatawa rin is she was really fucking ugly when she died. Her face was really shattered. Hindi ko nga makilala ang mukha niya. Sobrang panget na kasi." at humalagpak ito sa tawa.
Tawang-tawa siya sa kanyang sinabi. Pero hindi natawa ang kanyang mga kasama kaya natigilan siya at nagsalita.
"Hindi ba nakakatawa ang sinabi ko?" sagot niyang walang emosyon ang mukha.
Mabilis na nagtawanan ang kanyang mga tauhan. Pilit na tumawa dahil napipilitan. Natatakot sa pwedeng mangyari sa kanila.
"Nakakatawa po boss!" sagot ng tauhan niyang nasa kanyang tabi.
"Opo! Sobrang nakakatawa po." sabat naman ng isa na nagpanggap na natatawa.
Tumawa na rin si Lester at napahawak pa sa kanyang tiyan. Pagkalipas ng ilang minuto ay kumalma na siya at napatingin kay William.
"Hindi ko anak ang bata Lester. Wala akong natatandaan na may nangyari sa amin."
"Talaga? Not what I've heard."
Medyo nakaramdam ng kaba si William. Naalala niya ang nangyari noon ng magising siya na hubo't hubad na kasama si Lara. Alam niyang walang nangyari sa kanila. Pero ngayon parang nagdadalawang-isip siya na baka meron talagang nangyari sa kanila.
"You can have a dna test if you think that I'm lying."
Sa isang iglap ay ibinato ni Lester ang isang maliit na sachet na naglalaman ng buhok at laway ng sanggol sa harap ni William.
"You can use that for proof. Alam kong hindi ka maniniwala sa akin. Kaya ikaw ang hahayaan ko na magpa-dna."
"Hindi ito totoo. Nagsisinungaling ka lang!"
Napangiti si Lester.
"Ano bang gagawin mo sa akin? Pakawalan mo na ako! Tantanan mo na ako! Ano pa bang gusto mo?!"
"Anong gusto ko? I want you! I always get what I want." natatawa niyang sagot.
"Pakakawalan din naman kita mamaya. But with conditions."
Hindi makapaniwala si William sa narinig. Papakawalan siya ni Lester?
"Una, 'wag na 'wag kang aalis sa lugar kung nasaan ka ngayon nakatira. 'Wag mong susubukang umalis dahil magsisisi ka. Pangalawa, hindi ka magsusumbong sa pulis about me. Lahat ng nangyari sa'yo ngayon ay mananatiling ikaw lang din ang may alam. Lastly, tatawagan kita at be ready." simple nitong sagot na halos hindi mapaniwalaan ni William.
"That's all. Yan muna ang mga kondisyon ko ngayon. First thing in the morning tomorrow. Ipa-dna mo yang mga samples na yan. Para mapatunayan mo sa sarili mo na anak mo talaga yung sanggol. 'Wag kang magkakamali na pagsabihan ang kahit sino. Kapag nagkamali ka ay papatayin ko kaagad ang bata." seryoso nitong sagot.
Kaagad na sumenyas si Lester at muling piniringan ng mga lalaki si William. Pagkatapos ay tinakpan nila ang mukha ni William ng isang panyo. Ilang sandali lang ay unti-unti siyang nanghina at sa ilang segundo lang ay nakatulog na siya.
NAGISING si William na walang makita. Nakapiring ang kanyang mga mata at nakatali pa ang kanyang mga kamay. Nakiramdam siya at parang nakasakay siya ng sasakyan. Nagpanggap siyang tulog at nakinig sa usapan ng mga kalalakihang nagtatawanan. Nagbabakasakali na baka may makalap siyang impormasyon mula sa mga ito.
Subalit wala siyang nakuha ni isa. Hanggang sa maramdaman niyang tumigil na ang sinasakyan niya.
"Tulog pa yata. Gisingin ko?" ang sabi ng isang lalaki.
"'Wag na, itapon niyo na lang yan d'yan sa labas."
Narinig ni William ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. Ilang sandali pa ay biglaan na lang siyang itinulak. Wala siyang makita kaya napasubsob na lang siya ng mahulog. Buti na lang at sa mga damuhan siya bumagsak.
Narinig pa niya ang pagbaba ng mga lalaki sa sasakyan at nanatili siyang nagpanggap na natutulog.
"Ilagay mo na sa motor niya gaya ng utos ni boss." ang nasabi ng isang lalaking tauhan ni Lester.
"Ang dami naman nito pre. Pwede bang kumupit tayo kahit kaunti?"
"Bobo ka ba? Kapag nalaman ni boss na may kulang yan. Siguradong patay tayo. Kaya ilagay mo na yan sa motor niya para makaalis na tayo."
Hanggang sa marinig niya ang pagharurot na paalis ng sasakyan. Mabilis siyang nagpumiglas at pilit na kinakalas ang tali sa kanyang mga kamay. Pansin niyang hindi na mahigpit ang pagkatatali nito. Kaya sa kalaunan ay natanggal niya rin ito.
Pagtanggal niya sa piring sa kanyang mga mata ay kaagad niyang nakita ang kanyang motor na kung saan niya ito ipinarada kanina. Kahit ang cake ay nanatiling nakalagay sa pa rin sa box at nakatali pa. Halatang hindi nabuksan.
Biglang tumunog ang kanyang cellphone at nakita niya ang isang mensahe.
Huwag kang magkakamali na magsalita. Mamatay ang anak mo. Papatayin ko ang sanggol. Hindi ako magdadalawang-isip na pumatay ng bata. Hindi lang ang bata ang papatayin ko. Pati si Jessie. Pati siya ay idadamay ko!
Sa nabasa ay kaagad na nakaramdam ng kaba si William. Kaagad siyang nagmamadaling nagmaneho pauwi. Halos paliparin pa niya ang motor sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya rito.
Hanggang sa tuluyan na siyang nakaabot sa kanilang pamamahay.
Nagmamadali siyang bumaba sa motor at patakbong binuksan ang pintuan sa harap ng bahay. Kaagad niyang nakita si Jessie na naghuhugas ng pinagkainan sa lamesa. Nakahinga siya ng maluwag ng makita na walang nangyaring masama sa asawa.
Mabilis siyang lumapit dito at bigla itong niyakap mula sa likod. Napatili pa si Jessie sa sobrang gulat. Hindi kasi nito narinig ang pagdating ng asawa dahil naka-headset ito at nakikinig ng musika.
"Pang naman! Nanggugulat ka eh."
Napangiti na lang siya at humalik sa labi ng misis.
"Nauna na akong kumain pang. Sabi mo na matatagalan kang umuwi eh."
Nablangko si William sa narinig.
"Magbihis ka muna pang at ihahanda ko ang lamesa."
"S-sige ga."
Nagtungo si William sa kanilang silid at kaagad na tiningnan ang kanyang cell phone. Dito na niya nabasa ang napadala niyang mensahe. Nabasa niya sa sent items ang sinabi niya sa sa asawa. Na matatagalan siyang umuwi. Kahit na hindi naman siya nag-text.
Kinabahan siya para kay Jessie.
"Pang!"
Naghuhubad si William ng damit sa loob ng silid ng marinig niya ang pagsigaw ng kanyang misis. Sa sobrang pagkagulat at kaba niya ay taranta siyang napatakbo palabas sa sa silid. Baka may nangyaring masamasa sa asawa niya.
Nakahinga siya ng ng maluwag ng malapitan na niya ang misis na nasa harap ng kanilang bahay.
"Pang! Bumili ka na naman ng cake?" nakangiti nitong saad.
"Oo, para sa'yo yan. Nakalimutan kong bitbitin sa loob."
"Pang, magsuot ka nga ng maayos. Magsuot ka ng shorts. Ano ba yan." natatawang sagot ng kanyang asawa.
Napatingin siya sa sarili. Hindi pa pala siya nakapagsuot ng shorts. Sa sobrang pagkataranta niya ay nalimutan na niyang magsuot. Napangiti na lang siya sa asawa.
"Pasok ka na nga sa loob ga. Malamig na."
Nang makapasok ang asawa ay nagpalinga-linga muna siya sa paligid. Alerto siya at baka nasundan siya kanina papauwi. Nag-aalala at nangangamba sa kanilang kaligtasan, lalong-lalo na kay Jessie.
Nang matapos makapaghapunan ay sandali silang nagpahinga sa sala. Pagkatapos ay natulog na. Ilang sandali lang ay nakatulog na ang kanyang misis. Subalit hindi siya. Hindi makatulog dahil natatakot siya sa pwedeng mangyari kay Jessie.
Biglang tumunog ang kanyang cell phone at mabilis niyang sinilip kung sino ang nag-text. Unknown number ito. Mabilis niyang binasa ang laman nito at alam niyang galing ito kay Lester.
Ipa-dna mo yang samples ng bata bukas para malaman mong anak mo talaga 'to. May inilagay akong pera sa motor mo. Gamitin mo yun para pang-dna. 'Wag kang magtatangkang tumakas. Papatayin ko itong anak mo. Hintayin mo pagkatapos ng ilang linggo. Lalabas na ang resulta. Tingnan ko lang kung hindi ka magulat.
Bumangon si William at nagtungo sa labas ng bahay. Binuksan niya ang u-box ng motor at dito niya nakita ang isang envelope. Pagbukas niya rito ay nakita niya ang ilang libong papel na pera.
Kaagad siyang bumalik sa loob at muling nahiga sa kanilang silid. Kinakabahan sa pwedeng mangyari. Ngayon ay naguguluhan siya. Basta-basta na lang siyang pinakawalan ni Lester na hindi niya mapaniwalaan.
Parang nagsasabi ito ng totoo. Napapaisip siya ng husto. Kung anak nga niya ang bata mula kay Lara ay nagsinungaling siya kay Jessie sa kanyang sinabi na walang nangyari sa kanila. Lasing na lasing siya noong mga panahon na yun. Kaya malamang ay may nangyari nga siguro sa kanila na hindi niya alam.
Napapikit siya.
Napakuyom ang kanyang mga kamao sa galit. Sa sobrang dami ng kanyang iniisip ay hindi niya namalayang alas dos na pala sa madaling araw. Hindi siya dinadalaw ng antok sa napakalaking problema na kinakaharap.
Kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isipan. Gusto niyang sabihin kay Jessie ang lahat pero natatakot siya. Nangako siyang walang nangyari sa kanila ni Lara. Pero heto siya ngayon. Namomroblema dahil hindi siya sigurado kung anak nga ba niya ang sanggol.
Natatakot siyang lumayo ang loob ni Jessie sa kanya. Natatakot siyang baka iwan siya nito. Hindi niya kakayanin.
Napabangon siya sa kama at nagtungo sa sala. Naupo siya sa sofa at litong-lito ang kanyang isip. Parang sasabog ang kanyang ulo sa kinakaharap na problema. Napaisip siya na isakripisyo na lang ang buhay ng sanggol para mailayo si Jessie.
Pero paano niya ipapaliwanag ang lahat?
Paano niya ipapaliwanag dito na na nakabuntis siya na hindi pa siya sigurado kung kanya nga ba itong sanggol na sinasabi sa kanya ni Lester. Paano niya aaminin na baka nagkamali nga siya noon sa kanyang sinabi?
Natatakot siyang saktan si Jessie. Sa dami ng pinagdaanan nito ay takot na itong magtiwala nang basta-basta. Pero muli niyang nabuksan ang puso nito na muling magtiwala. Na muli siyang pagkatiwalaan. Pero ngayon, parang siya ulit mismo ang babasag sa tiwalang binigay nito ng buo.
Natatakot siya na kung hindi man ito makuha ni Lester at ilayo sa kanya. Baka ito pa mismo ang kusang lumayo sa kanya kapag nalaman nitong nagsinungaling siya noon. Natatakot din siya na kapag nagsumbong siya kay Jessie at baka talagang patayin ito ni Lester. Parang wala lang dito ang pumatay.
Kapag nalaman ni Jessie na nakabuntis pala siya at sa gabing nahuli pa siya nito mismo ay talagang kamumuhian siya nito. Pero hindi pa rin sigurado. Hindi pa napapatunayan na kanya nga ang sanggol. Pero sa ipinapakita ni Lester sa kanya ay parang kanya nga ito.
Gusto niyang tanungin si Lara. Gusto niyang marinig sa bibig nito mismo na hindi niya anak ang bata. Pero hindi na nakakapagsalita ang patay. Pero totoong patay na nga ba?
Mabilis niyang hinanap ang social media account nito at nanlumo siya sa nakita. Talagang patay na nga si Lara. Basi na rin sa mga komento ng mga tagahanga nito. Talagang patay nga nga ito.
"Kung akin man ang bata. Pwede ko namang isakripisyo ang sanggol. Kung ang kapalit ay para mailigtas ko si Jessie ay handa akong isakripisyo ang sarili kong anak." anas niya na wala sa sarili.
Ilang segundo lang ay kinilabutan siya.
Handa kang isakripisyo ang buhay ng isang inosenteng sanggol? Anong klaseng tao ka? Paano kung anak mo yun? Hibang ka na William! Hibang ka na!
Sigaw niya sa kanyang isipan.
"Dapat na ipa-dna ko ang sanggol bukas." ang nasabi niya sa sarili.
Bumalik siya sa kanilang silid at kinuha ang pakete na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Sandaling tiningnan niya ang mga laman nito. Ang buhok at laway ng sanggol na nakalagay pa sa maliit na bote.
"Hindi ko anak yun. Hindi akin ang batang yun."
Muli siyang nahiga sa kanilang kama at mahigpit na niyakap ang pinakamamahal sa kanyang buhay.
"Mahal na mahal kita ga. Hindi ko kayang mawalay ka pa sa akin ulit. Isasakripisyo ko kahit sarili kong laman at pawis. Kahit sarili kong dugo para sa'yo. Hindi ako makakapayag na maghihiwalay pa tayo. Hinding-hindi."
Humalik siya sa labi nito at ikinulong ito sa kanyang mga bisig.
Gagawin niya lahat para kay Jessie. Lahat-lahat. Kahit pa sarili niyang buhay ang kapalit.
KINABUKASAN ay maaga siyang umalis at nagpaalam na rin siya sa kanyang boss na hindi siya makakapasok sa trabaho. Walang alam ang kanyang asawa na tutungo siya ng ospital para ipa-dna ang samples na ibinigay ni Lester sa kanya.
Nang makarating na siya sa ospital ay kaagad na nakita niya ang kanyang sadya. Ang kanyang kababata at matalik nilang kaibigan ni Solomon na si Henry.
"Oh pre, bakit ka nandito?" gulat nitong bati.
"Ano kasi pre, kailangan kong magpa-dna test."
"Ganun ba? Walang problema. Siya nga pala, kailan ang susunod na inuman natin? Palagi kang absent sa inuman sessions natin eh."
"Sa susunod na lang pre. Sobrang busy kasi eh."
"Sige-sige. Teka lang muna pre. Kailan mo ba ipapakilala sa akin yang misis mo na yan? Hindi ko pa nakikita yang asawa mo."
"Sa susunod na lang pre." sagot naman ni William.
"Ikaw kasi, masyado kang under sa misis mo. Kaya hindi pa ako nag-aasawa eh. Nakakatakot magpatali." natatawa nitong sagot.
Napailing na lang si William.
"Pasok ka muna sa opisina ko pre." paanyaya nito.
Nag-usap sina William at ang kaibigan niyang si Henry. Kung bakit siya magpapa-dna test. Sinagot naman ni William ang tanong ng kaibigan subalit hindi lahat. Ang mga bagay na dapat hindi sabihin ay hindi niya sinabi.
Nang sinimulang maipaproseso na ng kanyang kaibigang doktor ang sample ay sinabihan siya nitong mag-antay na lang muna. Medyo matagal kasi bago lumabas ang resulta. Aabutin pa ng dalawang linggo o higit pa. Kaya naman walang magagawa si William kundi ang maghintay.
Tumambay muna siya at nakipag-usap sa kaibigan at ipinaliwanag kung bakit nagpa-dna test siya. Naglabas na rin siya ng sama ng loob at bigat sa dibdib. Na sana ay hindi sa kanya ang bata dahil natatakot siya sa magiging reaksyon ng asawa.
Natatakot siya sa mga mangyayari kapag napatunayan na kanya ang bata.
Nang magtanghalian na ay nagpaalam na siya sa kaibigan.
Nagpahangin siya at naisipang ikalma ang sarili sa lahat ng nangyari. Kaya naman ay nagtungo siya sa dalampasigan mag-isa. Nakatanaw sa malawak na dagat at mabigat ang dibdib. Naupo siya sa pinong buhangin at palihim na naiyak.
Akala niya ay tuluyan na silang magiging masaya. Meron pa palang magiging sagabal. Napapikit siya at napuno ng takot ang dibdib. Hindi niya hahayaang masira ni Lester ang lahat sa isang iglap.
Biglang tumunog ang kanyang cell phone. Nang buksan niya ito ay nakita niya ang isang video. Hindi niya alam kung kanino ito galing. Nang pinaandar na niya ito ay halos manlaki ang kanyang mga mata. Nakita niya ang asawang nagluluto. Nahinuha niyang may nagmamasid sa asawa ngayon.
Alam na ni Lester kung saan sila nakatira.
Patakbo siyang bumalik sa kanyang motor. Kailangan niyang umuwi. Kailangan niyang puntahan ang asawa at baka nanganganib ang buhay nito.
Nang biglang mag-ring ang kanyang cell phone. May tumatawag sa kanya mula sa isang numero na hindi niya kilala. Kaagad niyang sinagot ito.
"H-hello?"
"Oh hi Daddy! Nakita mo ba ang video na pinasa ko sa'yo?" masayang ani ni Lester sa kabilang linya.
"Fuck you ka! 'Wag mong susubukang saktan si Jessie at talagang papatayin kitang hayop ka!" nagpupuyos sa galit na saad ni William.
"Chill! Hinga ka ng malalim. Relax will you? Hindi ko siya sasaktan. Basta, 'wag mo akong paghintayin. Pumunta ka na ngayon kung saan ka huling dinampot ng mga tauhan ko. Dalian mo, dahil kapag ako naiinip. Butas ang bungo ng anak mong si Jessie!"
"Huwag! Please Lester. 'Wag na 'wag mong sasaktan si Jessie." pagmamakaawa ni William na halos maiiyak na.
"Kung ayaw mong masaktan ang anak mo. Pumunta ka na doon sa lugar na sinasabi ko sa'yo. Dumiretso ka na. Huwag ka ring magkakamaling isuplong ako sa pulis dahil ang buhay ni Jessie ang kapalit!"
"Oo! Pupunta na ako dun! Pupunta na—" biglang pinutol ni Lester ang tawag.
Tinawagan niya ito subalit hindi na niya ito makontak. Nagmamadali siyang sumakay at mabilis na pinatakbo ang motor para puntahan ang nasabing lugar.
Halos isang oras din bago niya narating ito. Nandoon na ang L300 na sasakyan na naghihintay sa kanya. Pati na rin ang anim na lalaking armado.
"Pasok sa loob!" sigaw ng isa.
Sunud-sunuran namang sumakay si William. Mabilis na pinosasan ang kanyang mga kamay at piniringan ang kanyang mga mata. Naramdaman din niyang isinakay ang kanyang motor sa loob.
Magsasalita pa sana siya pero mabilis na binusalan ang kanyang bibig. Gusto sana niyang umuwi at puntahan ang asawa. Pero natatakot siya at baka barilin ito bago pa man niya ito maabutan. Alam niyang nasa malapit lang ang kumukuha ng video. Binabantayan nito ang misis. Kaya sumunod na lang siya sa iniuutos ni Lester.
Kinakabahan siya at hindi na alam kung gaano na katagal ang biyahe nila sa kalaunan. Wala siyang nakikita at nakikiramdam lamang. Tingin niya ay lagpas isang oras ang kanilang biyahe. Hanggang sa tumigil na ang sasakyan.
Mabilis siyang hinila palabas at muntik pa siyang mapasubsob. Itinulak siya mula sa kanyang likod at sunud-sunuran naman siyang humakbang kahit na wala siyang nakikita. Nang tinanggal na ang kanyang piring ay nakita na niya si Lester na nakaupo sa isang silya sa sala at kanlong ang sanggol na nakita niya kahapon.
"Nandito na naman si daddy baby Blue. Say hello to your daddy," at pinakaway-kaway pa ni Lester ang kamay ng bata. "hello Daddy William! I am Blue your son." nakangiting saad ni Lester at magiliw na nilaro-laro ang bata.
Ngumiti naman ang sanggol.
"Ay, masaya na si baby kasi nandito na naman ulit ang daddy niya... baa..." patuloy niyang paglalaro sa bata.
Naninigas ang panga ni William sa galit pero wala siyang magawa. Sa isang maling galaw niya lang ay manganganib si Jessie. Nang tinanggal na ang busal sa kanyang bibig ay nagsalita siya.
"Lester, alam ko na galit ka sa akin. Galit ka sa amin. Pero 'wag mo ng idamay pa si Jessie. Ako na lang... ako na lang ang parusahan mo." pakiusap ni William.
Napangiti si Lester.
"Hindi ganoon kadali yun. You see, si Jessie ang dahilan kung bakit ako nakulong. Kung bakit ako itinakwil ng pamilya ko. I lost all my inheritance. Pwede na kasi nila akong itakwil dahil may anak na silang bago. But I'm smart. I managed to transfer most of my money before I was locked up. Kaya heto ako ngayon. Mayaman na mayaman pa rin at mas lalong yayaman because of my business venture." napangiti si Lester. "Matagal ko na 'tong business at kahit ang pamilya ko ay hindi alam 'to. Ang ganda ng negosyong droga. Ang bilis ng pera!" at natawa ito.
"Ano pa bang gusto mo? Nakalaya ka na, mayaman ka pa rin, may mga tauhan kang mga tagasunod sa lahat ng gusto mo. Kaya mong makuha ang lahat ng gusto mo. Ano pa ba ang kulang para sa'yo? Para mo ng awa, tantanan mo na kami ni Jessie... ano pa bang gusto mo?" hirap na hirap na sagot ni William.
"Ano ang gusto ko... ano pa ang kulang? Ang gusto ko... ikaw! Ikaw ang gusto ko at ikaw pa ang kulang. I want you!" at sumeryoso ang mukha nito.
Napaluhod si William at halos maluha-luhang napatingin sa kanyang kinamumuhian. Nagmamakaawa siya at nagsusumamo.
"Tama na... hayaan mo na kami. Layuan mo na kami Lester."
Napangiti lang ito.
"Alam mo Kuya William... napaka-selfish mo. Parehas lang tayo. Wala tayong pinagkaiba. Kahit sarili mong anak ay kaya mong iwan para lang kay Jessie? Anak mo rin naman ang batang 'to. Iiwan mo na lang ba siya para kay Jessie? Hindi ka ba naaawa sa anak mong 'to?" sagot niyang iniharap pa ang sanggol kay William.
"Anak mo 'to... at papatayin ko 'tong anak mo kapag sinubukan mong tumakas."
Sandaling sumigaw si Lester at tinawag ang yaya ng sanggol para kunin ito.
Tumayo si Lester matapos na ibigay sa yaya nito ang sanggol.
"Hali ka, sumunod ka sa akin." utos niya kay William.
Naglakad sila sandali hanggang sa makalapit sila sa isang elevator. Sumakay si Lester at William kasama ang tatlong tauhan nito. Hanggang sa makaabot sila sa pinakataas na palapag ng mansyon.
Napakalaki ng bahay. Para na itong isang gusali sa lapad at laki. Hindi lang malaki. Matayog din ito dahil hanggang anim ang palapag nito. Hindi lang naman kasi ito basta-bastang mansyon. Dito rin ginagawa ang iba't ibang uri ng droga na binibenta ni Lester. Ang mansyon niya ay pagawaan ng mga droga.
Sumenyas si Lester at mabilis na iniwan sila ng kanyang mga tauhan.
Dinala niya si William sa isang silid. Ito ay ang kanyang kwarto. Nakaposas pa rin si William at sa totoo lang ay gusto na niyang sugurin si Lester. Pero nagpipigil siya. Baka mapano ang kanyang asawa.
Parang may tinawagan si Lester sa kanyang cell phone. Ilang sandali lang ay binaba na niya ito.
"Tumingin ka sa tv." utos nito kay William at itinuro pa ang napakalaking tv na nasa gilid.
Nangilabot si William sa nakita.
Kitang-kita niya ang asawa na nanood ng tv at nakaupo sa sofa. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may maliit na krus sa gitna ng video. Kumunot ang kanyang noo.
"Alam mo kuya, may nakamasid ngayon sa bahay ninyo. Hindi siya mapapansin dahil malayo yang pwesto ng tauhan ko. Mukhang malapit lang sa video si Jessie dahil gamit niya ang telescopic na rifle niya. Kaya kitang-kita ang bawat galaw niyo sa loob ng bahay. Wala kayong takas. Tatlo silang nakabantay sa bahay niyo. Kaya kapag nagkamali kang magsumbong sa pulis. Papaulanan ko ng bala ang katawan ni Jessie."
Napalunok si William.
"Hindi ka makakahindi sa akin. Hindi lang si Jessie ang damay dito, pati yang isang anak mo. Subukan mo lang talagang magsumbong sa pulis. Pati itong sanggol na anak mo ay papatayin ko."
Napapikit na lang si William sa prustrasyon.
"Ilang buwan na ba yang sanggol." sagot niyang kinakabahan.
Gusto niyang malaman para ma-estima niya kung kailan ito pinanganak. Kung durugtong ba ito sa araw na hindi siya sigurado kung may nangyari sa kanila ni Lara.
"Pitong buwan pa yang sanggol."
Nanghina na lang si William. Pakiramdam niya ay kanya nga ang bata.
"Maniwala ka o hindi. Sa'yo yang bata. Anak mo yan kay Lara." dugtong ni Lester.
Parang hindi nagsisinungaling ito sa kanyang sinabi. Kamukhang-kamukha ni Lara ang sanggol. Napanghinaan na lang ng loob si William. Naglakad papunta sa likod niya si Lester at naramdaman na lang niyang kinalas nito ang posas sa kanyang kamay.
"Subukan mong manlaban. Mamatay si Jessie. Kuha mo?"
"Ako na lang ang saktan mo. 'Wag lang si Jessie Lester... gagawin ko lahat. 'Wag mo lang siyang galawin." nanginginig ang boses ni William.
Nangangatal ang kanyang katawan sa sobrang galit. Pero wala siyang magagawa. Para sa kaligtasan ni Jessie ay kailangan niyang sundin ang lahat ng gusto ni Lester. Para na rin sa sanggol na sa tingin niya ay kanya talaga.
Dahan-dahan siyang niyakap ni Lester mula sa likod. Mahigpit siyang niyakap nito.
"I missed you so much. Sobra kitang na-miss." saad pa nitong nag-crack pa ang boses at parang maiiyak.
Napailing-iling na lang si William at napakuyom ang kamao.
LUMIPAS ang mga araw at naging linggo. Pinilit ni William na ilihim kay Jessie ang lahat para na rin hindi ito mapahamak at ang sanggol na pinaghihinalaan niyang anak niya.
Ginagabi na siya palaging umuwi dahil pagkatapos magtrabaho ay sinusundo na siya ng L300 na van. Kahit na nakikita niya ang plate number ng sasakyan ay alam niyang peke naman ito.
Kaagad na sinasakay siya at ang kanyang motor sa loob at palaging nakapiring ang kanyang mga mata at nakaposas pa siya. Kahit na araw-araw siyang kinukuha at sinusundo ay hindi niya pa rin alam kung saang banda ang lugar ni Lester.
Ang tangi niya lang alam ay malapit ito sa dagat dahil ito ang nakita niya noong magising siya noong una siyang damputin. Kapag nakakapasok na siya sa loob ng mansyon ay saka lang siya tatanggalan ng piring.
Kapag nakapasok na siya sa loob ng mansyon ay kaagad na bubungad sa kanya si Lester at hahalikan siya nito sa labi na parang asawa siya nito. Hindi siya pumapalag dahil wala naman siyang magagawa. Kahit na diring-diri siya at sukang-suka ay pinipilit niyang maging mahinahon.
Palagi siyang pinagsisilbihan ni Lester at kung umasta ito ay para itong asawa. Pinagluluto siya nito ng hapunan. Pinapakain kasama ang sanggol. Kahit hindi siya ngumingiti ay tuwang-tuwa si Lester sa nangyayari.
Medyo napalapit na rin ang loob ni Wiiliam sa sanggol. Katunayan ay nilalaro niya ito at ito lang ang tanging dahilan kaya nagagawa niyang ngumiti sa impyernong kinasadlakan. Nagsisilbi itong maliit na liwanag sa madilim at nakakasulasok na kawalan.
Dahil gabi lang nakakapunta si William. Sa katagalan ay pinag-resign siya ni Lester. Walang kaalam-alam si Jessie na nag-resign na ang mister sa trabaho. Wala itong ideya.
Pero ang perang kinikita ni William mula sa pagtratrabaho ay naging triple pa at sobra-sobra pa nga. Si Lester na ang nagpapasweldo sa kanya. Ang dapat niya lang gawin ay makipaglaro ng bahay-bahayan dito. Magpanggap na isa silang mumunting pamilya kasama ang bata. Siya ang ama, si Lester ang ina at ang sanggol ang anak nila.
Ang isa pa sa mga trabaho niya ay ang makipaglaro ng apoy dito at tustusan ang kahayukan ni Lester sa kanyang laman. Umaga, tanghali, hapon at gabi. Hindi siya tinitigilan nito.
Nagpapaubaya na lang siya kahit labag ito sa kanya. Kung katawan niya ang kailangan ni Lester ay kanya itong pupupunan. Pero hindi nito kailanman makukuha ang kanyang puso.
Ginawa siyang laruan ni Lester at sinamantala ang sitwasyon.
Hindi rin basta-bastang nakakauwi si William sa kay Jessie kaya palagi itong ginagabi. Nang tumagal ay parang hindi na gusto ni Lester na umuuwi pa si William sa kanyang asawa. Mabuti na lang at napipilit pa rin ni William si Lester at napapapayag din.
Binibigay ni William ang lahat ng gusto ni Lester at hilig sa kama. Lahat ng gusto nito ay kanyang ginawa. Ginawa niya itong babae tulad ng hinihiling nito.
Pero ang palaging siste ay pinapainom na muna si William ng viagra. Hindi kasi ito tinitigasan kahit anong gawin ni Lester sa kanya. Kahit anong ginagawa niya dito ay hindi naninigas ang pagkalalaki nito.
Ngunit sa kalaunan ay ayaw na ni Lester na pinapainom niya ito ng viagra. Kaya ang ginawa nito ay pinipiringan nito ang mga mata ni William. Pagkatapos ay pini-play niya ang sex videos nito na kasama si Jessie. Ang mga videos ng dalawa noon na ginawa niyang koleksyon.
Sa sobrang lakas ng volume ay dumadagundong ito sa loob ng kanyang silid. Hindi naman ito naririnig ng mga tauhan sa labas dahil sound proof ang kwarto niya.
Ginagawa niyang background ang mga ungol nila. Hindi nga siya nagkamali dahil nagtagumpay siya sa kanyang plano. Tinitigasan si William sa mga naririnig na ungol mula kay Jessie kaya sinasamantala niya ang pagkakataon.
Subalit, saglit lang tinigasan si William. Hindi ito tuluyang napaikot ni Lester kaya nagbalik na lang sila sa dating setup. Pinapainom na lang ni Lester si William ng viagra para tumigas ang ari nito.
Araw-araw niyang kapiling si William. Maliban na lang sa Sabado at Linggo dahil hinahayaan niyang makapiling nito si Jessie para hindi ito maghinala. Para na rin hindi malaman nito na hindi na ito pumapasok sa trabaho nito dahil sa kanya na ito nagtratrabaho.
May isang beses na rin na hindi niya ito pinayagang makauwi sa kanila dahil ayaw niyang umaalis pa ito sa kanyang tabi. Pero napilitan siyang pauwiin ito sa sumunod na araw dahil napansin niyang hindi na kumain si William sa buong araw. Kaya kalaunan ay pinauwi niya ito kinagabihan kay Jessie.
KINAKABAHAN, kinakabahan si William at lumipas na ang tatlong linggo. Lalabas na ang resulta sa dna test. Maaga pa siyang umalis ng bahay para lang pumunta ng ospital para malaman ang resulta. Gusto niyang makita sa mata niya mismo ang resulta.
Kasama niya ang kaibigang doktor na si Henry. Hindi kasi ito ang nakatuka sa dna test at mga laboratory tests kaya kahit ito ay wala ring alam kung ano man ang magiging resulta. Nang tignan na ni William ang papel ay halos madurog ang kanyang puso. Positibo ang resulta. Talagang anak nga niya ang bata.
Naluha na lang siya at talagang nasadlak na siya sa malaking problema. Mas lalong nahahawakan ni Lester ang kanyang leeg. Nagbabasakali sana siyang hindi niya anak ito. Dahil kung hindi niya ito anak ay pwede pa rin siyang tumakas at lumisan kasama si Jessie. Pero ngayon ay mukhang malabo na.
Anak niya ang sanggol at hindi niya ito pwedeng pabayaan. Inaamin din niyang kahit sa konting panahon pa lamang na kasama niya ang bata ay nagkapuwang na ito sa kanyang puso, lalo na ngayon at anak pala niya ito.
Lumuluhang napailing na lang siya at tinapik-tapik ng kaibigan ang kanyang balikat.
"Wala tayong magagawa pre. Anak mo nga ang bata."
Hindi napigilan ni William na manghina. Wala na siyang kawala. Nakakadena na siya sa mga kamay ni Lester.
Bagsak ang balikat ng lumabas siya ng ospital. Naupo siya sa may hardin sa likod at nagmukmok.
"Anak ko nga talaga ang sanggol. Akala ko walang nangyari sa amin ni Lara. Akala ko talaga wala. Maling-mali ako. Ang tanga-tanga ko!" napahawak siya sa kanyang ulo sa sobrang galit sa sarili.
Niloko niya si Jessie. Pinaniwala niyang walang nangyari. Yun pala ay nagbunga ang isang gabing pagkakamali na hindi niya maalala. Lasing siya sa panahon na yun at wala siyang kahit kaunting marekolektang memorya sa gabi na kasama niya si Lara.
Sobrang bigat ng kanyang dibdib at napakalaki ng problemang kanyang dinadala. Nasa punto na siyang malapit ng magwala. Pero bigla na lang siyang nakatanggap ng text. Mula ito kay Lester.
Wala siyang magagawa, kaya mabilis siyang nagpunta kung saan siya susunduin ng mga tauhan nito. Nang makarating na ay isinakay na siya sa L300 pati ang kanyang motor.
Piniringan pa rin siya para hindi niya malaman ang daan papunta sa kung saan ang mansyon ni Lester. Pero isa lang ang sigurado siya. Nasa kalagitnaan ito ng kagubatan at malapit sa dagat.
Nang makapasok na siya sa mansyon ay kaagad siyang binati ni Lester na tuwang-tuwa pa. Pero imbes na pansinin niya ito ay ang sanggol kaagad ang hinanap niya. Kaya naman madali siyang dinala kung saan ito.
Nang makita na niya ang sanggol sa loob ng sarili nitong silid na nakahiga pa sa kuna ay kaagad niya itong binuhat at inihiga sa kanyang braso. Ngayon ay napag-alaman niyang anak pala talaga niya ito.
Pinigilan niya ang sariling maging emosyonal. Napangiti siya, kasama niya ang anak na hindi pa siya kilala. Nang biglang maramdaman niyang yumakap si Lester sa kanyang likod at nagsalita.
"Dito ka na lang palagi sa piling ko daddy. Mamahalin kita, aalagaan kasama ng magiging anak natin. Ibibigay ko sa'yo lahat. Pera, kapangyarihan at lahat ng gusto mo. Basta mahalin mo lang ako. Ibibigay ko sa'yo ang lahat na hindi kayang ibigay ni Jessie."
Pinili na lang niyang manahimik at hindi magsalita. Wala ng punto pa para sagutin pa niya ang mga sinabi nito. Wala ng ibang magpapaligaya at mamahalin niya. Si Jessie lang... si Jessie lang talaga.
Kahit na lunurin mo pa ako sa pera ay hindi kita mamahalin. Hinding-hindi!
Nagpigil siya sa kanyang galit. Kinalma niya ang sarili. Matapos nito ay maingat niyang muling inihiga ang bata sa kuna nito. Pagharap niya kay Lester ay mabilis siya nitong niyakap. Nanatili siyang nakatayo at walang ginawa.
Hanggang sa maramdaman niyang lumilikot na ang mga kamay nito. Mula sa kanyang likod ay naglakbay ang mga kamay nito at nagtungo sa mismo niyang harapan. Marahas na hinihimas ni Lester ang kanyang pagkakalaki na hindi nagkakabuhay kahit na anong ginagawa nito.
Kaya naman nakaramdam ito ng pagkadismaya.
"Follow me. Dun tayo sa kwarto ko." hindi siya nagsalita at sumunod na lamang sa utos nito.
Kaagad na pinainom na naman siya ng viagra. Ilang sandali pa ay nanigas na ang ari ni William sa epekto nito.
Muli siyang inangkin ni Lester at muli niyang pinalasap dito ang sarap na kinababaliwan nito. Pinagsaluhan nila ang kalaswaang napakamakasalanan. Habang binabayo ni William patalikod si Lester ay naninikip ang dibdib niya. Nangako siya na para lang siya sa minamahal na asawa. Subalit muli na namang hindi niya natupad ang kanyang pangako.
Sorry ga... patawarin mo ako sa kasalanan ko... patawarin mo ako...
Nang matapos na silang magtalik ay malamig na nagsalita si William at nakiusap na kailangan na niyang umuwi. Pero nagmatigas si Lester at umaandar na naman ang pagkaseloso nito na wala sa lugar. Kaya naman ay nag-away sila at nagkasagutan.
"Ano ba?! Palaging ako na nga ang kasama mo. Kailangan kong umuwi! Kailangan kong umuwi kay Jessie!" singhal ni William.
Naibulalas na lang niya ang galit kay Lester kaya nainis ito.
"Sige, umuwi ka sa inyo!" sagot nitong galit at pasigaw.
Kaagad na tumawag si Lester sa kanyang cell phone at pagkatapos ay pinalabas si William sa kanyang silid. Pagbaba ni William ay naghihintay na ang mg tauhan ni Lester sa kanya. Isinakay siya sa sasakyan kasama ang kanyang motor.
Medyo matagal ang biyahe hanggang sa tumigil na sila at ibinaba na siya kasama ang kanyang motor. Pagtanggal niya sa piring sa kanyang mga mata ay nasa kanila na pala siya. Nakikita na niya ang bahay mula sa hindi kalayuan. Makulimlim ang langit, parang uulan. Kaya naman ay mabilis siyang nagmaneho at umuwi sa kanilang bahay.
Pero bago pa man siya makapasok sa loob ng bahay ay bigla na lang nag-ring ang kanyang cell phone. Pagbukas niya sa cell phone ay kaagad na bumungad sa kanyang ang sex video nila ni Lester.
Nakapiring pa siya sa video at tahimik na nakahiga sa kama. Habang humihiyaw naman si Lester na gumigiling sa kanyang ibabaw. Subalit hindi nakikita ang mukha niito dahil naka-blur. Natigilan siya.
May mensahe siyang natanggap at halos kilabutan siya sa nabasa sa sinabi ni Lester.
Check mo na lang ang cell phone ni Jessie ngayon. Sige ka, baka maunahan ka pa niya.
Patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay at tarantang-taranta. Wala ang asawa sa loob ng bahay kaya naman mabilis siyang nagtungo sa likod-bahay. Nakita niya itong abala sa pagtatali ng mga pisi sa kawayan sa kanilang hardin para may makapitan ang kanilang mga gulay. Nakapayong pa ito dahil umuulan.
Tinawag niya kaagad ito.
"Ga!"
"Pang! Ang aga mo yata ngayon? Half day ka lang sa work?"
"Ah... o-oo! G-ga? Pasok ka na sa loob. Malakas ang ulan. Atsaka, pahiram nga pala ng cell phone mo." taranta niyang sagot sa asawa at patakbong lumapit at sumilong sa payong.
"Nasa kwarto yata yun. Naiwan ko. Kunin mo na lang dun pang."
"Ganun ba? Sige." at humalik muna siya sa labi ng asawa at mabilis na bumalik sa loob ng bahay.
Nang makapasok siya sa loob ay nakita niya ang cell phone ni Jessie sa may lamesa. Pagbukas niya sa cell phone nito ay bumungad kaagad sa kanya ang video nila ni Lester. Kaya naman ay mabilis niya itong binura bago pa man makita ng kanyang misis. Pagkatapos ay itinapon niya ang cell phone sa sahig at sinadyang sinira.
Para hindi na muling makatanggap pa si Jessie ng kahit anu-ano mula kay Lester.
Napaupo siya sa kama at napahawak sa kanyang ulo. Nagkanda-letche na ang lahat. Kinalma na muna niya ang sarili para hindi siya mahalata ng asawa. Pinulot niya ang cell phone nito at inilagay sa bulsa ng kanyang pantalon bago lumabas sa kanilang silid.
Papasok ang asawa mula sa likod-bahay at mabilis niya itong nilapitan at niyakap. Hinila niya ito sa sofa at naupo silang dalawa para manood ng palabas.
Nakahiga si Jessie sa kanyang balikat at nakahawak naman siya sa tagiliran nito. Hindi siya mapalagay. Gusto na niyang sabihin ang lahat kay Jessie. Pero natatakot siya, baka bigla itong magalit at mag-away sila.
Ang kinakatakot niya ay baka mapansin ito ng mga nakamasid sa kanila ngayon mula sa malayo. May mga sniper na nagbabantay sa kanila. Sa isang mali lang ay baka barilin ng mga ito si Jessie. Yun ang kinakatakot ni William.
"Ga, may kasalanan ako sa'yo." biglang saad niya.
"Ano yun pang?" agad nitong sagot na hinarap siya.
Halatang napakalungkot ng mukha ni William at parang mabigat ang dinadala nito. Bakas ito sa kanyang mukha.
"Ano kasi... ano..." saad niyang nagdadalawang-isip.
"Ano pang?"
"Ano, nasira ko ang cell phone mo. Nasagi ko kasi kanina eh. Nabasag tuloy."
"Huh?! Asan na?"
"Nasa kwarto natin. Sa bulsa ng nakasabit kong pantalon itinago." pag-amin niya.
Mabilis na nagtungo si Jessie sa kanilang silid at kinapkap ang kanyang bulsa. Dito nito nakita ang kanyang cell phone na basag na basag na talaga. Sinubukan pa niya itong ayusin nang paulit-uli. Pero ayaw talaga nito. Sirang-sira na talaga.
Kaagad niyang bintibit ang cell phone at bumalik sa sala. Pinagalitan niiya si William dahil hindi ito nag-ingat.
"Ayan tuloy, hindi na gumagana. Hindi ka kasi nag-iingat pang eh." paninisi nito sa kanya.
"Sorry ga, Ang tanga-tanga ko kasi. Ang tanga ko at hindi ako nag-iingat." sagot niyang nakayuko at bagsak ang balikat na sobrang lungkot pa.
Iba ang ibig sabihin ni William. Ang gusto sana niyang sabihin ay napakatanga niya at nabuntis niya si Lara. Napakatanga niya dahil muli na namang nakapasok si Lester sa kanilang buhay at wala siyang magagawa para pigilan ito. Hawak siya sa leeg nito. Hindi siya makakapalag dahil buhay ni Jessie at ang sanggol niyang anak ang kapalit.
Natigilan si Jessie sa nakitang kalungkutan sa mukha ng mister. Sobrang bagsak ang balikat nito at parang may dinadalang problema.
"Pang, hindi naman sa ganun. Hindi naman ako galit eh."
Kaagad siyang kumandong sa kanya at itinaas ang kanyang baba paharap sa kanyang mukha para pagaanin ang loob nito.
"Sorry ga." napakalungkot na sagot ni William.
"Okay lang naman pang. Ito naman, cell phone lang yan. 'Wag ka ng malungkot. Okay?" at hinaplos-haplos ng kanyang asawa ang kanyang pisngi.
Napangiti siya.
Paulit-ulit na dinampian siya nito ng halik sa kanyang mga labi at ang kanyang noo. Hindi napigilan ni William na yumakap ng napakahigpit kay Jessie at isinubsob ang kanyang mukha sa kanyang balikat.
Sorry ga... sorry... nagtaksil ako sa'yo. Nagkamali ako. Ga, kung malalaman mo ang lahat sana ay 'wag mo akong kamuhian. Sana 'wag mo akong iwan. Sana mapatawad mo pa rin ako sa katangahan na nagawa ko. Please ga, 'wag na 'wag mo akong iiwan. Hindi ko kakayanin.
Halos maiiyak na niyang sabi sa kanyang isipan.
"'Wag ka ng malungkot. Hindi naman ako galit eh." tumango-tango lang siya sa asawa.
Niyakap siya ng mahigpit ng asawa. Walang kaalam-alam na pumatak na ang luha sa kanyang mga mata.
Tumila na ang ulan at medyo madilim na. Gumagabi na.
Sandaling umalis si Jessie sa kanyang kandungan para magluto na sana ng kanilang hapunan. Pero ubos na pala ang mga sangkap kaya naman pinakiusapan muna siya nito para bumili sa tindahan. Tumila na rin kasi ang ulan. Nagmotor siya dahil malayo sa kanila ang tindahan. Sa pagmamadali niya ay naiwan niya ang kanyang cell phone.
Ang hindi niya alam na sa pag-alis niya ay may tumawag sa kanyang cell phone na babae na hindi niya kilala. Ring nang ring ang kanyang cell phone kaya naman ay sinagot na ito ni Jessie. Pero hindi pa ito nakakapagsalita ay kaagad na nagsalita na ang babae sa kabilang linya.
"Hi babe! I missed you so much! Can we meet tonight? Miss na kita eh." malanding anas ng babae.
"Sino ka?!" sagot naman ni Jessie na halatang tumaas pa ang boses.
Bigla na lang niyang ibinaba ang tawag kaya naiwang natigilan si Jessie. Napagpasyahan niyang maligo muna para makalma ang kanyang sarili. Hindi niya napigilang lumuha habang sumasabay ang agos ng tubig sa kanyang mukha.
Pagbalik ni William ay wala na sa kusina ang asawa. Parang nasa banyo ito.
Kumatok siya sa pinto.
"Ga, naliligo ka?" tanong niya sa harap ng pintuan.
"Ay, oo pang. Patapos na rin ako."
"Ah, sige... dalian mo para hindi ka lamigin d'yan."
"Sige-sige pang."
Nag-ring ang kanyang cell phone. Pagtingin niya ay numero lang ito. Alam niyang ang tumatawag ay si Lester. Mabilis siyang nagtungo sa harap ng bahay para sagutin ito.
"Bakit ka tumatawag?" asik na sagot ni William na mahina lang.
"Ikaw naman daddy. Hindi ba pwedeng na miss lang kita?"
"Diretsahin mo nga ako. Ano bang kailangan mo ngayon?"
"Well, I need you to go to one of the hotels I recently purchased. Pumunta ka sa Delion Hotel right now."
"Hindi pwede, busy ako ngayon."
"Busy? One of my men told me na naglalambingan lang daw kayo ni Jessie sa sala. Anong busy dun? Gusto mong pabutasan ko yang bungo ni Jessie? Yun ba ang gusto mo?" seryosong sagot ni Lester.
Napapikit na lang si William at napakuyom ang isang kamao sa galit.
"Oo na. Pero 'wag ka ng mag-send ulit ng video kay Jessie. Atsaka, anong gagawin ko doon?"
"Okay, hindi na ako magsi-send. 'Wag ka na nga lang magtanong at sundin mo na lang ang gusto ko."
"Sige."
Nakalabas na pala ang kanyang asawa sa banyo at nagulat siya na nasa may pinto na ito.
"Pang, sino yang kausap mo?" usisa nito.
"Ay wala ga. Katrabaho ko. Tumawag kasi eh. Kailangan daw naming pumunta ng opisina ngayon at kakausapin kaming lahat ni boss." pagsisinungaling niya.
"Ah, ganun ba?"
"Oo eh."
"Oh sige pang. Uhm pang, gumagana pa ba yung lumang cell phone mo? Pwedeng pahiram na muna nun? Wala na kasi akong cell phone eh."
"Walang problema ga. Gumagana pa naman yun."
"Mabuti naman kung ganun."
"Bihis na muna ako ga."
"Sige."
Kaagad siyang pumasok sa silid nila. Subalit naiwan niya ang kanyang cell phone sa lamesa. Bigla itong tumunog dahil may nag-text. Kaya naman mabilis itong binasa ng asawang si Jessie.
Wag mong kakalimutan ang pangalan ng Hotel. Hotel Delion. Pumunta ka na ngayon. Room 67. The door is open.
Halos madurog si Jessie sa nabasa at sobrang nanghina. Hindi siya makapaniwala na nagtataksil ang pang niya. Pero pinilit pa rin niyang pinaniwala ang sarili na hindi ito nagloloko. Pinili niya pa ring kumbinsihin ang sarili na nagkakamali lang siya.
Paglabas ng kanyang mister sa silid ay nakapagbihis na ito. Nagmamadali itong sumakay ng kanyang motor. Pero bago ito umalis ay tinawag niya muna ang asawa para pabaunan pa siya ng halik sa labi.
"Mamayang gabi na ako uuwi. 'Wag mo na akong hintayin pa. Mauna ka ng kumain ga."
"Pang, dumaan ka muna sa tindahan at magpa-load ka muna. Gagamitin ko na yung lumang cell phone mo eh."
"Oh sige."
"Sige, pang... ingat ka. I love you." sagot ni Jessie.
"I love you too." at masuyo siyang muling humalik sa labi nito.
Pag-alis ni William ay hindi siya mapalagay. Nag-aalala siya kay Jessie. Pero hindi ito mapapano kung susundin niya ang utos ni Lester. Sandali siyang sumaglit sa isang tindahan at nagpa-load gaya ng utos ng asawa. Matapos nito ay nagtungo na siya sa lungsod para puntahan ang hotel na sinasabi ni Lester.
Mabilis lang siyang nakarating dahil mabilis ang pagpapatakbo niya sa motor at dire-diretso ang kanyang biyahe. Pagpasok pa lang niya sa lobby ay tumawag na naman si Lester.
"Magpakilala ka lang sa front desk. She will lead you."
Kaagad na lumapit naman si William.
"Uhm, miss William Mijares." sagot niyang nagdadalawang-isip.
"Welcome po sir. Welcome to Hotel Delion. Diretso lang po kayo sa room 67 nasa 5th floor po."
"Okay, salamat miss." ngumiti lang ito.
Kaagad na sumakay si William sa elevator at nagtungo sa sinabi sa kanya ng babae. Nang makarating na siya sa room 67 ay kaagad niyang binuksan ang pinto. Dito bumungad sa kanya si Lester na nakaupo sa kama, kandong pa ang sanggol niya.
"Ayan na si Daddy William baby Blue!" masiglang anas ni Lester.
Ngumiti naman ang sanggol ng magiliw.
Lumapit si William at lumuhod sa harap ng bata at napangiti. Hinawakan niya ang maliliit na kamay nito.
Sana ay hindi ka na muna isinilang anak. Sana isinilang ka sa tamang panahon para hindi ka naging biktima ng kasakiman ni Lester. Patawarin mo si Papa anak at naisip ko na isakripisyo ka para sa sarili kong kaligayahan. Masyado ko kasing mahal si Jessie. Mahal na mahal ko kasi siya. Mahal na mahal na higit pa sa sarili kong buhay. Patawarin mo sana si Papa. Patawarin mo sana ako.
Sa isip-isip ni William ay humihingi siya ng tawad sa anak. Umabot siya sa punto na handa niya itong ipagkanulo para sa sarili niyang kaligayahan. Para kay Jessie. Pero naisip niyang sa oras na tumakas siya kasama si Jessie ay mamamatay ang sanggol na walang muang. Walang muang at sarili pa niyang anak.
Sumenyas si Lester sa kanya. Nakuha naman niya ang gusto nito at humalik siya sa labi nito.
Nang maglayo sila ay sobrang saya ni Lester. Nag-iilusyon ito na nahuhulog na ang loob ni William sa kanya. Na hinding-hindi naman mangyayari. Muling lumuhod si William sa harap ng anak at kinausap ito.
"Hello baby Blue. Nandito na ulit si Papa." ngumiti naman ang bata at bumuka ang bibig na bumubula.
Hinalikan na lang niya ito sa noo.
"May iuutos ako ngayon sa'yo. Lahat ng sasabihin ko ay susundin mo." anas ni Lester.
Nakinig lang si William.
"Mamaya may darating na babae dito. I want you to have sex with her. Very simple." sagot nitong parang wala lang.
Nagulat si William sa narinig. Nalilito man ay hindi na siya pumalag dahil wala naman siyang kakayahan pa.
"Pagkatapos... ano na?" tanong niya.
"Wala lang, sundin mo lang lahat ng iuutos ko at walang magiging problema." napatango na lang siya.
"Pero dapat suotin mo 'tong AirPods at all times. Lahat ng sulok ng room na ito ay may camera. Nakikita at naririnig ko ang lahat. Kaya ilagay mo lang yang AirPods sa tenga mo para marinig mo ang utos ko."
"Sige-sige." at inilagay niya ito sa kanyang mga tenga.
Nilaro muna ni William ang sanggol at hindi pinansin si Lester. Nakangiti naman ang bata na kasama siya. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay bigla na lang bumukas ang pintuan at dumating na ang babaeng kanyang sinasabi.
"Hi Boss, at your service."
"Well, well Dixie nandito ka na pala."
"Of course. I was never late." nakangiti nitong sagot.
"Okay, lalabas na muna kami ni baby Blue. Yung mga utos ko Dixie, you better do your job." seryosong sagot ni Lester.
"You don't have to remind me boss. I know what I'm supposed to do."
"Good. Okay, I'ma head out."
Kinuha ni Lester ang sanggol at lumabas na sila.
Natahimik lang si William. Parang may mali. Alam niyang seloso si Lester at gusto nitong masolo siya. Pero ngayon napapatanong siya kung bakit gusto nitong makipag-sex siya sa babae.
Gusto na niyang matapos na ang kahibangan na ito. Kaya nagsalita na siya agad dahil gusto na niyang umuwi sa asawa.
"Gawin na natin para matapos na."
"Okay, let's go to the bathroom." sagot ng babae.
Kaagad silang pumasok sa banyo at mabilis na naghubad ang babae ng mga suot. Itinira lang nito ang suot nitong bra at panty. Naghubad na rin si William at itinira lang ang brief niya.
Nanlaki ang mga mata ng babae sa nakita.
"What the... ang laki." sagot nitong gulat na gulat.
"Magsisimula na ba tayo?" sagot ni William.
"What do you mean?" naguguluhang tanong ng babae.
"Sabi ni Lester na magsi-sex daw tayo. Gusto ko ng matapos 'to para makauwi na ako sa asawa ko."
"Wait... what are you talking about? Ang sabi ni boss sa akin na I'm not even allowed to touch you."
Na-blangko si William.
"Pero ang sabi niya—" natigilan si William.
Parang may mali... ano na naman ba 'tong pinaplano mo Lester?
"So anong gagawin natin?" tanong niya sabay takip sa kanyang malaking harapan at naupo sa may jacuzzi.
"Maghihintay sa iuutos ni boss, yun lang. Ang sabi niya ay samahan daw kita pumasok sa banyo and wait for orders kung kailan tayo magsisimulang maligo. Yun lang ang sinabi niya sa akin."
Napatango-tango si William.
Biglang nag-ring ang cell phone ng babae. Dahil naka-loudspeaker ito ay narinig nila ang utos ni Lester.
"Daddy tanggalin mo muna ang AirPods mo at maligo kayong dalawa ni Dixie."
Sumunod naman silang dalawa.
"Dixie, remember the things you must say."
"Yeah yeah boss. I get it."
Magkatalikod silang dalawang naligo at hindi nagpansinan.
"Walang lalabas ng banyo kung wala akong sinasabi."
Tumango lang silang dalawa.
Sa kabilang banda ay nakarating na si Jessie sa hotel. Kaagad na napangisi si Lester ng makita ito. Habang nakatingin sa mga camera ng hotel.
"Magandang araw po sa inyo ma'am. Magtatanong lang po sana ako. Saan po ba ang room 67 dito?" magalang na tanong ni Jessie sa babaeng nasa front desk.
Sasagot na sana ito ng biglang may tumawag sa telepono.
"Sandali lang po sir huh? Sasagutin ko lang po itong tawag."
Tinawagan ni Lester ang babaeng naka-assign sa front desk. Dahil siya ang boss ay siya ang masusunod sa lahat.
"Papuntahin mo na lang siya diretso sa room na hinahanap niya."
"Okay po sir." sagot naman ng babae sa kanya.
"Sir, nasa 5th floor po. Punta lang po kayo dun."
"Ah ganun po ba? Salamat po."
Kaagad na sumakay si Jessie ng elevator at ng bumukas na ang pinto ay agad niyang hinanap ang room na nabasa niya sa text message sa cell phone ni William.
Nakangiti si Lester, lahat ay umaayon sa kanyang plano para maialis si Jessie sa ekwasyon. Ang pagkabasa at pagkarinig ni Jessie sa text at tawag ay nakaplano na. Alam niya ang nangyayari sa loob ng bahay dahil na rin nakikita ito ng kanyang mga sniper na tauhan.
Isa pa, alam niya rin ang bawat text at call ni William mula sa cell phone nito dahil namaniobra na ito ng kanyang mga tauhan sa unang dampot pa lang nila dito. Lahat ay naka-record na, ang text at call ay nababasa at naririnig niya. Kahit ang lokasyon ni William ay may tracker kaya alam niya kung nasaan ito.
May nakakabit din sa cell phone ni William na maliit na device at naririnig ang mga iilang nangyayari sa loob ng bahay nila Jessie. Talagang nakaispiya siya sa galaw ni William.
Ang pagtawag ni Dixie ay sinasadya na si Jessie ang makasagot. Pati na rin ang text. Atat na atat siyang mag-away at kamuhian na ni Jessie si William. Nalaman na kasi niyang may relasyon ang dalawa na higit pa sa mag-ama. Para na silang mag-asawa.
Kaya maigi niyang pinagplanuhan kung paano kamumuhian ni Jessie si William. Sadyang pinaikot niya si William sa kanyang mga kamay at hindi niya hinayaang malaman ni Jessie ang lahat. May alas siya gamit ang sanggol kaya napapasunod niya si William.
Naging maingat siya sa lahat, lalong-lalo na kay Jessie. Ito ang nagpabagsak sa kanya at naglugmok sa kanya sa putik. Tuso siya pero mas tuso ito sa kanya kaya hindi niya hahayaang magkamali na naman.
Ngayon si Jessie naman ang pababagsakin niya at mapapasakamay na niya ang inaasam-asam na si William nang buong-buo. Kailangan niyang tanggalin sa buhay nito si Jessie. Kapag nakalayo na ito kay William ay saka niya ito papatayin.
Nang makaabot na si Jessie sa palapag na patutunguhan ay hinanap kaagad niya ang room na sinabi sa kanya ng babae sa front desk. Nang makita niya na ito ay halos hindi siya makahinga ng makatayo na sa mismong harap ng pinto.
Naglakas-loob siyang buksan ang pinto.
Laking gulat niya ng hindi ito naka-lock. Nanginginig ang mga paang naglakad siya papasok sa loob ng silid. Maingat niyang isinara itong muli.
Walang kaalam-alam si William na nasa loob na pala ng silid ang asawa. Kanina pa sila naghihintay ng utos mula kay Lester. Pero tahimik lang ito sa kabilang linya. Nakasuot na siya ng roba at hindi man lang sila nag-usap ng babae.
"Suotin mo na ang AirPods daddy." utos ni Lester mula sa naka-loudspeaker na cell phone ni Dixie.
Sumunod naman si William sa utos nito at inilagay ang mga AirPods sa kanyang tenga.
"Ilagay mo ang tuwalya sa ulo mo ng maayos at siguraduhin mong matatakpan ang AirPods." sabi nito sa suot na AirPods ni William.
Kahit na litong-lito si William ay sinunod na lang niya ang utos ni Lester, lalo pa at naririnig niya ang boses sa kabilang linya. Ang sanggol niyang anak.
"Dixie, patayin mo na ang shower."
"Whatever you say boss." sagot naman nito.
Kanina pa sila tapos maligo at naiinip na sila sa kakahintay kung anong gagawin. Nakaupo lang silang dalawa ni William sa may gilid. Sa wakas at sa katagalan ay nag-utos na si Lester. Ang patayin na ang shower na kanina pa lumalagaslas.
"Sige Dad, lumabas ka na at 'wag mong hahayaan makita ang AirPods mo." utos ni Lester kay William na narinig niya sa mga suot na maliliit na AirPods sa kanyang tenga.
Lumabas na ng banyo si William at nagpatuyo sa kanyang buhok gamit ang tuwalyang nasa ulo niya. Naglakad siya patungo sa kama ng biglang...
"Pang..." tawag sa kanya ng mahina at nanginginig pa ang boses.
Natigilan siya.
Paglingon niya ay nakita na niya si Jessie na lumuluhang nakatingin sa kanya.
"G-ga!?" bulalas niyang gulat na gulat.
Nang biglang may lumabas na babae mula sa banyo at naka-towel lang ito na panakip sa kanyang katawan.
"Huh?! Sino siya?" ang nasabi na lang nito na gulat na gulat ng makita si Jessie.
Magsasalita pa sana ang babae dahil may mga linya siyang dapat sabihin na kanyang minemorya gaya ng utos ni Lester. Pinaalam kasi sa kanya ni Lester na dapat siyang maghanda sa komprontasyon na magaganap.
Pero sa isang iglap ay mabilis na siyang sinugod ni Jessie at sinampal ng napakalas. Dumapo na ang napakalakas na sampal sa kanyang mukha. Sa sobrang lakas nito ay natumba kaagad siya at nawalan ng malay. Nasayang lang ang pagmi-memorize niya. Hindi rin pala niya magagamit.
Sa sobrang galit ni Jessie ay sinampal niya ng napakalakas si William. Sinuntok-suntok pa nito ang kanyang tiyan ng walang tigil habang umiiyak at nagwawala sa sobrang galit.
"Hayop ka pang! Hayop ka! Ang sama mo pang... ang sama-sama mo! Hindi ka pa rin nagbabago! Ang sama mo!!!"
Ang mga suntok niya unti-unting naging hampas. Hanggang sa naging pahina nang pahina. Napaluhod si Jessie na humahagulgol sa sahig at napaupo. Tuluyan siyang nanghina.
Dahan-dahang napaluhod na rin si William sa tapat nito at lumuluha na rin. Naiintindihan niya si Jessie. Naiintindihan niya ang sakit na dinaranas nito. Magpapaliwanag na sana siya subalit narinig niya ang iyak ng anak sa kanyang tenga.
Suot-suot niya ang AirPods at siya lang ang nakakarinig sa mga naririnig niya. Naririnig niyang umiiyak ang sanggol.
"Ang anak mo daddy. Subukan mong sabihin kay Jessie... subukan mo." pagbabanta ni Lester sa kanya.
Nanikip na lang ang kanyang dibdib, wala na siyang magagawa. Ngayon ay napag-alaman niyang nakaplano ang lahat ng mangyayari. Subalit hindi niya mapigilan ang sarili kaya magpapaliwanag siya.
"Ga, hindi mo naiintindihan! Magpapaliwanag ako. Nagkakamali ka ga... gi—"
"Sige! Papatayin ko ang bata!" sigaw ni Lester.
Naririnig ni William ang mas paglakas na pag-iyak ng anak. Natigilan na lang siya.
Naghihintay ng sagot si Jessie mula sa kanya pero hindi na siya nakapagsalita. Natali na ang kanyang dila. Kaya tuluyang nagwala na si Jessie sa galit.
"Anong hindi ko naiintindihan? Sabihin mooo!!! Sabihin mo! Ipaliwanag mo! Sabihin mo at makikinig ako! Pinilit ka ba niya? Ano? Magsalita ka pang... pinagbantaan ka ba ng babaeng yan? Sabihin mo pang! Sabihin mo na pinilit ka lang... sabihin mo sa akin na hindi mo ako niloloko. Pang... magsalita ka... magsalita ka... sumagot ka!" nanginginig nitong sagot.
"Ga, mahal na mahal kitaaa... mahal na mahal... hindi mo kasi—" natigilan siya.
Nagbantang muli si Lester.
"Hindi ako nagbibiro. Sige, explain it to him!" mas lumakas pa ang iyak ng sanggol at pumapalahaw na ito. Naluha na lang si William at hirap na hirap sa sitwasyon niya ngayon.
"Anong hindi? Ipaliwanag mo pang!!! Sabihin mo pang... sabihin mooo..." hagulgol ni Jessie.
Napahawak na lang si William sa kanyang noo at napailing-iling na lumuluha. Yayakapin na sana niya si Jessie ng mabilis nitong iwinaksi ang kanyang mga kamay.
"Sana sinabi mo na hindi ka na pala masaya pang. Parang naglalaro lang tayo ng bahay-bahayan. Sana sinabi mo na lang sa akin kahit na masakit. Ang sama mo pang. Napakasama mo..." hirap na hirap nitong sambit.
"Mahal kita ga. Mahal na mahal kita! Ga, tingnan mo ako sa mga mata... tingnan mo ako sa mga mata. Basahin mo ang isip ko. Mahal kita... mahal na mahal kita..." pagsusumamo niya.
Ga! Napipilitan lang ako! Ga, tulungan mo 'ko... para mo ng awa. Mahal na mahal kita. Alam mo yan... gusto kong magpaliwanag pero natatakot ako sa pwedeng gawin ni Lester sa anak ko. Sa pwedeng gawin niya sa'yo... ga! Please... please...
Pagmamakaawa ni William sa kanyang isipan.
"Tama na pang... paulit-ulit mo na lang akong sinasaktan. Tama na 'to pang. Ang sakit-sakit na kasi. Ayaw ko na... tama na talaga."
Humahangos at hirap na hirap na anas ni Jessie.
Tumayo ito at mabilis siyang tinalikuran. Bagsak ang balikat na naglakad ito paalis at lutang ang kaisipan.
Patakbong sumunod si William sa kanya at yumakap sa kanyang likod at humahagulgol ng iyak.
"Ga, please... alam mo kung gaano kita kamahal. Alam mong may mali. Ga, may—"
Narinig ni William ang mahinang putok ng baril. Parang naka-silncer ito dahil hindi nakagawa ng malakas na ingay. Hindi siya nakapagsalita at humagulgol na lang na para bang nasa sobrang frustration siya. Naririnig pa niya ang iyak ng sanggol.
Pinagbantaan lang siya ni Leser. Pero sa susunod ay baka malamang ay totohanin na niya ang kanyang pagbabanta. Mahigpit na lang siyang napayakap kay Jessie at lumuluha.
Ga, huwag mo akong iwan... ga please maawa ka naman sa akin. Ga, para mo ng awa. Pagsusumamo niya sa kanyang isipan.
Tinanggal ni Jessie ang kanyang mga kamay at mabilis siyang hinarap. Sa isang iglap ay sinuntok siya nito sa kanyang mukha ng napakalakas.
Natumba si William sa sobrang lakas ng suntok nito.
"Huli na 'to pang. Huli na 'to na makikita mo pa ako. Kapag sinubukan mo pa akong sundan o pigilan. Bangkay ko na lang ang makikita mo. Gusto kong mamuhay ako ng masaya. Bitawan mo na ako. Maghiwalay na tayo... ayoko na." sagot nitong diretsahan sa kanya at hindi man lang kumisap-mata.
Tumalikod ito sa kanya at lalabas na sana.
Pagkabukas pa lang nito ng pinto ay humarang na agad si William at lumuhod sa kanyang harapan at nagmakaawa. Nagpapakababa at kinalimutan ang kanyang pride.
"Bumenta na sa akin yan dati pa. Hindi na yan uubra. Umalis ka sa harapan kong hayop ka! Alis!"
Hindi niya inaasahan na sisipain siya nito sa dibdib. Pahampas siyang nahigang patihaya sa sahig. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib sa sobrang lakas ng pagsipa ni Jessie sa kanya.
Mabilis na tumakbo ang kanyang asawa at iiwan na siya nito. Hahabulin pa sana siya ni William subalit muling nagbanta si Lester.
"Last na 'to. Subukan mong sumunod. Hindi na ang sanggol ang papatayin ko kundi si Jessie na! Nauubos na ang pasensya ko sa'yong lalaki ka!"
Umiyak na lang si William at napasuntok na lang sa dingding sa sobrang galit. Galit na galit siya sarili niya at nasaktan na naman niya si Jessie. Galit na galit din siya sa dahilan ng lahat ng nangyayari.
Inutusan siya ni Lester na bumalik sa loob ng silid. Wala siyang magagawa kaya naman lumuluha siyang pumasok sa loob at naupo sa kama. Kahit ang babaeng nakahiga sa sahig ay hindi man lang niya napansin.
Ilang sandali pa ay pumasok na si Lester kasama ang limang tauhan sa silid. Buhat-buhat pa nito ang kanyang anak na umiiyak.
"Patahanin mo ang bata." utos nito sa babaeng maid.
Sa sobrang galit ay susugurin na sana ni William si Lester. Susuntukin na sana niya ito ng marinig niya ang mas malakas na pag-iyak ng bata. Natigilan siya.
Ngumiti lang si Lester at hinawakan ang kanyang kamao at ibinaba ito.
"Baka nakakalimutan mo. Hawak kita sa leeg."
Sa sobrang pagpupuyos sa galit ni William ay ibinaling na lang niya ang galit sa pagsuntok sa dingding. Hanggang sa naupo siyang lumuluha sa sahig.
"Boys, pakidala si Dixie sa ibang room. Kawawang Dixie, nag-rehearse pa naman yan kanina. Hindi man lang niya nasabi ang mga lines niya."
Natawa ang kanyang mga tauhan.
"Boss, hindi pa nagigising. Pwede bang... alam mo na." sagot ng isa sa kanya.
"Hay, hintayin niyo na lang magising. Kung pumayag yan sa inyo. Then go. Pero kung ayaw niya. Huwag niyong pilitin."
"Okay boss!" nakangising sagot ng kanyang tauhan at binuhat na nila ang walang malay na babae.
Naiwan sila Lester at William sa kwarto.
"Tumayo ka." utos ni Lester sa kanya.
"Mamatay ka na Lester! Mamatay ka na!" sigaw nito.
Ngumiti lang ito sa kanya.
"Baka mas mauna pa si Jessie sa akin." sagot nito at tumawag sa kanyang cell phone.
"Hello, saan na ngayon si Jessie?" tanong niya sa kausap.
Nang matapos sumagot ang kausap ay harap-harapan niyang ipinarinig kay William ang kanyang utos sa tauhan.
"Ah, naglalakad at nagpapaulan. Okay, lapitan mo sa likod at barilin mo ng malapitan."
"Huwag! Huwag!" mabilis na tumakbo si William sa kanyang humahagulgol at lumuhod kaagad sa kanyang tapat. "Tama na Lester, tama na! Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Huwag mo lang saktan si Jessie."
"Wait!" si Lester.
"Stop, don't kill him." pagpapatuloy nito.
"Hayaan mo na siya... 'wag mo na siyang pasundan pa. Tama na Lester... pabayaan mo na si Jessie." pakiusap ni William.
"Okay, hayaan at pabayaan mo na yan. 'Wag mo ng sundan." sagot nito sa kausap at ibinaba nito ang cell phone.
"Umayos ka sa harapan ko. Subukan mo pa akong angilan at sigaw-sigawan at hindi ako magdadalawang-isip na patayin si Jessie."
"Oo, susunod na ako." umiiyak na pakiusap ni William.
"Tayo." utos nito.
Parang asong bahag ang buntot na sumunod naman sa utos si William.
"Remove that." sabay turo nito sa kanyang robang suot.
Hinubad naman ito ni William.
Napangiti si Lester ng makita ang buong katawan ng kanyang kinahuhumalingan.
Naglakad siya at naupo sa kama. Sumenyas siya gamit ang daliri para palapitin si William at lumapit naman ito sa kanya.
"Closer."
Lumapit pa si William.
"More, closer..." sunud-sunuran naman si William.
Napangisi si Lester at nasa harap niya lamang ang pinakamasarap na kanyang natikman. Kalebel pa ng kanyang mukha ang mismong harapan ni William.
Ilang lalaki ang dumaan sa kanya sa presinto. Kinantot siya, may nagpakantot sa kanya. Pero tanging si William lang talaga ang hinahanap-hanap niya.
Ito lang at wala ng iba.
Mabilis niyang isinubsob ang kanyang mukha sa kinababaliwang umbok ng lalaking kinababaliwan rin niya.
"Shit! Ang bango talaga!" nakangisi niyang sambit.
"Play with me daddy!"
KINABUKASAN ay nakauwi na si William sa kanilang tahanan. Hindi kasi siya pinayagang umalis ni Lester kagabi. Buong gabi silang nagtalik na dalawa at sa buong gabi na yun ang isa sa pinakamasakit sa nangyari kay William.
Para siyang robot sa magdamag at tulalang kinasta si Lester. Habang sinasakyan naman siya nito ay tulala lang siya habang lumuluha. Kahit may katalik siya ay lumilipad ang isip niya sa malayo.
Nang makapasok siya sa bahay ay mabilis na nagtungo siya sa kanilang silid. Pagbukas niya sa kabinet ay wala na ang mga damit ni Jessie. Mabilis na namuo ang luha sa kanyang mga mata.
Nagbakasakali pa rin siya at hinanap ito sa loob at labas. Subalit wala siyang nakitang anino nito. Hinang-hina siyang bumalik sa kanilang silid at pinagsakluban na siya ng lupa at kalangitan.
Napansin niya na may natira pa itong t-shirt sa basket ng kanilang maruruming damit. Kaagad niyang kinuha at niyakap ang damit ng asawa habang lumuluha. Inamoy pa niya ito ay nasasamyo pa niya ang mabango nitong amoy na hinahanap-hanap niya. Mas lalo siyang humagulgol.
"Ga, asan ka na ba... hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko ngayon. Ga, umuwi ka na."
Buong araw siyang nagmukmok at hindi umalis sa kama. Humiga lang siya rito habang yakap-yakap ang natitirang damit ni Jessie. Hindi na siya nag-agahan at nagtanghalian. Hindi na siya nakaramdam ng gutom.
Tinawagan na rin niya si Nathan at tinanong kung may alam ito. Pero kahit ito ay walang kaalam-alam kung nasaan si Jessie. Hindi na niya sinabi na nag-away sila ng asawa. Ang tangi lang niyang sinabi ay hindi niya makontak ang asawa sa bahay na siya namang pinaniwalaan ni Nathan.
Nang biglang may kumatok sa harap ng bahay.
"Pre? Tao po?"
Walang sumasagot kaya tumuloy na lang si Solomon dahil bukas naman ang pintuan. Hinanap niya ang mga tao sa loob hanggang sa makita niya ang kaibigan na nakahiga lang sa kama at parang tulala.
"Pre! Pre! Anong nangyayari sa'yo?" yugyog niya rito
Dito lang nagising ang kamalayan ni William. Humagulgol siya sa harap ng kaibigan. Gulat na gulat si Solomon dahil kahit kailan ay hindi pa niya nakikitang umiiyak ito.
"Pre, ano bang nangyayari sa'yo?"
"Si Jessie pre... iniwan na niya ako. Iniwan na niya ako."
Natigilan si Solomon.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit ka niya iniwan? Eh di sundan mo, may motor ka naman eh. Lumabas ba yun?"
"Gago! Ang ibig kung sabihin ay iniwan na niya akong mag-isa! Nilayasan na niya ako pre!"
"HUH?! Iniwan ka ni mare?!" hindi makapaniwalang sagot ni Solomon.
Hindi na nagsalita si William at naupo na lang ito sa gilid ng kama at napahawak sa kanyang ulo. Hanggang sa magsalita ito.
"Pre, pahiram ako sa baril mo." saad nito na lutang.
"Anong gagawin mo dun?"
"Magpapakamatay ako. Pagod na ako... pagod na pagod na ako pre."
"Gago! Anong pinagsasabi mo?! Maghunos-dili ka nga. Tang ina ka, babalik din yun. Kami nga ni misis. Nilayasan ako nun dati kasama ang mga bata. Pero nung sinundan ko... ayun. Pinatawad din naman. Kaya ayun, nasundan na naman yung pangatlo ko." pagbibiro nito.
Parang bingi si William at wala itong narinig.
"Pre, kung gusto mong bumalik yung asawa mo sa'yo tutulungan kita. Sabihin mo kasi ang dahilan."
"Pre, ayokong madamay pa kayo. Ayokong madamay ka sa gulong ito." anas niyang lumuluha.
"Pre, kaibigan mo ako. Kilala mo ako, alam ko kung paano lumabas sa isang gulo. Sabihin mo pre."
Hindi pa rin nagsasalita si William. Pero hindi sumuko si Solomon.
Biglang nag-ring ang cell phone ni William. Alam niyang si Lester ang tumatawag. Sinagot niya ito.
"Sino yung dumating sa bahay mo?"
"Kaibigan ko, nagyayayang uminom. Ayaw umalis kong hindi ko pagbibigyan." sagot ni William na walang emosyon at nagsinungaling.
"'Wag kang lalabas ng bahay. Kung iinom ka sila ang papuntahin mo d'yan."
"Hindi kita asawa! Kaya 'wag kang umasta na asawa kitang hayop ka!" singhal ni William sa cell phone na ikinagulat ng kanyang kaibigan.
"Sinisigawan mo 'ko? Baka gusto mong may mangyaring masama sa bata."
"Alam mo Lester, pagod na pagod na ako! Mas mabuting magpakamatay na lang ako. Ayoko na, wala na akong pakialam sa buhay ko. Pagod na pagod na ako sa mga gusto mo! Bawat galaw ko sinusundan mo! Wala na si Jessie sa bahay at alam kong alam mo yun! Pero hindi mo pa rin ako binibigyan ng privacy. Hindi mo na ako makikita pa. Magpapakamatay na ako mamaya!" singhal ni William.
"Daddy I'm sorry. O-okay... paaalisin ko na ang mga tauhan ko d'yan. Daddy don't do this. Hindi ka ba naaawa kay Blue? Gusto mo bang maulila siya?"
"Anak ko si Blue at alam ko na kakayanin niyang mabuhay kahit na wala ako. Lumaki akong ulila at nakayanan kong mabuhay. Kinaya ko, kaya kakayanin din ni Blue. Ayoko na Lester, tama na. Mas mabuting mawala na lang ako.
"No! You can't! No, Daddy no! Okay, gusto mo ng privacy? May privacy ka na. Pinaalis ko na sila. Wala na sila daddy... wala na!"
Hindi na nagsalita si William.
"Daddy 'wag kang magpadalus-dalos. I know—"
"Tang ina ka! Bigyan mo nga ako ng panahon para sa sarili ko! Pagod na pagod na ako sa lahat ng gusto mo! Pagod na pagod na! Puta kang hayop ka!" sigaw niya.
"O-okay, I get it. You need space? I'll give you space. I will give you three days to relax. If you want, pupunta na lang ako d'yan sa'yo. Ipagluluto kita—"
"Gago ka! Subukan mong pumunta rito at magpapakamatay akong hayop ka!"
"O-okay, hindi na. Daddy please... don't do this. Okay I'll give you time. Miss ka na ni Blue. Hinahanap ka na niya. Sandali lang. I'll video call you."
Ilang sandali ay nakita na ni William ang anak na naglalaway pa. Nang makita siya nito ay napangiti ang bata at natuwa. Parang dinurog ang puso ni William habang nakikita ang anak.
"Say hello to daddy baby Blue. Hello Daddy." saad ni Lester na nilalaro pa ang bata.
"Dada... dada..." sagot naman ng sanggol.
Napabuntong-hininga si William.
"Hello baby Blue. Miss ka na ni Daddy." sagot ni William na nanginginig ang boses.
"Daddy, nami-miss ka na ni Blue. I'll give you time to unwind. I'll give you three days. Tapos ipapakuha na kita sa mga tauhan ko para makasama si Blue." nakangiting saad ni Lester.
Wala sa isip-isip na tumango si William.
"I love you... I love you so much Daddy and I miss you." sagot ni Lester.
"Okay baby Blue, Daddy needs to rest now. Say bye to Daddy. Ba-bye Daddy!" at ikinaway-kaway pa ni Lester ang kamay nito.
Kumaway naman si William sa anak at naluluhang napangiti.
Naputol ang video-call at maluha-luhang nagpahid si William sa kanyang mga mata.
"Pre, may kabit ka? Tapos lalaki pa?" si Solomon.
Sa inis ni William ay ibinato niya ang cell phone sa silya.
"Hindi ko siya kabit! Siya ang dahilan kaya iniwan ako ni Jessie pre. Anong gagawin ko ngayon pre? Hindi ako mabubuhay kapag wala si Jessie pre."
"Gago ka!" at inupakan siya ng kaibigan sa ulo.
"Sabihin mo nga sa akin kung ano nangyari para matulungan kita!"
Sandaling napaisip si William bago nagsalita at ipinaliwanag ang lahat sa kaibigan.
Nang matapos sabihin ang lahat ay gulat na gulat si Solomon. Hindi ito makapaniwala sa nangyari. Nagsalita rin ito na inihatid pa niya si Jessie sa terminal kaya napagkonekta nila ang lahat na planado talaga ni Lester ang lahat na saktan si Jessie para lumayo ito ng tuluyan.
"Pre, may pinsan akong pulis. Hindi lang basta-bastang pulis. Magaling at hindi pa pumapalya kahit kailan. Hihingi tayo ng tulong sa kanya." si Solomon.
"Pero pre, natatakot ako para sa anak ko. Baka may gawin siya sa sanggol. Tatanggapin ko na lang pre na layuan ako ni Jessie basta magiging ligtas siya."
"Walang mangyayari sa'yo kung puro ka takot! Tang ina ka! Niloko mo si mare, eh ang bait-bait nun! Ikaw kasi tanga ka! Wala kang kinatatakutan dati pero ngayon dahil sa takot mo na yan kaya nagtagumpay yung Lester. Kung sa simula at sapul. Kung hindi ka natakot at humingi ka kaagad ng tulong sa akin. Sana nagawan natin ng paraan. Ikaw kasi, sinarili mo ang problema" pangmamata ng kanyang kaibigan.
"Kung sinabi mo sana kay mareng Jessie ang lahat. Sana hindi pa kayo umabot sa ganito. Pre, mahal na mahal ka nun at alam ko na maiintindihan ka nun kung pinaliwanag mo ng maaga sa kanya. Siya nga ang dahilan kaya napakulong niyo yung Lester dati 'di ba? Sana nagtiwala ka sa asawa mo pre. Kaya ngayon para matapos na itong problema mo. Magtiwala ka. Kailangan mo ng tulong at maghahanap tayo ng tulong. Para matapos na 'to."
"Pero pre binabantayan ang galaw ko."
"Tanga! Kakasabi mo lang sa akin kanina na binigyan ka ng tatlong araw nung bakla. Sabi mo pa nga kanina na na-pull out niya na yung mga ispiya niya! Tawagan mo ulit at siguraduhin mong wala na nga yung mga sniper para wala tayong magiging problema. Tang ina ka kasi eh. Biniyayaan ka ng malaking ari pero ang liit ng utak mong gago ka! Tuloy, baliw na baliw yung baklang yun sa'yo."
Napakamot na lang si William sa ulo.
"Tawagan mo na! Tang ina naman." singhal ng kanyang kaibigan.
"Oo na, oo na."
Kaagad na tinawagan ni William si Lester. Sinagot naman siya nito at talagang pinaalis na nito ang mga sniper nito. Umamin din si Lester na may device na nakakabit sa phone ni William na naririnig ang mga tunog sa malapit nito. Buti na lang at itinapon ni William ang kanyang phone sa silya kaya hindi narinig ni Lester ang usapan nila ni Solomon.
Nang binuksan ni William ang likod ng kanyang phone ay may nakita siyang maliit na itim ang kulay na bilog pa. Agad niya itong sinira at itinapon sa labas ng bahay.
Matapos makumpirma ni William ang lahat ay kaagad na tinawagan ni Solomon ang pinsan.
Halos kalahating oras lang ay dumating na ito at ipinaliwanag nila rito ang problema.
Nagpakilala muna ito.
"Garin pre." sabay lahad nito ng kamay.
"William pre."
Nang masabi na ni William ang lahat ng impormasyon ay mabilis agad itong nakagawa ng plano. Talagang magaling na pulis si Garin dahil isa itong imbestigador.
"Pre, pahiram muna ng cell phone mo. Tingnan ko lang muna ang loob."
Ibinigay ni William ang cell phone niya. Nang mabutingting na ni Garin ang cell phone ay napag-alaman nito na may tracker din pala ang cell phone ni William. Nagulat si Wiliam sa nalaman.
"Tingin ko pre hindi lang tracker ang meron sa cell phone mo. Baka calls at text mo ay monitored din."
"Umamin sa akin si Lester kanina, at naitapon ko na yung device na nakatago."
"Mabuti kung ganun, makakagalaw tayo nito ng maayos."
"Anong gagawin natin insan?" si Solomon.
"'Wag kayong mag-alala. Bubuo na ako ng team bukas na bukas. Binigyan ka niya ng tatlong araw 'di ba? Mas maigi para mapagplanuhan ng maayos. Matagal na naming hinahanap yang factory na yan. Basi na rin sa aming mga intel. Pero talagang mahirap silang mahanap. Sumama ka bukas sa amin pre. May malaki kang gagawin para malaman natin ang lokasyon nila."
"Siguraduhin niyo lang na walang mangyayari sa anak ko."
"Sisiguraduhin ko pre."
Nag-usap muna silang tatlo. Pagkatapos ay may biglang sumagi sa isip ni Garin.
"Sandali lang... may hinala ako. Malaki ang posibilidad na baka pati yang sanggol na sinasabi mo ay hindi mo yan anak."
"Huh?!" bulalas ni William.
"Anong ibig mong sabihin insan?"
"Ganito kasi. Noong dinampot ka ng mga tauhan ni Lester. Noong araw na yun ay baka nilagyan na ang cell phone mo ng tracker. Kaya may posibilidad noong pumunta ka ng ospital ay nasundan ka na at may binayaran siya sa loob ng ospital para baguhin ang resulta."
Hindi nakagalaw si William at Solomon.
"Tang ina! Ang talino mo insan! Pre, malaki nga ang posibilidad na baka hindi mo anak yung bata!" baling ni Solomon kay William.
Litong-lito si William sa naisip.
"Pre, video call natin si Henry. Para makahingi tayo ng tulong." si Solomon.
"Mas mabuti pa nga."
Kaagad na tumawag sila kay Henry gamit ang cell phone ni Solomon at pinaliwanag ang lahat. Kapansin-pansin na nagulat si Henry sa mga rebelasyong narinig. Pero mas nagulat sila sa sinabi ni Henry.
"Alam niyo, noong araw na pumunta ka dito sa ospital pre. May nakita akong lalaki na parang sunod nang sunod sa'yo. Nung bumalik ka dito sa ospital ay nakita ko na naman ang lalaking yun. Simula din ng araw na yun ay parang nag-iba na ang kilos ng head nurse namin kapag nakikita ako. Ito pa, noong nakaraang araw ay nag-resign na yun at may bagong sasakyan pa ang gago. Tapos bigla na lang akong binayaran nun ng utang niya sa akin. Eh ang dami ng utang nun! Lubog na lubog yung gagong yun sa utang eh. Tapos biglang nagkasasakyan at nakabayad pa sa mga utang niya. Nakakahinala talaga. Tingnan ko ang mga files at ipapa-fact check ko bukas na bukas."
Nakisali na rin si Henry sa usapan bagama't sa video call lang.
UMAGA sa kinabukasan ay maagang tumawag si Henry. Kinakabahan pa si William na hawak ang kanyang cell phone na hiniram mula kay Solomon. Nang sinagot na niya ang tawag ay parang sumabog ang kanyang tenga sa narinig.
"Pre! Negative ang tunay na result. Tang ina! Dinoktor ang resulta. Hindi mo anak yung bata! Hindi mo kaanu-ano yun!"
Sa sobrang pagkagulat ni William ay napatunganga siya.
"Pre, nand'yan ka pa ba? Hello?"
"O-oo! Nandito pa ako."
"So ano ng gagawin natin?"
"Steady ka na lang muna pre. Ako ng bahala nito. Pupunta ako kina Garin ngayon para sa gagawin nilang pag-atake sa mansyon ni Lester. Pre, salamat talaga. Sobrang salamat."
"Alam mo namang kayo ni Sol ang pinakamatalik kong kaibigan. Sige pre, ingatan mo ang sarili mo. Tatawag na lang ako mamaya. May biglang pasyente kasi na isinugod dito. Kailangan ko ng puntahan."
"Naiintindihan ko pre. Sobrang salamat talaga. Sige-sige."
Nang maibaba na ni William ang cell phone ay nakaramdam siya ng lungkot. Medyo napamahal na rin kasi ang bata sa kanya kahit konting panahon pa lamang niya itong nakasama. Ito ang naging dahilan kaya nasikmura niya ang lahat ng ginagawa ni Lester sa sa kanya.
Kaya pala wala siyang naramdamang lukso ng dugo ng una niyang makita ang bata. Hindi pala ito sa kanya. Pero kahit na hindi niya ito anak ay ayaw niya pa ring madamay ito sa mangyayari.
Talagang halang ang kaluluwa ni Lester. Pati anak ng sariling kapatid ay ginagamit nito para sa sarili niyang kapakanan. Halos masuka si William sa ginagawa ni Lester. Pati inosenteng sanggol ay dinamay nito. Talagang napakatuso niya.
Tinawagan niya si Nathan at tinanong kung napatawag ba si Jessie sa kanya. Pero hindi pa rin alam ni Nathan ito.
"Tito, nasaan po ba si Jessie?" tanong nito sa kabilang linya.
"Lumabas lang. Sige, kapag tumawag siya sa'yo sabihan mo agad ako huh?"
"Oh sige po."
Napaupo si William sa sofa. Sandaling huminga siya ng malalim at pagkatapos ay naligo na. Pupunta siya sa bahay ngayon nila Garin. Doon sila magkikita para makasigurado. Delikado kasi kung sa police station pa sila. Baka may sumusunod sa kanyang mga tauhan ni Lester. Mas mabuting makasigurado. Tutal, ang mga kasamang pulis nito ay naghihintay na sa kanya doon.
Nang makarating na siya ay napansin niya ang napakaraming mga pulis na nasa loob ng bahay ni Garin. Nandoon na rin ang kaibigan niyang si Solomon. Kaagad na nagplano na sila. Marami ang mga pulis na susugod dahil napakaraming tauhan ni Lester. Maigi nilang pinagplanuhan ang lahat. Hanggang sa makabuo sila ng plano.
Nang dumating na ang takdang araw ay naghintay si William na susunduin siya ng mga tauhan ni Lester sa kanyang bahay. Sumama naman siya ng maayos subalit hindi na dinala pa ang kanyang motor dahil ihahatid naman siya ng mga ito kung gusto niyang umuwi.
Nakapiring pa rin siya hanggang sa makarating sa destinasyon. Gabi na ng dumating sila. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng mansyon ay kaagad na nakita niya si Lester na papalapit sa kanya at yumakap. Kahit na nandidiri siya ay naging mahinahon pa rin naman siya.
"'Asan si Blue?"
"Nasa silid ko."
"Gusto ko siyang makita."
"Sige, sabay nating puntahan si Blue." humawak si Lester sa braso ni William at hindi na lang siya pumalag.
Nang makarating na sila sa silid ay kaagad niyang nilapitan ang bata at binuhat ito. Nilaro-laro at tuwang-tuwa naman ang sanggol. Habang nakatingin lang sa kanila ang katulong at si Lester.
"Pakidala ng hapunan dito." utos ni Lester sa maid.
Kaagad naman itong lumabas.
"Teka lang, anong ulam?" tanong ni William
"Sinigang na sugpo. Favorite mo yun 'di ba?"
"Sinong nagluto?"
"Yung mga maid."
"Ganun ba? Gusto ko sanang kumain ng ibang ulam eh." simpleng sagot ni William at nilapag ang sanggol sa kuna nito.
"Ano bang gusto mong ulam Daddy?"
Nagulat si Lester ng bigla siyang hilahin ni William sa kanya. Sa bilis nito ay napahawak siya sa mga dibdib nito.
"Parang gusto kong kumain ng luto mo."
Halos hindi makagalaw si Lester sa narinig. Totoo ba ang narinig niya? Hindi siya makapaniwala.
"T-talaga?" gulat na gulat niyang sagot.
"Oo, gusto kong kumain ng ulam na luto mo."
Halos maiyak si Lester sa sinabi ni William at mabilis itong mahigpit na yumakap sa kanya sa sobrang saya.
"Sige na, magluto ka na para makakain na ako. Ayaw mo naman sigurong ginugutom ang Daddy mo?" malambing na saad ni William na hindi nito mapaniwalaan.
"S-sige magluluto na ako." sagot naman nitong tuwang-tuwa.
"Galingan mo, dahil kapag nagustuhan ko ang luto mo. Baka hayaan kitang kainin ang hotdog ko habang kumakain ako ng luto mo." mapaglarong bulong ni William sa kanyang tenga na kanyang ikinahina.
"Y-yes Daddy! I'll cook for you!" nanginginig pang sambit ni Lester.
Nanginginig ang kanyang laman sa narinig.
"Dali na!" utos ni William sa kanya at sinampal pa ang kanyang pwet.
Sa sobrang pagkasaya ni Lester ay mabilis na itong tumakbo palabas para makapagluto na.
Nang makaalis na si Lester ay kaagad na ni-lock ni William ang pinto at kinuha ang sanggol na natutulog na. Mabilis niya itong dinala sa banyo at dito sila nagtago. Kaagad na tumawag siya gamit ang isang cell phone na bigay sa kanya ng mga pulis.
"Nakuha ko na ang bata at nakapagtago na kami. Nasa ikalimang palapag kami. Sa banyo nagtatago." sa sinabi ni William ay mabilis na lumusob na ang mga awtoridad.
Hudyat ito para umatake na sila. Dahil sound proof ang silid ni Lester ay hindi maririnig ang mga putukan. Halos bente minuto din ang lumipas bago nakatanggap si William ng tawag.
Ang sabi ng mga pulis ay nasa labas na sila ng silid ni Lester. Kaya naman ay mabilis niyang kinuha ang bata at nilagyan ng takip ang tenga nito. Pagbukas niya sa pinto ng kwarto ay bumungad na sa kanya ang dalawang pulis.
Inalalayan siya ng mga itong makalabas sa mansyon hanggang sa madala na sila sa ligtas na lugar. Malayo na sila sa mansyon at ipinasok sila sa sasakyan na nakatago.
"Dito lang kayo. Babalik pa kami." saad ng isang pulis sa kanya.
"Sige, mag-iingat kayo."
Mabilis na bumalik ang mga pulis. Pero hindi pa nakakalayo ang mga ito ay bigla na lang bumulagta sa kalsada ang isa na ikinagulat ni William. Sa ilang segundo lang ay ang isa na namang kasama nito ang bumulagta. Hindi makapaniwala si William sa nakita.
Nabaril ang mga pulis na tumulong sa kanya. Ang nakakagulat pa ay wala siyang ingay ng baril na narinig.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nakita na niya kung sino ang bumaril sa mga ito. Walang iba kundi si Lester! Mabilis itong tumakbo sa kakahuyan. Galit na galit si William sa nakita.
Mabilis siyang lumabas sa sasakyan at tumakbo sa dalawang pulis. Patay na ang mga ito kaya naman ay inagaw na lang niya ang baril ng isa para habulin si Lester. Hindi siya makakapayag na makatakas pa ito.
Kaagad niyang sinundan si Lester at napansin ni Lester na may sumusunod sa kanya. Dahil madilim ay hindi niya alam na si William pala ang sumusunod kaya naman pinaputukan niya ito. Mabuti na lang at hindi natamaan si Willam.
Hindi niya hahayaang makatakas pa ito. Kaya walang tigil siya sa pagsunod dito. Alam niyang wala ng bala si Lester dahil diretso na itong tumakbo at hindi na nagpapaputok.
Hanggang sa umabot na sila sa dulo ng habulan. Natigilan si Lester ng wala na siyang matatakbuhan. Nasa dulo siya ng isang napakataas na bangin at tuluyan ng nakorner. Itinutok niya ang kanyang baril sa masukal na mga damo at tangkay ng mga kahoy. Dito iniluwa nito si William na siya ng ikinapanlumo.
"Kaya pala! Kaya pala! Kaya pala ganun ka na lang kanina. I thought you realized how much I love you kaya yun ang ipinakita mo sa akin kanina. Niloloko mo lang pala ako!"
"Gago ka! Sa ginawa mo sa akin? Anong pagmamahal ang pinagsasabi mo?! Kahit kailan ay hindi kita mamahalin! Puta ka! Sukang-suka ako sa'yo! Diring-diri ako sa'yo!"
Tuluyang naiyak si Lester sa mga sinabi ni William sa kanya.
"Ano bang meron kay Jessie? Anak mo siya! Anak mo! Bakit ba baliw na baliw ka sa sarili mong anak?"
"Hindi ko siya anak! Hindi kami magkadugo, hindi ko siya anak."
Nanlaki ang mga mata ni Lester sa katotohanang nalaman.
"Sumuko ka ng hayop ka! Sumuko ka na!" sigaw ni William sa kanya.
Ibinaba ni Lester ang kanyang baril at nagsalita.
"Kung minahal mo lang sana ako hindi na sana tayo aabot sa ganito. Kahit lahat ng pera ko ay handa kong iwan para sa'yo! Mahal na mahal kita! All I have, I'm ready to sacrifice it all... just say you love me. Just love me..." nanginginig nitong ani.
"Hibang ka na talaga! Hindi kita mamahalin! Nakakasuka kang bakla ka!"
Mapait na napangiti si Lester.
"I have one last bullet. Either I will kill you or I will kill myself. But I choose to kill you! Kung hindi ka magiging akin. Pwes, no one will have you!"
Bago pa man maiputok ni Lester ang baril ay naunahan na siya ni William. Nabaril siya nito sa dibdib.
Unti-unting nawalan si Lester ng balanse. Inilahad pa nito ang isang kamay nito. Mabilis namang tumakbo si William para abutin sana ang kamay nito. Subalit huli na ang lahat.
Nahulog si Lester sa napakataas na bangin.
Pagtingin ni William ay wala siyang ibang nakikita sa baba kundi ang malalakas na hampas ng mga alon. Hindi niya rin maaninag masyado ang sa ibaba dahil madilim.
Napaupo siya sa lupa. Tapos na rin ang lahat.
Hinihingal siyang gumagap sa kanyang hininga. Matapos nito ay kaagad siyang bumalik at pinuntahan ang sanggol sa sasakyan. Tahimik pa rin itong natutulog.
Nang matapos na ang lahat ay maraming nagbuwis ng buhay. May namatay na mga pulis pero mas marami ang sa mga tauhan ni Lester. Mabilis na isinakay sa mga sasakyan ang natitirang mga nahuli.
Sa wakas tuluyan ng nawakasan ang kasamaan ni Lester.
Maaga sa kinabukasan ay nagpaliwanag din si William sa nasaksihan at sinabi ang kanyang ginawa noong nakaraang gabi sa paghabol kay Lester. Mas pinili niyang sabihin ang lahat at hindi nagsinungaling na siya ang bumaril dito dahil pinagtanggol niya ang sarili niya.
Inabot ng gabi ang paghahanap at pinagpatuloy ng mga divers ang paghahanap sa katawan ni Lester sa buong araw at kinabukasan. Subalit hindi na nahanap pa ang katawan nito. Tuluyan na itong dinala ng mga alon o baka ay lumubog sa kailaliman ng dagat.
Nang maayos na ang lahat ay tinawagan ni William si Nathan. Dito napag-alaman niyang nakasakay na pala ng barko si Jessie ngayon at pabalik ng Maynila.
"Oo tito, babalik daw siya ng Maynila eh. Nagpapasundo pa nga yun pagdating ng piyer."
"Salamat Nat, pwede bang malaman ko ang bagong number niya?"
"Naku tito! Napakasalawahan nun sa numero! Ang daming gamit na number! Pagkatapos tumawag ay hindi ko na makontak!"
"Ganun ba? Sige-sige." nakangiting sagot ni William.
Sa wakas at alam na niya kung nasaan si Jessie.
"Tito, umamin ka nga sa akin. Nag-away ba kayo ni Jessie kaya naman pabalik yun ng Manila na hindi ka sinabihan? Naglayas ba siya?"
Natahimik si William.
"Oo Nat, nag-away kami at naglayas siya. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat kapag kapag nasa Manila na ako kasama siya."
"Hay naku! Napakapasaway talaga nun! Sige-sige tito."
"Nat, bibili ako ng ticket ng eroplano ngayon. Baka may available pa. Para maunahan ko siya pagdating ng Manila. 'Wag mo lang sasabihan sa kanya huh? Gusto kong makausap siya Nat."
"Sige tito. Tawagan mo na lang ako kapag nakakuha ka pa ng ticket."
"Sige Nat, salamat."
Kaagad na nagtungo si William sa airport at mabuti na lang ay may nabili pa siyang ticket na gabi ang alis. Kahit masyadong mahal ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. Nang makaalis na siya ay ilang minuto lang ay dumating na siya ng Maynila.
Kaagad naman siyang sinundo ni Nathan.
Habang nagmamaneho ito ay nag-usap sila ni William.
"Bukas ng gabi ang dating ng barko niya. Sunduin natin yung ungas na yun! Naku talaga yung tropa kong yun. Ang tigas ng ulo! Manang-mana sa'yo tito!"
Natawa lang si William.
Nang makarating sila sa condo ni Nathan ay kaagad siyang natulog dahil sobrang pagod na pagod siya sa nangyari simula kahapon. Sa dami ng nangyari ay hindi siya makapaniwala na tapos na ang lahat.
Ipinikit niya ang mata subalit narinig niya sa balita ang nangyari kahapon. Kaagad na itong lumabas sa tv. National issue din naman kasi ito.
"Tito, sa kwarto na kayo matulog. Para komportable kayo."
"Salamat Nat, sandali lang, makikinig muna ako sa balitang 'to."
Sumabay na rin sa panonood si Nathan.
Dito ibinalita ang nangyaring raid sa mansyon ni Lester na may pagawaan ng droga sa ilalim nito. Halos magulantang si Nathan sa nakita sa balita dahil sa pagkakaalam niya ay patay na si Lester dahil nasunog ito.
Idinitalye sa balita na nabaril ito at nahulog sa bangin at hindi pa nahahanap ang bangkay nito. Pero hindi na sinabi kung sino ang nakabaril dito dahil humiling si William sa kanyang kaligtasan na sana ay hindi na malaman pa ng iba na siya ang nakapatay kay Lester. Habang ang sanggol naman na si Blue ay nasa kustodiya na ng DSWD.
"Tang ina! Buhay pa pala yun? Kala ko na barbecue na yun eh. Pero di bale na. Patay na yun. Nabaril at nahulog pa sa bangin? Tapos hindi pa nahahanap ang katawan? Sure ball na lumubog na yun sa ilalim. Tang ina triple kill." natatawang sabi ni Nathan.
Nanahimik na lang si Wiliam. Ilang sandali ay nagpaalam na ito para matulog.
Tinanghali ng gising si William. Ngayon lang siya nakatulog ng mahaba sa ilang linggo. Sabay silang kumain ni Nathan habang masayang nag-uusap. Habang sa hapunan naman ay maaga silang kumain para sunduin na si Jessie.
Nang makaalis na sila sa condo unit ni Nathan ay hindi mapakali si William. Hindi na na siya makapaghintay na yakapin, hagkan at ipagsigawan sa mundo kung gaano niya kamahal ang ga niya. Alam niyang aawayin muna siya nito. Pero kapag nalaman na nito ang katotohanan ay siguradong mapapatawad din siya nito.
Hindi siya titigil sa pagpapaliwanag at paghingi ng tawad at handa siyang gawin ang lahat.
Nang makarating sila sa piyer ay hindi na makapaghintay pa si William na dumating ang barkong sinasakyan ni Jessie. Pagkalipas ng halos kalahating oras na paghihintay nila ay nakita na nila ang barkong paparating.
Hindi napigilan ni William ang mapangiti.
Sobra kitang na miss ga... ngayon ay hindi na tayo maghihiwalay. Hindi na tayo magwawalay. This time, wala ng pipigil. Wala ng sagabal. Mahal na mahal kita ga. Mahal na mahal at hindi ako papayag na masaktan ka pa ulit. Handa na ako sa sampal mo. Handa na ako sa tadyak mo. Handa na ako sa gagawin mo sa akin. Alam ko na katakot-takot na pagpapaliwanag ang gagawin ko. Pero wala na akong pakialam. Handa na akong sabihin ang lahat sa lahat. Pati si Nathan ay sasabihan ko na sa relasyon natin. Hindi ako mahihiya na ipakita at ipangalandakan sa lahat kung gaano kita kamahal.
Medyo naluluha si William habang palapit nang palapit ang barko. Magkikita na ulit sila ni Jessie.
WAKAS
Super cliffhanger naman, haha! Lester, not being found is still giving the creeps! Ay, baka may book 2 ito, huh? Haha, can't wait to pray for their happiness. I also wanna curse Lester and fry him in the deepest and hottest oil served in the abyss! Praying for the Cerberus to eat him piece by piece! 😏😀
ReplyDeletesobrang bobo kasi ni William tanga masyado kaya nagagahasa ng malanding bakla.
ReplyDeleteOkay lang yan sis kahit nga kwento lang to iniyakan Kuna rin to
DeleteSi Lester na ba ang bagong Cardo Dalisay? Istg pag buhay pa yan, si kamatayan na ang mahihiya sa kanya
ReplyDelete