KABANATA 56 Paniningil ng Utang
Lumipas ang mga araw at nakapaghanda na kami sa gagawin namin kay Lester. Bukas ay uuwi na rin siya ng Pilipinas.
Kinakabahan. Kinakabahan ako pero hindi ko hahayaang manguna ang takot sa aking puso. Sa dami ng nangyari ay alam ko na may kalalagyan din ang lahat. Magbabayad ang dapat magbayad. Masisingil at mananagot ang puno't dulo ng lahat ng problema na nagdulot ng takot sa mga naging biktima. Sa lahat ng nakaranas ng pananamantala mula sa mga kamay Lester.
Panahon na para magbayad siya sa lahat ng mga kahayupan niyang ginawa. Hindi siya makakatakas at hindi ako papayag na makatakas pa siya. Hindi ko hahayaang hindi siya managot sa lahat ng mga kasalanan niya kay papa. Sa aking kaibigan na si Roland at sa iba pang biktima.
Nakapaghain na kami ng mga ebidensya at mga kaso sa prosecutor at nakalatag na ang arrest warrant para kay Lester bukas. Kapag nakauwi na siya, ay huhulihin na siya ng mga pulis at siguradong wala na siyang kawala.
"Pa, natawagan ko na si Roland. Pupunta na siya rito mamaya." ani ko.
"Mabuti naman. Kakausapin natin siya mamaya para malaman niyang hindi lang siya ang naging biktima ni Lester." sandaling bumuntong-hininga si papa at nagpatuloy.
"Malalaman niyang pati ako ay nakaranas din ng pang-aabuso. Dapat natin siyang makausap baby ko. Para na rin makapaghain na rin siya ng kaso. Hahanapin rin natin ang lahat ng mga naging biktima niya para na rin makuha nila ang hustisya na nararapat sa kanila. Pagtutulungan natin siyang pabagsakin."
Alam na ni papa na pati si Roland ay naging biktima ni Lester dahil pinaalam ko na ito sa kanya. Napilitan ako na sabihan si papa dahil para rin naman ito sa kapakanan niya.
"Hindi na siya makakatakas ngayon Pa. Huling-huli na siya at siguradong makakamtan natin ang hustisya! Atsaka Pa, ang ilang mga biktima ay nahanap at nakontak ko na. Sasama sila sa atin sa laban na ito. Hindi na natin hahayaang makapaghasik pa siya ng kasamaan. Humanda siya dahil pagbabayarin natin siya. Magbabayad siya!" ani kong galit na galit.
Mabilis akong niyakap ni papa at ikinulong sa kanyang mga bisig.
"Magsisimula na tayo sa mga hakbang para matapos na ang kaguluhang ito. Matatapos din ito. Malapit na malapit na talaga."
Pinakalma ako ni papa at inalo ang aking likod dahil nanginginig ako sa sobrang galit. Nagpupuyos ang aking damdamin sa pagsumpa ko kay Lester.
Naupo kami sa sofa at nag-antay na lang na dumating si Roland sa bahay. Hapon na at alam ko na paparating na rin siya anumang oras.
"'Nak, 'wag ka na lang pumunta at kitain pa si Lester bukas. Hayaan na natin ang mga pulis ang bumati sa kanya sa restaurant. Siguradong magugulat siya sa mangyayari at wala ng kawala. Naiisip ko pa lang ang mukha niya na takot na takot at natataranta ay talagang hindi ko na mapigilang matuwa." sabik niyang ani.
"Pero Pa, yun na lang ba yun? Aarestuhin lang siya at makukulong? Kulang na kulang ito sa lahat ng kanyang ginawa. Kailangan na mas hihigit pa dun ang dapat na mangyayari sa kanya!"
"Kumalma ka 'nak... masyadong delikado na harapin mo pa siya. Baka anong gawin niya sa'yo. Hayaan na natin ang mga pulis sa gagong yun. Masyadong delikado kasi. Nakausap ko na ang mga pulis at nakipag-coordinate na ako sa kanila."
Hindi na lang ako nagsalita at nanahimik na lamang.
"Hindi mo siya haharapin bukas. Ang mga pulis na lang. Jessie, makinig ka. Masyadong delikado na harapin mo pa siya. Haharapin din naman niya tayo sa hukuman. Doon natin ipapakita sa kanya kung gaano siya kawalang kwentang tao. Doon natin ipapakita na handa tayong lumaban para mapabagsak siya at kaya natin siyang dalhin at ipasok sa kulungan." at humalik siya sa aking noo.
Malakas ang tibok ng aking puso at talagang mabilis ang aking paghinga sa sobrang galit ko. Talagang hindi na ako makapaghintay sa mangyayari. Gusto kong makita kung ano ang lalabas at babakas sa kanyang mukha.
Ang takot, pangamba, pagkataranta, pagkalito at ang kanyang pagmamakaawa. Ang mga halo-halong emosyon na makikita sa kanyang mukha. Na mas gugustuhin na lang niyang matunaw sa hiya. Ipapatikim namin sa kanya ang lasa ng sarili niyang medisina.
Paglipas ng isang oras ay may narinig kaming nag-door bell sa labas. Pakiramdam ko ay si Roland na ito. Mabilis akong nagtungo sa labas at tama nga ako sa aking hinala. Si Roland nga. Subalit kasama niya si Nathan.
"What's up tol?" nakangiting bati sa akin ni Nathan ng harapin ko na silang dalawa sa labas.
"Oh, bakit ka nandito tol? Bakit mo pa siya sinama?" baling ko kay Roland.
"Eh dumaan ako sa kanila eh. Kaya nung nalaman niyang papunta ako rito. Sumama na lang din. Bakit bawal ba?" natatawa naman nitong sagot.
Sandali akong natahimik. Hindi ko alam kung paano namin makakausap ni papa si Roland patungkol sa pang-aabuso ni Lester sa kanila. Mahihirapan kami dahil nandito si Nathan. Wala pa naman siyang alam tungkol dito.
"Luh, 'di na ba ako welcome dito kasi matagal na akong hindi na nakagala dito?" pagtatampo nito.
"O.A mo! Pasok na nga lang tayo." sagot ko na lang para makaiwas.
Tumawa naman ang dalawa at sumunod sa akin sa loob ng bahay.
"Pa!" tawag ko ng makapasok na kami sa loob.
Nagulat si papa lalo pa at kasama ni Roland si Nathan.
"Tito!"
"Oh Nathan? Ang tagal mong hindi nakapasyal dito ah?" at nag-apir silang dalawa.
"Wala eh... busy lang sa buhay-buhay." natatawa nitong sagot.
Lumingon si papa sa akin at para bang nagtatanong ang kanyang mga mata na nagsasabing. Bakit nandito si Nathan?
"Magandang hapon po tito." bati naman ni Roland.
"Magandang hapon din." tugon naman ni papa.
Nagtungo kami sa sala at dito nag-usap.
"Ano bang meron at pinapunta mo ako rito pre? May inuman session ba?" tanong ni Roland sa akin ng makaupo na kaming lahat.
"Aba! Buti sumama ako!" sabat naman ni Nathan.
Itong mga unggoy na 'to, puro inuman lang talaga gusto.
Napalingon ako kay papa at nanghihingi ako ng tulong kung ano ang aking isasagot. Kahit siya ay natigilan at parang hindi niya alam ang sasabihin.
"Ano... ah, inuman! Oo inuman tayo!" sagot ni papa.
Wala rin 'tong isang 'to. Ito talaga yung lider ng mga unggoy.
Napairap na lang ako
"Whooh! Libre mo tito?" tuwang-tuwang sabi ni Nathan.
"Sige ba!"
Napailing na lang ako. Habang masaya namang nagtatawanan ang tatlo. Ang sarap talagang batukan nitong mga lalaking ito. Sandali akong umalis at nagtungo sa kusina. Ang hindi ko alam ay sumunod pala si papa sa akin.
"'Nak." tawag niya.
Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at hindi siya pinansin.
"Hindi naman kami maglalasing."
"Sige, mangatwiran ka pa." sagot kong hindi maitago ang inis.
"Baby naman. 'Wag kang mag-aalala, iinom kami para kapag medyo tumama na ang alak. Saka ko sasabihin kay Roland kung bakit pinapunta natin siya rito."
"Pero paano si Nathan? Baka madamay pa siya sa gulong 'to. Kapag kasi naaagrabyado ang mga kaibigan niyan. Siya yung tipong basta-basta na lang sumusugod Pa. Kapag ang mga kaibigan niyan ang pag-uusapan una yang lumalaban." pangamba ko.
"'Wag kang mag-alala. Kakausapin ko yang si Nathan. Dapat din namang malaman niya rin 'tong nangyayari. Kasi hindi na rin iba yan sa atin. Alangan naman na saka pa lang natin ipaalam sa kanya kung kailan nasa husgado na tayo? Malalaman at malalaman din naman ito ni Nathan baby ko. Kaya hangga't maaga, ipaalam na lang natin at baka magtampo pa yan sa'yo."
Napayuko ako.
"Natatakot lang kasi ako Pa. Yan pa naman si Nathan yung tipong sobrang padalos-dalos. Natatakot ako sa pwede niyang gawin. Baka kasi madamay pa siya. Ayokong pati siya madamay. "
"Kakausapin ko siya ng masinsinan. Alam kong maiintindihan niya tayo sa sitwasyon namin ni Roland. 'Wag kang mag-aalala, alam kong maiintindihan ka niya sa paglilihim mo sa kanya." napatango-tango na lang ako.
Inakbayan ako ni papa at ginulo ang aking buhok dahil sa sobra kong pag-aalala.
"Hali ka na nga, balik na lang tayo sa sala." sumang-ayon naman ako.
"Oh tito, ano po bang iinumin natin hard o beer?" excited na tanong ni Nathan.
"Anong gusto niyo?"
"Beer na lang siguro?" sagot naman nito at bumaling kay Roland.
"Oo beer na lang tito. Puro hard na lang kasi iniinom namin lately eh." si Roland.
"Oh sige, pero maghapunan na muna tayo. Masamang uminom na walang laman ang tiyan." pumayag naman sila.
"Si Jessie tito... pwede na ba siyang uminom?" tanong ni Nathan.
"Bawal pa... sa susunod na lang." napairap na lang ako na labis ikinatawa ng dalawa.
Naglaro na lang muna sila ng baraha at nagpalipas ng oras. Nagpustahan pa ang mga gunggong kaya sobrang ingay nila sa sala. Habang ako naman ay abala sa pagluluto ng hapunan at pulutan. Wala naman akong mapagpipilian. Ako lang naman kasi ang marunong magluto.
"Mga bweset talaga 'tong mga tukmol na 'to. Sila yung mag-iinom tapos ako ang pinagluluto. Ang sarap talagang tsinelasin at pag-uumpugin." litanya ko.
"Ang galing! Ginawa niyo akong tsipipay dito." simangot ko habang naghihiwa ng karne.
Siguro naiinis lang ako kasi hindi ako kasali sa inuman.
Hayaan ko na nga lang. Nakaka-dry pa naman ng skin yang inom nang inom ng alak. Iwas na lang muna ako para naman mas healthy at glowing yung skin ko. Para sa skin na kapansin-pansin!
Nagpatuloy na lang ako sa paghihiwa.
Nang naluto na ang pagkain ay sabay-sabay kaming kumain sa hapag ng kusina. Maingay at magulo lalo na at puro loko-loko ang lahat ng mga kasama ko. Hindi mamatay-matay sa usapan ang kakabahagi ni Nathan sa kanyang naudlot na pag-ibig. Ang "love at first sight" niya kuno. Ni hindi naman niya nakilala ang tunay na katauhan ng nagugustuhan. Kaya maluhaluha si papa at Roland sa kakatawa.
Ang tinutukoy niya ay noong panahon ng university days na nagkabanggaan kami at mabilisan akong tumakbo at iniwan siya. Wala pa rin siyang kaalam-alam na ako ang tinutukoy niyang babae na nakabangga niya. Nakapandamit babae kasi ako noon dahil sasali ako sa isang contest sa aming university.
Akala niya flower. Yun naman pala may eggplant yung nagugustuhan niya. -_-
"Sayang talaga at hindi ko nakuha number nun. Pero di bale na. Alam kong magkikita pa rin naman kami." ang nasabi ni Nathan sabay lamon ng pagkain.
"Gaano ka naman kasigurado d'yan pre?"
"'Wag kang ano Roland. Alam ko at nararamdaman ko. Gabi-gabi ko kaya itong pinapanalangin. Atsaka nakapaghulog na ako sa wishing well. Kaya matutupad yun."
"Sana nga matupad ang wish mo Nathan. Tapos kapag nakita mo na, ipakilala mo naman kami." si papa, habang tawang-tawa.
"Oo naman, ipapakilala ko sa inyong lahat. Sigurado ako na magiging syota ko agad yun. Iba ang mga galawin ko eh," hambog nitong sagot. "tapos ang ganda-ganda pa nga nun at sobrang laki ng mga hinaharap." maloko nitong pagpapatuloy.
Eh kasi naman... mga pakwan kasi yung boobs ko na yun. Bwesit!
Nagtawanan na lang kami. Pero ang totoo ay naaasiwa na talaga ako. Wala silang kaalam-alam na ako ang pinag-uusapan nila.
Ang sarap niyong hambalusin ng frying pan mga tampalasan talaga kayong mga kalalakihan kayo!
"Ikaw pre, kamusta naman ang love life mo? Parehas ba sa tropa mong sobrang tigang?" tawang-tawang tanong ni Roland na ikinainis naman ni Nathan.
Medyo natawa si papa sa narinig at lumingon sa akin na may ibig sabihin. Maloko itong ngumiti.
"Okay lang naman." kaswal kong sagot.
"Aba, naalasan ka ng tropa mo pre." baling niya kay Nathan.
"Puro lang naman salita yang si Nathan eh. Hopeless Romantic kasi yan." sagot ko at hindi napigilan ng dalawa na kantyawan siya.
"Anong hopeless romantic? Mapanakit ka talaga ng damdamin tol. Ang sama mo!" inis nitong sagot sa akin na ikinatawa naming lahat.
Masaya kaming nagkwentuhan sa hapag at nagtawanan.
Sandali kaming nagpahinga matapos kumain at ang mga kalalakihan kong kasama ay dumiretso na sa sala para magpahambugan ng mga kwentong barbero. Puro paramihan nang babae, babae at babae... at babae ulit. Tipikal na kwentuhan ng mga kalalakihan.
Pero nahalata ko na hindi masyadong nagmamayabang si papa. Subukan lang niya at makakatikim talaga siya sa akin. Sumusulyap-sulyap kasi ako sa kanya mula kusina habang naghuhugas kaya hindi makakambyo ang loko sa pagmamayabang.
Alam na niya sa mga tingin ko ang pagbabanta kaya naman hinayaan na lang niya ang dalawa na magmalaki at magparamihan ng mga kwentong payabangan.
Nang makapagpahinga ng maayos ay saka lang kami bumili ng maiinom. Isang case ng beer ang tatagayin nila. Gusto ko mang tumutol ay pumayag na lang ako. Si Roland kasi, masyadong mapilit.
Katulad kanina ay masaya ang kwentuhan ng mga mokong. Habang umiinom, si Nathan ang bangka ng kwentuhan at puro kalokohan lang talaga ang ibinida nito. Kahit ako ay hindi napigilang mapabuhakhak sa tawa dahil sa mga katatawanan nitong pinagsasabi.
Magkatabi kami ni papang naupo sa sofa habang kaharap naman namin sila Nathan na magkatabi. Ako lang mag-isa ang hindi umiinom kaya ako ang nagsilbing tagatagay sa kanila.
Habang tumatagal ay mas lalong nagiging maingay nang sumipa na ang epekto ng alak. Parang unti-unti ng nawawala ang hiya sa kanila. Medyo nagiging mas mapusok na rin ang mga tapiko ng mga mokong. Tahimik lang akong nakikisabay.
Ramdam ko na tumityempo si papa para masabi ang gusto niyang sabihin. Unti-unting nabago ang tapiko. Sa kapusukan hanggang sa mas naging seryoso na ito ng maitalakay niya ang tungkol sa panggagahasa.
"Alam niyo bang pati lalaki nagagahasa na rin?" lakas-loob niyang sabi na ikinagulat ni Roland. Halata sa mukha nito na medyo natigilan siya ng marinig ang sinabi ni papa.
"Grabe naman, pati ba lalaki nari-rape na? Baka naman siguro ginusto." saad naman ni Nathan na hindi naramdaman ang kakaibang tensyon mula sa katabi.
"Oo Nathan, sa panahon ngayon kahit na lalaki ay nari-rape na rin. Kahit gaano ka pa kabarako kung may isang tao na maimpluwensya at makapangyarihan na handang gawin ang lahat mapasakanya ka lang. Pwede kang mapasunod, lalo na kung may alas siya sa'yo. Tama naman ako, 'di ba Roland?" baling ni papa.
"Ugh... o-oo, tama ka d'yan tito." sagot naman nito na nahalata kong hindi komportable sa pag-uusap.
"Ganun ba? Paano naman ginagawa ng mga babae na pagsamantalahan ang lalaki? Nilalasing at dinodroga siguro." sagot naman ni Nathan.
"May mga ganun na rin na kaso. Pero madalang ang mga ganyan. Ang ibig kung sabihin ay ang mga lalaki ay ginagahasa na rin ng mga lalaki." seryosong wika ni papa.
"May narinig na rin akong mga ganyan eh." sagot ni Nathan at uminom ng alak.
Napansin ko na biglang natahimik si Roland at para bang paiwas siya sa mga sinasabi ni papa. Pilit niyang iniiba ang tapiko sa pamamagitan ng mga nakakatuwang mga kwento. Pero hindi kumagat si papa. Bagkus, mas naging seryoso si papa sa pagkwekwento sa mga bagay na tungkol sa pakikipagtalik sa lalaki sa kapwa lalaki na labag sa kanilang gusto.
Nakikinig ng husto si Nathan sa mga sinabi ni papa. Subalit nagulat ang lahat ng inihayag ni papa ang isang rebelasyon na matagal na niyang inililihim noong sa panahon ng kanyang kabataan.
"Kasi noong bata pa ako... napagsamantalahan ako. Hinalay ako ng sarili kong tiyuhin." diretsahan at walang halong biro niyang saad.
Halos malaglag ang panga ng dalawa sa sinabi ng aking ama. Kahit ako ay nagulat rin dahil sa lakas ng kanyang loob na isiniwalat ang pangyayaring ibinaon na niya sa limot. Mapaklang napangiti si papa sa kanila at sinimulang ibahagi ang napakasalimuot na parte ng kanyang buhay.
Nagsimula siya sa puno't dulo ng lahat kung saan napagsamantalahan siya noong siya ay musmos pa lamang. Sa kanyang sinabi ay hindi makapaniwala ang dalawa at talagang gulat na gulat sila sa malalaman.
Hindi nag-alinlangan si papa na sabihin ito para mabigyan ng lakas ng loob si Roland na isiwalat na rin ang kanyang karanasan. Alam ko na pinapadama niya kay Roland na hindi ito nag-iisa. Mahaba-haba ang naikwento ni papa at hindi siya nag-atubili na sabihin ang mga katakot-takot na naranasan noong siya ay bata pa lamang.
Sa pangmamaltrato at pananakit sa kanya. Sa mga pang-aalila at pang-aabuso na kanyang naranasan mula sa dalawang taong itinuring siyang basahan. Ang kanyang tiyahin na inaalipusta siya at ang kinakasama nito na wala ng ginawa kundi ang luhuran siya palagi para tikman ang kanyang pagkalalaki.
Marami-rami ang kanilang nainom kaya naman sa katagalan ng pagbabahagi ni papa sa kanyang kwento ay tuluyan ng naluha si Roland. Na siyang ikinagulat ni Nathan.
Pasimpleng nagpahid si Roland ng mga luha. Kahit ako ay naiiyak na rin. Alam ko ang trauma na kanyang dinanas, kaya alam kong nasasaktan siya sa mga nalaman kay papa. Hindi basta-basta ang pait na dinanas niya kay Lester.
Walang takot na nagpatuloy si papa sa pagkwekwento. Habang tumatagal ay napansin ko ang awa sa mukha ng dalawa sa kanya. Halatang labis silang nahabag sa mga nangyari kay papa.
Hanggang sa mas lumalim pa ang pagkwekwento niya at tuluyan niyang inungkat ang nangyari na pananamantala sa kanya. Ang ginawang pang-aabuso sa kanya ni Lester. Hindi ako nakagalaw at hindi nakapag-react ang dalawa sa kanyang sinabi.
"Oo, pinagsamantalahan ako ng boss ko na si Lester. Ginamit niya ang katawan ko at hindi ako nakapalag dahil bina-blackmail niya ako." sabay inom nito ng alak sa baso.
"T-tito..." ang nasabi na lang ni Nathan na hindi alam kung ano ang dapat sabihin.
Pero imbes na maluha o maging emosyonal si papa ay wala akong nakitang kahinaan sa kanya. Kitang-kita ko ang katatagan sa kanyang mukha at lakas ng loob ng kanyang paninindigan. Walang halong pag-aalinlangan niyang sinabi sa kanila na ginamit siya at napaikot sa mga kamay ni Lester.
Mas lumaki ang paghanga ko kay papa. Siya itong nakadanas ng pagdurusa at pananamantala. Pero hindi man lang siya natinag. Tuluyan akong napaluha at kaagad niya itong napansin. Kaya naman mabilis niyang pinahid ang mga luha kong dumaloy na.
"Shh... 'wag kang umiyak 'nak." inalo niya ako at niyakap para ako ay kumalma.
"Sorry Pa... hindi ko lang kasi napigilan eh."
"Okay lang 'nak." at ngumiti siya sa akin.
Hindi sinabi ni papa na ako ang dahilan kaya napaikot siya ni Lester at napasunod sa lahat ng gusto nito. Pinoprotektahan niya pa rin ako para hindi mag-iba ang turing ng dalawa sa akin kung malalaman nila na higit pa sa mag-ama ang nangyayari sa amin ni papa.
Sa narinig ay naging balisa si Roland at talagang hindi na nito naitago ang takot at kaba sa anyo nito. Parang ilang minuto na lang ay bibigay na ito at parang tuluyan ng susuko sa lihim niyang itinatago.
"Nakita niyo na siya 'di ba? Noong nagkaroon tayo ng celebration sa paggaling ni Jessie... siya yun. Ang hayop na yun ang nanamantala at nanakot sa akin na sisiran ang aking pamilya."
Tumango-tango si Nathan.
Ikwenento ni papa kung paano nagsimula ang lahat at kung paano siya nagawang abusuhin ni Lester. Pero may kulang sa kanyang kwento. Ang bahaging kami lang dalawa ang dapat makaalam.
Isiniwalat niya rin na alam niyang marami ng naging biktima si Lester bukod sa kanya. Dose-dosena sa dami ang kanyang pinagsamantalahan.
Sinabi niya lahat sa kanila kung paano siya ginamit at naging parausan. Sa nalaman ay halatang galit na galit si Nathan. Para na rin kasing kuya ang turing niya kay papa at hindi na rin kasi iba ang turing niya sa amin.
"Dapat gumanti tayo tito! Walang hiya ang kupal na yun! Putang ina siyang bakla siya!" singhal nito na hindi na naitago ang galit sa damdamin.
"Nakapaghain na kami ng kaso Nathan. Bukas na bukas pag-uwi ni Lester ay huhulihin na siya ng mga pulis. Nag-usap na kasi kami, gusto niyang makipagkita bukas sa akin. Pero ang hindi niya alam ay ang mga pulis na ang haharap sa kanya."
"Mabuti naman at makukulong na yung hayop na yun! Gago siya! Sana sinabihan mo ako dati pa tito. Sana nahanapan ko pa ng paraan. Baka napigilan ko pa siya sa mga kahayupan niyang ginagawa sa'yo."
"Nilihim ko na lang. Kahit nga kay Jessie ay inilihim ko Nathan. Natatakot kasi ako at baka madamay pa siya at natatakot din ako na makapandamay pa. Tuso si Lester. Sobrang tuso niya at mapanglamang." ani ni papa.
"Bago makulong yung hayop na yun. Paisa kami ni Roland dun. Ano, bugbugin natin yung hayop na yun pre?" saad ni Nathan na nag-uunat pa ng kanyang mga kamay.
Pagbaling niya kay Roland ay siyang ikinagulat niya.
Nanginginig na lumuluha si Roland at bakas ang sobrang takot sa mukha. Nakayuko ito at parang hindi alam ang gagawin. Balisang-balisa at namumula ang mukha sa pagpupuyos sa galit.
"Jessie... sasabihin ko na sa kanila." tawag ni Roland sa akin.
Tumango lang ako at pilit na nilalakasan din ang loob para suportahan siya sa kanyang gustong sabihin.
"Ako rin... ni-rape niya rin ako pre... ginahasa niya ako nang paulit-ulit at nang paulit-ulit." sa bawat salita ni Roland ay dama ko ang paghihinagpis at nagpupuyos na pagsumpa sa lahat ng ginawa sa kanya.
"Ginahasa niya ako pre. Ginahasa niya ako!" sumbong ni Roland na parang paslit sa kanyang kabigan. Dito na humagulgol si Roland.
Sa narinig ay natigilan si Nathan at hindi makapaniwala sa maririnig mula rito. Lumapit ako kay Roland at tumabi sa kanya. Inalo ko ang kanyang likod dahil sobrang bigat ng kanyang paghinga dahil sa pag-iyak.
Gulong-gulo si Nathan sa narinig at tila ba nahihirapan siyang i-absorb ang lahat ng kanyang nalaman. Kahit si papa ay awang-awa kay Roland. Alam kong siya ang mas higit na nakakaintindi dito dahil parehas sila ng karanasan.
Pero mas nakakatakot ang naranasan ni Roland. Sobrang binaboy siya ni Lester at itinuring na mas masahol pa sa hayop. Sobrang tagal rin ng paghihirap nito kumpara kay Papa dahil lagpas taon siya nitong ginahasa.
Ang saklap ng nangyari sa kanya, lalo pa at tinira siya nito na nagpababa ng tingin niya sa sarili. Pakiramdam niya ay nabawasan ang pagkalalaki niya dahil sa panggagahasa na ginawa sa kanya.
"Jessie... pre..." sambit nito na parang naghi-hysterical.
"'Wag kang matakot... nandito kami... kasama mo kami. Hindi ka nag-iisa." pagbibigay ko ng katiyakan sa kanya at pagpapakalma.
Nang kumalma na si Roland ay saka ito nagsalita at isiniwalat ang mga kahayupang nagawa sa kanya. Katulad ni papa ay lakas loob niyang sinabi ang lahat. Kahit ang mga labis na pang-aabuso ay hindi na siya nag-alinlangan pa.
Mula sa iniuutos sa kanya na makipagtalik sa iba't ibang hayop. Hanggang sa pagkana sa kanya ng isang beses at pakikipagtalik niya sa magkapatid. Sinabi niya ito habang umiiyak at humahagulgol. Dahilan kaya sa katagalan ay napaluha na rin si Nathan.
"Hayop siya! Napakahayop niya!" sigaw ni Roland na napakuyom sa galit ang kamao.
"Putang ina... putang ina talaga. Hindi ko hahayaang hindi niya mapagbayaran ang ginawa niya sa inyo. Ilalaban natin 'to. Ipapakulong natin habambuhay ang putang inang gagong yun!" naninigas ang panga na saad ni Nathan.
Punong-puno ng mabigat na awra ang bahay. Sisiguraduhin namin na magdudusa siya sa kulungan.
Nang medyo gumaan-gaan na ang nararamdaman ni Roland ay kaswal silang bumalik sa pag-iinom. Pilit na pinapagaan ni papa at Nathan ang nararamdaman ni Roland. Sa kalaunan ay ngumiti na rin ito. Pero halata pa rin ang sakit at pighati sa mukha na hindi maitatanggi. Hanggang sa magsalita na siya.
"Maghahain din ako ng kaso tito at idedemanda ko si Lester. Panahon na para matuldukan ang lahat ng mga kahayupan niya." nagpupuyos niyang sagot kay papa.
"'Wag kang mag-alala Roland. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Kasama mo kami." sagot naman ng aking ama.
"Tama si tito pre. Hindi ka nag-iisa. Nandito rin ako para sa inyo. Kung kailangan niyo ng tulong ay tawagan niyo lang ako anytime. Pagtutulungan natin siya para mapabagsak natin ng mabilisan." si Nathan.
"Kung gaano kataas ang lipad niya ay siya ring lakas ng kanyang lagapak sa lupa kapag bumagsak na siya. Nasa panig natin ang hustisya. Hindi ko hahayaang may maabuso pa siya. Hinding-hindi ako papayag!" sagot ko naman na galit na galit.
Inakbayan ako ni papa at tinapik-tapik ang aking balikat para kumalma.
"Bukas ay wala na siyang kawala... hindi na siya makakatakas pa." sagot naman ni papa.
Nang matapos na ang inuman at naubos na nila ang lahat ng beer ay hindi na hinayaan ni papa na umuwi pa sila lalo at nakainom na. Pinatulog na lang niya ang dalawa sa bahay. Nakatulog kaagad ang dalawa sa bakante naming silid.
Habang ako naman ay abala sa paglilinis sa kalat ng tatlo. Habang nag-aayos ako ay medyo nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si papa sa aking likuran at niyakap ako habang nagliligpit. Akala ko kasi ay umakyat na siya sa itaas para magpahinga.
"Ako na ang magliligpit baby ko. Pahinga ka na sa itaas."
"Ako na. Ikaw ang magpahinga na at nakainom ka pa naman."
"Oy, ang thoughtful naman nitong baby ko." paglalambing nito at hinalik-halikan ang aking batok.
"Umakyat ka na nga dun. Maglilinis pa ako eh."
"Tulungan na nga lang kita." presenta niya.
Pumayag na lang din ako at mabilis naming natapos ang pagliligpit sa kanilang mga kalat. Sabay kaming pumanhik sa itaas at pumasok sa aming silid. Nang mahiga na kami sa kama at matutulog na ay sige sa pangangalabit ang mokong. Alam ko na ang gusto niya.
Hindi ko na lang pinansin at tumalikod ako sa kanya.
"Baby... sige na. Horny ako eh."
"Hoy! Tigil-tigilan mo 'ko Pa." saway ko.
"Napakalupit mo talaga." pagmamaktol nito na siya kong ikinatawa.
Hinarap ko siya at nakangiti siyang tiningnan.
"Napakahilig mo talaga Pa." at kinurot ko ang kanyang ilong na gigil na gigil.
"Sige na." pagpapa-cute nito.
"Hindi nga pwede. Sobrang ingay mo pa naman. Alam mo namang nasa kabila lang yung dalawa."
"Tang ina naman, pauwiin na nga lang natin yang mga istorbo na yan! Ano, gisingin ko?" busangot nitong ani.
Natawa na lang ako sa kanyang sinabi.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising para ipaghanda ang tatlong ungas ng kanilang agahan. Naisipan kong magluto na lang ng tinola para pantanggal lasing. Habang kasalukuyan akong nagluluto ay may narinig akong mga yabag ng mga paa sa hagdan. May bumangon na sa isa sa kanila.
Paglingon ko ay hindi ko inaasahan ang aking masisilayan.
Si Nathan ito at pupungas-pungas pa at tulog na tulog pa ang diwa na pababa. Habang nakasuot lamang ng boxer briefs. Wala naman sa akin kung ganito ang suot niya dahil alam kong ganito talaga ang suot niya kapag natutulog. Ang problema lang kasi...
Sobrang tigas ng kanyang alaga na nakapaling sa kaliwa!
Nanlaki ang aking mga mata at napanganga. Mabilis akong tumalikod at bumalik na lang sa paghihiwa ng hilaw na papaya.
Diretso siyang nagtungo sa banyo. Naririnig ko pa ang lagaslas ng kanyang pag-ihi. Hindi ko na lang pinansin ito at nagkibit-balikat na lamang.
"Good morning!" sigaw niya sa aking likuran na siya kung ikinagulat.
"Ay kamote!" gulat kong sagot.
Nilingon ko siya at pinandilatan. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.
"Ang aga-aga nambwebwesit ka na ah?" at bumalik ako sa paghihiwa.
"Nag good morning nga. Hindi kita binubwesit. Ano ba yang niluluto mo tol?"
"Uhm... pagkain? Ano pa ba?"
"Napakapilosopo naman nito." pagmamaktol nito.
Yumuko siya at inamoy ang pinapakuluan kong manok kaya hindi naiwasang mapadikit ang kanyang matigas na pagkalalaki sa aking likod.
"Ang bango naman... mapaparami na naman ang rice ko nito. Hehe."
Sandali akong natigilan dahil damang-dama ko ang kanyang katigasan.
"Umalis ka nga d'yan!" sabay tulak ko sa kanya.
Medyo nagulat siya sa aking inasta.
"Ano bang problema mo tol? Para kang nireregla." kantiyaw niya sa akin.
"Magdamit ka nga... kabagin ka d'yan eh." saway ko.
"Oo na..." at natawa siyang bumalik sa taas.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Ito talagang mga kalalakihan. Hindi na nahiya magbalandra ng katawan. Ugh!
Kaagad din namang bumalik si Nathan sa ibaba na nakasuot na ng pantalon pero hindi na nag-abalang magsuot ng t-shirt.
"Magsuot ka ng t-shirt." utos ko na parang nanay na nakapamaywang.
"Eh... ang baho na ng t-shirt ko. Amoy alak eh." reklamo naman nito.
"Sige, antay ka na lang dito sa baba at kukuha ako ng damit sa kwarto." tumango-tango naman siya.
Mabilisan akong nagtungo sa taas at kumuha ng sando. Sandli ako tumigil habang naghahanap ako ng maisusuot ni Nathan ng napansin ko ang tulog na tulog na si papa. Tulog na tulog siya pero hindi ang kanyang alaga.
Mayabang itong gumagawa ng tent sa ilalim ng kumot. Napangiti na lang ako at lumapit sa kanya at humalik sa kanyang pisngi habang siya ay malakas na naghihilik. Pagbaba ko ay nakaupo na sa sala ang tukmol at nanonood ng tv.
"Oh, suotin mo! Hubad-hubad ka d'yan. 'Kala mo naman bold star." saway ko at binato siya ng sando.
Kaagad niya itong sinalo at tumawa lang.
Naupo na lang din ako at siya ay dinaluhan sa sofa at masaya kaming nag-usap habang nanonood. Sandali lang akong bumalik sa kusina para patayin ang gasul dahil naluto na ang ulam at kaagad din namang bumalik.
"Tol, pwede favor?" sabay singit kong tanong habang nag-uusap kami.
"Ano yun?"
Sandali akong natahimik at naglakas-loob na sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin at pakiusap. Sinabi ko sa kanya na kung pwede bang idaanan na lang niya ko sa isang restaurant pag-uwi niya.
"Oo naman, kala ko ano. What time?"
"Kailan ka ba uuwi?"
"Depende, anong oras ka ba aalis?"
"Mga hapon pa, mga alas singko."
"Oh sige, wala namang problema eh. Mamayang hapon na lang ako uuwi. Mas mabuti nga at makikikain na lang ako dito. Libre foods." kwela niyang sagot.
Ngumiti na lang ako.
Nang magising na ang ibang tulog ay sabay-sabay kaming kumaing lahat. Habang pinagkwekwentuhan ang mga bagay-bagay, lalo na sa surpresang paghuli ng mga pulis kay Lester ngayong araw.
Naunang umuwi si Roland sakay ang kanyang motor. Habang si Nathan naman ay nagpaiwan muna sa bahay. Feel at home na rin kasi ang mokong at parang bahay niya na rin ito. Welcome na welcome siya palagi rito kung tutuusin.
Kinahapunan ay nagpaalam ako kay papa na aalis na muna at may bibilhin sa siyudad. Pumayag naman siya. Ang hindi niya alam ay lihim akong pupunta sa restaurant na pinag-usapan nila papa at Lester dahil gusto kong makita kung paano siya huhulihin ng mga pulis.
Nakaalis kami ni Nathan sa bahay sakay ang kanyang kotse at inihatid niya ako sa restaurant ng walang kaalam-alam. Paglabas ko sa sasakyan ay saka naman biglang labas ni Nathan.
"Oy teka, sandali tol." sabay hila nito sa aking braso.
Natigilan ako.
"'Di ba... ito yung restaurant na sinabi ni tito kung saan sila magkikita?"
"Uhmnn... uh..." nauutal ako at hindi makapagsalita ng maayos.
"Tol, uwi na tayo. Kabilin-bilinan ni tito na hayaan na natin ang mga pulis." seryoso niyang sagot. "Alam ko na may gagawin ka... kilala kita tol." pagpapatuloy pa niya.
"Oo na! Oo na! Gusto ko lang namang makita kung paano siya huhulihin eh!"
"Talaga ba? Baka gusto mo lang bugbugin yun bago tuluyang hulihin ng mga pulis?"
Tumpak!
Yun naman talaga ang gusto kong gawin kaya nagpunta ako rito. Bago pa man mahuli ng pulis si Lester ay gusto ko itong suntukin at bugbugin na muna. Pero syempre mag-iingat ako. Saka na ako susugod kapag naposasan na siya para libre ang punching bag.
"Tol, mas malaki yung hayop na yun sa'yo. Ang liit-liit mo kumpara dun. Ang tangkad kaya nun. Tol, hayaan na natin ang mga pulis. Kapag nalaman 'to ni tito na kinonsinte lang kita ay sigurado akong papatayin ako nun." litanya niya.
Hindi ko napigilang mapasimangot.
"Bahala ka nga d'yan! Ah basta, papasok ako loob." pinal kong sagot.
Mabilis ko siyang tinalikuran subalit kaagad niya akong hinila. Pinipigilan niya ako. Kaya sa kalaunan. Para kaming mga tanga kasi pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan dahil para kaming mga bata kung tignan.
"Tama na sabi eh! Ihahatid na lang kita pauwi!"
"Grr! Bahala ka d'yan!" at mas nagpumilit pa akong makapasok habang hinihila niya naman ako.
Hanggang sa bigla siyang nagsalita.
"Oo na! Sige na... pero sasamahan kita."
Kaya sa huli ay nakapasok kami sa restaurant. Sa may sulok na table kami umupo at tahimik na nagbantay kung kailan darating si Lester. Nag-order na rin kami ng inumin habang naghihintay.
Hanggang sa dumating na nga siya.
Hindi ko napigilan ang magalit ng makita ko na ang hayop na simpleng naupo at naghihintay. Kahit si Nathan ay galit na galit din. Hindi niya napigilang mapakuyom ang kanyang kamao. Alam kong nagpipigil din siya.
"Tol, cr na muna ako." tumango naman ako.
Nagtatago ako sa sulok para hindi ako makita at mapansin ni Lester. Subalit ng may dumaang babae na hindi napansin na nahulog ang kanyang pitaka. Dito na niya ako napansin kasi dali-dali kong pinulot ang wallet ng babae at isinauli ito sa kanya.
"Jessie?" saad niya.
Patay!
Ang ending ay napaupo na lang ako sa kanyang table at asiwa akong nakipag-usap sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na nakangiti pero parang hindi mapakali.
"Kakain. Ikaw, anong ginagawa mo rito?"
"Uhmn... kakain din." saad niya at pilit na ngumiti. "Sandali lang huh? May tatawagan lang ako." at mabilis siyang umalis at nagtungo sa labas.
Alam ko na si papa ang tatawagan niya. Sino pa ba?
Kaagad siyang bumalik at naupo sa lamesa.
"May kikitain ka dito?" simple kong tanong.
"Uhm... sort of..." sagot nito sabay tumikhim.
Tang ina mo kang hayop ka! Mamatay ka na!
"Ganun ba?"
Tumango-tango siya.
Asan na ba yung si Nathan? Ang tagal! Baka tumatae pa yung mokong na yun. Baka hindi na ako makapagpigil dito at baka masuntok ko 'tong animal na 'to!
Kaswal kaming nag-usap at sumasagot naman ako ng maayos. Hindi na ako mapakali at nahihirapan akong kumalma. Talagang gusto ko ng magwala at bugbugin siya. Dumating ang isang waiter at dinala ang kanyang inumin at mga pagkain.
"Wait, pakikuha na rin siya ng food at drink. Ano gusto mo Jessie?"
"'Wag na... ice tea na lang."
Kaya ito lang din ang kanyang iniutos.
"Kamusta na? Ang tagal nating hindi nagkita ah?"
"Okay lang..." tipid kong sagot.
Tumango-tango siya.
"By the way, kamusta na si Dad— I mean si Kuya Wiliiam?" para siyang kinabahan sa pagkakadulas niya.
Hindi ko na talaga mapigilan pa ang aking sarili. Kumukulo na talaga ang dugo ko dahil sa garapalan at harapan nitong tawag na "Daddy" kay papa. Talagang mapapatay ko itong hayop na 'to.
"Si Papa? Okay naman siya. Natanong mo? Eh 'di ba kayo yung magkatrabaho?"
Napangiti siya.
"Iba na kasi ang manager niya since may ginawa kaming reshuffling. So hindi na siya directly nagre-report sa akin."
"Ah... okay."
Dumating na ang ice tea at napasimsim ako ng konti.
"Asan na yung kasama mo? Hindi pa yata nakakabalik?" usisa nito.
"Ewan ko dun."
"Dito na lang kayo sa table ko. Para marami tayo." paanyaya niya
"'Wag na, mahiyain ang kasama ko at hindi mahilig makihalubilo sa iba." ang nasabi ko na lang.
Napatang-tango siya.
"Nga pala, asan na yung kikitain mo? Parang hindi ka yata sisiputin nun?" sarkastiko kong pagpapatuloy.
"Darating siya, Pero matatagalan daw. Kaya hindi ko na lang pinatuloy. Something came up kasi."
"Ganun? Okay."
Hindi mo pinatuloy kasi nandito ako? Ulol!
"Sino ba yung kikitain mo sana? Work related ba 'to?" tanong ko kunwari.
"Uhm ano... yung lover ko." at matamis siyang ngumiti.
Sa kanyang inasta ay halos sumabog ako sa sobrang galit at hindi maipipintang pagkamuhi. Parang gusto ko ng balatan siya ng buhay at pakuluan sa kumukulong kawali.
"Lover? May syota ka pala?" sarkastiko kong tanong pero nakakuyom na ang kamao sa ilalim ng lamesa. Ilang sandali na lang ay talagang mapipigtas na ang tali ng aking pasensya. Kaunti na lang talaga.
"Oo, may syota ako. Actually, bago pa lang kami nitong lover ko eh. Hindi pa masyadong matagal. So, magkikita sana kami ngayon. Pero sa susunod na lang." saad niyang ngiting-ngiti pa.
Kinilabutan ako sa narinig. Kinakain siya ng sarili niyang delusyon na mahal siya ni papa. Ang kapal ng mukha niya!
Sa kanyang sinabi ay nawala na ako sa sariling disposisyon at tuluyan ng sumabog sa sobrang galit. Parang utot, kung mas matagal mong pinipigilan. Mas lalong malakas ang tunog.
"Aaah... lover? Sa pagkakaalam ko ay hindi ka naman niya mahal. Ang kapal mo namang tawagin siyang lover." tiim-bagang kong ani na kanyang ikinatigil.
Sa bawat salita na aking sinabi ay dama ang bawat diin kahit na mahina lang.
"W-what are you saying J-Jessie? What are you mumbling about?!" litong-lito niyang sagot sa akin at hindi maipinta ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"Lover? Kailan ka naman minahal ni Papa? Pinilit mo lang siyang hayop ka! Pinagsamantalahan mo siyang putang ina ka! Ang kapal ng apog mong sabihin sa mukha ko na lover mo siya. Eh hindi ka niya matiis at sukang-suka siya sa mga kababuyan mong putang ina ka! Kahit kailan man ay hindi ka niya mamahalin! Salot kang bakla ka! Rapist! Rapist ka!" sigaw ko na dumagundong sa loob ng restaurant.
Nanigas siya at bumakas ang ibayong gulat ng sumabog sa kanyang mukha ang mga rebelasyong hinataw ko sa kanyang mukha.
"Now, did I mumble... Lester?" at sarkastiko akong ngumiti.
Tumayo ako at lakas-loob kong tinawag ang lahat ng taong natigilan at napatunganga sa narinig. Tumayo ako at lakas-loob na nagsalita para marinig ng lahat na kumakain.
"Ladies and gentlemen... gusto ko lang sabihin sa lahat ng naririto na mag-iingat po kayong lahat, lalo na kapag lalaki. Isa pong serial rapist itong baklang nasa harap ko! Ginahasa niya po ang kaibigan ko at ang pinakamahalagang lalaki sa aking buhay. Ang aking Papa! Ni-rape niya sila gamit ang pangba-blackmail. Tinakot sila at wala silang—"
"Shut up Jessie!!! Shut up! 'Wag kayong maniwala sa kanya. He's lying! He is a—"
"TUMAHIMIK KA!!! Sa dami ng pinagsamantalahan mo, nakuha mo pang gawin akong sinungaling? Ang kapal naman ng apog mong bakla ka!"
"No! You're lying! He is lying! 'Wag kayong maniwala sa kanya. Nag-iiskandalo lang siya!" ang nasabi niyang sindak na sindak at nagpalinga-linga sa mga tao.
"Ako sinungaling? Sabihin mo yan kay Roland na ginahasa mo nang paulit-ulit ng walang awa! Sabihin mo yan sa mga biktima mong pinagsamantalahan mo at tinakot na sisirain ang pamilya kung magsasalita. Mas masahol ka pa sa demonyo bakla ka! Baklang rapist!"
Tumayo na rin siya at akmang susugod na sana ng bigla kong kinuha ang aking iced tea at isinaboy sa kanyang mukha dahilan para matigilan siya. Mabilis siyang napahawak sa kanyang mga mata dahil sa hapdi. Buti na lang may halong freshly squeezed kalamansi ang inumin.
"Ayan! Para mahimasmasan ka sa mga delusyon mo! Animal ka na nga, demonyo ka pa... ano to combo?"
"Fuck you! Liar... liar!" pagwawala niya habang nakahawak sa kanyang mga mata.
Mabilis ko siyang sinampal nang pagkalakas-lakas kaya nawalan siya ng balanse. Matutumba na sana siya subalit napahawak siya sa upuan. Hindi pa ako nakontento at kinuha ko pa ang sawsawan niya na may halong sili.
"Bakla! Tinitingnan ka ni Papa! Tingnan mo!"
Iminulat niya ang kanyang mga mata kaya naman ito na ang pagkakataon ko. Mabilisan kong isinaboy ang maanghang na sauce sa kanyang mata kaya napasigaw siya sa sobrang hapdi.
"AAAAAAARGGGHHHH!!! HELP! HELP! HELP! HELP!" sigaw niya.
Naniwala din naman ang gaga. Tanga ka ghorl?
"Mahapdi ba? Siguradong mas mahapdi yan kaysa naranasan ng kapatid mong haliparot na si Lara! Ano, masakit ba sa mata?! Tang ina ka! Buti na lang at iced tea ang inorder ko! Kasi kung wine, baka mahihiya si Cherie Gil sa akin!"
"FUCK YOU JESSIE!"
Sa hindi ko inaasahan ay mabilis niyang nahablot ang kutsilyo na nasa lamesa, na ginamit niyang panghiwa sa kanyang steak. Kahit na hindi siya nakakakita ay iwinasiwas niya ito sa akin. Mabilis akong nakaatras subalit natamaan pa rin ang aking braso kaya naman nasugatan ako at mabilis na dumaloy ang maraming dugo.
Naghiyawan ang mga tao sa pangyayari.
"Tang ina ka Lester!"
Kaagad ko siyang sinuntok sa mukha at mabilis siyang natumba sa sahig. Nabitawan niya ang kutsilyo kaya naman dinambahan ko siya agad at naupo sa kanyang tiyan. Walang habas ko siyang pinagsusuntok at mabilis siyang nahilo.
Hindi pa ako nakontento at sinampal-sampal ko pa siya sa mukha.
Pero mabilis na nakaresponde ang dalawang security guards at hinila ako pakaladkad para mailayo sa kanya. Nagwala ako at nanlaban.
"Anong ginagawa niyo sa kanya?!"
Napatingin ako sa direksyon kung saan ito nanggagaling at nakita ko na si Nathan. Gulat na gulat siya at mabilis na tumakbo sa akin at itinulak ang mga security guards. Kaya binitawan nila ako.
"Tol, okay ka lang ba? Bakit ka nila—" bigla na lang siyang natigilan ng makita niya ang dugong dumadaloy sa aking braso.
Kaagad na bumakas ang sobrang galit sa kanyang mukha. Dito lang niya napansin ang pabangon na sanang si Lester. Subalit bago pa man ito makabangon ay mabilis na niyang inambangan ito ng suntok.
Mabilis siyang hinila ng mga security guards dahil labis siyang nagwala.
Nagwawala siya kaya naman siya naman ngayon ang pinipigilan. Pinagsisipa pa niya si Lester sa tagiliran bago ito mailayo sa kanya ng tuluyan. Subalit nahihirapan silang pigilan ito dahil na rin sa laki nitong tao.
Natatakot ako at baka mapatay niya si Lester sa sobrang galit. Kaya naman tumulong na rin ako sa pag-awat sa kanya. Nang mailayo na namin siya ay saka ko narinig ang paghagulgol ni Lester at ang pag-iyak nito na nagwawala.
"Gago kang hayop ka! Sinaktan mo pa 'tong tropa ko! Mamatay ka na!" sigaw ni Nathan.
Bigla na lang akong nagulat ng may pumasok na mga pulis sa restaurant. Ito na ang hudyat na huhulihin na nila si Lester. Pero ang mas labis na ikinagulat ko ay kasama nila si papa.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya kaming dalawa ni Nathan. Nang mapansin niyang may dugo ang aking braso ay tarantang-taranta siyang napatakbo sa akin.
"Anong nangyari? Bakit dumudugo yang kamay mo? Nathan, anong nangyari sa kanya?!"
"Nagalusan po ng kutsilyo ni Lester Pa." nakayuko kong pag-amin.
Wala na akong narinig pa at napayuko na lang ako dahil na rin sa nangyari. Nagmatigas ako at hindi sinunod ang kanyang utos kaya ito ang nangyari sa akin.
"Sir!" ang narinig ko na lang na sigaw.
Paglingon ko ay kitang-kita ng mga mata ko ang nakakatakot na pangyayari.
Nakabitin sa ere si Lester habang sinasakal ni papa. Nahintakutan ako sa aking nakita. Hindi ako nakagalaw at nanigas ang aking katawan sa sobrang takot. Parang nanumbalik lahat sa akin ang takot na naranasan ko mula kay papa dati.
Hindi ko malilimutan kung paano siya magalit noon. Ang matang nanlilisik na para bang mas mabangis pa sa anumang hayop na nakita ko ay muli kong nasilayan. Ang papang kinatatakutan ko ay nanumbalik. O baka mas humigit pa siya sa dati.
Iba ang galit na nag-aapoy sa kanyang mga mata. Ibang-iba ito. Ngayon ko lang siyang nakita na ganito kagalit sa buong buhay ko.
"Sir tama na! Tama na!" sigaw ng mga pulis at pinigilan siya.
Pero hindi nila kaya si papa. Gamit lang ang isang kamay ay sinakal niya si Lester sa ere at sinuntok ng sobrang lakas ng walang habas. Pinigilan siya ng mga pulis at ng mga security guards. Pero sa isang tulak lang ng isa niyang kamay ay kaagad na napasubsob sila.
Nang muli nilang pinigilan si papa ay pinagbabalibag na niya ang mga ito. Kaya naman hindi kaagad nakagalaw ang mga pulis at security guards dahil sa natamo. Masakit ang kanilang katawan.
Parang basurang pinulot niya si Lester sa sahig ng walang kahirap-hirap at bumalik siya sa pagsuntok dito habang sakal pa rin gamit lang ang isang kamay. Sa sobrang lakas ng suntok ay natanggal pa ang dalawang ngipin nito.
Masyado itong brutal at nanlambot ang aking mga tuhod sa aking mga nakikita.
"D-daddy s-stop... d-dad..." ani ni Lester na hindi halos makapagsalita sa higpit ng pagsakal niya rito.
Unti-unting tumirik ang mga mata nito at kinakapos na ng hininga.
"Tol! Pigilan natin si tito! Makakapatay siya!" singhal ni Nathan sa akin.
Dito lang nanumbalik ako sa aking sarili. Kaagad na tumakbo si Nathan kay papa para pigilan ito. Subalit kahit siya ay walang nagawa ng pati siya ay binalibag nito.
"Pa! Tama na! Tama na!"
Tumakbo ako sa kanya at niyugyog ko siya. Pero parang wala siyang naririnig. Bagkus, dalawang kamay na ang ginamit niya para sakalin si Lester.
"Papa tama na! Tama na Pa!" sigaw ko sa kanya at sinusuntok na siya sa kanyang dibdib.
Pero hindi pa rin siya nakikinig. Napahagulgol ako sa iyak at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sumubsob ako sa kanyang dibdib at nagmamakaawa na tumigil na siya.
"Pa... para mo ng awa... please... tama na Pa... tama na..."
Narinig ko na lang ang pagbagsak ng katawan ni Lester sa sahig. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na lang ang mga braso na ikinukulong ako. Niyakap ako ni papa ng sobrang higpit na nanginginig pa.
"Sorry Jessie... hindi kita naprotektahan..." ang nasabi na lang niya na garalgal ang boses at nagpupuyos sa sobrang galit.
"Tama na... tama na..." humahagulgol kong sagot.
Saka pa lang gumalaw ang mga pulis at hinuli si Lester ng tumigil na si papa sa pagwawala.
"Ikaw ay inaaresto sa salang rape. May karapatan kang hindi magsalita. Anumang sabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo sa lahat ng Korte sa Pilipinas. May karapatan kang pumili ng sarili mong abogadong may kakayahan at malaya. Kung hindi mo kayang bayaran ang serbisyo ng isang abogado, maglalaan ang gobyerno ng isa para sa iyo. Naiintindihan mo ba ang mga karapatang ito?" ang nasabi ng pulis habang hinuhuli na siya.
Hindi ito nagsalita. Umiyak lang ito nang umiyak na parang wala na sa tamang kaisipan.
DUMAAN ang ilang buwan at nagbago na ang lahat. Kasalukuyan naming nililitis ang kaso tungkol sa panggagahasa ni Lester sa aking ama. Pati si Roland ay kasama namin at ang ibang naglakas-loob na lumaban para sa kanilang mga karapatan para makamtan ang hustisya.
Dahil na rin kasalukuyang nililitis ang kaso ay natatakot si papa sa aming seguridad. Nakiusap siya kay Nathan na pansamantala ay makitira na lang muna kami sa kanyang condo. Walang pag-aatubili at pumayag naman si Nathan.
Sa ilang buwan ay hindi ako nakalabas ng condo unit. Hindi pumayag si papa na lalabas pa ako ng condo kaya hindi na rin ako nakapagtrabaho. Tanging si papa lang ang nakakalabas dahil siya ang nagtratrabaho para sa amin. Kahit na natatakot ako ay wala akong nagawa sa gusto ni papa, lalo pa at siya ang nasusunod sa mga desisyon.
Si Nathan at Roland ang palagi kong kasama sa condo kapag wala siya.
"Bukas ay magdidinig na naman tayo sa kaso." si Roland.
"Oo, konting tiis na lang pre. Makakamit din natin ang hustisya." sagot ko.
Nasa sala kami habang nanonood ng palabas sa tv.
"Magtiwala lang tayo. Nasa panig natin ang batas. Pero Jessie, bawal lumabas!" saad naman ni Nathan na nagpapatawa.
Hindi namin napigilan ni Roland na mapangiti.
Kinabukasan ay maaga kaming nagpunta sa court room at nagsimula na naman ang isang paglilitis sa kaso na aming isinampa. Kasama ang mga biktima na nagahasa at ang kani-kanilang pamilya na sumusuporta.
Nang sumalang si Roland at nagsimula ang tanong sa kanya sa korte ay hindi ko napigilang maging emosyonal, lalo na ang kanyang ina at mga nakababatang kapatid.
"Ginahasa niya po ako nang paulit-ulit. Kahit saan at kahit kailan ay kailangan ko po siyang sundin. Kapag nagmatigas kasi ako ay ikakalat niya po yung video ko. Ang mas nakakatakot pa ay pinagbabantaan niya ang aking pamilya. Ayokong saktan niya ang pamilya ko. Tatanggapin ko po ang lahat 'wag lang niyang saktan si mama at ang mga kapatid ko." sandali siyang tumigil at lumingon sa direksyon kung nasaan naroon ang kanyang ina at mga kapatid.
Hindi niya napigilang maluha ng nakitang humahagulgol ang kanyang mga kapatid sa pagluha, lalong-lalo na ang kanyang ina.
"Hayop po siya! Rapist po siya! Kahit ano ang pinaggagawa niya sa akin. Inuutusan niya pa nga akong makipagtalik sa mga hayop habang kinukunan niya ako ng video. Isa po siyang sadista! Demonyo siya! Demonyo siya! Hayop... hayop siya!" hindi na napigilan ni Roland ang humagulgol dahil sa pagpupuyos ng kanyang damdamin.
Para na itong naghi-hysterical at hindi makalma ang kanyang sarili. Hindi napigilan ng iba naming mga kasama ang mapasigaw sa galit kay Lester.
"Rapist ka! Ang baboy mo!"
"Mas masahol ka pa sa hayop!"
Dahil nagsisimula na ang kaguluhan ay nagpakita ng otoridad ang judge.
"Order in the court!" sabay hampas ng kanyang gavel.
Natahimik ang mga tao at kumalma sa kanilang pagwawala.
Nang lingunin ko si Lester ay kinilabutan ako. Nagawa pa niyang mapangiti at parang wala lang sa kanya ang lahat. Bumulong pa siya sa kanyang abogado at para bang natatawa siya sa kung anuman ang kanyang sinabi.
Hindi ko napigilang mapakuyom sa sobrang galit. Wala man lang siyang nararamdamang pagsisisi at talagang halang na ang kanyang kaluluwa. Wala akong nakikitang konsensya sa kanyang mga mata.
Nagsunod-sunod pa ang mga tinanong na mga biktima. Hanggang si papa na nga ang sumalang.
"Paano ka niya pinagsamantalahan William?" tanong ng lawyer sa kanya.
"Sa kahit anong paraan po na gusto niya. Pinipilit niya po akong makipagtalik sa kanya. Sinusubo niya po ang ari ko at pinipilit niya pong ipasok ko ang ari ko sa kanyang pwet. Pero dahil lumalaban ako ay itinatali niya ako. Sinasadista at sinasaktan kapag hindi niya nagugustuhan ang sagot ko kapag tinatanong niya ako ng mga kalaswaan." diretsahang sagot ni papa.
Sisingit pa sana ang lawyer sa kabila, subalit hinayaan ng judge na magpatuloy ang pagtatanong kay papa.
"May relasyon ba kayong dalawa?"
"Wala po! Hinding-hindi po ako papatol sa kanya! Nakakasuka at hindi ko siya masikmura! Nakikita ko pa lang ang mukha niya ay parang gusto ko ng suntukin ito dahil sa sobrang inis at galit ko sa kanya. Siya lang naman itong habol nang habol sa akin eh. Nananaginip siya ng gising na gusto ko rin siya. Naniniwala siya sa panaginip niyang may pagtingin din ako sa kanya kahit na wala! Walang-wala! Hindi ko po siya magugustuhan kailanman. Mas mabuting mag-isa na lang ako sa buhay kung sa kanya lang din naman ako mapupunta." galit na saad ni papa.
"Wala siyang halaga sa akin at hinding-hindi siya magiging mahalaga sa buhay ko. Gusto ko na siyang burahin sa aking alaala dahil sa impyernong naranasan ko sa kanya."
Dito na nagbago ang mukha ni Lester. Noong si papa na ang nagsalita ay nagbago ang kanyang mukha. Parang naluluha na siya dahil sa sinabi ni papa sa kanya. Nalungkot siya at parang nanghina.
Kumukulo ang dugo ko sa galit. Nanaginip siya ng gising na mahal siya ng aking ama.
Nagpatuloy ang pagtatanong kay papa at lakas-loob niyang sinagot lahat ang mga itinatanong sa kanya. Hindi man lang siya natinag at ipinakita niya kung gaano siya katatag. Hanggang sa natapos na naman ang isang pagdinig sa araw na ito.
Lumipas pa ang mga araw at ang araw ay naging linggo at ang linggo ay naging mga buwan. Dumaan ang panahon hanggang sa dumating na ang araw na itinakda na siyang pinakahinihintay ng lahat. Ang araw ng paghuhusga.
Ang paniningil ng utang ay itinakda na.
Mabigat ang awra ng paligid at ramdam namin ang mataas na tensyon sa court room habang hinihintay ang hatol na ibibigay ng judge. Magkahawak kamay kami ni papa at ramdam ko ang ibayong kaba na hindi ko maintindihan. Sobrang bigat ng aking dibdib.
Napansin ito ni papa kaya pinawi niya ang aking mga pangamba ng halikan niya ako sa aking noo.
"'Wag kang mag-aalala. Mananalo tayo." at niyakap niya ako.
Hanggang sa maghahatol na nga ang judge sa kanyang desisyon. Dumagundong sa aming mga tenga ang kanyang sinabi ng inihatol na niya ang hukom.
"...guilty beyond reasonable doubt."
Ang narinig naming lahat.
Naghiyawan at nag-iyakan ang mga pamilya ng mga naging biktima. Convicted si Lester sa patong-patong na salang rape at ang iba pang kaso na isinampa laban sa kanya. Nagyakapan kami ni papa at hindi ko napigilang maluha sa sobrang saya. Panalo kami. Ang hustisya ang nanaig sa huli.
"The Court is adjourned." ani ng judge at pinokpok ang kanyang gavel.
Tapos na ang kaso. Matatapos na rin ang gulong ito.
Ang kulungan na ang magiging huling hantungan niya. Siguradong dito na siya mamamatay dahil sa taas ng mga taong kailangan niyang mapagbayaran dahil sa kanyang mga ginawang kasalanan.
"NOOO!!! I'm innocent, sinungaling sila! Sinungaling sila!" pagwawala niya habang dinadala palabas sa court room at nakaposas pa ang mga kamay.
Habang tuwang-tuwa kami ay nagulat akong bigla ng biglang may lumapit sa akin. Si manang ito. Ang kasambahay nila Lester. Umiiyak ito at humihingi ng tawad sa akin dahil hindi niya raw napalaki ng maayos ang alaga.
"Manang wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan kung nagkaganyan man siya. Pinili niyang maging masama. Wala kang kasalanan dun."
Napayakap ako sa kanya at sobra akong nahabag sa matanda. Para na rin kasing anak ang turing niya rito kaya masakit para sa kanya ang nangyayari.
Parang siya nga lang ang may pakialam kay Lester kasi siya lang ang dumadalo sa mga pagdinig nito ng ilang buwan kasama ang mangilan-ngilan na mga kaibigan nito. Kahit ang kapatid nitong si Lara at pati ang kanyang mga magulang ay hindi man lang nagpakita ng suporta sa kanya.
Si manang lang talaga ang nand'yan para sa lahat ng kanyang mga pinagdaanan. Sandali kaming nagkausap at matapos nito ay umalis na rin siya para puntahan si Lester. Kahit na sobrang sama nito ay hindi niya ito maiwanan, lalo pa at siya na lang ang natatangi nitong kakampi.
Nang makauwi na kami sa condo ni Nathan ay nagsaya kaming tatlo. Si papa, ako at si Nathan. Nagsasaya rin kasi ang ibang mga biktima kasama ang mga pamilya nila. Habang si Roland naman ay nasa kanyang pamilya at nagsasaya rin.
Maraming inorder na pagkain si Nathan at talagang kahit kami lang tatlo ay sobrang saya namin. Hindi mapagsidlan ang nag-uumapaw na tuwa.
Nang gumabi na at natapos na ang selebrasyon ay masaya kaming natulog na dala ang kaginhawaan at mga ngiti sa aming mga labi. Magkatabi kaming nahiga ni papa sa kama habang si Nathan naman ay natulog na sa kanyang silid.
"Baby ko, sa wakas, natapos na rin ang lahat." nakangiti niyang wika.
"Oo nga Pa... sa wakas, nakakulong na rin siya."
Hinarap niya ako at tumagilid ng higa.
"Jessie... baby ko. Ngayon at natapos na rin ang gulong ito. Sasama ka ba sa akin na lumayo dito at doon na lang manirahan sa probinsya? May nakontak na ako, may ibinibentang bahay doon sa dating lugar kung saan ako lumaki. Medyo liblib ang lugar na yun kaya medyo malayo sa maraming tao. Pero pwede tayong manirahan doon ng tahimik. Sasama ka ba sa akin?" seryoso niyang tanong sa akin. Napangiti ako sa kanya.
"Sinabi ko na dati pa na sasama ako sa'yo Pa. Kahit saan ka man magpunta ay sasama ako."
Matamis siyang napangiti sa akin at ginawaran ako ng halik sa aking mga labi.
NATAPOS na ang kaguluhan at napagpasyahan naming magpakalayo-layo ni papa. Binenta namin ang bahay at lupa namin at ang ilang kagamitan namin para magkaroon ng pera para kami ay makapagsimulang muli.
Maayos kaming nagpaalam sa aming mga kakilala lalo na kina Roland at Nathan. Kapag nagkaroon ng pagkakataon ay bibisita naman daw sila. Lalo na si Nathan. Gusto niyang bumisita sa amin ng palagian.
Sakay ang barko ay bumalik kami ni papa sa kanyang bayan kung saan siya lumaki. Nakapag-arkila kami ng jeep na pagmamay-ari ng kababata niyang si Uncle Solomon na pabalik din sa kanilang probinsya. Dito namin isinakay ang iilang mga gamit namin pati ang kanyang motor.
Sobrang tagal na itong kakilala ni papa, kasama niya kasi itong lumaki noon. Kababata niya si Uncle Solomon at matalik na kaibigan. Tatlo silang magbabarkada at ang isa ay nasa probinsya din nila na nagtratrabaho bilang isang doktor.
Matagal ng kasama ni papa sa inuman ang matalik na kaibigan na si Uncle Solomon ng mapadpad ito ng Maynila. Ito rin mismo ang nagbalita sa kanya na may bahay at lupang ibinibenta sa murang halaga sa kanilang probinsya. Kasama na ang dalawang ektaryang palayan na katabi lang nito.
Kaya hindi na nag-atubili si papa at binili na niya agad ito gamit ang perang naipon at pera na mula sa aming kinita sa pagbenta namin sa lupa at bahay.
Sa totoo lang ay gwapo rin itong si Uncle Solomon. Matangkad tapos maganda ang katawan. Moreno at talagang mapapalingon ka talaga kapag nakita mo. Pero mas pogi pa rin si papa para sa akin. Para sa akin panis si Uncle Solomon sa kanya. Hehe.
Syempre si papa ang the best among the rest!
Nang makarating kami ng Bohol ay hindi ko napigilang mapangiti habang pababa na ang jeep mula sa barko. Hindi ko alam kung saan kami tutungo at saan kami hihinto. Kaya nilbang ko na lang ang sarili ko sa kakatanaw ng mga tanawin na nadadaanan namin.
Halos tatlong oras na at walang tigilan ang byahe pero hindi pa rin kami nakakaabot sa kanilang bayan. Sandali lang kaming tumigil upang mananghalian at pagakatapos nito ay byahe na naman.
"Pre sandali!" sigaw ni papa.
Sandali namang tumigil ang jeep. Nakasakay kami ni papa sa may dulo ng likod ng jeep para mabantayan ang mga gamit. Baka kasi may mahulog.
"May problema ba pre?" tanong naman ng kumpare ni papa na nagmamaneho ng jeep.
"Wala naman. Sandali lang, gusto ko lang tignan yung dating bahay namin." tumango-tango naman ito sa kanya.
"Baby ko, d'yan ang bahay namin ng nanay ko dati. D'yan ako lumaki." sabay turo niya sa isang bahay na nasa gilid ng kalsada. May naglalarong mga bata sa bakuran at nagkakatuwaan.
Napatingin ako sa kanyang mukha at pansin ko na medyo malungkot siya. Naaalala niya siguro ang mga panahon na kasama pa niya ang kanyang ina.
"Nag-iba na yung bahay, napalitan na ng bago." panghihinayang niya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay kaya napangiti siyang lumingon sa akin.
"D'yan nga pala ang bahay niyo dati pre." sabat naman ng kumpare ni papa.
"Oo pre, siya nga pala. Dun pa rin ba kayo nakatira sa dati niyong bahay?"
"Hindi na pre... binenta na yun nila inay eh. Pero ang maganda magiging kapitbahay na tayo. Kaso sobrang layo pa rin ng agwat ng bahay natin." natawa silang dalawa.
Nagpatuloy kami sa aming byahe. Hanggang sa lumipas pa ang isang oras ay lumiko kami ng daanan papasok sa lubak-lubak na daan. Parang papunta kami sa isang liblib na lugar. Hanggang sa muli na namang naging semento ang daan at narating namin ang isang maliit na nayon.
"D'yan pre! D'yan ang bahay namin!" sabay turo ni Unlce Solomon sa isang bahay na malapit lang sa gilid ng kalsada.
Dinaanan lang namin ito at nagpatuloy. Tingin ko ay narakating na rin kami. Ilang minuto lang ay lumiko na naman kami sa isang daan at papasok sa isang mas libilib na daan. Hanggang sa marating na nga namin ang bahay at lupa na nabili ni papa.
Pasadya ang daan papasok sa aming bahay at wala ng ibang daanan pa. Nakatayo ang bahay na napapalibutan ng mga malalaking mga kahoy at mga prutasan. Habang sa may ibaba nito sa kaliwa ay ang malawak na palayan. Sumasayaw ang mga uhay ng palay sa bawat hampas ng hangin. Para itong dagat na nag-aalon.
Nilibot namin ang bahay at tiningnan ang buong paligid nito.
Sa likod naman ng bahay ay ang bakuran na medyo may kalakihan. Malinis at matigas ang lupa. Walang masyadong damo na tumutubo. Pero sa unahan nito ay may masukal na kakahuyan. May napansin lang ako na maliit na daanan at hindi ko alam kung saan ito patungo.
Sa kanan naman ay ang mga iba't ibang puno na nagsisitaasan. Ang maganda pa ay hindi masukal at hindi madamo.
Namangha ako sa ganda at sa sobrang tahimik ng lugar. Maririnig mo lang ang taghoy ng hangin at masasamyo mo ang preskong hangin na nakakapagpagaan ng iyong pakiramdam.
Sobrang liblib na ng lugar na ito. Parang malayo sa kabihasnan. Wala kaming ni isang kapitbahay. Tama nga ang sinabi ni Uncle Solomon na medyo malayo pa ang mga kapitbahay namin. Ewan ko ba kung matatawag pa ba silang kapitbahay dahil napakalayo nito sa amin.
Mabilis na ibinaba namin ang mga kagamitan sa jeep. Tutulong pa sana ang kumpare ni papa na ipasok ang mga gamit sa loob ng bahay. Subalit tumawag na ang kanyang asawa kaya napilitan na itong umuwi.
"Pre, pasensya na. Tumawag na si kumander. Kailangan ko na munang umuwi." si Uncle Solomon.
"Ano ka ba? Walang anuman pre. Sobrang salamat talaga sa tulong mo." sabay abot ni papa ng pera sa kanya na mariin naman niyang tinanggihan.
Kahit anong pilit ni papa ay hindi talaga ito tinatanggap ni Uncle Solomon. Sa huli ay hindi rin ito napilit at hindi talaga tinanggap ang perang inabot ni papa sa kanya.
"Sige pre, kung may kailangan kayo. Tawag ka lang sa akin."
"Salamat talaga pre."
Nang makaalis na ang kumpare ni papa ay sabay kaming napangiti habang nakatingin sa aming bahay.
"Ano, pasok muna tayo sa loob?" ani ni papa at inilahad ang kanyang kamay.
Malugod ko naman itong tinanggap at pumasok na kami sa loob.
Simula ngayon. Hawak kamay naming haharapin ang bawat araw na kapiling ang isa't isa. Malayo sa magulong buhay ng syudad. Dito ay tahimik kami. Tahimik na mamumuhay ng payapa at handang magsimula ng panibagong buhay. Panibagong buhay na masaya at magkahawak kamay.
Itutuloy...
Feel free to Follow my Blog and Comment !
Ciao! (。◕‿◕。)
No comments:
Post a Comment