Thursday, July 1, 2021

BSL - KABANATA 51

 


KABANATA 51 Malaking Pagbabago


Humahangos at humahagulgol. Hindi maipinta ang pagkagalit at hinagpis sa aking mukha. Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa labas ng covered court ng aming subdivision at ako lamang mag-isa sa madaling araw na ito. Walang taong mga naglalakad at tumatakbo para mag-ehersisyo.

Malamig ang hangin sa bukang-liwayway subalit hindi ko ito alintana sa tindi ng sakit na dinaranas ko ngayon. Kahit medyo makapal ang yamog ay hindi man lang ako nakaramdam ng lamig. Hindi kayang pakalmahin ng lamig ng hangin ang nagbabaga kong damdamin sa pagkamuhi at galit.

Sobrang bigat ng dibdidb ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ako makapag-isip ng matino at iyak lang ako nang iyak. Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha at hindi ko napansin ang paglipas ng mga minuto.

Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang imahe na aking nakita. Halos sumabog ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Galit na galit ako at awang-awa ako sa aking sarili.

Pinaasa, niloko, sinaktan at niyurakan lang ang aking pagkatao.

Ang baba ng tingin ko sa aking sarili dahil sa nangyari. Sobrang nakakababa na hindi ko magawang itaas ang aking sarili sa pagkakadapa. Ang tanga-tanga ko para hindi man lang mapansin na may iba na pala siyang kinakalantari.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong maranasan ang ganitong sakit. Kahit sarili kong ama ay nagawa akong lokohin at ipagpalit sa iba. Sa dinami-dami na pwedeng manakit sa akin ay bakit siya pa? Mas gugustuhin ko pa ang mga pambubugbog niya dati kaysa saktan niya ako ng ganito.

Ang sakit na pisikal ay madaling maghilom. Pero hindi ang emosyonal, na gumawa ng malaking sugat sa aking puso. Winasak niya ang buo kong pagkatao. Binali niya ang mga ipinangako niya sa akin. Wala siyang isang salita. Sinungaling siya! Isa siyang napakalaking manloloko.

Nalillito ako at sobrang pagod na pagod na. Pagod na ako sa paulit-ulit na lang na nangyayari sa akin. Pagod na pagod na ako at umabot na ako sa punto na hindi ko na kayang ipaliwanag kung bakit. Kung bakit ako nagmahal at bakit ko minahal ang sarili kong ama.

Talagang totoo na mahirap magbago ang isang babaero. Para na rin itong bisyo. Bisyo na hirap maiwan-iwanan. Bisyong babalik-balikan.

Nagising ako sa katotohanang ginamit lang ako ng aking ama ng pansamantala. Para maiwasan ang bisyo na hindi niya maiwan-iwan. Naging isang parausan na naman ako katulad ng dati. Isang parausan lamang.

Wala siyang pinagkaiba sa lalaking dati kong minahal. Parehas lamang silang ginamit ako para sa pansarili nilang kapakanan. Sana hindi na lang ako nagmahal. Sana hindi na lang tumibok ang puso ko. Sana hindi na sana ako nasaktan pa.

"Ang sama mo Pa... wala kang pinagkaiba sa kanya. Manggagamit! Manloloko! Ang sama mo! Ang sama-sama mooo!" at humagulgol ako sa sobrang poot ng aking nararamdaman.

Alam niya ang nangyari sa akin noon kung gaano kasakit ang naramdaman ko ng lokohin lang ako ng lalaking mahal ko. Alam niya yun dahil ikwenento ko sa kanya. Pero maski siya ay naatim na lokohin rin ako matapos malaman ang aking naranasan.

Hindi na siya naawa. Hindi na siya nakaramdam ng awa.

Talagang kahit matalino ka ay totoong pwede ka pa ring maging tanga. Pwede ka pa ring mauto at mapaikot-ikot na parang isang laruan sa mga kamay ng gusto kang gamitin lang.

Hindi ko deserve ang ganito. Hindi! Napakawalanghiya mo Pa! Ang akala ko ay ako lang?! Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin! Sana hindi na lang tayo nagkaayos... sana hindi na lang ikaw ang naging ama ko... sana hindi na sana ako nagkamali sa simula't sapul ng mahalin kita. Hindi na sana ako nasaktan...

Gusto kong magwala. Gusto kong magmura.

Ang sakit-sakit kapag nakita ng sarili mong mga mata ang isang kahindik-hindik na bagay na hindi mo aasahan kailanman. Nangako siya sa akin na ako lang. Ako lang muna.

Pero hindi niya tinupad ito. Pinaglaruan niya lang ako.

Tinapon niya ang lahat ng pagsasama namin. Parehas na parehas lang sila ni Kuya Bernard. Akala ko iba si papa. Iba siya dahil sinabi niya na hindi niya ako pababayaan. Hindi niya ako iiwan. Pero siya itong unang bumitaw at iniwan ako sa ere.

Sinabi niya pa dati na ako lang... sinabi pa niya ang mga katagang ipinangako niya sa akin. "Akin ka lang... akin na akin ka lang at sa'yong-sa'yo... sa'yong-sayo lang ako..."

Pero hindi naman pala ito totoo. Napahagulgol na na lang ako. Tinakpan ko ang aking bibig na nanginginig pa. Sobrang sikip ng dibdib ko. Para na itong sasabog.

Talagang hindi ako sasapat sa kanya. Isa lamang akong hamak na parausan talaga sa kanyang paningin. Akala ko special ako. Akala ko kaya kong ibigay ang lahat ng kanyang pangangailangan para hindi na siya maghanap.

Isa akong tanga. Hindi ako nag-isip at hindi ako nag-ingat. Kahit kailan ay hindi ko kayang tumbasan ang kanyang mga pangangailangan. Umasa ako na ako lang ang mamahalin ni papa. Maling-mali ako... maling-mali.

Isa pa, anak niya ako. Kaya maghahanap pa rin siya ng makakasama niya sa kanyang buhay. Sa simula pa lang ay pinagbigyan niya lang ako. Ngayon, sumabog na sa aking mukha ang katotohanan na kahanay ko lang ang iba niyang mga babae.

Para lang kaming mga ulam. Kapag nagsawa na... maghahanap at titikim ng iba.

Tunay ko siyang minahal. Buong-buo ko siyang minahal. Lumaban ako sa sakit ko para sa kanya. Nag-aral ako ng mabuti para sa kanya. Hinayaan ko siya sa lahat ng gusto niya. Ibinigay ko ang aking katawan. Ang aking puso... ang lahat-lahat para sa kanya.

Pero nagawa pa rin niyang maghanap ng iba. Nagawa pa rin niya akong ipagpalit.

Hindi ako naging sapat... at sa simula pa lang ay hinding-hindi ako magiging sapat.

Sana hindi na lang niya ako pinagbigyan. Hindi niya naman kasi ako kayang panindigan. Siguro napagod at nagsawa lang siya sa akin. Mali na ako sa simula ng may mangyari sa amin. Pero sana hindi na lang niya ako hinayaan at sinasay na hanapin at pagnasahan siya. Sana hindi na lang niya ako hinayaan.

Nagkamali kami dahil tinikman namin ang tawag ng aming mga laman. Kahit sariling dugo ay hindi na namin binigyang bahala. Kinalimutan namin ito masunod lang ang aming mga pangangailangan.

Pinawi namin ang uhaw namin sa pamamagitan ng pagtatalik. Binusog ang hayok naming katawan sa pagbibigay ng sarap sa piling nang isa't isa. Mali man ay hindi na namin ito alintana.

Pareho kaming nagkamali.

Pero bakit ako lang ang nasasaktan? Ako lang ang naghihinagpis at nagdurusa.

Patuloy akong lumuha nang lumuha. Gusto kong ilabas ang lahat ng bigat sa dibdib ko. Wala na akong magagawa. Nangyari na ang nangyari. Nangyari na ang pinakatatakutan ko na pilit kong iniiwasang harapin.

Kailangan kong lunukin ang katotohanan na kahit gaano ka kabait sa isang tao. Kahit gaano mo sila kamahal. Pwede ka pa rin nilang iwan at talagang wala ka ng magagawa kundi ang tanggapin ito.

Makita ko lang na masaya siya dati ay masaya na ako. Simple lang ang gusto ko. Ang makita siyang masaya. Pero bakit ito ang igaganti ni papa sa'kin? Ang sakit... ang sakit-sakit lang kasi.

Puro lang siya pangako.Hindi niya naman tinutupad.

Ngayon lang pumasok sa kukoti ko ang tunay na reyalidad ng buhay.

Hindi lahat ng mahal mo ay mananatili. Hindi lahat ng pinagkakatiwalaan mo ay magiging tapat.

Gusto ko lang namang maging masaya... bakit ang damot-damot ng mundo sa akin? Gusto ko lang namang magmahal at mahalin din. Yun lang, masaya na ako. Pero bakit ganito? Puro pasakit na lang ang dinaranas ko?

Nakakawalang ganang mabuhay kung puro na lang sakit ang mararanasan. Bugbog na bugbog na ako sa mga pasakit. Sa tindi ng mga naranasan ko ay masyado na akong nasanay. Pero bakit iba pagdating kay papa? Bakit parang hindi pa rin ako sanay?

Napaisip ako.

Hindi naman ako masamang tao, hindi naman ako humiling ng mga bagay na ikasasama ng iba. Ang gusto ko lang ay ang maging masaya. Yung lang at wala ng iba. Pero napakalupit ng tadhana. Kahit kaunting kaligayahan ay ayaw ibigay.

Pinahid ko ang aking mga luha at nilakasan ang aking loob. Kinalma ko ang aking sarili. Kinalma ko ang aking isipan at damdamin ng tuluyan ko ng mailuha ang lahat sa punto na parang natuyo na ang mga luha sa mata ko.

Nakakapagod na palagi na lang ganito. Sa huli ay ako palagi ang umiiyak. Nakakasawa na. Panahon na para mag-iba. Walang permanente sa mundo. Lahat ng bagay ay nagbabago.

Kaya ngayon... magsisimula na akong magbago. Magbabago para hindi na maging mahina. Magbabago para hindi na lumuha. Magbabago para hindi na maging kaawa-awa.

Gusto niyong maging masama ako? Pwes, pagbibigyan ko kayo!

Inayos ko ang aking sarili at pinahid ang mga luha sa aking mukha. Masyadong maiksi ang buhay para pag-aksayahan ko ang lumuha sa mga taong hindi naman ako pinahahalagahan ng tunay.

"Humanda ka ngayon Pa! Humanda kayong lahat! Humanda kayo dahil iba ako kung maglaro. Gusto niyo pa lang maglaro ng apoy? Sige, maglalaro tayo at sisiguraduhin ko na kayo ang mapapaso!"

Malalim ang hininga at kumakalabog ang aking dibdib sa labis na poot. Hindi ko namalayan na umaga na pala. Unti-unti nang sumisikat ang araw. Bagong umaga at bagong Jessie ang makikilala nila.

Pagod na akong maging mahina. Sawang-sawa na akong hinahayaan ang mga tao na nilalamangan ako. Ako naman ngayon... ako naman!

Tatayo na sana ako at aalis na para bumalik na ng bahay. Nang bigla na lang may pumarada na sasakyan sa aking harapan. Nagulat na lang ako ng bumukas ang pintuan nito at nakilala ko ang taong lumabas. Walang iba kundi si Lester.

"Jessie! Anong ginagawa mo rito sa labas? Ang aga-aga pa ah?" saad niyang nakangiti.

"Umm... galing ako sa pagja-jogging eh. Nagpahinga muna ako dito. Hindi man lang ako pinawisan. Malamig kasi ang panahon." kaswal kong sagot sa kanya at pilit na ngumiti.

Subalit Sa totoo lang ay pigil na pigil ako sa aking sarili na sampalin siya sa mukha. Hinding-hindi ko malilimutan ang sinabi sa akin ni Roland tungkol sa kanya.

"Ganun ba?" at tumabi siya sa akin at naupo.

Napalunok ako ng laway. Pero hindi ako nagpahalata na kinakabahan ako.

"Ang aga-aga naman yata at napasyal ka sa amin... si Papa ba ang pakay mo?"

"Oo, pero nandito ka na naman kaya sa'yo ko na lang 'to ibibigay." at kinuha niya sa kanyang bulsa ang isang cell phone.

Cell phone ito ni papa.

Natigilan ako. Mabilis na nagragasa sa aking isipan ang mga pwedeng mangyari. Baka nakita niya ang mga videos ko habang sinusubo ang sarili kong ama. Habang nagpapakasarap sa piling niya. Habang kinakabayo ko siya na nagdedeliryo sa sarap. Habang nagkakanaan kaming dalawa ni papa.

Pero may biglang sumagi sa aking isipan. Matagal ng nabura ni papa ang lahat ng mga videos namin. Simula pa nung nag-seminar siya sa Ilocos. Kaya kaagad akong nakahinga ng maluwag.

"Naiwan niya kasi yan kagabi. Remember, nung tumawag ka kagabi ako yung nakasagot? Itinabi ko na lang muna para hindi mawala at masauli sa kanya." sagot niya sa akin.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang umakbay. Natigilan ako pero patuloy pa rin akong nagpanggap na normal lang ang lahat.

"Masyado naman yatang maaga pa para isauli mo yang cell phone ni Papa? Alas sais pa oh..." sabay pakita ko sa kanya sa oras ng cell phone.

Natawa siya.

"May lakad kasi ako kaya dinaan ko na lang. May pupuntahan kasi akong site para sa expansion ng bagong building branch ng kompanya kaya dinaan ko na lang." at lumingon siya sa akin ng nakangiti.

"'Tsaka pasyal ka naman sa amin Jessie... para naman may makulit sa bahay ko." masaya niyang pagpapatuloy.

Nagulat na lang ako ng kinurot niya ang aking pisngi na tuwang-tuwa pa. Natigilan ako sa kanyang inakto.

"Uuwi ka na ba? Ihatid na lang kita sa inyo. Medyo malayo pa yung bahay niyo dito eh." alok niya.

"Salamat na lang, pero maglalakad na lang ako para makapag-ehersisyo. You know... galaw-galaw para hindi ma-stroke. Galaw-galaw para hindi matigok."

Natawa siya sa aking sinabi.

"Nakakatuwa ka talaga Jessie. Sige, mauna na ako. Kailangan ko ng umalis eh."

"Sandali, hindi ka man lang ba magkakape? Daan ka muna sa amin para ipagtimpla kita."

Pweh! 'Wag ka ng dumaan pa sa bahay. Hindi ka naman welcome! Sa isip-isp kong sabi.

"Naku, salamat na lang... but I really have to go. Pero bago ako umalis. May ibibigay muna ako sa'yo."

May kinuha siya sandali sa loob ng kotse at pagharap niya ulit sa akin ay may bitbit na siyang malaking tupperware na nakalagay sa isang cellophane.

"Oh ito, take it. Para sa'yo yan." sabay abot nito sa akin na nakangiti.

Nag-aalangan man ako ay tinanggap ko na lang.

"Salamat Lester, ano ba 'to?"

"Yung paborito mo. Mango float yan."

"Huh? Naku, nag-abala ka pa. Hala, nakakahiya naman."

"Ako gumawa niyan. Para talaga yan sa'yo." at ngumiti siya.

Medyo kinakabahan ako. Bakit kailangan niya pang bigyan ako ng ganito?

"Hindi ko tatanggihan 'to." nakangiti kong sagot na kanyang ikinatawa.

Kailangan ko siyang pakisamahan para matulungan ko si Roland. Sabi nga nila, keep your friends close and keep your enemies closer.

"By the way Lester... sino ba yung naghatid kay Papa kagabi sa bahay?" tanong ko.

"Ahh, si Lara. She's my older stepsister. Pauwi na kasi siya from the party kaya ipinahatid ko na lang si Kuya Wiliiam sa kanya. Magkakilala na naman kasi sila eh. Natanong mo?"

Higit pa sa magkakilala... nagkalantari pa nga sila kagabi eh!

"Wala naman. Gusto ko lang magpasalamat sa kanya." sagot kong pilit ang ngiti.

"No need to thank her. She's not worth your time."

Parang nag-iba ang mukha niya sandali. Nawala ang gaan sa kanyang mukha. Parang naiinis siya ng sumagot siya sa akin. Pero hindi ko na pinansin ito.

"Nga pala. Paano naman nagkilala si Papa at ang ate mo?"

"Hindi ko rin alam eh. All I know is they know each other. Kagabi ko nga lang din nalaman na magkakilala pala sila."

"Ganun pala... they know each other naman pala... kaya naman pala..." nagpatango-tango ako.

"Hmmn?" tanong niya.

"Ah, wala... wala naman." at ngumiti ako.

"Let's not talk about her. It ruins my mood." sagot niya.

"B-bakit naman?" tanong ko na parang nag-aalangan.

"Nothing... ayaw ko lang pag-usapan yung stepsister ko na yun. Hindi naman kasi kami close. Never was and never will be. I'm not even friends with her."

Seryoso niyang sagot.

"Okay." sagot ko na lang na kaswal.

"Bago ako umalis... umm... Jessie, pwede magtanong?"

"Y-yes... ano naman yun?" tanong ko na kinakabahan.

"Ano kasi... hindi ka kasi nagri-reply sa mga texts ko eh. Umm... ayaw mo ba akong kausap?" tanong niya na hindi makatingin sa akin.

Medyo naguluhan ako sa kanyang sinabi. Kahit kailan naman ay hindi naman ako nakatanggap ng text na mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.

"Teka lang... kailan ka nag-text? Wala naman akong natanggap na text na mula sa'yo kahit ni isang beses eh."

Nagulat siya sa aking sinabi.

"Nag-text ako sa'yo ng maraming beses. Nagpakilala pa nga ako pero hindi ka naman nag-reply kahit ni minsan kaya hindi na lang ako nag-text ulit sa'yo. Baka kasi ayaw mo lang akong kausap." at napayuko siya.

"Teka lang... kailan ka nag-text sa akin? Wala akong natanggap na text mula sa'yo. Totoo." sagot ko.

"Nung last time na pumunta ako sa inyo. Nung celebration mo ng gumaling ka from operation? Whole week akong nag-text after that day pero hindi ka nag-reply." at ngumiti siya na parang nanghihinayang.

"Baka naman wrong number ang nakuha mo. Saan ka nanghingi ng number ko?"

"Kay Kuya William."

"Patingin nga ng number." at ipinakita niya naman sa akin ang numerong sinasabi niya.

Nang makita ko na ito ay ito pala ang dati kong numero sa luma kong cell phone.

"Naku, sa old number ko yan, sa luma kong cell phone. Hindi ko na ginagamit ang number na yan. Nasira na kasi yun. Matagal-tagal na rin kaya itong bago kong phone ang gamit ko. Kaya naman pala eh."

Umaliwalas ang kanyang mukha.

"Oh, that's why. Akala ko kasi na ayaw mo lang akong kausapin eh." at natawa siya.

"Haha... tinawagan mo na lang sana yung number para malaman mo na out of coverage na yun."

"My bad." at natawa kaming dalawa.

Ihahatid pa sana ako ni Lester subalit tumanggi ako. Kaya naman naglakad na lang ako pauwi. Nang makaalis siya ay mabilis kong itinapon sa kanal ang pagkaing ibinigay niya sa akin.

Hindi ako kumakain ng pagkaing gawa ng isang demonyo.

Matapos kong itapon pati ang lalagyan nito ay mabilis kong binuksan ang phone ni papa at hinanap kong may natira pa bang video namin. Mabuti na lang at wala na talaga kaya nakahinga ako ng maluwag at nagtungo na pauwi ng bahay.

"Ang liit ng mundo. Ate mo pa pala ang kinalantari ni Papa? Talagang mahilig maglaro ang tadhana. Pero ngayon, natuto na ako. Hindi na ako mahuhulog sa larong 'to. Bilog ang bola pero hindi na ako kasamang iikot dito. Alam ko kung saan dapat ang kalalagyan niyo. Maingat na ako ngayon at alam ko na hindi ako ang tataob kundi kayo! Humanda kayo lahat! Iisa-isahin ko kayo... ikaw demonyo kang Lester ka at si Papa!" ani kong galit na galit.

"Ano kayang tumatakbo sa isip mo Lester... bakit ang bait mo sa akin? Ganito ba ang ginawa mo sa mga biktima mo bago mo sila inalipin at pinaikot sa mga kamay mo? Humanda ka talaga. Matatapos na 'tong kahalayan mo. Maghintay ka lang at ibabaon kita sa lupa na pinanggalingan mo. Ibabalik kita sa impyerno kung saan ka nanggaling at nararapat!"

Nang makauwi na ako ay naghanda ako ng almusal. Para sa akin, para kay papa at para sa babae niya. Ipapahiya ko silang dalawa sa tahanang sinira nila!

Habang nagtatadtad ako ay hindi ko napansin na naging giniling na ang karne sa tindi ng pagkakatadtad ko rito. Parang lahat ng galit ko ay natuon at nabaling ko rito. Imbes na magluluto ako ng adobo. Giniling na lang.

Kaagad na naluto na ang agahan at naupo na lang muna ako sa sofa sa sala. Naghihintay kung kailan magigising ang mga hayop. Siguro, pagod na pagod sila sa ginawa nila kagabi. Pagod na pagod sa pagpapasarap at sa silid ko pa talaga mismo nagkantutan ang mga hinayupak.

"Tingnan ko lang kung hanggang saan kayo. Magbabayad kayo ngayon. Magbabayad kayo ng mahal!" nanggagalaiti kong sabi.

Hanggang sa hindi na nga ako pinaghintay ng dalawa. Naririnig ko na ang mga sigawan na nagmumula sa aking silid. Parang nag-aaway sila.

Oh, gising na pala sila? Good... very good.

Hilaw akong napangiti sa galit ko dahil sa ingay ng kanilang pag-aaway.

Biglang bumukas ang pintuan ng aking silid at niluwa nito ang isang balingkinitang babae. Kutis porselana at talaga namang ubod ng ganda. Nagbabangayan sila ng aking ama.

"Relax Will, will you? Why are you panicking?" tanong nito sa aking ama na lumabas na rin sa pintuan.

Nakasuot lang siya ng shorts habang nakasuot na ng jeans at shirt ang babae.

"Putang ina Lara! Umalis ka na nga dito bago pa dumating ang anak ko! Lumayas ka ng puta ka!" at itinulak niya ito.

"Really? We just made love last night and this is how you treat me? After you fucked me?! Really Will?"

"Tumahimik ka! Umalis ka na Lara! Lumayas ka na! 'Wag ka ng magpapakita sa akin at baka hindi na ako makapagpigil sa'yo." singhal ng aking ama.

"Hindi makapagpigil? Like what... to fuck me again?" at malanding natawa ang babae at kumapit sa balikat ng aking ama.

Pero naitulak siya kaagad nito. Kaya naman tumilapon kaagad siya at napasandal sa dingding.

"Fuck you Will! Fuck you! Itatapon mo na naman ba ako ulit? I know you enjoyed every bit of second when you pounded me... you pounded me so hard last night that your eyes rolled up." sagot nitong tila nang-iinsulto.

"Puta ka! Putang ina ka! Isa ka lang puta at mananatili kang puta na mas masahol pa sa basura!" galit na galit na singhal ni papa.

"Well... you're no way different Will. You see... if I'm a trash you are far worse than I am. You just fucked a filthy garbage whore and you liked it." at malandi itong napangiti sa kanya.

Dahil sa mga narinig ay nagpanting ang aking mga tenga. Uminit ang ulo ko at para akong umuusok sa sobrang galit. Parang gusto kong pumatay ng dalawang taong napakadudumi, na sa silid ko pa talaga nagkanaan ang mga walang hiya. Pero kinalma ko ang aking sarili.

Ang asar talo.

Lumapit ako sa hagdan at umakyat para lapitan sila. Sa tindi ng kanilang mga sagutan at away ay hindi man lang nila ako napansin na paakyat na ng hagdanan.

"Good morning! Gising na pala kayo?" basag ko sa kanila.

Napalingon sila sa akin at natigilan.

Kitang-kita ko ang labis na pagkagulat ni papa. Kahit ang paglunok niya ng kanyang laway ay hindi pinalampas ng aking mga mata.

"Ang aga-aga ang ingay niyo na. Baka gusto niyong mag-agahan muna? Nagluto na ako ng almusal. Kain na muna kayo." sabi ko na nakangiti at mahinahon.

Pero sa totoo lang ay nag-aapoy ang aking kalooban sa galit.

"'N-nak... m-magpapaliwanag—"

Hindi na naituloy ni papa ang kanyang sasabihin ng matulis ko siyang tiningnan. Walang anumang lumabas sa aking bibig. Subalit sapat na ito para tumahimik siya. Nanlilisik, nagbabaga at punong-puno ng ibayong galit ang tingin na ipinukol ko sa kanya.

Natahimik siya.

"No thank you. I have to go... see you later Will!" at ngumiti pa ito kay papa at kumindat.

Pero nang bababa na sana siya ng hagdan ay kaagad akong humarang.

"Out of the way." sagot nitong mataray sa akin.

Mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanyang sinabi.

"Ang sabi ko nagluto ako ng almusal. Kaya kumain ka. Baka sabihin mo pang hindi kami hospitable sa bahay na 'to." mahinahon kong sagot pero madiin.

"I'm not hungry. So move!" singhal niya.

Inilabas ko ang kutsilyo sa aking likod na nakatago at pinaikot-ikot ito sa aking kamay. Ipinakita ko sa kanya kung paano ako kahusay sa paghawak at paglalaro ng kutsilyo.

"Kakain ka... o kakain ka?!" madiin kong pagbabanta.

Natigilan ang babaeng napatingin sa akin.

"Y-yes... I'll eat." sagot niyang kinakabahan at takot na takot.

"Good! Sige, punta ka na sa kusina." nakangti kong sagot at binigyan siya ng daan.

Dire-diretsong nagtungo ang babae sa kusina na halos patakbo at mabilis na napaupo sa hapag.

"'Nak, mali ang iniisip mo... pakinggan mo muna ako. Please 'nak..." pagmamakaawa ni papa.

"Bumaba ka na at kumain na kayong dalawa." sagot ko sa kanya na madiin at punong-punong ng otoridad.

Tinalikuran ko siya at bababa na sana ng hagdan ng bigla niya akong pinigilan. Hinawakan niya ang aking braso.

"'Nak, nagkakamali ka sa iniisip mo... walang nangya—"

"Bitawan mo 'ko!" galit na galit kong sagot subalit pinilit ko pa ring maging mahinahon.

"Makinig ka muna sa akin please... baby boy please..." pakiusap niya.

"Bitawan mo 'ko... kung hindi. Hindi ako mangingiming itaga sa dibdib mo itong kutsilyong hawak ko ng dalawampu't tatlong beses. 'Wag mo akong subukan at kanina pa nagdidilim ang mga mata ko." madiin kong sagot sa kanya na walang halong pagbibiro.

Napabitaw siya sa akin at hindi na nakapagsailta.

"Bumaba ka na at samahan mo yung puta mo. 'Wag mo akong paghintayin dahil kapag ako nainip. Siguradong papatayin ko kayong dalawa! Magbibilang ako... at kapag umabot 'to ng sampu at hindi ka pa nakakababa. Ikaw ang unang masasaksak ko!" nanggagalaiti kong saad.

At nagsimula na akong magbilang.

"Isa..."

"Dalawa..."

"Tatlo..."

"Apat..."

"Lima..."

Mabilis na nagtatakbo si papa pababa sa kusina at naupo sa hapag kasama ang kanyang babae. Halatang kabado silang dalawa habang nakaupo.

Agad naman akong sumunod sa kanila. Pinaghanda ko sila ng makakain at sinandukan pa ng kanin. Tahimik silang nakaupo at walang niisa sa kanila ang nagsalita. Pinagpapawisan si papa sa takot kahit napakalamig ng umaga.

"Sige, kain na kayo." nakangiti kong sabi.

Sunud-sunuran naman silang kumain. Hanggang sa bigla na lang silang tumigil pagkalipas lamang ng ilang segundo.

"So spicy!!!" sigaw ng babae na namumula ang mukha.

Aligaga niyang inabot ang pitsel sa lamesa na nakahanda at mabilis itong ininom. Subalit sa isang iglap lang ay mabilis niya rin itong iniluwa. Ang hindi niya alam kasi na suka ang inilagay ko sa pitsel at hindi tubig. Sinasadya ko ito at natutuwa ako at umaayon ang lahat sa aking gusto.

Ubos na ubos ang isang galon ng suka namin ng isallin ko ito sa pitsel.

Umiiyak na siya habang iniluluwa ang nakain na maanghang na giniling at ang suka na nainom.

"Ay, nakalimutan ko. Yung maanghang ang na-serve ko. Sorry." sagot kong nakangiti na nagmaang-maangan.

"Fuck! Why the fuck that there's vinegar in the pitcher?" humihikbi at maluhaluha niyang tanong.

"Oh, sorry at nailagay ko yang suka sa lamesa. Nabutas kasi yung plastic galon kanina eh ng mabitawan ko. Kaya nilagay ko muna sa pitsel ang suka pansamantala. Sorry." sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Water! I need water!" aligaga niyang sabi.

Mabilis kong kinuha ang isa pang pitsel na nakalagay sa banggera. Ibinigay ko sa kanya ito at mabilis niya naman itong inabot na parang inaagaw pa sa akin at ininom. Ang hindi niya alam, galing sa inidoro ang tubig na mula dito.

Habang si papa naman ay patuloy lang sa pagkain ng ulam na giniling at kanin. Pero pulang-pula na ang kanyang mukha at maluhaluha na ang kanyang mga mata habang tumutulo pa ang sipon. Matibay siya kung tutuusin dahil nakayanan niya.

Sa dami ng siling pinino ko at nilagay sa ulam na giniling ay pati bicol express ay mahihiya.

Humahangos na naupo muli ang babae at tuwang-tuwa naman ako na nakatingin sa kanya.

"Kumain ka na... masama ang hindi inuubos ang pagkain." matigas kong utos.

"But it's too spicy eh... I can't handle it." angal nitong maluhaluha.

"Bakit hindi mo sinabi? Sige, ikukuha kita ng hindi maanghang. May itinabi naman ako dito na hindi maanghang eh."

Kumuha ako sa kawali ng ulam at nilagyan ang platong ubos na. Naubos na kasi ni papa ang ulam na naihanda ko sa lamesa. Kamangha-mangha dahil naubos niya ito ng hindi man lang umiinom ng tubig. Pero hindi na maipinta ang kanyang mukha at walang tigil ang pagtulo ng kanyang sipon.

"Ikaw, kain ka pa ba?" baling ko sa kanya.

"Oo 'nak... kakain pa ako. Pero pwede bang uminom muna ako ng tubig?" saad niyang bakas sa mukha ang takot.

"Sige, uminom ka." sagot ko naman.

Akala ko ang tubig na nagmumula sa inidoro na nailagay ko sa pitsel ang iinumin niya subalit hindi niya ito pinansin. Mabilis niyang binuksan ang ref at kumuha ng malamig na tubig at naubos niya itong lahat.

Halatang hindi na niya kaya ang anghang.

"Upo at kumain ka na ulit!" matigas kong utos sa aking ama matapos uminom ng tubig.

Bahag ang buntot naman siyang sumunod sa aking utos. Hindi sila nag-uusap at halata sa kanilang mga mukha na nakikiramdam lang sila sa anong gagawin ko. Kabado silang dalawa habang kumakain. Hanggang sa malapit na nilang maubos ito.

"Masarap ba ang giniling na niluto ko miss? tanong ko sa kanya.

"Yes, actually it is really delicious." ganado niyang sagot kahit maarteng kumakain.

"Masarap?" baling ko sa aking ama na matulis na nakatingin.

Tumango-tango naman siyang bakas ang pangamba sa mukha.

"Mabuti naman at nasarapan kayo. Syempre, masarap talaga yan. Kasi may special ingredient kasi yang giniling na luto ko. Nilagyan ko kasi yan ng lason." nakangiti kong sagot.

Nanlaki kaagad ang mga mata nila at mabilis na tumakbo sa banggera. Niluwa nila ang pagkain ng pilit. Sabay silang nagsuka sa lababo. Pilit nilang isinuka ang kanilang pagkain at naluha na silang dalawa dahil sa pagkulikot nila sa kanilang bunganga maisuka lamang ang ulam.

"Ooopps... joke! Haha, kayo naman naniwala agad. Joke lang yung sinabi ko. Pasensya na, medyo off yung humor ko lately eh." sarkastiko kong sagot.

"You son of a bitch!" singhal ni Lara.

Mabilis niya akong nilapitan at sasampalin na sana. Subalit bago pa man niya ako tuluyang masampal ay inunahan ko na siya. Sa isang iglap ay dumapo ang aking palad sa kanyang pisngi at kaagad siyang natumba sa sahig sa lakas ng sampal na aking ginawa.

Paggapang siyang lumapit kay papa at kumapit sa binti nito. Kitang-kita ko ang tarantang mukha ni papa. Wala akong nakikitang kahit kaunting galit dito kundi puro lungkot at pagpapakumbaba na may halong takot.

"'Nak, tama na pleaseee... alam kong galit ka pero—"

"Tumahimik kang gago ka! Subukan mong magsalita at papatayin talaga kitang gago ka! Putang ina ka! Tang ina mo ka!" singhal ko na nanlilisik.

"Why are you doing this? You stupid psycho!" sagot ng babae na umiiyak.

"Ako... psycho? Itanong mo yan sa lahi ninyo!"

Mabilis siyang nagtago sa likod ni papa na nakaupo pa sa sahig. Umiiyak at takot na takot.

"Ang kapal ng mukha mong babae ka na subukan akong sampalin sa sarili kong pamamahay! Bahay ko 'to at trespasser ka lang dito! Akala mo hindi ko alam yang galawan mo? Lumaki ako sa pelikula nila Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano at i-bonus mo pa si megastar Sharon Cuneta. Kaya 'wag ako! 'Wag ako! Bitch!"

"Why are you doing this?! Wala naman akong ginawa sa'yo ah." umiiyak nitong sagot.

"Bobo ka? Pinakain kita dito tapos sasampalin mo 'ko? May gana ka pang magtanong ng why are you doing this? Talaga, hampasin kaya kita ng flower vase para matauhan ka?"

"Will help me... your yaya is so scary."

Mas lalo akong nagalit at kumulo ang dugo sa narinig. Pagkamalan ba naman akong yaya ng letche?

Hindi nakagalaw si papa at tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

"Lumayas ka dito sa bahay ko! Layas! Lumayas ka dito talipandas ka!" sigaw ko na dumagundong sa buong sulok ng bahay.

Mabilis na tumayo ang babae at tumakbo para makalabas. Subalit sa pagkakataranta niya ay hindi niya mabuksan ang pinto.

"Will help me... get me out of here!" sigaw nito.

"Sige, subukan mong umalis d'yan sa kinatatayuan mo at sasaksakin talaga kita!" bulyaw ko kay papa sabay kuha ng kutsilyo na siya niyang ikinatakot.

"Wiil... fuck! How do I open this door?! Fuck! Fuck!"

Pero sa ilang sandli lang ay nabuksan na niya ang pinto at itinulak ito. Akala ko ay tatakbo na siya palabas. Subalit huminto siya sandali at nagsalita.

"You're a psycho bitch! You stupid motherfucker! If you're expecting that I will stoop down to your level with some stupid lame catfight? Well, it's not gonna happen. By the way, your food taste so cheap... parehas sa nagluto. So long... motherfu—"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng dumapo na ang tsinelas ko sa kanyang bibig ng batuhin ko siya nito. Sapul na sapul ang madumi niyang bibig na kakainom lang ng tubig sa inidoro.

Kahit na malayo pa ang distansya mula sa aking kinatatayuan ay natamaan ko pa rin siya ng batuhin ko siya ng tsinelas. Para saan na rin ang pagigiging sharpshooter ko kung hindi ko matatamaan ang balasubas na higad na 'to.

Napahawak siya sa kanyang labi at kaagad na umiyak na parang batang nag-aalboroto.

"Mag mouthwash ka! Puro ka dakdak eh! Nga pala, yung tubig na ininom mo sa pitsel ay galing sa inidoro." at ngumiti ako.

Ano ka ngayon?

Mas lalo siyang umiyak at mabilis na nagtatakbo papunta sa kanyang sasakyan sa labas ng gate at mabilis na umalis.

Naiwan kaming dalawa ni papa na nakatayo.

Nang lingunin ko ang aking ama ay punong-puno ng pagmamakaawa ang bumakas sa kanyang mukha. Nagsusumamo, humihiling ng isang kapatawaran. Subalit pinilit kong patigasin ang aking puso. Hindi na ako madadala sa mga pagmamakaawa niya. Hinding-hindi na ako muling magiging tanga. Hindi na!

Kaagad akong umalis at umakyat sa aking silid. Mabilis kong pinagkukuha ang aking mga damit. Aalis ako at bubukod na talaga ako ng tuluyan. Malaki na ako at kaya ko ng mamuhay mag-isa. Lalo pa at may trabaho na ako.

"'Nak, makinig ka muna sa sasabihin ko. Please baby boy. Para mo ng awa, makinig ka muna sa akin." saad niya na nakatayo sa pintuan ng aking silid.

"Huwag mo akong ma-baby-baby boy animal ka! 'Wag na 'wag mo akong kausapin!" singhal ko sa kanya.

Mabilis kong kinuha lahat ng mga kasuotan ko sa cabinet ng hindi siya pinapansin.

Nagulat na lang ako ng maramdaman ko na yumakap siya sa akin sa likod at napakahigpit nito. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at dumaloy na ang luha sa aking mga mata.

Nagpumiglas ako nang nagpumiglas hanggang sa mabitawan niya ako. Mabilis ko siyang hinarap at sinampal sa kanyang mukha. Natigilan siya at hindi nakagalaw. Mabilis akong nag-empake at hinanda ang lahat ng mga damit ko.

Bababa na sana ako para kunin pa ang damit na naiwan ko sa banyo ng hinarangan na niya ako sa pintuan.

"'Nak please... pakinggan mo muna ako. Magpapaliwanag ako. Magpapaliwanag ako 'nak..."

Bumagsak ang kanyang mga balikat at dahan-dahan siyang lumuhod sa aking harapan. Mahigpit niyang niyakap ang aking hita kahit na sinampal-sampal ko na ang kanyang mukha nang paulit-ulit. Hindi pa rin siya bumibitaw.

Subalit napabitaw siya ng sipain ko ang kanyang kaselanan. Mabilis siyang nagpagulong-gulong sa sahig at namilipit sa sakit.

Hindi ko na siya pinansin pa at bumaba na ako dala-dala ang aking mga gamit. Subalit nakababa rin kaagad siya kahit na iika-ika siyang naglakad.

Mabilis siyang lumapit sa akin na may luha na ang mga mata.

"'Nak, 'wag kang umalis... 'nak pleaseee... 'wag kang umalis. Para mo ng awa." at muli na naman niya akong niyakap.

Itinulak ko siya kaagad at napabitaw siya. Saka ako ay nagsalita.

"Tama... tama!" sagot kong sarkastikong nakangiti.

"Bakit ako aalis eh bahay ko naman 'to? Napanalunan ko ang lupa at bahay na 'to. Tama ba?" sabi ko sa kanyang pilit na nakangiti.

Hindi siya nakasagot.

"Ikaw ang lumayas dito! Lumayas ka dito sa pamamahay ko. Alis! Layas! Umalis ka dito at sumama ka dun sa babae mo! Magpakasaya kayo, magsama kayo!"

Umakyat ako sa taas at kinuha ang mga damit niya. Paulit-ulit akong nag-akyat-baba sa hagdan at naglabas-pasok sa bahay at itinapon ang lahat ng mga damit niya sa labas ng gate. Wala siyang nagawa kundi ang malungkot na tumingin sa akin na nagmamakaawa.

Hanggang sa maitapon ko na lahat ng mga damit niya sa labas.

"Oh, ano pa ang hinihintay mo? Lumayas ka na at ayaw ko ng makita pa yang pagmumukha mo sa bahay ko. Sa bahay ko!" at binigyang diin ko ang huli kong mga sinabi.

"'Wag kang mag-alala. Ibebenta ko 'tong bahay at lupa para mabayaran kita sa na gastos mo sa operasyon ko. Pero ang pagpapalaki mo sa akin ay hindi ko na babayaran. Bayad na ako at sobra-sobra pa nga. Ikaw pa ang may utang sa akin dahil sa mga ginawa mo sa akin simula pa ng bata pa ako. Sa lahat ng pang-aapi, sa pambubugbog mo, pagmamaltrato mo, sa pagpapahirap mo sa akin at ang pananakit mo pati sa emosyonal kong aspeto. Bayad na ako sa'yo! Bayad na bayad na!"

"'Nak alam ko na galit na galit ka ngayon. Pero sana pakinggan mo muna ako. Wala namang nangyari sa amin kagabi. Hindi totoo ang mga pinagsasabi niya. Nagsisinungaling siya. 'Nak, mahal na mahal kita. Alam mo yan."

Pagak akong natawa sa kanyang sinabi.

"Talaga, sinasabi mo ba na tanga ako? Na bobo at wala akong pinag-aralan? Kitang-kita ko na nakapatong siya sa'yo! Kitang-kita ng mga mata ko! So anong gusto mong isipin ko? Na nainitan kayo, kaya kayo hubo't hubad? Tapos napagod kayo sa pagrorosaryo kaya nakatulog kayo sa kama na walang damit. Yun ba ang dapat isipin ko?" tanong ko sa kanyang sarkastiko.

Napabuntong-hininga siya.

"Walang nangyari sa amin kagabi. Aaminin ko na naging kami ng babaeng yun dati 'nak. Pero matagal ko ng tinapos ang ugnayan namin noon pa man. Siya 'tong lapit nang lapit sa akin eh. Nagulat na lang ako kagabi na nandun din siya sa birthday ni Bruce. Napilitan lang naman akong makisakay sa kanya kagabi kasi hindi ako pinapayagang umuwi ng mga kasama ko na mag-drive kasi lasing na ako. Gusto ko na kasing umuwi para madaanan kita kina Nathan eh. Yun yung totoo."

"Tumahimik ka! Talaga bang iniiisip mo na mauuto mo pa ako sa mga kasinungalingan mo? Gusto mong umuwi para makita ako? Sinong niloko mo? Ang sabihin mo atat na atat kang umuwi kasama siya para makipag-sex sa kanya! Mga hayop kayo, sa kwarto ko pa talaga? Hindi mo na 'ko nirespeto pa Pa! Sabi ko sa'yo na 'wag na 'wag maglalasing 'di ba? Paulit-ulit kong sinabi sa'yo yun! Pero 'di ka nakinig!"

"'Nak, totoo ang sinasabi ko. Patawarin mo ako kung nalasing ako, pero kahit na nakainom ako alam ko naman ang ginagawa ko. Kaya alam ko na walang nangyari sa amin. Sumaglit lang naman kasi ako sandali dito sa bahay para magbihis ng damit kasi basang-basa ako. Natapunan kasi ng beer yung damit ko. Pero ng nagbibihis na ako sa silid ay bigla na lang umakyat si Lara sa taas at bigla na lang siyang nag-spray sa mukha ko. Siguro pampatulog yun kaya nagulat na lang ako ng paggising ko magkasama na kami sa kama."

"So gusto mo akong maniwala sa alibi mo na yan? Sinong ginago mo? Sinabi mo na nga kanina na tinapos mo na lahat sa inyong dalawa. Tapos nakisakay ka pa rin sa sasakyan niya? Sino bang nag-utos na sumakay ka sa sasakyan niya? Wala 'di ba? Ikaw ang may gusto nun! Ganun ba ako katanga sa'yo Pa? Tangang-tanga ka na ba talaga sa akin?!"

"'Nak, alam ko na wala talagang nangyari. Alam ko kasi—"

"Wala kang alam! Wala kang alam! Sa simula pa lang nang lahat-lahat ay wala kang alam Pa... wala! Bakit, alam mo ba ang lahat ng mga dinanas ko maging proud ka lang sa akin? Alam mo bang ilang dusa at pasakit ang tiniis ko bigyan mo lang ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko sa'yo? Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsikap... kung bakit ako nangarap? Wala kang alam Pa! Wala!" at dumaloy pa ang mga luha sa aking mga mata dahil hindi ko na napigilan pa ang aking damdamin.

"Alam mo ba na ginagawa ko ang lahat para mapagbayaran ko ang pagkawala ni mama? Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin na mabuhay kung kapalit nito ang pagkawala ng buhay ni mama? Araw-araw mong ipinamumukha sa akin dati na ako ang dahilan kaya wala na siya. Alam mo ba kung gaano kasakit yun para sa akin? Hindi mo yun alam Pa! Na kahit hanggang ngayon ay dinadala ko pa rin ito. Hindi mo yun alam!" at dinuro-duro ko siya sa dibdib.

"Nabuhay ako para sa'yo. Nagpakatatag ako para sa'yo. Ginawa ko lahat para sa'yo. Dahil mahal kita Pa! Mahal na mahal kita... mahal na mahal na higit na bilang sa isang ama. Hindi mo rin alam yun!"

Nagulat siya sa aking sinabi.

"Alam mo bang mahal na mahal kita Pa... mahal na mahal kahit alam ko na mali kasi ikaw ang Papa ko at anak mo 'ko! Pa, mahal kita... mahal na mahal kita. Hindi ko lang masabi-sabi kasi natatakot ako. Mali kasing mahalin kita dahil galing ako sa'yo! Alam kong mali ako kasi nahulog ako sa'yo. Pero nung nalaman mo na bakla ako... sana umiwas ka na lang Pa. Sana umiwas ka na lang... maiintindihan ko naman eh. Sana hindi mo ako pinagbigyan para hindi ako masanay. Para hindi kita hanap-hanapin! Pero anong ginawa mo? Ginamit mo ang katawan ko! Ginamit mo ang anak mo sa pansarili mong kapakanan." naluha na rin siya at hindi siya nakapagsalita.

"Alam mo bang umasa ako sa mga sinabi mo? Umasa ako kahit na mali. Pinanghawakan ko ang mga sinabi mo sa akin. Sabi mo na... 'Akin ka lang... akin na akin ka lang... at sa'yong-sayo... sa'yong-sayo lang ako.' Sinabi mo yun sa akin 'di ba? Pinanghawakan ko yun eh. Sinapuso ko yun kahit na mali. Maling-mali kasi nagkagusto ako sa'yo!" at dinuro-duro ko pa ulit ang kanyang dibdib at halos hindi na ako makahinga sa sobrang sakit na nararanasan ko ngayon.

"Ginawa mo akong puta! Ginawa mo akong parausan! Hayop ka... mahal kita eh... mahal kitang gago ka... kahit ang sakit-sakit na! Ang sakit-sakit na eh..." at uli ay napahagulgol ako at tinakpan ko ang aking mga mata.

Umiiyak na siyang nakatingin sa akin at hindi siya nakapagsalita.

"Kaya mas mabuti na ang ganito. Mas mabuting lumayas ka na lang dahil sawang-sawa na ako sa mga panggagamit mo sa akin. Sawang-sawa na akong masaktan. Ayoko na, tama ng nagkamali ako ng pangalawang beses. Tama na ang mga kamaliang ginawa natin. Tama na... ayoko na."

"'Nak... mahal din kita... mahal na mahal din kita." pagsusumamo niyang lumuluha.

"Hindi mo ako mahal! Kung mahal mo talaga ako hindi sana ako nasasaktan ngayon. Dahil kung mahal mo talaga ako ay hindi ko sana nararanasan ang sakit na ito. Alam mo ang nangyari sa akin dati Pa. Sinabi ko na sa'yo na nagmahal ako ng isang lalaki. Dapat sana ay alam mo na kung gaano kasakit para sa akin ngayon ang nangyari. Pero ganun ka pa rin. Wala ka pa ring alam... at sa huli wala ka paring alam! Sinasabi mo lang ang mga gusto kong marinig. Para mauto ako! Pero hindi mo na ako maloloko. Kaya lumayas ka na! Layas!"

Itinulak-tulak ko siya palabas ng bahay at wala siyang nagawa. Sandali siyang tumigil at nagsalita sa akin.

"'Nak ito ba talaga ang gusto mo? Ang umalis ako... ito ba ang magpapasaya sa'yo?" malungkot niyang sagot na lumuluha.

"Oo, magiging masaya lang ako kung aalis ka na sa bahay ko at pakiusap ko sana... Sana umalis ka na rin sa buhay ko! Hindi na kita kailangan... hindi na kita kailangan sa buhay ko! Umalis ka na at 'wag na 'wag ka ng babalik!"

Tinulak-tulak ko siya ulit hanggang sa makalabas na siya ng gate. Pinagpupulot ko ang mga damit niya at pinagtatapon ito sa kanya. Nakatayo lang siya sa labas at hinahayaan niya lang ako sa aking ginagawa. Hanggang maibato ko na lahat ng kanyang mga nagkalat na damit.

Humahangos akong napatingin sa kanya. Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Mag-iingat ka palagi baby boy... 'wag kang magpapagutom. Tawagan mo lang ako kapag hindi ka na galit sa akin. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat 'nak. Tawagan mo lang si Papa at darating kaagad ako." malungkot niyang saad na lumuluha at may pilit na ngiti.

"'Wag ka ng umasa na tatawag ako sa'yo! Magsama kayo ng babae mo!"

Tumalikod kaagad ako sa kanya at narinig ko pa ang kanyang huling mga sinabi.

"Mahal na mahal kita 'nak... mahal na mahal." at mabilis akong pumasok ng bahay ng hindi siya nilingon. Dire-diretso at pahampas na isinara ang pinto papasok sa loob.

Napasandal ako sa pinto at napahagulgol ako ng tahimik. Bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan at pati ito ay nakikisabay sa siphayo ng aking damdamin.



"TABLE 13!"

"And'yan na!"

Mabilis kong kinuha ang order na handa na at dinala ito sa dining area. Abala kaming lahat ngayon sa dami ng mga kumakain. Kahit halos alas nuwebe na ng gabi ay marami pa ring kumakain kaya medyo hindi kami nakapagpahinga ng mga kasama ko.

Nakapagpahinga lang kami ng kumonti na ang mga kostumer.

Halos ilang linggo na rin ang lumipas simula ng umalis ang aking ama sa bahay namin. Kahit araw-araw niya akong tinatawagan at kinakamusta ay hindi ko naman siya sinasagot. Kahit mga texts niya ay binubura ko na agad kahit hindi pa nababasa.

Sandali akong natigilan ng mapatayo ako sa glass wall ng restaurant at matanaw ko ang mga ilaw ng syudad. Nasa ikaapatnapu't-limang palapag ako kaya naman kitang-kita ko ang buong syudad.

Talagang maganda ang view sa restaurant na ito. Talagang mas lalong nagiging espesyal ang restaurant ng hotel kapag gabi na.

Ito na rin ang huling araw ko na dito magtratrabaho. Kahit na halos isang buwan lang ako rito ay napamahal kaagad ako sa mga taong kasama ko. Kailangan ko na kasing maghanap ng ibang trabaho. May natanggap kasi akong offer sa isang advertising agency kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ang alok.

Malaki ang sahod at bagay na bagay ang trabaho na ito sa aking kursong natapos. Kaya naman nagpaalam ako ng maayos sa aking mga kasama sa trabaho lalo na sa aking manager na sobrang bait sa akin. Hindi naman siya nagalit ng sinabi ko na aalis na ako. Bagkus, masaya siya para sa akin.

Susulitin ko na ngayon na tanawin ang mga nakikita ko ngayon sa gabing ito. Dahil aalis na ako rito. Pwede naman daw akong bumisita sabi ni manager kaya naman laking tuwa ko ng sinabi niya ito sa akin.

"Mami-miss ko talaga ang lugar na ito." at napabuntong-hininga ako.

Sa mga panahong dumaan ay nagpatuloy pa rin ang aking buhay kahit marami na ang nagbago. Ako na lang mag-isa at wala na akong kasama. Tanggap ko naman na hahantong sa ganito ang lahat. Ito ang kabayaran ng kasalanan ko sa pagmamahal sa sarili kong kadugo. Pero handa ko itong pagbayaran.

Sa simula pa lang naman ay ako lang naman talaga mag-isa. Nakaya ko noong wala namang nagmamahal sa akin. Kakayanin ko ito ngayon. Sanay na naman ako.

Nang lahat ng mga guests at customers ay nagsiuwian na. Nagsara na rin kami at nagligpit. Bukas ay pahinga na dahil wala na akong pasok dahil titigil na ako sa pagratrabaho.

Bukas din ay magsisimula na ako para isakatuparan ang plano ko kay Lester at para mailigtas ko na si Roland sa kanya. Gaya ng pangako ko kay Roland na tutulungan ko siya. Tutuparin ko ito dahil may isang salita ako at hindi ko binabali ang isang pangako.

Hindi tulad kay papa.

Kailangan kong tulungan si Roland para wala ng mapanghawakan si Lester sa kanya at para na rin sa kanyang kalayaan.

"Pre, uwi ka na ba?" tanong sa akin ni Roland ng papalabas na kami sa restaurant.

"Oo pre... mauna na muna ako sa'yo. Napagod ako." napangiti ako sa kanya.

"Pre, yung tungkol sa sinabi ko sa'yo dati... tungkol sa ginawa ni Lester sa akin? Kalimutan mo na lang yun. Ayaw kong madamay ka pa." nag-aalala niyang sagot.

Napag-usapan na naman kasi naman ito kanina kaya ipinaalala na naman niya sa akin na hayaan ko na lang dahil ayaw niyang madamay pa ako.

"Hindi ka na ba niya ginagambala?"

Natahimik siya sa aking tanong.

Alam ko na ang sagot dito.

Hanggang ngayon ay ginagamit pa rin siya.

"Congrats pre huh? Ang laki siguro ng sahod mo dun sa bagong work mo. Pa-burger ka naman!" pag-iiba niya sa usapan.

"Sa susunod na lang. Hindi pa nga ako nakakapagsimula eh."

"Pero kapag nakapagsimula ka na. Pa-blow out ka naman sa amin ni Nathan." tuwang-tuwa niyang sabi.

"Oo naman. Ano pa bang magagawa ko? Alam kong hindi niyo ako titigilan mga ungas kayo."

Natawa siya sa aking sinabi.

Inalok pa ako ni Roland na ihatid na lang niya ako pauwi. Pero hindi na ako pumayag, sabi ko na lang sa kanya na naghihintay sa akin si papa sa baba. Pero isa itong malaking kasinungalingan. Ayoko lang kasing maabala pa siya.

Nang pababa na ako ng hotel at sumakay na ng elevator. Mabilis kong pinindot ang mga numero para makababa na. Ako lang mag-isa at wala akong kasama. Magsasara na sana ang pinto nito. Ngunit may isang humabol at iniharang niya ang kanyang kamay sa pintuan kaya naman hindi ito tuluyang nagsara at muli itong nagbukas.

Sandali akong natigilan. Sa dinami-dami ng taong pwedeng makita ko. Bakit ang isang 'to pa talaga? Ang taong tinutukoy ko ay walang iba kundi si Kuya Bernard.

Nagkatinginan kami at mabilis akong umiwas.

Akala ko ay hindi siya tutuloy pero pumasok siya sa loob. Walang kibuan habang bumababa na ang elevator. Ramdam ko ang mainit na tensyon sa aming dalawa. Tahimik at walang pansinan.

Bakit ba siya nandito? Hindi ko naman siya nakitang kumain kanina ah?

Nang maramdaman ko na lang bigla na parang lumilindol. Medyo nakaramdam na ako ng takot. Hanggang sa mas lumakas pa ito at dito na ako nag-panic. Taimtim akong nanalangin at parang lahat ng santa na alam ko ay tinawag ko na. Pati si Santa Claus tinawag ko na rin. May Santa kasi sa pangalan niya. Takot na takot na kasi talaga ako.

Subalit kabaliktaran naman ito sa lalaking kasama ko. Nakatayo lang siya na para bang walang pakialam sa mundo. Nakatingin sa pinto ng elevator na parang nababagot at walang kagana-gana.

Nang bigla na lang namatay ang ilaw sa loob at tumigil ang pagbaba ng elevator. Napatili ako saglit at ipinikit ko na lang ang aking mga mata sa takot habang nanginginig pa. Kaya naman mas naramdaman ko na ang pag-alog ng lindol. Hindi na ito biro. Malakas na talaga siya.

Oh my goodness! Tama na po. Magbabago na po ako. Hindi na po ako magpupuyat sa kaka-netflix lord. Tama na po. pleaassee! Tama naaa... ayaw ko po ng lindol talaga! Lindol lindol go away. Come again basta 'wag muna ngayon. Nasa elevator ako! Huhu. Nagpa-panic kong sabi sa aking isipan.

Hanggang sa tuluyan na nga itong humina hanggang sa tumigil na.

Nang buksan ko ang aking mga mata ay medyo madilim. Mabuti na lang at may ilaw mula sa cell phone ni Kuya Bernard. Hindi ako nagpahalata na medyo natatakot pa ako kaya nagpatay-malisya na lang ako na parang wala lang sa akin ang nangyari. Pero sa totoo lang ay naiihi na talaga ako sobrang takot kanina.

Hindi kami nag-imikan. Ayaw niyang makipag-usap sa akin at ayaw ko rin sa kanyang makipag-usap. Nag-dial siya ng number at parang may tatawagan siya. Subalit bigla na lang namatay ang cell phone niya.

"Fuck! Ngayon pa talaga na batter empty? Kapag minamalas ka nga naman." usal niya sa dilim.

Wala akong makita kaya naman pinailaw ko na lang ang cell phone ko. Buti na lang at full battery ako. Hindi pa rin kami nag-usap hanggang sa maramdaman ko na na umiinit na sa katagalan.

Nawala ang aircon at mainit na sa loob. Pinagpapawisan na ako kaya naman kumuha ako ng paypay sa aking backpack. Buti na lang talaga at palagi akong handa.

Napagod na ako sa katagalan sa kakatayo kaya naman ay umupo na lang ako sa sahig. Habang nagpapaypay.

Maya't maya ay may tutulong din naman sa amin kaya hindi na ako nag-isip ng ikakabahala ko.

Sa katagalan ay hindi na rin siya nakatiis sa init at hinubad niya na ang kanyang amerikana at long sleeves. Pawis na pawis siya. Isinabit niya pa ang mga damit sa balikat at nagpaypay gamit ang kamay.

Hindi sinasadyang napatuon ang aking mga mata sa kanyang katawan. Walang pinagbago ito, batak na batak pa rin at hindi man lang nawala ang prominente niyang mga abs. Halatang alaga pa rin niya ang kanyang katawan.

Bigla siyang lumingon sa akin kaya naman singbilis ng kidlat akong umiwas ng tingin at nagpanggap na naglalaro sa aking cell phone. Siguro napagod na rin siya sa kakatayo kaya naman naupo na rin siya sa may sulok.

Nang bigla na lang siyang magsalita.

"Hindi ka pa pala natatanggal sa trabaho mo?" saad niya.

Pero imbes na sagutin ko siya ay nagbingi-bingihan ako.

"Hoy! Kinakausap kita... bakla!" singhal niya.

Napatigil ako sa pagsi-cell phone. Nagpanting ang aking tenga sa narinig.

Nilingon ko siya ng hindi nagsasalita. Mataray ko lang siyang tiningnan.

"Sino ka ba sa inaakala mo? Gusto mo bang ipatanggal kita sa trabaho mo? Kung hindi mo naitatanong... sa pamilya ko ang hotel na 'to. Kaya pwede kitang tanggalin kapag gugustuhin ko." angas niya.

"Ano bang problema mo? Inano ba kita?" tanong ko sa kanyang nagtataray.

Luh, problema nito?

"Ganyan ka ba makipag-usap sa may ari ng building na 'to?"

Hindi ko na napigilan ang aking sariling pumutok sa inis.

"First and foremost... hindi mo na ako empleyado kasi nag-resign na ako kanina. Pangalawa, bakit kita igagalang? Ang bastos mong makipag-usap sa akin. Pangatlo, wala akong pakialam kung ikaw ang may-ari nitong building na madaling masira ang elevator. Kaunting lindol lang nasisira agad? Kala ko ba five star hotel 'to? Lastly, kung makabakla-bakla ka sa akin kala mo naman hindi kita natikman dati. Halos magwala ka pa nga dati kapag hindi kita pinagbibigyan. Ulol na ulol ka pa nga sa serbisyo ko." pang-iinsulto ko sa kanya at sarkastikong ngumiti.

Nagulat siya sa aking sinabi. Natigilan siya. Akala niya siguro na tatahimik na lang ako at magwawalang kibo. Yun ang akala niya. Wala na ang Jessie na nakilala niya. Wala na.

"Gusto mo bugbugin kita?!" asik niya.

"Talaga? Then go! Sinong tinakot mo? Siguraduhin mo lang na mamamatay ako sa bugbog mo. Kasi kapag hindi, mag-eeskandalo ako rito at hihilahin kita pababa. Wala naman akong repustayong iniingatan. Isa lang naman akong hamak na mamamayan. Kaya gawin mo!" singhal ko sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita.

"Kung makaasta kang gago ka. Ikaw na nga 'tong biglang nawala tapos bigla ka na lang susulpot? Ano ka kabute?" segunda ko pa.

Magsasalita pa sana ako para sumbatan siya ng bigla na lang niyang suntukin ang dingding na siya kong ikinagulat. Kaya naman mabilis na umurong ang aking dila.

Peste ka! Oh sige, tatahimik na ako. Letcheng 'to. May pa suntok-suntok ka pa sa pader huh? Sana mamaga yan! Bleeeh!

Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod na nangyari. Hindi na kami nag-usap pa at wala ng pansinan. Ilang minuto ang nagdaan at pansin ko na parang nauuhaw siya. Lumalalim din ang kanyang hininga.

"Hmmn... nakakauhaw" sambit niyang pabulong lang pero narinig ko.

Humanda ka ngayon. Iinggitin kita.

Binuksan ko ang aking backpack at kinuha ko ang isang tumbler na may lamang tubig. Sinadya ko pa talagang patunugin ang pagbukas ko rito para mapansin niya ang dala ko.

Mabuti na lang talaga at may pagka-Dora ako minsan. Palaging handa. Kulang na lang talaga yung unggoy na si Boots 'tsaka yung mapa. Kasi may Swiper na... at ito ang kasama ko ngayon. Swiper no swiping!

"Ay mabuti naman at malamig pa 'tong tubig. Makainom nga." pagpaparinig ko.

Sadya ko talagang ipinakita kung paano ko ininom ang tubig para inisin siya. Sarap na sarap ako sa pag-inom. Napadighay pa ako ng matapos na akong uminom.

Sinadya kong magtira nang marami-rami para naman inggitin pa siya.

Nakatingin lang siya sa akin at halatang uhaw na uhaw na. Tuyong-tuyo na ang kanyang mga labi at natutuwa ako sa ginagawa kong pang-aasar sa kanya.

"Gusto mo?" alok ko.

Hindi siya nakasagot agad.

"Okay, parang ayaw." at ipapasok ko na sana ito uli sa aking backpack.

Nang magsalita siya bigla.

"P-pahingi ako." nahihiya niyang sagot.

"Wala ng libre ngayon. Bilhin mo kung gusto mo. May hotel ka nga 'di ba?" sumbat ko sa kanya.

"Magkano ba yang tang inang tubig mo?!" naiinis niyang sagot.

"150 yan, pero tumaas pa kasi may kasamang mura. So 200 na lahat." pagtataray ko.

"Tang ina... sa'yo na yang tubig mo! Manggagantso!"

"Okay, hindi naman kita pinilit noh." at inirapan ko siya.

Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa lumipas pa ang mga minuto. Pansin ko na uhaw na uhaw na talaga siya. Pawis na pawis pa. Medyo nakaramdam ako ng awa. Para kasing namumutla na siya.

"Ito oh. Salo!" at ibinato ko ang tubig sa kanya na maagap naman niyang nasalo.

Magsasalita pa sana siya ng inunahan ko na siya.

"'Wag kang mag-alala. Hindi ako maniningil. Inumin mo na yan at baka mamatay ka pa d'yan at kasalanan ko pa."

Walang sabi-sabi at ininom niya kaagad ang tubig. Sa bilis ng paglagok niya ay parang nainom niya ito sa ilang lagukan lang. Muli niyang ibinato ang lalagyan ng tubig sa akin at sinalo ko naman ito at inilagay na sa aking backpack.

"Salamat." tipid niyang sagot.

Hindi na ako umimik pa. Naging tahimik kami at hindi nag-usap. Subalit sa katagalan ay hindi ako nakatiis. Bigla ko na lang nailabas ang mga salita na noon pa man ay gusto ko ng itanong sa kanya.

"Bakit ka biglang nawala?" at naibulalas ko na ang aking gustong sabihin ng hindi sinasadya.

Natigilan siya.

Akala ko ay hindi niya sasagutin ang aking tanong subalit nagkakamali ako.

"Kinidnap ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Paano ka naman nakalabas?" kaswal kong sagot.

"Nakatakas ako." tipid na naman niyang sagot.

Natahimik ako sandali.

"Bakit hindi ka bumalik?" lakas-loob kong tanong sa kanya.

"Wala na akong kailangang balikan. Abswelto na ako sa kaso ko at tinanggap na ako uli ng pamilya ko. Bakit pa ako babalik sa'yo? Lahat naman tayo nagbabago 'di ba? Ikaw nga... nagbago ka na. Kaya wala na akong dahilan para balikan ka. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Masaya na hindi ka kasama." diretsahan niyang sagot sa akin.

Napalunok ako ng laway. Napakasakit ng kanyang sinabi. Akala ko ay may mabigat siyang dahilan. Akala ko ay may mabigat na dahilan para iwan na lang niya ako nang basta-basta. Yun pala dahil lang sa nagbago na siya. Wala siyang pinagkaiba kay papa. Parehas lang silang manggagamit.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot na siya niyang ikinagulat. Akala niya siguro na maglulupasay ako at mag-iiyak. Hindi yun ang gagawin ko. Matagal ko na siyang kinalimutan at wala ng dahilan para lumuha pa.

"Masaya ako para sa'yo. Sana maging masaya ka na habang buhay kasama ng babaeng mahal mo. Salamat sa lahat ng alaala. Kahit na hindi mo naman ako minahal at kunwari lang ang lahat ay nagpapasalamat pa rin ako sa'yo. Kahit kunwari lang ay sumaya naman ako nung kasama kita." sandali akong napatigil.

"Salamat at binuksan mo ang mga mata ko na sa totoong buhay. May mga tao talagang darating na gagamitin lang tayo. Salamat at may natutunan ako sa'yo... kuya." at umiwas na ako ng tingin sa kanya.

Hindi siya nakasagot. Natahimik na lamang siya.

Bigla na lang umilaw ulit at nagbalik na ang kuryente. Umandar na uli ang elevator kaya mabilis siyang nagdamit ulit ng kanyang long sleeves at amerikana. Nang bumukas na ang pintuan ay mabilis akong lumabas at dire-diretsong naglakad palayo sa kanya. Hanggang sa naging pagtakbo na ang mga yabag ng mga paa ko.

Nang makalabas ako ng hotel ay kaagad akong pumara ng taxi. Nang mabuksan ko ang pinto ay may narinig ako.

"Jessie... sandali!"

Pero hindi ko na pinansin ang tawag sa akin at mabilis na pumasok sa loob. Kaagad umandar ang taxi ng pinagmadali ko ang driver na umalis.

Hindi na ako nahabol ng lalaking tumawag sa akin. Ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya. Ito na ang huli.



NANG makauwi ako sa bahay ay napakatahimik. Walang ingay, walang buhay ang dating tahanan na puno ng saya at maliligayang alaala. Pero hindi na ako umiiyak pa. Walang dahilan para umiyak pa.

Alam ko na ang halaga ko ngayon at hindi na ako papayag na tapak-tapakan na lang. Na maloko pa ulit at magamit. Nadapa ako subalit bumangon. Nagalusan pero mas naging matibay.

Dapat hindi ko na isipin pa ang mga lalaking sinaktan lang ako. Hindi ko sila kailangan.

Diretso akong humiga sa kama ng makapasok na ako sa aking silid.

Bumuntong-hininga ako at kinalma ang aking sarili at kinalimutan ang mga iniisip.

May taong kailangan ang tulong ko.

Kailangan ko ng gumalaw para matulungan ko ang aking kaibigan na si Roland. Bukas ay gagawin ko na ang planong naisip ko. Ito muna ang unang problema na hahanapan ko ng paraan. May solusyon na at kailangan na lang isagawa.

"Bukas magsisimula na ako... bukas na bukas ay mapipigilan ko na si Lester sa mga kasamaan niya."

Kinaumagahan ay maaga akong gumising at nag-almusal. Alam ko na wala si Lester sa bahay niya ngayon kasi nakita ko sa social media account niya na nag-out of town siya. Ngayon, malaya kong mapapasok ang lungga ng demonyo.

Handa na ako para isagawa ang plano.

Paglabas ko ng bahay ay kaagad akong nagtungo sa labasan upang sumakay. Hangggang sa makaabot ako sa mansion nila Lester. Nag-door bell ako sa labas ng gate at mabuti na lang at si manang ang nakaharap ko. Ang napakabait na yaya ni Lester. Sayang at hindi nagmana ang kanyang alaga.

Masaya niya akong sinalubong at pinatuloy sa loob.

"Mabuti naman at napadalaw ka hijo." masigla niyang ani.

"Oo nga po, nandito po ako para isauli 'tong tupperware na nilagyan ng mango float manang." nakangiti kong sagot sa matanda.

"Naku, hindi mo naman 'to kailangang isauli Jessie. Sa inyo na yan."

"Nakakahiya naman po. Kaya isasauli ko na lang po talaga. Nga po pala, saan po si Lester?" kunwari kung tanong kahit alam ko naman ang sagot.

"Ay umalis, apat na araw siya dun sa Bataan. Nagpapahinga kasi sa sobrang pagod sa trabaho. Sayang at hindi mo siya makikita ngayon."

Mabuti nga at hindi ko po siya makikita.

"Ganun po ba? Sayang naman."

"Hayaan mo na lang yun, mabuti at nakagala ka talaga. Ipaghahanda kita ng paborito mo Jessie."

"'Wag na po, nakakahiya naman po sa inyo manang."

"Huwag kang mahihiya Jessie. Sige na, manood ka na lang ng tv sa sala at ipaghahanda kita ng paborito mo. Dito ka na lang din mananghalian anak. Para naman may makasama kami dini."

Ngumiti ako.

"Siya nga po pala... nandito po ba ang stepsister ni Lester?" kinakabahan kong tanong.

"Si Lara? Hindi pumupunta yun dito. Hinding-hindi nagkakasundo ang dalawang batang iyon. Palaging nag-aaway. Ewan ko ba diyan sa mga batang iyan. Kung magturingan parang hindi magkapatid." lihim akong napangiti.

Walang sagabal!

"Paano mo nalaman na may kapatid pa siyang babae?"

"Ay, nasabi po niya sa akin eh."

Napatango-tango na lang ang matanda.

"Umm... manang... pwede ho bang pumasok ako sa dating kwartong tinulugan namin ni Papa dati? Tingin ko kasi dun naiwan yung sim ko nung nawala." pagsisinungaling ko.

"Sige Jessie... hanapin mo lang doon. Oh siya, maghahanda na ako ng paborito mo." nakangiting sagot ni manang.

"Sige po salamat."

Mabilis akong umakyat sa taas at nagpalinga-linga. Alam kong mali ang magsinungaling ako sa kabaitan na ipinapakita ni manang sa akin. Pero kailangan ko itong gawin para sa kalayaan ng mga taong pinahihirapan ng kanyang alaga na hindi niya alam.

Imbes na pumasok ako sa sa dating silid namin ni papa na tinulugan, ay kay Lester ang pinuntahan ko na kwarto. Pagpihit ko ng door knob ay halos mapatalon ako sa tuwa.

Bingo!

Hindi ito naka-lock.

Mabilis akong pumasok sa loob at dali-dali ang pagpunta sa kanyang computer. Napakalaki ng kanyang silid at talagang nakakamangha. Ang ganda kasi at ang gara-gara.

Alam ko na walang cctv sa kanyang silid dahil naitanong ko ito kay Roland kaya hindi ako nababahala.

Mabilis kong nabuksan ang computer. Subalit may password ito tulad nga ng sinabi ni Roland sa akin. Subalit nakabisado niya ito at sinabi niya sa akin kung ano, kaya naman mabilis akong nag-type at ng mapindot ko na ang enter ay nagbukas na nga ng tuluyan ang kanyang computer.

Kumakalabog ang puso ko sa kaba. Limitado lang ang panahon ko kaya dapat mabilis ang kilos ko. Alam ko kung saang folder ang bubuksan kaya naman ito kaagad ang aking pinagtuonan ng pansin.

Dito na nga sumambulat ang dose-dosenang mga videos na sinasabi ni Roland sa akin. Talagang nakuha ko ang lahat ng impormasyong kinakailangan ko para sa planong ito.

Mabilis kong na highlight lahat at naisaksak ang aking flash drive at dito inilipat ko lahat ng mga videos. Hindi ko buburahin at ililipat ko lang. Baka kasi ma-recover pa kapag kumuha siya ng magaling na hacker. Kaya ililipat ko na lang ang mga video para wala ng matirang bakas pa. Isa pa, gagawin ko rin itong ebidensiya laban sa kanya.

Naging sigurista ako. Naghanap pa ako sa ibang folder. Mabuti na lang at walang masyadong laman ang kanyang computer kaya hindi ako nahirapan. Kahit sa web ay hinanap ko ang history ng mga website na binuksan niya. Tiningnan ko kung may upload siyang mga video subalit wala naman.

Pati ang social media account niya ay napasok ko dahil naka-auto in ito. Kaya naman napasok ko ang kanyang acount ng walang kahirap-hirap. Hindi na kasi siguro siya nagla-log out.

Wala naman akong nakikitang nakatagong video sa mga direct messages niya. Pero hindi ko maiisa-isa ang lahat kaya naman sinuri ko ang account niya at hinanap ko sa settings kung ano ang kanyang password. Para mabuksan ko uli ito kappag nakauwi na ako sa bahay.

Nang maipasa ko na ang dose-dosenang mga videos ay mabilis kong tinanggal ang flash drive at pinatay na kaagad ang computer. Pinunasan ko muna ang mga keyboards at lahat ng nahawakan ko. Dapat wala akong ititirang bakas.

"Sa wakas... wala ka na ring mabibiktima Lester. Matitigil na ang mga kawalang-hiyaang ginagawa mo!"

Maingat akong nakiramdam sa labas ng pinto kung may tao. Nang maramdaman ko na parang wala naman ay mabilis akong lumabas at pinusan pati ang door knob at bumaba na sa sala.

Tumungo ako sa kusina at nakita ko si manang na abalang-abala.

"Manang tulungan ko na po kayo."

"Naku, 'wag na... maupo ka na lang dun. Ako ng bahala dito. Nahanap mo ba ang sim na nawala?"

"A-ano po. H-hindi po manang. Mukhang sa bahay talaga yun nawala eh."

"Ganun ba? Sana naman mahanap mo na yun." magiliw niyang sagot.

"Manang, asan po ang ibang mga katulong? Nag-iisa lang po kasi kayo ngayon eh."

"Lumabas sila, babalik din naman ang mga yun mamaya. Binigyan kasi ng pera ni Lester ang mga iyon. Kaya ayun. Nagsipanglayas para mag-shopping." natatawa niyang sagot.

Nakitawa na lang din ako.

Inabot kami ng tanghalian sa aming pag-uusap hanggang sa napilitan akong sa kanila na lang din makikain. Masaya kaming nagkwekwentuhan habang kumakain ni manang ng tinanong ko siyang bigla sa isang bagay.

"Manang... bakit po ang bait-bait niyo sa akin?"

Napangiti siya.

"Naalala ko kasi ang alaga ko sa'yo Jessie... mahal na mahal ko ang batang iyon. Para ko ng sariling anak iyon. Pero pumanaw na siya. Nang maaksidente sila ni Lester ay masyadong napuruhan iyong bata. Kaya hindi niya nakayanan." malungkot niyang sagot.

Ang tinutukoy niya ay ang nakababatang kapatid ni Lester na namatay sa aksidente nung bumangga sila at nakadamay pa ng ibang mga tao. Pati si papa ay nabangga nila sa malagim na aksidenteng yun.

"Pasensya na po manang."

"Okay lang anak. Walang may gusto sa nangyari." pilit niyang ngiti.

"Matanong ko lang ho kayo. Ano po bang pangalan ng kapatid ni Lester manang?"

"Lance ang pangalan niya. Sandali lang... ipapakita ko sa'yo si Lance."

Umalis sandali si manang at pagbalik niya ay may dala na siyang photo album. Nang ipinakita niya sa akin ang picture ng sinasabi niyang kapatid ni Lester ay halatang magkahawig sila. Tuwang-tuwa ang matanda habang ipinapakita sa akin ang mga larawan ng mga nakaraan.

Ramdam ko na nangungulila siya rito. Pati mga larawan ng mga kabataan nila ay magkasama palagi ang magkapatid. Pero pansin ko na hindi nila kasama ang isa nilang kapatid. Ang stepsister ni Lester na nagngangalang Lara. Ang babae ng aking ama.

Siguro totoo ang sinasabi ni manang na malayo ang loob ni Lester dito.

Nang matapos na kami sa pagkain ay nagpaalam na kaagad ako sa kanya. Nagulat pa ako at ipinadala pa ni manang ang ginawang dessert. Tatanggi pa sana ako subalit mapilit si manang kaya wala na akong nagawa.

"Manang, 'wag niyo na lang pong sabihin kay Lester na pumunta ako dito. Nahihiya kasi ako eh."

"Naku walang problema."

"Talaga po? Promise niyo po sa akin yan huh?"

"Oo." at napangiti ako sa kanya.

Nang makalabas na ako sa labas ng gate ng mansyon ay kaagad akong nakapara ng sasakyan at nagpaalam sa napakabait na matanda. Nakakaramdam ako ng konsensya, subalit naisip ko na ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti ng lahat.

Nang makauwi ako sa bahay ay mabilis kong isinaksak ang flash drive sa aking laptop at dito ko na inilipat ang mga video na nakuha ko. Dahil sa kuryusidad ay binuksan ko ang mga videos.

Dito na ako nagimbal sa aking mga makikita. Totoo ang sinasabi ni Roland. Ginawa siyang hayop ni Lester at inalipin siya ng walang awa. Lahat ng sinabi ni Roland sa akin na ipinagawa sa kanya ni Lester ay totoo. Subalit nagtataka ako.

Nang tingnan ko ang ibang video ay wala namang ginagawang kakaiba si Lester. Ang nakikita ko lang ay ang mga babaeng tumirik ang mga mata sa sarap habang kinakantot niya ang mga ito. May threesome pa ngang video na hindi ko inaakala. Kasama niya ang dalawang babae na nag-aagawan sa kanyang sandata sa pagsubo.

Napalunok ako habang nakatingin sa video. May itinatagong alaga pala itong si Lester. Malaki, mataba at mahaba. Tingin ko ay kasing taba ng sardinas ang kanya.

Naghanap pa ako ng ibang video. Subalit wala akong nakitang may sinasaktan siya bukod lang kay Roland. Ang ibang mga video na nakuha ko ay ang mga pakikipagtalik niya sa mga iba't ibang babae at iilang video na siya lang mag-isa habang nilalaro ang kanyang ari.

Sinuri ko rin ang social media account niya ulit dahil alam ko kung paano buksan ito. Pero wala talaga akong nakikitang kakaiba.

Pero may napansin akong isang video na nakuha ko kanina. Na may isang napakandang babae na parang nakikipag-usap sa kamera. Hanggang sa hinalukay ko pa ang iba at marami ang mga videos ng babae na aking nakita. Lahat ng ito ay parang normal lang naman. Parang nakikipag-usap lang ito sa ka-chat niya at wala ng iba.

Tingin ko, ito ang ginamit ni Lester kaya naloko niya si Roland. Kumuha siya ng video sa internet para magpanggap na babae at ito ang hindi alam ni Roland. O baka bayaran o kaibigan niya ang babaeng ito at binayaran ni Lester para magpanggap para lokohin si Roland?

Nalilito ako... parang si Roland lang naman ang pinahihirapan at wala ng iba.

Parang may kulang sa kwento na hindi ko alam... at yun ang aking aalamin.






Itutuloy...







Feel free to follow my BLOG and Comment! :P



1 comment:

  1. Baka si Jessie talaga ang trip nitong si Lester. Hahaha haba ng hair

    ReplyDelete