SPECIAL CHAPTER 4
Umaga na ng makalapag ang eroplanong sinasakyan nila Jessie sa isla ng Hawaii. Hawak-kamay pa ang mag-asawa habang bumababa rito. Nang makapasok na sila sa loob ng airport ay mabilis lang nilang nahanap ang kanilang mga maleta na umiikot sa baggage carousel.
Nang papalabas na sila ay kaagad silang tinawag ng isang pamilyar na lalaki. May dala pang sign board ito na nakasulat pa ang kanilang mga pangalan. Nang makita na nila ito ay napangiti sila at kaagad silang lumapit. Hindi nila aakalain na sasalubungin sila ni Roland. Nakipagkamay at niyakap nila ang binata.
Si Roland ang magiging driver ng dalawa papunta sa private resort nila Nathan. Habang kasama pa nito ang bago nitong kaibigan na si Theo. Ito ang binata na nakadalo sa kanilang kasal, na dinala ng kaibigan ni Jessie na si Oliver.
"Kamusta ang flight ng love birds?" si Roland.
"Mabuti naman Rol. Masaya!" makahulugang sagot ni William.
Sandali silang nagkwentuhan at pagkatapos ay ipinasok na nila ang lahat ng mga gamit sa likod ng sasakyan. Agad ng pinaandar ito at umusad. Nagsimula na silang bumiyahe.
Habang tumatakbo ang sasakyan ay kinakausap nila si Roland sa mga bagay-bagay, lalo na at matagal nila itong hindi nakita ng tumira na ito sa Amerika.
Si Roland ang nagmamaneho habang katabi nito si Theo na nasa front passenger seat. Ang mag-asawa naman ay nasa back seat. Masaya ang pag-uusap nilang lahat. Hindi rin kasi nahihiya ang binatang si Theo na makipag-usap sa kanila.
Pilipino ito subalit mestizo. Ang ama nito ay isang Pilipino habang ang ina naman nito ay isang Brazilian. Kulot ang buhok ng binata na bumagay sa maamo nitong mukha. Nangungusap ang mga mata at magaan kasama. Hindi rin nalalayo ang agwat ng mukha nito kung papogian lang. Hindi ito pahuhuli sa mga kasama nito sasakyan.
"You guys will definitely love the place. Sure na sure ako." si Theo.
"Excited na nga ako eh. Hindi na ako makapaghintay na magtampisaw sa beach! Hindi kasi ako nakaligo dun sa beach ng Miami eh. Panay gala lang kasi kami." masayang sagot ni Jessie.
"Mas maganda ang mga beaches dito Jessie, trust me. I was really mesmerized by the fine sand and the view of the place."
Napangiti si Jessie at mas nanabik pa.
Nang tumagal ay napagod na si William at nakatulog. Mahimbing itong nakatulog sa balikat ng misis niya. Habang si Jessie naman ay gising na gising. Hindi man lang ito napagod. Nakangiti lang ito at hindi maalis ang ngiti sa mga labi. Tinatanaw ang lahat ng kanilang mga nadadaanan mula sa bukas na bintana ng kotse.
Maaliwalas ang kalangitan at mainit ang panahon. Masarap mag-road trip.
Malayang naaamoy ni Jessie ang simoy ng hangin at ang pamilyar na amoy ng dagat habang nadadaanan ito mula sa kalsada. Sa kalayuan ay natanaw niya ang mga dolphins na naghahabulan sa paglangoy at nagtatalunan pa.
"Guys! May dolphins. Tingnan niyo!" sabay turo niya.
"Whoah... ang dami nila! Parang naglalaro yata sila." manghang-manghang sagot ni Theo.
"Oo nga, nakakatuwa silang tingnan." sambit naman ni Roland.
Gusto sana ni Jessie na gisingin ang asawa. Subalit hinayaan na lang niya dahil payapang-payapa ito sa pagtulog. Kaya napagpasyahan niyang i-video na lang ang mga ito para ipakita sa mister kapag nagising na mamaya.
Halos dalawang oras din ang biyahe bago nila narating ang lugar. Palinga-linga pa si Jessie habang papasok na sila sa gate dahil sa mga nakikitang mga kahoy na nasa gilid lang ng kalsada. Na talaga namang mahahaba at namumukadkad sa mga bulakkak
Huminto sila sa porch ng isang luxury deluxe hotel. Pagbaba ni Jessie sa sasakyan ay namangha na siya sa kanyang nakita. Ang ganda-ganda kasi ng paligid. Alagang-alaga at talagang mararamdaman mo ang kalikasan. Sandaling naipiikit niya ang mga mata at nilanghap ang sariwang hangin.
"Sobrang ganda dito!"
"Sabi ko naman sa'yo eh." nakangiting sagot ni Theo.
Ilang sandali pa ay sinalubong na sila ng papalapit na si Nathan at Oliver mula sa foyer ng hotel.
"Tol!" sigaw nito.
"Nat!"
Mabilis na nagyakapan ang dalawa. Nagyakapan din sila Oliver at Jessie.
"Nat, ang ganda naman ng resort niyo! Grabe, rich kid ka talaga." natawa lang ito sa sinabi ng kaibigan.
"Hindi naman. Si tito, nasa'n?" pagtataka nito.
"Ayun, bagsak." sabay turo nito sa mister na natutulog sa sasakyan.
"Pinagod mo siguro tol eh."
"Sira!"
Nagtawanan ang lahat.
Kaagad na ginising ni Jessie ang mister niya. Nang magising na ito ay kaagad itong napangiti.
"Nandito na tayo pang." mabilis na bumaba si William sa sasakyan at kaagad nitong napansin si Nathan.
"Tito!"
"Nat! What's up my man." mabilis na nag fist bump ang dalawa at nagyakapan.
"Welcome to Casa Ouahu!" pagpapakilala ni Nathan sa Resort and Hotel nila.
"Ang ganda rito Nat! Tang ina, ang yaman mo talagang kumag ka." natatawang saad ni William.
"Hindi ako ang mayaman, tito. Yung mga magulang ko!" natawa na lang sila sa sinabi nito.
"Pero sa'yo rin naman mapupunta lahat ng mga ito tol." si Jessie.
"Depende, kung walang kabit si daddy. Eh di solo ko 'to."
Bumuhakhak silang lahat. Kapag kalokohan hindi talaga pahuhuli itong si Nathan.
Sandali silang nagkwentuhan. Nang dumating na ang golf cart na magdadala sa mag-asawa sa kanilang pagpapahingahan ay sumakay na ang mga ito. May dumating na mga tauhan at dinala ang kanilang mga gamit at ito na ang nagsakay sa mga gamit nila.
Kapansin-pansin na halos lahat ng mga tauhan nila Nathan sa private resort ay mga Pilipino at ang mga lokal na nakatira doon.
"Magpahinga na muna kayo tito, tol. Ihahatid kayo ni Bunching kung saan kayo magsi-stay. Maganda dun kasi walang istorbo at solong-solo niyo ang lugar. Alam kong pagod kayo sa flight at baka may jetlag pa nga. Kaya magpahinga na lang muna kayo ng maayos. Tatawagin na lang kayo mamaya kapag lunch na. Sabay-sabay tayong kakain lahat."
"Sige, teka. Asan nga pala sila Solomon?" tanong ni William. Ang tinutukoy niya ay ang matatalik niyang mga kaibgan ni sina Henry at Solomon.
"Nagka-kayak po yung mga yun ngayon, tito." si Oliver.
"Ganun ba? Kaya pala. Sige, mauna na muna kami sa inyo. Magpapahinga muna kami ni misis."
"Sige-sige. Kita na lang tayo mamaya, tito." sagot ni Nathan. Nag-apir ang dalawa at matapos nito ay nag apir din sina Jessie at Nathan.
Nang umandar na ang cart ay kumaway pa ang mag-asawa sa mga kasama para magpaalam. Tumango lang ang mga ito ng nakangiti.
"Bagay na bagay sila. They are meant for each other." nakangiting anas ni Theo.
"Sinabi mo pa. Both of them are born to be with each other's arms." si Oliver.
Napangiti sina Nathan at Roland. Tuwang-tuwa ang apat na pinagmasdan ang mag-asawa habang papalayo ang golf cart.
Habang tumatakbo ang cart ay may nadadaanan ang mag-asawang mga bungalow na pribado na pwedeng mag check-in. Ito ang mas nagpadagdag ng kagandahan sa lugar. Kung ayaw mong mag-stay sa hotel ay pwede kang mag check-in sa isang bungalow. Kaya magkakaroon ka talaga ng privacy, lalo pa at malalayo ang mga ito sa isa't isa.
Palinga-linga ang dalawa dahil sa magandang landscape ng lugar na nadadaanan. Pati na rin sa kulay berde na dagat sa dalampasigan na talagang napakalinaw. Parang kumikinang ang tubig sa sobrang linaw nito.
Habang binabaybay nila ang daan ay may nadadaanan silang mga foreigner. Napairap lang si Jessie ng may magandang dalagita na naka-bikini at kumindat pa sa kanyang mister. Meron pang isa, ang ikalawang nadaanan nila na tinawag pa mismo ang kanyang mister at binati habang naka-one piece bikini naman. Tinawag itong "hot daddy".
Natawa na lang si William sa reaksyon ni Jessie. Mabilis niyang niyakap ang misis na nakahalukipkip at hinalikan sa pisngi.
"Selosa."
"Nagsalita ang hindi seloso."
Napailing-iling na lang si William at pinisil ang pisngi ni Jessie. Natutuwa siya sa pagkaselosa ng misis niya.
Pero ilang sandali pa ay si Jessie naman ang nilandi ng isang lalaking foreigner na naka-topless pa at naka sunglasses. Naka-shorts ito at talaga namang maganda ang katawan. Katunayan ay may abs ito. Papadaan ang golf cart nila ng tinanggal ng banyaga ang salamin nito at kumindat itong bigla kay Jessie.
Halos umusok ang ilong ni William sa inis. Muntik pa itong bumaba sa golf cart para komprontahin ang lalaking kumindat sa kanyang asawa. Mabuti na lang at napigilan ito ni Jessie. Kung kani-kanina lang ay tatawa-tawa pa si William. Ngayon ay busangot na ito. Habang si Jessie naman ang natatawa.
Pati si Bunching na kanilang kutsero ay natatawa sa mag-asawa.
Nagpatuloy lang sila habang maingay ang kutsero nilang si Bunching. Panay ang kwento nito habang nagmamaneho at talaga namang kwela at nakakatuwa. Pinoy din kasi ito. Ikwenento nito ang mga amenities ng hotel and resort at ang kagandahan ng lugar.
Nang makarating na sila sa dulo ng resort ay huminto na ang cart. Tumigil sila sa harap ng isang bungalow. Ito ang pinakamalayo sa lahat ng bungalow at ito rin ang nasa pinakadulo na parang naiiba sa lahat.
Napakatahimik ng lugar at walang sinumang mga tao ang naglalakad sa dalampasigan. Parang sadya ito na para lamang sa mag-ookupa ng bungalow dahil medyo may kalayuan ito sa hotel. Pero mas maganda ang view rito. Mararamdaman mo ang dalisay na kapayapaan at katahimikan.
"Nandito na po tayo mga sir." nakangiting wika ng kanilang driver.
Kaagad na bumaba ang mag-asawa. Kukunin na sana nila ang kanilang mga kagamitang dala. Subalit hindi pumayag ang driver na sila ang magdadala ng gamit nila. Pero nagkusa sila. Ayaw nila na ang magbuhat pa ay ang driver dahil kaya naman nila. Isa pa, madami silang mga gamit at ang liit-liit ng kutsero. Mas matangkad pa nga si Jessie rito kung tutuusin. Pandak kasi itong si Bunching.
"Kami na lang po ang magbubuhat Kuya Bunching. Kaya naman namin. 'Tsaka sayang mga muscles ng mister ko kung hindi niya dadalhin mga gamit namin. Siya na po ang magbubuhat para may pakinabang." pang-aasar ni Jessie sa asawa.
Natawa na lang si William sa sinabi ng misis.
Wala ng nagawa ang driver kundi ang sundin na lang ang kanilang gusto.
Sa harap pa lang ng bungalow ay mababanaag mo na ang disenyo nito na inspired sa Hawaiian native type bungalows. Medyo elevated ito at nakaangat sa lupa. Mga semento na korteng pabilog na parang kahoy ang nagsisilbing pundasyon nito sa ilalim. Habang may kanal naman na nakapalibot sa paligid ng bahay na talagang napakalinis at napakalinaw.
May mahabang patio na yari sa kahoy sa harap at gilid ng bahay na nakakonekta. Yari ito sa mga matibay na kahoy at talaga namang makintab. Humakbang sila sa hagdan at nasa labas na ng pintuan.
Nang mabuksan na ang pinto ng bungalow. Pagpasok pa lang ng mag-asawa ay namangha na agad sila. Napakaganda ng disenyo sa loob nito. Halos lahat ng mga namumurong materyales sa loob ay yari sa kawayan at mga mahogany na kahoy.
Native talaga ang interior design nito subalit modern ang approach. Makikita mo naman kasi dahil sa disenyo ng kusina na may marble counter top at mga cabinets na nasa itaas nito. Pati ang refrigerator na bulit in na yari sa smooth metallic steel.
Ang sala naman ay may minimalistic na desinyo subalit sustainable ang mga gamit na materyales. Malayang nakakapasok ang liwanag ng araw dahil na rin open air ang design ng bungalow. Kaya naman hindi madilim at talagang maaliwalas.
May dalawang malilit na kwarto at magkabi ang mga ito. Hindi masyadong malaki ang bungalow subalit maespasyo dahil hindi siksikan ang mga gamit at halatang pinagplanuhan ng maayos.
Malinis at nakaayos ang lahat.
"Sige po mga sir. Kung may kailangan pa po kayo ay tumawag lang po kayo sa telepono. Ako na pong bahala na ilibot kayo sa lugar. Basta kung may tanong po kayo. Tanungin niyo lang po ako. Enjoy your stay here sa Casa Ouahu. Where your relaxation is at its finest!" masiglang saad ng kutsero na si Bunching
"Salamat Bunching, tatawag na lang kami kung may kailangan kami ng misis ko."
"Sige po sir. Maiwan ko na po kayo." at ibinigay na ni Bunching ang susi sa bungalow at muling nagpaalam sa dalawa.
Pumasok agad ang mag-asawa sa isang silid dala ang kanilang mga gamit. Pati rito ay namangha sila. May isang king size bed at may carpet ang sahig. Sa kaliwa ay ang banyo at nasa loob nito ay ang jacuzzi at bath tub. Sa sulok naman ay ang toilet na nakapaloob sa isang wall glass. Habang sa dingding naman ang isang napakalapad at napakahabang salamin na may lavatory na yari sa marmol. Pati sahig ay yari sa marmol na nagpatingkad sa kalinisan ng banyo.
Ang katabing silid ay maganda rin naman ng sinilip nila ito. May sarili rin itong banyo subalit hindi ganun kalaki kumpara sa master bedroom.
Nang bumalik sila sa kabilang silid ay binuksan ni Jessie ang glass sliding door mula rito. Kaagad tumambad sa kanya ang lanai na nasa likod nito. May nakahilera pa ritong mga chaise lounge chairs.
Kaunting hakbang pababa mula rito ay sasalubong sa'yo ang private rectangular infinity pool na kaharap ang Karagatang Pasipiko. Sa gilid naman ng rectangular pool ay ang isa na namang jacuzzi na nakapaloob sa gilid nito. May gazebo rin dito na malapit lang sa may jacuzzi.
Napapalibutan ang buong paligid ng malalagong mga tanim at halaman. Pati na rin mga punong kahoy kaya hindi kita sa labas ang nasa loob.
"Paradise, talagang paraiso ang lugar na ito." sambit ni Jessie na manghang-mangha.
Yumakap si William sa kanyang likod at hinalikan ang kanyang pisngi. Nakangiti rin ito at masaya.
"Magpahinga na muna tayo ga. Alam ko na napagod ka sa flight natin."
"Ikaw lang ang pagod pang. Hindi nga ako natulog kanina sa biyahe papunta rito eh. Ang dami kong energy noh. Wala akong energy gap. Hinigop ko kaya ang enery mo sa flight natin." pabiro nitong sagot na labis na ikinatawa ni Willam.
"Hali ka na nga, samahan mo muna itong mister mo sa kwarto. May energy gap ako eh. Ano, drink na ba ako ng milo? O baka naman mas gusto mong inumin itong creamy milk ko?" biro namang banat ni William.
Natawa na lang si Jessie. "Ang bastos mo talaga! Magtigil ka nga."
Bumalik sila sa loob ng kanilang silid at hinayaan na lang nilang buksan ang sliding door para makapasok ang preskong hangin. Mabilis na naghubad si William ng kanyang mga damit at itinira lamang ang brief nito na puti. Ang kabibili lang nila na branded underwear na Calvin Klein mula pa sa Miami.
Nakaupo lang si Jessie sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang mister na nakahubad. Kahit ilang beses na niyang nakita ang katawan nito ay talagang hindi talaga nagsasawa ang kanyang mga mata.
Ang sexy talaga ng lalaking 'to. Pang modelo talaga ang katawan.
"O, bakit ga?" pagtataka ni William.
"Wala, na realize ko lang na ang ganda-ganda talaga ng katawan mo pang. Define kasi yung walong mga abs mo eh. At saka, yung pecs at V line mo. Kitang-kita talaga at very prominent. Nand'yan pa rin yung mga abs mo. Hindi ka iniwan kahit ang lakas-lakas mong kumain."
"Alam mo naman ga, nasa dugo talaga yan. Hashtag blessed." kwela nitong sagot.
Nag-pose naman ang mokong at nag-flex pa ng mga muscles nito. Sa totoo lang ay magaling itong umanggulo na parang modelo kung tutuusin. Subalit ayaw lang aminin ni Jessie dahil baka lumaki na naman ang ulo nito at mauwi na naman sa pagluhod niya rito.
"Ang yummy ng mister mo noh? Tikman mo nga ako ga para malaman mo yung taste. Hehe." maloko nitong wika.
Napairap na lang si Jessie. Ayan na naman itong kumag na 'to. Gusto pa akong utuin. Sinasabi ko na nga ba. Talagang alam ko na ang sasabihin nitong asawa ko. Pero ang isang sanggre ay hindi basta-bastang nauuto. Kaya hmp!
Nakangiti lang si William at lumapit sa kanya. Naupo ito sa kanyang tabi at ipinaling nito ang ulo sa kanyang balikat,
"Ang ganda rito ga noh? Pero alam mo ga? Nami-miss ko na ang bahay natin. Pati yung lihim nating paraiso sa talon. Matagal-tagal na rin kasi buhat ng huling bisita natin eh."
"Ako rin pang. Pero 'di bale na. Ilang araw lang naman tayo rito at uuwi na rin tayo. Ang mahalaga, i-enjoy natin ang stay natin dito dahil minsan lang naman 'to. Pag–uwi natin, puntahan natin yung secret place natin. Overnight tayo dun."
"Sobrang enjoy ko nga eh! First time natin dito sa Hawaii. Tapos honeymoon pa natin. Ang saya! Kaya sulitin natin ang stay natin dito Kasi kapag nakauwi na tayo, maghanda ka talaga. Talagang papagurin kita dun. Hindi kita titigilan talaga. Naku, naiisip ko pa lang ang gagawin ko sa'yo dun sa talon. Talagang mapapagod ka na." nakangisi nitong sambit.
"Ako talaga ang mapapagod? Sure na yarn?"
"Naku, sure na! Humanda ka talaga. Magiging wild ako ga. Sobrang wild. RAWR!" sabay mahinang kagat nito sa balikat ng asawa.
"Sira! Magpahinga na nga lang tayo. Puro ka talaga kalokohan. Hali ka na, higa na tayo lalaking mahilig." aniya. Natawa lang si William.
Pagkahiga ay inunan kaagad ni Jessie ang bisig ng asawa. Nakatihaya itong nahiga habang yumakap siya rito at idinantay ang kanyang hita sa katawan nito. Paulit-ulit siyang pinupog ng padamping halik ng kanyang mister. Natawa lang siya.
Hanggang sa nakatulog na nga sila.
NAGISING si Jessie dahil sa alarm ng kanyang phone. Tanghali na ng siya ay bumangon sa kama at pagkatapos ay naligo agad. Pagbalik niya ay tulog na tulog pa rin ang mister.
Pero kailangan nilang kumain kaya ginising niya ito. Kinusot-kusot pa ni William ang kanyang mga mata at umangal. Umikot ito at dumapa sa kama.
"Pang, gising na. Kakain na tayo ng tanghalian. Dali na."
"Gusto ko pa matulog. Energy gap ako." ani nitong humihikab.
"Ay, hindi pwede yang ganyan na nalilipasan ka ng kain."
"Hmp..." paungol na angal lang nito.
"Sige ka, hindi kita pagbibigyan ng ilang araw. Ikaw rin." malokong saad ni Jessie sa kanyang tenga.
Sa isang iglap ay bumalikwas na ito at bumangon. Biglang nawala ang energy gap nito. Daig pa ang nakainom ng isang litrong milo.
"Tara na! Kakain na tayo." maligalig nitong sambit.
"Maligo ka nga muna!" sabay bato ng tuwalya.
"Copy that, Master Jessie!" sabay tayo nito ng tuwid at sumaludo pa.
"Baliw! Maligo ka na nga." natatawa nitong sagot.
Gusto pang matulog ni William subalit sa narinig ay mabilis nagising ang kanyang katawan. Napilitan itong bumangon na lang at naligo. Gusto sana niyang samahan pa siya ng misis sa banyo subalit kakatapos lang nitong maligo kaya naman mabilis lang siyang natapos.
Paglabas niya ay nakahanda na ang kanyang damit na susuotin sa kama. Isang sando na puti at hawaiian shorts. Pati na rin ang kanyang underwear.
"Thank you ga." sabay lapit at halik niya sa labi ng misis.
"Bilisan mo na d'yan at pupunta na tayo ng hotel. 'Wag na tayong magpasundo pa kay Kuya Bunching at baka busy yun. Mas mabuting maglakad na lang tayo pang papunta dun."
"Sige, ikaw ang bahala." sagot ni William.
Nang makalabas ng bungalow ay naglakad na agad ang dalawa. Hindi sila naiinitan dahil ang kanilang daanan ay puno ng mga matataas na kahoy na nagsisilbing lilim. Magkahawak-kamay pa ang dalawa.
"Hala! Pang, may patay na bird!" sigaw ni Jessie sa gulat.
"Huh?! Nasaan?" tumingala si William at iniharang pa ang kamay sa noo upang tumingin sa ibabaw ng kalangitan. "Wala naman ga eh. Wala naman ah?"
"So ganun? Lumilipad talaga yung patay na bird pang? Pang, yung utak natin. Mahalin at alagaan natin. Pang huh?"
"Ay, hahaha. Sorry. 'Asan ba yung patay na bird? Saan banda?" palinga-linga nito.
"Ayan pang oh. Hala, parang baby pa yata 'to eh. Nakakaawa naman." turo ni Jessie rito na nasa daan sa kanilang tapat.
May maliit na ibon na parang hindi na humihinga. Halatang sisiw pa talaga ito dahil hindi pa tumutubo ang ilan nitong balahibo. Lumapit si Jessie rito at maingat na inilagay ang ibon sa kanyang palad. Hinaplos-haplos at mahinang ginigising. Ilang sandali pa ay gumalaw ito at humuni. Para itong umiiyak. Napakaliksi nito at parang takot na takot.
"Buhay pa siya pang! Buhay pa!" halos mapatalon pa si Jessie sa tuwa.
Hinaplos-haplos ni Jessie ang ulo nito. Ilang sandali ay tumahan naman ang ibon at kumalma na. Pumipikit-pikit pa ito at tila nagugustuhan nito ang paghagod ng banayad na kamay.
"Baka nahulog ito sa pugad niya, pang. Buti na lang at nabuhay pa itong baby ibon. Baka nahulog siguro ito sa mga halamanan at gumapang na lang dito sa kalsada."
"Baka nga ga."
Tumingala si Jessie sa pinakamalapit na puno. Sinilip-silip niya ang mga sanga. Hanggang sa makakita nga siya ng pugad.
"Sabi ko na nga ba eh." nakangiti niyang wika.
Lumapit si Jessie sa puno at akmang aakyat na sana ng pinigilan ito ni Wiliiam.
"Ako na, ako ng bahala rito. Ako na lang ang aakyat. Dito ka lang sa baba ga."
"Okay, sige-sige pang. Mag-iingat sa pag-akyat." ngumiti lang si William sa kanya.
Nang umakyat na ito ay mabilis lang itong nakaabot sa pugad ng ibon. Dahan-dahang inilagay ni William ang ibon. Hanggang sa matagumpay niya itong nailagay sa pugad kasama ang mga kapatid nito. Napangiti pa siya at hinaplos ito bago umalis.
Maingat siyang bumaba lalo na at nakikita niya ang asawa na nag-aalala. Paulit-ulit siya nitong pinaaalahanan na mag-ingat at kumapit ng maayos para hindi mahulog. Hanggang sa makababa na talaga siya.
"Ayan, happy na ulit yung ibon kasi kasama na niya mga utol niya. Mamaya siguro darating na ang ermat nila. Siguradong may dala yung foods."
"Salamat pang." masayang ani ng misis niya at yumakap sa kanya.
Napangiti na lang si William. Talagang likas na matulungin at mapagmahal sa mga hayop ang kanyang misis.
"Salamat lang? Naku, hindi for free yung ginawa ko noh. May bayad yun. Walang thank you thank you! Paano kung nahulog ako kanina? Tapos nabalian ako? Kawawa naman ako kung nagkaganun. Hmp." pagsusuplado nito kunwari. Nakahalukipkip pa si William at paiwas na nagsalita.
"O sige, ano namang kabayaran gusto mo? Gusto mo masahiin kita mamaya pang?" inosente nitong tanong na nakangiti pa.
Napangisi agad si William. Mabilis itong yumuko at bumulong sa asawa.
"Gusto ko laruin mo yung malaking ibon ko mamaya. Dapat paligayahin mo ang big bird ng mister mo." mapang-akit nitong anas.
Napairap na lang si Jessie at natawa.
"Hay, naku. Ewan ko sa'yo. Hali ka na nga at nagugutom na ako. Punta na tayo sa hotel." sabay hila sa kanyang mister.
"Ang daya naman eh." pagmamaktol nito.
Natawa na lang si Jessie habang nakasimangot ang poging mister niya.
"Oo na! Napakahilig mo talagang lalaki ka. " pailing-iling na sagot ni Jessie.
Abot tenga naman ang ngisi ng kolokoy niyang mister dahil sa kanyang pagpayag.
Nang makarating na sila sa hotel ay nakatanggap ng tawag si Jessie mula kay Nathan. Nang sinagot niya nito ay pinapatawag na sila nito para makapagtanghalian na sila lahat ng sabay.
"Nandito na kami tol! Nasa hotel na kami. Nandito na kami sa baba. Hindi na kailangan pang sunduin pa kami. Aakyat na kami d'yan." at ibinaba na niya ang tawag.
Nagtanong muna sila kung saan ang restaurant at ginabayan naman sila ng staff na kanilang pinagtangunan. Umakyat sila sakay ang elevator patungo sa ikatlong palapag ng hotel. Paglabas nila ay naglakad sila sandali sa isang pasilyo. Ilang sandali pa ay narating na nila ito.
Nang mapansin sila ni Roland ay mabilis sila nitong tinawag. Kaagad na lumapit ang dalawa.
"Nandito na pala ang mag-asawa! Parang ang sigla-sigla nitong kumpare ko ah? Naka-score siguro 'to kanina." birong bati ni Solomon sa matalik na kaibigang si William.
"Pupuntos pa lang pre." sa sinabi ni William ay bumuhakhak ang lahat sa pagtawa.
"Happy boy na naman itong kumpare ko mamaya. May dilig na naman." si Henry.
Tinapik-tapik pa nito ang balikat ng matalik na kaibigan nitong si William. Para bang proud na proud ito rito. Pangisi-ngisi naman ang kolokoy. Tuwang-tuwa lalo pa at nagkantyawan na ang lahat.
Napapikit na lang si Jessie sa sobrang hiya at napailing-iling. Buti na lang talaga hindi kami naiintindihan ng ibang customers dito. Mga walang hiya! Mga kamoteng 'to, kung mag-usap 'tong mga kumag na 'to ng mga diligan, feeling nila kami lang tao dito.
"Sige, kain na nga tayo at parang kami na lang hinihintay eh." sagot ni Jessie para maputol na ang kantyawan.
Nang magsimula na silang kumain ay hindi pa rin nawala ang kwentuhan.
Magkatabing naupo ang mag-asawa. Sa pinakadulo ay si William at sa kaliwa niya ay sina Jessie, Nathan at Solomon. Habang sa kabilang side ng lamesa ay Si Roland naman sa kaliwa niya ay si Oliver, Theo at Henry.
Napakaaliwalas ng restaurant dahil open air ito. Kitang-kita ang dagat mula sa pwesto nila lalo pa at nasa gilid ang kanilang lamesa. Nakaharap sa malawak na karagatan.
Madaming pagkain at putok-batok ang mga ito. Sa dami ng seafood sa food platter nila ay parang malilito ka kung ano ang gusto mong kainin. Napakasagana ng handa sa lamesa.
"Nat, magkano ba babayaran namin dito? Parang sunog ang bulsa ko lahat sa mga babayaran eh." natatawang anas ni William.
"Ano ka ba tito? Anong babayaran pinagsasabi mo? Sabi ko naman ako ng bahala sa lahat eh. Si Roland lang ang pagbabayarin ko. Pati yung stay niya dito ng ilang araw at pagkain niya, babayaran niya lahat." malokong pagbibiro ni Nathan.
"Grabe ka naman pre. Sige na nga, ito na lang rice ang kakainin ko. Alam ko namang ang mamahal ng pagkain eh. Baka ma-short na ako sa pera." pagmamaktol nito.
"Don't worry Rol. Kain ka lang nang kain. It's on me. Ako na lang magbabayad ng lahat ng expenses mo." malumanay na ani ni Oliver at nakangiti pa.
Kaagad na nagkantyawan ang lahat. Nabaling ang lahat ng tuksuhan sa dalawa. Kaagad na namula si Oliver at halos pautal-utal namang nagsalita si Roland.
"S-salamat na lang Oli. A-ako na lang ang magbabayad para sa sarili ko."
"Joke lang yun pre! Ito naman. Binibiro lang kita eh. Free naman sa'yo lahat. Tropa tayo eh." natatawang saad ni Nathan.
Hindi na tinigilan ng tukso ang dalawa. Lihim namang napapangiti si Oliver dahil dito.
"Pang, ito oh. Masarap 'to. Try mo 'tong ceviche prawns nila pang. Ang sarap." sabay lapit ni Jessie sa kanyang kutsara sa mister. Malugod namang kinain ito ni William.
"Ang sarap nga ga. Ceviche ba tawag dito? Parang kinilaw lang 'to eh." ani ni William na ngumunguya. "May dumi sa mukha mo ga. Teka lang."
Gamit ang daliri ay inalis ni William ang sauce ng ulam na dumikit sa pisngi ng misis niya. Matapos nito ay sinipsip niya ang kanyang daliring nalagyan.
"Ano ba yan. Respeto naman sa mga single! Napaka-insensitive nitong mga 'to eh." pagpaparinig ni Roland na ikinatawa ng lahat.
"Kaunting respeto lang. Walang bastusan." segunda naman ni Nathan na mas nagpatawa pa sa kanilang mga kasama.
"Sorry naman." natatawang sagot ni Jessie.
Nagtatawanan lang silang lahat. Subait hindi nila inaasahan ang biglang sinabi ni Nathan.
"Ligawan mo na lang kasi yang si Oliver, Rol. Try mong lalaki naman for a change. Hindi ka na lugi d'yan kay Oliver. Maalaga at malambing. Siguradong aalagaan ka niyan. Kung umasta ka pa naman minsan parang kulang ka sa aruga eh. Kaya ligawan mo na yang si Oliver!" udyok ni Nathan.
Mabilis na naghiyawan ang mga kasamahan nila.
"Oy, tigilan niyo na yang si Roland. Straight yan kaya hindi yan magkakagusto sa akin." sagot ni Oliver na pulang-pula na ang pisngi.
"Eh, itong kumpare ko nga. Straight naman 'to, pero lalaki rin ang minamahal." sabat ni Solomon na tinutukoy ay si William. Tumango-tango naman ito at nagkatinginan silang dalawa ng asawa. Hindi nila naiwasang mapangiti.
"Nothing is impossible when it comes to love. Sabi nga nila 'di ba? Love knows no boundaries. Hindi ba Theo?" baling ni Henry dito.
"I don't know about that tito. I don't really believe in love. But okay, sinabi mo eh."
Nagtawanan na naman sila.
Nang matapos na silang magtanghalian at makapagpahinga ay nagpunta agad sila sa beach. Nang makarating sila sa dalampasigan ay inanyayahan silang lahat ni Nathan na sumakay sa yacht nito. Hindi na sila nag-atubili lalo na ang mag-asawa dahil first time nilang sasakay ng yate.
Nang kompleto na silang lahat ay mabilis itong naglayag. Ilang minuto lang ay nakalayo na sila sa dalampasigan at nakarating na sila sa malalim na parte ng dagat. Bughaw na bughaw na ang kulay ng tubig. Banayad ang alon at banayad din ang hangin.
May kalakihan ang yate ni Nathan kaya naman maluwag silang nakakagalaw. May lower deck ito na nasa ilalim na bahagi ng yate kung nasaan nandoon ang cabin. Dito rin makikita ang anim na silid na katamtaman ang laki.
Ang main deck kung saan narito ang bow o ang harap na bahagi ng yate. Ito ang unang palapag. Sa upper deck naman makikita ang cockpit kung saan nandoon ang controls nito. Ito ang ikalawang palapag ng yate. Ang panghuli ay ang rooftop deck, ito ang nasa pinakataas na palapag.
Nang huminto na sila sa gitna ng dagat ay bumaba si Nathan sa cabin at pagbalik nito sa cockpit ay may dala na itong mga inumin. Kaagad binuksan ni Nathan ang mga champagne at wine.
Kahit ang kapitan ng yate ay nakisama na rin sa kanila sa inuman. Maluwag ang cockpit sa loob ng yate kaya dito sila nag-inuman. Minsan ay lumalabas si Nathan at parang may sinisilip ito.
"Antay-antay lang tayo guys. Dinala ko talaga kayo rito para makakita kayo ng mga dolphins. Baka mamaya nand'yan na sila."
"Actually, may na-video akong mga dolphins nung papapunta pa kami rito tol. Nakita pa nga namin nila Theo at Roland eh. Ito, tingnan niyo." ipinakita agad ni Jessie ang video sa lahat mula sa kanyang cellphone. Hanggang sa matapos ito.
Bumalik naman sila sa pag-iinuman.
"Rol, dahan-dahan. Ikaw lang umubos ng isang bote ng champagne. Baka malasing ka na niyan." saway ni Henry dito.
"Talagang maglalasing ako tito! Broken hearted ako eh."
"Sus, kalimutan mo na yung babaeng yun pre. Hindi ka mauubusan dahiil maraming nakapila sa'yo." sabat naman ni Nathan.
"Sige, tagay lang Rol! Magpakalasing tayo ngayon!" masiglang sambit naman ni Solomon na halatang lasing na rin.
Ito lang naman kasi ang mag-isang umubos sa dalawang bote ng champagne kaya naman nalasing ito ng mabilis.
Natawa lang ang lahat. Parang naghahabulan ang dalawa kung sino ang mas malalasing sa kanila. Ilang oras ang dumaan ay naubos na nila ang lahat ng mga champagne at wine. Kaya inilabas naman ni Nathan ang mga beer.
Halatang ang lakas uminom ni Roland. Lagok ito nang lagok at nakaubos na ng ilang bote.
Hanggang sa nagsilabasan na nga ang mga dolphins sa katagalan. Mabilis na tinawag ni Nathan ang mga kasama kaya lumabas sila sa cockpit at nagtungo sa bow o harap ng yate.
Mula sa hindi kalayuan ay natanaw na nila ang mga dolphins. Nagtatalunan ito at naghahabulan pa. Gumagawa rin ang mga ito ng kakaibang tunog habang may pinapasirit na tubig mula sa kanilang noo. Namangha ang lahat sa kanilang nakita.
Paglipas ng ilang minuto ay nawala na ang mga ito.
"Ang amazing nun ah." nakangiting saad ni William.
"Wait, Roland is missing!" natatarantang ani ni Oliver.
"Baka nasa cabin. Try looking inside." wika ni Theo.
"Doon ako galing. I even checked the rooms but he's not there." aligaga at hindi mapalagay na sagot naman nito.
Mabilis na hinanap nila ang binata sa buong yate subalit parang nawala ito na parang bula. Kahit saan-sang sulok nila ito hinanap. Subalit hindi nila ito nakita.
Hanggang sa mapadpad si Jessie sa stern o sa likurang bahagi ng yate. Nang magtungo siya sa swimming platform na nasa likurang bahagi nito. Nakita niya ang isang tsinelas ni Roland. Para itong naiwan.
Mabilis niyang tinawag ang mga kasamahan. Kaya naman agad itong lumapit sa kanya. Bumaba sila sa hagdan hanggang sa makatapak na sila sa malapad na swimming platform.
Pinulot ni Oliver ang tsinelas ni Roland at mabilis na namuo ang mga luha nito sa mga mata.
"Baka nahulog siya." maluha-luha nitong anas.
Sa isang iglap lang ay bigla itong nag-dive sa tubig.
"Oliver!" sigaw ni Jessie sa gulat.
Nagsi-dive na rin ang iba nilang mga kasamahan. Mabilis na sumunod na tumalon sina Henry, Nathan, Solomon at Theo. Akmang tatalon na rin sana si Jessie subalit nahila siya ng mister.
"Dito ka lang. Kami na lang ang maghahanap kay Roland."
"Pero pang, sama ako." naluha na nitong sagot.
"Ga, dito ka na lang. Delikado at napakalalim na ng tubig dito. 'Wag kang mag-aalala. Mahahanap namin si Roland ng ligtas."
Lumuluhang napatango na lang si Jessie. Humalik muna si William sa labi ng misis at nag-dive na rin ito sa tubig. Para makatulong ay umakyat si Jessie sa rooftop deck at doon ay tumulong siya sa paghahanap. Mas makikita niya ang lahat dito. Pati ang kapitan ng yate ay mabilis ng tumawag ng tulong.
Ilang sandali lang ay umahon na si Theo mula sa ilalim. Kasunod na umahon sina Nathan, Henry, Solomon at William. Pero hindi pa rin umaahon si Oliver. Mabilis din na nagsibalikan sa pagsisid ang mga lalaki.
Ilang minuto na ang dumaan. Hindi mapirmi si Jessie sa paghahanap. Labis ang kanyang pag-aalala. Hanggang sa...
"I found him! I found him!" sigaw ni Oliver na nakaahon na habang hila-hila si Roland sa tubig.
Kaagad na dinaluhan siya ng mga kasama at tinulungang iangat ang walang malay na si Roland mula sa tubig. Nang mahila na nila ito at naihiga sa swimming platform ay mabilis na nagsagawa ng CPR (Cardiopulmonary Resuscitation) si Oliver sa walang malay na si Roland.
Mabilis na inilagay ni Oliver ang kanyang mga kamay sa dibdib ni Roland at nag-compress dito. Paulit-ulit na itinulak ni Oliver ang dibdib ni Roland at ang pagbibigay nito ng hangin sa pamamagitan ng pagbuga niya sa bibig nito na nakapisil ang ilong.
Subalit hindi pa rin nagigising si Roland.
"Let me handle this. Allow me." ani ni Theo.
Subalit parang walang narinig si Oliver. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa habang may umaagos ng mga luha sa kanyang mga mata.
"Rol, please wake up! Rol, just wake up please..." humahagulgol na anas ni Oliver habang tinutulak ang dibdib ni Roland.
Hindi sumuko si Oliver. Hindi siya tumigil. Hanggang sa paglipas ng ilang sandali ay sumuka na nga ng tubig si Roland at nagising na ito.
"O-Oliver?" anas nitong mahina na parang walang alam sa nangyari.
Mabilis na niyakap ni Oliver si Roland ng napakahigpit. Sa sobrang higpit ay parang hindi na niya ito bibitawan.
NANG dahil sa nangyari. Napagpasyahan nilang bumalik na lang sa hotel. Nang makabalik na sila ay kaagad na dinala ni Nathan si Roland sa isang clinic at sumabay na rin si Oliver. Nang makabalik na sila ay mabuti naman daw ang kalagayan ng binata ng makapag pa-check na ito.
Kinagabihan ay sabay-sabay pa ring naghapunan silang lahat. Subalit hindi na sa loob ng hotel dahil napagpasyahan nilang sa cottage na lang sila kumain na malapit sa dagat. Mas maganda dito dahil sila-sila lang.
Pwede silang magsigawan ng walang ibang maiistorbo na mga turista. Sa restaurant kasi ng hotel ay may ibang kumakain. Dito, kahit anong gawin nila ay walang maiingayan. Nang matapos silang maghapunan ay dito na rin sila tumambay. Muling nag-inuman at nagkwentuhan.
"That was a close one. Mabuti na lang talaga at naagapan." maginhawang sambit ni Theo.
"Oo nga, salamat kay Oliver. Kung hindi dahil sa kanya baka napahamak na talaga si Roland." si Solomon.
"Dapat talaga tayong magpasalamat kay Oli, kasama natin ngayon si Roland dahil sa kanya. Salamat talaga Oli." sagot naman ni Jessie. Napangiti naman si Oliver. "Siya nga pala. Paano ka natutong lumangoy? 'Di ba dati, parehas naman tayong hindi marunong?" pagpapatuloy nito.
"I did swimming lessons for quite sometime. Actually swimming is my sport right now. I feel at peace kasi kapag nasa tubig and it helps me manage to conquer my fears. Remember what happened before? Yung nasa Batangas tayo Jes? Muntik pa tayong malunod dahil sa akin. Kahit ngayon, nagsisisi pa rin ako sa nangyari na yun. Muntik ka pang mapahamak because of me Jessie. That was the reason why I wanted to learn how to swim. I don't want something like that to happen again. I don't want anyone getting into trouble because of me. Jes, I'm really sorry."
Mabilis na lumapit si Jessie at tinapik ang balikat nito.
"Wala na yun. Ano ka ba? Ang tagal na kaya nun. BFF na kaya tayo ngayon, 'di ba?" mabilis na niyakap ni Jessie ito sa gilid at naglapat pa ang kanilang mga pisngi.
"Thank you." anas ni Oliver na nakangiti.
"O, Roland? Bakit ang tahi-tahimik mo d'yan?" basag ni Henry.
Malungkot na nagsalita si Roland.
"Sorry sa inyong lahat, dahil sa akin nasira pa tuloy yung celebration. Sa pagdra-drama ko nakapandamay pa tuloy ako sa inyo. Masyado akong naging selfish at ang nararamdaman ko lang yung inisip ko dahil sa pagiging broken hearted ko. Hindi ko man lang naisip ang kapakanan niyo." salaysay nito.
"Oli, salamat ulit sa pagliligtas mo sa akin. Kung hindi mo ako niligtas kanina baka wala na ako ngayon. Salamat talaga. Utang ko sa'yo ang buhay ko." napayuko si Roland.
Nang sa hindi inaasahan ay bigla na lang itong binatukan sa ulo ni Solomon.
"Aray! Tang ina naman tito! Ang sakit nun ah." natawa na silang lahat.
"Walang may gusto sa nangyari Rol! 'Wag mo ngang sisisihin yang sarili mo. Ano ka ba? Ang mahalaga ay ligtas ka ngayon at humihinga. Kaya dapat tayong magpasalamat doon."
"Tama ang sinabi ni Tito Solomon. Wala namang may gusto sa nangyari kanina. Ang mahalaga ay okay ka na. Kaya we should celebrate!" si Theo.
"Kaya tagay na!" sigaw naman ni William.
Kaagad napalitan ng saya ang kwentuhan. Napag-usapan ang mga dati nilang mga kasintahan. Syempre, hindi na sinali sina William, Henry at Solomon. Dose-dosena kasi ang mga naging syota nito dati. Kahit sina Roland at Nathan. Napakadami kasi ng mga naging ex ng mga ito. Baka abutin sila ng umaga. Kaya napunta ang usapan kina Theo, Oliver at Jessie.
Kahit maraming dumaan kay Theo. Hindi naman ito nakikipagrelasyon. Ayaw nito ng commitment. Umiiwas ito sa koneksyon lalo na kung nahuhulog na sa kanya ang mga nakaka-sex nito.
"I don't know. I'm not really into relationships. It's not for me. So wala talagang label yung mga dumaan sa akin. Though I did have one... but it didn't work out kasi niloko lang ako. Right now, I'm still exploring. I have a lot of options so I'm not looking for a relationship." sagot ni Theo.
"So sex lang talaga? Walang halong emotions or feelings?" si Jessie.
"Yeah, no feelings involved. No feelings at all. Okay sa akin ang ganun. I'm fine with it."
"Pero naka-move on ka na ba talaga dun sa lalaking minamahal mo dati? Yung Sebastian?" tanong naman ni Oliver.
"Oo, naka move on na ako. I just know na naka-move on na talaga ako sa kanya."
"No reservations?" tanong naman ni Jessie.
"Yeah, I guess? Since I don't have any feelings or any sort of romantic connection to him at all. I think wala na talaga."
Sabay-sabay na napatango ang lahat ng nakikinig. Hanggang sa nagpatuloy lang sila sa usapan at nabaling kalaunan ang usapan kay Oliver.
"Kamusta naman puso mo ngayon, Oli? Naka move on ka na ba kay Kurt? Naaalala ka na ba niya?" tanong ni Jessie.
"Oo, after a month ng maaksidente siya ay bumalik na yung alaala niya. We're very okay. I have moved and he moved on. Masaya ako sa buhay niya ngayon." nakangiting sagot nito.
"So Oli, dahil naka move on ka na pala. Meron na bang nagpapatibok ng puso mo ngayon?" tanong naman ni Theo.
Nahihiya itong tumango.
Mabilis na nagkantyawan ang lahat.
"Kilala ba namin?" usyuso ni Jessie.
"Hindi, h-hindi niyo siya k-kilala." utal-utal nitong sagot.
Sa sagot ni Oliver ay parang bumakas ang dismaya sa mukha ni Roland. Napatungga ito ng isang shot ng alak at para bang lumamlam ang mukha nito.
"Okay ka lang pre?" tanong ni Nathan rito.
"Ako? Okay ako! Buhay na buhay ako eh." natawa silang lahat sa birong sagot ni Roland.
"Pero Rol, alam mo ba kanina? Kung hindi ka hinanap ni Oliver ay malamang hindi pa namin nalamang nalulunod ka na pala. Tumalon yan ng hindi nagdadalawang-isip nung makita ni ga ang tsinelas mo na naiwan. Alalang-alala yang si Oliver sa'yo kanina. Sobrang umiyak yan dahil sa'yo. Tapos thank you lang sasabihin mo? Wala bang kahit kiss man lang d'yan?" hirit ni William.
Sumipol pa si Henry at malakas na naghiyawan sa pagtukso ang lahat sa kanilang dalawa.
"Gago ka tito. Baka magalit na yang si Oliver sa akin. Kayo talaga." napapakamot pa sa ulo niya si Roland dahil nahihiya ito.
"Oli, okay lang ba na halikan ka ni Roland? Pagpapasalamat lang daw niya sa'yo." gatong naman ni Solomon.
"Tumigil nga kayo. Mga baliw." nahihiyang sagot ni Oliver.
"Ayaw mong halikan ka ni Roland? Sa pisngi lang naman eh. Baka naman kasi si Roland yung nagpapatibok ng puso mo kaya nahihiya ka d'yan?" malokong sagot ni Nathan.
"O-of course not! Hindi si Roland yung gusto ko!" dipensa nito.
Si Jessie naman ang nagsalita. "O, hindi naman pala si Roland eh. Kaya kiss mo na si Oli, Rol. Sa pisngi lang naman eh."
"Ano ba kayo? Pinagloloko niyo kami. Ayaw ni Oliver sa mga ganyan." sagot ni Roland at tumungga ng isang shot.
"Okay lang kay Oliver noh! 'Di ba Oli? Kasi wala ka namang nararamdaman kay Roland 'd iba?" udyok naman ni Theo.
"Oo naman! Sa pisngi lang naman eh. Thank you kiss lang n-naman so no p-problem at all." sagot naman ni oliver na hiyang-hiya na.
"Kiss! Kiss! Kiss! Kiss! Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!" paulit-uit na udyok ng lahat.
Pulang-pula na si Oliver dahil sa walang tigil na panunukso ng lahat sa kanila. Sa hindi niya inaasahan. Sa isang iglap, bigla na lang siyang hinalikan ni Roland sa kanyang pisngi. Hindi siya nakagalaw at nanigas na lang siya dahil sa ginawa nito.
Hiyawan.
"Baka sabihin niyo na kj ako. Kiss lang naman eh. Wala namang masama sa thank you kiss." sagot ni Roland na paiwas.
Lihim na ngumiti si Oliver. Hindi man niya sabihin ay halata naman na kinilig siya.
Nagpatuloy lang ang biruan at kwentuhan habang mas lumalalim ang gabi. Hanggang sa napagpasyahan ng ibang maligo na sa beach. Nagtampisaw sina Nathan, Roland, Oliver at Theo. Habang nagpaiwan naman sa cottage sina William, Jessie, Solomon at Henry.
Nakatulog na si Jessie sa tabi ng kanyang mister kaya naman inihiga ito ni William sa mahabang upuan at pinaunan sa kanyang hita. Kinumutan niya rin ito ng malong. Nagpatuloy lang sa pag-uusap ang mga natitirang gising.
"Pre, mahal na mahal mo talaga ang asawa mo noh? Sa sobrang pagmamahal mo naging abnormal ka na. Hindi ka na tinitigasan sa iba." kantiyaw ni Solomon.
"Oo nga eh. Baog na ako pagdating sa iba. Tanging kay misis na lang talaga 'to nabubuhay." natatawang sagot ni William.
"Mabuti nga yang ganyan para loyal. Walang pwedeng ibang gumalaw." sabat naman ni Henry na ikinatawa nilang magbabarkada.
Alam ng mga barkada ni William ang bagay na ito dahil ilang beses na rin niya itong ikwenento sa mga kaibigan niya. Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap. Minsan ay sumusulyap si William sa asawa. Tulog na tulog naman ito.
"Pre, may tanong ako." baling ni William kay Henry at tumungga ng beer.
"Hmm... ano yun?"
"Ano kasi pre... kuwan kasi. 'Wag niyo akong pagtatawanan huh?" paninigurado nito.
"Eh di hindi tatawa. Ano ba kasi yang tanong mo?" wika ni Solomon na naaalibadbaran.
"'Di ba, wala namang surgery para magpahaba ng titi? Tama naman Hen, 'di ba?" tanong niya sa barkada lalo pa at doktor ito.
"Wala pa eh. Yung mga iniinom naman para magpahaba ay hindi naman kasi proven and tested. Kaya hindi rin kinikilala." sagot naman nito.
"Ano kasi pre. Ano... meron bang ano... yung ano... meron na bang operasyon para medyo paikliin ang titi?" tanong ni William na nahihiya.
"Bakit, gusto mo paikliin titi mo?" sambit naman ni Solomon.
"Ano pre... O-oo eh." wika ni William na nahihiya at nagkakamot pa ng ulo.
Sa sinabi ni William ay mabilis na nagsitawanan ang mga kauri niyang tukmol na mga kaibigan. Halos maiyak pa nga ang mga ito sa sobrang pagtawa.
"Mga putang ina kayo! Walang kwenta talaga kayong kapulong! Mga walang 'ya kayo. Tang ina kayong dalawa. Gago!" naiinis na sagot ni William pero nagsitawanan pa rin ang dalawa.
Hanggang sa ilang sandali ay kumalma na ang dalawa sa pagbuhakhak.
"Seryoso ka pre? Gusto mo paputulan titi mo? Yung iba nga dasal nang dasal na humaba pa yung kanila. Tapos ikaw, gusto mo paikliin?" natatawang ani ni Solomon.
Si Henry naman ay napatawa lang pero agad ding nagsalita. "Pre, seryoso ka ba talaga? Anong katangahan yang mga pinagtatanong mo? Umayos ka nga." tawa pa rin ito nang tawa at sabay inom ng beer nito.
Napabuntong-hininga si William.
"Bahala nga kayo d'yan. Wala talaga kayong kwentang kausap eh." sagot ni willliam na halata ang paglungkot ng mukha. Uminom na lang ito ng alak at hindi na nagsalita pa.
Panay lang nitong hinahaplos ang ulo ng asawa habang nakatingin ito sa mukha nitong maamong natutulog. Natahimik ang dalawa, kaya naman naging seryoso na rin ang mga ito. Bago nagsalita si Henry ay tumingin muna ito kay Solomon. Tumango naman si Solomon. Hudyat na dapat maging seryoso na talaga sila.
"Pre, may plano ka ba talaga na paikliin alaga mo? Alam mo kasi pre. Mahirap yang ganyan. Kasi once na naputol ang ari mo. Malaki yung tendency at probability na hindi na talaga titigas uli. Kasi may mga nerves tayo d'yan eh. Kapag naputol ang mga yan, mahirap ng bumalik pa sa dati at baka magka-erectile dysfunction pa. At saka, sa tagal ko na naging doktor. Wala pa akong narinig na nagpasadyang magpaputol ng ari. Pero marami ng cases na naputol pero ikinakabit uli through operation." mahabang salaysay ni Henry. "Seryoso ka ba talaga na gusto mong magpaputol?" pagpapatuloy nito.
Bumuntong-hininga si William.
"Oo pre, seryoso ako. Kung may operasyon man na pwedeng paikliin itong ari ko gagawin ko." halata kay William na hindi ito nagbibiro sa kanyang sinabi bago ito muling uminom ng beer niya.
"Pre, bakit gusto mo namang paputulan yan? Hindi ka ba natatakot? Baka mapano ka. Yung iba nga gustong humaba pa kanila. Tapos ikaw, ipapaputol mo yang 12 inches mo?" si Solomon.
"Pre, ang problema kasi mas humaba pa siya. Malapit na ngang mag 13 inches eh. Hindi ko alam kung bakit humaba pa 'to." nagulat ang dalawa sa pag-amin ni William.
"Naku, ano ba kasing ginawa mo d'yan? Napasobra ka siguro ng jakol nung hindi ka pinagbigyan ng ilang buwan ni kumare. Basta ako, masaya na ako dito sa 10 inches ko. Hindi na ako hihiling na humaba pa 'to." sagot ni Henry na natatawa.
"Ako rin, sobrang nagpapasalamat na ako sa akin. Kahit 10 inches lang 'to. Sobrang saya na ni misis dito. 10 inches lang ang mga sakalam!" sabay pa nag-apir ang dalawa na ikinailing ni William.
Hanggang sa nagtawanan silang tatlo. Talagang nagkakasundo silang mga magbabarkada.
"Pero pre, matanong ko. Kaya ba gusto mong paputulan kasi nagrereklamo na si misis?" singit ni Solomon.
"Sa totoo lang pre. Hindi naman siya nagrereklamo eh. Hindi sa nagyayabang ako pero kahit ang taba-taba at ang haba nitong akin. Kayang-kaya pa rin talaga niya eh. Minamani lang talaga ako nito. Gusto ko lang talaga paikliin itong akin. Siguro mga 8 inches lang dahil yun talaga yung ideal size na gusto nitong asawa ko. Napag-usapan kasi namin dati. Kaya gusto ko sana na ganun na lang kahaba yung akin. Alam niyo namang sobra-sobra itong akin eh. Pero kaya pa rin talaga niya. Katunayan, siya na nga yung kinakasta, pero ako 'tong maingay. Wala eh. Ang galing-galing nitong misis ko eh." pagmamalaki ni William na natatawa pa.
"Gusto mo lang pala na paikliin kasi sinabi niya na mas gusto niya na 8 inches lang? Ang babaw mo naman pre! 'Wag ka ngang tanga. Hindi ka naman pala pinilit na magpaputol eh. Kapag sinabi ni Mareng Jessie na kumain ka ng tae. Kakain ka rin?" banat ni Solomon.
"Ewan ko pre. Kung sobrang galit niya siguro. Hmmn... siguro kakain na lang din?"
Sa isang iglap ay muling nagsitawanan sina Henry at Solomon. Naluha na ito sa pagtawa. Nagyakapan pa ang dalawa sa sobrang pagbuhakhak at tumatalon-talon pa.
Hindi naman nakaimik si William.
"Alam mo pre. Ibang-iba ka na talaga. Nawala na yung William na kilala ko na walang kinatatakutan at inuurungan. Under na under ka na talaga ni kumare." naiiyak na tawa ni Solomon.
"Kung makapagsalita ka Sol. 'Kala mo naman hindi ka natatakot kay Marie. Parehas lang tayo kaya 'wag kang ano d'yang matsing ka!" singhal ni William na ikinatahimik ni Solomon.
Totoo naman kasi na under the saya rin ito sa asawa. Wala itong laban sa misis niya.
Si Henry naman at William ang nagsitawanan.
"Bilib talaga ako sa mga kumare ko eh. Iba talaga! Kung maton sila mister. Aba, dragon naman sila misis!" sabat naman ni Henry na halos maubusan ng hininga sa pagtawa.
Nang kumalma na sila ay muling nagsalita si Henry.
"Alam mo pre. Ang bait-bait ng asawa mo. Sana kapag nagkaasawa ako. Sana katulad ni Kumareng Jessie."
Tumango-tango naman si Solomon.
"Talagang mabait itong misis ko pre. Sa akin lang naman kasi 'to nagmamaldita eh. Sa sobrang bait nga nito kahit mga kasalanan nung si Lester ay pinatawad niya pa rin. Sa totoo lang kasi sagad sa buto ang galit ko sa taong yun. Para bang gusto kong buhayin yun at patayin uli. Pero dahil sa misis ko, napatawad ko na rin yung taong yun sa kalaunan. Tinuruan kasi ako nitong magpatawad. Mahal na mahal ko kasi 'tong asawa ko mga pre. Kaya nung tumagal napatawad ko na rin yung taong yun para sa ikatatahimik ng kaluluwa nun."
"Grabe yung nangyari sa kanya noh?" si Solomon. "Nung nakita na yung bangkay niya bali-bali yung mga buto at basag pa ang bungo." dagdag nito.
"Sana tahimik na yung kaluluwa nun." si Henry. Napatango-tango silang tatlo.
Para bumalik ang sigla ng usapan ay iniba nila ang tapiko sa kalaunan, kaya naman nagtawanan na naman sila.
"Pero seryoso pre, kaya ka ba talagang sagarin ni kumare sa laki ng titi mo?" tanong ni Henry kay Willliam.
"Naku, sinabi ko naman sa inyo eh. Sa dose-dosenang babae na dumaan sa akin. Ni isa, walang nakasagad sa akin. Ito lang talagang kumare niyo! Basta mga pre, adik na adik ako dito sa asawa ko. Kaya ako namamaos kakasigaw eh. Ang galing kasi mga pre! Basta kapag itong si ga ang trumabaho. Puta mga pre, walang mintis na tumitirik talaga mga mata ko at naglalaway ako sa sobrang sarap." hambog na pagmamalaki ni William.
"Ang sabihin mo. Sadyang napakalibog mo lang na gago ka!" pang-aasar ni Henry. Nagtawanan silang tatlo.
"Kaya pre, payo ko sa'yo. 'Wag mong gagalitin si kumare. Baka putulin yan. Aba, imbes 13 inches baka maging 2 inches na lang yan." sabat ni Solomon na ikinabuhakhak nila.
May tama na sila sa alak kaya nawawala na ang hiya.
"Alam mo Sol. Hindi 'to puputulin ng kumare mo. Paborito ni ga 'tong ulam sa agahan eh. Mahilig siya dito sa higanteng sausage ko. Kaya hindi niya 'to puputulin!" bulalas ni William.
Nagtawanan na lang silang tatlo. Nagpatuloy ang inuman at nagpatuloy sa pagmamalaki si William sa asawa. Pati si Solomon ay pinagmamalaki rin ang asawa nito.
Hanggang sa maubusan na sila ng beer. Kaya nagpahinga na lang sila. Hindi rin naman talaga sila masyadong nalasing dahil sanay sila sa inuman. Hanggang sa bumalik na si Nathan sa cottage.
"O, nasaan yung iba, Nat?" tanong ni William.
"Ayun, naliligo pa rin. Ubos na 'tong mga beer ah? Ano dagdagan pa ba natin?"
"Ano, dagdag pa ba tayo?" tanong ni Henry.
"Huwag na, ayokong maglasing." sagot ni Solomon.
Napagpasyahan ng dalawa na bumalik na sa kani-kanilang mga hotel rooms. Sumabay na rin si Nathan sa kanila dahil gusto na nitong magpahinga at matulog. Nagpaiwan naman si William habang binabantayan ang asawa na natutulog.
Ilang sandali pa ay dumilat na ito.
"Gising ka na pala." nakangiting wika ng mister.
Bumangon si Jessie at tumabi rito.
"Kanina pa. Gising na gising ako noh. Ang ingay niyo kaya." natatawa nitong sagot.
"T-talaga ga? N-narinig mo u-usapan namin?" anas ni William na kinakabahan.
"Oo. Narinig ko lahat noh. Hindi naman ako natulog. Nagpahinga lang ako." pag-amin nito.
"Patay." mahinang anas ni William sa kaba.
Natawa si Jessie.
"So, pinagtsitsismisan niyo pala kami ni Ate Marie kanina? Ginawa niyo kaming pulutan." tanong ni Jessie na nakataas ang kilay.
Mabilis na pinagpawisan ng malamig si William. Kung napakaangas nito kanina. Ngayon, para itong naging tuta na bahag pa ang buntot.
"Alam mo kasi ga. Ano, n-nalasing na kami k-kanina eh." utal-utal na sagot ni William dahil kinakabahan. "Sila Sol kasi... ang iingay ng mga h-hayop ga. Mga gago talaga yung mga yun eh. Kung anu-ano pa t-tuloy ang nasabi ko."
Kaagad na natawa si Jessie at humalik sa pisngi ng mister niya. Nagulat ito at napatingin dito.
"Hindi ka galit?"
"Bakit naman ako magagalit? Dapat ba akong magalit sa sinabi mong handa kang magpaputol ng sarili mong pagkalalaki dahil ideal size sa akin ang 8 inches? Dapat ba akong magalit na hindi ka nahihiyang sabihin sa mga barkada mo kung gaano mo ako kamahal? Kung gaano mo ako ipinagmamalaki?" nakangiti nitong sagot.
Matamis na ngumiti si William.
"Tang ina, akala ko talaga galit ka ga. It's a prank pala." natawa silang dalawa.
Nagkatinginan sila hanggang sa nagkahinang ang kanilang mga labi.
"Hindi ako mahihiyang ipagmalaki ka. Hindi ako mahihiyang sabihin kung gaano kita kamahal." masuyong anas ni William.
"Ako rin. Mahal na mahal na mahal talaga kita. Kahit napakaseloso mo minsan. Kahit na sobrang napaka-immature mo. Pasaway, matigas ang ulo at lahat-lahat na. Mahal na mahal pa rin kita."
Napakagat ng labi si William at halatang kinilig ito.
"Pero pang. 'Wag mo na sasabihin ulit sa kanila ang mga kaya ko. Sira ulo ka! Nakakahiya jusme ka." sabay kurot sa singit ng mister ikinatawa lang nito.
"Ano ga, dito na ba natin gagawin? Handa na ako." mapaglaro nitong ani.
"Baliw! Hali ka na nga at maglakad-lakad tayo sa dalampasigan." sabay hila niya rito. Nagpatianod naman si William sa misis niyang nakangiti pa.
Naglakad-lakad ang mag-asawa. Naglakad lang sila at namasyal. Maganda ang kalangitan ngayon at napakaaliwalas. Naglakad lang sila na parang hindi nila alam kung saan sila hihinto.
Namalayan na lang nila na patungo na sila sa direksyon sa kanilang private bungalow. Subalit napagpasyahan ng dalawa na hindi muna bumalik kaya nanatili silang naglakad sa gilid ng dalampasigan hanggang sa lumampas na sila rito.
Lakad lang sila nang lakad sa dalampasigan hanggang makita nila ang mga naglalakihang mga bato sa mababaw na parte. Ang lalaki nito na lagpas tao ang taas.
"Pang, kunan mo ako ng picture dun! Dun sa malaking bato." sabay turo nito.
Tumalima lang si William. Nang makalapit na sila rito ay nagulat silang dalawa dahil nakarinig sila ng mga ungol. Nagkatinginan ang mag-asawa. Mabilis nagkasundo ang mga ito kahit hindi na nagsalita pa. Dahan-dahan at tahimik silang lumapit sa malaking bato.
Pero kailangan muna nilang umikot rito para makita nila ang kabila. Kaya naman ay tahimik na naglakad sila sa tubig at umikot. Hindi naman malalim ang tubig dahil hanggang tuhod lang ito.
Tahimik silang sumilip at nagulat sila sa kanilang nakita.
"Aaaahhh... aaaahhh... aaaahhh... aaaahhh... fuck ang sarap Oli! Sige pa! Tang ina! Salsalin mo paaa..." paungol na salita ni Roland.
"Oooohhh... oooohhh... oooohhh... so good. Suck me, yeah... yeah... oooohhh... damn you're r-really good." sagot naman ni Theo na nakatingala pa at hawak-hawak ang ulo ni Oliver.
Magkaakbay na nakatayo sina Roland at Theo. Sarap na sarap sila. Habang niluluhuran naman sila ni Oliver sa kanilang harapan. Tinatrabaho sila nito.
"Ako naman Oli!" hindi makapaghintay na pakusap ni Roland.
Mabilis namang iniluwa ni Oliver ang titi ni Theo at si Roland naman ang pinagsilbihan nito. Kaagad na tumirik ang mga mata ni Roland dahil sinagad kaagad ni Oliver ang sampung pulgada niya.
"FUUUCCCKKK!!! Shit! Aaaahhh... aaaahhh... aaaahhh... aaaahhh... sige laaangg!!!"
Hindi na nakapagpigil si Roland at gamit ang dalawang kamay ay napasabunot na lang siya sa mga buhok nito. Wala namang angal si Oliver at tsupa lang ito nang tsupa. Hanggang sa maramdaman na lang ni Roland na sinisipsip na ni Theo ang kanyang utong.
Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Sarap na sarap siya at nag-uungol na lang. Nang magsawa si Theo ay ang kabilang utong naman nito ang pinasadahan kaya naman napahawak na rin si Roland sa buhok nito habang nakasabunot ang isang kamay sa buhok ni Oliver.
"Shit! Ang sarraappp!!! Tang ina ka Theo! Nakakakiliti." ungot ni Roland.
Hindi nagtagal ay umayos na ng tayo si Theo. Tinapik-tapik nito ang pisngi ni Oliver at nakuha naman nito ang ibig nitong sabihin. Mabilis na iniluwa ni Oliver ang titi ni Roland at si Theo naman ang pinagserbisyuhan.
Hindi alam ni Roland pero bigla na lang siyang may naramdaman ng iba na ang isinubo ni Oliver. Parang may naramdaman siyang selos. Para siyang tuod na nakatingin kay Oliver habang nakaluhod ito kay Theo. Parang natulala na lang siya.
Ilang sandali pa ay tumayo na si Oliver at marubdob na naghalikan ang dalawa sa kanyang harapan. Nanikip ang dibdib niya sa kanyang nakita.
Habang ang dalawang mag-asawa ay nakasilip pa rin.
"Hala, pang. Parang nagselos si Roland." bulong ni Jessie habang nakasilip mula sa likod ng malaking bato.
"Yan tuloy, naunahan pa siya ni Theo. Torpe kasi eh. Nag-inarte pa, eh madiskarte yan pagdating sa mga chicks."
Bulungan ng mag-asawa.
"Hali ka na nga. Maupo na lang tayo rito at antayin nating matapos na yang mga malibog na yan. Ang hahalay, dito pa talaga sa beach nagkanaan." mahinang ani ni William at umalis na sa pwesto nito. Naupo ito sa batong nakausli sa tubig.
Naupo na lang din si Jessie sa kanyang tabi. Hindi na rin naman silla makakaalis dahil mapapansin sila kapag susubukan nilang umalis pa.
"Wow pang huh?! Coming from you talaga? Mas malala pa nga tayo dahil sa kalibugan mong yan. Kahit saan na nga lang gusto mo eh. Wala kang pinipiling lugar noh. Wag kang ano d'yan."
"Istorbo eh. Plano ko sana kanina na dito na lang tayo mag-aanuhan. Naunahan pa tuloy tayo ng mga yan." mahinang dabog ni William at nakahalukipkip pa.
Napailing-iling na lang si Jessie.
Habang sa kabilang banda naman ay parang natigilan lang si Roland. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Naninikip ang kanyang dibdib dahil may ibang kahalikan si Oliver.
Nang maglayo ang labi ng dalawa ay medyo hiningal sila.
"Damn! You're a good kisser Oli." at nag-smack pa uli si Theo. "Ano, kantutin na kita?" dagdag nito.
Sa narinig ni Roland ay naalarma ito.
"Ako muna! A-ako muna ang mauuna." protesta nito.
"Ako muna Rol. Mas mahaba yang sa'yo eh. At saka, I'm the one who prepared his hole a while ago."
Hindi nakapagsalita si Roland.
"Okay lang naman, Theo. I think you prepared me enough. Si Roland na lang ang mauuna." sagot nitong hindi makatingin dito.
"Hmm... alright. Your call." nakangiting sagot naman ni Theo.
Agad na nahiga sa buhangin si Roland at binaba na ang shorts nito hanggang tuhod. Nang mahubad na ni Oliver ang kanyang shorts ay kaagad nitong nilagyan ng condom ang ari ni Roland at sumampa sa ibabaw nito.
Nanginginig pa ang kamay ni Oliver habang hinahawakan ang pagkalalaki ng lalaki. Nang makapwesto siya ng maayos ay kaagad niyang ipinasok ang ulo nito sa mamasa-masa niyang butas.
Nang matagumpay na naipasok ni Oliver ang ulo nito sa kanyang hiyas ay dahan-dahan siyang dumausdos. Hanggang sa sumagad na nga siya. Sabay pa silang napaungol ni Roland. Nakapasok na ang sampung pulgadang sandata nito sa masikip na butas. Ang butas ni Oliver.
Hindi na muna sila gumalaw at hinayaang mai-relax muna ni Oliver ang kanyang sarili. Mabilis na pumwesto naman si Theo sa gilid ni Oliver.
"Suck me." utos nito.
Agad naman nitong isinubo ang lalaki. Napahalinghing na lang si Theo. Mainit, madulas at masikip ang bunganga ni Oliver.
Walang tigil si Oliver sa pagtsupa. Kaya napasabunot na si Theo rito.
"Yeah suck it... suck it... sarraaappp... oooohhh... ang galing mo Oli."
Maingay na tsinupa nito si Theo. Matunog at dinig na dinig ang mahusay na tsupa. Ipinikit na lang ni Roland ang kanyang mga mata. Parang nasasaktan siya sa kanyang nakikita.
Simula pa kanina ay nasasaktan na siya. Naiinis siya sa kanyang sarili. Kanina pa sila rito at kanina pa naninikip ang kanyang dibdib. Nagseselos siya. Selos na selos siya.
Hindi nagtagal ay umayuda na siya dahil hindi na siya makatiis. Naaakit siya sa sikip ng butas ni Oliver. Kumikiwal-kilwal kasi ito at parang mas sumisikip. Napaungot agad si Oliver at sarap na sarap ito.
Pumailanlang ang mga ungol ng tatlo sa tahimik na gabi. Napakainit ng kanilang tagpo. Nang mas tumagal pa ay hindi na nakakaramdam ng sakit si Oliver kaya naman ay nagsimula na itong magtaas-baba. Hanggang sa mas medyo bumibilis pa.
Habang si Theo na nakatayo at sarap na sarap dahil sa pagtsupa ni Oliver sa kanya ay mas lumakas pa ang mga ungol.
"Shit! You like my dick? Huh!?" angas ni Theo habang binabayo ang bunganga ni Oliver.
Hindi ito makapagsalita dahil nakasalampak ang walong pulgadang ari ni Theo sa bunganga nito at dahil nasasabunutan ang mga buhok nito.
Tirik na tirik naman ang mga mata ni Roland habang binabayo ang hiyas ni Oli. Sarap na sarap si Roland. Kahit hindi man niya aminin. Mas nasasarapan siya sa puke ni Oliver kaysa sa dating syota.
"Shit! Ang sikip-sikip mo Oliver! Oh shit! Uuughhh! Uuughhh! Uuughhh! Uuughhh! Shit... ang sarap nitong b-butas mo. Hinihigop ang titi kooo... oohhhh..."
Walang pakialam na bumayo si Roland nang bumayo. Tumitirik pa ang mga nito sa sobrang sarap.
"Ano Rol? Ooohhh... ooohhh... mas masarap si Oliver kaysa sa ex mo 'di ba? Ooohhh... shit Oli. That's good." paungol na tanong ni Theo.
"O-oo! Mas masarap. Tang ina... ang sikip-sikip nito. Daig pa ang pekpek ng ex kooo!!!"
Sa ilang sandali pa lang ay biglang gumiling si Oliver at parang mas naging agresibo ito. Napakurap at napanganga na lang si Roland. Mas naging marahas si Oliver at talaga namang mas nasarapan siya sa ipinapakita nitong pagkaagresibo.
Umuungol pa si Oliver habang kinakantot ang dalawa nitong butas. Ang puwet nito at bunganga.
Hindi nagtagal ay nangabayo na ito. Dahilan kaya napapalahaw na si Roland sa sobrang sarap. Tumirik at namuti ang kanyang mga mata sa sobrang galing na ipinamalas ni Oliver.
Walang tigil sila. Inabot sila ng matagal na mga minuto at hindi na nag-iba pa ng posisyon. Bayo kung bayo ang dalawang lalaki at pinakain nila ang dalawang butas ni Oliver.
Hanggang sa sumikip na ang mga puson ng dalawang binata.
"Oli... I-Im cumming... ito naaa... OOOOOHHHHHHHHHH!!!" nanginginig na hiyaw ni Theo.
"Ako rin... lalabasan na akooo Oli... Oli ito na... Oli malapit na ako... ito naaa... AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!"
Sabay na nilabasan ang dalawang binata. Sumabog ang katas ni Theo sa bunganga ni Oliver at nilunok nitong lahat ang lahat ng katas. Habang sumabog naman ang katas ni Roland sa butas ni Oliver sa loob ng condom.
Nang mahugot na ni Oliver ang ari ni Roland ay piniga pa nito ang condom at sinimot lahat ang katas ng binata. Wala itong sinayang.
Nahiga silang tatlo sa buhangin at nakapagdamit na. Hinihingal at humahangos.
Pagkalipas ng ilang sandali ay bumangon si Theo at nagsalita.
"Sige, una na muna ako sa inyong dalawa. Oli, unahan mo na. Mabagal eh." makahulugang saad ni Theo.
Nagpaalam ito at nauna ng umalis. Naiwan naman ang dalawa. Nanatili silang tahimik habang nakatingin lang sa mga bituin. Nataranta ang mag-asawa at nagtago sa likod ng inuupuan nilang bato. Nang dumaan na si Theo ay hindi naman sila nito napansin. Hanggang sa makalayo na ito.
Muling sumilip ang dalawa at nakita nilang nakahiga ang dalawang binata. Walang imikan at walang usapan.
Hanggang sa nagsalita si Oliver.
"Rol." tawag nito.
"Hmm?"
"Umm... I know this is too sudden. But Rol, I-I like you."
Nagulat si Roland sa narinig. Subalit hindi ito nakaimik.
"Ayan na pang! May aminan na!"
"Shh! Hinaan mo boses mo ga. Baka marinig tayo."
"Ay, hehe."
Patuloy pa ring nakikiusyuso ang dalawa.
Ilang sandali pa ay nagsalita uli si Oliver.
"Rol, do you like me?" lakas loob nitong tanong nang punong-puno ng pagsusumamo.
Hindi alam ni Roland ang sasabihin kaya parang nabusalan ang bibig nito. Naghihintay ng kasagutan si Oliver. Sobrang bigat na ng dibdib niya. Subalit wala itong narinig na sagot. Pinanghinaan na lang ng loob si Oliver at nasaktan ang damdamin nito.
"I-I'm sorry Rol. Sorry if I put you on the spot. I'm sorry if I asked. So s-sorry." basag-basag pa ang boses na sagot nito.
Mabilis na bumangon si Oliver at naluluhang naglakad palayo. Subalit nagulat na lang ito ng maramdaman ang kamay ni Roland sa kanyang braso.
"Sandali!"
Hindi siya lumingon dahil nahihiya siya.
"It's okay Rol. Okay lang naman. I understand naman eh. I should have known. Sabi kasi ni Theo na gusto mo raw ako. I assumed too much." sagot ni Oliver na pinilit pang ngumiti.
"Okay lang naman Rol. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko."
Muling naglakad ito palayo. Hindi nito nilingon si Roland dahil ayaw niyang makita siya nitong lumuluha.
"Oli, g-gusto rin kita!" bulalas ni Roland.
Natigilan siya. Paglingon niya ay nakayuko lang si Roland at halatang seryoso ito.
"Oli, noong nagkakilala tayo ay ang gaan-gaan na ng loob ko sa'yo. Nitong mga nakaraaang araw ay hindi ko alam at kung bakit sinabi ko sa'yo ang aking buhay. Hindi pa man tayo ganun ka magkakilala ay pinagkatiwalaan na agad kita. Sinabi ko sa'yo ang sikreto ko. Noong panahong may ginamit akong bakla para umangat ang buhay ng pamilya namin. Para mabawi ang mga negosyo namin. Hanggang sa kinarma ako dahil sa ginawa ko. Sinabi ko yun lahat at hindi ko alam kung bakit. Sinabi ko ang mga pagkakamali ko sa'yo at hindi mo ako hinusgahan. Nang sinabi mo rin ang tungkol sa buhay mo, sa mga nagawa mong pagkakamali dati para lang ma-comfort ako ay talagang malaking bagay yun para sa akin. Pinagkatiwala mo sa akin ang mga bagay na iniingatan mong hindi malaman ng iba. Ang mga sikreto mo, para lang hindi ko maramdaman na hindi lang ako ang nag-iisang nakagawa ng mga malaking mga kamalian sa buhay." sandaling tumigil si Roland at tumingin na kay Oliver.
"Hindi ko alam, pero noong nakaraang mga araw na palagi kitang kasama ay sobrang saya ko. Hindi ko nga maalala na broken hearted pala ako at galing pa pala ako sa relasyong sawi. Kapag kasama kasi kita parang nakakalimutan ko ang mga problema ko. Hindi ko maipaliwanag pero gusto kong kasama kita palagi. Yun yung totoo. Kaya nga inom ako nang inom dahil hindi naman dahil sa ex ko. Nagpakalasing ako kanina sa yate dahil nalilito ako sa sarili ko. Nalilito ako kasi pakiramdam ko gusto na kita. Gusto na kita agad."
Tuluyan ng umiyak si Oliver at nagpahid ito sa kanyang mga luha. Habang lumapit naman si Roland sa kanya.
"Alam mo Oli. Kaya ang lakas ng loob ko na nagyaya ng threesome kasi gusto ko lang kasing lokohin ang sarili ko at paniwalain na hindi kita gusto. Hindi ko kasi naranasang magkagusto ng lalaki kahit kailan eh. Pero nung naghalikan kayo ni Theo. Alam ko. Alam ko na na gusto na talaga kita. Pero wala naman akong karapatang magselos eh. Oliver, gusto kita. Gusto rin kita." unti-unti pang lumapit si Roland.
Sa isang iglap ay bigla na lang hinalikan nito ang labi ni Oliver. Naipikit nila ang kanilang mga mata. Hanggang sa nagpatianod na lang sila sa kanilang nararamdaman.
Sa kabilang dako naman ay panay ang tulo ng sipon at luha ni Jessie. Habang pigil sa pagtawa si William.
"Pang! Huhu. Pang, ang saya ko! Sa wakas magiging masaya na rin si Oliver!" sumisinok nitong sambit habang tumutulo pa ang sipon. Para itong bata.
"Shhh... marinig tayo! Ikalma mo yang pepe mo d'yan. Baka mahuli pa tayo dito eh." sabay punas nito sa ilong ng misis gamit ang sando nitong suot.
"Kinikilig ako pang eh." napangiti lang si William habang pinupunasan ang sipunin nitong ilong.
Sisinghay pa sana si Jessie para ilabas ang mga sipon nito pero agad na pinisil ni William ang ilong nito para hindi nito maituloy ang pagpapalabas ng sipon.
"Mahuhuli tayo! Tiisin mo yang sipon mo sa loob ng ilong mo." saway ni William.
Napatango-tango na lang si Jessie.
Nang maglayo ang mga labi ng dalawa ay kapwa sila nakangiti. Pinahid pa ni Roland ang mga luha ni Oliver.
"'Wag ka na ngang umiyak. Conyo boy." natawa si Oliver sa sinabi nito at nagsalita.
May inamin ito.
"Rol, matagal na kitang gusto. Hindi mo lang alam. Pero nagkita na tayo dati. We met in a bus before. It was in New York, Manhattan. Not that you can remember it. Alam ko naman na hindi mo 'to maaalala. Last year, it was fall. Nagkatabi tayo ng upo sa dulo ng bus sa likod. Tapos nakatulog ka sa balikat ko. I think you are really tired because you're sleeping soundly kaya hinayaan kita. I don't know what crossed my mind. I took a picture of you from my phone while you were sleeping in my shoulders. Tapos ever since that day. I used that photo as my wallpaper. Pretending to myself that you are my imaginary boyfriend."
Mabilis na hinugot ni Oliver ang cellphone niya sa kanyang bulsa at ipinakita ito kay Roland. Nagulat si Roland ng makita nito ang sariling mukha. Naka hoodie pa siya rito at natutulog sa balikat ni Oliver na namumula ang mukha at paiwas ang tingin sa camera.
"Sorry if I was so creepy." nahihiyang anas nito.
Natawa lang si Roland at muling hinalikan ang labi ni Oliver. Nang tumgil na silang maghalikan ay nagkangitian lang sila.
"Manliligaw pa ba ako?" natatawang tanong ni Roland.
"Hindi ka man manligaw. Sinasagot na kita."
Nagtawanan sila.
"Simula ngayon, bawal ka ng tumingin sa ibang lalaki. At saka, seloso ako. Ayokong may sumasali pa sa atin. Hindi ko trip ang open relationship. Kaya yung nangyaring threesome kanina. First and last na yun." saad ni Roland.
Tumango naman si Oliver na nakangiti.
Muling hinalikan ni Roland si Oliver. Maalab, mapusok at marubdob. Ilang sandali pa ay umalsa na ang harapan ng shorts nito at parang puputok na.
"R-Rol..."
Uhaw na uhaw na pinaghahalikan ni Roland ang labi ni Oliver hanggang sa leeg at balikat nito. Ito pa nga mismo ang kumuha sa isang kamay nito at ipinahawak ang nanggagalaiti nitong sawa. Napasinghap na lang si Oliver.
"S-sandali... Rol."
"Bakit? Gusto mo bang ipagpatuloy na lang natin sa hotel room ko?" nanabik nitong sambit.
"Sa b-bungalow ko na lang kasi mas malapit at ayokong nakikita pa 'tong bulge mo ng ibang tao. Marami pang gising. Papunta pa lang dun ay siguradong mapapansin na nila."
"Ayaw mong makita ng iba ang bulge ng boyfriend mo?" nakangising sagot naman nito.
Napatango-tango naman si Oliver na nahihiya pa, lalo ng banggitin ni Roland ang salitang "boyfriend."
Sa isang iglap ay bigla na lang nitong binuhat si Oliver kaya napaigik ito. Binuhat niya ito paharap habang nakahawak sa dalawang hita nito. Napakapit naman si Oliver sa batok ni Roland.
"Malaki ang utang ko sa'yo. Honey bunch. Kaya dapat lang malaki din ang ibabayad ko." mapaglarong anas ni Roland.
"Honey b-bunch talaga?"
"Ayaw mo?"
Napakagat na lang si Oli sa kanyang babang labi.
"O baka mas gusto mo na Honey na lang ang itawag ko sa'yo, tapos Bunch tawag mo sa akin?" sabay kindat nito.
Nahihiya man ay tumalima naman ito.
"S-sige."
"Pa'no ba yan? Gusto ko ng magbayad honey dahil ang laki-laki ng utang ko sa'yo sa pagliligtas mo sa akin. Pwede bang itong malaking bagay na lang na 'to ang ibabayad ko?" mas ibinaba ni Roland ang katawan ni Oliver kaya naman nabundol nito ang hiwa ng pwet nito.
Napapasinghap si Oliver dahil mahalay na kumanyod-kanyod si Roland. Ikiniskis nito nang paulit-ulit ang burat nito sa kanyang hiwa.
"Ano, honey. Gusto mo bang yan na lang ibayad ko?"
"Oo b-bunch." garalgal nitong sagot.
"Tara na sa bungalow mo at magdamag kong ibibigay yang bayad ko sa'yo." sabay halik nito sa labi ng kasintahan.
Tumugon naman si Oliver. Buhat-buhat ni Roland ito habang naglalakad sila palayo at papunta ng bungalow nito. Hindi na ibinaba pa ni Roland si Oliver. Naglakad sila palayo na nakangiti.
"Ang landi ni Roland, pang." tawang-tawang sabi ni Jessie ng nakalayo na ang magnobyo.
"Proud ako ga at isa na namang pak boy ang nagbagong buhay."
Nagtawanan silang dalawa. Hindi nila aakalain na may masasaksihan pala silang pagtatapatan ng pag-ibig. Masaya sila at ang mga taong mahalaga sa kanila ay sumaya na rin.
Napagpasyahan nilang maglakad pa at hindi muna bumalik. Lakad pa rin sila nang lakad hanggang sa naging makulit na naman si William. Nauwi sila sa habulan hanggaang sa umabot na sila sa pinakadulo ng dalampasigan. Hingal silang tumatawang dalawa ng tumigil.
Maganda ang tanawin dahil napakaliwanag ng buwan. Punong-puno ang kalangitan ng mga bituin. Naupo silang dalawa sa buhangin at magkahawak kamay pa. Nakatanaw sa kalangitan na nakangiti.
"Ang liwanag ni Jewil ngayon pang." masayang ani ni Jessie.
Tinutukoy nito ang bituing Polaris o north star na kanilang pinangalanan at itinuring na sarili nilang bituin. "Jewil" dahil sa pinagsama nilang pangalan na Jessie at William.
"Oo, tapos ang laki-laki niya ngayon." sagot naman ng mister na nakangiti.
Umihip ang malamig at preskong hangin. Mahigpit na napakapit si Jessie sa braso ng mister. Napangiti si William.
"'Lika ka nga rito." at hinila nito ang asawa at pinaupo sa espasyo sa pagitan niya.
Niyakap niya ito at paupong inihiga sa kanyang mga bisig. Napangiti si William habang nakapatong pa ang kanyang baba sa balikat ng misis.
"Malamig pa ba ga?"
"Hindi na." nakangiti nitong sagot.
Hinalikan ni William ang pisngi ng asawa at hinaplos naman nito ang kanyang pisngi. Tahimik lang silang dalawa at dinama ang kapayapaan ng kapaligiran. Hanggang sa nagslita si Jessie.
"Pang, may tanong ako."
"Ano yun ga?"
"Ano pang, matagal na nating pinag-usapan ito. Pero pang. Ayaw mo ba talaga na magkaanak tayo?" kalmadong ani ni Jessie.
Napabuntong–hininga si William.
"Gusto mo ba talagang magkaanak tayo?"
"Oo pang. Talagang gusto ko. Gusto ko ng mga bata. Kahit ang iingay at ang gugulo nila. Gusto ko pa rin. Gusto kong magising sa hatinggabi na nagpapalit ng lampin. Magpahid ng dumi at magpunas ng ihi. Magbantay at mag-alaga kahit pagod ako. Magpadede at magpakain. Kwentuhan sila ng mga istorya kapag matutulog na. Paliguan sila, alagaan sila mahalin at gabayan. Hanggang sa matuto na silang tumayo sa kanilang mga paa. Pang, gusto kong maging magulang."
Sandaling natahimik si William. Tiningnan niya ang mukha ng asawa at medyo malungkot ito. Mahigpit niya itong niyakap at nagsalita.
"Kung sakaling papayag ako. Ilan ba gusto mo?"
"Mga tatlo sana. Pwede na ring dalawa." halata sa boses ni Jessie na medyo may panghihinayang dito.
Napasinghap si William. Hanggang sa magsalita na ito.
"Alam mong mahal na mahal kita. Kaya kung gusto mong maging magulang. Wala na akong magagawa pa dun. Sige, payag na ako." nakangiti nitong sagot.
"Talaga?!" napabalikwas pa sa pagkakaupo si Jessie at nilingon si William.
"Oo, pero may kondisyon."
"Ano naman yun pang?" masigla nitong tanong.
"Payag ako, pero dapat mas mahal mo ako kaysa sa mga anak natin."
Napangiti si Jessie.
"Seloso ka talaga. Pati mga bata, pagseselosan mo?"
"Oo naman, syempre magseselos talaga ako. Isipin mo na lang, pag-uwi ko galing trabaho pagod ka na dahil sa mga pasaway na mga anak natin. Kaya mawawalan ka na ng panahon sa akin dahil nasa mga bata na lahat ng atensyon mo. Tapos mas pag-uukulan mo yan sila ng pansin kaysa sa akin." simangot nito.
Natawa lang si Jessie.
"Pang, alam mo. Masyado kang advance mag-isip. Syempre, mamahalin ko kayong lahat nang pantay-pantay. Parehas ko kayong lahat na mamahalin. Walang labis at walang kulang."
"Kaya nga ayoko. Hindi na ako ang magiging paborito mo. Kasi pantay-pantay mo kaming mamahalin." napailing-iling na lang si Jessie na natatawa pa.
"Pang naman eh. Ano, payag ka ba talaga o hindi?"
"Sabi ko naman payag na ako eh. Basta yun yung kondisyon ko."
"Hmnn... sure ka pang yun lang ang kondisyon mo?" makahulugan nitong wika na nakangiti.
"Meron pang isa! Hmp, dapat kung mangangalabit ako. Dapat pinagbibigyan talaga."
"Aba, William Mijares. Abusado ka rin!"
Nagsuplado lang ito na ikinatawa ni Jessie. Hanggang sa nagtawanan na lang sila. Tuluyan ng pumayag si William at ang naiisip nilang pagpipilian ay ang mag-ampon o ang mag-arkila ng isang surrogate mother.
Nang makita ni William kung gaano kasaya ang asawa ay ibang kaligayahan ang dulot nito sa kanyang puso. Kaya naman ay pumayag siya dahil ito ang labis na magpapasaya rito.
"Mahal na mahal kita ga. Hindi magbabago itong nararamdaman ko. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal."
"Ako rin pang. Mahal na mahal na mahal din kita. Ikaw lang ang mamahalin ko. Wala ng iba."
Habang tanaw ang maaliwalas na kalangitan Nag-usap sila at nagbalik tanaw sa lahat ng nangyari. Sa lahat ng kanilang naranasan. Ang mga pinagdaanan nila sa kanilang mga buhay. Ang pait, pagdurusa, pighati at poot. Hanggang sa dumating sila sa pagtanggap, pagpapatawad, pagmamahal, paglaya at paghihilom.
Sa dinami-dami ng kanilang mga pagsubok na nilampasan ay nanatili silang matatag. Ilang beses man silang pinaglayo ay tadhana ang humihila sa kanila pabalik. Hinding-hindi sila matitibag dahil ang kanilang pag-ibig ay hindi kayang tibagin kahit lumipas man ang mga panahon.
Saksi ang mga tala at buwan. Ang karagatan at ang buhangin sa dalampasigan sa pag-ibig ng dalawa. Kanila ang gabi at wala silang iniisip pang iba.
Talagang makapangyarihan ang tunay na pag-ibig. Hahamakin ang lahat masunod lamang ang isinisigaw ng puso. Dalawang nagmamahalan. Dalawang handang magsakripisyo para sa isa't isa. Kahit ano pa mang pagsubok ang dumaan ay hindi sila nito kayang paglayuin. Sapagkat ang kanilang puso ay nag-isa na at ang tanging tinitibok ay ang isa't isa.
WAKAS
Wassup guys!!! Rak en roll! \ (•◡•) /
Trivia lang muna. Alam niyo bang si Theo ay ang bida ng librong The One that didn't Get Away? Akda ito ni author MonsterTucker . Maganda yung kwento guys kaya basahin niyo na. Hindi kayo magsisisi! You can read the story sa account niya. Pwede ring sa blog niya. Try niyong i-visit ang blog niya. Kompleto dun. Kaya follow him para mas ganahan siyang magsulat. Hehe.
Author's Note ang sa susunod na page. Basahin niyo naman ang message ko. HAHAHA. Please... (゚∩゚) hehehe. Please na... LOL
Thank you sa stories mo AmariFlames....
ReplyDeleteHaiist. Hanggang sa huli hinihintay ko si Edward. Yung sinabi niya nung nagyakapan sila na “kita” lang yung narinig ni jes. . Iniisip ko kasi na baka “mahal pa RIN kita” e. Pero pwede ring “ minahal kita”. Hmm. Parang di ako nasatisfy. Haiist. Kung magkakaron ng book 2 feeling ko magkakabalikan sila pero ending si william pa rin syempre.
ReplyDeleteI think it's much better if we leave Bernard behind and have Jessie his TOTGA. I am for Jessie and William forever kasi eh, haha! I also don't want to have a second installment for this book. I think the scenes are enough to say that they both deserve each other. The love and happiness that will transcend time and infinity, hehe!
DeleteThank you so much for this beauty story, AF! I so loved this! Will definitely add to my top stories' list! Praying for Jessie and William's happiness, so as Roland and Oliver forever in this world you perfectly created! Kudos! More power!
ReplyDelete❤️
ReplyDeleteThank you Very much to the author of this love story.
ReplyDeleteThis fantastic story gives a lot of realization, emotion, imaginative illustration of every journey.
Hoping to read the continuation love story of Oliver and Roland.
And what happened to Kurt and Kuya Bernard..
All the best dearest author more fantastic master piece to be publish. Rooting for a new romantic love story..