Tuesday, June 29, 2021

BSL - KABANATA 24

 


KABANATA 24 Hindi Inaasahan


Napaupo ako sa bato habang tagaktak ang pawis sa aking katawan. Ang hirap palang magbungkal ng lupa nang buong araw. Pagod na pagod ako at parang lahat ng lakas ko sa katawan ay naubos na.

Wala naman akong magagawa kung hindi tapusin ang garden na pinapagawa sa akin ni papa. May mga binhi kasi siya ng mga gulay na dala nang umuwi siya kahapon. Gusto niyang itanim ko lahat ang mga ito ngayon.

Kaso masyadong masukal ang likod ng aming bahay at napakarami pa ang damong tumutubo. Isama mo pa ang mga baging na nakapulupot sa bakod sa likod. Kaya walang habas kong pinagtatanggal para malinis ko ang likod ng bahay namin.

Kahit na tirik na tirik ang araw ay nagpatuloy lang ako sa pagbubungkal at pagtatanim. Kahit na nahihilo ako ay pinagpatuloy ko pa rin ang paggawa ng garden. Nag-jacket na lang ako para hindi tumagos ang sikat ng araw sa aking balat.

Sobrang init kasi, parang matutuyo ka at malalanta dahil sa tindi ng sikat ng araw. Kaya malaki ang respeto ko sa mga magsasaka eh. Kahit na tirik na tirik ang araw ay patuloy lang sila sa pagtatanim.

Tumigil lang ako saglit sa pagbubungkal para kumain ng tanghalian. Tapos sabak ulit sa pagbubungkal ng makapag-pahinga na ng mabuti. Pasado alas dos na nang hapon ng matapos ako sa pagtatanim sa likod-bahay namin.

Medyo natagalan ako dahil inayos ko muna lahat. Pati mga flower pot at mga tanim na bulaklak na iba't iba ang mga kulay ay inayos ko rin at naisipang i-landscape para magandang tignan.

Pagtingin ko sa aking nagawa ng matapos na ako ay naging proud ako sa sarili ko. Ang ganda-gandang tignan ng garden lalo na ang mga bulaklak na nailagay at naiayos na. Maganda ring tignan ang mga mayayabong nitong dahon at mga kulay na nakaka-relax sa mata.

Napangiti ako. Malaki ang nagawa ko sa araw na ito.

Mabuti na ang may nagagawa ako para mawaglit ko sa aking isipan ang mga naiisip ko na bumabagabag sa aking dibdib kapag wala akong ginagawa. Kung wala kasi akong magawa ay bigla na lang lumalabas ang imahe ng mukha ni Kuya Bernard sa aking isipan. Dahilan kaya natitigilan ako, namamalayan ko na lang ang aking sarili na malungkot na at malalim ang iniisip.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at napabuntong-hininga.Maraming naging pagbabago sa aming dalawa ang sumunod.

Simula sa araw na may huling naganap sa amin ni Kuya Bernard. Naging iba na ang lahat. Tinupad namin ang pangakong napag-usapan na huli na nga ang kamaliang nagawa namin sa batis. Pero kahit na ganun pa man ay hindi pa rin nagbabago ang pagkakaibigan namin. Kahit na wala ng nangyayari sa amin ay magkaibigan pa rin naman kaming dalawa. Pero ang nakakainis lang ay hindi pa rin nagbabago ang aking pagtingin sa kanya na aking itinatago.

Mas lalo pa itong tumindi na lalong nagpapahirap sa akin.

Kahit nahihirapan ako ay pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Magkaibigan kami at hanggang dito lang talaga. Hindi na hihigit pa. Alam ko na kaibigan lang ang pagtingin niya sa akin. Walang halong kahit espesyal na hihigit pa, wala na. Kaibigan lang... hanggang kaibigan lang talaga.

Paulit-ulit ko itong isinisiksik sa aking isipan. Wala akong mapapala sa nararamdaman ko sa kanya. Masasaktan at madudurog lang ako. Natatakot ako na mangyari yun. Kaya hangga't maaga dapat matigil na 'tong nararamdaman ko.

Naiinis ako sa aking sarili kung bakit na develop ako sa kanya. Ang crush lang dati ay mas naging higit pa. Kaya mas naghihirap ako sa aking sarili ngayon. Ang hirap talaga sa mga sitwasyong ganito.

Wala akong mapagsabihan ng aking problema lalo na at walang nakakaalam sa aking tunay na kasarian. Ang mas mahirap pa rito ay ang taong nakakaalam lang ay siya'ng mismong dahilan kaya nagdurusa ako ngayon. Mas lalo tuloy bumibigat ang nararamdaman ko. Sobrang bigat na, kaya dapat na akong bumitaw.

Bakit pa kasi nagkagusto ako sa kapwa ko lalaki? Ba't ba kasi siya pa? Sa dinami-dami bakit siya pa ang nagpatibok nitong puso ko?

Hindi ko na alam ang gagawin pa.

Nasa loob na ako ng bahay at uminom na lang muna ng malamig na tubig para pawiin ang aking uhaw. Gusto ko sanang bumili ng soft drink para reward na rin sa sarili ko. Eh kaso, walang pera. Kaya tubig-tubig na lang muna. Okay na rin ito, malamig naman.

Nang ako ay makapagpahinga na talaga ng maayos ay naisipan ko nang maligo. Amoy mandirigma na na rin kasi ako. Ang lagkit na ng balat ko dahil sa pawis. Ang baho-baho ko na.

Paglabas ko sa banyo ay relax na relax ako. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakaligo ka. Matapos ang nakakapagod na paggawa ng garden sa likod ng bahay ng halos buong araw. Nang makapagpunas na ay nagsuot agad ako ng bagong damit at humiga muna sa sofa.

Napaisip ako, bukas na pala ang alis nila Kuya Bernard patungo ng Batangas. Mga limang araw din sila dun ni Kurt. Gusto ko sanang sumama kaso hindi naman ako papayagan. Baka magalit lang si papa kapag sinabihan ko pa siya. Nagmukmok na lang ako, hanggang sa hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako sa sofa.

*Tik tok... tik tok... tik tok... tik tok...*

Bigla na lang akong naalimpungatan at nagising dahil sa malakas na tunog ng alarm ng cell phone ko.

Dapit hapon na ng magising ako. Tulad ng palagi kong ginagawa ay nagluto agad ako ng hapunan para pag dumating na si papa ay kakain na lang siya.

Pero ng dumilim na ay hindi pa rin siya nakakauwi. Malamang nag-overtime siguro. Kaya naisipan kong mauna na lamang kumain at talagang nagugutom na talaga ako. Kumakalam na rin kasi ang aking sikmura.

Napagod kasi talaga ako sa kakagawa ng garden kaya lamon kung lamon ako sa pagkain. Ang takaw-takaw ko dahil sa tindi ng gutom ko. Mabuti na lang at marami ang isinaing kong kanin at niluto kong ulam. Sa sobrang gutom ko ay baka maubos ko pa pati ang pagkain na para sa aking ama.

Nang makauwi si papa ay diretso rin ito sa kusina at halatang gutom na gutom din. Naubos pa nga niya ang kanin at ulam. Halatang busog na busog siya dahil sa lakas ng kanyang dighay. Totoong gutom na gutom talaga siya nung kumain. Matapos ay diretso agad siya sa banyo para maligo. Paglabas niya ay nakatapis na lamang siya ng tuwalya.

Habang ako naman ay tahimik lang na nagtatahi ng notebook ko. Ilang linggo na lang ay pasukan na. Kaya dapat may gamit na ako na magagawa.

Dahan-dahan kong tinanggal ang mga pahina ng notebook kong luma at inipon ang mga blangkong pahina para magamit ko pa ang mga ito. Sayang naman kasi kung hindi gagamitin kung pwede pa naman. Nasa silya ako ng sofa at tahimik lang sa aking ginagawa.

Kahit may naitabi akong pera ay hindi ko muna igagasta. Saka na lang kung emergency talaga o kapag kailangang-kailangan na. Marami pa naman ang pahina na natitira na hindi nagagamit sa mga luma kong notebook. Tingin ko kapag inipon ko ito lahat ay aabot pa ng apat na notebook ang magagawa ko.

Matiyaga ako sa pagtatahi at sa paggawa ng gamit sa eskwela. Nang matapos na ako sa aking paggawa ay napangiti na lang ako. Akala ko apat lang ang magagawa ko. Lima pa pala.

Kaya ng makagawa na ako ng aking mga notebook. Sinimulan ko namang tahiin ang aking bag. Napunit na kasi siya dahil sa sobrang tagal. Tingin ko halos pitong taon na rin ito sa akin. Proud ako sa sarili ko dahil maingat ako sa mga gamit ko kaya tumatagal talaga sa akin.

Matagal ko na rin kasi itong kasama. Mabuti na lang at itim ang kulay ng backpack ko kaya hindi halata ang mga mantsa na dumikit dito dahil na rin sa katagalan. Wala rin naman akong choice kung burara ako dahil hindi naman ako bibilhan ni papa ng mga gamit. Kaya dapat masinop ako sa lahat ng gamit ko.

"Oh, ano yang ginagawa mo?" tanong ni papa habang bumababa sa hagdan.

"Tinatahi ko lang po ang bag ko Pa. Napunit na po kasi." ani ko.

Nagpatuloy naman ako sa pagtahi ng bigla siyang lumapit sa akin. Bigla niyang kinuha ang bag ko at tiningnan ito.

"Gaano na ba 'to katagal 'tong bag mo?" sabi niya na tila ini-inspection ang aking bag.

"Matagal na po yan Pa... tingin ko elementary pa po ako niyan ng binili niyo po sa akin ang bag na yan." malumanay kong sabi.

"Ang luma na pala nito ah... pero hindi halata." sabi niya na magkasalubong ang kilay.

"Opo, pwede pa po yang gamitin. Matibay po kasi ang bag na yan." nakangti kong sabi.

"'Wag mo ng gamitin yan... ibibili na lang kita ng bago pag-uwi ko. Ang luma-luma na pala niyan eh." sabay bitaw niya at hagis sa bag sa aking kandungan.

Tumalikod lang siya at pumunta ng kusina na parang wala lang.

Nagulat ako sa kanyang sinabi.

Totoo ba ang narinig ko? Ibibili niya ako ng bagong bag?

"Salamat po Pa! Salamat po!" para kong naiiyak na sabi.

Pero hindi niya na ako pinansin at hindi na siya nagsalita pa.

Medyo naguguluhan lang ako at ipinagtataka ko lang ay ang kanyang sinabi na sa pag-uwi niya na lang daw ako bibilhan ng bag. May pupuntahan kaya siya?

Pagbalik niya sa sala ay humiga siya sa sofa at nanood ng tv. Nang bigla na lamang siyang magsalita.

"Gisingin mo ako bukas ng maaga Jessie. May seminar ako kaya dapat maaga mo akong gigisingin."

"Saan po kayo mag si-seminar Pa? Gaano po katagal?"

"Mga isang linggo kami dun. Kasama na training. Kaya pag-uwi na lang kita bibilhan ng bag mo." walang gana niyang pagkakasabi.

"Talaga po? Salamat po Pa!" masigla at masaya kong sabi sa kanya.

Gusto ko sana siyang yakapin pero hindi ko na lang ginawa. Baka magalit pa siya. Ayaw pa naman niyang niyayakap ko siya.

"Bayad ko yan dahil sa ginawa mong garden sa likod. Maganda ang pagkakagawa dahil pati mga bulaklak ay inayos mo. Good job." ani niya.

"Nakita niyo na po pala. Salamat po Pa... mabuti naman at nagustuhan niyo po." hindi na siya sumagot pa at nagpatuloy na nanood ng palabas.

Bigla na lang tumunog ang cell phone ko kaya binuksan ko ito. May nakita akong message galing kay kuya Bernard. Kaya excited akong binuksan ang laman ng message.

Pssst! What's up? Ano... sama ka bukas sa Batangas?:D

Napaisip ako. Bukas na ang alis nila Kuya Bernard sa Batangas at bukas naman ang alis ni papa sa madaling araw dahil sa kanyang seminar. Ibig sabihin... pwede akong sumama bukas kina kuya!

One week si papa sa kanyang seminar at limang araw lang sila Kuya Bernard sa Batangas. Kung sasama man ako sa kanila ay makakauwi pa rin ako ng maaga na hindi naaabutan ni papa!

Parang may mga paruparo na lumilipad sa ilalim ng aking tiyan dahil sa tuwa. Pwede na akong sumama kina Kuya Bernard bukas! Tahimik akong nagdiwang dahil makakasama na ako sa kanila. Excited na excited ako.

"'Wag kang maglakwatsa hah!? Isang linggo ako dun. Iiwanan lang kita ng isang libo. Ipagkasya mo lahat yan."

Parang naputol kaagad ang kaligayahan ko dahil sa kanyang sinabi.

"Opo Pa." malungkot kong ani.

Pero naisip kong pwede namang hindi ko na lang sabihin kay papa na aalis ako ng bahay para sumama kina Kuya Bernard sa Batangas. Ngunit parang nakokonsensya ako.

Gusto kong sumama pero sure ako na hindi niya ako papayagan. Dapat na meron pa rin akong permisyon galing sa kanya dahil limang araw din kami dun. Higit sa lahat, bibilhan niya ako ng bagong backpack. Pakiramdam ko kapag umalis ako na walang paalam ay parang trinaidor ko ang tiwala niya.

Nagtalo sa isip-isip ko kung sasabihin ko ba kay papa na sasama ako bukas kay Kuya Bernard o hindi. Hanggang sa napagdesisyunan ko na sabihin na lang sa kanya.

"Pa..." tawag ko sa kanyang atensyon.

Nilingon niya ako kaya hindi ko naiwasang kabahan.

"Pa, pwede ho bang sumama ako sa kaibigan ko bukas? Pupunta ho kasi siya ng Batangas at gusto niya po akong sumama sa kanya." natatakot kong sabi.

"Gusto mong maglakwatsa dahil aalis ako bukas... hah?! Maglalakwatsa ka?!" asik niya. Na siyang ikinatakot ko.

"Hindi naman p-po ako maglalakwatsa Pa... gusto ko lang po na mabawasan ang gastos natin sa b-bahay." nakayuko kong sabi na nanginginig pa sa takot.

"Tang ina ka! Porket aalis lang ako ay gagala ka na agad gago ka!" ramdam ko ang galit sa kanyang boses. Kaya mabilis akong bumawi bago pa niya ako masaktan.

"Pa hindi naman po ako gagala. Gusto ko lang po na makadala ng pagkain dito." mabilis kong sabi.

"Ano, birthday ba yan?" pagalit pa rin niyang sabi.

"Hindi naman po birthday. Gusto ko lang po kasing makatipid tayo Pa."

"Ano ba yan lamay? Makikikain ka dun sa patay?!" sabi niya na pagalit pa rin.

"Hindi rin po Pa..." parang naiiyak kong sabi.

"Eh ano ba yan? Kung sasama ka sa Batangas, eh di gusto mo lang gumala!" sigaw niya.

"Hindi po! Hindi po! Gusto ko lang po talaga na makatipid tayo Pa!" halos maiyak ko ng sabi.

"Makakatipid sa ano?" maotoridad niyang tanong.

Pinakalma ko ang aking sarili at humugot ng malalim na hininga.

"Ganito po kasi yan Pa... kung sasama po ako sa kaibigan ko sa Batangas makakatipid po tayo ng malaki. Limang araw kasi kami doon kung papayag po kayo kaya makakatipid po tayo ng kuryente, tubig, pera at pagkain. Imbes na bigyan pa ninyo ako ng isang libo. Pwedeng limang daan na lang ang ibigay niyo sa akin para makabili po ako ng mga sea foods dun. Mura lang po ang sea foods dun Pa. 'Di ba paborito niyo po ang sugpo? Makakabili po ako dun ng marami at mura lang. Tapos libre pa ako dun, pati na nga papunta dun at pauwi libre na rin. Walang babayaran na kahit ano dahil makikisakay naman ako sa kanila. Kaya malaki po ang matitipid natin at kapag sinuwerte... baka makabili pa po ako ng paborito niyong alimango. Madami kasi dun tapos mura lang dahil tabi lang ng dagat." pagpapaliwanag ko sa kanya.

Natahimik siya at parang napaisip sa aking sinabi.

"Sinong kaibigan mo yan? Classmate mo?"

"Opo..." pagsisinungaling ko.

Mas pinili ko na lang na magsinungaling tungkol dito. Para na rin sa kaligtasan at maprotektahan ko si Kuya Bernard. Masyadong mahirap at kritikal ang sitwasyon niya ngayon. Mas mabuti na hindi na malaman ni papa ang tungkol sa kanya.

Natahimik siya saglit.

"Oh sige... basta bumili ka ng maraming sugpo at alimango hah? Ang mahal-mahal kasi dito kaya hindi tayo nakakakain niyan palagi. Damihan mo... lalo na ang sugpo." halata sa tono ng kanyang pananalita na hindi na siya galit pa.

Halos mandilat ako sa narinig.

Sa wakas, payag na siya!

"Sige po. Baka kapag sinuwerte pa ako Pa... baka makabili rin po ako ng masasarap na mga isda." masigla kong sabi.

"Libre ka ba lahat dun? Pati kain at tulog?" usisa niya.

"Opo, gusto po kasi ng kaibigan ko na sumama ako para marami kami."

"Ilan ba kayo na pupunta ng Batangas?"

"Tatlo lang po..." sagot ko naman.

"Sige, ibibigay ko na lang ang isang libo para madami kang mabili dun."

"Opo, sigurado po yan. Tatawad pa po ako para mas makadami pa po."

"Basta, siguraduhin mo lang ang sugpo. Kahit wala na yung alimango. Basta merong sugpo. Matagal na rin akong hindi nakakakain ng sugpo kaya siguraduhin mo yan."

"Opo!" nakangiti kong sagot sa kanya.

Mabilis akong umakyat ng aking silid pagkatapos ng ilang minuto. Tinawagan ko si Kuya Bernard at sinabing pinayagan na ako ni papa at tuwang-tuwa naman siya sa kabilang linya.

"Sige, mabuti na lang talaga at sasama ka na. Kita kits bukas!" masaya niyang sabi pagkatapos naming mag-usap ng halos ilang minuto.

"Oh sige kuya, kita na lang tayo bukas!" at ibinaba ko na ang aking cell phone.



MAAGA akong nagising sa umaga at nakapagluto ng agahan para gisingin si papa. Nang maluto na ang agahan at naihanda ko na ang lahat ng kailangan ni papa ay mabilis ko siyang ginising para makakain na.

"Pa, gising na!" paulit-ulit kong kinatok ang kanyang pintuan at patuloy ko siyang tinawag.

Pero hindi pa rin siya gumigising kaya napag-isipan ko na pumasok na lang sa kwarto niya upang gisingin talaga siya dahil hindi naman siya nagigising sa pag-iingay ko.

Pagbukas ko ng pintuan ay kinapa ko kaagad ang switch upang mapailaw ang kanyang kwarto. Madilim pa kasi. Pagbukas ng ilaw ay nagulat ako sa aking nakita. Halos tumayo ang balahibo ko sa katawan dahil sa tumambad sa akin.

Nakahiga siyang nakatihaya at naka-brief lang siyang natutulog. Ang nakakagimbal pa ay sumilip ang ulo ng napakalaking ari niya sa garter ng kanyang brief dahil medyo may katigasan ang kanyang pagkalalaki! Napabuntong-hininga ako dahil sa kaba.

Lumapit ako sa kanya at parang nahipnotismo ako at napatitig na lang sa kanyang pagkalalaki. Ang laki talaga nito. Hindi talaga ito matatawaran.

Daling nag-init ang aking katawan at rumagasa ang aking dugo dahil sa nakita. Subalit, mabilis kong sinampal-sampal ang aking mga pisngi at umiwas kaagad sa pagkakatitig sa pagkalalaki ni papa at huminga ng malalim.

Mabilis kong kinuha ang kumot niya, malapit sa kanyang paanan at kinumutan ko siya ng maayos para matakpan ko ang kanyang katawan. Lalo na ang napakalaki niyang pagkalalaki na dahilan upang magkasala na naman ako. Saka ko siya ginising.

"Pa, gising na po! Mali-late na po kayo. Gising na Pa!" niyugyog ko nang paulit-ulit ang kanyang balikat hanggang nagising na siya.

Nagkusot siya ng kanyang mga mata.

"Nakahanda na po ang agahan Pa, kain na po kayo at maligo para hindi po kayo ma-late."

"Hmmnn..." sagot lang niya.

Agad akong tumalikod at lumabas sa kanyang silid. Uminom ako ng tubig sa kusina para malamigan ang aking isip at katawan. Muntik pa akong makagawa nang kahindik-hindik na bagay.

Nang makakain na at nakaligo na si papa ay mabilis siyang nakapagbihis. Pinasakay niya ako sa kanyang motor habang siya ang nagmamaneho. Ihahatid niya ako labasan para maghanap ng traysikel na masasakyan niya.

Bumalik naman siya kaagad sa bahay ng maibaba niya na ako sa labasan. Naghanap naman ako ng traysikel para masakyan niya at maghahatid sa kanya sa highway. Hindi kasi ako marunong magmaneho kaya hindi ko maihahatid si papa. Madali lang akong nakahahap at mabilis akong nakabalik ng apartment.

Dalawang malalaking traveling bag ang dala ni papa dahil isang linggo rin ang seminar niya.

"Ingat po kayo Pa!" paalam ko sa kanya ng makasakay na siya ng traysikel. Tumango lang siya.

Habang papalayo ang sinasakyan niya ay tahimik lang akong nagmamasid dito hanggang sa naglaho na ito ng tuluyan.

Pumasok na ako sa loob ng apartment. Naligo na at pagkatapos ay sinigurado ang lahat ng mga damit na dadalhin ko rin sa lakad ko. Tapos na naman akong makapag-agahan at handang-handa na. Alas sais trenta na at umagang-umaga na talaga kaya napagpasyahan ko na pumunta na kina Kuya Bernard dahil maaga rin ang alis namin.

Kumatok ako sa kanilang gate at ilang sandali pa lang ay lumabas na kaagad si Kuya Bernard. Nakangiti siya ng makita ako at mabilis akong pinagbuksan. Nakatapis lang siya ng tuwalya at nagto-toothbrush pa. Halatang kakatapos lang niyang maligo. Kapansin-pansin ang malaking bukol niya sa harapan subalit ipinagkibit-balikat ko lamang ito.

Hanggang makapasok na kami sa loob.

"Sandali lang Jessie ha? Magbibihis muna ako." iniwan niya na ako sa sofa at umakyat sa taas.

Nanood na lamang ako ng tv sa sala habang hinihintay ang dalawa. Sobrang excited na talaga ako at makakapunta na ako ng Batangas. Hindi mapagsidlan ang aking saya at lalong-lalo na na kasama ko pa sina Kuya Bernard at Kurt.

Siguradong masaya 'to!

"Oy Jessie! Nandito ka na pala!" si Kurt habang papababa ng hagdan.

"Good morning Kurt! Oo, syempre naman. Maaga naman talaga ako palagi basta mga ganito." nakangiti kong sabi.

"Good morning din. Baka excited ka lang siguro kaya ang aga mo." at nagtawanan na lang kami.

Nang nadala na namin ang lahat ng dapat dadalhin at na double-check na lahat kung wala ng kulang ay mabilis na kaming sumakay ng sasakyan na nasa garahe lang nila. Si Kurt na lang ang nagmaneho dahil gusto ni Kuya Bernard na maupo na lang sa likod kasama ako para na naman pagtripan at bulabugin ako.

Sobrang ingay namin at puro tawanan lang habang naglalakbay na kami. Kahit na malakas ang speakers ng music ni Kurt sa sasakyan ay mas malakas pa rin ang ingay naming tatlo, lalo pa at sobrang lakas ng mga boses namin. First time ko ang ganito kaya sobrang saya ko talaga. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakaranas ng ganito. Para na rin siyang outing.

Pero sa katagalan at paglipas ng mga minuto ay hindi ko napansin na nakatulog na pala ako dahil sa pagod. Masyado kasing maaga ng gumising ako at kaunti lang ang tulog ko dahil hirap akong matulog kagabi. Lalo pa at sobrang excited ko. Nagising na lang ako na nakahiga na sa balikat ni Kuya Bernard na natutulog din. Napangti ako.

"Kurt saan na ba tayo?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho.

"Batangas na tayo! Haha. Malapit na tayo sa amin." sabi niya na nakatutok sa binabaybay na daan.

Napatingin ako sa bintana ng sasakyan at nakikita ko na ang dagat na payapa at matiwasay. Manghang-mangha ako sa kagandahan ng Batangas. Magaganda ang tanawin dito. Lalo na ng makita ko ang taal.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bigla na lang lumiko ng kalsada si Kurt. Papasok ito na daan at parang medyo liblib. Medyo makipot ang daan dito at hindi pa sementado ang kalsada pero hindi naman ito lubak. Pansin kong parang papasok ito sa gubat. Pero matapos lamang ng kalahating oras ay narating na namin ang rest house nila Kurt.

Sa sobrang pagka-excited ko ay atat na atat akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko napigilang mapatunganga ng makita ko na ang rest house na pag-aari nila Kurt. Ang laki-laki nito at talagang ang ganda-ganda! Moderno ang architecture ng bahay at halatang dinisenyo ng isang mahusay na arkitekto.

Maraming glass sa walls ng bahay at parang open house ang design ng bahay nila o baka mas nababagay tawagin itong mansion dahil ang laki-laki talaga. Maganda rin ang bakod na nakapalibot dito na bumabagay sa accent mismo ng mansion. Sobrang moderno at ang ganda-ganda talaga. Napanganga talaga ako hindi ako makapaniwala na ganito pala kayaman sila Kurt.

Walang katao-tao rito at ito lang mismo ang nakatirik. Walang sinumang kapitbahay.

"Ang ganda ng mansion niyo Kurt! Ang yaman niyo pala! Ang ganda talaga! Ang ganda-ganda talaga promise!" manghang-mangha kong sabi at tila wala ng maisip na sasabihin dahil napako ang aking paningin dito.

"Hindi naman masyado." wala lang niyang sabi.

"Anong hindi! Ang ganda kaya, first time kong makakita ng ganito kagandang mansion. Ikaw Kurt huh? Ang yaman-yaman niyo pala!" hindi ko makapaniwalang sabi.

Natawa na lang siya.

Sa isang pindutan lang gamit ang remote na nasa kamay niya ay agad bumukas ang malaki nilang gate. Maganda rin ang disenyo ng gate nila parang yung nakikita mo sa tv.

Parang katulad ng mga modernong bahay na makikita mo sa Beverly Hills sa hollywood. Ang yaman pala nitong si Kurt. Napaka-humble niyang tao dahil kahit mayaman ay nakikitungo siya sa isang katulad ko at wala lang para sa kanya ang tumira sa apartment na pinagtataguan ni Kuya Bernard. Hindi siya maarte.

"'Lika pasok na tayo sa loob." ani niya. Napatango-tango na lang ako at walang nasabi.

Pagpasok namin sa loob ay mas namangha pa talaga ako. Kung maganda sa labas tignan ang mansion ay mas maganda tignan dito sa loob. Sa kintab pa lang ng sahig ay pwede ka ng manalamin na yari sa marmol.

Nagpalinga-linga ako at inikot ang aking mga mata sa buong kabahayan at talagang na mangha ako dahil sa ganda ng mansion nila. Pati mga gamit sa loob ay halatang mahal at kapansin-pansin na hi-tech sa loob dahil pati pindutan ng switch ay kakaiba. Ang ganda-ganda rin ng sala nila. Malapad, malinis at maganda ang desinyo. Parang modern ang interior design katulad sa labas.

"Jessie, come! Punta tayo sa magiging room mo." tawag niya sa aking atensyon dahil sa aking pagtunganga. Mabilis akong sumunod sa kanya.

Pag-akyat sa hagdan ay namangha na naman ako ng sobra dahil yari sa glass ang wall dito. Makikita mo ang dagat na hindi kalayuan kaya talagang wala akong nasabi dahil sa ganda ng bahay nila.

Nang makaabot na kami sa ikalawang palapag ay inihatid niya ako sa aking silid na tutulugan. Pagpasok ko pa lang ay halos matigilan ako. Ang laki-laki ng silid na tutulugan ko.

Pati rito ay moderno ang design. Mula sa kama hanggang sa sahig at mga kurtina. Pati na rin bintana na yari sa glass at ang mga kagamitan. May sarili rin itong flat screen tv na tingin ko ay 50 inches ang laki. May sarili rin itong banyo.

"Okay lang ba sa'yo na dito na lang matulog?"

"Huh?" parang tanga kong sabi.

"Okay ka ba dito? Nasa sa'yo kung gusto mong mamili ng room."

"Ay! 'Wag na Kurt! Sobra-sobra naman yata. Nakakahiya na sa'yo..."

"No, it's okay... if you want. Pwede kang pumili kung saan ang room na gusto mo."

"Ay hindi! Okay na talaga Kurt. Okay na talaga." dali kong sabi.

"May mas maganda pa na guest room. Kung gusto mo, dun ka na lang para mas komportable ka pa."

"Ang ganda na nga ng room na 'to. Nahihiya na nga ako eh..." pag-amin ko sa kanya.

"No-no-no... 'wag kang mahiya sa akin. Basta, if you need anything, just call me. Sige, punta muna ako sa room ko huh?"

"Okay Kurt... salamat" at nagpaalam na siya sa'kin.

Humiga muna ako sa kutson at ang lambot-lambot nito. Ang bango pa ng kwarto. Bumangon muna ako baka makatulog ako bigla at sinilip ang banyo ng silid at nagulat pa ako ng makapasok dahil sa laki nito. Kasing laki na nga ng kwarto ko ang banyo ng silid na ito. Ang mas nakakamangha pa ay may sariling jacuzzi pa. Meron ding pa bidet.

Ay, bongga! Yayamanin ang friend ko.

Lumabas muna ako ng silid. Nakalimutan ko palang gisingin si Kuya Bernard. Nakalimutan ko siyang gisingin dahil sa pagkamangha ko sa bahay nila Kurt. Gigisingin ko muna ang unggoy na yun. Tulog mantika kasi. Ito ring si Kurt hindi man lang nag-abala na gisingin yung pinsan niya. Napangiti na lang ako.

Pagbukas ko ng kotse ay nadatnan ko na ang kumag na tulog na tulog pa rin. Natawa na lang ako. Sa totoo lang ang cute talaga ni kuya kapag natutulog. Pinagmasdan ko lang siya at natutuwa naman ko sa kakatingin lang sa kanya. Para siyang inosenteng bata na walang kamuang-muang.

Pero sa katagalan ay ginising ko na rin siya nang kinurot-kurot ko ang ilong niya.

"Hoy gising na mamang mahilig! Gumising ka na hoy! Nandito na tayo!" sigaw ko.

Pero hindi pa rin siya nagigising kahit na niyuyugyog ko na siya. Pansin ko na medyo nakangiti siya. Alam kong nagtutulog-tulugan na lang siya. Kaya may naisip akong gawin.

"Ah ganun? Ayaw mo talagang gumising hah? Itong sa'yo" mabilis ko siyang kiniliti sa kanyang tagiliran.

Sa isang saglit lang ay napadilat na siya at mabilis na pinigilan akong natatawa.

"Tama na! Oo na, gigising na!" tumatawa niyang sabi.

Hanggang sa tigilan ko siya.

"Nandito na pala tayo ah..."

"Oo, kanina pa... tulog mantika ka kasi!" natawa lang siya sa aking sinabi.

Bumangon na siya at binuhat ang mga bag niyang dala-dala. Nang makapasok na kami sa loob ay nakita ko na si Kurt na nasa sala.

"Insan, paki park muna sa garage ang kotse." si Kurt.

"Akin na ang susi." sagot naman ni Kuya Bernard. Binato ni Kurt ang susi sabay salo naman ni kuya.

Naglibot muna ako sandali sa mansion nila Kurt dahil ang ganda talaga ng mansion nila at ang laki-laki pa. Maaga pa naman ng dumating kami. Kaya ng nalibot ko na ang loob ay napagpasyahan kong lumabas muna para makita ang beach.

"Kurt, sa labas muna ako!"

"Sige."

Paglabas ko ng mansion ay nakita ko si Kuya Bernard na papasok na sa loob.

"Oh, asan ka pupunta?" tanong niya.

"Titingin lang ako sa beach kuya."

"Teka lang... antayin mo muna ko. Samahan na kita, ibibigay ko lang 'tong susi kay insan."

Hinintay ko naman siya sa labas ng gate. Kaya ng makalabas na siya ay agad na rin kaming pumunta ng beach. Ilang yapak lang bago kami dumating sa isang hagdanan na yari sa mga semento at bato.

"Dito tayo dadaan Jessie." sumunod lang ako sa kanya.

Nang nakalapit ako sa hagdanan ay nagulat talaga ako sa aking nakita. Malapit sa bangin pala talaga nakatayo ang mansion nila Kurt kaya dadaan ka muna sa hagdan bago makababa at makapunta sa beach.

Medyo mataas kung tutuusin pero safe pa rin naman dahil may hawakan naman pababa. Nakakatuwa rin dahil rock formation ang nasa gilid mo lang dahil sa nakadikit ang hagdanan dito. Kumbaga nagsisilbi itong dingding habang sa kabila naman ay may hawakan na yari sa metal para magsilbing pananggalang para may mahawalan ka at para hindi ka mahulog.

"Ito lang ba ang pwedeng daanan paakyat uli sa taas kuya?" tanong ko kay Kuya Bernard habang binabagtas namin pababa ang hagdan.

"Hindi naman. Pwede naman dumaan pa tayo doon sa may unahan." sabay turo niya sa dulo ng beach.

"Ay ang layo pala." nasabi ko na lang.

"Kaya nga ginawa 'tong hagdanan na 'to para madali lang makababa rito sa beach. Dati kasi doon pa kami dumadaan kaya malayo. Iikot ka pa talaga. Mas mabuti na nga ng nagawa na 'tong hagdan dito para shortcut na lang." nagpatango-tango na lang ako.

Napansin ko na may iilang cottages at may kaunting mga kahoy sa ibaba na nagsisilbing silungan para sa init ng araw. Hindi naman siya ganun kasukal. Sakto lang.

Nang makababa na kami sa buhangin ay mabilis akong tumakbo sa dalampasigan at sinamyo ang hangin. Amoy na amoy ko ang dagat na payapa. Ang sarap damhin ng banayad at sariwang hangin. Tanda ko pa ang huling punta ko sa beach. Grade 3 lang ata ako nun at hindi na nasundan pa.

"Oh, maganda noh? Sabi ko naman na matutuwa ka dito. Ang ganda ng beach 'di ba?" wika ni kuya sa likod ko.

"Oo kuya... ang ganda dito. Sobra!"

Naglakad muna kami ng ilang minuto sa dalampasigan hanggang sa napagpasyahan ni Kuya Bernard na umakyat na uli kami.

"Akyat na muna tayo sa taas. Para makapag-agahan tayo."

"Tapos na akong mag-agahan noh. Ako pa." sagot ko naman.

"Pero sama ka na lang sa'kin, syempre dapat ikaw magluto. Baka ma-food poison pa tayo kung kami ni Kurt ang magluluto." natawa na lang ako sa sinabi niya.

Kaya bumalik na rin kami sa itaas.

Nang makabalik kami sa loob ay ako nga ang nagluto para sa dalawa. Ayaw kasing kumain ni Kurt kung si kuya ang magluluto dahil parang pagkain daw ng baboy. Si kuya rin naman ayaw sa luto ni Kurt dahil sa totoo lang nakakatakot ang itsura ng ulam kapag siya ang nagluluto. Talagang magpinsan ang dalawa.

Hindi naman ako nagrereklamo kung ako ang magluluto dahil nai-enjoy ko naman dahil mas ganado akong magluto lalo na at kompleto ang kagamitan sa kusina.

Nakakaganang magluto dahil ang linis-linis ng kusina at ang ganda pa. Moderno rin ito. Sa ganda nga ng kusina ay parang katulad ito ng mga nakikita ko na mga kitchen sa mga lifestyle magazine. Granite ang banggera atsaka napakaayos lahat ng mga kagamitan.

Nang makakain na sila ay nanood muna kami ng movie sa sala. Mas maganda kung dito manonood dahil sa laki ng tv. Curved flat screen kasi ang tv at para na rin kaming nanonood sa sinehan.

"Sasagutin ko lang 'to." sabi ni Kurt at umalis na muna para sagutin ang tawag sa kanyang cell phone ng mag-ring ito.

Habang kami naman ni kuya ay nagpatuloy lang sa panonood. Nang matapos na namin ang movie ay napagpasyahan namin na manood pa ng isa pang movie hanggang sa makabalik na si Kurt at nanood na rin.

Nang sumapit ang tanghalian ay mabilis kaming kumain upang maligo na sana sa dagat. Pero sobra pa kasing mainit. Kaya sinabihan ko na lang si Kuya Bernard na manonood na lang muna ako ng tv. Gusto ko na sanang lumabas para maligo na sa beach pero hindi maari.

Gusto kong magpaitim kaso madali talaga akong nahihilo kapag mainit ang panahon. Kaya sa huli ay hindi na rin naligo si kuya. Sabay na lang daw kaming maliligo para mas masaya. Naglaro na lang muna kami ng board games. Habang umalis na muna si Kurt dahil may pupuntahan daw siya saglit sa bayan. Hanggang sa hindi na namin napansin ang takbo ng oras dahil sa paglalaro namin.

Hapon na hapon na kaya napagpasyahan ko na maligo na sa beach. Sinabihan ko si kuya na maliligo na ako kaya sumama naman siya.

"Sige, ligo na tayo Jessie."

Dahil nakapagsuot naman kami ng panligo ay hindi na kami nagbihis pa.

Nasa pinto na kaming dalawa at lalabas na sana pero bago pa man kami makalabas ay bigla na lang bumukas ang pintuan. Akala ko ay si Kurt ito na nakabalik na. Nagkakamali pala ako. Gulat na gulat ako ng biglang may isang lalaki ang sumulpot sa aming harapan na hindi namin inaasahan.

"Oh m-my... kuya B-Bernard is that you!?" gulat na gulat na sabi ng lalaki.

Natigilan na lang kaming dalawa ni Kuya Bernard lalo na siya. Napatda na lang siya at naestatwa. Saka naman ang biglaang pagdating din ni Kurt sa likod ng lalaki na gulat na gulat din.

"O-Oliver!? Anong ginagawa mo rito!?" sigaw ni Kurt sa lalaki.

Natigilan kaming lahat.



"YUN ANG NANGYARI... that's the whole truth. Inosente si insan. He has nothing to do with it. He's innocent." si Kurt.

Nakaupo kaming lahat sa sala ngayon. Ipinapaliwanag nila Kuya Bernard at Kurt sa lalaking biglaang sumulpot ang tunay na nangyari kung bakit nakulong siya.

"Oh my gosh! So what now? What will you do, Kuya Bernard?" tanong ng lalaki.

"Nagtatago pa ako sa ngayon, Oliver. Naghahanap pa ako ng mga ebidensya na magpapakitang wala akong kasalanan." nagpatango-tango na lang ang lalaki sa kanya.

Patuloy lang silang nag-usap habang tahimik naman akong nakikinig sa kanila. Magkakakilala pala sila lahat.

"By the way... this is our friend Jessie." pagpapakilala ni Kurt sa akin. Nang matapos na silang mag-usap.

"Hi my name is Oliver... but you can call me Olly." sabay abot ng kamay niya sa akin ng nakangiti. Kaya nakipag-shake hands na rin ako.

"Hi Olly, my name's Jessie." ngumiti rin ako sa kanya.

"Hoy Olly! Ba't ba kasi bigla ka na lang pumupunta dito? You didn't even call me." naiinis na sabi ni Kurt.

"I'm sorry, I thought it would be nice to stop by. Actually napadaan lang talaga ako and I decided to go here since you posted a picture in your insta. That's why I know you're here." napailing-iling na lang si Kurt sa kanya.

"Oliver, 'wag na 'wag mong sasabihin na alam mo na nandito si Kuya Bernard. No one should know about this. No one should know that I'm helping him." seryosong sabi ni Kurt.

"You don't really have to worry about anything... my lips are sealed. Wala akong pagsasabihan kahit sino. Not mom and dad. Not Greco. No one..." natawa na lang bigla si Kurt at Kuya Bernard sa kanyang sinabi.

"Tanga! Ano namang sasabihin ni Greco? Eh, aso yun." at natawa ulit si Kurt.

Kahit ako ay natawa rin ng malaman ko na aso pala yung tinutukoy niya.

Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap at paminsan-minsan ay nakikisali na rin ako sa kanila. Hanggang sa dumaan pa ang mga sandali.

"Let's go outside, we need to talk about something." sabi ni Kurt kay Oliver.

"Insan labas muna kami." sabi ni Kurt. Tumango lang din si Kuya Bernard.

"Kuya..." tawag ni Olly sa kay Kuya Bernard sabay yuko para magpaalam. Yumango lang din si kuya sa kanya.

Nakalabas na silang dalawa kaya kinausap ko si Kuya Bernard para sa ilang mga katanungan.

"Kuya sino ba talaga yung si Oliver?" naku-curios kong tanong sa kanya.

Kaya sinabi rin ni Kuya Bernard sa akin kung sino nga ba talaga si Oliver.

Matagal na palang kaibigan ni Kurt si Oliver simula pa lamang nung high school sila. Galing din daw ito sa mayamang angkan na tulad din nila Kurt at Kuya Bernard. Nakilala ni Kuya Bernard si Oliver dahil simula pa nung high school pa si Kurt ay palagi na itong kasama niya kaya nakikita ito palagi ni kuya. Hanggang sa kalaunan ay naging kaibigan na rin niya.

Kaya pala panay english siya dahil rich kid naman pala. Mestezo din si Oliver at banidoso kung titignan. Malinis at maporma. Matangkad din siya, mas matangkad pa nga siya kay Kurt dahil tingin ko six footer siya. Pero mas matangkad pa rin si Kuya Bernard sa kanya. Gwapo si Oliver at maputi yung tipong heartthrob ang datingan. Sa palagay ko lang ay parang magaan siyang kasama. Pero may nararamdaman ako na kakaiba sa kanya.

"Mapagkakatiwalaan ba siya kuya?" tanong ko kay Kuya Bernard nang mahaba-haba na ang aming usapan.

"'Wag kang mag-alala. Mapagkakatiwalaan yun... wala tayong dapat ikabahala."



GABING-GABI na subalit hindi pa rin umuuwi sila Kurt kaya nauna na lang kaming kumain ni Kuya Bernard at pagkatapos ay nanood na naman ng mga palabas na bago pa lamang.

Naka-connect din kasi ang tv sa internet. Naglaro rin kami ng ilang games sa playstation ni Kurt kaya tuwang-tuwa kami ni kuya lalo pa at maganda ang graphics ng laro at bagong release lamang ang mga ito.

Pero habang mas gumagabi na ay medyo nag-aalala na ako dahil hindi pa rin nakakauwi si Kurt ng bahay.

"Kuya, pasado alas diyes na... hindi pa rin nakakauwi si Kurt." nababahala kong sabi.

"Hayaan mo yun. Nag-text naman siya na gagabihin daw siya ng uwi. Baka nang chicks lang yun. Lalo na at kasama niya si Oliver."

"Ganun po ba?" kaya nagwalang bahala na lang din ako.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalaro hanggang sa tumigil na kami at nanood na lamang ng palabas sa tv. Pero habang tumagal pa kami sa panonood ay naramdaman ko na inaantok na ako.

"Kuya matutulog na ako. Una na ako sa'yo." pero ng lingunin ko siya ay nakatulog na pala siya.

Ginising ko na lang siya para makatulog siya ng maayos sa silid niya. Nang magising na siya ay pinatay na namin ang tv. Saka umakyat na para matulog sa aming mga silid.

"Good night kuya."

"Good night din Jessie." nakangiti niyang sabi.

At pumasok na kami sa aming mga silid.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay parang nawala ang antok ko bigla. Kaya minabuti ko na lang na basahin ang librong dala ko.

Nang matapos na ako sa pagbabasa ay mabilis kong pinatay ang ilaw at humiga para matulog na. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata para matulog. Saka ko naman narinig ang ingay ng sasakyan sa labas.

"Ay, baka dumating na si Kurt."

Bumangon ako sa aking higaan at sumilip sa bintana. Tama nga ako na si Kurt ito at kasama niya pa si Oliver.

Napakaingay nilang dalawa habang papasok sa gate. Parang mga lasing ang mga ito. Maingay silang nagtatawanang dalawa.

Aalis na sana ako sa bintana at hihiga na ulit ng natigilan ako sa aking nasaksihan.

Biglaan na lamang nagyakapan ng mahigpit sina Kurt at Oliver at ilang sandali pa lang ay bigla na lang silang naghalikan!

Marubdob, sabik na sabik at puno ng pasyon ang halikan nilang dalawa. Napanganga ako sa sobrang gulat dahil sa nakita.

Pero mas nagulat pa ako ng maglakbay ang kamay ni Oliver sa katawan ni Kurt at biglaan na lang niyang kinapa ang harapan nito. Hinahayaan lang din ni Kurt ang ginagawa ni Oliver hanggang sa mas naging mapusok pa ito at mabilis nitong ipinasok ang kamay niya sa harapan ni Kurt na bumubukol na.

Napatingala si Kurt habang hinahalikan naman ni Oliver ang kanyang leeg. Ilang sandali pa ay nagwala na ang kamay ni Oliver sa ilalim. Parang naglalaro ito rito. Habang halata sa mukha ni Kurt na sarap na sarap ito sa ginagawa ng kaibigan.

Napalunok ako ng laway. Hindi ko inaasahan ang masasaksihan kong tagpo.






Itutuloy...






Feel free to comment!

Babye po muna sa inyong lahat. Ingat! ^_^/


No comments:

Post a Comment