KABANATA 39 Pagpapanggap
Kay bilis na nagdaan ng mga araw simula ng makauwi kami sa aming apartment na inuupahan at talagang bawat araw ay sadyang napakasaya. Punong-puno ng sigla ang aming tahanan.
Nakita at ramdam ko ang pagbabago ng aking ama. Ibang-iba na siya ngayon hindi katulad dati sa aking nakagisnan. Tuluyan na siyang nagbago at talagang nagpapasalamat ako ng sobra dahil dito.
Muli kaming nagsimula sa aming pamumuhay ng maligaya at may ngiti ang mga labi. Lahat ng panahon na nawala at nasayang ay pinalitan namin ng mga bagong
alaala at puro masasaya. Nangangapa pa ako sa pagbabago ng ugali ni papa kaya medyo nahihiya pa rin ako. Subalit nasanay rin naman ako kaagad. Ngayon ko lang kasi nakita ang side ng pag-uugali ni papa na ganito. Parang ibang tao na siya.Pero alam ko naman na ito talaga ang tunay niyang pag-uugali. Sadyang hindi niya lang ito ipinakita sa akin noon dahil nilukob siya ng kanyang galit ng ilang taon sa pangsisisi sa akin ng mawala ang aking ina. Alam ko na may kabutihan sa puso ng aking ama dati pa, na ayaw niya lang iparamdam at ipakita.
Pero ngayon nagbago na ang lahat. Damang-dama ko ang paghabol niya sa mga taong nawala sa aming pareho. Ipinapakita niya na ngayon sa akin ang pagiging ama niya sa akin. Ibinibigay niya lahat ng pwede niyang maibigay.
Araw-araw kaming nagtutulungan sa pang araw-araw at hindi ko naramdaman na kahit isang beses na mabagot kapag si papa ang aking kasama. Hindi ko mapaliwanag ang saya sa aking puso kapag nakikita ko siyang nakangiti at maaliwalas ang mukha. Palagi rin naming kaagapay ang isa't isa.
Ang sarap pala na may kakampi ka at may nagpapahalaga sa'yo. Masasabi ko na masaya na ako sa aking buhay. Payak na pamumuhay basta kasama ko lang si papa. Ito ang labis kong ipinagpasalamat sa may lumikha.
Wala na akong mahihiling pa. Ang pangarap ko na mabuo ang aming pamilya ay sa wakas natupad na rin. Kahit kami lang dalawa ay masaya na ako. Ang mahalaga ay magkasama kami. Sapat na ito para sa akin.
Nang mas tumagal pa ang mga araw at naging linggo hanggang sa naging buwan ay kapansin-pansin ang pagbuti ng kalagayan ni papa. Kaya niya nang maglakad ng mabilis at parang hindi na siya nahihirapan kahit na gamit pa rin niya ang kanyang saklay kapag naglalakad.
"'Nak, bili ka muna ng toyo sa tindahan at gusto ko na ako ang magluto ngayon."
"Pa, ako na lang po..."
"Ako na... parang magkakasakit na ako kapag wala akong ginagawa. Pilay lang ang Papa mo anak. Hindi baldado." natatawa niyang sagot.
"Sige po... may iuutos pa po ba kayo?"
"Wala na, sige bumili ka na dun sa labas at papasikatan kita ng ala chef Boy Logro." at tumalima na lang ako na natatawa.
Nang makarating ako sa tindahan ay kaagad akong bumili ng toyo.
"Pakipatay nga yang radyo! Ang ingay-ingay! Hindi ko marinig kung sino gustong bumili. Patayin niyo yan!" sigaw ng tindera na papalabas sa kanilang bahay at papasok sa maliit nitong tindahan.
"Psst... Jessie, okay na ba yung Papa mo? Hindi ba nadisgrasya yun?" tanong niya sa akin ng makapasok na sa loob ng kanyang tindahan.
"Paano niyo po nalaman na nadisgrasya si papa Aling Nelia?
"Hindi mo ba alam? Ibinalita sa tv ang nangyari sa Papa mo. Nakita ko kasi yung I.D picture niya sa tv kaya nalaman ko. Matagal-tagal na rin yun... ngunit ngayon ko lang naalala uli. So okay na ba siya?"
"Opo, pero may bali pa po siya. Pero mabuti na po ang kanyang kalagayan."
"Salamat naman at mabuti na ang yung Papa... sandali lang Jessie. May nobya na ba yang Papa mo? May ipapakilala sana ako sa kanya. Pamangkin ko."
"Ay, kung nobya lang po pag-uusapan marami siya nun. Si Papa pa? Chick boy yun eh."
"Ganun ba? Hindi ko na lang irereto yung pamangkin ko kung ganun. Crush niya kasi ang Papa mo kaya nung minsan na bumili yang Papa mo dito sa tindahan. Inaabangan na ng pamangkin ko."
"Mas mabuti po kong si Papa ang tanungin niyo mismo Aling Nelia kapag pumunta siya rito."
"Ay, 'wag na... chick boy pala yung Papa mo eh!"
"Sobra!" sagot ko.
Natawa na lang si Aling Nelia.
Pag-uwi ko ay naghihintay na si papa sa kusina. Naka-apron pa siya. Handang-handa na para magpasikat sa kanyang lulutuing ulam.
"Dun ka na sa sopa 'nak. Hayaan mo ako dito at ipapakita ko sa'yo kung gaano kasarap magluto ang papa mo!" hambog niyang sabi na umaapaw sa kompyansa.
"O sige... sinabi mo eh. Pero tawagin niyo pa rin po ako kapag may kailangan kayo huh?"
"Oo na... sige dun ka na sa sala at magluluto na ako ng pinakamasarap na pansit."
"Weeeh?"
"Dun ka na! Iniistorbo mo pa ako eh." pangtataboy niya.
Natawa na lang ako sa kanyang sinabi.
Paminsan-minsan ay sumisilip ako sa kanyang ginagawa. Pasipol-sipol pa siya at ganadong nagluluto.
Tingnan ko lang kung masarap ba talagang magluto si Papa. Hindi ko kasi maalala na nagluto siya noon. Simula grade 1 ay ako na ang nagluluto ng lahat ng pagkain namin. Kaya medyo excited ako na tikman ang ulam na niluluto niya.
Nang maluto na ang ulam na pansit ay sabik na sabik siyang tinawag ako para tikman ang pagkaing niluto sa aming tanghalian. Pati mga pinggan at kubyertos ay nakalatag na sa lamesa. Pinaupo niya na lang ako sa hapag.
"Ito na ang moment of truth... titkman ko na ang luto ni chef." pambu-bully ko sa kanya.
"Chef talaga? Baka mapahiya ako nito." sabi niyang napakamot sa ulo.
"Sabi mo nga kanina mag-aala chef Boy Logro ka eh."
"Kinakabahan tuloy ako... binabawi ko na yung sinabi ko 'nak."
Hindi ko naiwasang matawa dahil halatang kinakabahan talaga siya.
Nang kumuha na siya ng ulam at inihanda ito sa lamesa ay okay naman ang itsura ng pagkain. Presentable naman.
"Mukhang masarap ah? Hmmnn... tikman nga natin."
Halatang nag-aabang si papa sa aking reaksyon. Nang matikman ko na ito ay natahimik ako at tiningnan siya.
"Ano... okay lang?" nag-aalala niyang sagot
"Tikman mo Pa... para malaman mo."
Nang tikman na ni papa ang ulam ay...
"Pweh! Ang sagwa 'nak! Ang panget ng lasa." nasabi niya na halos hindi maipinta ang mukha. Halata ito sa kanyang ekspresyon.
"Ikaw ang nagsabi niyan... hindi ako." sagot ko na lang na halos matawa na.
"Palpak si chef 'nak." nagtawanan na lang kami.
"Bili na lang tayo ng ulam?" pagpapatuloy niya.
"Okay lang yan Pa... kakainin ko 'tong niluto mo. Ikaw kaya nagluto nito, kaya kakainin ko." sagot ko sa kanyang nakangiti.
Mabilis akong kumuha ng ulam at kumain. Kahit na ang sama ng lasa ay hindi ko ito pinahahalata kay papa. Syempre, ayoko namang masaktan ang damdamin niya. Proud na proud pa naman siya kanina.
"Salamat 'nak... pero ang sagwa talaga ng lasa niyan eh. Kung gusto mong bumili ng ibang ulam hindi naman ako magagalit. Maiintindihan ko naman. Baka mapano ka pa sa ulam na niluto ko."
"Hindi naman ganun ka sama ang lasa Pa... 'tsaka sayang rin ang pagkain oh."
Napangiti si papa sa aking sinabi. Hindi pa siya makatingin sa akin. Parang nahihiya siya.
"Salamat 'nak." napakamot ulit siya sa kanyang ulo.
"Kain na tayo Pa!"
"Sige!"
Masaya kaming nagkwentuhang dalawa sa hapag. Nang tumagal ay hindi ko na alintana ang lasa ng pagkain. Ang nagpapasarap sa pagkain ay ang aming kwentuhang masasaya at mga harutan. Walang kapalit ang tagpong ito.
"Sa susunod ikaw na ang magluto. Talagang mas papayat ka pa 'nak kung ako ang magluluto eh. Ikaw na magluto mamaya huh?"
"Talagang ako na ang magluluto!"
At bumuhakhak kaming nagtawanang dalawa.
KINAGABIHAN ay maaga kaming natulog. Yun pa rin, sa sala pa rin kami humihiga at naka-brief pa rin si papa kapag natutulog. Tumatabi na ako sa kanya kapag natutulog kami at palagi ko siyang yakap-yakap. Gusto niya kasi na niyayakap ko siya parati. Kahit ako rin naman. Sabik ako sa kanya kaya niyayakap ko siya palagi.
Tuwang-tuwa naman ako kung tutuusin. Masaya ako na malaya ko ng nayayakap ang aking ama. Kung dati ay nahihirapan ako kapag niyayakap ko siya dahil may nararamdman akong malisya.
Ngayon ay unti-unti na itong nawawala. Talagang iniwas ko ang mga masasamang balak at kapusukan na pwedeng mangyari. Ayokong masira pa ang unti-unting naipupundar naming relasyon. Iniisiip ko na lang na ibaon sa hukay ang maling nagawa.
Dadalhin ko ang lihim na ito hanggang sa kahuli-hulihan kong hininga.
Sinabi ko sa aking sarili na aamin rin ako sa tamang panahon. Pero sa tingin ko ay hindi na darating pa ang panahon na sinabi ko. Galit si papa sa bakla. Galit na galit siya sa mga katulad ko. Sigurado akong masisira ang relasyon naming mag-ama kapag nalaman niya ito.
Natatakot ako... naduduwag ako... ayokong lumayo pa ang loob ni papa sa akin. Ayoko, hindi ko kakayanin.
HALOS isang buwan rin at kalahati ng bumalik kami ng ospital. Ang nakatakdang araw upang tanggalin na ang kanyang cast ay dumating na. Excited akong matanggal na ang cast sa binti at braso ni papa. Magiging normal na rin ang pang-araw-araw niya. Pwede na niyang gawin ang lahat ng gusto niya ng walang sagabal.
Tahmik lang akong nakamasid sa ginagawa ng doktor sa pagtatanggal nito sa kanyang binti at braso. Hindi rin masyadong matagal ng tinanggal na ang cast sa kanyang katawan. Nang tuluyan ng matanggal ang mga ito ay madaling inunat ni papa ang kanyang braso at binti dahil sa tagal nitong nakasemento.
"Hindi na po masakit Pa?"
"Hindi na anak. Pero medyo naninibago lang ako. Medyo nangangalay pa rin pero okay naman. Kaya ko ng igalaw ang braso ko at binti."
"Mawawala rin yang pangangalay... normal lang naman yan sa simula." sagot ng doktor.
"Maraming salamat po dok at okay na po ang Papa ko."
"Salamat dok." sagot naman ni papa.
"Walang anuman. Sige mauna na muna ako sa inyo."
Mabilis na nagpaalam ang doktor sa aming dalawa dahil may aasikasuhin pa ito.
"Oh 'nak saan tayo ngayon?" sabi ni papa ng papalabas na kami ng ospital.
"Pa, uwi na muna tayo sa bahay para makapagpahinga po muna kayo ng maayos."
"Ayaw mo bang mamasyal 'nak? Mag mall tayo, total magaling na ako."
"Siguro bukas na lang po. Ipahinga na lang po muna natin yang braso at binti niyo. Para hindi mabinat. Magaling na po kayo pero mas mabuti po na masigurado natin na hindi yan mapano pa. Dapat na ipahinga pa rin yan ng maayos."
"Ganun ba? Sige, bukas na lang tayo mamasyal." masaya niyang ani at ako ay inakbayan.
Nang makasakay na kami sa jeep para makauwi sa amin ay heto na naman. Pinagtitinginan si papa ng mga pasahero. Sobrang gwapo kasi ang pagmumukha niya eh. May nagbubulungan pa at palaging nakatingin sa kanya. Pati mga babaeng estudyante ay nagpapa-cute sa kanya. Pero wala lang ito kay papa, halatang palagi namang may nagkakagusto sa kanya at sanay na siya rito. Nagpatay-malisya lamang siya at palagi akong kinakausap. Parang wala siyang pakialam sa ibang pasahero.
Talagang ang pogi talaga ng papa ko.
"Pa, crush ka ng mga nursing student oh... nagpapa-cute sila sa'yo oh." bulong ko sa kanyang tenga.
"Ano, type mo ba yang mga yan? Gusto mo hingan ko ng number? Ano, tanungin ko na ngayon din?" bulong rin niyang tugon.
"Pa! 'Wag!" naibulalas ko na lang dahil sa hiya.
Halos umalingawngaw ang boses ko sa buong jeep dahil sa halos pasigaw kong sabi.
Umakbay siya sa akin at tinukso ako.
"Chill! Ang torpe mo anak!" bulong niyang sabi.
"Bahala ka nga d'yan. Basta 'wag mong gagawin!" madiin kong sabi subalit pabulong lamang. Natawa na lang siya sa aking sinabi.
Ngumiti naman ang mga babaeng pasahero sa kanya habang nagbubulungan kami. Halatang gusto nilang makapagsimula ng isang usapan. Pero pinagkibit-balikat lang ito ni papa. Hindi niya siguro trip ang mga babae sa jeep kaya hindi na niya pinansin pa ang mga ito.
Nang makarating kami ng bahay ay kaagad na naghubad ng t-shirt si papa at nag-ehersisyo siya pagkatapos makapagdamit ng shorts. Alam kong gusto niyang mag-exercise dahil hindi niya ito nagawa nung nabalian siya. Bangon higa lang ang kanyang ginawa dahil medyo nangangalay pa ang kanyang isang braso.
"Pa, baka mabinat kayo huh? Dahan-dahan lang po."
"'Wag kang mag-aalala anak. Ako pa!" at nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa.
Hinayaan ko na lang din. Hindi naman siguro siya mapapano. Batak kasi ang kanyang katawan.
"Nak, parang wala naman akong nararamdaman na sakit sa katawan ko. Mamasyal na lang tayo ngayong gabi, ano?"
Napaisip ako.
"Saan naman po?"
"Basta kahit saan mo gusto. Sa mall, sa sinehan... kahit saan."
"Talaga po?"
"Oo naman... atsaka may pupuntahan tayong lugar. Hintayin mo na lang mamaya basta nakaalis na tayo."
"Sige po!" nasasabik ko namang sagot.
"Mamaya anak magiging ganap na binata ka na." mahina niyang sabi na hindi ko masyadong narinig.
"Ano po yun?"
"Wala, sabi ko magpahinga ka na muna dahil gagala tayo mamaya! Ayos ba?"
"Opo, yeheey!"
Maaga kaming naghapunan upang mataas pa ang panahon ng pagliliwaliw namin. Hindi pa gumagabi pero kumain na kaagad kami. Nang makapagpahinga na ay nauna akong naligo pagkatapos ay si papa naman. Sobrang excited ko na talaga dahil first time namin itong gagawin bilang isang pamilya.
Nang makapagdamit na si papa ay mabilis siyang bumaba at kaagad niyang tinumbok ang sala.
"Oh, ready ka na 'nak?"
"Kanina pa ako ready Pa!"
Napangiti na lang siya.
Dahil sira pa ang motor ni papa ay nag-commute na lang kami. As usual, pinagtitinginan siya ng ibang pasahero sa bus dahil sa kagwapuhan niyang taglay, lalo pa at sobrang siksikan na.
Agaw pansin din siya dahil sa tangkad niya. Nakasuot siya ng plain black t-shirt at naka-shorts ng cargo pants na nagpalitaw pa sa kanyang pagiging magandang lalaki. Mas lalong makikita rin ang kanyang mukha dahil nakasuot siya ng cap at pabaliktad niya itong isinuot sa ulo. Kung hindi ko kilala si papa. Mapagkakamalan ko siyang artista at foreigner na gustong mamasyal sa Pilipinas. Lakas maka-foreigner ang datingan niya eh.
Habang ako naman ay nakasuot ng hoodie jacket at naka-shorts din ng simple.
Parehas kaming nakatayo sa loob ng bus dahil punuan na.
"'Nak okay ka lang ba?"
"Okay naman po. Ikaw Pa... hindi ba masakit ang braso mo kakakapit d'yan sa hawakan?"
"Okay lang... ikaw masyado kang praning. Wala 'to." at mabilis niyang ginulo ang aking buhok.
"Papa naman eh... kakasuklay ko lang. Ginulo mo na agad."
"Aba, binata na talaga 'tong anak ko. Marunong ng pumorma." aniyang natutuwa sa akin.
Parang hindi namin alintana ang mga tao. Maingay kaming nag-uusap at nagtatawanan sa bus. Parang binata lang din si papa kung umasta. Pakiramdam ko nga gusto na siyang sawayin ng konduktor dahil sa ingay niya.
Ang laki-laki ng boses at buong-buo pa. Kaso parang natatakot ito. Ang laking bulas kaya ni papa. Anytime pwede niyang tirisin 'tong konduktor na mas maliit pa sa akin.
Tahimik akong natawa sa aking sarili. Habang si papa naman ay sobrang ingay na kinakausap ako. Sa katagalan ay ako na lang ang nag-adjust at sinabihan si papa na pakihinaan ang kanyang boses.
Saka niya lang na-realize na sobrang ingay na pala niya. Kaya naman tahimik na lang kaming nagbulungan. Lalo pa at matulis na nakatingin yung lola sa kanya. Naiingayan siguro. Syempre matanda na kaya masyadong sensitive, ayaw kasi nilang naiingayan tulad ni aling Nelia na kapitbahay namin.
Dumating kami sa syudad at mabilis kaming naghanap ng taxi. Nang makasakay na ay diretso kami sa mall ni papa. Sobrang aga pa kaya naisipan muna naming maglaro sa arcade games. Hindi nga ako makapaniwala na dinala ako ni papa rito. Gusto niya raw kasing ma-experiece na maglaro at maglibang dito na kasama ako.
Ang nakakatawa lang ay palagi ko siyang natatalo. Hindi siya nanalo kahit isang beses sa akin kaya halata na ang pagsimangot ng kanyang mukha. Halos masira na ang controls sa sobrang pagpindot niya. Gusto pa yatang manira eh. Hanggang sa hindi na namin napansin ang oras.
"Tang ina. Hindi naman ako nananalo eh. Ayoko na, surrender na ako 'nak. Ayoko na ng larong 'to." iritable nitong sabi.
"Ngeeh... si Papa asar. Asar talo!"
"Oo na, talo na ako." pagtanggap niya sa aking sinabi.
"Ang galing mo pala sa mga ganito anak. Wala kong laban eh. Knockout ako palagi."
"Syempre, millenial kaya ako." napangiti na lang siya.
"Malapit na yung show 'nak oh. Baka mahuli pa tayo."
Pagtingin ko sa oras ay malapit na nga.
"Pa, punta na tayo... baka may pila pa." tumalima naman si papa at kaagad na kaming pumunta ng sinehan.
Buti na lang at walang masyadong tao. Isang linggo na rin kasing ipinapalabas ang mga show sa sinehan kaya hindi na rin siksikan. Bumili muna kami ng mapapapak na pagkain bago pumasok sa loob. Nakabili kami ng popcorn at drinks.
Pagpasok namin sa loob ay hindi pa madilim. Hindi pa kasi pinapatay ang ilaw sa loob. Patuloy kasing pumapasok pa ang mga tao. Hanggang sa ilang minuto ay nagdilim na. Magsisimula na ang palabas.
Nasa gitnang bahagi kami umupo at medyo malayo sa amin ang ibang nanonood din.
Comedy ang pinanood namin at hindi ko aakalain na makikita ko sa kauna-unahang pagkakataon kung gaano matawa ng sobra ang aking ama. Sobrang ingay ni papang tumatawa. Sa totoo lang nakakatawa ang palabas. Natatawa ako rito.
Pero ang tawa ni papa ang labis na nagpasaya sa akin. Hindi ko pa siya narinig na tumawa ng ganito kahit kailan. Buhakhak kung buhakhak. Lumuluha na nga siya sa kakatawa.
Napangiti ako ng tahimik habang pinagmamasdan siya. Sana ay palaging ganito si papa. Masaya at walang problema. Handa akong gawin ang lahat ng aking makakaya upang makita ko nang paulit-ulit ang tuwa sa kanyang mukha.
Nang matapos ang palabas ay halos alas nuwebe na.
Magla-last minute shopping pa nga sana si papa. Gusto niya kasi akong bilhan ng mga damit at sapatos. Pero tumanggi ako at nagpumilit na huwag na lang. May mga bagong damit naman ako na ibinigay ni Nathan. Tapos okay pa naman ang sapatos ko.
Kahit na nagpumilit si papa na bilhan ako ay pinigilan ko talaga siya. Sa simula ay ayaw niyang papigil dahil gusto niya talagang bilhan ako ng mga kagamitan. Subalit sa katagalan ay wala na rin siyang nagawa.
"Bakit ba ayaw mo na bumili ako ng mga bagong damit mo 'nak? Ayaw mo ba ng mga bagong masusuot?"
"Pa, may mga damit pa naman po ako eh. Ang dami pa. Sayang kasi ang pera."
"Ang kuripot mo naman 'nak. Manang-mana ka sa akin."
"Alangan naman sa kapitbahay ako nagmana... 'di ba parang awkward naman yata ng ganun?"
Humalakhak siya sa aking sinabi at inakbayan ako.
Ang ingay namin, agaw eksena kami. Pero wala kaming pakialam. Ngayon lang kasi nangyari ito kaya hindi namin mapigilan ang tuwa na aming naranasan. Sinusulit namin ang bawat panahon. Ang pamilyang nawasak noon ay buong-buo na ngayon.
Aalagaan ko ang pamilyang ito at hindi ko hahayaang masira pa ito ng kahit sino man.
Talagang hindi ko malilimutan ang araw na ito. Ang araw na nakita ko ang ibayong tuwa ng aking ama.
Nang makalabas kami ng mall ay akala ko na uuwi na talaga kami. Hindi pa pala.
Dinala ako ni papa sa isang establisiyemento na may kakatuwang pangalan. Sa labas pa nito ay makikita mo na ang ilaw sa loob na parang sumasayaw.
"Mag bi-videoke tayo Pa?" nang sinabi ko ito ay hindi napigilan ni papang matawa.
"Hindi anak... makikita mo sa loob. Kapag tinanong ka anak. Sabihin mo na bente tres ka na huh?"
"Huh?! Bakit po?"
"Basta... 'wag ka ng magtanong."
Natahimik na lang ako at kumalabog ang aking dibdib. Parang alam ko na kung saan ako dinala ni papa. Sana nagkakamali lang ako.
Hinarangan kami ng dalawang lalaki ng papasok na kami sa loob. Mga bouncer ang mga ito.
"Parang minor pa yata yang kasama ninyo, Sir?" tanong nung isa.
"Hindi na minor 'tong kasama ko. Bente tres na 'to. Hindi lang halata. Bakit may problema ba, huh?!" sagot naman ni papa na tila naghahamon.
"Sige po pasok na po kayo." naisagot na lamang nito.
Nang makalagpas na kami sa entrance ay naghalo-halo ang lahat ng pakiramdam ko. Lalo na ng makita ko na ang mga babaeng nagsasayaw sa entablado na halos hubo't hubad na!
Hala! Ano ba yan?! Goodness gracious!
Bumigat ang aking mga paa at halos hindi ko maiyapak ang mga ito.
"Pa, u-uwi na l-lang po tayo." putol-putol kong sabi sa kanya na sobrang kinakabahan.
Hinila ko pa ang kanyang braso para umalis na kami subalit hindi natinag si papa.
"'Wag kang panghinaan ng loob 'nak. Ngayon lang ito, para naman hindi ka ignorante sa mga ganito. Atsaka gusto kong uminom ng alak 'nak. Konti lang naman. Celebration ko sa paggaling ko." pilyo nitong sagot.
"Pa, uwi na lang tayo. Kung gusto mong uminom bibilhan kita ng isang case kina Aling Nelia."
"Tayong dalawa ang iinom! Ngayong gabi... gagawin kitang ganap na lalaki. Barako tayo anak. Kaya dapat may karanasan tayo. Awooh! Awooh!" sabi nito na parang nag-aamok. Lalaking-lalaki at talagang barako.
"Sabihin mo anak... awooh! Awooh!" utos niya. "Dapat tigasin tayo. Mga barako tayo kaya bawal ang lalamya-lamya!"
"Awooh! Awooh!" sagot ko naman na parang kuting na nahulog sa building.
"Lakasan mo!" astig na utos ni papa.
"Awooh! Awooh!" sagot ko naman na sadyang nilaliman ang boses kahit nanginginig.
"Ganyan nga 'nak. Tayong mga maton dapat hinahabol ng mga babae! Mga mandirigma tayo!" sagot nito na nagmamalaki at nagmamayabang.
"O-opo Pa." ang naisagot ko na lang.
Ang hindi mo lang alam Pa... mandirigma nga po ako. Pero ako po ang tagapangalaga ng brilyante ng apoy. Sorry po... fairy po ang anak ninyo. T_T
Nasabi ko na lang sa aking isipan.
Kaagad na iginiya kami ng waiter para maupo sa isang bakanteng lamesa. Tahimik naman akong sumunod kay papa na parang tuta. Hindi ko alam ang gagawin sa lugar na ito.
Nang makaupo ay mabilis na nag-order si papa ng maiinom.
"'Nak nakainom ka na ba?"
"Opo, pero 'wag po yung hard ang orderin ninyo."
"'Wag kang mag-alala, hindi naman tayo maglalasing eh, iinom lang tayo."
Mabilis na umalis ang waiter ng makuha na ang order ni papa. Pagbalik nito ay may dala na itong isang set ng inumin.
"Pa, hind na tayo o-order pa... tama na ito. Hindi na natin dadagdagan "to."
"Oo, alam ko. Sige, tagay na!"
Malakas ang musika sa bahay aliwan at maririnig mo ang mga lalaking sumisipol dahil sa malaswang sayaw ng mga kababaihan sa entablado. Ayaw kong tingnan ito subalit napipilitan ako dahil nagbabantay si papa sa aking magiging reaksyon. Nagmamasid siya kaya nagpanggap naman ako na enjoy na enjoy. Kabaligtaran sa totoong damdamin ko.
Girl kayanin mo! Tomboy ka ngayon. Just do it!
"May gusto ka ba d'yan anak, at magti-take out tayo." nasamid ako sa aking pag-inom sa bote.
"'W-wag na po. Okay lang po ako." kinakabahan kong sagot.
"'Di mo ba trip yang mga nagsasayaw?"
Luh, hindi ko keri yang mga yan noh!
Hindi ako nakasagot. Parang nabusalan ang aking bibig. Hindi ko matingnan si papa dahil sa sobrang pagkalabog ng aking dibdib.
"May iba pa naman, pipili pa tayo mamaya na bagay sa'yo. Ubusin na muna natin 'to... dahil mamaya pipili ka ng babaeng ilalabas natin." sabi niya na may halong kakaibang ngiti.
Hindi ako nakagalaw. Hindi ko na alam ang gagawin pa.
Nang matapos na nga kami sa iniinom namin ay dinala kami ni papa ng waiter sa isang pasilyo. Parang papasok ito sa isang silid na hindi ko alam. Nang makaliko na kami sa pasilyong kasalukuyan naming nilalakad ay nakita ko ang isang malaking salamin na transparent.
Sa loob nito ay ang mga babaeng naka-bra at panty lang. Nakaupo ang mga ito. Para silang mga karne na inilalako sa palengke. Kalunos-lunos. Nakakaawa.
"Oh 'nak... pili ka d'yan sa chicks na gusto mo." biglang sabat ni papa.
"Sure ba kayo dito Pa? Uwi na lang po tayo." kinakabahan kong sabi.
"Walang uuwi ngayon hangga't hindi ka pa nabibinyagan!" maotoridad nitong sagot na nagpatiklop sa akin.
Sabi ko nga!
Natahimik na lang ako at tiningnan ang mga babaeng nasa loob ng kwarto sa likod ng malaking salamin. Nakaramdam ako ng awa para sa kanila. Alam ko na ang iba sa kanila ay nagawa lamang itong trabaho na ito dahil na rin kapit sa patalim sila.
Nakalimutan ko na pinapapili pala ako ni papa. Bigla na lang niyang binasag ang katahimikan.
"Oh ano na? Ang tagal mo namang pumili eh!" nababagot na sabi niya.
Nataranta ako lalo pa at nakita ko sa mukha ni papa ang irita. Parang nahintakutan ako. Baka bigla na lang siyang magalit.
"Siya po! S-siya na lang po ang p-pipiliin ko!" sabay turo ko sa babaeng sa tingin ko ay kaedaran ko lang.
Napatango-tango si papa.
"Magaling kang pumili anak... mahilig ka pala sa tisay. You made your old man proud!" napa-english pa ang kumag at minasa-masahe pa niya ako sa balikat.
Ang sarap mong sampalin ng very hard Pa! I cannot... I can't even! Taimtim kong bulong sa aking isipan.
Parang gusto ko ng himatayin. Hindi ko aakalain na magiging tomboy pa 'ko. Pero wala akong magagawa. Nandito na kami. Mapipiltan akong pangatawanan ang bagay na ito para lamang hindi malaman ni papa ang tunay kong pagkatao.
Jessie kaya mo ito... walang gyera ang sinusukuan ng isang sanggre! Keri mo ito!
Kaagad na pumasok ang manager ng bar at kinuha ang babae sa loob. Dinala muna siya sa isang kwarto at ng lumabas na ito ay nakabihis na. Iniharap siya sa amin ng matandang babaeng manager.
Ang manager ay mukhang mangkukulam at sobrang nakakatakot, parang nangangain pa 'to ng tao. Naaalala niyo yung mangkukulam sa anime film na "Spirited Away?" Parang ganun yung mukha niya. Tapos ang laki-laki pa ng ilong.
Kabaligtaran sa babaeng binubugaw nito. Maamo at mahinhin. Parang hindi makabasag-pinggan.
"Anong pangalan mo miss?" tanong sa kanya ni papa.
"Lisa p-po." nanginginig nitong sagot na halatang natatakot.
Kapangalan niya pa ang idol ko. How you like that? Char.
"Ahh... ito nga pala si Jessie. Siya ang magiging customer mo ngayon." kaswal lang na sagot ng aking ama.
Tumingin siya sa akin at ipinakita ang isang pilit na ngiti. Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mukha at ang luha na nangingilid sa sulok nito.
"Sir, sa inyo po... pumili na rin po kayo. Marami kami ngayong new arrival. Itong si Lisa bago lang 'to. Kahapon pa yan kaya preskong-presko yan para sa kasama ninyo."
"Pass na muna ako madam. Itong kasama ko lang muna ngayon."
"Sige-sige po sir."
Nang mabayaran na ni papa ang matandang hukluban ay mabilis kaming lumabas kasama ang babaeng napili ko. Mabilis kaming nakasakay ng taxi at kasalukuyan kaming patungo sa isang motel. Nakasakay kami sa likod ng babae, habang si papa naman ay nasa front seat kasama ang driver. Sobrang tahimik ng babae, hindi ito umiimik at hindi nagsasalita.
Halatang takot na takot ito. Tingin ko ay hindi ito sanay sa ganitong trabaho. Sa sinabi nga ng manager kanina na bagong-bago pa ito. Pakiramdam ko ay unang beses pa lamang niya ito.
Mabilis kaming nakababa sa taxi at pumasok sa isang motel.
"May available rooms ba kayo na magkatapat o magkatabi?" si papa.
Kausap niya ang babae sa front desk ng motel.
"Meron po sir. Gusto niyo po bang mag-check in sa dalawang rooms?"
"Oo, pero yung magkalapit lang."
"Meron po kami sa 3rd floor sir. Magkaharap po."
"Sige, yan ang kukunin namin."
Sandali pang nag-usap si papa at ang babae sa front desk. Pagkatapos nito ay binigay na ang susi ng makapagbayad na siya. Dire-diretso kaming umakyat sa itaas at ng makarating na kami sa aming silid ay saglit na nagsalita si papa.
"Oh 'nak... dito na lang ako maghihintay sa room na 'to. Magkatapat naman tayo eh. Kaya 'wag kang mag-alala. Sige, pasok na kayo sa room niyo. Enjoy!" maloko nitong sagot.
Pumasok na si papa sa kanyang silid na katapat lang sa amin at pumasok na rin kami ng babae sa room na katapat lang sa kanya.
Kaagad na humiga ang babae sa kama at napansin ko na lumuluha ito.
"Sir, dahan-dahanin niyo lang po." halatang natatakot ito. Nanginginig at hindi alam ang gagawin.
Nahabag ako. Alam ko na hindi talaga ito ang kanyang trabaho.
"Wala kang dapat ikatakot... hindi naman kita gagalawin eh."
Mabilis na nagbago ang mukha nito. Nagulat ito sa aking sinabi.
"T-talaga po?!"
"Oo, atsaka 'wag mo na akong i-po noh. Tingin ko magkaedad lang tayo."
"Ah, sige-sige. Salamat talaga sir... maraming salamat!"
"Okay lang... napilitan rin lang naman ako eh. Hindi ko naman talaga alam na dadalhin ako sa bar. Wala akong ideya kaya napilitan lang ako." pag-amin ko sa kanya.
"Sana hindi ka magalit miss huh? Ano bang pangalan mong totoo? Bakit ka napadpad sa ganitong trabaho?"
"Lisa po ang pinangalan nila sa akin sa club. Pero Lorelie po talaga ang pangalan ko."
"Sabi ng 'wag mo na akong i-po eh." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ay, sorry... ano bang pangalan mo sir o anong gusto mong itawag ko sa inyo?"
"Jessie na lang... Jessie ang pangalan ko."
Nagkamayan kami ng kami ay nagpakilala sa isa't isa.
"So paano ka ba napadpad sa trabahong ito, Lorelie?"
"Nagkasakit kasi si inay kaya naghanap ako ng trabaho na tutustos sa mga pangangailangan niya. Wala kaming mapagkukunan ng pera kaya nagawa kong pumasok sa bar. Sa totoo lang waitress ang ipinangako nilang trabaho sa akin eh. Pero nung nandun na 'ko... prostitute pala." saglit siyang tumigil.
"Wala akong mapagpipilian. Kailangan na ni nanay ng gamot ngayon. Tapos may sakit din ang isang kapatid ko. Walang-wala kami. Baon na kami sa utang kasi ng mamatay ang tatay ko nagkautang kami ng malaki. Tatlong buwan ng nakararaan ng pumanaw si tatay kaya mas lalong naghirap ang aming pamilya. Kaya kinailangan kong maghanap-buhay dahil ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko. Kailangan ko itong gawin upang mabuhay kami. Labag man ito sa aking kalooban ay gagawin ko. May ipanglaman lang ang sikmura ng pamilya ko." at humagulgol na siya sa pag-iyak.
Hindi ko napigilan ang aking sarili. Parang naluluha na rin ako. Ang pait kasi ng karanasan niya. Sobrang mapaglaro ang tadhana para sa kanya.
Pagkalipas ng ilang sandali ay pinahid niya ang kanyang mga luha at binitawan ang isang ngiti.
Nag-usap kami hanggang sa nakapagpalagayan na namin ang isa't isa. Magaan ang loob ko sa kanya. Mabait at may paninindigan sa buhay. Sa totoo lang nakakatawa si Lorelie kausap. Para kasi siyang komedyante. Kwela at mahilig magpatawa.
"Ikaw Jessie... ba't ka ba napadpad sa bar? 'Di ba napilitan ka lang din?" tanong niya sa akin ng mas tumagal na ang aming pag-uusap.
Napabuntong-hininga ako at ipinaliwanag ko kung paano ako napadpad sa bar na pinagtratrabahuan niya.
"Ganito kasi yan... gusto ng Papa ko na mabinyagan na ako dahil wala raw akong karanasan pagdating sa sex. Ang gusto niya kasi ay maranasan ko ito para na rin maging ganap na lalaki na raw ako at para na rin daw hindi ako ignorante pagdating sa ganitong mga bagay. Hindi kasi kami malapit ni Papa dati eh... ngayon lang kami nagkasundo ng lumaki na ako. Kaya gusto niyang bumawi sa akin. Napilitan rin lang naman ako dahil ayaw ko siyang ma-disappoint sa akin. Gusto ko kasi ng approval ng Papa ko Lorelie... gusto ko na ipagmalaki niya ako kaya sinasakyan ko itong kalokohan niya. Labag nga sa akin ito eh. Hindi ko lang masabi sa kanya dahil gusto ko na bumilib siya sa akin. Gusto ko na mas maging close kaming dalawa." malungkot kong sagot.
"Sana hindi ka magalit sa sasabihin ko huh?"
"Ano ba yun?"
"Gwapo ang Papa mo! Nagmana ka nga sa kanya dahil pogi ka rin. Hindi nga ako makapaniwala na tatay mo yun... akala ko kuya mo. Pero ang sira ulo ng Papa mo! Bakit ka niya dinadala sa mga bar na ganun? Sorry Jessie huh? Pero ang sarap kutusan ng Papa mo!" prangka nitong sagot na aking ikinatawa.
Nagtawanan na lang kaming dalawa.
Ipinaliwanag ko ang lahat sa kanya simula pagkabata. Noong sinasaktan pa ako ni papa hanggang sa naglayas ako at nagkabati kami. Kahit sobrang haba ng kwento ko ay maligalig siyang nakikinig.
"Ay, kaya pala... so talagang bumabawi na yung Papa mo sa'yo ngayon? Pero pakisabihan naman yang Papa mo noh. Walang ama ang natutuwang dinadala ang mga anak nila sa mga bahay aliwan! Sira ulo yang Papa mo!"
"Alam ko... matagal na, hindi lang sira ulo. Tukmol pa!"
Mas nagtawanan kami sa aking sinabi.
Halos magdamag kaming nagkwentuhan ng bago kong kaibigan. Nararamdaman ko na mabait at totoong tao si Lorelie. Palabiro at makulit ang kanyang personalidad. Madaldal at makwento at ang higit kong hinahangaan sa kanya ay ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya. Kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa pamilya niya.
Maging ako man. Handa akong gawin lahat para sa natatangi kong pamilya. Ang aking ama.
"Lorelie... may ipapakiusap sana ako sa'yo... sana hindi ka magalit."
"Ano yun Jessie?"
"Ano kasi... uhmmn... pwede ka bang magpanggap na may nangyari sa atin? Para matuwa si Papa sa akin?" nahihiya kong pakiusap sa kanya.
"Oo naman! Basta para sa'yo. Ang laki-laki kaya ng utang na loob ko sa'yo. Dahil sa'yo Jessie may maiuuwi na akong gamot para sa nanay at kapatid ko. Sobrang liit na bagay ang hinihiling mo kumpara sa tulong na nagawa mo sa akin! Salamat Jessie sa lahat... tatanawin ko talaga ito ng malaki." nakangiti niyang sabi.
"Salamat Lorelie huh? Salamat."
"Sus, basta para sa'yo!"
"Salamat talaga... atsaka Lorelie umalis ka na sa bar na yun. May napagtrabahuan ako dating part time. Pwede kang mag-apply dun. Kakausapin ko yung manager total kilala ko na naman siya. Iri-refer kita."
"Talaga?!" at napayakap na lang siya sa akin sa sobrang saya.
"Ang bait mo Jessie! Salamat! 'Di ka lang mabait ang gwapo mo pa! Sana all!"
Nang bumitaw na siya sa akin ay may pahabol pa siyang sinabi.
"Hoy, ang bango mo! Amoy baby ka... anong perfume mo?"
"Huh?! hindi naman ako nagpi-perfume. Minsan kapag meron gumagamit ako. Kaso naubos na eh. Kaya wala akong perfume."
"Ganun? Ang bango mo! Daig mo pa ang babae."
"Tumigil ka nga... minamanyak mo 'ko. Kababae mong tao." biro ko.
"Tange! Pero seryoso... ang bango mo."
"Babaeng mahilig!"
Natawa kaming dalawa.
Nang natapos na ang oras namin sa motel ay halos alas singko na ito ng umaga. Madilim pa at hindi pa sumisikat ang araw.
Lumabas kami ni Lorelie sa silid at napansin ko na iika-ika na siyang naglakad at ginulo pa niya ang buhok niya.
"Hoy, anong ginagawa mo?"
"Basta, magtiwala ka lang." sagot niya.
Nang kinatok ko na ang pinto ni papa ng ilang beses ay lumabas na siya. Halatang hindi rin siya natulog sa pag-aabang sa akin. Nagulat na lang ako ng kaagad na lumapit si Lorelie kay papa at para itong matutumba. Napatukod pa siya sa braso ni papa at nagsalita.
"G-grabe po ang kasama n-ninyo sir... hindi man lang ako p-pinagpahinga. Halimaw po siya... ang bangis po n-niya... isa siyang buhay na alamat!" at napaupo siya sa sahig. Sandaling nilingon ako ni Lorelie at kinindatan ako.
Halos mapanganga ako sa kanyang ginawa. Mahihiya si Vilma Santos sa acting niya. Award winning!
"O-okay ka lang ba miss?" medyo nag-aalalang tanong ni papa sa kanya.
"Hindi ako okay... ang tindi ng kasama mo s-sir. Hindi ako m-makapaniwala sa husay niya. Kung mamamatay man ako n-ngayon. Mamamatay akong masaya."
Tiningnan ako ni papa na halos hindi makapaniwala. Kitang-kita ko ang pagkamangha at pagkabilib sa kanyang mukha sa akin. Halata ito sa pagkagulat ng kanyang mukha. Natameme siya.
Inalalayan ko si Lorelie pababa sa hagdan habang nakasunod naman si papa sa amin pababa. Nang makalabas na kami sa motel ay madilim pa rin ang paligid at sobrang lamig pa ng simoy ng hangin.
Si papa na ang pumara ng taxi para sa masasakyan ni Lorelie. Nang makasakay na ito sa loob ay ngumiti ito at nag two thumbs up sa'kin. Hindi ko napigilang mapangiti na rin.
"Salamat." sabi ko sa kanya na walang boses na lumabas sa aking bibig.
Pero naintindihan niya ito.
Nang makaalis na ang sinasakyang taxi niya at malayo na ay bigla na lang akong hinampas ni papa sa balikat.
"Hindi ako makapaniwala sa ginawa mo 'nak! Grabe ka! Pinilay mo eh... pinilay mo! Putcha naman... iba ka! Naalasan mo pa 'ko. Hands down si Papa sa'yo. Idol! Idol na kita 'nak!" napailing-iling pa siya na bilib na bilib sa'kin.
Hindi ko napigilang magyabang kunwari.
"Saan pa ba ako magmamana? Kundi sa inyo po!"
"Paano ba yan? Parang may kakompetinsya na ako nito? Parang mauungusan mo pa ako sa pagkolekta ng mga chicks?" tumawa lang ako sa kanyang sinabi.
Salamat Lorelie... salamat.
NAKAUWI na kami ng bahay at matapos mag-almusal ay nagpahinga muna kami ni papa. Bumili na lang kami ng ulam nung pauwi na kami. Hindi na ako pinagluto ng pagkain ni papa. Pagod daw kasi ako. Talaga namang nakakapagod lalo na kapag buong magdamag ang kwentuhan. Nakakapagod din kaya. haha
"'Nak hali ka nga rito at may pag-uusapan tayo." sabi nito na nakaupo sa sofa.
Kaagad ko naman siyang pinuntahan galing kusina.
"Ano po yun Pa?"
Tinapik-tapik niya ang kanyang hita. Alam kong gusto niyang kumandong ako sa kanya. Tahimik na lang akong sumunod. Niyakap niya ako sa likod at nagsalita.
"Ngayon, isa ka ng ganap na lalaki. Pero 'nak 'wag ka ng pumunta ulit ng bahay aliwan. Ayokong nagpupunta ka sa mga ganung lugar. Alam mo 'nak... gusto ko lang naman na may karanasan ka para hindi ka ignorante pagdating sa ganitong bagay. Kaya 'wag ka ng bumalik doon at pumunta sa ganoong lugar dahil naranasan mo na, okay?"
"Opo Pa." nagpatango-tango ako.
"'Wag ka munang gagawa ng mga kalokohan. Ayokong matulad ka sa akin na maagang naging magulang. Mahirap ang pinagdaanan ko noon dahil ako lang ang mag-isang bumuhay sa'yo. Ayokong maranasan mo rin yun. Hindi madali ang maging isang magulang lalo pa kung napaaga. Lalo na ngayon, mas mahirap na basta naging isang magulang ka na sobrang hilaw pa ang edad. Mas mahirap mabuhay ngayon kumpara noon."
"Kung gusto mong magpunta ng mga bar. 'Wag yung bar na pinuntahan natin kanina. Dun ka sa mga wholesome... kung magpupunta ka man ulit sa ganoong lugar. Dapat kasama mo ako. Pero mas mabuti na 'wag ka na lang pumunta sa mga ganoong lugar. Sinasabi ko ito sa'yo para maintindihan mo. Sana naman 'nak hindi ka magalit sa pagpipigil ko sa'yo."
"Naiintindihan ko naman po."
Kung alam niyo lang Pa! Hindi na talaga ako babalik sa mga lugar na ganun! Never! Never enough... never! Never!
"Basta huh? 'Wag na 'wag ka ng pumunta sa ganung lugar. Kung gusto mong bumalik doon. Dapat tapos ka na sa pag-aaral at nakahanap na ng trabaho. Okay lang naman maging pilyo paminsan-minsan anak. Maiintindihan ko naman. Syempre lalaki tayo... may pangangailangan tayo. Pero huwag muna ngayon. Saka na yang mga ganyan kapag successful ka na."
Ikaw lang ang lalaki, 'wag mo ako idamay Pa!
Nagpatango-tango ako.
"Pero iba ka 'nak. Idol! Grabe ka. Hindi ko talaga ini-expect na ang bagsik mo pala! Parang babagsak na yung babae anumang sandali eh. Pro moves!" pagmamalaki niya sa akin.
Pinamulahan na lang ako. Kung alam lang ni papa na wala naman talagang nangyari.
"Sige, magbihis ka na at matulog. Ano, sobrang nakakapagod ano?" maloko nitong sabi.
Mas pumula na lang ako.
Nang makaakyat ako sa aking silid at nahiga sa aking kama ay nakaramdam ako ng konting pangungulila. Mahigit isang buwan rin na palagi kong kasamang matulog si papa. Pero ngayon, balik na kami sa dati dahil magaling na siya. Sa silid na niya siya matutulog at ako ay sa silid ko na.
Talagang nahiyang na ako na matulog na palaging yakap si papa. Ang init ng kanyang katawan na nagbibigay kapanatagan sa akin ay nami-miss ko. Parang ang lamig ng higaan dahil hindi ko siya kasama.
Napabuntong-hininga na lang ako at ipinikit na ang aking mga mata.
Ilang sandali pa lang ay narinig kong may kumatok sa aking pinto.
"Bukas po yan Pa."
Binuksan niya naman ito at pumasok sa loob ng aking silid.
"May kailangan po kayo Pa?"
"'Nak, pwede bang dito na rin ako matulog? Gusto kong tumabi sa'yo. Okay lang ba?"
Saglit akong natigilan subalit nabawi ko rin naman.
"Opo! Okay lang po."
"Sige, kunin ko muna yung unan ko." nakangiti niyang sabi at lumabas na.
Humiga ulit ako sa kama ng patagilid. Hindi ko napigilang mapangiti. Nahihiya kasi akong magsabi sa kanya na gusto ko pa ring kasama siya sa pagtulog. Pero siya na mismo ang nagsabi na gusto niya akong tabihan.
Ilang sandali lang ay nakabalik na si papa. Lilingon na sana ako sa kanya subalit ng marinig ko ang tunog ng pagkalas ng kanyang sinturon at pagbaba ng kanyang zipper ay natigilan ako, nagdalawang-isip ako. Alam ko namang maghuhubad siya dahil hubad-baro naman talaga siya kung natutulog. Pero nakaramdam pa rin ako ng kaba.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hindi siya nilingon.
Subalit napadilat ako ng maramdaman ko na yumakap siya sa aking likod. Naglapat ang aming balat at nakaramdam ako ng pagragasa ng dugo sa aking katawan.
"Ang bango naman ng anak ko. Amoy baby!" sabi nito ng matapos niyang amuyin ang aking batok na naramdaman ko.
"Papa naman. Nakikiliti ako eh." pigil ko sa kanya dahil natatamaan ako ng kanyang balbas.
Natawa na lang siya.
"Sige, tulog na tayo... baby boy." biro nito.
"Pa naman! Nakakahiya."
"Ayaw mo ba na tinatawag na baby boy?"
"Ayaw." sagot ko na parang paslit.
"Sige, simula ngayon baby boy na ang tawag ko sa'yo!" panunukso niya.
"Papa naman! Ayaw, ayaw ko!" protesta ko pa.
"Matulog na lang tayo. Alam kong pagod ka. Grabe talaga itong baby boy ko."
"Bahala ka d'yan!" sagot ko na lang na ikinatawa niya.
Lumipas ang mga minuto at nakatulog na rin si papa. Pinilit ko ring matulog subalit nagigising naman ako. Pansin ko na halos isang oras na ang nagdaan. Subalit hindi pa rin ako makatulog ng maayos.
Sa totoo lang ay nanginginig ako subalit hindi sa lamig. Kundi dahil sa nagbabaga kong katawan. Mahigpit akong niyakap ni papa at todo akong nagpigil. Bahagya ko pang inilayo ang aking katawan sa kanya upang hindi niya mabundol ang pwet ko. Baka kung ano pa ang magawa ko.
Pa, 'wag mo akong gawing makasalanan. Baka magkamali na naman ako at makagawa ng imoral na kasalanan sa inyo. Huwag mo akong hilahin sa makasalanang mundo. Ani ko sa aking isipan.
Pero hindi ko inaasahan ng bigla akong mas niyakap ni papa habang wala ang kanyang kamalayan dahil tulog siya. Sa higpit ng pagyakap niya ay nagdikit ang aming katawan. Dito na bumundol ang malaki niyang umbok kahit na tulog pa. Tumama ito sa aking pwetan kaya napalunok ako ng laway.
Subalit hindi ko hinayaan na lumukob ang mundo ng pagnanasa sa buo kong sistema. Umiwas ako sa tukso. Nilabanan ko ito.
Tinanggal ko ang pagkakayakap ni papa sa akin at mabilis akong tumayo sa higaan. Dahilan kaya napatihaya siya sa pagkakahiga. Hindi siya nakakumot kaya tumambad ang kanyang kahubadan sa aking mga mata.
Hindi ko napigilang pagmasdan ang natutulog niyang anyo. Talagang ang ganda ng katawan ni papa. Parang walang taba at perpekto kung tutuusin. Daig pa niya ang modelo sa isang mamahaling underwear brand. Wala silang binatbat sa ganda ng katawan ng aking ama. Lalo na sa kanyang kargada na umagaw sa aking atensyon.
Halos makapagmura ako. Ang laki-laki talaga ng alaga niya kahit hindi pa nagkakabuhay. Kung araw-araw ko itong makikita siguro aatakihin na ako sa puso dahil sa pagkabusog ng aking mga mata. Sa sobrang laki nito ay maikukumpara ito sa kabayo.
Lumabas ako ng silid at napansin ko na halos alas onse na pala.
Naisipan ko na lang na magluto ng tanghalian ng biglaang tumunog ang aking lumang cellphone. Number lang ito at wala akong ideya kung sino ang tumatawag.
"Hello... sino po sila?" sabi ko.
"Good morning po! Ito po ba si Mr. Jessie Mijares?"
"Ako nga po... ano pong kailangan nila?"
"Sir! Congratulations po! Nanalo po kayo ng house and lot!"
"HAAAHH???!!!" bulalas ko.
Itutuloy...
Feel free to comment!
Next chapter na ang pasabog. May mapuputukan... LOL
Nakakasuka magpanggap 'no, Jess?! 😂
ReplyDelete