KABANATA 27 Ang Hindi ko Alam
Matapos ang nagbabagang tagpo na natuklasan ko kagabi sa sinehan ay halos hindi ako makatulog ng maayos. Nakumpirma ko na may nangyayari talaga kay Kurt at Oliver. Pero ang hindi ako sigurado ay kung may relasyon nga ba silang dalawa dahil sa isang video na nakita ko. May kasalo pa silang isang lalaki sa kanilang ginagawang pagkakanaan.
Hindi ako sigurado kung trip-trip lang nila ang kanilang ginagawa para magpalabas ng init sa katawan o baka may relasyon nga talaga silang dalawa at trip nila na may makisali sa kanila kapag nagsi-sex sila.
Ang nasigurado ko lang ay bakla talaga si Oliver dahil ibang-iba ito sa aking nakita kagabi sa mga sex videos nila. Masyado siyang hayok na hayok sa lalaki. Malandi siya, nagpapakaputa siya sa kapirasong laman ni Kurt. Talagang baklang-bakla siya. Parang mas bakla pa nga siya sa akin kung tutuusin.
Mas nakaramdam pa ako ng galit at inis kay Oliver dahil nga ay nahuli ko siya sa akto na pinagseserbisyuhan si Kuya Bernard noong nakaraan. Ang landi at ang haliparot niya, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Pati si Kuya Bernard ay hindi nakaligtas sa kanya kahit na may nangyayari na nga sa kanila ni Kurt.
Ang buong akala ko ay magkaibigan lang sina Kurt at Oliver. May nangyayari din pala sa kanila kapag sila-sila na lang.
Mabuti na lang at ng matapos na mag-sex ang dalawa kagabi ay umalis sila kaagad at lumabas na ng sinehan. Kaya dahil dito, nakakita ako ng pagkakataon upang makalabas sa sinehan nila Kurt dahil nakulong na ako.
Nang makakuha ako ng tyempo ay mabilis akong bumaba mula sa mga upuan sa itaas at tahimik na lumapit sa may pintuan. Nakiramdam muna ako ng mabuti kung nakaalis na silang dalawa. Pagsilip ko sa labas ay wala ng tao kaya mabilis akong tumakbo at bumaba sa ikalawang palapag ng mansyon at bumalik sa aking kwartong tinutuluyan.
Pawis na pawis ako dahil sa sobrang kaba at dahil sa pagtakbo. Kinakabahan ako at baka mahuli ako ng dalawa. Buti na lang at nakabalik agad ako sa aking silid.
Nang mag-umaga na ay maaga akong nagising kahit konti lang ang tulog ko. Mabilis akong nagluto ng agahan para sa aming lahat at ng matapos ako sa pagluluto ay bumalik kaagad ako sa aking silid.
Iiwas muna ako dahil natatakot akong harapin ang lahat ng tao sa mansyon. Nag-iingat ako at baka madulas pa ako kapag kinausap ko silang lahat. Dito na lang muna ako sa silid. Pakakalmahin ko muna ang sarili ko at masyado na akong nerbyoso.
Nang dahil sa hindi na ako bumaba ay kinatok na ako ni Kuya Bernard ng mapansin niyang hindi ako lumalabas sa aking silid. Sinabi ko na lang sa kanya na tapos na akong kumain at inihanda ko na ang agahan para sa kanila.
Sinabihan ko na lang siya na gusto ko pang matulog dahil nahirapan akong matulog kagabi na agad rin naman niyang naintindihan saka umalis na sa likod ng aking pintuan.
Nanood na lang ako ng palabas sa tv at naligo sa jacuzzi para naman malibang ako dahil wala naman akong pwedeng gawin sa silid. Pero nang malapit nang magtanghali ay napagpasyahan ko na bumaba na dahil alam kong ako na naman ang magluluto. Nang makababa ako sa sala ay pansin kong si Kuya Bernard lang ang nandito at nanonood ng palabas sa tv.
"Oh, good morning! Ang sarap ng tulog natin ah?" masiglang bati ni Kuya Bernard sa akin.
"Morning." sabay ngiti ko sa kanya.
"Nagtatampo ka pa ba sa'kin?" tanong niya.
"Hindi na, ang dramatic ko naman yata masyado kung nagtatampo pa ako sa'yo... duh." sabay irap ko sa kanya na ikinatawa niya lang.
"Okay ka na nga... ang taray mo na eh... haha. 'Lika ka nga dito." at tinapik-tapik niya ang upuan para paupuin ako sa tabi niya.
Nang maupo naman ako sa kanyang tabi ay mabilis niyang ginulo ang buhok ko at inakbayan ako. Tuwang-tuwa talaga siya kapag ginugulo niya ang buhok ko at binibiro ako.
Ito kasi ang paraan niya sa pang-aalaska. Hinayaan ko na lamang siya. Sa totoo lang ay may nararamdaman pa akong inis sa kanya pero tinatago ko na lang. Pero kahit na naiinis pa ako sa kanya ay gumagaan ang pakiramdam ko kapag naglolokohan kami. Kapag nakikita ko siyang masaya at nakangiti ay parang nakakalimutan ko ang sakit na dulot niya sa aking dibdib. Talagang isa akong tunay na tanga.
Ang tanga ko talaga. Bobo ko talaga!
Nagpunta kami rito para sumaya at mag-enjoy. Ayaw ko namang maging pamatay saya. Napag-isipan ko rin na mas mabuti na kalimutan ko na lang yung nakita ko. Mas masasaktan lang ako. Wala naman akong karapatang pigilan si kuya sa lahat ng gusto niyang gawin. Kahit masakit ay titiisin ko na lang. Titiisin kahit masakit na.
"Anong uulamin natin?" tanong niya.
"Ikaw anong gusto mong kainin?"
"Adobong manok na lang. Gusto ko ngayong kumain ng adobong manok eh."
"Eh di magluto ka d'yan... gusto mo palang kumain ng adobong manok." mataray kong sabi.
"Ah... talagang gusto mong ma-food poison tayo lahat?"
"Hahay... oo na, ako na lang ang magluluto. Baka maospital pa tayo lahat." sagot ko namang nagbibiro.
Tumawa na lang siya.
Nagtungo kaagad kami sa kusina at nagluto, pansin kong hindi pa rin gumigising ang dalawa kaya naisipan kong tanungin si Kuya Bernard.
"Hindi pa ba nagigising yung dalawa kuya?"
"Hindi pa eh, nag-inuman siguro yun kagabi. Kaya ayun... tulog na tulog pa." tumango-tango na lang ako.
Nang maluto na ang pagkain ay kumain kaagad kaming dalawa. Atat na atat na kasi si Kuya Bernard na kumain kaya nauna na lang kami. Tahimik lang akong kumakain ng bigla akong tinawag ni Kuya Bernard.
"Oy, Jessie?" nagising ang kamalayan ko.
"Hah?" napatunganga ako.
"Kanina pa ako nagsasalita dito, parang wala ka namang naririnig. Nakikinig ka ba?"
"Ay, sorry kuya... nakikinig naman ako." sagot ko na lang.
"May iniisip ka ba?"
"Wala naman... 'wag mo na lang akong pansinin." malamlam ko na sagot sa kanya.
"Jessie... okay ka lang ba talaga? Ilang araw na kitang napapansin na malungkot at tahimik ah..."
"Okay lang talaga ako kuya..." pilit kong pinasigla ang aking boses.
"Anong okay? Hindi ka kaya okay. May problema ka ba? Baka may maitutulong ako sa'yo."
"Wala nga! Ang kulit!" at hindi ko na siya pinansin pa.
Kung alam niya lang sana kung ano ang nasa isip ko. Na siya ang dahilan kaya ako nagkakaganito ngayon. Ang sakit lang kasi kapag nahulog na yung loob mo sa isang tao.
Tapos alam mo na hindi ka naman sasaluhin. Gusto ko sanang umiwas pero nasa isang bubong lang kami. Pipilitin ko na lang na magpanggap. Magpanggap na okay lang ako.
"Punta tayo mamaya sa dagat hah?" biglang sabi ni Kuya Bernard.
"Dito na lang ako, kayo na lang ni Oliver." walang gana kong sagot.
"Dapat kasama ka, tayo ang tropa eh. Para sabay ko kayong maturuang lumangoy dalawa."
"Sige." wala sa isip-isip kong sabi.
Nang matapos kaming kumain ay saka pa lang nagising ang dalawa. Sabay silang bumaba. Binati kaagad ako ni Kurt kaya sumagot na lang din ako kahit na medyo naaasiwa ako. Pilit akong nagpanggap na parang normal lang ang araw na ito. Buti na lang at agad na natapos si Kuya Bernard sa pagkain kaya nagtungo kaagad kami sa sala.
"Oy, Jessie... alam mo ba na may sinehan sila Kurt dito?" biglaang tanong ni Kuya Bernard ng makaupo na kami sa sofa.
"Ganun ba? Ang galing naman." kaswal kong sagot at nag gulat-gulatan kunwari.
"Gusto mo manood tayo dun?"
"'Wag na... okay na ako dito. Ang laki na kaya ng tv dito. Para na ring nasa sinehan ako."
"Ah... okay-okay." sagot na lang niya.
Makalipas lang ng ilang minuto ay natapos na sa pagkain sina Kurt at sumunod sa amin sa sala. Dahil dito ay hindi ako mapakali at nahirapan akong harapin sila.
Nagpapasalamat na lang ako at naglaro kaagad sila ng playstation kaya pinili ko na lang na manahimik habang maingay silang tatlo sa kantsawan dahil sa laro. Nasa likod lang kami nilang dalawa dahil sa sahig na sila naupo.
"Oh, ba't ang tahimik mo?" tanong ni kuya sa akin ng mapansin niyang tahimik lang ako.
"Wala naman, enjoy lang ako sa nilalaro nila." pagsisinungaling ko.
Nakatutok ako sa laro ng dalawa. Halatang seryoso sila.
"Busog ka pa ba?"
"Hindi na... bakit naman?" sagot ko naman sa kanya.
"Tara! Ligo na tayo!"
NANG MAKAPAGBIHIS na ako ng damit panligo ay agad kaming pumunta ni Kuya Bernard sa beach. Nakasuot ako ng sando at naka-shorts ng maiksi. Medyo mainit ang panahon at talagang tirik na tirik ang araw. Nagpahid muna ako ng lotion sa cottage para naman hindi ako magka-sunburn.
"Oy ako naman." si Kuya Bernard.
Mabilis ko namang iniabot ang lotion sa kanya para siya naman ang makapagpahid sa kanyang balat.
"Oh, bakit mo binibigay sa'kin? Ang sabi ko, ako naman ang lagyan mo ng lotion."
"Ay, walang kamay? Ganun?" sarkastiko kong sagot.
"Hindi ko maabot ang likod ko. Kaya lagyan mo."
"Wow, ang demanding niya oh. Wala man lang please? Hiyang-hiya naman ako oh." pagpaparinig ko.
"Pakilagyan po ako ng lotion sa likod po." sabi niya na parang bata at sabay turo pa niya sa kanyang likod.
Hindi ko napigilang mapangiti. Para kasi siyang bata kung minsan.
"Oo na... sige talikod. Dali!"
Tumalikod naman siya at pinahiran ko na ang kanyang likod. Nang mapahiran ko na lahat ay bigla na lang siyang humarap sa akin.
"Ito namang dibdib ko." sabay nguso niya.
"Hoy! Abot mo na yan! Ang garapal nito." reklamo ko sa kanya.
"Nasimulan mo na eh... ang arte talaga nito. Pahiran mo na nga lang... dami pang satsat eh." pagmamaktol nito.
"Oo na po sir! Daming order eh noh?"
Natawa na lang siya sa aking sinabi. Nang matapos ako sa kanyang dibdib ay inutusan pa niya ako na lagyan pati ang kanyang tiyan. Tumango na lang ako. Nakasuot lang siya ngayon ng board shorts na mas lalong nagpa-sexy pa sa kanyang tignan.
Nang madampian ko na ang kanyang tiyan ay medyo bumilis ang tibok ng puso ko. Matagal-tagal na rin ng malapatan ito ng aking mga palad. Talagang matigas ang mga abs niya. Palagi kasi siyang nagwo-work out.
"Oh, bakit parang napatunganga ka d'yan?" maloko niyang tanong.
"Inaayos ko lang ang paglalagay! Reklamador ka kasi! Akin na nga yang mga kamay at braso mo, lalagyan ko na lang din!"
"Parang nagtatanong lang eh."
Iniabot naman niya ang mga ito ng nakasimangot. Nang matapos ko ng pahiran ang mga braso at kamay niya ay ang mga binti naman at mga paa niya ang nilagyan ko.
"Oh tapos na po your royal highness! Baka gusto mo buhusan ko pa ng lotion yang pagmumukha ninyo?" pang-iinis ko sa kanya.
"Maraming salamat utusan!" sabi niya na parang nang-iirita at ngumiti.
Parang iniinis niya ako saka mabilis tumakbo palayo papunta sa tubig.
"Utusan pala huh!?" at mabilis ko siyang hinabol.
Masayang-masaya kaming nagtampisaw dalawa. Naghabulan at nagharutan kami habang naliligo. Paminsan-minsan ay nakakainis lang talaga siya. Madaya kasi. Kapag aktong hahabulin ko na siya upang gantihan ay mabilis siyang pumupunta sa malalim na parte upang hindi ko siya maabutan.
"Hoy bumalik ka rito! Ang daya naman eh!"
"Eh di pumunta ka dito! Catch me if you can Jessie! Haha." tuwang-tuwa niyang sabi.
"Ang daya mo talaga... unggoy! Unggoy! Bleeh!" sabay talikod ko sa kanya at bumalik sa dalampasigan.
Naisipan ko na lang na gumawa ng sand castle. Dinala ko kasi ang mga mold ng sand castle na pagmamay-ari ni Kurt. Hindi pa kasi sila natatapos kaya tatapusin muna daw nila ang paglalaro kaya nauna na kami sa kanila dito sa beach.
Medyo matagal-tagal na rin ng makabuo ako ng kastilyong buhangin na parang propesyunal kunwari. Buti at sumama ako kina Kuya Bernard para makaligo ulit sa dagat.
Gumawa pa ako ng kanal na pumapalibot dito at nilagyan ko ng tubig. Gumawa rin ako ng tulay at nilagyan ko pa ng flag ang tuktok ng kastilyo. Talagang natuwa ako sa aking nagawa. Para akong bumalik pagkabata.
Nang sa may katagalan ay nilapitan na ako ni Kuya Bernard para manggulo. Pero tinataboy ko siya ng sapilitan. May hinala kasi ako na gusto niya lang sirain ang nagawa kong sand castle.
"Sige, subukan mong sirain ang sand castle ko. Dila lang ang walang latay!" pagbabanta ko.
"Weeh? 'Di nga?"
"Kuya naman eh... 'wag mo namang sirain 'to. Pinaghirapan ko kaya 'to. Umalis ka nga. Alis!"
"Ang sama kaagad ng iniisip mo! Titingnan ko lang naman sa malapitan eh."
"Titingnan lang huh?"
"Titingnan nga lang. Ang O.A mong mag react."
"'Ge na nga." naiinis kong sabi.
Kaya tumahimik na lang ako. Hinahawak-hawakan niya ang mga tore at parang sinusubukan niya kung gaano ito katibay. Sinasaway ko naman siya na mag dahan-dahan lang pero talagang matigas ang ulo. Hanggang sa bigla na lang nagiba ang tore at bumagsak.
"Hala! Ooops..." gulat niyang sabi.
Mabilis siyang lumingon sa akin ng nakangiting hilaw at alangan.
"Ang sarap manaksak ng tao ngayon noh? Parang gusto kong pumatay! Parang gusto kong magmura at magsalita ng masama. Gustong-gusto kong manapak ng hinayupak! Ang sarap magwala ngayon! Tingin mo kuya?" sabi ko sa kanya na halong may pagbabanta at tiim bagang.
"Bumagsak na lang bigla eh... hehe... sige, aayusin ko na lang." natatakot niyang sabi.
"Talagang dapat mong ayusin yan. Baka magulat ka mamaya. Bigla ka na lang bubulagta!"
"Inaayos na nga eh... grabe naman to. Teka lang... aayusin ko po ng maayos."
Napakamot na lang siya sa kanyang ulo.
"What's up guys!"
Lumingon ako sa aking likod at nakita ko sina Kurt at Oliver na papalapit sa amin. Parehas silang nakahubad ng shirt at shorts lang ang suot nila. Ang gaganda rin kung titignan ang kanilang mga katawan. Halatang panay sa gym. Defined ang mga muscles at talagang hulmang-hulma ang ganda ng katawan.
"What are you doing there kuya?" tanong ni Oliver ng makalapit na sila sa amin.
"Ah, wala... inaayos ko lang 'tong sand castle ni Jessie."
"So ano? Banana boat ride na naman tayo?" si Kurt.
"Sige ba!" pagsang-ayun ni Kuya Bernard.
"Ikaw Jessie? Sali ka na rin!" si Kurt.
"Ay, kayo na lang... hindi naman ako marunong lumangoy eh. Baka malunod pa 'ko d'yan."
"'Wag kang mag-alala. May life jacket naman eh... Kurt, kunin mo nga yung mga life jackets dun." utos ni Kuya Bernard.
"Hoy ayusin mo yan! 'Wag kang sasabat-sabat hangga't hindi yan natatapos!" singhal ko kay kuya.
"Opo bosing!" sabi niya na nagmamadali.
Kahit na naiinis ay hindi ko naiwasang mapangiti. Napakapilyo talaga ng lalaking ito.
Natawa na lang sila Kurt dahil parang inaapi ko si kuya.
Nang matapos na ni Kuya Bernard ang pagsasaayos sa kastilyong buhangin ay mabilis namang umakyat uli si Kurt para kunin ang mga life jackets. Nang makabalik na siya ay may dala na siyang apat nito.
Aayaw pa sana ako pero mapilit talaga si Kuya Bernard kaya sa huli ay wala na akong nagawa. Sumama na lang din ako. Si Kuya Bernard sana ang mag dra-drive ng speed boat para hilahin ang banana boat na sasakyan namin. Kaso na pansin niya akong nanginginig sa takot kaya nagpresenta na lang siya na samahan ako sa banana boat.
"Sige Jessie... dito ka umupo sa unahan ko." sabi niya ng pwepwesto na kami.
Subalit mabilis akong umangal, natatakot kasi akong mauna kaya siya ang pinaupo ko sa unahan.
"Sige, dito ka na lang sa likod ko para hindi ka masyadong kabahan. 'Wag kang mag-alala. Nakasuot ka naman ng life jacket atsaka nandito naman ako eh." dahil sa kanyang sinabi ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"Can I sit in front of you kuya? Ako na lang ang mauuna." biglang sabat naman ni Oliver.
"Sa likod ka na lang ni Jessie para mapagitnaan natin siya. Natatakot pa kasi 'to. Doon ka na lang sa likod." tumango na lang din si Oliver.
Pumunta na lang siya sa likod ko. Pero napansin ko na parang nadismaya siya ng makita ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Pinagkibit-balikat ko na lamang ito. Takot na takot kasi talaga ako.
"Kapit ka ng mabuti sa'kin Jessie."
Kinuha ni Kuya Bernard ang aking mga kamay at pinayakap niya ako sa kanya at inilagay niya sa kanyang tiyan.
"Ready na ba lahat?" sigaw ni Kurt na nakasakay na sa speed boat.
"Ready na!" sigaw naman ni Kuya Bernard.
Nang simula ng umandar ang speed boat ay unti-unting nahihila ang sinasakyan namin. Mas humigpit ang kapit ko sa kay Kuya Bernard dahil sa paggalaw ng sinasakyan namin. Nang tumagal na ay hindi na ako masyadong natatakot.
Nakikisabay na rin ako kapag sumisigaw sila. Ito ang una kong karanasan na sumakay ng ganito. Kaya dapat ko na sulitin ang pagkakataon. Minsan lang din kasi ito mangyari.
Nang mas tumagal pa ay nag-enjoy na kaming lahat. Ang saya-saya namin, pero unti-unting napapalitan ang aking saya ng takot ng napansin ko na parang mas lumalayo kami sa dalampasigan.
Unti-unting lumalayo kami at parang mas nagiging asul na ang kulay ng tubig. Nakaramdam ako ng pagkabahala kaya agad kong sinabihan si Kuya Bernard na bumalik kami sa laot. Tingin ko kasi na masyadong delikado na.
Sumang-ayon naman si Kuya Bernard sa akin kaya sinigawan niya si Kurt para marinig nito na dapat bumalik na kami sa pangpang. Nakinig naman si Kurt kay kuya kaya mas nakahinga na ako ng maayos.
Subalit nang babalik na sana kami ay saka naman biglang lumabas ang napakalaking alon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay humampas sa amin ang napakalaking alon na ito at sa isang iglap lang ay napabitaw ang pagkakayakap ko kay Kuya Bernard. Bumalikwas ang sinasakyan namin.
Napapikit ako. Nang maimulat ko na ang aking mga mata ay nakalutang na ako sa dagat at hindi na nakasakay sa banana boat. Agad akong nataranta at nagpalinga-linga ng mapansin ko na malapit lang pala si Oliver sa akin.
"Help! Help! Help! Nalulunod ako!" sigaw niya.
Mabilis akong lumangoy sa kanya. Para kasing naghi-hysterical na siya kung kaya ay mabilis ko siyang sinaklolohan. Hindi ko lang maintindihan kung bakit tingin niya ay nalulunod siya. Eh may life jacket naman siyang suot.
Nang malapitan ko na siya ay mabilis siyang kumapit sa akin at nagsalita.
"Jessie, may butas ang life jacket ko! I'm gonna die! I'm gonna drown! I don't want to die!" sunod-sunod niyang sabi na tarantang-taranta.
"Ano?!" napabulalas na lang ako.
Paunti-unti kaming bumababa pailalim kaya sumigaw na rin ako ng tulong. Dahil masyadong malikot si Oliver ay mas lalo kaming bumubulusok pailalim at tuluyan na kaming nalunod dalawa.
Parang dahan-dahang bumagal ang aking paligid. Hinihila ako ng tubig pailalaim, ang nakikita ko na lang ay ang sinag ng araw na parang inaabot ng aking mga kamay. Hanggang sa nagdilim ang aking mga mata.
"JESSIE! JESSIE! GISING! GUMISING KA! JESSIEEE!" naririnig ko na may boses na tumatawag sa akin.
Pakiramdam ko ay nakahiga ako sa mainit na lupang buhangin.
"Uh... hooh..." napaubo ako.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.
Medyo nahihirapan ako na buksan ang mga mata ko. Nang pinilit kong dumilat ay una kong nasilayan ang mukha ni Kuya Bernard na sobrang nag-aalala. Para akong namalik-mata. Para kasi siyang lumuluha. Hindi ko masyadong maibukas ang mga mata ko kaya medyo malabo ang aking paningin.
"K-kuyaa..." tawag ko sa kanya na mahina.
Hindi ko inaasahan ng bigla na lang niya akong niyakap ng napakahigpit. Sa sobrang higpit ng pagyakap niya sa akin ay para akong mapipisa. Hindi niya ako binitawan at parang ayaw na niya akong bitawan pa.
"Insan! Ikaw na ang gumawa kay Oliver!" narinig kong sigaw ng isang lalaki. Tingin ko ay si Kurt ito.
Naramdaman ko na parang inihiga ako ni Kuya Bernard ng maingat at umalis sa aking tabi. Napapikit ako ulit at talagang nahihilo ako. Tumagilid ako at binuksan ko ang aking mga mata. Bigla ko na lang nakita na nakapatong na si Kuya Bernard kay Oliver at hinahalikan niya ito!
Parang bigla akong sumabog sa aking nasaksihan. Pakiramdam ko ay tinutusok ng sibat ang aking dibdib. Para akong hinampas ng lagaraw. Mabilis na tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Ang sakit-sakit ng nakikita ko. Sana hindi ko na lang binuksan pa ang aking mga mata.
Pinutol ni Kuya Bernard ang kanilang halikan at medyo natigilan ako. Pina-pump niya ang dibdib ni Oliver nang paulit-ulit. Nang hindi pa rin ito nagigising ay hinalikan niya ulit ito at inulit ang pagpa-pump sa kanyang dibdib. Mabilis na nagsibalikan sa aking isipan ang nangyari kanina. Nalunod pala kami ni Oliver dahil nahampas ng malaking alon ang sinasakyan namin.
Naintindihan ko na ang nangyayari. Pero kahit na alam ko na CPR lang ang ginagawa ni Kuya Bernard ay nakaramdam pa rin ako ng selos at sakit sa aking puso. Ang selfish ko kung iisipin, alam ko naman na tinutulungan niya lang si Oliver para magising pero bakit pakiramdam ko na tutol ako sa kanyang ginagawa?
Gusto niyang sagipin ang wala pa ring malay na si Oliver pero bakit nasasaktan ako? Napaka-selfish ko, ang sama-sama kong tao.
Ilang sandali pa ay mabilis na nagising si Oliver at sumuka ng tubig. Tatayo na sana si Kuya Bernard ng bumalik na ang malay ni Oliver pero mabilis siya nitong niyakap at umiyak. Yumakap din si Kuya Bernard sa kanya at hinagod ang kanyang likod.
Parang dinudurog ng biglaan ang dibdib ko. Tumalikod na lang ako at tahimik na lumuha.
NASA LOOB NA KAMI ng mansyon nila Kurt. Nakapagbihis na kaming lahat at pansin pa rin ang pag-aalala sa mga mukha nila Kuya Bernard at Kurt. Nakaupo kami sa sala at hindi pa rin kumakalma si Oliver sa kakaiyak.
Tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Kinakausap naman ako ni Kuya Bernard subalit parang wala ako sa sarili ko. Panay tango lang ako sa aking ulo at parang wala akong naririnig sa mga sinasabi niya.
Natakot ako ng sobra sa nangyari. Akala ko ay mamatay na ako. Pero parang lahat ng takot ay biglang nawala ng makita ko na nagyayakapan sina Kuya Bernard at Oliver. Ang lahat ng takot ay biglang naglaho at napalitan ito ng sakit at kirot sa aking puso. Tingin ko ay namanhid akong bigla dahil sa aking nakita. Parang mas nag-aalala pa si Kuya Bernard kay Oliver kaysa sa akin.
Kahit anu-ano ang pumasok sa isip ko. Ang mga haka-haka at kuro-kuro ng isipan. Nadatnan ko sila na may ginagawang kalaswaan sa sala noong natapos kaming mag-inuman ng gabing nahuli ko sila sa akto.
Sa tingin ko ay baka higit pa sa nakita ko ang nangyari sa kanila. Baka may relasyon na sila. Baka mas gusto ni Kuya Bernard si Oliver na ito ang magserbisyo sa kanya kaysa sa akin. Mas mahalaga si Oliver. Sampid lang ako dito... magkakilala na sila dati pa. Panira lang ako dito... istorbo.
Sana hindi na lang ako sumama. Espesyal si Oliver sa kanya. Niyakap niya nga rin eh. Para silang magkasintahan na nagyayakapan. Si Oliver na ang tutugon sa lahat ng pangangailangan niya.
Mga blangkong tanong ko sa aking sarili.
Kung anu-ano na lang ang pumasok sa aking ulo. Lahat ng mga bagay na humahampas sa akin sa reyalidad na mas mahalaga si Oliver at mas espesyal ito para kay Kuya Bernard. Hindi ko namamalayang naluha na pala ako sa kakaisip ng mga bagay na mas sinasaktan lang ang aking damdamin.
"Jessie..."
Bigla akong bumalik sa aking kamalayan ng tinawag ni Kurt ang aking pangalan. Inakbayan niya ako at pilit na pinagaan ang aking dinadamdam.
"Mabuti na lang at naagapan natin. Okay ka na ba?" tumango lang ako sa kanya.
Naririnig ko pa rin na umiiyak si Oliver. Nang lumingon ako sa kinaroroonan niya ay mas bumigat pa ang aking pakiramdam. Inaakbayan siya ni Kuya Bernard at pinakakalma. Pilit siyang pinapatahan. Halatang nag-aalala si Kuya Bernard sa kanya. Mas sumikip ang dibdib ko. Totoo talaga... totoo na mas mahalaga talaga si Oliver para sa kanya.
Mabilis akong umakyat sa itaas na walang kahit sino man ang pinansin sa kanila. Pagpasok ko sa kwarto ay doon ko na ibinuhos ang lahat ng luha ko. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi nasasaktan ako ngayon? Wala naman kaming relasyon dalawa at kahit kailan ay wala namang naging kami.
Nagptuloy pa ako sa pag-iyak para mailabas lahat ng bigat at sakit na nararamdaman ko. Biglang may kumatok sa aking pintuan. Subalit hindi ko na lang ito pinansin pa. Nagpatuloy na lang ako sa pag-iyak ng tahimik.
Lumipas ang higit isang oras at napag-isipan ko na uuwi na lang ako. Ako lang naman kasi ang panira dito eh. Kung hindi na sana ako sumali pa kanina ay hindi pa siguro nangyari yung aksidente. Hindi sana naisuot ni Oliver ang life jacket na may butas. Hindi sana kami nalunod. Hindi ko sana malalaman na mas matimbang si Oliver kaysa sa akin. Tama nga si papa. Puro kamalasan lang ang dala ko.
Nang makapag-impake na ako ay bumaba kaagad ako dala-dala ang lahat ng aking gamit. Wala na si Kuya Bernard at Oliver sa sala. Tanging si Kurt na lang ang nandito. Napansin ko na nakapangbihis panlakad ito.
"J-Jessie? Bakit may dala kang bag? Saan ka pupunta?" tanong ni Kurt sa akin ng mapansin niya ako.
"Kurt, uuwi na lang ako." matamlay kong sabi.
"Huh? Bakit naman? Kung tungkol 'to sa nangyari kanina I take full responsibility sa nangyari. Kasalanan ko lahat yun dahil pumunta ako sa malalim. Jessie... I'm really sorry. Kasalanan ko lahat." malungkot niyang sabi at yumuko.
"Ano ka ba? Wala sa akin yun! Wala kang kasalanan Kurt noh. Aksidente lang ang lahat! Wala sa akin yun! Buhay pa ako noh! Buhay na buhay tayong lahat!" sabi ko na masigla at pilit na ngumiti.
"Nagpapasalamat nga ako sa panginoon at walang nangyaring masama sa atin. Buhay pa tayo. Uuwi ako pero hindi ito tungkol sa nangyari kanina. Uuwi ako dahil tumawag na kasi si papa sa akin. Papauwiin niya na raw ako eh. Gusto ko pa sanang mag-stay kaso nagalit yata." pagpapalusot ko pa.
Sinadya kong pasiglahin ang aking boses at nagbiro para hindi na siya mag-alala pa.
"Ganun ba... sayang naman. Sorry Jessie huh? Kasalanan ko talaga lahat. Hindi ako nag-ingat." malungkot pa rin niyang sabi.
"Hoy! Walang may kasalanan okay? Kurt, okay tayong lahat kaya dapat nagsasaya tayo ngayon." tinapik-tapik ko ang kanyang balikat at itinaas na niya ang kanyang mukha sa akin ng nakangiti.
"Oh ayan, smile lang dapat. Ang panget mo kaya kapag nakasimangot." biro ko sa kanya.
"Eh di ngingiti na lang ako. Ang pangit ko pala kung nakasimangot eh."
Tumawa na lang kami.
Pilit akong nagpanggap na masaya. Para hindi niya malaman ang tunay na saloobin ko.
"Oh teka, bakit bihis na bihis ka? Saan ka ba pupunta?" biglang tanong ko.
"Lalabas sana ako. Bibili ako ng dessert para kumalma na yang si Oliver. Dessert kasi nagpapakalma d'yan. Teka lang... ngayon ka na ba talaga uuwi? Mag-extend ka na lang. 'Di pa nga uuwi si insan eh. Gusto pa niyang mag-extend dito."
"Gusto ko pa sana na mag-stay talaga. Pero pinauuwi na talaga ako ni papa eh. Sayang talaga." pagsisinungaling ko.
"Sayang nga, sige sumabay ka na lang sa akin para maihatid kita sa terminal."
"Sige, talagang sasabay ako sa'yo. Eh wala namang pumapasok na traysikel dito eh. Alangan naman lakarin ko pa hanggang makarating ako ng highway? Ang layo kaya nun!" natawa si Kurt sa sinabi ko.
"Oh, bago ka umalis sinabihan mo na ba si insan? Magpaalam ka muna dun."
"S-sige..." nag-aalangan kong sagot.
"Andun sila sa likod sa pool. Puntahan mo na lang dun. Hintayin na lang kita sa labas."
"Okay Kurt."
Iniwan ko muna ang bag ko sa sala at pumunta sa likod ng hindi ko maintindihan ang kaba sa aking dibdib. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nadatnan ko na ang dalawa. Nagyayakapan sila. Umiiyak pa rin si Oliver sa bisig ni Kuya Bernard.
"Thank you so much kuya for saving me. I thought I was gonna die. I really thought that I'm gonna die!" at humagulgol na siya sa dibdib ni Kuya Bernard.
"Tahan na Oliver. Okay na ang lahat. Ligtas tayo." si Kuya Bernard.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Mabilis akong tumalikod at pigil na pigil ako sa aking sarili upang hindi mapaluha. Nang makalabas na ako ng bahay ay pilit kong inalis ang lungkot sa aking mukha at agad pumasok sa kotse ni Kurt ng nakangiti.
"May nakalimutan ka pa ba? Double check mo lahat."
"Wala na Kurt... dala ko na lahat ang gamit ko." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Okay ka lang ba Jessie? Para kasing naluluha yang mga mata mo eh."
"Ay wala ito! Napuwing lang ako." pagpapanggap ko pa.
Nang makaandar na ang kotse ay masaya kaming nag-usap dalawa. Pinilit kong iwinaglit sa aking isipan ang mga masasakit na bagay at pilit na nagpanggap kahit na sobrang sikip na ng dibdib ko. Para akong tanga, ngiti lang ako ng ngiti. Para na akong robot sa ekspresyon ng mukha ko. Hanggang sa umabot na kami ng highway.
"Kurt, pwede bang sa palengke mo na lang ako ihatid? Bibili pa sana ako ng sea foods eh. Bilin kasi ni papa na magdala ako. Sigurado kasing lagot ako kapag wala akong nadala."
"Sure, sige punta tayo dun."
Nang makaabot na kami sa palengke ay bumili kaagad ako ng mga sugpo at alimango na gustong-gusto ni papa na dalhin ko pag-uwi. Bumili rin si Kurt at talagang marami ang binili niya.
Nagpapatulong pa nga siya sa akin kung ano dapat ang pipiliin. Sumigla ako ng konti dahil nakakatuwa rin kasing kasama si Kurt. Nakalimutan ko pansamantala ang mga iniisip ko.
Nang makabili na kami ay agad ko itong nilagay sa ice bucket na dala ko at bumili rin kami ng yelo para manatiling presko ang aming pinamiling sea food. Umalis kaagad kami ng matapos na kami sa palengke at agad akong hinatid ni Kurt sa terminal.
Aayaw pa sana ako dahil masyado na akong nakakaabala sa kanya subalit mapilit siya at ayaw papigil kaya sa huli pumayag na lang ako na ihatid niya ako sa terminal.
Tinulungan niya pa akong ilagay ang dala kong ice bucket sa ilalim ng bus. Bawal kasi itong dalhin sa itaas. Pero nagulat na lang ako na pati ang ice bucket na binili niya na may lamang sea food ay ipinasok niya rin sa ilalim.
"Oh, bakit mo yan nilalagay dito?" tanong ko sa kanyang nagtataka.
"Para sa'yo yan... allergic ako d'yan. Hindi ko naman yan makakain." natatawa niyang sagot sa akin.
"Hoy, hala! Ang dami nito Kurt! Dalhin mo na lang 'to sa inyo. Kakain naman sila Kuya Bernard at Oliver nito eh."
"Hayaan mo yung mga yun. Para sa'yo talaga yan para hindi ka mapagalitan ng papa mo. Sabi mo kasi na baka pagalitan ka. Tignan ko lang kung papagalitan ka pa nun kung makita niya 'tong dala mo."
"Kurt nakakahiya naman. Ang dami nito eh..."
"Sus, wala yan. Sige ingat ka sa byahe hah?" tinapik-tapik niya ang balikat ko at mabilis kaagad siyang umalis.
Nagpasalamat naman ako sa kanya ulit. Kahit anong gawin ko para isauli ang binigay niya ay hindi niya talaga tinatanggap ito. Kaya tinanggap ko na lang talaga. Nagpaalam rin ako sa kanya pero ng makalayo na siya ay tinawag niya akong bigla.
"Jessie! May nilagay ako dyan sa bag mo! Hanapin mo na lang!" at mabiilis na siyang pumasok sa kanyang kotse at umalis.
Nang makaupo na ako sa bus ay kaagad kong hinanap ang sinasabi niya. Nagulat na lang ako na nilagyan niya pala ng pera ang bulsa ng bag ko sa halagang 3,000 pesos.
"Ito talaga si Kurt." ang nasabi ko na lang.
"Isasauli ko na lang siguro ang pera kapag nakauwi na siya sa apartment ni Kuya Bernard." bigla akong natigilan.
Nang mabigkas ko ang pangalan ni Kuya Bernard ay kumirot ang puso ko. Dahan-dahang napalitan na ng ibayong lungkot ang aking mukha. Hanggang sa maluha na lang ako. Mabuti na lang at wala akong katabi at kaunti lang ang pasahero. Hindi ako mapapansin kahit na umiyak ako rito.
Nang simula ng umandar ang bus ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Kung minamalas ka nga naman. Puro tugtog na musika sa bus ay pang broken hearted. Parang gusto ko tuloy sampalin ang konduktor.
Sana tv na lang ang isinalang niya. Baka makapanood pa ako ng pirated movie na Hello, Love, Goodbye. Hindi ko tuloy mapigilan na mas lalong malungkot. Parang nilalarawan ng mga kanta ang aking mga emosyon at damdamin ngayon.
Tumingin na lang ako sa bintana at tumingin sa malayo. Tahimik akong lumuha ng walang nakakaalam.
GABI NA ng makarating ako sa amin. Nakakapagod ang byahe lalo pa at ang traffic kaya mas nakakapagod, sabayan mo pa ang init ng panahon. Umupo muna ako sa sofa at nagpahinga ng nailagay ko na ang mga sea food sa ref. Napagod ako at parang drain lahat ng enerhiya ko. Pagtingin ko sa cell phone ay nagulat ako.
Papa calling...
Medyo nagtaka ako kung bakit walang tunog na lumalabas. Na silent ko pala ang cell phone ko.
"Hello Pa?"
"Oh, nakabili ka na ba ng sea food?"
"Opo, nakauwi na nga po ako eh."
"Mai-extend pa ng ilang araw ang seminar ko kaya medyo matatagalan pa akong makakauwi. Lagay mo na lang agad yan sa freezer para hindi masira." halata sa boses niya na parang nagmamadali ito.
"Okay po Pa, may gus—" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng naputol na ang linya.
Napabuntong-hininga na lang ako at bumalik sa pagmumuni-muni. Nakakapagod ang byahe kaya agad akong nagluto ng kanin para makakain na. Magbubukas na lang ako ng dilata. Tinatamad kasi akong magluto pa ng ulam.
Pero nang nagsimula na akong kumain ay parang wala akong gana. Hindi ko halos malasahan ang kinakain ko. 'Di ko namamalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko.
Pakiramdamdam ko ay talagang nag-iisa lang ako sa mundo. Parang wala akong matatakbuhan at masasandalan na nagmamahal sa akin. May bahay akong inuuwian pero wala akong matatawag na tahanan. May ama, pero walang pamilya.
Ano ba talagang silbi ko dito? Hindi ko naiwasang magtanong sa aking sarili.
Mas napaluha pa ako dahil sa mga reyalisasyon ko sa aking buhay. Habang sumusubo ako ng pagkain ay patuloy na umaagos ang luha sa aking pisngi.
Sa simula't sapul ako lang talaga mag-isa. Napaisip ako. Sino ba talaga ang nagmamahal sa akin? Parang wala naman talaga. Walang may pakialam at walang maghahanap kung mawawala man ako.
Pinilit ko na humupa ang mga nararamdaman ko sa aking dibdib at pinilit kong i-distract ang aking sarili sa kahit anong pwedeng pagkakaabalahan pero wa epek pa rin.
Naisipan ko na matulog na lang. Pagod naman kasi, siguro dapat itulog ko na lang ito. Baka masyado akong apektado sa lahat dahil hindi ako maayos na nakatulog nung nasa mansyon ako nila Kurt. Ang dami ko kasing nasaksihan na dapat ay hindi ko na nakita pa.
Humiga ako sa aking kama sa aking silid at nagpahinga. Pero hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay may kumatok bigla sa pintuan sa baba. Nagtataka ako at gabing-gabi na ng may kumakatok pa sa amin. Wala naman kaming mga kilala dito sa lugar naming tinitirhan kaya medyo napaisip ako kung sino ang kumakatok ngayon sa aming bahay.
Lumabas ako sa aking silid ng nagtataka.
"Sandali lang... and'yan na!" sigaw ko.
Pagbukas ko sa pintuan ay nagulantang ako. Hindi ko aakalain ang makikita ko.
"K-kuyaaa?" napabulalas ako.
Napatda ako sa aking kinatatayuan at hindi ko alam kung paano ako magri-react. Hindi ko inaasahan ang makikita ko sa aming pintuan. Si Kuya Bernard ito!
"A-anong ginagawa m-mo dito?" hindi makapaniwala kong sabi.
"Ano kasi... ang charger mo... ano... uhm, naiwan mo kasi ito." sabay abot niya sa charger ko.
Medyo natigilan pa ako sandali bago ko kinuha ang charger sa kanya.
"Bakit ka nandito kuya? Akala ko hindi ka pa uuwi dahil magtatagal ka pa dun?"
Pansin ko na may dala pa siyang travelling bag na inilagay na lang niya sa sahig malapit sa kanyang paa. Parang sa tingin ko ay hindi pa siya nakakapasok sa apartment niya at dumiretso kaagad siya sa bahay namin.
"Ano kasi naisipan ko ng umuwi... babalik na daw yung care taker nila Kurt bukas eh. Baka kasi mahuli pa niya ako."
"Huh? Eh, sabi ni Kurt sa akin na magpapaiwan ka pa dun kasi nga hindi pa daw babalik yung care taker nila." pansin ko na nagulat siya sa aking sinabi.
"Ah... ano kasi... uhm... uuwi na daw eh... oo tama! Uuwi na daw yun dahil darating kasi yung papa ni Kurt sa makalawa kaya kailangang bumalik na yung care taker kasama nung mga maids na nagbakasyon din."
"Hmmn... ganun ba? Sige kuya salamat sa pagdala ng charger ko." sabi ko sa kanya na matamlay.
Isasarado ko na sana ang pinto ng pigilan niya ako.
"Pwedeng makainom ng tubig? Nauuhaw na kasi ako eh."
"Sige, kuha ka lang dun sa kusina. Paki-lock na lang yung pinto kapag lalabas ka na kuya."
"Saan ka ba pupunta? Matutulog ka na ba kaagad?"
"Oo, napagod ako sa byahe eh. Kaya gusto ko ng matulog, salamat uli sa charger."
Mabilis akong umakyat sa itaas at pumasok sa aking silid at humiga na sa aking kama. Pero nagulat na lang ako ng may kumatok sa aking pintuan bigla. Mabilis kong binuksan ang pinto at nakita ko si Kuya Bernard na nakatayo sa labas ng aking silid.
"Jessie... pwede ba tayong mag-usap?" halata sa kanyang mukha na may sasabihin siyang mahalaga.
"Ano ba yun kuya? Pwedeng bang ipagpabukas na lang natin yan? 'Lika na... ihahatid na lang kita sa labas."
Bumaba ako sa hagdan kasama siya at nang makaabot na kami sa main door ay hindi ko inaasahan na isasarado niya ang pinto at biglang humarap sa akin.
"Jessie pwede bang mag-usap muna tayo?"
"Ano ba yan kuya? Ano bang dapat pag-usapan natin? Ipagpabukas na lang natin yan! Gaano ba yan ka importante?" sabi ko na medyo tumaas na ang boses.
Nakaramdam ako ng takot at inis. Hindi ko alam pero parang natatakot ako at kinakabahan sa sasabihin niya kaya gusto kong umiwas.
"May itatanong ako sa'yo..."
"Bukas na lang matutulog na ako."
Binuksan ko ang pinto para palabasin siya. Subalit hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya.
"Ikaw na lang ang magsara kapag gusto mo ng lumabas." sabay talikod ko sa kanya at lalakad na sana ng matigilan akong bigla sa kanyang sinabi.
"Jessie... may gusto ka ba sa akin? May nararamdaman ka ba para sa'kin?"
Para akong nanigas sa aking narinig. Hindi ako nakagalaw at parang sumabog ang aking mga tenga. Ilang sandali rin bago ako nakagalaw at hinarap ko siya.
"Ano ba yang pinagsasabi mo kuya? L-lasing ka ba? Hahaha. Ano ba yang sinasabi mo? Nang tri-trip ka na naman... umuwi ka na nga sa inyo." pinilit kong magpatawa sa kanyang harapan.
Pero wala akong nakikitang kahit kaunting ngiti na sumilay sa kanyang mukha. Seryoso siya sa kanyang sinabi. Seryoso ang kanyang mukha na naghihintay sa dapat kong sabihin.
"Umuwi ka na nga! Napasukan yata ng tubig dagat yang utak mo eh." pagpapatawa ko pa rin sa kanya.
"Bakit hindi ba? Hindi mo ba ako gusto Jessie, huh?" seryoso niyang sagot sa akin.
Para akong nakorner sa kanyang katanungan. Kaya halos wala akong masabi at maisip. Napalunok ako ng laway at parang nasintas ang aking dila.
"Matutulog na ako kuya... good night na." sagot ko na lang para makaiwas subalit bago pa ako makatalikod ay mabilis na niyang nahawakan ang aking braso.
"Ano ba kuya! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya subalit parang wala siyang narinig.
"Ang sagot lang ay oo at hindi. Ano Jessie... may gusto ka ba sa akin? Sabihin mo ang totoo Jessie! May nararamdaman ka na ba sa akin?" sigaw niya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko siya matignan. Hindi ko siya kayang harapin.
"Ano? Sumagot ka Jessie! Gusto mo ba ako?! Tingnan mo ako sa mata at sabihin mo na hindi mo ako gusto!" matigas niyang sabi.
Sandaling humugot ako ng lakas ng loob at sa isang iglap ay lumabas na ang mga salita sa aking bibig.
"Wala akong gusto sa'yo! Ang kapal naman ng mukha mo! Anong tingin mo sa sarili mo? Porket ba dahil napakagwapo mo ay magkakandarapa na ako sa'yo? Na magkakagusto kaagad ako sa'yo dahil bakla ako?" hindi ko napigilang mag-crack ang aking boses.
"Hindi kita gusto kuya! Hindi kita gusto! Wala akong nararamdaman para sa'yo! Umalis ka nga dito! Napaka-assuming mo naman! Magsama kayo ni Oliver! Baka sakaling siya ang may gusto sa'yo... siya ang may gusto sa'yo... s-siya... at h-hindi ako." hindi ko namamalayang namuo na ang aking mga luha sa gilid ng aking mga mata.
"Jessie umamin ka nga sa akin. Kaya ba umalis ka kaagad dahil nagseselos ka kay Oliver? Kaya nitong mga nakaraang araw ay tila malalim parati ang iniisip mo? Jessie... hindi ako tanga... umamin ka nga. Sabihin mo ang totoo. Jessie... mahal mo na ba ako?!"
Matapos marinig ang kanyang sinabi ay umagos na ang luha sa aking mga mata at sumikip ang aking dibdib. Hindi ko pa rin siya matignan at parang anumang sandali ay parang susuko na rin ako.
"Jessie... sumagot ka!" sigaw na niya sa akin.
"Oo! Gusto kita! Mahal na kita! Yan ba ang gusto mong marinig? Oh ano... masaya ka na? Oo! Nahulog na ang loob ko sa'yo kaya gusto ko ng umiwas dahil alam ko na wala namang patutunguhan itong nararamdaman ko! Alam mo namang bakla ako 'di ba? Ano bang tingin mo sa akin kuya, robot? Robot na walang mararamdaman sa mga ginagawa natin?" hindi ko na napigilan at naisiwalat ko na ang tunay na aking nararamdaman.
Walang tigil sa pag-agos ang mga luha sa aking mga mata. Pati ang katawan ko ay nanginginig sa labis na paghihinagpis at sakit ng aking nararamdaman.
Natigilan siya... hindi siya nakapagsalita.
"Kaya nga ayokong may mangyari pa sa atin dahil mas lalo akong nahuhulog sa'yo! Mas tumitindi itong nararamdaman ko sa'yo sa bawat araw! Mas lalong bumibigat dahil mahal na kitang hinayupak ka! Mahal na kita! N-natatakot akong umamin at baka tuluyan ka ng umiwas at mawala. Baka hindi mo na ako kakaibiganin pa dahil baka maasiwa ka sa akin. Kuya... mahal na kita..." nanginginig ang aking boses sa bawat salita na binibigkas ng aking bibig.
"Kaya nga hinahayaan kitang gawin ang lahat sa akin dahil hindi kita matiis. Mahal kita kuya! Mahal na mahal kita... ang masakit lang ay alam ko na hindi mo ako mamahalin. Alam ko naman yun... parausan mo lang ako." at mabilis kong hinila at binawi ang aking braso na kanyang hinahawakan.
Itinakip ko ito sa aking mga mata dahil ayokong nakikita niya akong umiiyak dahil sa kanya.
"Kung lalayo ka man sa'kin... maiintindihan ko naman. Mas mabuti na nga siguro ang ganun na lang. Mas mabuti kung lalayo na lang din ako. Ayoko na kuya... masyado ng mabigat ang nararamdaman ko. Tama na... ayoko na..." at humagulgol na ako sa pag-iyak.
Nagmukha akong talunan sa kanyang harapan. Siguro ay nakakaramdam na siya ng pagkakaasiwa sa akin dahil sa aking pag-amin. Siguro ay hindi na maibabalik pa ang dati naming pagtuturingan dahil nilahad ko na ang aking pagtingin. Sa tingin ko ay lalayuan na niya ako ng tuluyan.
Pero hindi ko lubos aakalain ng bigla na lang niya akong yayakapin ng mahigpit. Nagulat ako at hindi ko inaasahan ito.
"Jessie... sorry kung ang manhid ko."
Hindi ko na napigilang mapahagulgol sa kanyang dibdib.
"Ngayon alam mo na... sana 'wag mo akong kamuhian kuya... sana 'wag mo akong kasuklaman. Mahal kita kuya... mahal na mahal kita." at mas humagulgol pa ako sa kanyang dibdib.
Hinayaan niya lamang akong lumuha sa kanya.
"Jessie..."
Tawag niya sa akin at natahimik siyang saglit.
"Jessie... mahal din kita..."
Natigilan ako sa aking narinig...
"Jessie mahal na kita! Hindi mo lang alam. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Nang makita kita na parang wala ng buhay kanina ay parang pakiramdam ko ay nawala bigla ang lahat-lahat sa akin. Natakot ako... takot na takot ako. Doon ko na-realize na hindi ko pala kaya kung mawawala ka. Na-realize ko na dapat ko ng sabihin ang nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita... at yun ang hindi mo alam. Tingin mo ba parausan lang kita? Mali ang iniisip mo! Inaamin ko na may pagtingin na rin ako sa'yo dahil natatakot ako na baka mahuli pa ang lahat bago ko ito masabi."
"Noong muntik kang malunod ay natakot ako na baka iiwan mo na 'ko. Takot na takot ako ng nangyari yun Jessie. Mahal kita... mahal din kita Jessie... hindi ko lang maamin sa sarili ko dati. Akala ko ay nalilito lang ako sa nararamdaman ko pero sa totoo ay naduwag lang ako. Patawarin mo ako Jessie. Naduwag lang ako. Mahal din kita."
Sa aking narinig ay mas lalong umagos ang aking mga luha. Parang hindi na ito hihinto sa pagdaloy. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Inilayo niya ang aking mukha na isiniksik ko sa kanyang dibdib. Masuyo niyang hinawakan ang aking pisngi at itinaas. Doon ko na nakita ang kanyang mga matang maluhaluha.
Pinahid niya ang mga luhang dumaloy mula sa aking mga mata.
"Kuya..."
Natahimik na lang ako at hindi na naituloy pa ang aking sasabihin ng bigla niya akong masuyong hinalikan sa labi. Ginawaran niya ako ng halik. Halik ng pagmamahal at halik na punong-puno ng pagtatangi.
Itutuloy...
T_T
Sana all... ^_^
Aww, so start na talaga ng another season for them, hihi! Handa na po akong mas masaktan, umiyak, umibig pa, hehe!
ReplyDeleteHuuueyy. Pano na si Papa 😢 😭 Pero go lang.
ReplyDelete