KABANATA 35 Alagwa
Pakiwari ko ay pawang panaginip lamang ang naganap kagabi. Nang pinagsaluhan namin ni papa ang sarap na ipinagbabawal. Subalit nararamdaman ko pa ang epekto ng kanyang pag-angkin sa akin. Masakit ang aking katawan, lalo na ang aking balakang at ang makipot kong lagusan. Inararo niya ako kagabi ng walang habas.
Pasikat pa lang ang araw ay nagising na ako. Kahit medyo masakit ang aking katawan ay kaya ko namang gawin ang mga gawaing-bahay sa umagang ito.
Habang nagpriprito ay kinakabahan ako. Parang nakaramdam ako ng hiya kung papaano ko haharapin ang aking ama, matapos ko siyang nilapastangan kagabi. Ngayon ko lang naramdaman sa huli ang kahihiyan. Lalo pa't kagabi ay nadala ako ng bugso ng aking damdamin. Kaya hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin sa araw na ito.
Galit man ako sa kanya ay may nararamdaman pa rin akong hiya sa aking sarili. Subalit sa huli na ito, nangyari na ang nangyari.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang kayang pintuan. Narinig ko ang mga yabag niya habang pababa. Hindi ako makatingin sa direksyon niya. Nagpatay malisya na lamang ako na hindi ko siya napansin na gising na. Hanggang sa maramdaman ko na ang kanyang presensya na nasa kusina. Narinig kong hinila niya ang upuan sa lamesa at naupo.
Kaya agad ko namang inihain ang agahan at tahimik na umalis ng maihanda ko na ito. Nagtimpla rin ako ng kanyang kape at inilagay ito sa lamesa. Saka ako umalis ng tahimik ng hindi siya kinausap. Nakahubad siya ng kanyang damit pang itaas at naka-shorts lamang siya habang kumakain. Nang bigla na lamang siyang magsalita.
"Oh, asan ka pupunta? Hindi ka ba kakain?" kaswal nitong sagot.
Subalit hindi ako kumibo at nagtungo lamang sa sala ng hindi man lang siya sinagot. Hindi ko alam kung saan galing ang lakas ng loob ko ngayon. Ang alam ko lang ay ayaw ko siyang kausapin. Nanahimik na lamang ako at nagbasa ng libro.
Nang matapos siyang kumain ay sumunod siya sa akin sa sala at naupo sa kabilang dulo ng sofa.
"Masakit pa ba ang tiyan mo?" aniya.
Umiling lamang ako. Pagkatapos ay nagtungo sa aking silid at doon pinagpatuloy ang pagbabasa. Ayaw ko siyang kausapin at ayaw ko siyang harapin. Kapag naririnig ko ang boses niya ay naiinis ako at bukod pa rito ay naaalala ko ang nangyari kagabi. Kabaliktaran sa kanya dahil wala siyang naaalala.
Nang lumipas ang mga oras ay naisipan kong bumaba. Baka sakali kasing wala na naman siya sa bahay. Nang lalabas na sana ako sa harap ng apartment upang magdilig ng mga halaman ay nagulat ako. Hindi naman pala siya umalis at naglilinis siya ng kanyang motor.
Pinagkibit-balikat ko na lamang ito at nagdilig ako ng mga halaman ng bigla niya akong tawagin at palapitin sa kanya.
"Maghanap ka ng trabaho mamaya Jessie... pagbalik mo ay mamalengke ka na rin."
Tumango lang ako sa kanya at mabilis na pumasok na sa loob ng bahay.
Nang matapos magtanghalian ay umalis na naman siya at may pinuntahan. Pero nag-iwan siya ng pera sa akin. Kaya bumalik na naman ako sa siyudad at naghanap ng trabaho. Lakad dito... lakad doon. Tawid sa kanan at tawid sa kaliwa. Pasok sa gusaling yun at dito. Subalit ganun pa rin. Wala akong nahanap na trabaho kaya bagsak ang aking balikat na nagpalakad-lakad hanggang sa mapadpad ako sa isang parke.
Naupo ako at nagpahinga na lamang sa lilim ng isang malaking kahoy. Pagkatapos ay hindi ko namamalayang naluha na pala ako. Natatakot at nangangamba kung uuwi pa ba ako sa aming tahanan. O mas nababagay na bahay na lamang kung ito ay tatawagin.
Wala naman kasi akong tahanan kung tutuusin dahil wala namang pamilya na naghihintay sa akin sa aking pag-uwi.
Napagmasdan ko ang mga batang naglalaro at nagtatakbuhan sa may damuhan. Naiinggit ako sa kanila. Pawang walang mga problema at parang ang simple ng buhay para sa kanila. Madadapa at iiyak. Nasusugatan subalit iiyak lang sandali at babangon uli. Napapagod at magpapahinga at kapag bumalik na ang lakas ay laro lang uli. Walang obligasyon at walang mga responsibilidad sa buhay. Nakakainggit sila.
Ilang gusali pa ang aking pinuntahan at inaplayan. Subalit ganun pa rin, walang gustong kumuha sa akin. Pakiramdam ko talaga ay ang malas-malas ko. Ako na yata ang pinakamalas sa buong mundo. Malas na... nag-iisa pa.
Kung mawawala man ako ay wala namang maghahanap sa akin. Walang mag-aabala na makiramay. Kung meron man ay madali lang akong kakalimutan. Pagkatapos ng libing, wala na.
Paminsan-minsan ay hinihiling ko na sana ay namatay na lang ako. Pero paano pa papatayin ang taong patay na ang kaloob-looban? Buhay na parang patay. Ang hirap maging ganito.
Naiinis ako sa sarili ko dahil galit na galit ako sa aking ama at tuwang-tuwa ako ng pinagsamantalahan ko siya. Ibinigay niya ang tuktok ng sarap sa akin. Nabaliw ako at nasiraan ng bait sa bawat pagbayo niya at bawat pagyanig niya sa buo kong pagkatao. Nagustuhan ko ito at hinahanap-hanap ko ito.
Pero may nagsusulsol sa aking sarili na mali ang aking ginawa. Binubulungan ako ng aking konsensya. Gumanti lamang ba ako dahil galit ako o baka dahil gusto ko lang matikman ang sarap mula sa kanyang kakayahang pumatid sa aking uhaw? Parang sa madaling sabi ay gusto ko lang na pagmalabisan siya.
Alam kong mali ako. Pero parang kinokonsente ko ang pagkakamali ko. Parang ginagamit ko lang na defense mechanism ang galit ko sa kanya para pagsamantalahan ko siya. Nalilito ako sa aking sarili. Tingin ko sa aking sarili ay imoral ako bilang isang anak at bilang isang tao.
Maraming bumabagabag sa aking isipan. Ang pagnanais ko sa sariling dugo ko at laman at sa pagturing niya sa akin na kasangkapan.
Palagi akong sinasabihan ni papa na salot ako. Na malas ako sa kanyang buhay. Na wala akong kwenta. Sa totoo lang kahit sa tinagal-tagal at paulit-ulit niya na itong sinabi sa akin ay nasasaktan pa rin ako.
Napatanong ako sa aking sarili kung bakit sa sobrang tagal ng panahon ay natiis ko lahat ng pangmamaliit niya sa akin. Pati na rin ang pananakit niya. Subalit heto ako, paulit-ulit na pinagpipilitan ang aking sarili sa kanya upang bigyan ng kakarampot na pagmamahal na kahit kailan ay hindi niya pinadama sa akin.
Nakakapagod na, pagod na ako sa lahat-lahat ng ginawa niya sa akin. Panahon na siguro na umalis na ako sa kanyang poder. Tutal nasa tamang edad na naman ako. Siguro ay dapat lumayo na ako para hindi na niya ako masaktan at para hindi na ako gumanti pa sa kanya.
Tahimik na lamang akong mas napaluha, talagang napakahina ko. Kung nakakaganti ako ay agad din akong nagsisisi. Ngayon ay nagsisisi ako sa ginawa ko sa aking ama. Subalit aaminin ko na ito ang pinakamasarap na pagsisising nagawa ko. Ang imoral na aking nagawa ang pinakamasarap kung kasalanan na dapat kong tigilan.
Napatingala ako sa kalangitan at napabuntong-hininga.
MAAGA akong umuwi sa bahay at litong-lito ang isip ko. Maraming tanong sa aking isipan at gulong-gulo ako. Umuwi akong walang trabaho kaya bubugbugin na naman ako ng aking ama. Kapag naaalala ko pa lang ang nangyari kagabi ng binugbog niya ako ay kinikilabutan na ako sa takot. Tandang-tanda ko pa ang panlilisik ng kanyang mga mata na nagbabaga sa poot at galit. Parang gusto niya akong patayin.
Ilang oras na lang ay uuwi na si papa. Nagsimula ng nabuhay ang ibayong takot sa aking dibdib. Kaya nag-isip ako ng mabuti, hanggang sa umabot ako sa isang konklusyon.
Mas naging desido ako na lumayas na at iwan na siya ng tuluyan. Tingin ko naman na mas magiging masaya siya kapag wala na ako. Palagi ko pa nga siyang nakikitang nakangiti kapag nakikipag-usap siya sa ibang tao.
Iba sa kanyang ipinapakita kapag ako na ang nasa kanyang harapan. Talagang ako ang tinik at pabigat sa kanyang buhay kaya mas mabuti na siguro na maglaho na lamang ako. Ito ang makabubuti sa aming dalawa.
Nang matapos na ako sa pagluluto ng hapunan ay mabilis kong inayos ang aking mga damit. Buo na ang aking desisyon. Lalayas na talaga ako dahil hindi ko na kaya pa ang gagawin niya pa sa akin na pang-aabuso. Baka sa katagalan ay mapatay niya ako ng tuluyan.
Matapos maisaayos ang lahat ay nag-iwan ako ng sulat sa lamesa ng kusina. Saka lumabas ng bahay at hindi alam kung saan ako tutungo. Sumakay ako ng traysikel palabas sa looban. Nang makarating na ako sa highway ay sumakay naman ako ng bus papunta ng Maynila.
Nang makarating ako sa siyudad ay bumaba ako sa isang parke. Ang parke ring ito ang pinagpahingahan ko kanina. Pagod na pagod ako kaya nahiga na lamang ako sa sementong upuan habang nakatingin sa kalangitang makulimlim. Parang nagbabadyang umulan. Ipinikit ko ang aking mga mata yakap ang aking bag at matutulog na sana.
Nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan at pawang binasa ang lahat ng mababagsakan nito. Tumakbo ako at sumilong sa malaking punong kahoy at nilalamig na nakatayo lamang dito. Nilalamig at nanginginig sa ihip ng hanging sinasabayan ng ulan.
Mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan kaya nabasa na ako ng tuluyan. Mabuti na lamang at may dala akong cellophane kaya ginamit ko ito upang balutin ang aking mumurahing cell phone. Nabasa na ang aking bag at lahat ng damit ko ay basa na rin. Talagang napatunayan ko na sadyang napakamalas ko talaga.
Tingin ko ay ako ang dahilan kaya pati ang mga taong naglalakad sa parke ay nabasa ng dahil sa akin. Pakiramdam ko kasi na gusto lang akong paglaruan ng ulan kaya pati ibang tao ay nadadamay sa kamalasan kong ito.
Pilit kong pinigilan ang maluha subalit mahirap pigilan ang sobrang bigat na dinadala. Kaya ilang saglit ay naiyak na lamang ako.
Wala akong patutunguhan at wala akong masisilungan. Sana ay kinuha na lang ako ni mama. Sana namatay na lang din ako noon ng ipinanganak niya ako. Sana ay hindi ko na sana nararanasan pa ang masakit na katotohanan ng buhay.
Habang umiiyak ako ay bigla na lamang tumunog ang aking cell phone. Natatakot akong sagutin ito kaya pinutol ko kaagad. Subalit nag-ring na naman ito ulit. Sa pagkakataong ito ay napansin ko na kung sino ang tumatawag. Si Nathan ito at hindi si papa.
"Hello?" tawag niya.
"T-tol... bakit napatawag ka?" garalgal kong sabi.
"Oh, kamusta ka na? 'Di ka man lang nagti-text sa akin."
"Sorry tol... pasensya na." sabi kong nagpipigil na marinig niya ang aking hikbi.
"Tol... okay ka lang ba?" tanong niya.
At dito na ako napahagulgol ng tuluyan. Naiyak na lamang ako.
"Tol! Anong nangyari sa'yo? Bakit umiiyak ka? May masama bang nangyari sa'yo?!" tanong niyang natataranta.
"Tol... naglayas ako."
"HUH?!"
"Pasok ka tol... 'wag kang mahihiya."
"Salamat tol." sagot ko na lang.
"Bakit ka ba kasi naglayas sa inyo?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya at natahimik.
Nang umamin ako kay Nathan na naglayas ako ay mabilis niya akong pinuntahan, matapos kong sabihin kung nasaan ako. Kaagad niya akong pinasakay sa kanyang kotse ng dumating na siya at dadalhin sana sa kanyang bahay. Subalit hindi kami nakadiretso dahil hindi na madaanan ang daan dahil sa baha. Kaya minabuti niya na lang na dalhin ako sa kanyang condo.
"Hoy! Tinatanong kita... bakit ka ba naglayas?"
Hindi ko pa rin nagawang magsalita at yumuko na lamang.
"Hay naku... maligo ka na nga lang dun sa banyo. Para hindi ka tuluyang siponin."
Kaya mabilis naman akong nagtungo sa loob ng kanyang banyo at naligo. Mabuti na lamang at mainit ang tubig. Maganda kasi ang shower niya dahil may heater.
Nang matapos ako sa pagligo ay sumilip ako sa likod ng pintuan at tinawag si Nathan.
"Tol, pakiabot naman yung bag ko oh. Kukuha sana ako ng damit."
"Eh, basa naman ang mga damit mo lahat sa loob ng bag. Wala kang masusuot dito."
"Ay, nakalimutan ko, basa pala lahat ng damit ko. Patay!"
"Teka lang suotin mo na lang ang damit ko." at mabilis na pumasok si Nathan sa kanyang silid.
Paglabas niya ay may dala na siyang tuwalya at mga damit na ipapahiram niya sa'kin. Nang maisuot ko ang mga damit niya ay sobrang lawlaw nito. Lalo na ang t-shirt at boxers niya.
Nahihiya man akong suotin ito ay wala naman akong pagpipilian dahil basa ang lahat ng damit ko. Buti na lang at ang shorts niya ay may pantali. Kaya kahit maluwag ito ay kumasya naman kapag itinatali na.
"Salamat sa damit tol huh?" sabi ko sa kanya ng ako ay makalabas na.
"Sus, maliit na bagay."
Nakahubad na si Nathan ng t-shirt at nakapantalon na lamang siya.
"Nagugutom ka na ba?" si Nathan.
"Medyo... hindi na kasi ako kumain ng umalis ako."
"Sige, pa deliver na lang tayo ng food. Ano gusto mong kainin tol?"
"Kahit ano... basta hindi poisonous."
At nagtawanan kaming dalawa.
Habang kumakain kami ay masaya kaming nagkwekwentuhan sa hapag. Puro lang kami tawanan hanggang sa maputol ito ng tinanong niya naman ako tungkol sa paglalayas ko.
"Bakit ba kasi umalis ka sa inyo tol? Baka nag-aalala na ang papa mo sa'yo."
"Hindi mag-aalala yun sa akin. Mas gusto niya pa ngang mawala na lang ako eh."
"Ano ka ba... siguradong hinahanap ka na nun. Sigurado ako." aniya.
"Hindi mo kilala si Papa tol... alam ko na hindi ako hinahanap nun."
"Bakit ba... bakit ka ba kasi lumayas sa inyo? Sabihin mo na nga sa'kin."
Napabuntong-hininga ako.
Tumayo ako at itinaas ang t-shirt ko. Natigilan si Nathan ng makita niya ang mga pasa sa aking tiyan at tagiliran. Sapat na ito upang masagot ang kanyang tanong. Nang umupo ako ulit ay nawalan na ako ng ganang kumain.
"Sinasaktan ka niya tol?"
Tumango-tango ako at nagsalita.
"Oo tol... simula pa noong bata pa lamang ako ay sinasaktan na ako ni Papa. Palagi niya akong binubugbog kahit sa maliit lamang na pagkakamali. Lalo na kapag nalalasing siya, palagi niya akong minamaltrato at sinasaktan. Noon pa man tol ay hindi na talaga ako mahal ni Papa eh. Simula ng isinilang ako ay kinasusuklaman na niya ako. Ako kasi ang sinisisi ni Papa sa pagkamatay ni Mama. Dahil sa'kin namatay si Mama sa panganganak. Kaya kahit anong gawin ko ay hindi ako mapapatawad ni Papa... hinding-hindi niya ako papatawarin tol dahil ako ang dahilan ng lahat ng kamalasan niya. Malas kasi ako tol eh... ang malas-malas ko."
Mabilis na tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Sobrang sakit kapag ako mismo ang nagsasalita at inaaamin ang aking kamalasan. Ang sakit-sakit.
"Tol, hindi ka malas! Hindi totoong malas ka. Ikaw nga ang swerte ko eh. Maniwala ka at sa hindi... ikaw ang nagdala ng swerte sa buhay ko. Eh 'di ba patapon na ako dati? Palagi akong sangkot sa gulo. Tapos parati akong bumabagsak sa school. Pero nung dumating ka ay ikaw lang ang umintindi sa akin. Ikaw lang ang may lakas ng loob na pagalitan ako! Ginabayan mo 'ko tol. Ikaw ang tumulong sa aking mag-aral! Kung hindi kita nakilala hindi na sana ako pumapasok sa school ngayon. Malamang matagal na akong nasaksak dahil sa mga rambol at gulo na palagi akong sangkot kung hindi mo ako pinilit mag-aral. Tol, hindi ka malas. Hindi ka malas... kung yan ang iniisip mo sa sarili mo ay maling-mali ka. Kaya 'wag na 'wag mong iisipin na malas ka."
Umiyak na lang ako nang umiyak.
Tinakpan ko na lamang ang aking mga mata gamit ang aking mga kamay dahil hindi tumitigil sa pagbuhos ang aking mga luha. Talagang napakaiyakin ko.
Nagulat na lang ako ng bigla akong niyakap ni Nathan at hinagod ang aking likod. Imbes na kumalma ay mas umiyak ako. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa unti-unting nailabas ko ang mabigat kong damdamin.
Nang kumalma na ako at lumipas ang halos kalahating oras ay nagpahinga muna kami sa sala.
"Tol, ang ganda-ganda nitong condo mo. Kitang-kita ang city. Ang taas kasi ng floor. Ang yaman mo talaga. Rich kid!"
"Hindi ako ang mayaman kundi ang parents ko."
"Pa humble pa ang unggoy... sa'yo rin naman lahat mapupunta ang pera ng magulang mo. Para sa'yo lahat ang ginagawa nila."
"Matulog na nga lang tayo at napagod ako kakalaro ng basketball kanina." sagot niyang paiwas.
"Sige." tumalima na lang ako.
Tatlo ang silid sa condo ni Nathan. Sabay kaming pumasok sa isang silid at sabi niya ito raw ang magiging kwarto ko at pagkatapos ay lumabas na siya ulit upang magtungo sa banyo para maligo.
Tuwang-tuwa naman ako. Ang ganda kasi ng silid na ito. Pawang mamahalin ang mga gamit at moderno ang disenyo ng silid. Pati mga cabinet at closet ay moderno rin. Ibinagay ito sa modernong istilo ng kanyang condo.
Nahiga ako sa kama at ang ginhawa ng aking pakiramdam. Ang lambot-lambot kasi nito. Hindi ko pa nararamdaman ang antok kaya nahiga na lamang ako at naghintay na antukin ako. Nang bigla na lang bumukas ang pinto pagkalipas ng ilang minuto.
Bumungad sa akin si Nathan sa pintuan at nakatapis lamang siya ng tuwalya. Basa pa ang kanyang buhok at pinupunasan niya pa ito ng isa pang tuwalya na mas maliit. Medyo natigilan ako dahil sa kanyang ayos. Ang ganda-ganda ng kanyang katawan at hulmang-hulma ang abs sa kanyang tiyan. Klarong-klaro rin ang kanyang V-line sa baba ng kanyang tiyan. Fit na fit siya at parang walang taba sa katawan.
"Oh, natigilan ka d'yan? Ang ganda ng katawan ko noh?" pagmamalaki nito.
"Feelingero talaga nito. Eww..." at natawa siya.
"Oh, may kailangan ka ba?" pagpapatuloy ko pa.
"Kukuha lang ako ng underwear."
Mabilis siyang nagtungo sa cabinet at binuksan ito. Nang makakuha na siya ng underwear ay walang kahiya-hiya niyang tinanggal ang tuwalya na nakatapis. Halos lumuwa ang aking mga mata ng tumambad ang kanyang matambok na pwet sa aking paningin dahil nakatalikod siya sa akin.
"Ano ba yan! Bakit bigla ka na lang naghuhubad!" sigaw kong mabilis tumalikod.
"Sus, parehas naman tayong lalaki eh. Kaya walang problema."
"Kahit na noh, ang awkward kaya."
"Ang O.A mo tol." natatawa niyang sabi.
Hindi pa rin ako lumilingon dahil hindi pa siya nakakapagbihis ng damit. Nang bigla na lang siyang humiga sa kama na labis kong ikinagulat. Ipinasok pa niya ang katawan sa loob ng kumot.
"Oy, magbihis ka nga! Magsuot ka nga ng damit." saway ko.
"Eh matutulog na 'ko. Atsaka wala na akong damit dahil pinahiram ko na sa'yo."
"Huh? Dito ka matutulog?"
"Malamang... alangan naman sa banyo ako matulog 'di ba?"
"May dalawa ka pa namang silid eh, bakit dito ka pa matutulog?"
"Ang arte nito, sige na nga dun na lang ako sa kabila."
Tumayo siya at bumaba sa kama at aalis na sana. Halata sa kanyang boses ang pagtatampo kaya mabilis ko siyang pinigilan.
"Oo na, dito ka na nga lang. Ako na nga itong nakikitira ako pa 'tong demanding sa'yo. Sige, higa ka na nga dito ulit." sabay tapik ko sa kama, ngumiti siya kaagad at tumabi na naman sa akin.
"Bakit gusto mong tumabi sa akin matulog? Eh malikot pa naman akong matulog." ani ko.
"Mas masaya kasing may katabi. Tapos ang lamig-lamig pa ngayon. Kaya dito na lang ako tol."
"Magdamit ka nga kasi. Bakit ba kasi nagbri-brief ka lang kung nilalamig ka? 'Ra-ulo lang?"
"Bungol ka? Sabi ng wala na akong ibang damit eh. Puro mga jacket at jeans lang ang nand'yan. Hindi kasi ako palagi dito kaya wala akong masyadong damit pambahay. Alangan namang matulog ako na nakapantalon?" sarkastiko nitong sagot.
"Ay ganun ba? Sige tol, kunin mo na lang tong shorts mo. Wala ka pa tuloy maisuot dahil sa'kin." subalit mabilis niya akong pinigilan.
"Gamitin mo na nga lang yan. Nagbri-brief lang talaga ako kapag natutulog. Sa totoo nga lang hubo't hubad nga ako kung natutulog eh. Mas presko kasi."
"Ngee, okay. Ito oh... magkumot ka ng maayos... malamig pa naman." at inayos ko ang kumot sa kanya.
"Hmmn... ang bait mo yata ngayon sa'kin tol?" sabi niya na animo'y naghihinala.
"Sira-ulo ka ba? Syempre magpapakabait talaga ako sa'yo dahil pinatuloy mo 'ko dito noh. Kung hindi ka dumating kanina. Malamang nandun pa rin ako sa parke na basang-basa at nanginginig na sa lamig."
"Kala ko bumait na... bigla na namang naging suplado."
Natawa na lang kaming dalawa.
"Pero seryoso tol... salamat talaga. Sobra akong nagpapasalamat sa'yo dahil tinulungan mo 'ko. Kung hindi ka dumating kanina... siguradong nandun pa rin ako ngayon at baka nilagnat na ako. Kaya salamat talaga tol. Malaki ang utang na loob ko sa'yo. Hayaan mo, maghahanap ako ng trabaho bukas na bukas para makabayad ako sa pagtulong mo sa akin at para na rin makahanap na ako ng boarding house na matitirhan."
"Hoy! Ano ka ba?! Pinatuloy kita dito dahil barkada kita. Wala kang dapat bayaran sa'kin at pwede kang tumira rito hangga't gusto mo. Alam mo namang ang lakas-lakas mo sa'kin eh."
Napalingon ako sa kanya at mariin ko siyang tiningnan.
"Oh, bakit ka ganyan makatitig sa'kin?"
"Tol... salamat huh? Salamat talaga." medyo maluhaluha kong sabi.
"Napakadrama mo! Yan napapala mo kakapanood ng mga korean drama na yan. Ang drama mo!" panunukso nito.
"Nakakainis ka talaga. Sobrang touched lang ako eh. Hindi mo kasi ako pinabayaan. Sabihin mo sa'kin tol... paano ba kita mababayaran? Sabihin mo tol... babawi talaga ako sa'yo."
Napawahak siya sa kanyang baba at nag-isip kunwari ng ilang sandali.
"Alam ko na!" sigaw niya.
"Ano yun?" excited ko namang tanong.
Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga at saka mahinang bumulong.
"Tol... tsupain mo 'ko."
Natigilan ako saglit at napalunok ng laway. At ilang sandali lang ay nakapag-react kaagad ako.
"Gago! Pinagloloko mo 'ko eh. Tang ina to." sabay hampas ko sa kanyang braso.
Napabuhakhak siya sa tawa, hawak-hawak pa ang kanyang tiyan. Tuwang-tuwa siya sa biro niya. Habang ako naman ay nagpanggap lang na wala lang sa akin yun. Kahit na sa totoo lang ay medyo kinabahan ako dun sa joke niya.
"Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina tol. Para kang tuta." sabi niya na bumubuhakhak pa rin.
"Ewan ko sa'yo." at nagpatuloy lang siya sa pagtawa.
Hanggang sa ilang minuto pa ang nagdaan ay nabalot na lang kami ng katahimikan.
"Tol... kamusta ka na? Okay ka na ba?" pagbasag niya.
"Syempre hindi. Naglayas nga ako 'di ba?"
"Hindi yan ang ibig kong sabihin. Ang tanong ko ay sa ex mo... okay ka na ba?"
Natigilan ako sa kanyang tanong. Ang ngiti ko ay mabilis na nawala sa aking mukha.
"'Wag na nga nating pag-usapan yan. Matulog na nga tayo."
"Sorry kung natanong ko."
"Hindi, okay lang talaga... ayaw ko lang na pag-usapan ang mga bagay na yan sa ngayon. Hindi pa ako masyadong komportable kasi eh." sagot ko na lang.
Tumango-tango na lamang siya.
Masaya kaming nagkwekwentuhan hanggang sa nakatulog na lang bigla si Nathan habang nag-uusap kami. Tinulugan ako ng mokong.
Tumahimik na lang ako at nagmuni-muni. Marami akong iniisip kung ano ang gagawin ko sa aking buhay. Kung ano ang magiging plano ko ngayon dahil nakaalis na ako sa poder ng ama ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumagilid pahiga upang matulog na. Nang hindi ko inaasahang bigla na lang gumalaw si Nathan at itinanday ang kanyang hita sa aking balakang at yumakap sa akin. Nagulat ako sandali, lalo na at nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok.
Pero ang ikinagulat ko sa lahat ay ng maramdaman ko ang umbok niya na tumama sa aking pwetan. Nakaramdam ako ng kaba at pagkaasiwa.
Tinanggal ko ang kanyang braso na nakayap sa akin at itinulak ko siya para hindi na magdikit ang aming katawan. Napatihaya na lang siya at himbing na himbing na natutulog.
Medyo natigilan ako ng mapansin ko ang bukol sa kanyang harapan, pero pinagkibit-balikat ko lamang ito. Mabilis ko siyang kinumutan ng maayos at saka ay ipinikit ko na ang aking mga mata. Hanggang sa lamunin na ako ng antok at tuluyan ng nakatulog.
UMAGA NA ng magising ako. Pasikat na ang araw at medyo nanibago ako sa silid na aking ginisingan. Tama, hindi ko pala ito silid dahil nasa condo unit ako ngayon ni Nathan. Nang magising na ang aking buong diwa ay saka ko lang napansin ang posisyon naming dalawa na labis kong ikinagulantang.
Pareho kaming nakakumot dalawa sa iisang kumot na pinagsaluhan namin, ngunit...
Nakahigang nakatihaya si Nathan habang ako ay nakaunan sa kanyang bisig. Ang mas nakakagulat pa ay sa hindi ko sinasadya at hindi ko mawari. Gulat na gulat ako kung bakit ay nakapasok na ang aking kamay sa loob ng kanyang brief at nakawak ako sa napakatigas niyang sandata!
Mabilis akong bumalikwas at napatayo palayo sa kama. Gulat na gulat ako sa bubungad sa akin sa aking paggising. Wala akong alam kung bakit nandoon ang kamay ko. Nagulat na lang ako na nakahawak ako sa maselan niyang parte na wala naman akong kamalay-malay.
Napatingin ako sa kanyang gitnang katawan at nakaramdam ako ng mabilis na tibok sa aking puso. Nang makita ko na ang kumot na parang tent dahil sa tayong-tayo niyang ari sa ilalim.
Ilang sandali pa ay nagising na si Nathan. Pupungas pa siyang gumising at nag-unat ng kanyang mga kamay.
"Morning tol!" bati niya sa akin nakangiti.
"M-morning r-rin..." pautal-utal kong sagot na lamang.
"Napano ka d'yan? Ang aga-aga para kang hindi mapakali?"
"Uhmnn... ano kasi... uhmnn... ano..." putol-putol ko namang sagot na nakaiwas ng tingin sa kanya.
Hanggang sa ma-realize niya kung bakit ako nauutal-utal sa pagsasalita.
"Ay! Sorry tol... umaga kasi eh."
Mabilis niyang inayos ang harapan at napakamot pa sa ulo.
"S-sige tol. Punta na muna ako sa sala. Bangon ka na lang d'yan k-kapag gusto mo na." ani ko't mabilis siyang iniwan sa loob ng silid.
Nang makalabas na siya sa loob ay nakapantalon na siya dahil wala naman siyang ibang shorts na susuotin. Habang nakahubad pa rin siya ng pang-itaas.
"Oh, kamusta naman ang tulog mo? Nakatulog ka ba ng mabuti?" siya.
"Medyo lang, ang likot-likot mo kasing matulog."
"Pasensya ka na... nasanay kasi akong matulog mag-isa eh." masigla niyang sagot.
Ngumiti na lang din ako at pilit na kinalimutan ang aking nadatnan kanina paggising upang hindi maging nakakaasiwa ang usapan.
Nag-agahan kami at tulad kagabi ay nagpa-deliver na naman si Nathan ng pagkain. Gusto ko nga sanang makiambag sa bayad ng pagkain subalit sabi niya ay siya na raw ang bahala. Nagpumilit man ako ay wala na rin akong nagawa sa huli. Masyado kasing makulit si Nathan.
"Punta tayo ng laundry shop mamaya tol para malabhan yang mga damit mo. Madali lang ding matutuyo yang mga damit mo. May drier din kasi sila."
"Hay salamat. Mabuti naman kung ganun. Mas mapapadali ako nito."
"'Tsaka mamaya punta tayo ng mall tol. May bibilhin lang ako."
"O sige... gawin mo 'kong chaperon. Ako na lang magdadala lahat ng bibilhin mo."
"Mas mabuti na nga kung ganun. Para naman makapagbuhat ka ng mga mabibigat. Para na rin magka-muscles ka naman ng konti. Ang payatot mo na kasi eh."
"Matutuwa ba ako sa sinabi mo... o maiinis? Basta 'wag mong damihan masyado hah. Baka mautot ako kakabuhat sa mga bibilhin mo."
Tawanan.
Mabilis na nalabhan ang aking mga damit, Nang makapunta na kami sa pinakamalapit na laundry shop.
Nakakatuwa lang talaga dahil hi-tech ang mga washing machine nila. Nang nilagay ko na ang lahat ng damit sa drier ay nagpunta muna kaming dalawa ng palengke dahil gusto niyang matikman ang luto ko. Kaya ako ang magluluto sa hapunan.
'Di kasi siya marunong. Mahigit ang isang oras ay bumalik na kami sa laundry shop at kinuha ang mga natuyo ko ng mga damit, saka kami umuwi sa condo ni Nathan.
"Tol, maghahanap na ako ng trabaho bukas. Wish me luck!" masigla kong sabi sa kanya.
Nakabalik na kami ng condo at nakaupo sa sala. Habang nanonood ng tv.
"'Wag ka na munang maghanap ng trabaho tol. Kung ang ikinababahala mo ay ang ambag mo rito. 'Wag kang mag-alala, hindi kita sisingilin. Basta maglinis ka lang dito sa condo ko... okay na ako sa ganun."
"Ganun ba?! Salamat talaga tol. Pero maghahanap pa rin ako ng trabaho para makaipon ako. Gusto kong mag-aral tol. Isang taon na lang magtatapos na tayo. Kaya gusto kong magtrabaho para sa susunod na pasukan ay may pambayad ako. Alam mo namang naputol na ang scholarship ko 'di ba? Kailangan kong kumayod para makapag-aral ako ulit."
"'Wag ka ng magtrabaho muna. Ganito na lang... ako na lang ang magpapaaral sa'yo. Basta hindi ka na a-absent huh? Mangako ka na mag-aaral kang mabuti. Ako na bahala sa lahat ng bayarin mo sa school. Take it from me my brother! From another mother." kwela niyang sagot.
"T-talaga t-tol?! Pag-aaralin mo 'ko tol?!" napatakip pa ako sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala sa narinig.
"Oo naman, sabi mo nga na ang yaman-yaman ko 'di ba? Kaya pag-aaralin kita! Basta promise mo sa'kin na mag-aaral ka ng maayos huh? Bigla ka kasing nawalan ng gana mag-aral last sem. Tuloy naputol ang scholarship mo. Ako na ang—"
Hindi na na niya natapos pa ang sasabihin ng mabilis ko siyang yakapin.
"Tol salamat talaga! Salamat tol... ikaw talaga ang palaging tumutulong sa'kin. Salamat tol!" napaluha ako sa tuwa at napakahigpit kong niyakap si Nathan.
"Wala yun. Tropa tayo... basta tropa, walang iwanan. Sabay tayong gra-graduate. Walang maiiwan." nagpatango-tango na lang ako sa kanya at hindi maikakaila ang sobrang tuwa sa aking mukha.
EKSAKTO at pagdating namin sa mall ay bukas na ito. Akala ko ay diretso kami sa grocery. Pero nagpunta muna kami sa isang cell phone store. Para naman akong buntot ni Nathan at sunod lang ako nang sunod sa kanya. Nang makapasok kami sa loob ay agad kaming hinarap ng sales representative at tinulungan kung ano ang mga nauusong cell phone ngayon.
"Tol saan d'yan ang maganda? Tingin mo?" tanong ni Nathan sa akin.
"Ewan ko ba... ako pang tinanong mo. Eh, alam mo namang ignorante ako sa mga ganyang bagay. Hanggang nokia lang ang alam ko."
"Mamili ka na nga lang. Alin ba d'yan ang sa tingin mo ay magugustuhan mo?"
Napaisip ako sandali.
"Bibili ka ng bagong cell phone? Ang ganda na kaya ng cell phone mo. 'Di ba latest model yan?" tanong ko.
"Gusto ko dalawa cell phone ko. Para sa'yo alin d'yan ang pinakamaganda?"
"Hay naku... ang gastos mo talaga tol." sagot ko na lang.
"Kung ako ang papipiliin mo... mas gusto ko yang isa na mas mura. Maganda naman ang camera niyan. Makakapag-selfie ka pa rin d'yan na maganda ang kuha."
Agad namang sumagot ang sales rep at ipinaliwanag ang mga features ng phone na pinili ko.
"Sige ito na lang." sabi ni Nathan ng makapili na.
Binili niya kaagad ang napili na cell phone at dumiretso na kami sa grocery section. Ako mismo ang namili ng mga gulay. Dahil ako ang magluluto mamayang gabi. Habang siya naman ay kahit anu-ano ang pinagkukuha at nilalagay sa cart namin.
Nang mabayaran na ang pinamili, iniwan muna namin ang mga ito sa baggage counter at nanood ng bagong palabas sa sinehan. Pagkatapos ay dumaan muna kami sa clothes section at bumili siya ng mga kahit anu-anong mga damit na pambahay at panglakad. Pati na rin underwear. Bumalik kami at kinuha ang mga pinamili namin ng matapos na sa pamimili.
Diretso na sana kaming uuwi ng maisipan ko na bumili muna ng charger sa divisoria para sa cell phone ko. Naiwan ko kasi ito ng lumayas ako kaya battery empty na ang aking cell phone. Mabuti na lang at may nakita kaagad akong charger na katulad sa aking cell phone kaya ng makabili na ay kaagad na kaming umuwi.
"Tol, asan na ba yung cell phone na binili ko?" si Nathan.
Nasa loob na kami ng condo unit niya.
"D'yan sa puting cellophane. Sa dami ng pinamili mo ay nalilito ka na." nakangiti kong sabi.
Nang makita na niya ito ay mabilis niya itong inabot sa'kin na nakalagay pa sa kahon nito na siya kong ipinagtataka.
"Bubuksan ko tol?" tanong ko.
"Oo... pakibukas."
"Okay dokey!" sagot ko.
Nang mabuksan ko na ito ay iniabot ko ito sa kanya. Subalit hindi niya ito tinanggap.
"Tol, hindi talaga para sa akin yan. Para sa'yo yan." si Nathan.
"HUH?!" bulalas ko.
"Oo, para sa'yo talaga yan. Alam ko kasi na hindi mo yan tatanggapin kung sasabihin ko na para sa'yo yang cell phone. Atsaka bumili na rin ako ng mga damit mo. Yang binili kong mga damit ay para sa'yo yan lahat."
"T-tol... hindi ko matatanggap ang mga ito! Tol, sobra-sobra na 'tong tulong na ginagawa mo para sa'kin. Sorry tol... pero hindi ko matatanggap ito."
"Hay... yan ka na naman eh. Kaya nga hindi kita sinabihan na para sa'yo yan para kapag nakauwi na tayo ay wala ka ng choice. Tapos ngayon tatanggi ka pa rin?"
"Eh kasi naman, nakakahiya na eh..."
"Tanggapin mo na nga lang 'tong pinamili ko. Dami mo pang arte, hindi ka naman cute!" pang-aalaska niya na nakangiti.
"Pero tol—"
"Wala ng pero-pero... tanggapin mo na yang mga yan."
Nakatingin siya sa akin ng matalim. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Oo na... tatanggapin ko na nga lang. Tatanggapin ko 'to dahil alam ko na cute ako noh!" sagot ko naman.
"Asa ka pa!" sagot niya at natawa na lamang kaming dalawa.
"Pero babayaran ko 'to lahat tol. Maghahanap na ako ng trabaho bukas. Para naman makapag-ambag man lang ako ng kahit konti man lang. Salamat tol hah? Ang laki-laki na ng utang ko sa'yo."
"Ayan ka na naman eh... kapag ako talaga humiling ng bayad kaagad magsisisi ka talaga." sabi niya na may halong pagbabanta.
"Sabihin mo tol kung ano... gagawin ko talaga. Dapat na magbayad ako nito noh... sobra na 'tong naitulong mo sa'kin." desidido kong sagot.
Lumapit siya sa akin hanggang sa halos magdikit na ang aming katawan. Yumuko siya saka nagsalita.
"Ano kaya kung tsupain mo 'ko tol..." sabi niyang maloko na may halong pang-aakit ang boses.
Natigilan ako.
Puro siya kalokohan. Tingnan ko lang kung magloloko pa siya sa gagawin ko.
"O sige... gagawin ko ang gusto mo." sabi ko sa kanya na malumanay habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Kitang-kita ko ang rumehistro sa kanyang mukha. Lumaki ang kanyang mga mata at napatunganga siya sa narinig.
Dinaklot ko ang kanyang sinturon at dahan-dahang kinalas ito habang nakatingin sa kanyang mga mata na walang emosyon. Napalunok pa siya ng laway ng makalas ko na ito. Unti-unti kong ibinaba ang kanyang zipper habang nagtatama ang aming mga mata.
"T-tol... a-anong g-gagawin mo... t-tol—"
Halos hindi siya makapagsalita ng maayos dahil sa aking tugon na ipinapakita sa kanya. Hindi rin niya natapos ang sasabihin ng idinampi ko ang aking hintuturo sa kanyang mga labi. Naestatwa na lang siya. Naramdaman ko pa na nanginig ang kanyang mga labi.
Hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang aking sarili...
Napabuhakhak ako ng tawa at halos magluluhod ako sa sobrang halakhak. Halos maluha pa ako sa sobra kong pagtawa. Hanggang sa ako ay nakapagsalita na.
"Oh ayan! Natameme kang unggoy ka? Puro ka biro! Eh, nung pinatulan ko yung biro mo natameme ka na lang d'yan!" at bumuhakhak na naman ako sa pagtawa.
"Tang ina ka tol... kinabahan ako sa ginawa mo... kala ko talaga tototohanin mo yung sinabi ko. Natakot ako dun ah." sabi niya na halatang kinabahan.
"Yan kasi... tameme ka naman pala. Sige, mag-joke ka pa ng ganyan sa'kin. Akala mo hindi kita papatulan? In your face! In your face! Kung nakita mo lang sana ang mukha mo kanina. Para kang hangal! Ang tanga mong tingnan!" sigaw ko at natawa uli.
"Tang ina tol, 'wag ka ng magbiro ng ganun huh? Nakakatakot ka pala." nasabi na lang niya at napakamot pa sa kanyang ulo.
Nagtawanan na lang kami.
Nang lumipas pa ang mga araw ay wala akong naramdamang pangamba at problema. Sobrang saya ko dahil hindi ako pinabayaan ng aking matalik na kaibigan. Nakapagpahinga ako ng maayos dahil walang nag-uutos sa akin ng kahit anu-ano. Hawak ko ang oras ko.
Hanggang sa nagdaan pa ang mga araw at napansin ko na lang na mag-iisang linggo na pala akong nakatira sa condo na kasama si Nathan.
Nasa sala ako ngayon at kasalukuyang hinihintay siyang umuwi. Pumunta kasi siya sa bahay niya upang magdala pa ng mga damit dahil kaunti lang ang damit niyang pambahay dito sa condo. Kaya kumuha muna siya ng mga iilang gamit sa bahay niya dahil napagpasyahan niyang samahan ako rito.
Gusto niya kasing dito na muna tumira kasama ako dahil nabo-bored na raw siya sa bahay niya. Siya lang kasi ang mag-isa dun.
Isinaksak ko na ang charger na nabili a divisoria. Nakalimutan ko kasi na isaksak ang luma kong cell phone. Ngayon ko lang naalala pagkalipas ng isang linggo na hindi ko na pala ito ginagamit. Nakalimutan ko kasi sa aking bag.
Nang maisaksak ko na ito ay hindi pa nag-iisang oras ay nag-ring na lang itong bigla. Nagtaka ako kung sino ang tumatawag kaya tiningnan ko ito.
Papa Calling...
Itutuloy...
Feel free to Follow me and Comment! Follow niyo na po ako para ma notify kayo palagi. ^_^/
Sana meron silang kanaan ni Nathan, hehehhe
ReplyDelete