Tirik na tirik ang araw at napakainit. Nanlilimahid ako sa pawis dahil sa panahon.
Halos hilahin ko ang mga minuto at ang mga oras na nagdaan. Atat na atat na akong umuwi ngayong araw para makasama ang aking kasintahan. Tuwang-tuwa ako lalo pa at ngayong araw ay ang unang anniversary namin bilang magkarelasyon.
Hindi ko namalayan ang takbo ng panahon at mag-iisang taon na pala kami. Masyadong mabilis ang daloy at paglipas ng mga araw at linggo. Hanggang sa naging buwan at naging taon. Subalit gaano man kabilis ito ay handa akong magpatianod dito. Basta't kasama ko lang siya sa bawat araw na lilipas.
Kaya naman ngayon ay sobrang excited na akong umuwi sa kanya. First time naming mag-celebrate ng ganito. Matagal ko ng hinihintay ang araw na ito at pinaghahandaan ang itinakdang araw dahil mag-iisang taon na kami.
Nasa ikatlong taon na rin ako sa aking pag-aaral at kaunting panahon na lang ay makaka-graduate na rin ako. Maaabot ko na rin ang aking mga pangarap. Ilang panahon na lang... ilang sakripisyo pa at makakamit ko na rin ito.
Nang matapos akong mamalengke ay wala na akong sinayang na panahon pa. Diretso kaagad akong umuwi para makasama siya lalo pa at gusto ko na siyang surpresahin.
Naglalakad na ako pauwi sa amin habang nakatingin sa isang maliit na larawan sa aking wallet. Hindi maalis-alis sa aking mukha ang ibayong saya. Naaalala ko pa ng siya mismo ang naglagay ng kanyang picture sa wallet ko noong unang monthsary namin.
Naaaliw talaga ako kapag nakikita ko ang mumunting kapirasong larawang ito. Nakatayo siya dito at masaya. Hindi maikakaila ang kanyang matamis na ngiti. Napangiti na lang ako habang naglalakad.
Nang makaabot na ako sa amin ay diretso kaagad akong pumasok sa loob ng apartment at nagluto ng iilang putahe na mga paborito niya. Pati na rin mga panghimagas na paborito niya ay gumawa na rin ako.
Pagkatapos nito ay naligo na ako para naman hindi ako amoy ulam. Gusto ko siyang surpresahin dahil kaninang umaga ko pa siya hindi pinapansin. Binati ko lang siya ng good morning sa text at hindi na siya pinansin pa.
Alam kong nagtatampo siya ngayon dahil panay ang parinig niya sa akin sa espesyal na araw na ito sa kanyang mga texts. Pero hindi niya sinasabi ng direkta, nagpaparinig lang siya para maaalala ko na espesyal ang araw na ito para sa amin. Subalit nagpatuloy lang ako at nagkunwari lamang na nakalimutan ko na ang anibersaryo naming dalawa.
Natawa na lang ako ng tinawagan ko siya sa cell phone dahil halatang busangot ito at ayaw na akong kausapin. Akala niya siguro ay nakalimutan ko na ang araw na hinihintay namin. Yun ang akala niya dahil sa hindi niya alam ay naghanda ako ng surpresa para sa kanya.
Paglabas ko sa banyo ay baha na ang texts at ang kanyang mga missed calls. Napangiti na lang ako. Kaya naman, nag-reply kaagad ako na gabi na ako makakauwi dahil kuno ay busy ako sa mga iniuutos ni papa. Hindi na siya sumagot pa. Halatang nagtatampo. Siguro ay galit na ito ngayon.
Mabuti na lang at gabi na kapag umuuwi si papa kaya malaya akong nakaluto ngayon dahil tanghali pa naman.
Nang makapagdamit na ako ay lumabas kaagad ako ng bahay at pumunta sa kanya. Hindi naman naka-lock ang pinto niya kaya diretso akong pumasok sa loob nang dahan-dahan at hindi gumagawa ng kahit ano mang ingay dahil gusto ko siyang surpresahin. Maingat kong isinara ang pinto at ni-lock. Dala-dala ang mga inihanda ko.
Mabilis kong inihanda ang mga ito sa lamesa para makita niya kaagad kapag bumaba na siya. And'yan ang chocolate cake na paborito niya. Leche flan, ice cream, macaroni at spaghetti. Pati na rin ang fruit salad at buko pie ay hindi ko kinalimutan. Ang ibang dessert ay binili ko na lamang para makatipid sa oras.
Nagluto rin ako ng fried chicken, adobong baboy at afritada. Kilawin at kaldereta para sa kanyang pulutan. Sigurado akong matutuwa siya. Ang hindi ko lang nailuto na paborito niya ay ang bulalo. Ang tagal naman kasing lutuin nito.
Alam ko kasing nasa kwarto niya lang siya. Nagtago muna ako sa likod ng pintuan sa likod bahay para hindi niya ako makita. Dito ko napansin ang palumpon ng mga bulaklak na itinapon na lang sa basurahan. Talagang nanghinayang ako rito. Magaganda pa naman ito lalo na ang mga mapupulang rosas na kay lalaki pa.
Pakiramdam ko ay para sana ito sa akin. Pero itinapon niya na lang dahil sa pag-aakalang nakalimutan ko na talaga ang anniversary namin. Lubos akong nanghinayang kaya pinulot ko ito at muling inayos. Sayang naman kasi.
Nang maiayos ko na ang mga bulaklak ay itinago ko na lang muna ito sa may sala.
Kaagad ko siyang tinawagan subalit hindi niya naman sinasagot ang tawag ko. Talagang lumalaban ang lalaking ito sa painisan at patigasan. Kaya hindi ako tumigil sa kakatawag hanggang sa sagutin niya na ito.
"Oh, bakit ka napatawag?" halata sa baritono niyang boses ang lamlam at inis.
"Nasa kwarto ka love? Baba ka muna. Andito ako sa labas." at kaagad kong ibinaba ang aking cell phone.
Ilang saglit lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan sa taas. Kasunod nito ay bumaba na siya nang dire-diretso papunta sa pintuan sa harap. Naka-shorts lamang siya habang bumababa.
Hindi niya man lang napansin ang lamesa. Nang mabuksan niya ang pinto ay mabilis niyang isinara ito ulit. Nasa likod lang ako ng apartment at sumisilip sa may bintana. Nakita ko ang galit na galit niyang mukha ng wala siyang nadatnan sa pintuan. Tatawagan na niya sana ako ngunit mabilis kong pinatay ang aking cell phone kaya hindi niya na ako natawagan pa.
Mas lalo pa siyang nainis dahil dito. Kitang-kita ko ang pagtigas ng kanyang mga panga. Galit na talaga siya. Akmang aakyat na sana siya ulit ng mapansin niya na ang nakahandang mga pagkain sa lamesa. Gulat na gulat siya at natigilan na lang.
"Surprise!!! Happy Anniversary!" sigaw ko at bumungad sa pintuan sa likod-bahay.
Hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Napatakip na lang siya sa kanyang mga mata at hindi naitago ang ibayong tuwa sa kanyang mukha.
"Oh, gulat ka noh?" sabi kong nakangiti.
Mabilis siyang lumapit at yumakap sa akin ng napakahigpit. Naririnig ko pa ang kanyang kagalakan at saya.
"Akala ko kinalimutan mo lang." wika niyang parang naglalambing at parang nagtatampo.
"Sure ka? Kakalimutan ko talaga ang anniversary natin?" sagot ko pa.
Mabilis niya akong binuhat na para bang bagong kasal lang kami ng hindi ko inaasahan. Napatili na lang ako dahil sa kanyang ginawa. Talagang tuwang-tuwa siya sa surpresang hinanda ko para sa kanya.
Pinaliguan pa niya ako ng mga halik sa aking mukha at leeg na nagpakiliti sa akin. Kunwari tinutulak-tulak ko pa ang mukha niya para pigilan siya dahil nakikiliti ako. Pero sa totoo lang ay gustong-gusto ko naman.
Ang arte-arte ko talaga... ang landi. hehe.
"Ang dami nito love oh, baka naman naubos ang pera mo dito huh?"
"Hindi naman, inipon ko kaya ang mga allowance na binibigay mo sa akin. Kaya ang dami ko ng pera noh. Mas may pera na nga siguro ako kaysa sa'yo ngayon." natawa na lang siya sa aking sinabi.
"Happy first anniversary love!" at humalik siya sa aking labi.
"Happy first anniversary din love." at hindi namin napigilan ang matatamis naming mga ngiti na para sa isa't isa dahil sa aming kaligayahan.
Nang makontento na siya ay ibinaba na niya ako at pinaupo sa hapag. Nagulat na lang ako ng binuksan niya ang ref at kinuha ang isa pang cake na mas malaki pa sa cake na dala ko. Ang nakakatuwa pa ay hugis puso pa ito. Na may nakasulat na "Happy First Anniversary Love!" na katulad din sa nakasulat sa cake kong binili at pinasadya kong lagyan ng dedication.
"Charan! May cake din ako para sa'yo." sabi niya na parang bata.
"Bibili pa sana ako ng ibang pagkain eh. Kaso hindi na lang ako bumili kasi akala ko nakalimutan mo na ang anniversary natin." patuloy pa niya.
"Okay lang, ang dami ko namang niluto at binili oh. Hindi naman natin mauubos yan." sagot ko.
"Salamat love... pasensya ka na love huh? Hindi natin maisi-celebrate sa labas. Hindi kita madadala kahit sa sinehan man lang at sa mga lugar na gusto mong puntahan." bigla siyang nalungkot ng sabihin niya ito.
"Ano ka ba? Okay lang noh. Ang mahalaga magkasama tayo. Alangan naman lumabas pa tayo. Baka may makakita at makakilala pa sa'yo." sagot ko.
Ngumiti na lang siya at hinawakan ang aking kamay.
"Ang cute-cute mo talaga." sabay pisil niya sa aking pisngi na nanggigigil.
"'Tsaka nag-mask ka ba kanina ng bumili ka nitong cake?" tanong ko.
"Oo naman, alam mo namang maingat ako." sabi nito na patuloy akong pinipisil.
Hinahayaan ko na lang siya. Palagi kasi niya itong ginagawa kapag naglalambing.
"Teka lang love, saglit lang may kukunin ako sa likod." mabilis siyang tumayo at nagtungo sa likod bahay at mabilis rin naman siyang bumalik. Nagtataka siya at napapaisip.
"Asan na ba yun? Nandun lang yun kanina eh." ang nasabi na lang niya.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa sala at bumalik na dala na ang bouquet ng mga bulaklak na itinago ko.
"Ito ba ang tinutukoy mo huh?"
"Oy, saan mo nakuha yan?"
"Eh di sa basurahan. Tinapon mo kasi dun."
"Ganun ba? Sorry huh, para sa'yo talaga yan... akala ko kasi hindi na tayo magsi-celebrate eh. Kaya tinapon ko na lang tuloy... gusto mo bili na lang ako ng bago?"
"'Wag na... okay na 'to. Feeling ko tuloy babaeng-babae ako, hmmp!" natawa na lang siya sa aking sinabi.
"Halika nga." sabay tampal niya sa kanyang mga hita para umupo ako sa kanya.
"'Lika na nga kasi eh... dali!" ani niya ng nagdadalawang-isip pa ako.
"Bilis na!"
Kaya wala na akong nagawa at umupo na lang sa kanyang kandungan ng patalikod.
Mahigpit niya akong niyakap at ipinatong pa ang kanyang baba sa aking balikat.
"Salamat love huh? Sobrang saya ko ngayon dahil sa surprise mo sa'kin... I love you." sabay halik niya sa aking pisngi.
"Bolero! Kain na nga lang tayo at nagugutom na ako!" tumawa na lang siya.
Masaya kaming kumaing dalawa. Talagang ang saya-saya niya kaya naman sobra rin akong masaya dahil sa nakikita ko sa kanyang mga mata ang ibayong tuwa. Walang mapagsidlan ang aming kaligayahan. Kahit simple lang ang naihanda ko ay nagpapasalamat talaga ako dahil nasiyahan siya sa aking ginawa.
Aalis na sana ako sa kanyang kandungan para makaupo ako ng maayos. Ngunit, ayaw niya. Gusto niyang kumandong lang ako sa kanya. Kaya wala na rin akong nagawa. Mapilit kasi siya.
Nag-request pa siya na subuan ko siya ng pagkain dahil ito ang gusto niya. Demanding talaga ang kumag. Pero ng hindi ko sinunod ang utos niya ay hindi na ito nakikipag-usap pa. Kaya ginawa ko na lang, sa totoo lang natutuwa rin naman ako sa aking ginagawa. Kahit na naaasiwa ako dahil parang sobrang cheesy na. Pero okay lang, ganito naman talaga kapag nagmamahal 'di ba?
Yun ang gusto niya, kaya ginawa ko na lang din. Pinagbigyan ko na lang tutal anniversary naman namin. Sinusubuan niya rin ako, aayaw pa sana ako subalit talagang napakamapilit niya. Kaya sa huli hinayaan ko na lang siya. Mahirap na, baka sumimangot na naman ulit. Panay rin ang kuha niya sa kamay ko at hinahalikan ito.
Pakiramdam ko ay isa akong reyna sa mumunting palasyong ito at siya ang aking hari. Hinihiling ko sa kalangitan na sana 'wag ng matapos ang kaligayahang ito. Sana wala ng katapusan pa ito.
Nang matapos kumain ay tinulungan niya akong magligpit. Pagkatapos ay nagpahinga na muna kami sa sala at nanood ng palabas. Kinikilig ako kahit sa mga sweet nothings namin. Mga bulungan at tawanan. Puro masaya lang.
"Love, baka naman may gusto ka pang kainin?" sabi nito habang nakaakbay sa akin. Nakaupo kami sa sofa.
"Wala na! Busog na busog na nga ako. Ang dami ko kayang kinaing lanyera ng leche flan."
"Ikaw kasi ang takaw-takaw mo."
"Ang sarap naman kasi eh." wika ko.
"Sure ka na busog na busog ka na?"
"Oo nga, busog na ako noh. Parang gusto ko na ngang matulog eh."
"Eh paano naman yan? Ayaw mo bang kumain niyan?" sabay nguso niya sa kanyang harapan.
"Hoy! Tigil-tigilan mo nga ako... pagod ako ngayon." sabi ko na pinandilatan pa siya ng mata.
"Eh di mamasahiin kita para mawala ang pagod mo." sabay ngiti nitong nakakaloko.
"Hmmnn... alam ko na mga galawan mong yan. Tigil-tigilan mo nga 'ko matandang mahilig."
"Sige na love... dalawang linggo na kaya akong tigang. Hindi ka ba naaawa sa akin?" sabi nito sabay paawa na parang tuta.
"'Wag mo 'kong tingnan ng ganyan... magtigil ka nga. Wa epek yang pagpapa-cute mo!" at hindi ko na siya pinagbigyan ng pansin pa.
Simula ng mas tumagal kami ay naging mas madalang na ang pagsi-sex namin. Marami na rin kasi akong ginagawa lalo pa at ng magbakasyon na ay nag part time job ako bilang isang waiter sa isang hotel. Tutal bakasyon naman kaya minabuti ko na lang na magtrabaho para naman makatulong sa gastusin sa bahay.
Ito rin kasi ang gusto ni papa para may silbi naman daw ako. Bakasyon pa, kaya dapat nagtratrabaho ako. Dahil kapag pasukan na naman ulit ay titigil na ako sa pagtratrabaho para daw focus ako sa pag-aaral.
Ayaw kasi ni papa na nagtratrabaho ako habang nag-aaral at baka maapektuhan pa raw ang mga grado ko. Mas mabuti raw ang ganito para ma-maintain ko ang pagiging scholar kaya wala akong binabayaran sa unibersidad.
Mabuti na lang at day off ko ngayon kaya nakapag-celebrate kami. Pero kahit na may trabaho ay liliban pa rin ako. Syempre ayaw ko na maramdaman niya na parang hindi mahalaga ang anniversary namin. Gusto kong maramdaman niya na sobrang mahalaga ito para sa'kin.
Naiintindihan naman niya ako dahil palagi akong pagod kung umuwi. Kaya naging madalang ng may nangyayari sa amin.
Subalit bumabawi naman ako sa kanya. Katunayan ay sa kanya na ako natutulog kapag gabing-gabi na at tulog na si papa. Lumalabas ako sa balkonahe at dito dumadaan patungo sa kanyang apartment.
Hindi naman kasi niya nila-lock ang pinto dahil hinihintay niya ako palagi na pumunta sa apartment niya. Kaya gabi-gabi ay magkatabi kaming natutulog sa kanyang silid. Ito ang naging set-up naming dalawang magkasintahan sa aming lihim na pagmamahalan.
Pero maaga akong gumigising upang bumalik sa apartment para maihanda ang almusal ni papa at pati na rin lahat ng kailangan niya.
Sa totoo lang ay mas gusto ko na rin na walang masyadong nangyayari sa aming dalawa. Gusto ko kasi na hindi maging sentro ng aming relasyon ang puro sex lang. Kaya ipinapakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal sa pamamagitan ng aking pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanya. Hindi ko siya hinahayaang mag-isa. Palagi kong pinaparamdam na siya lang ang nag-iisang lalaking para sa akin.
Kahit na ganun pa man ay okay lang sa akin kung tutuusin. Mas gusto ko talaga na wala munang nangyayari sa amin. Masaya na ako kahit sa pag-aasikaso lang sa kanya.
Talagang sapat na ito para sa akin. Ang mahalaga kasama ko siya at nakikita ko siya palagi. Ang makasama at mapagsilbihan ko siya ay napakalaking bagay na para sa akin. Kontento na ako rito talaga. Basta 'andito lang siya sa tabi ko ay parang kakayanin ko lahat-lahat kahit na gaano pa man kahirap ito.
Katunayan nga ay sa kanya na umiikot ang mundo ko. Kahit kaibigan ko ay handa kong iwan para sa kanya. Kahit na ayaw kong iwasan ang kaibigan kong si Nathan ay umiwas ako. Kinausap ko na lang si Nathan na hindi na lang kami magpapansinan kapag nasa labas na kami ng unibersidad dahil ayaw niyang sumasama pa ako sa kaibigan ko.
Kahit na naguguluhan si Nathan ay pinaliwanagan ko na lang siya at nagsinungaling na lang ako na may nagbabantay sa akin sa labas na pinsan kuno ng girlfriend ko. Sinabi ko na lang na ayaw ng girlfriend ko na makakarinig na sumasama ako sa mga basag-ulo sa unibersidad na katulad niya.
Nang marinig yun ni Nathan ay nalungkot talaga siya. Kahit naman ako, masakit din para sa akin na iwasan ang matalik kong kaibigan. Pero ito ang dapat kong gawin para hindi na magalit pa si love. Mahirap para sa akin at labag ito sa gusto ko, pero gagawin ko dahil ayaw kong nag-aaway kami. Ayokong nagagalit siya.
Buti na lamang at naiintindihan ako ni Nathan. Suportado niya ako kaya umiiwas na siya sa akin kapag nasa labas na kami ng unibersidad. Pero nag-uusap pa rin naman kami kapag nasa loob kami. Lalo na at mag-classmate pa rin kami sa mga minor subjects.
Nilihim ko na lang sa lalaking mahal ko na kaibigan ko pa rin si Nathan. Magseselos na naman kasi siya. Eh wala naman siyang dapat pagselosan.
Kaya kapag lumalabas na ako ng unibersidad ay parang hindi na kami magkakilalang dalawa. Hindi na rin kami sabay lumalabas. Mahirap na at baka makita pa niya, lalo pa at sinusundo niya ako araw-araw kapag uwian na gamit ang motor niya.
Habang tumatagal ay mas nakikilala ko pa ang lalaking minamahal ko. Mas nakilala ko pa siya ng lubusan. Talagang bruskong-brusko siya dahil dating pulis nga. Malambing pero napakaisip bata, lalo na kapag nagpapapansin siya. May pagka possessive siya at talaga namang naknakan ng seloso. Pero madali naman siyang suyuin. Lambingin mo lang ng konti at konting pa cute lang. Okay na lahat. Hindi siya mahirap kausap.
Nagpatuloy kami ng panonood ng tv at habang kinakausap ko siya ay hindi na niya ako pinapansin pa. Patuloy lang siyang nanood ng palabas at nagbingi-bingihan sa aking mga sinasabi.
"Hay... nagtatamporurot na naman ang napakalaking mama..." ang nasabi ko na lang subalit nanatiling nanahimik lamang siya.
"Ayaw mo talaga akong kausapin?" wika ko at hindi niya ako nilingon at kinausap pa. Kaya nanahimik na lang din ako.
Nagtatampo na naman siya dahil hindi ko siya pinagbigyan. Pagkalipas pa lang ng ilang minuto ay saka pa siya nagsalita.
"Anong klaseng anniversary 'to kung hindi ka naman pinagbibigyan. Yun na nga lang nakakapagpasaya sa'kin... pinagdadamot pa! Hindi man lang naawa." padabog na pagpaparinig niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ang kulit-kulit talaga!
"Sige na, sige na nga... pagbibigyan na." kalmado kong sagot na parinig sa kanya na nakatingin pa rin sa tv.
"T-talaga?"
Nang lumingon ako sa kanya ay nag-iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napalitan na ito ng kasabikan at tuwa.
"Oo na... pero mamayang gabi pa."
"Tang ina naman eh! Bakit mamayang gabi pa!? Pwede naman ngayon eh. Sige na love, ngayon na..." at nagpaawa na naman siya.
"Napaka mo talagang lalaki ka... mamaya na nga kasi." ani ko.
Tinitigan niya ako na parang nagdududa.
"Promise..." sagot ko.
"Basta mamaya hah? Humanda ka talaga sa'kin. Papagurin talaga kita mamaya." sabi nitong gigil na gigil.
"Ikaw ang humanda dahil tutuyuin talaga kita mamayang gabi." at napangisi siya sa aking sinabi.
Tawanan...
"Teka lang love, may gift pa ako sa'yo."
Nagmamadali siyang umakyat sa taas at pagkababa niya ay may dala na siyang maliit na box na nakabalot pa sa isang gift wrapper.
"Buksan mo love." sabay abot niya nito sa'kin.
Excited naman akong binuksan ito, at ikinagulat ko ng makita ko na ang laman nito.
"Hala, cell phone?! Bat' nag abala ka pa... napagastos ko pa tuloy. Mahal ba 'to?"
"Ayaw mo ba?"
"Syempre gusto ko dahil galing sa'yo. Pero baka mahal ito love?"
"Alam kong sasabihin mo na yan kaya hindi mahal yung binili ko... 10k yan pero eksakto at may sale kaya 7k na lang ang binayaran ko." sabay ngiti niya.
"Ay, mahal pa rin ito love eh. Sana hindi ka na lang gumastos pa. Okay lang naman sa'kin kahit wala na eh." sabi ko na parang nasasayangan.
"Akala ko naman matutuwa ka sa anniversary gift ko sa'yo... hindi naman pala." kaagad na pagmamaktol niya.
Umupo na lang siya sa kabilang dako ng sofa at halatang malungkot ang kanyang mukha. Kaya dali-dali akong bumawi. Mabilis ko siyang niyakap ng napakahigpit at hinalikan siya sa pisngi.
"Salamat love, nagustuhan ko yung binili mo para sa akin. Thank you talaga." masigla kong sabi.
"Oh pano ba yan... asan yung gift ko?" tanong niyang nakataas pa ang mga kilay.
"Syempre meron, ako pa?" at inilabas ko sa aking bulsa ang isang bracelet na yari sa silver.
Napatawa na lang siya habang isinusuot ko sa kanyang braso ito.
"Baka mahal 'to?"
"Hindi naman masyado, atsaka ilang buwan ko rin yang pinag-ipunan para sa'yo. Para maibili rin kita ng kahit ito man lang. Lage na lang kasi ikaw ang nagbibigay... gusto ko na ako naman."
"Ngayon ko lang napagtanto na patay na patay ka talaga sa'kin noh? Ganun na ba ako kagwapo?" sabay papogi pa niya.
"Wow, ang hangin... sobrang lakas ng hangin... nakakahiya naman sa mga bagyo." natawa na lang siya.
"Salamat love huh? Oy teka... magkano 'to?" usisa pa niya.
"Uhm... ano, f-four thou..." nag-aalinlangan kong sabi.
"Oh, kita mo? 4k naman pala tong regalo mo tapos ang lakas ng loob mong pagalitan ako sa pagbili sa'yo ng bagong cell phone."
"Hay, oo na... ayaw ko ng makipagtalo. Kaasar!" ang nasabi ko na lang na nagpatawa sa kanya.
GABI na at tahimik kaming naghahapunan ni papa ng bigla na lamang siyang magsalita.
"Ilang linggo na lang klase niyo na naman 'di ba... nag-resign ka na ba sa trabaho mo?"
"Hindi pa po Pa... pero magri-resign na po ako. Magpapasa pa po ako ng resignation letter."
"Mabuti kung ganun. Ang mga bills ng bahay binayaran mo na ba kanina?"
"Opo, tapos na po Pa."
"Good." tipid naman niyang sagot.
Matapos kong mailigpit ang hapag at nakapaghugas ay diretso kaagad ako sa banyo upang maglinis sa aking sarili at sa butas na babarenahin ng aking kasintahan. Pagkatapos ay nagpunta kaagad ako sa aking silid. Naghihintay ako na matulog na si papa upang makapunta na ako sa kabila. Nahiga lamang ako sa aking kama habang inaantay ang pag-akyat niya para matulog. Nang bigla na lang tumunog ang aking cell phone.
Pagbukas ko ay nagulat na lang ako dahil video pala ito at kaagad na nag-play.
Kitang-kita ko ang lalaking naka-brief lamang ng puti at lantad na lantad ang hulma ng ari sa loob ng brief nito. Mahalay niyang hinihimas ang nakahulmang malaking ari sa brief at parang nang-aakit. Nag-uungol siya at sarap na sarap sa kahalayang ginagawa. Hindi makikita ang mukha ng lalaki dahil hanggang dibdib lang ang kuha ng video.
Halos maglaway naman ako sa aking nakikita. Takam na takam ako lalo pa at kilala ko ang lalaking ito na mahalay na nagpapaligaya sa kanyang sarili. Walang iba kundi ang aking boyfriend, si Kuya Bernard.
Hindi kaagad ako napakali at kating-kati na talaga para puntahan siya. Nagningas na ang alab sa aking katawan. Hinihila na ako sa makasalanang mundo ng kahalayan ng kaligayahan.
Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay ko. Umakyat na si papa sa kanyang kwarto. Rinig na rinig ko pa ang pagsara ng kanyang pintuan. Nagdiwang ako at halos mapatalon sa saya.
Naghintay muna ako ng sampung minuto hanggang sa lumabas na ako ng aking silid. Paglabas ko pa lang ay narinig ko na ang mga hilik ng aking ama sa loob ng kanyang silid dahil sa tahimik na kapaligiran. Kaya hindi na ako nag-atubili pa.
Mabilis akong lumabas sa balkonahe at dumaan dito para makapunta sa kabila. Pansin ko na madilim ang silid ng makaabot na ako na aking ipinagtaka. Nang pumasok na ako sa loob ay nakapatay na rin ang lahat ng ilaw kaya minabuti ko na dumiretso sa silid ng minamahal ko.
Pagpasok ko ay wala akong makita dahil napakadilim kaya binuksan ko ang ilaw ng bago kong cell phone subalit bigla na lamang bumukas ang ilaw sa silid.
Lumitaw ang lahat ng nasa loob at ikinagulat ko na lamang ang paglitaw ng lalaking nakauniporme ng pangpulis. Nagulat ako dahil si Kuya Bernard ito. Nakatayo siya sa aking harapan at nakangisi habang kagat pa ang isang tangkay ng rosas. Matikas ang pangangatawan at talaga namang macho. Barakong-barako. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang uniporme na matagal na niyang hindi naisusuot.
Talagang natawa ako sa kanyang kalokohan at magsasalita na sana. Kaso bigla na lang niya akong hinila at pinaupo sa paanan ng kama, at hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin.
Bigla na lang siyang nag-push-ups sa sahig at bigla na lamang tumayo nang dahan-dahan at biglang sumayaw. Gumiling siya nang gumiling na parang isang macho dancer sa aking harapan. Umaalon-alon pa ang kanyang katawan.
Pinaikot-ikot din niya ang kanyang mga kamao at tapos ay inilalagay ito sa kanyang noo. Infairness, magaling siyang sumayaw. Kahit na natatawa ako ay nakaramdam ako ng excitement at napakagat-labi pa sa kanyang ginagawa.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at inilapit ang kanyang mga labi sa aking mga labi at ginawaran ako ng halik. Napapikit na lang ako, subalit hindi ko aakalin na ipapasa niya ang kagat-kagat niyang rosas sa aking bibig. Malugod ko naman itong tinanggap, at inilayo na niya ang mukha sa akin at nagpatuloy sa pagsasayaw na ang dulot sa akin ay kiliti sa bawat himaymay ng aking laman.
Patuloy siyang sumasayaw habang dahan-dahan niya namang hinuhubad ang kanyang pang-itaas na damit at sabay tapon sa kanyang sombrero. Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking mga kamay at siya mismo ang naggiya nito sa kanyang mga dibdib. Habang maalab siyang nakikipagtitigan sa akin.
Pinadausdos pa niya ang aking kamay sa mga matitigas niyang abs. Tuwang-tuwa at takam na takam naman ako rito. Subalit ng nagkusa ako na dakmain ang kanyang harapan upang hipuin ito subalit pinigilan niya ako agad.
"Ooops... uh, uh..." saway niya.
Para akong nabitin at nanghinayang.
Nagpatuloy siya sa pagsasayaw at ang sinturon naman niya ang kanyang tinanggal at dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang slacks at ibinaba ang kanyang zipper kaya naman lumantad na ang kanyang harapan na sobrang umbok na umbok na. Nang mahubad na niya ang slacks ay ibinato niya ito sa aking mukha. Napalunok na lang ako ng aking laway at napasinghap sa antisipasyon.
Naka-brief na lamang siya ng kulay puti at patuloy lamang siyang sumasayaw sa aking harapan. Pagkatapos nito ay tinanggal niya ang dalawang sapatos at medyas niya at itinapon na lang sa kung saan. Mas lumapit pa siya sa akin at halos sa mukha ko na ang kanyang harapan. Para akong nahipnotismo at unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa sentro ng kanyang pagkalalaki. Ngunit bigla na lamang niyang inilayo ito ng malapit na ang mukha ko rito. Pinapasabik niya ako.
Masuyo niyang hinawakan ang aking baba at tinapik-tapik ito at pinatayo ako. Naging sunud-sunuran naman ako sa kanyang gusto. Hinila niya pa ako at ako naman ay parang asong sumusunod lang sa kanyang mga galaw. Sumasayaw pa rin siya at iniikutan pa ako ng bigla na lang siyang huminto sa aking likod.
Sa hindi ko inaasahan ay bigla na lang niyang pinosasan ang aking mga kamay na nasa aking tiyan..
"L-love..." kinakabahan kong sabi na may halong kasabikan.
Bigla niyang inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong.
"Tinigang mo ako ng sobra... kaya pananagutan mo itong pangtitigang sa akin! Humanda ka ngayon... gagahasain kita ngayong buong gabi! Sisibakin kita hanggang magmakaawa ka sa'kin! Ipapasok ko itong napakalaking uten ko sa'yo ng walang humpay dahil masyado mo akong pinasabik love..." at kanyang dinilaan ang aking tenga.
Nanginig na lang ako, para akong nanghina sa aking narinig. Nasasabik ako sa mga mangyayari.
SOBRA kaming napagod sa pagtutuos namin. Sobrang bilis at habol ng aming mga hininga sa tindi ng nangyari sa amin. Pati dibdib ko ay parang sasabog sa bilis ng pahinga ko.
"Haa... haa... haa... okay ka lang ba love?" hingal na hingal niyang sabi.
"M-masakit ang katawan ko... haa... haa... haa... haa..." sagot ko naman sa kanyang hinihingal.
"Sorry at hindi ko na napigilan ang sarili ko... haa... haa... haa... haa... ang sarap mo kasi eh. Ang hirap kasing magpigil. Sorry talaga love haa... haa... haa..." sabay halik niya sa aking noo na humahangos pa.
"Pahinga na muna tayo... para akong mahihimatay sa pagod. Grabe ka, ang sakit ng pwet ko sa'yo, hmmf... hmmf... hmmf... hmmf... haa... haa... haa..."
Parehas kaming hinihingal at pagod na pagod. Lalo na ako na talagang lupaypay na. Daig ko pa ang nalantang gulay.
Parehas kaming nakahiga ngayon sa kama matapos ang nagbabagang tagpo na nangyari sa aming dalawa. Nakatihaya siyang nakahiga at ako naman ay nakayakap sa kanya at ginawang unan ang kanyang mga bisig.
Hapong-hapo at halos wala na akong lakas. Nang makapagpahinga na kami ay nag-usap muna kami dahil kahit pagod ay hindi kami makatulog.
"Love, sana 'wag kang magagalit sa itatanong ko sa'yo." wika ko.
"Ano yun?"
"Mahal mo ba talaga ako? Baka kasi special attraction lang 'tong nararamdaman mo sa akin?" diretsahan kong sagot sa kanya.
"Oo naman! Anong klaseng tanong yan? Syempre mahal kita... mahal na mahal. Eh... ikaw, mahal mo ba 'ko?"
"Oo naman, mahal na mahal kita. Pero love, alam mo naman na lalaki rin ako. Kapag nalaman ng mga tao ang relasyon natin, pagtatawanan nila tayo. Kukutyain nila tayo. Ayokong pagtawanan ka nila. Kahit ako na lang, okay lang sa akin basta 'wag na ikaw."
"Eh di bahala sila sa buhay nila. Tanggap kita kung ano ka man. 'Tsaka hindi naman tayo nabubuhay para sa kanila eh. Wala silang pakialam sa atin. Ang mahalaga ay masaya tayo. Wala akong pakialam sa opinyon ng ibang tao. Kaya kapag nalinis ko na ang pangalan ko at abswelto na ako sa kaso at malaya na. Ipapakilala kita sa pamilya ko."
"T-talaga?! Paano kung hindi nila tayo tanggapin? Paano kung tutol ang pamilya mo sa atin?"
"Malaya silang tumutol hangga't gusto nila. Pero hindi kita bibitawan... ipaglalaban kita basta ipaglalaban mo rin ako. Dapat parehas tayong lumalaban kung mahal talaga natin ang isa't isa. Kung tutol pati ang Papa mo ay magtanan na lang tayo... kapag nakatapos ka na ay magsama na tayo. Handa akong panagutan ka... hindi kita iiawan sa ere. Pangako ko yan 'sayo. Pupunta tayo sa malayong lugar na tayo lang dalawa. Pwede tayong magpakalayo-layo sa lugar na walang makakakilala sa atin. Tayo lang hanggang makabuo tayo ng pamilyang masaya at malayo sa mga taong manghuhusga sa atin. Pero ang tanong... handa ka bang sumama sa'kin?" seryoso niyang sabi.
Para akong maiiyak sa aking narinig mula sa kanya.
"Oo, handa akong sumama basta and'yan ka... ipaglalaban din kita." at yumakap ako sa kanya ng mahigpit.
"Pero paano kung maghanap ka? Paano kung maghanap ka ng anak? Hindi kita mabibigyan ng anak love. Hindi kita mabibigyan ng mga supling. Hindi ka magkaka-baby sa akin. 'Tsaka gwapo ka love... maraming mga babae ang nagkakandarapa sa'yo... ano naman ang laban ko sa kanila?" malungkot kong pagpapatuloy.
"May laban ka dahil mahal kita... yun lang! Hindi kita ipagpapalit sa sinumang babae. Sabi ko naman sa'yo na okay lang kahit hindi ka babae 'di ba? Walang problema sa akin kung hindi ka magkakaanak. Pwede naman tayong mag-ampon eh... atsaka kung wala akong magiging baby. And'yan ka naman. Ikaw na lang ang magiging baby ko." sabay kindat niya sa akin.
"Lokohin mo ang lelang mo! Tsss... bolero talaga." galit-galitan ko kunwaring sabi pero sa totoo lang ay halos maluha na ako sa mga salitang kanyang binitawan.
Talagang na touched ako sa kanyang sinabi sa akin. Kahit ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may magmamahal sa akin ng ganito. Mahal na mahal ko talaga siya... gagawin ko lahat-lahat makasama ko lang siya.
Ayokong makikita niyang medyo naiiyak ako kaya isiniksik ko na lang ang aking mukha sa kanyang kili-kili.
"Hmmp... alam kong kinilig ka." pang-aasar pa niya.
"Heh!" sagot ko na lang na kanyang ikinatawa.
"Okay na ako sa'yo... mas mabuti na nga na ikaw na lang ang baby ko eh. Hindi na ako mapapagastos ng diapers, gatas, at mga gamit sa baby. Tapos hindi ka naman nagwi-wiwi sa salawal mo at nagpo-popo. Kaya hindi na mahirap alagaan. Kakatuwa nga eh. Ang laki-laki ng baby ko agad." sabay yakap niya sa akin.
"Nakakainis ka talaga! Puro ka kalokohan..." natatawa kong sagot.
"Totoo naman ah, tsaka hindi talaga magastos sa gatas dahil pwedeng gatas ko na lang inumin mo. Sabihin mo lang... alam mo namang gustong-gusto kitang rasyunan eh."
"Sira ulo ka talaga! Ewan ko sa'yo." saway ko na lang.
"Bakit, ayaw mo bang itrato kita na parang baby, huh love?"
"Tumigil ka na nga, kapag ako pumayag magsisisi ka! Pasaway akong baby." ani ko na kanyang ikinatawa.
"May point ka d'yan, talagang napakapasaway mong baby. Nang-aaway pa at matigas ang ulo."
"Wow! coming from you?"
At nagtawanan na lang kami hanggang sa makatulog kaming dalawa na masaya.
UMAGA NA at nakaalis na si papa. Kaya minabuti ko munang magpahinga at matulog dahil masyado akong napagod at napuyat kagabi. Gumising lang ako ng tanghalian at natulog ulit. Halos alas tres y media na ng magising ako. Binasa ko kaagad ang lamang mensahe sa aking cell phone. Lahat ito ay nanggagaling kay Kuya Bernard. Napangiti na lang ako.
Lumabas ako ng bahay para puntahan siya subalit laking gulat ko ng may nakaparadang sasakyan sa garahe na nasa harap ng kanyang apartment. Hindi ko alam kung sinong kotse ito kaya minabuti ko na pumasok sa loob. Pagpasok ko pa lang ay nagulat na kaagad ako sa aking makikita. Natigilan ako saglit.
"Jessie! How are you? It's such a long time!" wika ni Oliver.
"Oliver!? A-anong ginagawa mo rito?" gulat na gulat kong tanong.
"Wala, I just happened to pass by. By the way, Kurt is with me."
"Ah, ganun ba... si Kuya Bernard asan?"
"Oh, he's in his room. May dala kaming food. Kuha ka na lang dun sa table."
"Sige-sige, salamat na lang. Akyat muna ako sa taas huh?" tumango lang siya.
Hindi ako makapaniwala na nandito si Oliver sa pamamahay ni Kuya Bernard. Hindi ako mapakali. Parang kinutuban ako na may mangyayaring hindi mabuti. Nang makapasok ako sa kwarto ni Kuya Bernard ay nagpapalit siya ng damit.
"Love, nandito pala si Kurt at Oliver. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" mabilis kong tanong.
"Sorry love, naubusan ako ng load eh. Bigla na lang dumating ang dalawang yan... ni walang pasabi."
"Ganun ba? Asan ba si Kurt?"
"May binili lang muna sa tindahan."
"Dito muna tayo sa loob love, ayokong nakikita at kinakausap yang si Oliver." pagpapatuloy pa niya at umupo na lang muna kami sa kanyang kama.
"Kinausap mo na ba si Oliver tungkol sa ginawa niya sa'yo?"
"Hindi pa... hindi ko pa siya nakakausap tungkol dun."
Matagal na naming ibinaon sa limot ang nagawa ni Oliver sa kanya. Napagdesisyunan namin na itago at kalimutan na lang ang nangyari dahil ito ang hiniling ko sa kanya. Subalit nang biglang sumulpot si Oliver sa kanyang pamamahay ay tila ba bumalik ang sakit at poot sa aking dibdib.
Akala ko napatawad ko na talaga siya. Nagkakamali pala ako dahil ng makita ko siya ay parang biglang naging presko sa aking puso't isipan ang kanyang ginawa sa lalaking mahal ko at ang sakit na dulot nito.
"Love, bumaba muna tayo... makipag-usap tayo sa kanya na parang kaswal lang ang lahat. Magpanggap na lang muna tayo na normal lang ang lahat." ani ko.
"O sige, sinabi mo eh."
Nang bumaba na kami ay kaagad kaming binati ni Oliver kaya kaswal na rin kaming sumagot sa kanya. Subalit halatang umiiwas si Kuya Bernard. Ngumiti lang siya dito ng pagak at umiwas na. Napansin ko na nakahalata si Oliver dito kaya dali-dali ko siyang kinausap.
"Is Kuya Bernard okay?" tanong ni Oliver.
"Oo, wala lang sa mood yun dahil kulang sa tulog." sagot ko na lang, nagpatango-tango na lamang siya.
Nang makabalik si Kurt ay umupo na kami lahat sa sala. Masaya kaming nag-uusap subalit halatang umiiwas si Kuya Bernard kay Oliver. Alam kong napansin ito ni Oliver subalit pinagkibit-balikat niya lamang ito.
Nang gumabi na ay napagpasyahan nila Kurt na mag-inuman. Kaya pinaalahanan ko si Kuya Bernard na mag dahan-dahan lang sa pag-inom. Mahirap na lalo pa at nand'yan lang si Oliver.
Nagpaalam muna ako kay Kuya Bernard at nangakong babalik kung may pagkakataon. Umuwi muna ako sa bahay para ipagluto si papa. Nang dumating ang aking ama ay kaagad itong kumain. Pagkatapos ay kinausap ako. May pupuntahan daw siyang kaibigan at doon na lang daw magpapaumaga. Alam kong inuman lang ito.
Ikinatuwa ko ito dahil makakabalik ako, mababantayan ko si Kuya Bernard at para na rin mabakuran ko siya kung may masama mang gagawin si Oliver sa kanya. Subalit masyadong matagal pa bago umalis si papa kaya naman naghintay pa ako ng ilang oras. Alas diyes na nang umalis siya. Kaya naman diretso na akong pumunta sa bahay nila Kuya Bernard.
Nang makapasok ako sa loob ay wala na akong nadatnang nag-iinuman. Nakakalat lang ang mga boteng alak na matatapang at beer sa sahig at sa lamesa ng sala. Kinabahan ako dahil dito. Mabilis akong pumanhik at nagtungo sa itaas upang puntahan ang silid ng aking pinakamamahal subalit naka-lock ito. Kaya medyo nagtaka ako. Siguro natutulog na siya.
May susi naman ako sa kanyang silid kaya nabuksan ko ito ng walang kahirap-hirap. Nadatnan ko siyang nakahigang nakatihaya na naka-shorts lamang at amoy alak. Nakahinga ako ng maluwag at natutulog na pala siya. Hinalikan ko siya sa labi at noo, pinisil ko pa ang pisngi niya. Napangiti ako.
Mabuti na lang at sinunod niya ang aking sinabi na kapag malalasing na siya ay matutulog na kaagad at 'wag magpapasobra. Hinayaan ko na lamang siyang matulog at kumuha ng maligamgam na pamunas para punasan siya. Nang matapos ko ng gawin ito ay saka pa lamang ako umalis sa kanyang tabi. Lumabas na ako at muling ni-lock ang kanyang pintuan.
Kaya minabuti ko na lang na umuwi na lang sa amin.
Nang makalabas na ako sa pinto ng apartment at lalabas na sana. Ay siya ko namang ikinagulat. Bigla na lang bumukas ang pintuan sa sasakyan na nasa garahe ni Kuya Bernard. Eksakto akong nasa gilid ng kotse at sa harap ng pintuan ng bumukas ito. Dahil kasalukuyan akong padaan dito.
Halos maestatwa ako ng makita ko si Kurt at siya rin ng makita ako. Na nasa harap ng pintuan. Kitang-kita ko ang hubo't hubad na si Oliver na pawis na pawis sa backseat na nakaupo at tila nakatulog sa pagod. Habang nakasuot naman si Kurt ng brief lang na puti at tagaktak pa ang pawis sa katawan.
"I can e-explain J-Jessie..."
"Ah, u-uwi na a-ako K-Kurt... s-sige." pautal-utal kong sabi at tumakbo na palabas.
Tinawag pa ako ni Kurt subalit hindi na ako lumingon pa dahil sa sobrang hiya. Nahuli ko sila ni Oliver na kakatapos lang gumawa ng kababalaghan. Parang wala akong maihaharap pa dun sa tao.
KINABUKASAN at maaga pa lang ay may natanggap na akong text mula kay Kuya Bernard. Sabi niya ay kailangan kong pumunta sa kanila dahil gusto raw akong kausapin ni Kurt. Halos kumabog ang dibdib ko ng mabasa ko ang mensahe sa aking cp.
Nang gumabi na ay saka pa lang ako nakagala sa kanila. Hinintay ko munang makatulog si papa. Eksakto naman at halos alas otso pa lang ay natulog na ito dahil sa pagod. Kaya nakalabas ako ng bahay.
"Oh Jessie, pasok ka." paanyaya ni Kuya Bernard ng makita ako sa pintuan at kaagad akong hinalikan sa labi.
Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya sinita ko siya. Pero ngumiti lang ang mokong.
Agad din namang akong pumasok sa loob. Nang makita ako ni Kurt ay tila nahiya siya sa akin. Ako rin naman sa kanya. Nagkahiyaan kami dahil sa nangyari sa nakaraang gabi.
Pero ang lahat ng hiyaan namin sa isa't isa ay unting nawala at nalusaw ng makainom na kaming dalawa. Tagay kung tagay. Talagang hindi ako umalis sa apartment hangga't hindi nakakapasok sa loob ng kwarto niya ang boyfriend ko. Alisto akong nakabantay para sa kanya.
Nang lumaon pa ang gabi ay naunang natulog si Oliver dahil may pupuntahan ito bukas ng maaga. Kaya napagpasyahan niyang mauna at matulog. Kaagad siyang umakyat sa silid ni Kurt at natulog.
Kaya ang naiwan ay kami na lang tatlo. Nagpatuloy kami sa inuman dahil malapit na rin namang maubos ang alak na binili nila. Hanggang sa binasag ni Kurt ang usapan.
"Jessie... yung nakita mo last night... Uhm, ano kasi." nag-aatubiling sabi ni Kurt.
"Uhm, siguro ito na ang panahon para sabihin ko 'to sa inyo." wika niya at natahimik sandali.
"M-may relasyon kaming dalawa ni Oliver. Matagal ng kami." lakas loob niyang pag-amin sa aming dalawa.
Nakayuko siya at tila nahihiya akong harapin at si Kuya Bernard.
Napatingin ako kay Kuya Bernard. Tahimik lang siyang nakikiramdam.
"Uhm, sa totoo lang Kurt matagal ko ng alam na may nangyayari sa inyo. Alam na namin ito ni Kuya Bernard. Matagal na." ang naisagot ko na lang na kanyang ikinagulat.
"Huh?! How? When? Paano niyo nalaman?"
"Kurt nahuli ko kayong naghahalikan sa labas ng mansyon. Noong nagbakasyon tayo sa inyo. Pinili ko na lang na manahimik para hindi magbago ang turingan natin sa isa't isa." pag-amin ko sa kanya.
"Matagal ko na ring alam insan, sinabi sa akin ni Jessie noon pa man..." sabat naman ni Kuya Bernard sabay akbay sa kanya.
Napangiti na lang si Kurt dahil sa gulat. Hindi niya aakalain na alam na pala namin ang tungkol sa kanilang dalawa.
"Sana naman hindi niyo kami pandirihan..." at napabuntong-hininga na lang siya.
"Insan suportado kita... 'wag kang mag-alala. Suportado ka namin ni Jessie." si Kuya Bernard.
"T-talaga!? Hindi ka ba galit sa'kin insan na pumatol ako sa kapwa ko lalaki?"
"Hindi ako magagalit, buhay mo yan. Kaya ikaw ang may karapatang magdesisyon para sa sarili mo. Andito lang kami ni Jessie suportado ka namin."
Naluha siya matapos ang mga salita ng suporta mula sa aming dalawa.
"Salamat... salamat at hindi niyo ako hinusgahan." nakangiti niyang sabi habang lumuluha.
"Ano ka ba insan... wala yun. Bakit naman kita huhusgahan? Parehas lang naman tayo eh." medyo nagulat si Kurt sa kanyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin insan?" pagtataka niya.
Dito ko na naramdaman ang takot at pagkabog ng aking dibdib. Umalis si Kuya Bernard sa kanyang tabi at umupo sa tabi ko. Bigla niya akong inakbayan. Halos pumutok ang aking dibdib. Parang aamin na rin si Kuya Bernard sa aming relasyon.
"Insan... naiintindihan kita. Dahil nagmahal rin ako ng lalaki." at nasabi na ni Kuya Bernard ang aking hinala na kanyang aaminin.
"A-ano!? Insan?" naguguluhang tanong ni Kurt.
"Insan..." nagbabadyang sabi ni Kuya Bernard.
Kinuha niya ang aking kamay at mahigpit na hinawakan ito.
"Insan... may relasyon kami ni Jessie... kasintahan ko siya." at sumabog na nga sa mga mukha namin ang pag-amin ni Kuya Bernard.
Halos malaglag ang panga ni Kurt sa narinig.
"Kayong dalawa?!" naibulalas niya na lamang.
"Oo insan... kaming dalawa. Mahal na mahal ko si Jessie insan. Mahal na mahal ko siya." nakatingin niyang sabi sa akin na nakangiti.
Hindi ko namalayang naluha na pala ako. Lahat ng pangamba ko ay napalitan ng hindi mapagsidlang kaligayahan. Hindi siya natatakot at nahihiyang sabihin na mahal niya ako sa harap ng kanyang pamilya. Sa harap ng pinsan niya.
"Shhh... 'wag kang umiyak love." at pinahid niya ang aking mga luha.
Napayakap na lang ako sa kanya na lumuluha dahil sa kaligayahan.
"I think... all is well." nakangiting sabi ni Kurt.
MASAYA kaming nagkwentuhan pagkatapos dahil sa aming pag-amin sa aming mga relasyon. Subalit bigla na lamang nadulas si Kuya Bernard ng hindi sinasadya at naisiwalat niya na nakita ko ang nangyari kina Kurt at Oliver sa sinehan ng mansyon nila. Nang kanain niya si Oliver doon. Dahil na rin sa espiritu ng alak ay nagtanong na rin si Kurt sa akin ng hindi na nahihiya pa.
"Nakita mo ba kaming nagsi-sex doon Jessie?" diretsahan niyang tanong.
"S-sorry Kurt... hindi ko sinasadya. Naligaw kasi ako nun. Hindi ko sinasadyang mapadpad doon at makita ang ginagawa niyo. Sorry talaga Kurt." napayuko na lang ako dahil sa aking sinabi.
"I think wala na tayong magagawa pa. Nangyari na ang nangyari. So I guess okay lang naman. Wala naman akong kinahihiya. Magaling naman ako pagdating sa sex eh. Ang galing ng performance ko... 'di ba Jessie?" tanong niya na parang wala lang at maangas.
Natawa na lang si Kuya Bernard sa kanyang sinabi at ako naman ay nahiya at namula.
"Pero may nakita ka pa ba bukod sa aming dalawa?" pagpapatuloy niyang sabi na ikinalunok ko ng laway.
Tumango na lang ako at umamin na ng tuluyan sa nakita kong threesome video nila. Nakita ko na may isa pa, bukod sa kanilang dalawa na kasalo nila sa makamundong ginagawa.
"May alam ka na rin ba insan?" tanong ni Kurt.
"Oo Kurt, hindi kami naglilihiman simula ng maging kami."
Napabuntong-hininga na lamang si Kurt at pagkalipas ng ilang sandali ay nagsalita.
"Hindi namin ginusto yun. Napilitan lang kami ni Oliver na gawin yun."
"Kung ganun bakit kayo napilitan, Kurt?" tanong ko.
"It happened when tito Angelo found out na may relasyon kami ni Oliver. Bina-blackmail niya ako na sasabihin niya sa mga magulang ko na may relasyon kami ni Oliver. Kaya wala kaming nagawa dalawa laban sa kanya. Ginagamit niya ito laban sa amin para makipag-sex kami sa kanya. It was really awful... wala kaming laban ni Oliver sa kanya. Masyado siyang tuso."
"Sino ba yang Angelo na yan insan?" sabat naman ni Kuya Bernard.
"Siya ang stepfather ni Oliver."
"Hah?!" sabay naming bulalas ni Kuya Bernard.
"Oo, simula ng mahuli niya kaming dalawa ni Oliver ay pinagbantaan niyang sasabihin sa mga magulang ko ang relasyon namin. Kaya naging sunud-sunuran ako para maprotektahan ang pangalan ng pamilya natin insan at pati na rin si Oliver. Bakla kasi si Tito Angelo... tita was a fool for loving him. Kahit na alam ni tita na bakla si tito ay minahal niya pa rin ito. Hindi niya alam na pinagsasamantalahan ni tito si Oliver all along. Kaya ng mawala si tito kasama ni dad dahil sa aksidente ay pati lihim namin ni Oliver ay nabaon na rin sa hukay. Mahal ko si Oliver, at nagpapasalamat ako at malaya na kami ngayong dalawa sa stepfather niya."
Hindi kami makapaniwala sa nasabi ni Kurt. Gulat na gulat kaming dalawa ni Kuya Bernard. Napatingin ako kay Kuya Bernard. Nakita ko sa kanyang mga mata ang makahulugang gusto niyang iparating. Alam ko ang ibig niyang sabihin at tungkol ito noong pinagsamantalahan siya ni Oliver. Hindi pa alam ni Kurt na nagkasala si Oliver sa kanilang relasyon. Kaya naglakas-loob akong tanungin kung gaano niya kamahal ito.
"Kurt, gaano mo ba kamahal si Oliver?"
"I love him so much... hindi ko alam pero mahal na mahal ko siya." at napabuntong-hininga siya.
"Pero paano kung nagkasala si Oliver sa'yo? Paano kung magloko siya insan?" sabat naman ni Kuya Bernard.
"Imposible... hindi niya ako lolokohin... mahal na mahal ako nun. Patay na patay sa'kin yun eh." buong tiwala niyang sabi.
Nagkatinginan kami ni Kuya Bernard.
"Alam mo naman kung gaano ako kababaero dati pinsan 'di ba? Adik pa nga ako dati. Palagi akong nagsisimula ng gulo. Pero hindi ako iniwan ni Oliver. He was there in every step. Hindi niya ako iniwan. Siya ang naging takbuhan ko everytime na may problema ako. Kaya itinuring ko siyang kapatid dati... but everything changed nung nahuli niya ako na ano..." natigilan siya.
"Na ano?" sabat ko.
"Nakakahiya eh..."
"Ano ba yan insan? Sabihin mo na nga!" sabat naman ni Kuya Bernard.
"Basta 'wag niyo akong pagtatawanan huh?"
At tumango kaming dalawa.
"Insan naaalala mo pa ba nung nadisgrasya ako sa motor? Nung nakabenda ang dalawa kong kamay at hindi ko maigalaw?"
"Ah, oo... ikaw naman kasi... lasing na lasing ka nun tapos nagmotor ka pa." si Kuya Bernard.
"Dun nagsimula ang lahat... ng nahuli niya akong nagma-masturabate sa kwarto ko tapos hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil nakabenda. Kaya ayun... tinulungan niya ako... siya yung umano sa ano ko..." nahihiya niyang sabi sabay tagay ng isang baso at umiwas ng tingin.
"Siya yung pinasalsal mo sa patotoy mo insan?" buhakhak na sabi ni Kuya Bernard.
"Anong patotoy?! Gago, ang laki kaya nito... nakita mo naman 'to Jessie 'di ba? Mas malaki pa nga ang akin kaysa kay pinsan noh?"
"Ewan ko sa inyo! Paghahampasin ko kayo d'yan eh." at nagtawanan silang dalawa.
At nagpatuloy pa si Kurt sa pagbabahagi kung saan sila nagsimula ni Oliver sa kanilang relasyon.
"Kaya ayun... dun nagsimula ang lahat. Hanggang umamin siya sa akin na gusto niya ako. Tapos iniwasan ko siya dahil hindi ko aakalaing may nararamdaman na pala siya sa akin. Na bakla pala siya. Hanggang ma-realize ko na gusto ko na rin pala siya. Basta maraming nangyari, hanggang sa naging kami."
Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa mapunta naman ang tapiko sa aming dalawa ni Kuya Bernard.
"Sa inyo... may nangyari na ba? Kilala ko yang pinsan ko Jessie... hindi yan pumapayag kung first base lang." dahil sa kanyang sinabi ay nasamid ako sa pag-inom ko ng chaser na juice.
"Syempre... meron na... ako pa ba?" sabay kindat pa niya sa akin.
"Hoy, tumahimik ka nga! Matandang mahilig!"
Natawa na lang sila ni Kurt sa aking sinabi.
Pagkalipas ng ilang minuto ay naging seryoso na ang usapan.
"Pero sana, ilihim na muna natin ito kay Oliver. Natatakot kasi siyang malaman ng ibang tao na may relasyon kami. Marami kasi siyang traumatic experience sa stepfather niya."
"Makakaasa ka Kurt." panigurado ko pa.
Nang maubos na ang alak ay umakyat na rin si Kurt at natulog na sa kanyang silid kasama si Oliver. Nagpaiwan na muna kami ni Kuya Bernard sa sala at nag-usap pa kami.
"Love, siguro dapat 'wag na lang nating sabihin kay Kurt ang pagkakamali ni Oliver sa'yo. Ayokong masaktan si Kurt love. Natatakot akong masaktan siya kapag nalaman pa niya. Alam mo namang nagawa yun ni Oliver sa'yo ng lasing siya. Baka nga hindi niya rin natatandaan ang pagkakamaling yun." ani ko.
"Sige, ilihim na lang natin ito. Ayoko ring makitang masasaktan si insan. Marami na rin yang pinagdaanan at ngayon ko lang yang nakitang lumuha dahil sa pagmamahal niya sa isang tao. Mas makabubuti kong hindi niya na malalaman pa."
"Sige... ibaon na lang natin sa limot ang lihim na ito. Para sa ikakapayapa ng lahat. "
Alass dose na ng napagpasyahan ko ng umuwi. Inihatid pa niya ako sa gate namin at hinalikan sa noo.
"Sige, good night... sexy!" maloko niyang sabi at sumipol pa.
"Shadap!" at natawa na lang siya sa aking sinabi.
Umalis na siya ng masiguro niyang nakapasok na ako sa loob.
ILANG araw na ang lumipas at nakapag-resign na rin ako sa wakas. Pero hindi ko pa nakukuha ang lahat ng aking sahod kaya babalikan ko pa ito.
Kasalukuyan akong pauwi sa amin. Papasok na ako sa looban. Wala akong load at wala na rin akong natitirang pamasahe kaya naglakad na lang ako. Akala ko kasi na magkakapera ako ngayon. Kaso, sa susunod ko pa pala makukuha ng lahat ang aking sweldo.
Magti-text sana ako sa love ko na sunduin ako. Kaso wala na akong load kahit extra. Total malapit na ring magdilim at hindi na mainit. Naglakad na lamang ako. Kahit malayo pa ay kaya ko naman. Tingin ko lagpas kalahating oras akong maglalakad papasok.
Subalit kung sinuswerte ka nga naman. Eksaktong may pumarada bigla sa aking giliran na kotse.
"Sakay na!" sigaw ni Kurt ng maibaba na ang bintana ng kanyang sasakyan.
Kaya napaaga ang uwi ko.
Dumaan muna ako saglit sa apartment nila. Medyo nagtaka pa kaming dalawa kung bakit naka-lock ang pintuan. Mabuti na lang at may susi ako kaya nakapasok rin kami kaagad. Parang walang tao dahil tahimik.
"Baka nasa kwarto yata yung kumag." ang nasabi ko.
"Siguro... baka nagjajakol yung syota mo Jessie! Gulatin natin!" natatawang sabi ni Kurt sa akin.
Sumang-ayon na rin ako sa kalokohan ni Kurt.
Tahimik kaming pumanhik at dahan-dahang inilapit ang aming mga tenga sa pintuan. May narinig kaming ungol ni Kurt suballit parang pigil ang mga ungol na ito. Napangisi kaming dalawa.
Bigla naming binuksan ang pintuan para gulatin sana siya. Subalit kaming dalawa ang nagulat at nahintakutan sa aming masasaksihan.
"Hmmn! Hmmn! Hmmn! Hmmn! Hmmn!" nagpupumiglas na usal ng aking minamahal. Nakabusal ang kanyang bibig at walang kalaban-laban.
Hubo't hubad siyang nakaupo sa upuang kahoy at nakatali ang kanyang mga paa at kamay dito. Pawis na pawis siyang nanlalaban at humihingi ng tulong.
Para akong nanghina at hindi kaagad nakagalaw ng makita kong nakaluhod si Oliver sa kanya. Kitang-kita ng hubad kong mga mata ang pagsubo niya sa pagkalalaki ng lalaking minamahal ko. Ang masakit pa ay tayong-tayo ito, tirik na tirik. Buhay na buhay. Nanlumo ako at parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.
Sumikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga sa aking nasilayan. Hindi ko alam subalit parang nagugustuhan niya rin ang nangyayari dahil bakit nagkabuhay ang kapiraso niyang laman?
Nanlilisik ang aking mga mata sa poot at galit sa nadatnan.
"Hayop ka Oliver! Hayop kang animal ka!!!" sigaw ko.
Mabilis ko siyang sinugod ng walang pag-aalinlangan at hinila ang kanyang buhok.
Hanggang sa unti-unting nagdilim ang aking mga paningin.
Itutuloy...
Feel free to Comment!
Abangan ang susunod na kabanata na babago sa buhay ng ating bida.
May aalis at may mawawala.
No comments:
Post a Comment