KABANATA 25 Masakit na Katotohanan
"Gising na! Oy, gising na! Gumising ka na Jessie! Hoy! Gising na!"
Naalimpungatan at nagising ako dahil sa ingay at kalabog na nagmumula sa aking pintuan. Mabilis akong bumangon para patahimikin ang ingay na nakakairita at walang habas sa panggigising sa akin. Pupungas-pungas pa ako habang naglalakad papalapit dito. Pansin kong boses ni Kuya Bernard ang nasa likod ng pinto. Kaya naiinis ko siyang pinagbuksan.
"Ang aga-aga kuya hah?! Talaga ba? Ang aga-aga nambwebwesit ka na!" pagalit kong sabi sa kanya.
"Good morning Jessie!" masigla niyang bati.
"Anong masaya sa morning aber? Ang aga pa! Naman Kuya Bernard!"
Nilingon ko ang wall clock sa silid at halos 4:50 am pa lang ng madaling araw.
"Maaga pa! Matutulog pa ako ulit. Taong 'to!" sabay sirado ko ng pinto.
Babalik na sana ako ako sa kama para matulog ulit subalit maingay na naman niyang kinatok ang pinto sabay tawag sa akin. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pagbuksan siya.
"Kuya naman eh! Mamaya muna nga ako pagtripan! Natutulog pa yung tao eh!" iritado kong sabi.
"Jogging tayo! Sige na, para may kasama ako." nakangiti niyang sabi na hindi pinansin ang inis ko.
"Jogging mo mukha mo!" sabay sirado ko ulit sa pinto.
Pero mabilis niya ng naharangan ito kaya hindi ko na naituloy pa ang pagsasara ng pintuan. Napapikit na lang ako at napabuntong-hininga. Ang aga-aga pa, binubulabog na ako ni Kuya Bernard.
"Bahala ka nga! Mag joggng ka dun mag-isa mo."
Mabilis akong bumalik sa kama at dumapa upang matulog. Nagkumot pa ako dahil sa lamig. Subalit mabilis akong dinaganan ni Kuya Bernard upang gisingin.
"Gising na! Gising na! Gumising ka naaa! Gising na!" ang sabi niya sa akin sabay yugyog sa katawan ko.
"Kuya naman! Umalis ka nga rito, matutulog pa ako! Alis! Shooo! Alis! Shooo! Alis! Alis!" pagtataboy ko.
Pero kahit anong saway ko sa kanya ay hindi talaga siya tumitigil sa pang-iistorbo sa akin. Hindi pa siya nakontento at kiniliti niya pa ako sa tagiliran dahilan kaya napatawa ako. Wala na akong nagawa, kahit na pinipigilan ko siya ay tagalang malakas siya at hindi niya ako tinantanan. Kaya sa huli sumuko na lang ako.
"Oo na! Bweset naman oh." sabay irap sa kanya na mas lalo niyang ikinatuwa.
"Yan, mabuti at bumangon ka na. Mag jo-jogging tayo! "Wag kang tatamad-tamad sa exercise." natutuwa niyang sabi.
"Unggoy ka talaga! Sarap mong tirisin!" sagot ko. Tumawa na lang siya.
Nakakainis din talaga 'tong si Kuya Bernard paminsan-minsan. Kahit gusto ko pang matulog ay minabuti ko na lang na bumangon. Alam kong hindi titigil ang sira-ulong 'to kaya bumangon na lang ako.
Mabilis akong nagtungo sa banyo para magsipilyo at pagkatapos ay lumabas din naman kaagad. Naka-shorts naman ako ng mataas kaya hindi na ako nagbihis pa. Ang sando na lang ang pinalitan ko. Naisipan ko na magbihis ng t-shirt at baka malamigan pa ako sa labas.
Nang makalabas na nga kami sa bahay ay tama nga ako. Ang lamig talaga. Makapal pa ang yamog at hindi pa masyadong nakikita ang kapaligiran sa malayo. Medyo madilim pa at hindi pa sumisikat ang araw.
"Saan naman tayo mag jo-jogging?" nakapamaywang kong sabi na naiinis.
"Sa dalampasigan na lang tayo." ang sabi niyang masigla.
"Okay, tsss." padabog kong sagot sa kanya na hindi naman niya pinansin.
"Halika ka na... dali!"
Tumango na lamang ako.
Agad kaming nakaabot sa bangin na may hagdanan pababa sa pampang. Matarik pero hindi naman delikado dahil sementado ang hagdanan na may harang at hawakan.
Nang makarating na kami sa baba sa may dalampasigan ay nagsimula na kaagad na mag-jogging si Kuya Bernard. Sinabi ko na lang sa kanya na mauna na siya dahil hindi ko naman siya kayang sabayan sa pagtakbo. Masyado kasi siyang mabilis, halata na palagi siyang nag-eehersisyo hindi katulad ko.
Tahimik lang akong naglakad at tinitingnan siya habang papalayo na sa akin.
Malalim ang iniisip ko ngayon. Naguguluhan ako at hindi makapaniwala sa nangyari kagabi. Halos wala akong tulog dahill sa bumabagabag sa akin. Hindi ko lubos aakalain ang aking masasaksihan.
Totoo nga ba talaga na naghalikan sina Kurt at Oliver? Namamalik mata lang kaya ako? Totoo ba talaga yun? Baka naman nadala lang sila sa kalasingan kaya nagawa nila yun? Baka nanaginip lang siguro ako ng mga panahong yun?
Tahimik kong mga tanong sa aking sarili. Nagulat na lang ako ng mabasa ang paa ko ng tubig. Hindi na pala ako naglalakad ng diretso dahil sa lalim ng iniisip ko.
Nagpalinga-linga ako sa paligid subalit hindi ko na makita si Kuya Bernard. Kaya naupo na lang ako sa buhangin at pinagmasdan ang malawak na karagatan. Naguguluhan ako sa aking nakita kagabi at natatakot na rin sa aking nadiskubre. Kung tutuusin hindi ko naman gaano kakilala si Kurt at lalong-lalo na si Oliver na bago ko lang nakilala.
Dapat siguro na kalimutan ko na lang ang aking nakita. Dapat manahimik na lang ako at baka pagmulan pa 'to ng gulo. Buhay naman nila yun eh... kaya siguro nagawa lang nila yun dahil sa amats nila. Hindi naman bakla si Oliver sa tingin ko. Kahit na conyo siya ay lalaking-lalaki siya magsalita.
Wala akong napapansin na bahid ng lamya sa kilos niya at mas lalo na kay Kurt. Lalaking-lalaki siyang magsalita at wala akong napapansin na kakaiba sa kanya. O baka nagkakamali lang ako? Baka nagkakamali ako sa nalalaman ko sa kanilang tunay na pagkatao. Tulad ko rin ba sila? Imposible!
"HOY!" bigla akong napaigtad dahil sa gulat. Nang lingunin ko ang likod ko ay si Kuya Bernard lang naman pala ito.
"Bweset ka talaga kuya! Pag ako talaga inatake sa puso mumultuhin talaga kitang unggoy ka! Hindi kita titigilan!" sigaw ko sa kanya na ikinatawa niya lang.
"Sabi ko naman sa'yo jogging tayo. Umuupo ka lang d'yan eh... baka nagdra-drama ka na naman."
"Hoy, hindi ako nagdra-drama noh! Malalim lang talaga ang iniisip ko." mataray kong sabi.
"Broken hearted?" tanong niyang nanunukso.
"Porket tahimik... broken hearted na agad? 'Di ba pwedeng mainit lang ang ulo dahil masyadong maaga pa tapos ginising na yung tao?" pagpaparinig ko sa kanya.
"Hahaha... ang high blood mo kahit ang payatot mo. Ano na naman yang iniisip mo?"
"Wala! Wala lang... gusto ko lang tingnan ang pagsikat ng araw." sabay buntong-hininga ko.
"Tumahimik ka na nga lang. Ang ingay mo kuya." pagpapatuloy ko pa.
"Ang taray naman neto. Sige na nga... tatahimik na."
Tumahimik na lamang siya at umupo sa buhangin katabi ko. Medyo malalim talaga ang iniisip ko dahil sa nasaksihan ko kagabi. Ano kayang meron kina Kurt at Oliver... magsyota kaya sila? Trip-trip lang ba yun? Baka naman may relasyon sila? O baka naman may nangyayaring friends with benefits sa kanilang dalawa?
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin na umalis na pala si kuya sa tabi ko. Nagising na lang akong bigla sa malalim na pag-iisip ng basain niya ako ng tubig mula sa dagat. Nakahubad na siya ng t-shirt at tuwang-tuwa sa pambabasa sa akin.
Agad akong tumayo at mabilis na lumayo sa gilid ng dalampasigan para makaiwas dahil binabasa niya ako ng tubig. Pero bago pa man ako makalayo ay mabilis niya akong hinabol at hinila sa tubig.
"Sige, kapag ako nabasa makakatikim ka talaga sa akin kuya." pagbabanta ko sa kanya.
Pero imbes na tumigil siya ay mas lalo niya pa akong hinila sa tubig para mabasa.
"Talagang babasain talaga kita. Matitikman pala kita kapag mababasa kita eh!" natatawa niyang sabi.
"Hoy loko ka talaga kuya! Ang sabi ko susuntukin kita! Yun ang ibig kong sabihin. Ulol! Bitawan mo nga ako!" at pinagsisipa ko siya pero naiilagan niya naman ang ginagawa ko.
Kahit na pumapalag at lumalaban ako ay hindi talaga siya tumitigil hanggang sa nabasa kaming dalawa ng hampas ng alon sa dagat. Hinila niya ako nang hinila sa tubig hanggang sa umabot na sa leeg ko ang lalim ng tubig dagat.
"Nakakainis ka talaga kuya!" pagmamaktol ko habang hinahampas ang kanyang braso.
"Mas mabuti pa, maligo na lang tayo. Hindi naman malamig ang tubig eh. Para naman matuto ka ng lumangoy. Ang laki mo na 'di ka pa rin marunong. Ang lampa-lampa mo talaga."
"Heh! Ano naman ngayon? Hindi raw malamig... ang lamig nga ng tubig eh." sagot kong naiinis.
"Ang sabihin mo. Para kang kambing na takot maligo! Tanggalin mo kasi yang t-shirt mo. Mas lalo kang lalamigin d'yan." pambubuyo niya.
"Oo na! Bweset 'to!" padabog kong sabi sa kanya na pinagkibit-balikat niya lang.
Pumunta muna ako sa mababaw na parte at itinapon ang t-shirt ko sa buhangin na hindi naaabot ng alon. Nang makabalik na ako sa tubig na ang lalim ay hanggang sa dibdib ko na. Hindi ko na napansin pa si Kuya Bernard.
Lumingon-lingon ako sa paligid ko pero hindi ko na siya nakita pa. Mabilis ko siyang tinawag subalit hindi naman siya sumasagot. Kaya paulit-ulit ko siyang tinawag nang tinawag subalit hindi pa rin siya umaahon sa tubig. Kinutuban agad ako ng hindi maganda.
"Kuya, hindi na 'to nakakatuwa." medyo natatakot at nag-aalala kong sabi.
Pero walang Kuya Bernard ang umahon.
"Bahala ka nga d'yan! Uwi na 'ko!" aalis na sana ako at babalik na sa dalampasigan ng biglang may humawak sa paa ko.
Sing bilis ng kidlat na nagsitayuan ang mga hibla ng buhok ko sa katawan dahil sa sobrang takot.
"KUYAAAAA!!!" napasigaw ako dahil sa gulat.
Mabilis kong hinila ang paa ko subalit hindi ito binibitawan ng anumang lamang dagat na humihila sa aking paa. Halos iwanan ako ng kaluluwa ko sa takot lalo pa at hindi ko nakikita ang ilalim ng tubig.
"KUYAAA!!! TULONG!!! TULONG!!! TULUNGAN NIYO KO! KUYAAA!!!" naiiyak at takot na takot ko ng sigaw.
Nagsisigaw ako para humingi ng tulong kay Kuya Bernard habang hinihila ang isa kong paa. Subalit hindi ko siya mahagilap. Nang dahil sa pagkakataranta ay sinipa ko nang sinipa nang malakas ang humahawak sa aking paa hanggang sa matanggal ito. Tatakbo na sana ako palayo nang may narinig akong tawa sa aking likuran.
Paglingon ko ay nakita ko na si Kuya Bernard na umahon habang tumatawa.
"Natakot ka dun noh? Ang duwag-duwag mo talaga." at nagpatuloy lamang siya sa pagtawa na parang kinikiliti.
"Gago ka talaga! Gago ka talagang unggoy ka! Mamatay ka na! Mamatay ka na!" mabilis ko siyang pinaghahampas dahil sa sobrang inis.
Siya naman ay sobrang tawang-tawa sa pananakot sa akin.
Halos himatayin ako kanina dahil sa sobrang takot ko. Akala ko ay shokoy o undin ang humahawak sa akin kaya nag-hysterical agad ako. Akala ko rin hinila na siya ng kung anumang lamang dagat sa ilalim. Siya lang pala 'tong salarin. Hayop talaga 'tong lalaking 'to. Kung may dala lang siguro akong kutsilyo ngayon nasaksak ko na talaga 'tong walang hiya. Mabuti pa sigurong tumigil na ako sa kapapanood ng mga horror films. Nai-imagine ko kaagad tuloy. T_T
"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ko!" sabi ni Kuya Bernard na tila ginagaya ang pagsigaw ko kanina. Uma-acting pa siyang takot na takot para inisin pa ako lalo.
Halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan sa aking ulo dahil sa hiya at inis sa kanya. Palagi niya talaga akong pinagtritripan. Talo pa ang mga grade 7 students kung umasta. Nakakainis na talaga siya.
"Bahala ka na nga d'yan! Manigas ka! Kainin ka sana ng pating!" sabay talikod ko sa kanya ng naiinis.
Alalang-alala pa ako kanina sa kanya dahil bigla na lang siyang nawala tapos tatakutin lang pala niya ako. Bweset talaga. Pupulutin ko na sana ang t-shirt ko ng makaabot na ako sa gilid ng dalampasigan ng bigla na lang akong buhatin ni Kuya Bernard ng hindi ko inaasahan.
"H-hoy anong ginagawa mo?! Bitawan mo nga akong matandang mahilig ka! Bitawan mo nga ako sabi eh! Kuya naman, bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya na pagalit.
Nagpupumiglas ako pero pinipigilan naman niya ako.
"Kainin pala ng pating huh? Sige, dapat kasama kang makakain!" pang-aalaska niya.
Hindi ako tumigil sa pagsigaw sa kanya. Pero parang wala naman siyang naririnig. Hanggang sa nakaabot na kaming dalawa sa malalim na parte. Dahil buhat-buhat naman niya ako ay hindi ko alam kung gaano na ba kalalim itong napuntahan namin.
"Bitawan mo nga ako! Babalik na ako sa dalampasigan! Bitawan mo ako matandang mahilig!"
"Okay, sabi mo eh."
Bigla niya akong binitawan at sa hindi ko inaasahan ay hindi na pala abot ng mga paa ko ang buhangin dahil sa lalim ng tubig. Nakalimutan ko na napakatangkad pala niya at ako ay hindi katangkaran. Kaya malalim na talaga itong kinatatayuan namin dahil hanggang leeg na niya ang tubig.
Dahil hindi naman ako marunong lumangoy ay mabilis akong bumulusok sa ilalim ng tubig kaya para akong ibon na pumapagaspas sa tubig na nalulunod dahilan para mabilis akong kumapit sa kanya.
Muntik pa akong tuluyang malunod dahil nakainom ako ng kaunting tubig ng bigla niya na lang akong bitawan. Wala akong nagawa kundi ang kumakapit na lamang sa kanyang mga balikat para maitaas ang aking mukha sa tubig upang makahinga.
"Gago ka ba kuya?! Papatayin mo ba ako?!" sigaw ko sa kanya.
"Sabi mo bitawan kita eh..." sabi niya na tila nagpipigil sa tawa.
"Bobo ka ba? Alam mo naman na hindi ako marunong lumangoy tapos binitawan mo naman ako. Paano kung nalunod ako?" galit na galit kong sabi sa kanya.
"Kapag sinabi ko na kumain ka ng tae... kain ka rin? Bobo ka?!" pagpapatuloy ko pa.
"Ang O.A mo. Iwan kita dito eh. Sige ka." pananakot niya.
Mabilis na nagbago ang mood ko dahil sa kanyang sinabi. Natakot akong bigla at hindi mapakali.
"Kuya naman eh... 'di na mabiro." nanginginig at mas humigpit ang kapit ko sa kanyang balikat.
"Kuya, punta na tayo sa mababaw please... doon na lang tayo. Malalim dito eh." sabi ko na parang bata na aligaga.
Ngunit hindi ko inaasahan ng bigla na lang niyang tanggalin ang isa kong kamay na kumakapit sa isa niyang balikat kaya mabilis akong kumapit ulit. Subalit tinatanggal niya ulit ito kaya nawawalan ako ng balanse.
"Hala! Hala! Hala! Hala nahulog! Hala nahulog!" ang sabi niya sabay kuha sa mga kamay ko at inilalayo ang kanyang katawan.
Hindi naman ako magkandaugaga at panay ang abot ko sa kanya na takot na takot para hindi ako tuluyang malunod.
Mahabaging berhin. Bata pa ako, gusto ko pang mabuhay. Marami pa akong pangarap. T_T
"Kuya 'wag ganyan! Kuya pleasee... tama na! Kuya pleaseee..." pakiusap kong takot na takot.
Hanggang sa maabot ko uli ng dalawa kong kamay ang kanyang balikat ng sabay at mabilis akong kumapit na parang tuko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napaluha na lang ako dahil sa pangtri-trip niya sa akin.
Umiyak na lang ako habang yakap ko siya dahil wala naman akong magagawa kapag bumitaw ako. Nang mapansin niyang umiiyak na ako ay saka pa lang siya tumigil sa kanyang ginagawa.
"Ang sama mo kuya! Ang sama-sama mooo!" napahagulgol ako sa kanyang harapan dahil sa takot.
"Joke lang naman yun Jessie eh... sorry na. Oy, sorry na... hindi ko naman sinasadya. Joke lang naman yun." panghihingi niya ng patawad sabay yugyog sa aking balikat.
"Ibalik mo na ako sa dalampasigan! Ibalik mo ako dun! Ang sama mo talaga! Napakasama mooo!" at nagpatuloy lang ako sa pag-iyak na parang bata na pinagtulungang inaway ng mga batang kalaro.
"Oo na, tahan ka na... ibabalik na kita dun." nag-aalala niyang sabi.
Hindi na ako nagsalita pa at humikbi na lang ako hanggang sa umabot na kami sa dalampasigan. Bumitaw na ako sa kanya ng mapansin ko na nasa mababaw na kami na parte at diretsong naglakad na hindi siya nililingon.
"Jessie sandali lang... sorry na. Joke lang naman yun eh! Ikaw kasi ang aga-aga pa mainit na agad yang ulo mo. Hoy sorry na... Jessiee..." ang sabi niya.
Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko na ang tuyong buhangin. Mabilis kong kinuha ang t-shirt ko na hinubad at mabilis itong isinuot ulit at pumunta sa may malapit na cottage. Umupo ako at nagpatuloy sa pag-iyak dahil sa takot at inis at dahil na rin sa pagkahiya.
"Jessie, sorry na... hoy sorry na." sabi ni kuya sa aking likod. Sinundan niya pala ako.
"Mamatay ka na! Gago! Mamatay ka na! Mamatay ka na!" sigaw ko.
Umalis ako sa kinauupuan ko dahil nand'yan lang pala siya at lumipat sa isa pang cottage. Pero patuloy lang siyang sumusunod sa akin.
"Jessie naman... joke lang naman yun eh. Hindi naman talaga kita hahayaang malunod. Binibiro lang naman kita."
"Anong hindi hahayaan?! Pisti ka! Nakainom nga ako ng tubig! Tapos sasabihin mo na hindi mo ako hahayaang malunod? Wow hah!" sigaw ko sabay talikod ko sa kanya.
Dahil hindi niya ako nilulubayan ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pabalik sa hagdan para makaakyat na sa itaas at patuloy lang siyang sumusunod sa akin. Pero bago pa man ako makaabot sa hagdan ay inakbayan na niya ako.
"Sorry na talaga... hindi na mauulit." ani niya.
Pansin ko na tumamlay ang kanyang boses.
Tatanggalin ko na sana ang braso niyang nakaakbay pero nang lingunin ko na ang mukha niya ay nakita ko na napakalungkot niya. Tingin ko seryoso na siyang humihingi ng tawad sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Oo na... basta hindi na mauulit yun hah?" ang nasabi ko na lang.
Ang hirap talagang tiisin ng lalaking 'to. Basta nakikita ko siyang malungkot ay nasasaktan ako. Kaya pinatawad ko na lang din, nagso-sorry na naman yung tao eh. Kaya dapat patawarin ko na lang din. Kahit nakainom ako ng tubig na maalat.
Carry pa rin naman. Aura pa rin.
Mabilis na nag-iba ang kanyang pagmumukha. Napalitan agad ito ng ngiti.
"Okay na hah? Okay na tayo hah?" naninigurado niyang tanong sa akin.
"Oo na, ang pangit kasi ng mukha mo pag nagdra-drama ka. Ang sagwa!" natatawa kong sabi sa kanya.
"Ang gwapo ko kaya. Balik na nga lang tayo sa dagat. Dali!" masigla niyang sabi.
"Ayoko na noh, natatakot na ako."
"'Wag kang mag-alala. Pramis... hindi na kita tatakutin. Tuturuan lang kitang lumangoy para matuto ka na. Sabi mo dati gusto mong matutong lumangoy 'di ba?"
"Ah basta ayoko na... nakakatakot kaya." alinlangan ko.
"Sige na... hindi na talaga ako magloloko. Pramis pa! Para naman marunong ka ng lumangoy. Ano... game?"
Natahimik ako saglit
"Sige, basta walang takutan huh?" seryoso kong sagot.
"Oo na... parang wala ka namang tiwala sa akin eh."
"Wala talaga!" at nagtawanan na lang kaming dalawa.
Sa sinabi nga ni Kuya Bernard ay tinotoo naman niya na hindi na ako tatakutin. Tinuruan niya akong lumangoy at hawak-hawak pa ang aking baba para makahinga ako at hindi malubog papailalim sa tubig. Tinuruan niya rin ako ng mga iba't ibang klase ng paglangoy at sa hindi katagalan ay natutunan ko naman ito nang paunti-unti.
Subalit hindi talaga yung magaling na, dahil baguhan pa naman ako. Pero okay na rin dahil medyo natuto naman ako sa mga itinuturo niya sa akin lalo na ang paglutang sa tubig na pinilit ko talagang matutunan. Nakakainggit kasi tignan yung mga marunong lumangoy na nakalutang lang sa tubig. Parang nagpapahinga lang.
Nang medyo tumatagal-tagal na ay tumirik na ang araw kaya nagpagpasyahan namin na bumalik na sa mansion nila Kurt at kumain ng agahan.
"Tikman mo... specialty ko yan." si Kuya Bernard.
"Ano namang special dito? Eh nag prito ka lang naman ng tocino at bacon." natatawa kong sabi.
"Yan lang naman talaga alam ko. Prito-prito lang talaga. Kaya 'wag ka ng magreklamo! Masarap yan!" natawa na lang ako sa kanya.
Kasalukuyan kaming kumakaing dalawa ni Kuya Bernard ng magising na sila Kurt at Oliver. Magkasabay silang bumaba ng hagdan kaya hindi ko maiiwasang kabahan ng bigla kong naalala ang nakita ko kagabi na ginawa nila sa may gate.
"Kain na kayo!" paanyaya ni Kuya Bernard sa kanila.
"Well, good morning guys!" si Oliver.
"Good morning din." sagot ko naman na hindi matignan si Oliver dahil sa kaba.
Maingay kaming nakakain lahat dahil sa kwentuhan sa hapagkainan. Nakikisabay na lang din ako ng pagtawa ng pilit kahit na kinakabahan ako at medyo naasiwa kapag naaalala ko ang nangyari kina Kurt at Oliver kagabi. Hanggang matapos kami sa pagkain.
"Okay ka lang ba Jessie?" tanong ni Kurt sa akin.
Kasalukuyan na akong naghuhugas ng mga pinagkainan namin.
"Oo naman... natanong mo?"
"Pansin ko kasi na ang tahi-tahimik mo kanina? May problema ba?"
"H-huh? W-wala! N-naaalala ko lang kasi ang bahay namin eh. Wala kasing bantay dun." palusot ko.
"Ah ganun ba? Don't worry... wala namang magnanakaw dun sa atin eh."
"Oo nga... praning lang talaga ako Kurt. Haha." nagpanggap akong natawa.
"Pag natapos ka na d'yan. Punta ka na agad sa sala huh?"
"S-sige." at ngumiti lang ako sa kanya.
Nang umalis na si Kurt ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi talaga matanggal-tanggal sa isip ko ang eksena kagabi sa aking isipan. Kaya pilit kong dini-distract ang sarili ko para hindi ako mahalata. Nagpresenta na lang akong maghugas para makaiwas muna sa kanila.
Nang matapos ako sa paghuhugas ay mabilis akong pumunta ng sala. Pagdating ko ay wala na si Kurt at si Kuya Bernard na lang mag-isa ang nakaupo sa sofa at nanonood ng tv.
"Oh, asan na sila Kurt kuya?" tanong ko kay Kuya Bernard.
"Aalis daw muna. May tumawag kasi sa kanya ng bigla. Kaya ayun... umalis na naman kasama si Oliver."
"Mamayang tanghali ba sila babalik?"
"Ewan ko dun sa dalawang yun. Baka gabi na naman siguro ang mga yun uuwi."
"Ahh... ganun ba." saglit akong natahimik.
Mas mabuti na hindi ko muna nakikita at makakausap si Oliver at Kurt. Hindi kasi ako mapakali at kinakabahan agad. Natatakot ako at baka madulas pa ako at may masabi na paghihinalaan nilang dalawa. Umupo na lang ako sa sofa at nakinood ng palabas kasama si Kuya Bernard ng bigla na lang siyang magsalita.
"Maligo ka muna dun at aalis din tayo." ani ni Kuya Bernard.
"Huh? Saan naman tayo pupunta kuya?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Bibisitahin ko ang puntod ng yumao kong ama. Gusto mo bang sumama sa'kin?"
"Ganun po ba? Ngayon ba death anniversary ng papa mo kuya?"
"Hindi pa. Sa makalawa pa pero ngayon na ako bibisita sa kanya para hindi ako maabutan ng pamilya ko. Mahirap na."
"Sige kuya... sama ako."
Mabilis akong naligo sa kwarto ko na tinutuluyan dahil may sarili namang banyo rito at pagkatapos ay nagbihis kaagad ng damit panlakad. Pumunta kaagad ako sa silid ni Kuya Bernard at kinatok siya.
*Tok... tok... tok... tok...*
"Pasok ka." sabi niya sa loob ng kanyang silid.
"Kuya tara na!" sigaw ko naman sa labas ng kanyang pinto.
"Sandali lang..."
"Ang tagal naman eh..." atat na atat kong sabi.
"Pasok ka na nga lang." sigaw niya sa loob.
Kaya pumasok na lang din ako. Binuksan ko ang pinto at nang makapasok ako sa kanyang silid ay namangha ako. Ang laki-laki pala sa loob. Mas malaki pa ito sa kasalukyan kong kwarto. Maganda ang kulay ng silid at ang gaganda ng mga kagamitan. Kapansin-pansin din ang mga hi-tech na kagamitan sa loob. Hindi ko siya makita kaya tinawag ko na naman ulit siya.
"Asan ka ba kuya?" sigaw ko.
"Teka lang... lalabas na." sabi niya na nanggagaling sa banyo.
Nang lumabas na siya sa banyo ay nakatapis lamang siya ng tuwalyang maikli hanggang sa hita niya at halata ang napakalaking umbok sa kanyang harapan.
"Ang bilis mo namang maligo." sabi niya.
Natahimik ako at parang hindi narinig ang kanya sinabi. Napatunganga na lang ako at napatitig sa kanyang harapan. Hindi ko napansin na papalapit na pala siya sa akin.
"Hoy! Ano yang tinitignan mo d'yan?"
Mabilis na bumalik ako sa aking ulirat. Nasa harapan ko na pala si Kuya Bernard. Hindi ko man lang napansin dahil sa pagkakatitig ko sa kanyang harapan.
"W-wala! S-sige lalabas na ako kuya. Bilisan m-mong magbihis." utal-utal kong sabi.
Tatalikod na sana ako subalit mabilis niya akong hinawakan dahilan para mapaharap agad ako sa kanya.
"Wala? Talaga? Bakit parang natulala ka yata Jessie?" maloko niyang tanong.
"A-ano... wala... k-kasi ano..." nagkabuhol-buhol ang aking dila at parang nahihirapan akong magsalita.
"Baka naman nagugutom ka pa? Gusto mo pang kumain? May jumbo hotdog ako rito." sabi niya na may halong pang-aakit. Alam ko ang tinutukoy niya.
"Hindi maganda ang biro mo k-kuya."
"Tingin mo nagbibiro ako?" sabi niya na nakangisi na.
Yumuko siya sa akin at inilapit ang kanyang mukha. Hinawakan niya pa ang aking mga balikat kaya hindi ako nakagalaw. Amoy na amoy ko ang sabon at after shave niya. Nakakapanghina ang aking nasasamyo na bango na nagmumula sa kanya.
"L-labas na ako k-kuya." sabi ko na kinakabahan.
Mabilis kong tinanggal ang kanyang mga kamay sa aking balikat at tumalikod. Agad akong lumayo sa kanya upang makalabas sa kanyang silid.
"Jessie san—" putol niyang sabi.
Hindi ko masyadong narinig dahil sa pagsarado ko kaagad ng pintuan. Bumaba na lang ako at pumunta ng kusina at uminom ng juice na malamig sa ref para mahimasmasan. Nakatayo lang ako at natigilan.
"Sorry Jessie... nadala lang ako. Hindi na talaga mauulit yun. Pasensya na." nagulat na lang ako na nasa kusina na rin pala si Kuya Bernard at nakabihis na rin siya.
"Akala ko kasi na gusto mo. Pasensya ka na sa inasal ko Jessie... hindi na mauulit yun. Sorry kung —"
"Kalimutan na natin yun kuya... pasensya ka na sa reaksyon ko kanina. Nagulat lang din kasi ako. Kalimutan na natin yun." pagputol ko sa kanyang sasabihin.
"S-sige." ang nasabi na lang niya.
KASALUKUYANG NAGMAMANEHO si kuya ngayon ng kotse ni Kurt dahil ang sasakyan naman ni Oliver ang ginamit nila sa pag-alis kanina. Tahimik lang ako sa backseat habang pinagmamasdan ang tanawin. Hindi rin nagsasalita si kuya kaya pakiramdam ko ay nabingi kami sa katahimakan na pumapalibot sa aming dalawa. Nang bigla na lang niyang binasag ang katahimikan na ito.
"Jessie, sorry talaga sa inasal ko kanina. Hindi na talaga yun mauulit." nakatingin siya sa rear view mirror ng kotse at nakikita ko ang reflection niya na nakatingin sa akin.
"'Wag na nating pag-usapan yung nangyari. Kalimutan na lang natin yun kuya." sagot ko na lang sa kanya at tumango naman siya.
Makalipas ng ilang minuto ay nag-usap na kami ng kaswal at pilit na pinagagaan ang mabigat na hangin sa aming dalawa. Hanggang sa mawaglit na sa aming isipan ang nangyari. Mahigit isang oras din ng marating namin ang sementeryo kung saan nakalibing ang ama ni Kuya Bernard.
Tulad ng mga pribadong sementeryo na palaging nakikita. Mga lapida lang ang nasa patag na lupa na tinutubuan ng halamang bermuda. Tahimik ang paligid at malinis ang kapaligiran. Halatang alagang-alaga. Inilapag ni Kuya Bernard ang dalang bulaklak sa puntod ng kanyang ama.
"Jessie... dad ko." pagpapakilala ni kuya sa akin sa kanyang amang yumao.
Yumuko na lang ako tanda ng paggalang sa namatay.
Tahimik na nakatingin si Kuya Bernard sa puntod ng kanyang ama. Hindi ko alam kung umiiyak siya dahil naka-shades siya ng itim at naka-jacket para maitago ang kanyang sarili. Pero pansin ko ang pagpula ng kanyang mukha.
Hinawakan ko ang likod niya at paulit-ulit ko itong hinagod para pagaanin ang loob niya.
"Pinapatawad na kita Dad sa pagtakwil mo sa akin. Dad, wala akong kasalanan sa nangyari. Hindi ko pinatay ang asawa ko pero pinili niyo pa rin akong ipakulong. Hindi niyo man lang pinakinggan ang side ko. Pero kahit na ganun pa man ay pinapatawad ko na po kayo. Hahanapin ko po ang katotohan kung sino man ang tunay na pumatay sa asawa ko. Sisiguraduhin ko po na magbabayad siya. Kung saan ka man ngayon, sana masaya ka na at payapa." halata sa boses niya na nagpipigil siya sa tunay niyang emosyon.
Kahit na maaraw ay hindi kami naiinitan ni kuya dahil sa lilim ng malaking puno na malapit lang sa puntod ng kanyang ama. Ilang minuto rin kaming nanatili hanggang sa umalis na rin kami nang tumagal-tagal na at baka may makakita pa sa kanya.
Pagbalik namin sa kotse na nakaparada ay napansin kong napakatahimik ni Kuya Bernard. Kahit nasa loob na kami ay hindi niya pa rin tinatanggal ang shades sa kanyang mga mata.
"Kuya okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Oo, okay lang ako." sabay pakita niya ng pilit na ngiti sa akin.
Nang tanggalin na niya ang shades niya ay napansin ko ang pagpula ng kanyang mga mata. Halatang nagpipigil siyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman. Ilang minuto rin ang katahimikan hanggang sa pinaandar na niya ang sasakyan at umalis na kami sa sementeryo.
GABI NA at masaya kaming nagkwekentuhan ni Kuya Bernard sa sofa habang nanonood ng movie. Busog na busog kami sa hapunan na kinain namin. Nang matapos kami sa panonood ay naisipan naming maglaro ng playstation para malibang pa kami. Hanggang sa dumating na sila Kurt at Oliver. May dala silang dalawang case ng beer pati na rin mga pulutan.
"Oh nakakain na ba kayo?" tanong ni Kuya Bernard sa dalawa.
"Oo tapos na insan. Kayo tapos na?" si Kurt.
"Kanina pa, busog na busog nga kami eh." sagot naman ni kuya.
"Ano pang hinihintay natin? Inuman na tayo!"
Kaya nagsimula na ang tagayan.
Kahit na hindi ako umiinom ay uminom na lang din ako para na rin makisama sa kanila. Pero pa konti-konti lang dahil baguhan pa naman sa inuman.
"Sige tagay pa!" tuwang-tuwang sabi ni Kurt.
Kaya nagpatuloy kami sa pag-inom hanggang sa maubos na namin ang isang case ng beer na hindi namin napapansin. Maingay at puno ng tawanan ang inuman at tagayan. Kahit ako ay hindi na nahihiya dahil may tama na kahit na konti lang ang ininom ko.
Hindi katulad sa tatlo. Dahil na rin sa alak ay pansamantala kong nakalimutan ang nangyari kay Kurt at Oliver kagabi. Pero kahit na sumasagi paminsan-minsan sa aking isipan at naaalala ko ang halikan nilang dalawa ay parang wala na rin akong pakialam pa dahil sa tama ng alak sa akin.
Pansin kong may tama na rin ang tatlo dahil sa sobrang ingay na nilang nagtatawanan. Umayaw na ako at tumigil na sa pag-inom pero panay pa rin ang abot sa akin ng baso ni Kurt para uminom. Kaya uminom na lang din ako kahit nahihilo na. Kahit na si Kuya Bernard na siyang pumipigil sa dalawa kapag inaabutan ako ng baso ng beer kanina lang ay siya na rin mismo ang nag-aabot sa akin ng baso para uminom.
Lasing na rin kasi siya. Kanina ay hinay-hinay lang ang pag-inom ko dahil sinasalo ni Kuya Bernard ang tagay ko. Hinahayaan lang nila ako na mag-pass. Pero ngayon pinipilit na nila akong uminom nang uminom.
Kapansin-pansin na sa kanilang tatlo ay si Kuya Bernard ang may pinaka may tama dahil sa pagsalo niya sa aking inumin kanina. Kaya siya ang may pinakamaraming nainom sa lahat.
"How about we play a game?" ang biglang sabi ni Oliver.
"Ano namang laro?" tanong ni Kuya Bernard.
"Spin the bottle kuya. Truth or dare. Ang matuturo ng bottle ay tatanungin ng random question for truth and you need to answer it with all honesty. If you want a dare, you need to follow what is being requested for you to do so. Simple right? If you don't want to answer the question and you don't want to follow the dare, then you need to face the consequence. By taking of something." sabi ni Oliver.
"Sige, game!" excited na sagot ni Kurt.
Kinakabahan ako sa larong ito. Hindi na sana ako sasali pero umuo na si Kuya Bernard at pinilit nila ko lahat na sumali. Kaya nakisali na lang din kahit ayaw ko naman talaga. Lalo pa at apat lang naman kami. Ayaw ko namang maging pamatay saya. Naupo kaming lahat sa sahig na pabilog.
Nang magsimula ng umikot ang bote na walang laman ay unang itinuro nito si Kurt. Para pantay lahat ay inikot ni Kurt ang bote ulit kung sino ang magtatanong ng truth or dare sa kanya. Itinuro nito si Oliver kaya si Oliver ang nagtanong sa kanya kung truth or dare ang kanyang pipiliin. Nang pinili ni Kurt ang truth ay diretso kaagad siyang tinanong ni Oliver.
"Have you ever licked a woman's ass before?" natatawang tanong ni Oliver sa kaibigan.
Nabigla ako sa tanong ni Oliver kaya mas kinabahan pa ako. Hindi ko inaasahan na ganitong klase ang mga katanungan. Masyadong personal at nakakabahala. Nagulat na lamang ako ng biglang tinanggal ni Kurt ang kanyang relo. Hiyawan ang lahat. Ayaw niyang sagutin ang tanong.
Nang umikot na naman ang bote ay ako ang itinuro nito. Halos mandilat ako dahil ako ang naituro ng bote. Truth ang pinili ko kaya tinanong kaagad ako ni Kurt.
"Ilang taon ka Jessie ng makaranas ng sex?"
Para akong nabalot ng hiya sa tanong ni Kurt sa akin. Natigilan ako at napayuko sa tanong na hindi ko inaasahan.
"Eig-eighten..." alinlangan kong sagot na hindi matignan ang aking mga kasama.
Nagkantsawan kaagad ang tatlo sa akin. Hindi ko naiwasang mamula.
Dahil ako ang naituro ng bote, kaya ako na ang magpapaikot nito at kung sino man ang maituro nito ay tatanungin ko ng truth or dare. Sa hindi ko inaasahan ay ako ang naituro muli nito kaya sinabi agad ni Oliver na hindi pwede since bumalik ang bote sa akin.
Inikot kong muli ang bote at si Kurt ang itinuro nito. Dare ang pinili niya kaya inutusan ko siya na ikuha ako ng tubig na maiinom. Pero bago pa man makatayo si Kurt ay nagsalita na agad si Oliver.
"That's too simple Jessie. Choose something that's not easy to do. No challenge! For goodness sake. Try something weird or naughty." tawang-tawa niyang sabi.
Kaya pinabawi nila sa akin ang utos ko.
"Sige ito na lang Kurt. Kagatin mo nga yang si Oliver. Daming reklamo eh!" sabi ko.
Tawanan.
Mabilis na kinagat ni Kurt si Oliver sa leeg kaya mas nagtawanan kaming lahat. Nang inikot ni Kurt ang bote ay si Kuya Bernard ang naituro nito.
"Truth or dare insan?" si Kurt.
"Hmmnn... truth?" hindi siguradong sagot naman ni Kuya Bernard.
"May kinantot ka na ba outdoors insan?" tawang-tawang tanong ni Kurt kay Kuya Bernard.
Nagulat akong bigla sa tanong ni Kurt. Napatikhim na lamang si Kuya Bernard at bigla na lang tiningnan ako ng panakaw. Napalunok ako ng laway sa kaba.
Sa isang iglap ay bigla na lang niyang tinanggal ang suot niyang kwentas. Tawanan at sigawan. Napakamot na lang si Kuya Bernard sa kanyang ulo. Lihim akong napangiti.
Hanggang sa tumakbo pa ang mga minuto at hindi na namin namamalayan pa ito.
Nang tumagal ang laro ay nakahubad-baro na si Kuya Bernard at tanging shorts na lang ang suot niya ngayon. Si Kurt naman ay pantalon na lamang ang suot. Si Oliver naman ay balot na balot pa rin dahil marami kasi siyang kasuotan sa katawan. Habang ako naman ay pulseras lamang ang natanggal.
Nang umikot pa ang bote ay si Kuya Bernard na naman ang itinuro nito.
"Sige insan... truth or dare?" tanong ni Kurt.
"Tang ina! Ako na naman? Dare na nga lang! Puro ako truth eh... tuloy shorts na lang natira sa akin." nagtawanan kaming tatlo sa kanyang sinabi.
"Sige ito ang dare ko sa'yo. Halikan mo si Jessie sa labi!" natigilan ako sa sinabi ni Kurt at natawa lang si Kuya Bernard.
"Hoy! bakit ganyan? Ang daya naman niyan. Iba na lang Kurt. Bakit ganyan ang dare? Iba na lang." reklamo ko.
"Mas maganda nga 'to dahil mahirap." at humalakhak lamang si Kurt.
Paglingon ko kay Kuya Bernard ay nakangisi na siya at dinila-dilaan pa ang kanyang mga labi na nagpapatawa. Ininguso pa niya ang mga labi niya nang paulit-ulit habang nakatingin sa akin. Game na game siya. Kaya halos mapaluha na si Kurt sa pagtawa.
Unti-unting lumapit si Kuya Bernard sa akin na nakangsi kaya pinigilan ko na siya agad bago pa man tuluyan siyang makalapit sa akin.
"Sige! Subukan mo lang na halikan ako at hindi ka na sisikatan ng araw bukas! Sige! Try mo lang at sasaksakin talaga kita kapag matutulog ka ng unggoy ka!" pagbabanta ko na ikinatawa naman nila Kurt at Oliver. Natawa na lang din si Kuya Bernard.
"Sige na! Ngayon lang naman 'to Jessie!" kantiyaw ni kuya sa akin.
"Subukan mo lang at ihahampas ko talaga 'tong mga bote sa ulo mo!" sigaw ko.
Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo. Nagtawanan naman sila Kurt at Oliver sa reaksiyon ni Kuya Bernard.
Dahil hindi naman niya nagawa ang iniuutos sa kanya ni Kurt kaya dapat harapin niya ang consequence na dapat may tanggalin na kahit ano sa katawan. Kaya bigla na lang niyang hinubad ang kanyang shorts. Tumambad sa aming lahat ang kanyang kahubadan at ang malaking umbok niya sa harapan na nababalutan ng puting brief.
Wala na kasing ibang natitira pa sa kanya na pwedeng hubarin kaya ang shorts na lang ang pwede niyang tanggalin. Natawa lang si Kurt subalit napansin ko ang pagkagulat sa mukha ni Oliver ng makita ang hubad na, na katawan ni Kuya Bernard.
"Tang ina naman. Ako lang palagi itinuturo ng bote eh. May dayaang nangyayari dito." reklamo na lang niya.
Tumawa na lang kami.
Nagpatuloy pa kami sa paglalaro at patuloy lang ang tatlo sa pag-inom hanggang sa maubos na nila ang isa pang case. Lasing na lasing na silang tatlo. Halata ko na panay na ang sulyap ni Oliver sa katawan ni Kuya Bernard lalong-lalo na sa malaking hinaharap nito.
Kung tumatawa naman siya ay panay ang hawak niya sa hita ni Kuya Bernard na wala lang kay kuya. Tawang-tawa lang siya dahil sa laro.
May nararamdaman akong kakaiba sa mga sulyap ni Oliver kay Kuya Bernard na ako lamang ang nakakapansin. May ibig sabihin ang mga ito alam ko na may halong pagnanasa.
Nagpatuloy pa kami sa paglalaro hanggang sa si Kurt na naman ang itinuro ng bote. Naka-boxer shorts na lang si Kurt dahil palagi rin kasi siyang naituturo ng bote. Pinili niya ang dare kaya nagulat na lang ako sa iniutos ni Oliver sa kanya.
"Kunin mo ang kamay ni Jessie and then ipadakma mo ang harapan mo!"
Napanganga ako sa iniuutos ni Oliver. Magrereklamo pa sana ako pero mabilis na nagsalita si Oliver.
"Just let him do it Jessie... not unless if you want to see Kurt naked!" natatawang sambit ni Oliver.
Para akong natigilan sa kanyang sinabi.
"Game!" ang nasabi na lang ni Kurt.
Mabilis kong nilingon si Kurt dahil sa kanyang sinabi. Payag siya at parang wala lang sa kanya na ipahawak ang kanyang harapan sa akin. Hindi talaga ako pumapayag pero mabilis na hinawakan ni Kurt ang aking kamay at pilit na ipinahahawak ang kanyang harapan.
"Ayokong maghubad Jessie. Saglit lang naman 'to." parang wala sa sariling sabi ni Kurt.
Kaya wala na rin akong nagawa at hinayaan ko na lang din siya. Baka maisip pa nila na gusto kong makita na hubo't hubad si Kurt. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nahihiya ako at hindi talaga ako komportable sa gagawin niya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang sa palad ko ang umbok ni Kurt na idiniin niya sa aking palad.
Mabilis kong binawi ang kamay ko dahil naipahawak na niya ang kanyang harapan na siya namang singit na naman ni Oliver.
"Ooops! Not yet Jessie... not yet."
Kinuha ulit ni Kurt ang aking kamay at ipinadakma ulit sa kanyang harapan. Umiwas na lang ako ng tingin dahil sa hiya.
Nang sa hindi inaasahan bigla na lamang pumintig ang ari ni Kurt sa ilalim. Kaya napalingon ako sa kanya sa gulat. Nakangiti lang siya parang wala lang sa kanya ang ginagawa niya sa aking kamay.
Siya na mismo ang madiin na pinapahawak sa akin ang ari niya at sinasamahan pa niya ito ng kanyod na mas lalong ikinatuwa ni Oliver. Mabilis kong hinablot uli ang kamay ko sa kanyang harapan. Naaasiwa ako sa paghawak dito.
"Okay done!" tuwang-tuwang sabi ni Oliver.
Pansin kong natahimik si Kuya Bernard sandali. Pero nakangiti pa rin siya subalit parang malamlam ang mga ngiti niya. Nagkibit-balikat na lamang ako. Wala lang naman kay Kurt kaya hindi ko na lang inisip pa ang ginawa niya at nagkunwari akong wala lang ang lahat at sabay na ring nakitawa. Pero kapansin-pansin na medyo bumukol pa ang boxers niya.
Nang pinaikot ni Kurt ang bote ay si Kuya Bernard na naman ang itinuro nito at mabilis na pinili ni Kuya Bernard ang dare.
"Sige insan, kantutin mo ang kamay ni Oliver!" utos ni Kurt.
Hindi ako nakagalaw sa aking narinig.
"What the fuck Kurt... so gumaganti ka?" natatawang sabi ni Oliver.
"Para naman makaganti rin kami ni Jessie. 'Di ba Jessie?"
"Ah... o-oo para m-makaganti rin kami sa'yo." sabi ko na natatawa ng pilit.
Pero sa totoo lang ay hindi ako natutuwa at komportable sa pinapagawa ni Kurt kay Kuya Bernard sa kay Oliver.
"Sus, yun lang pala. Walang problema!" mabilis na kinuha ni Kuya Bernard ang isang kamay ni Oliver at inilagay sa kanyang umbok sa harapan.
Kinanyod-kanyod niya pa ang kamay ni Oliver habang tawang-tawa naman si Kurt sa nangyayari. Pero higit na napansin ko ang ngiti ni Oliver. May iba rito. Nagugustuhan niya ang ginagawa sa kanya ni Kuya Bernard.
Parang may kumirot sa sulok ng aking puso. Hindi ko nagugustuhan ang nangyayari.
Bigla na lang tumingin si Kuya Bernard sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Pero pansin ko na parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Tawang-tawa pa siya sa kanyang ginagawa at parang wala lang sa kanya ang lahat.
"Oh, tama na. Parang nagugustuhan niyo na ang ginagawa mo insan? Baka dumami ang kamay niyan ni Oliver!" sabi ni Kurt na natatawa.
Kaya tinanggal din naman ni Kuya Bernard ang kamay ni Oliver sa kanyang harapan.
Si Oliver naman ay natatawa lang.
Napatingin ako sa umbok ni Kuya Bernard. Parang hindi naman ito nabuhay. May naramdaman ako na hindi ko maipaliwanag. Parang natuwa ako sa hindi maintindihang kadahilanan.
"Bukas, apat na yang kamay mo Oliver!" pang-aalaska ni Kuya Bernard sa kanya.
Tumawa lang sila.
Lumipas pa ang oras at parang mas nahihilo pa ako. Kumuha pa kasi sina Kurt at Oliver ng isa pang set ng inumin sa ref at isinali na naman nila ako sa tagayan. Parang hindi sila nalalasing nang basta-basta hindi katulad ni Kuya Bernard na halatang lasing na lasing na talaga.
Nang sa kalaunan ay tumigil na rin kami sa paglalaro at nag-inuman na lamang. Pero hindi na nag-abala pa sina Kuya Bernard at Kurt na magbihis. Nag underwear na lamang silang dalawa dahil naiinitan.
Sa katagalan ay hindi ko na kaya pa ang uminom kaya nagpaalam na ako sa kanila. Kung hindi kasi ako aalis ay paiinumin pa nila ako. Kaya minabuti ko na lang na umakyat sa silid upang magpahinga. Hilong-hilo na kasi ako.
Pagdating ko sa aking silid ay agad akong nahiga sa kama. Nahihirapan akong gumalaw at parang umiikot ang paligid ko. Naramdaman ko na lang bigla ang pagbigat ng aking dibdib at parang ako ay masusuka na.
Mabilis akong tumakbo sa banyo at sa isang iglap lang ay isinuka ko lahat ng aking ininom at kinain sa inidoro. Ilang beses akong sumuka at parang pakiramdam ko ay matatangal na ang aking bituka sa tindi ng aking pagsusuka.
Nang makabalik ako sa kama ay hinang-hina akong nahiga. Parang nawala ang lakas ko sa katawan.
Ipinikit ko ang aking mga mata subalit hindi ako makatulog. Mabuti na lang at may dala akong ointment at pinahid ko ito sa aking ilong para mawala ang aking hilo. Habang tumatagal ay parang nararamdaman ko na nawawala ang pagkalasing ko. Parang nahihimasmasan ako.
Halos mag-iisang oras na akong nakahiga subalit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naisipan kong bumaba para uminom ng tubig dahil nauuhaw ako. Papababa na ako ng hagdan ng may narinig akong mga ungol ng isang lalaki. Alam ko kung sino yun. Pamilyar ang boses na ito para sa akin.
Mabilis na kumalabog ang dibdib ko at tahimik akong humakbang pababa hanggang sa makita ko na ang isang bagay na gumimbal sa akin.
"Aaahhh... uugghhh... aaahhh... aaahhh... aaahhh... ooohhh..." sarap na sarap na ungol ni kuya habang nakapikit pa.
"Sluuurrp... sluuurrp... uhmnnn... hmmnnn... sluuurrp... uwaarrkk... gwaarrkk... uhhmmn... sluuurrp... uhmmp... uhmnnn... sluuurrp... sluuurrp..." matunog na ingay ng pagsipsip.
Parang hinambalos ako ng kahoy sa aking nadatnan. Nahuli ko si Kuya Bernard na nakaupo at nakabukaka ng hubo't hubad sa sofa ng sala habang tsinutsupa ni Oliver!
"You like it kuya? Fuck this monster cock!" malanding sabi ni Oliver ng mailuwa niya ang malaking sawa.
Mabilis naman niyang isinubo ulit ang kahabaan ni Kuya Bernard at mas pinaghusay pa niya ang pagsubo rito.
Ang sagot naman ni Kuya Bernard ay mga ungol lang. Ungol na sarap na sarap. Nakasandal siya sa sofa at sarap na sarap sa pagtsupa ni Oliver sa kanya. Nakanganga at nakatingala nakapikit pa.
Nakaluhod si Oliver sa harapan ni kuya at walang habas na nagtaas-baba ang kanyang ulo sa kahabaan ni Kuya Bernard. Parang sinaksak ang dibdib ko ng patalim dahil sa aking nakita.
Nakatalikod si Oliver kaya hindi niya alam na nahuli ko ang kanilang ginagawang kahalayan ni Kuya Bernard. Habang si kuya naman ay nakapikit lamang at sarap na sarap sa ginagawa ni Oliver sa kanya. Hindi niya alam na nakikita ko ang ginagawa nila.
Hindi ako nakahinga at biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi ko namamalayang dumaloy na ang mga luha sa aking mga mata. Nanginginig akong napatakip sa aking bibig at nagsilakbo ang sakit. Sakit na ngayon ko lang naramdaman. Tumalikod ako at napahawak sa dingding. Parang nawala ang aking lakas at nanghina ang aking mga tuhod.
"Aaahhh... aaahhh... aaahhh... aaahhh... ooohhh... ooohhh... uugghhh..." mas lumalakas pa na ungol ni Kuya Bernard.
Para akong sinaksak nang paulit-ulit sa bawat ungol na naririnig ko sa kanya. Mas sumikip pa ang aking dibdib para na itong sasabog. Napahawak ako rito.
Maingat akong umakyat uli sa itaas na hindi gumagawa ng kahit anumang ingay kahit na sobrang nahihirapan. Tila hindi ko maihakbang ang aking mga paa dahil sa pagbigat ng aking katawan. Hanggang sa nakapasok na ako sa aking silid.
Dito na ako napahagulgol sa iyak. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit ng aking nakita. Nagpatianod ako sa aking mga luha dahil sa sobrang sakit na aking naramdaman.
Ang sakit-sakit pala ng katotohan. Ang katotohanan na humampas sa aking sarili na isa lang talaga akong parausan. Naghanap siya ng bagong tutugon sa kanyang mga pangangailangan dahil wala ng nangyayari sa aming dalawa.
Wala akong karapatan na masaktan at magselos. Hindi siya akin. Hindi naman kami. Walang kami. Ito ang masakit na katotohanan.
Itutuloy...
Feel free to Comment. T_T
It really hurts... T_T
Aww, I feel sad for Jess. Ang hirap ng situation n'ya. Pero, still at the back of my mind, a voice is saying na it's all okay, wala naman kasing mutual feelings between them. Si Jess lang. Nauna s'yang na-fall at nasaktan. 🥺
ReplyDeleteYan ang disadvantage ng walang label. So sad
ReplyDelete